Title: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: tech30338 on July 20, 2024, 01:22:49 AM Bagong bagong balita lang ito malamang ang iba ay nabasa na , ang mga paliparan banko at mga news outlet ay nagkaroon ng problema kung saan ang dahilan ay ang crowdstrike.
Link ng news: https://www.forbes.com/sites/kateoflahertyuk/2024/07/19/crowdstrike-windows-outage-what-happened-and-what-to-do-next/ Kung ikaw ay sakaling naapektuhan ng ganetong problema maari mong gawin ang mga sumusunod:
Ang nasabing incident ay dahil sa kanilang update, na pansamantalang ngpabagsak ng mga computers kung saan meron silang ganetong application. kaya minsan para sa mga computers na gumagamit ng windows, huwag basta basta magupdate, at kung maari basahin muna ang mga release notes if mayroong magiging impact sa mga computers, company or personal, always have a backup seperate. Kaya talagang maswerti ang mga nakalinux flavors na OS sa mga gusto naman maglinux narito naman ang link: https://ubuntu.com/ https://fedoraproject.org/ https://www.debian.org/ Isa sa mga nagamit ko na ay ubuntu, CentOS debian, pero mas nagstick ako sa ubuntu dahil sa mga ginagawa ko na testing, hindi ito advertisement ng mga OS pero shinare ko lang baka sakaling inyong magustuhan, mas secure sya at hindi basta magrrun ang mga virus tulad sa windows, naalala ko ung isang fileserver dati, may virus ang pc pero di naaapektuhan ang fileserver kasi nkalinux. Sana nakatulong ang munting post na ito sa inyo, anung masasabi ninyo, nakawindows kaba or linux flavors? naapektuhan kaba ng update nela or hindi mo kilala? Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: Coin_trader on July 20, 2024, 07:34:13 AM Hindi ko naexperienced itong BSOD sa windows ko. Nabasa ko itong news na ito kagabi at sinasabi ng cloudstrike ceo na mga business computer lang ang mostly affected since sila yung gumagamit ng cloudstrike feature para sa realtime update ng mga customers nila personal computer ay wala naman masyadong use.
Nabasa ko dn na suggestion ng CEO na ireboot lang dw ng 15 times yung computer pero not guaranteed kung mafifix yung problem. Sobrang hirap ayusin nito para sa mga business comouter since sobrang daming affected computer na need ifix manually. Sobrang hassle talaga ng windows. :D Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: Peanutswar on July 20, 2024, 03:19:56 PM Isa sila sa mga kilalang software pag dating sa industry at tsaka nakapag tataka na nakapag release sila ng biglang isang release na hindi na double check ng mga developer at alam naman natin kung gaano kalawak ang mga hawak nilang client at dahil sa halos isang oras nilang down time ay malaki na ang impact nito sa mga industry at reason bakit bumaba din bigla yung stocks nila. For personal use na computer is wala itong impact pero kasi pag dating sa organization or business company alam naman natin na iniiwasan ang vulnerability ng isang device kaya ayun na affect din sila.
Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: Mr. Magkaisa on July 21, 2024, 09:00:07 AM - Yang ubuntu madalas ko yan naririnig at madalas ko din yan napapanuod sa youtube kapag merong mga tutorial na free mining, na kung saan yung installation procesure ay ubuntu yung ginagamit na command ba yun.
