Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: boybitcoin on July 01, 2024, 06:08:15 PM



Title: Tap To Earn Telegram
Post by: boybitcoin on July 01, 2024, 06:08:15 PM
Ano masasabi niyo sa tap to earn games sa telegram, masyado syang hype!


Title: Re: Tap To Earn Telegram
Post by: serjent05 on July 01, 2024, 09:29:09 PM
Ang masasabi ko lang ay ginagamit ng developer ang hype para pagkakitaan ang tao especially iyong may mga option to gather coins sa pamamagitan ng panonood ng kanilang vidoes sa kanilang social media channels.

Sa tingin ko marami ang madidisappoint sa magiging resulta ng airdrop.  Since hindi pa concrete ang sistema ng distribution, ni wala nga guidelines kung ilan ang makukuha ng bawat isa sa bat in-app coins na makukuha, so malamang lamang baka sentimo lang ang matatanggap ng bawat isa.  

Imagine sa hundreds of millions of users, at walang ganun kalaking pera or funds ang developer, ano pa ba ang aasahan ng bawat isa?

For me aksya lang sa oras ang mga ito, good if I am wrong at sana nga mali ako ng akala.


Title: Re: Tap To Earn Telegram
Post by: Asuspawer09 on July 01, 2024, 10:58:21 PM
Ang laki ng hype dahil sa Notcoin kaya maraming mga project projekan lang nagsilabasan ngayon, Since nakita din siguro nila yung potential ng hamster kombat kung saan sobrang laki ng kanilang kinikita kahit dun sa Youtube Views lang nila and almost million na agad ang subcriber nila, in the end ginagatasan talaga ng nila ang community dahil sa hype ng mga Tap to Earn Telegram games.

I mean wala naman tayong magagawa jan dahil nagaabang lang naman tayo ng mga possible Airdrop, and in the end libre lang naman ang mga ito, kaya nakadepende lang talaga sa user kung tutuloy niya ang paggagrind or kung aasa siya sa airdrop.


Title: Re: Tap To Earn Telegram
Post by: cryptoaddictchie on July 02, 2024, 01:33:49 AM
The trend will die if not yet now maybe soon. Alam naman natin na may hangganan ang mga hype. After notcoin di na ko sumali sa ihang tap to earn kasi may temdency na yung mga copy paste projects mag flop na. Iba talaga ang impact if ever 1st na naglaunch. So abang lamg sa potential first kasi sila yung mga normally patok sa airdrop and paldohan.


Title: Re: Tap To Earn Telegram
Post by: tech30338 on July 02, 2024, 03:18:02 AM
tama si boss cryptoaddictchie trend lang ito this year or months tapos iba nanaman, ang masasabi ko lang if ikaw ay airdrop hunter and ayaw mo maglabas para maginvest, sumabay kalang sa agos ng trend ganyan ang mga airdrop hunter, wag mafall inlove gaya ng nangyare sa axie, pero isang babala magingat kayo sa mga sinasalihan ninyo hindi nyo alam mamaya mayroon na script na kasama, at maari kading mahack sa ganetong way, kaya doble ingat parin tayo mga kabtt.


Title: Re: Tap To Earn Telegram
Post by: mk4 on July 02, 2024, 04:06:40 AM
Sobrang daming nag eexpect na kikita sila — chances are, malamang sa malamang barya barya lang makukuha ng karamihan ng tao knowing kung gaano karaming nagbabalak mag benta after ng airdrop(Hamster Kombat).

Overall, automatic deads agad tong laro na to at hindi tatagal kung hindi nila gawan ng matinong ekonomiya ung laro ng maaga. Kung hindi, magiging parang Axie Infinity lang.