Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: GreatArkansas on August 12, 2024, 01:53:30 AM

Title: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: GreatArkansas on August 12, 2024, 01:53:30 AM
Back in 2019, may tutorial ako nagawa din about buying Bitcoin sa 7-11 Stores sa Pilipinas: [STEP BY STEP] Tutorial How to buy Bitcoin at 7-Eleven Stores in the Philippines (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5189025.msg52610654#msg52610654)

Di pa ako nakakaita nakagawa ng isang thread na step by step pano bumili ng Bitcoin, this will be helpful sa ating lahat lalo na sa mga bagohan na di pa nakakasubok bumili ng Bitcoin na nasa Pilipinas.

Mga kailangan (Requirements):
  • Verfied Gcash Account
  • Gcash Balance - Minimum amount around P100 - P200

Disclaimer:
  • Bago tayo mag umpisa, dapat alam mo muna kung ano ang Bitcoin, like basic knowledge, pag wala kang idea ano ang Bitcoin wag mo na subokan bumili.
  • Hindi ako affiliate ng Gcash or any company na related sa tutorial na ito

Step 1:

Pumunta sa GInvest and piliin mo GCrypto

https://i.imgflip.com/8zz3k3.jpg  https://i.imgflip.com/8zz3oq.jpg

Step 2:
Kung ito ay iyong unang beses gumamit ng GCrypto sa Gcash, may mandatory ka na form na kailangan mo e fill-out.

https://i.imgflip.com/8zz4aq.jpg   https://i.imgflip.com/8zz4kf.jpg

Step 3:
  • 1. Lagyan ng laman na PHP ang balance mo sa GCrypto
  • 2. Pumunta sa Market tab and piliin ang Bitcoin
  • 3. Ilagay kung magkano ang gusto mong bilhin na Bitcoin

https://i.imgflip.com/8zz4sc.jpg https://i.imgflip.com/8zz5ek.jpg  https://i.imgflip.com/8zz52z.jpg https://i.imgflip.com/8zz5o5.jpg

Ganyan lang kadali!!

Tips:
  • After niyan pwede mo gamitin ang Bitcoin mo kung gusto mo e send sa ibang wallet, ebenta or e hodl mo lang sa GCrypto sa loob ng Gcash mo!
  • Pwede ka rin makatanggap ng Bitcoin galing sa ibang wallet, piliin mo lang ang Receive button at may sarili kang Bitcoin address na pwede mo gamitin para makatangga ng Bitcoin.
https://i.imgflip.com/8zz67y.jpg https://i.imgflip.com/8zz8yl.jpg

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: tech30338 on August 12, 2024, 06:47:15 AM
Naalala ko pa dati sa coinsph lang ako ngccash-in at cash-out ngayon madami na talagang way panu ka makakapagcash in ibig sabihin lang nito nagkakaroon na ng way para maipakilala ang bitcoin sa community, thanks op meron nanaman kaming natutunan sa iyong post na ito.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: Mr. Magkaisa on August 12, 2024, 07:46:40 AM
         -    Maraming salamat op sa bagay na tinuro mong ito, it maybe a basic things sa mga first timer na hindi pa nasusubukan na gamitin ag gcrypto sa gcash despite na matagal na nilang ginagamit ang gcash wallet. Naalala ko pa nga before nasubukan ko narin na bumili ng bitcoin kung hindi ako nagkakamali nun ay mabilis lang naman ang proseso kung magcash-in ka nga sa outlet na yan.

Kung titignan ko nga naman siya ay halos hindi nagkakalayo sa coinsph, kaya lang nadaig na kasi ni gcash ang coinsph pagdating sa bilang ng mga community users nito, masyado lang kasing nagpakakampante ang coinsph kaya ayan naungusan na sila ibang apps wallet sa lokal natin dito sa ating bansa.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: bhadz on August 12, 2024, 01:10:50 PM
Okay na alternative si Gcash kapag no choice talaga at gusto mong bumili ng mabilisan. Pero mas maganda kapag nakabili na sa kaniya, withdraw mo na agad at ilipat mo na agad sa wallet mo dahil hindi niyo gugustuhin maranasan yung hindi magandang sistema ni gcash. May mga pagkakataon o di nga lang pagkakataon kung hindi, madalas talaga mag system maintenance siya dahil ang provider ng service nila ay si pdax na madalas din mag maintenance. Kung mas maganda lang sana ang system ni gcash o gcrypto, baka diyan nalang din ako madalas bumili baka nga pati paghohold mag laan ako diyan.

