Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: peter0425 on August 18, 2024, 03:01:03 AM



Title: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: peter0425 on August 18, 2024, 03:01:03 AM
Ayon sa NEDA (https://www.philstar.com/business/2024/08/14/2377818/filipinos-spending-p64-day-3-meals-not-food-poor-neda), kung ang nagagastos mo daw ay P64 sa isang araw o P21 sa isang meal ay hindi ka na raw food poor.

Alam naman nating hindi talaga ito kasya pero kahit pa subukan nating pagkasyahin ang P21 bawat meal, hindi dapat ito ang maging batayan ng kung ano dapat ang kinakain ng isang pilipino. Oo, maaaring makakain na tayo sa P21 ngunit halos walang nutritional value ang mga pagkaing magkakasya sa gantong halaga. Binanggit pa nila ang instant noodles (na hindi naman akma ang sinabi nilang presyo) na hindi naman dapat ay laging kinakain ng isang tao dulot ng masamang epekto nito sa kalusugan. Iyan na ba ang basehan ng hindi food poor?

Nakalulungkot lang na ganito ang mga government agencies natin. Out of touch at hindi man lang isipin ng mabuti kung ano ang talagang kinakailangan ng mga pilipino.



Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: Peanutswar on August 18, 2024, 11:33:32 AM
Dahil dito sa mga ganitong suhesiyon ng mga nakaupo sa senado at other government nakaka duda na tuloy lalo if may alam ba talaga sila, tsaka base sa statistics nila mapapaisip ka eh kung saan nila nga ba nakuha ito parang 1900 pa itong ganitong possible result eh tsaka parang hindi sila namimili sa merkado parang nag aabot lang sila ng pera pambili pero not actually sila yung bibili kaya isa tayo sa may pinaka poor na tao sa politics i-sama mo na dito yung kay Robin na kung ano ano pinag sasabi sa senado. Sa price ng bilihin at dahil sa inflation yang 21 pesos nayan mas mag kakasakit kapa kasi di mo na memeet yung requirement for health.


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: Beparanf on August 18, 2024, 11:39:52 AM
Siguro dahil na din ito sa mataas na poverty rate natin kaya mababa ang basis ng NEDA para sa normal food budget. Madami kasi sa ating mga kababayan lalo na yung mga nasa squatter site ay halos wala ng kinakain.

Pero itong 21php per meal ay magwowork kung as family budget like 4 person per family so may 80PHP sila per meal. Magluluto lang sila ng may sabaw na gulay ay nakakatawid na sila sa gutom.

Hindi lang ito magwowork kung individual budget since sobrang hirap ipasok mg budget na yan sa pang sariling kain. Halos di nga aabot pang pares sa kanto. 


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: PX-Z on August 18, 2024, 03:09:22 PM
Dafaq yang budget na yan at metrics nila, may ma record lang na "ang dami nang hindi food poor na pilipino dahil sa kaya naman ang 64 budget per day" otherwise "food poor" nga. Kahit sa karinderya ulam pa lang yan. Kung sa bahay naman yan, saan naman galing pang luto niyan like gas or panggatong. Or baka chichirya lang budget na yan para maka kain dibale P20 per day, qaqo talaga NEDA.


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: Mr. Magkaisa on August 18, 2024, 03:45:21 PM
Ayon sa NEDA (https://www.philstar.com/business/2024/08/14/2377818/filipinos-spending-p64-day-3-meals-not-food-poor-neda), kung ang nagagastos mo daw ay P64 sa isang araw o P21 sa isang meal ay hindi ka na raw food poor.

Alam naman nating hindi talaga ito kasya pero kahit pa subukan nating pagkasyahin ang P21 bawat meal, hindi dapat ito ang maging batayan ng kung ano dapat ang kinakain ng isang pilipino. Oo, maaaring makakain na tayo sa P21 ngunit halos walang nutritional value ang mga pagkaing magkakasya sa gantong halaga. Binanggit pa nila ang instant noodles (na hindi naman akma ang sinabi nilang presyo) na hindi naman dapat ay laging kinakain ng isang tao dulot ng masamang epekto nito sa kalusugan. Iyan na ba ang basehan ng hindi food poor?

Nakalulungkot lang na ganito ang mga government agencies natin. Out of touch at hindi man lang isipin ng mabuti kung ano ang talagang kinakailangan ng mga pilipino.



          -     Yang ginawa ng mga taga NEDA sa totoo lang ay they are really a piece of SH*T, sobrang halata na wala silang ginagawang maayos sa kanilang trabaho, at sobrang pinakita lang nila na mga tolongges sila at pinakita nilang wala silang alam sa ngyayaring kalagayan ng kahirapan sa bansa natin.

