Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: arwin100 on July 23, 2024, 10:21:35 AM



Title: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko
Post by: arwin100 on July 23, 2024, 10:21:35 AM
Minsan mapapa isip ka talaga kung safe ba talaga ang pera mo sa mga bangko although may insurance naman talaga sila pero sobrang hassle ng experience na bago makuha yung dineposito mong pera ay pipila ka ng napaka haba para kompletohin ang requirements bago mo mailabas ang pera mo sa kanila.

Interesting tong balita to BSP order to close first cooperative bank ang aritikulong ito ay galing sa cebu daily news (https://cebudailynews.inquirer.net/585824/bsp-closes-first-cooperative-bank-in-central-visayas?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR046VwZpOy3yngeiMCD9aXd_ChPp_z2uiwm5ZU0W0K7wrku438fTRQ4Xqg_aem_Vgbd2AQatrNN2twmMqh-dA)

Kaya di talaga ako naglalagay ng malaking pera sa bangko at usually yung emergency funds lang nilalatag ko dyan dahil ayaw ko ng hassle. Mas pinipili kong e invest yung pera ko sa makabuluhang bagay dahil para sakin pangit kung natutulog lang ang pera mo sa bangko at sila lang ang makikinabang nito.

Malaking tulong talaga na andyan ang bitcoin at crypto dahil may alternative option tayo na paglagakan ng pera natin bukod sa physical asset investment na pwede nating e grab.

Kayo ano opinion niyo dito?


Title: Re: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko
Post by: bhadz on July 23, 2024, 12:59:18 PM
Walang problema sa malalaking bank yung tipong BDO, BPI, Metrobank, Landbank at iba pang known na banks. Basta yung mga established na commercial at universal banks.
Yung mga coop bank, thrift at rural banks. Nandiyan talaga yung mga risk sa mga banks na yan na puwedeng magsara dahil hindi masyadong malaki ang pondo nila pero monitored naman yan ng BSP at di ko puwedeng i-deny na yang mga yan ang malalaking tulong sa karamihan sa mga magsasaka natin.
Mas okay lang talaga maglagay ng pera sa bangko yung amount na parang emergency funds mo lang pero kung tipong investments, nasa crypto at bitcoin na tayo, di na natin kailangan pang lumayo.


Title: Re: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko
Post by: Peanutswar on July 23, 2024, 02:35:56 PM
If gumagamit ka ng mga reputable banks like the BPI, BDO, and etc is tingin ko hindi mo need masyado mangamba dito kasi isa na sila sa mga kilala at pag kakatiwalaan pero kung yung mga banks na gamit mo is yung mga newly lang tapos mga local lang dyan sa lugar nyo is medyo skeptical ako mag invest at mag store ng malaking halaga syempre bago palang din sila tsaka pag nag bankrupt ang isang banko im not sure if 30% pa din ba ito na ibabalik lang sayo. Ideal pa din mag scatter ng assets mo para incase hindi lang sa isang bank at kung may biglaan man mangyari is di lahat ng pera mo ang affected.


Title: Re: BSP Naglabas Ng Utos Na Isara Ang Isang Bangko
Post by: arwin100 on July 24, 2024, 10:33:21 AM
Mas okay lang talaga maglagay ng pera sa bangko yung amount na parang emergency funds mo lang pero kung tipong investments, nasa crypto at bitcoin na tayo, di na natin kailangan pang lumayo.

Kaya yan talaga ang ginagawa ko at medyo off nako pag malakihan na ang iniligay sa bangko dahil baka ma experience natin tong issue nato. Emergency funds lang talaga yung nilagay ko sa bank account ko dahil tingin ko safe naman ito at covered sa insurance if may masamang mangyari sa institution nila. Pero low chance din naman to mangyari sa reputable banks pero may possibilities parin na mangyari.

If gumagamit ka ng mga reputable banks like the BPI, BDO, and etc is tingin ko hindi mo need masyado mangamba dito kasi isa na sila sa mga kilala at pag kakatiwalaan pero kung yung mga banks na gamit mo is yung mga newly lang tapos mga local lang dyan sa lugar nyo is medyo skeptical ako mag invest at mag store ng malaking halaga syempre bago palang din sila tsaka pag nag bankrupt ang isang banko im not sure if 30% pa din ba ito na ibabalik lang sayo. Ideal pa din mag scatter ng assets mo para incase hindi lang sa isang bank at kung may biglaan man mangyari is di lahat ng pera mo ang affected.

Di ko gusto service ng BPI at BDO kay RCBC ang choice ko sa kanila since so far di pa naman din ako nagkaka issue. Cooperative banks medyo iwas talaga ako dyan since malaki ang chance na magka ganito. Good thing talaga na nag exist si bitcoin dahil instead of ilalagak natin sa bangko ang extrang pera na hawak natin may option tayong mag deposit at gamitin ito pang invest.