Maraming salamat kabayang OP sa pagpopost nito. Mas magandang makita din ito ng mga baguhan sa forum na mga kababayan natin pati na din yung mga wala pa dito at nagsisimula palang sa crypto, sana makita din nila ito. Maganda din naman suportahan talaga yung sariling atin.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: xLays on August 12, 2024, 04:07:59 PM
Matagal na rin akong hindi gumagamit ng Gcash gawa ng hindi ko na mabuksan yung account ko, kailangan daw ng verification ulit nag send naman ako pero ganun pa rin error. Ngayon Paymaya lang gamit ko which is okay naman at walang problema. Makakabili ka rin ng bitcoin problema lang hindi ka makakadeposit ng bitcoin kundi buy and sell lang.

I think thread should be move sa sub board Pamilihan. Bahala na si Mr. Big kung imomove nya. Post or quote ko nalang din itong post mo dun sa Unofficial thread ng gcash or kung gusto mo ikaw na rin mag quote. Check mo nalang show created topics ko.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: AbuBhakar on August 12, 2024, 04:15:54 PM
Okay na alternative si Gcash kapag no choice talaga at gusto mong bumili ng mabilisan. Pero mas maganda kapag nakabili na sa kaniya, withdraw mo na agad at ilipat mo na agad sa wallet mo dahil hindi niyo gugustuhin maranasan yung hindi magandang sistema ni gcash. May mga pagkakataon o di nga lang pagkakataon kung hindi, madalas talaga mag system maintenance siya dahil ang provider ng service nila ay si pdax na madalas din mag maintenance. Kung mas maganda lang sana ang system ni gcash o gcrypto, baka diyan nalang din ako madalas bumili baka nga pati paghohold mag laan ako diyan.

Maraming salamat kabayang OP sa pagpopost nito. Mas magandang makita din ito ng mga baguhan sa forum na mga kababayan natin pati na din yung mga wala pa dito at nagsisimula palang sa crypto, sana makita din nila ito. Maganda din naman suportahan talaga yung sariling atin.

Sobrang mahala ng withdrawal fee sa pagkakaalam ko sa Gcash kaya mas better kung hold mo nlng dun or just buy using BinanceP2P since pwede nman Gcash payment directly tapos maganda pa rate ng Bitcoin price.

Sa tingin ko ay ayos itong Gcrypto gaya nga ng sabi na kapag need mo bumili ng mabilisan na hindi na need ng transfer during trending ang price para maka enter agad then exit agad kapag nagka profit na or simply just for trading purposes during price trend.

Pero for investment purposes, much better tlaga ang BinanceP2P dahil makakapili ka ng best rate,

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: bhadz on August 12, 2024, 08:36:06 PM

Oo nga pala, sa PDAX mahal ang withdrawal fee kapag Bitcoin kaya ganun din pala kay gcrypto. Mas maganda sana kung bawasan na nila yan kasi kung tama pagkakaalala ko ay nag start yan noong masyadong mataas pa ang fees dati. Mas okay nga din kung rekta mo nalang sa Binance P2P kung nakakagamit ka pero ako di ko muna i-advice yan dahil ako mismo ay hindi na gumagamit ng Binance hangga't meron pa siyang problema sa SEC natin. Overall naman, kung papagandahin lang talaga ni gcrypto sarili niyang platform at mas maganda magsarili siya at huwag na makigamit ng service ni pdax dahil di naman din maganda yung service nila.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: Peanutswar on August 12, 2024, 11:05:48 PM
Salamat dito kabayan actually nag babalak ngako lumipat ng platform where to recieved my assets kasi si coins masyado lugi sa exchange nila eh, nag try din naman ako kay Maya but it took over 2 days before ko ma recieved yung funds kaya try ko naman dito kay gcash if ideal ba gamitin. Alam naman natin pag gcash Hindi na quality ang service unlike before.

Title: Re: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
Post by: Text on August 13, 2024, 11:08:41 AM
Nice guide! Simple at diretso, perfect para sa mga bagong nagsisimula pa lang sa crypto. Sana nga magtuloy-tuloy ang magandang feature nitong GCrypto, mukhang mas madali nang mag-access ng Bitcoin directly from GCas. Malaking tulong ito lalo na sa mga baguhan!

Reminder lang sa mga baguhan na mag-ingat sa mga investment, lalo na sa cryptocurrency. Mahalagang mag-research muna nang maigi bago mag-invest ng malaking halaga. Remember, not your keys, not your coins.