Sa ginawa nilang yan pinagmukha nilang Tang* ang ahensya ng gobyerno sa kashungahan nila, nung napanuod ko nga yan ay hindi ko maiwasan na isiping ang tatanga nila sa totoo lang. Walang basis yung mga pinagsasabi nila promise, baka panahon pa ng 90's yung pinagbatayan ng mga ugok na yan, dapat dyan sa mga nakaupo sa Neda ay sipain na lahat ng matataas na opisyales dyan.


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: bhadz on August 18, 2024, 08:36:06 PM
Simple lang naman yan, dapat mag 1-month challenge yung mga nasa gobyerno para malaman nila kung kasya ba yan. Simula sa congress, senado, pangalawang pangulo at pangulo. Pati na rin mga kawani ng NEDA. Ang buong akala ko pa naman ok na ok si Arsi pero may sablay din pala sa mga ganitong case study. Bumaba sila sa buhay ng normal na pilipino at subukang ichallenge yan kung mapagkakasya ba nila. Kaso walang kakasa sa ganyang challenge para malaman nila kung kasya ba. Kawawa talaga ang bansa natin, sana naman sa mga susunod na administrasyon, taong bayan na ang maging una.  :-\


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: Text on August 19, 2024, 12:18:18 AM
Mahirap talagang tanggapin ang ganitong pahayag mula sa NEDA. Hindi ko maisip kung paano nila nagawang sabihin na ang P64 sa isang araw ay sapat na para hindi masabing food poor. Alam nating lahat na sa halagang iyon, hindi na ito tungkol sa sapat na pagkain kundi sa kaligtasan, kaligtasan sa gutom at malnutrisyon.

Ang totoo, hindi lang naman dami ng pagkain ang mahalaga kundi ang kalidad din nito. Kailangan natin ng mga pagkaing may tamang nutrisyon para manatiling malusog at produktibo. Kung instant noodles ang halimbawa nila, na alam nating mababa sa nutrisyon at mataas sa sodium, para bang sinasabi na rin nilang okay lang na magkasakit basta't nakakain.

Nakakalungkot at nakakagalit na tila hindi nila naiintindihan ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino. Sana'y magkaroon ng mas makataong batayan at patakaran na tunay na nakatuon sa kapakanan ng bawat isa, hindi lang basta sa number o statistic.



Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: peter0425 on August 19, 2024, 03:56:52 AM
Simple lang naman yan, dapat mag 1-month challenge yung mga nasa gobyerno para malaman nila kung kasya ba yan. Simula sa congress, senado, pangalawang pangulo at pangulo. Pati na rin mga kawani ng NEDA.
Marangya ang mga buhay ng mga politiko sa ating bansa. Tignan nyo na lamang ang mga asawa ng mga nakaloklok ngayon. Punong puno ng alahas sa leeg. Tiyak na hindi rin nila kakayanin ang P64 sa isang araw sa arte nila.
Quote
Kawawa talaga ang bansa natin, sana naman sa mga susunod na administrasyon, taong bayan na ang maging una.  :-\
Unti-unti ng nawawala ang pag-asa ng taong bayan sa gobyerno dahil madami sa mga pangako nanaman ang hindi natupad. Hanggang kailan kaya maghihirap ang mga pilipino?


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: tech30338 on August 19, 2024, 07:24:40 AM
To be honest malalaki ang mga sahod nang nasa goverment, kung malalaman nyo lang, i don't think may idea sila kung anu talaga at wala naman silang experience regarding pag nasa labas kana talaga, nakakatawa lang iyong mga nabanggit nila na presyo na maari mong mabili anlayo, sa noodles, kape, at saka isipin mo balak mo bang pakainin habang buhay ng noodles ang taong bayan just to reach ung sinasabi mo na budget, bago pa sila tumuntong nga mga 30-40y/o patay na ang mga iyan or di kaya naman ngdadialysis dahil sa sakit sa bato, ewan ko bakit ganeto mga researchers na ito.


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: bhadz on August 21, 2024, 03:22:07 PM
Simple lang naman yan, dapat mag 1-month challenge yung mga nasa gobyerno para malaman nila kung kasya ba yan. Simula sa congress, senado, pangalawang pangulo at pangulo. Pati na rin mga kawani ng NEDA.
Marangya ang mga buhay ng mga politiko sa ating bansa. Tignan nyo na lamang ang mga asawa ng mga nakaloklok ngayon. Punong puno ng alahas sa leeg. Tiyak na hindi rin nila kakayanin ang P64 sa isang araw sa arte nila.
Nakakainis nga yan. Oo sabihin nating mayaman na talaga sila dati pa, pero as a public figure dapat hindi ganyan. Masakit lang sa damdamin na parang isang iglap naging lugmok na ulit ang bansa.