Pero never ko pang naranasan na gamitin yan at mukha naman din ayos siya at safe gamitin. Lalo pa ngayon na parang nirerecomend mo na okay siyang gamitin, tama ba op? Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: tech30338 on July 21, 2024, 01:03:05 PM - Yang ubuntu madalas ko yan naririnig at madalas ko din yan napapanuod sa youtube kapag merong mga tutorial na free mining, na kung saan yung installation procesure ay ubuntu yung ginagamit na command ba yun. yes boss ang kagandahan nyan pwede kadin gumawa jaan ng fileserver, may desktop kasi ang ubuntu saka server, matagal tagal ko na silang ginagamit so far wala naman akong issue, pang server ko at pang desktop , mabilis at di matakaw sa resources di gaya windows pati office meron sila, complete nadin, subukan mo bossPero never ko pang naranasan na gamitin yan at mukha naman din ayos siya at safe gamitin. Lalo pa ngayon na parang nirerecomend mo na okay siyang gamitin, tama ba op? Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: PX-Z on July 21, 2024, 11:19:16 PM kaya minsan para sa mga computers na gumagamit ng windows, huwag basta basta magupdate, at kung maari basahin muna ang mga release notes if mayroong magiging impact sa mga computers, company or personal, always have a backup seperate. Either license OS or hindi gamit mo at naka on auto-update mo windows basta hindi ka subscriber ng Crowdstrike ay hindi affected device mo sa nangyari lately. Yung mga affected ay subscribers only. Marami kaseng misinformation nagkalat lately about comparing OS, kesyo naka Mac OS or naka Linux kaya di sila affected, marami naman kase naka Windows ang hindi affected sa nangyari. This incident is not based on what OS you are using, this is about Crowdstrike's mistakes at Crowdstrike subscribers. Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: serjent05 on July 21, 2024, 11:59:02 PM Matagal ko ng dinisable ang update ng windows system ko, kaya siguro hindi ko rin naranasan ang BSOD na sanhi ng crowdtrike. Maganda sana ang paggamit ng linux kaya lang medyo mahirap magadjust kapag nakasanayan na ang window os.
Unless may extra unit tayo na pweden paginstallan ng linux system, medyo hassle ang pagshift ng operating system lalo na at araw araw nating ginagamit ang ating pc. Mahirap mangapa ng mga command at magugugol din tayo ng mga ilang araw sa pag-aaral ng basic commands ng bagong system. kaya minsan para sa mga computers na gumagamit ng windows, huwag basta basta magupdate, at kung maari basahin muna ang mga release notes if mayroong magiging impact sa mga computers, company or personal, always have a backup seperate. Either license OS or hindi gamit mo at naka on auto-update mo windows basta hindi ka subscriber ng Crowdstrike ay hindi affected device mo sa nangyari lately. Yung mga affected ay subscribers only. Marami kaseng misinformation nagkalat lately about comparing OS, kesyo naka Mac OS or naka Linux kaya di sila affected, marami naman kase naka Windows ang hindi affected sa nangyari. This incident is not based on what OS you are using, this is about Crowdstrike mistakes. True, danil ang problem ay application based, lahat ng mga gumagamit ng crowdstrike ay maapektuhan kapag nagkaroon ng problem sa program nito. Kaya hindi lahat ng windows users ay maapektohan. Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: GreatArkansas on July 22, 2024, 12:24:42 AM kaya minsan para sa mga computers na gumagamit ng windows, huwag basta basta magupdate, at kung maari basahin muna ang mga release notes if mayroong magiging impact sa mga computers, company or personal, always have a backup seperate. Either license OS or hindi gamit mo at naka on auto-update mo windows basta hindi ka subscriber ng Crowdstrike ay hindi affected device mo sa nangyari lately. Yung mga affected ay subscribers only. (....) Madami akong nabasa online na pagkakalam nila eh laaht mismo ng windows OS ng microsoft ay affected, di nila alam eh yung Crowdstrike lang naman yun nag ka issue. So for sure, if you are just a normal individual na ang OS mo ay yung windows lang without using Crowdstrike, then safe to. Siguro too technical din para sa ibang tao yung nangyari about Crowdstrike and Microsoft. Title: Re: crowdstrike outage dahilan ng bluescreen ng mga pc Post by: PX-Z on July 22, 2024, 11:38:55 PM Madami akong nabasa online na pagkakalam nila eh laaht mismo ng windows OS ng microsoft ay affected, di nila alam eh yung Crowdstrike lang naman yun nag ka issue. Yes, napakadaming posts sa social media about this misinformation sa recent incident ng crowdstrike, may mga memes pa, yung iba naging expert na rin about OS, cybersec, etc. So for sure, if you are just a normal individual na ang OS mo ay yung windows lang without using Crowdstrike, then safe to. The worst happened eh nag drop ang share stocks ng company kaya napakalaki ng damage nila, baka nga nag silipat din mga subscribers nila. If na test at na double check muna nila thorugh QA bago na push in production mo iyong update na iyon hindi sana nagkanda leche-leche company nila. |