Quote
Kawawa talaga ang bansa natin, sana naman sa mga susunod na administrasyon, taong bayan na ang maging una.  :-\
Unti-unti ng nawawala ang pag-asa ng taong bayan sa gobyerno dahil madami sa mga pangako nanaman ang hindi natupad. Hanggang kailan kaya maghihirap ang mga pilipino?
Sabi nga ng kasabihan, pinangakuan na tayo gusto pa natin matupad?  ;D
Sana lang talaga may pag-asa pa itong bayan natin na mahal na mahal natin pero ang gobyerno hindi.  :-X


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: Peanutswar on August 27, 2024, 12:25:38 PM
Simple lang naman yan, dapat mag 1-month challenge yung mga nasa gobyerno para malaman nila kung kasya ba yan. Simula sa congress, senado, pangalawang pangulo at pangulo. Pati na rin mga kawani ng NEDA.
Marangya ang mga buhay ng mga politiko sa ating bansa. Tignan nyo na lamang ang mga asawa ng mga nakaloklok ngayon. Punong puno ng alahas sa leeg. Tiyak na hindi rin nila kakayanin ang P64 sa isang araw sa arte nila.
Nakakainis nga yan. Oo sabihin nating mayaman na talaga sila dati pa, pero as a public figure dapat hindi ganyan. Masakit lang sa damdamin na parang isang iglap naging lugmok na ulit ang bansa.

Di ko alam sating mga pinoy. Una mahilig sila mag lagay sa Senado or even the politics side ng mga artistang wala naman background even how to handle ng mga batas, basta kilala is boboto nila agad even though wala talagang capability, next is sobrang bulag ng mga asa itaas yung tipong ganitong issue is hindi ba sila nakaka labas ng bahay parang nangyayari is lahat sa kanila is VIP access kaya ang tingin sa ibaba is wala lang, after lang nila umangat dahil sa boto at nanalo tapos na yung responsibility at sweldo nalang.

Kaya maraming nakaka lusot na mga hidden transactions sa government natin eh dahil sa mga corrupt na ito.


Title: Re: P64 sa isang araw, sapat na ba?
Post by: bhadz on August 28, 2024, 01:31:01 PM
Nakakainis nga yan. Oo sabihin nating mayaman na talaga sila dati pa, pero as a public figure dapat hindi ganyan. Masakit lang sa damdamin na parang isang iglap naging lugmok na ulit ang bansa.
Di ko alam sating mga pinoy. Una mahilig sila mag lagay sa Senado or even the politics side ng mga artistang wala naman background even how to handle ng mga batas, basta kilala is boboto nila agad even though wala talagang capability, next is sobrang bulag ng mga asa itaas yung tipong ganitong issue is hindi ba sila nakaka labas ng bahay parang nangyayari is lahat sa kanila is VIP access kaya ang tingin sa ibaba is wala lang, after lang nila umangat dahil sa boto at nanalo tapos na yung responsibility at sweldo nalang.

Kaya maraming nakaka lusot na mga hidden transactions sa government natin eh dahil sa mga corrupt na ito.
Marami talaga sa ating mga kababayan ang uninformed at misinformed tungkol sa politics. Yung mga kababayan natin na masalpakan lang ng limang daan ng pulitiko ay okay na at masaya pa. Sabihin na nating kukunin yung pera at hindi iboboto yung namigay, parang wala pa ring pagkakaiba yun para sa akin. Guilty ako diyan noong baguhan palang ako sa pagboto dahil akala ko easy money pero yun pala ay parang binebenta din natin ang sariling mga benepisyo natin sa mga kurakot na pulitiko na yan. Dapat talaga sa mga public officials ay subukan ang public transportation araw araw sa loob ng isa o dalawang buwan lalong lalo na sa Metro Manila at baka makaisip sila ng solusyon. Ganun din sa nirelease ng NEDA na ganitong halaga para sa isang araw, tignan natin kung makakain ng maayos yang mga yan. Ginawa na kasing business ang public service nitong mga eksperyensiyadong pulitiko at pinagpapasa pasa nalang sa mga kaibigan, kamag anak at kung sino sinong mga kaalyado.