Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: GreatArkansas on September 11, 2024, 12:20:06 AM



Title: Binance sa Pilipinas!
Post by: GreatArkansas on September 11, 2024, 12:20:06 AM
Preskong balita galing sa kapitbahay na bansa natin - Indonesia.

Tokocrypto, a part of the Binance group, has secured a Physical Crypto Asset Trader (PFAK) license from Indonesia’s Commodity Futures Trading Regulatory Agency (Bappebti), highlighting its commitment to regulatory compliance and fostering investor trust.

Ibig sabihin into ay ang Tokocrypto ay isang subsidiary ng Binance, ay isang cryptocurrency exchange na located sa Indonesia. Nakakuha sila ng Physical Crypto Asset Trader (PFAK) license sa Commodity Futures Trading Regulatory Agency ng Indonesia.
Bali mangyayari eh, legal na makakag operate and exchange na ito sa bansang Indonesia.



Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Kasi di malabong mangyari to, Indonesia ay nasa Southeast Asia din at kapitbahay lang natin sila.

Ano sa tingin niyo?


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: bhadz on September 11, 2024, 03:23:12 AM
Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Kasi di malabong mangyari to, Indonesia ay nasa Southeast Asia din at kapitbahay lang natin sila.

Ano sa tingin niyo?
Magaan lang ata ang policies ng Indonesia tungkol sa mga ganitong kaso. Pero ang nakikita kong puwedeng gawin ng binance ay magtayo din ng subsidiary dito sa bansa natin pero directly connected pa rin kay Binance. Kung nagawang makakuha ng license itong subsidiary ni binance baka nagkaproblema din sila dati sa Indonesia kung mismong Binance ang a-applyan nila ng license. Mukhang may pag-asa pa rin naman talaga at mas magandang ia-approve nalang din ng SEC itong Binance kung may special applications at permits sila dahil kailangan ng gobyerno ng pera, malaki laking halaga makukuha nila para sa permits kay binance.


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: cryptoaddictchie on September 11, 2024, 04:16:21 AM
Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Kasi di malabong mangyari to, Indonesia ay nasa Southeast Asia din at kapitbahay lang natin sila.

Ano sa tingin niyo?
Ang problema kasi dyan eh yung tokocrypto is exchange na under talaga ng Binance, unless may company dito like coinsph or pdax na maacquire ng Binance eh puwede rin sigurong i work out na ganyan. I know Toko crypto since may airdrop ako nyan dati, before pa maaquire ni Binance pero mukhang okay din kasi ang palakad nung project na yun.

Unless may ganyan din tayo na company under Binance. Grabe kasi talaga ang politics dito satin eh kung hindi naman ganun matagal na siguro tayong may License tulad nila.


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: SFR10 on September 11, 2024, 01:31:09 PM
Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Unfortunately, may mga ilang grupo sa Pinas na ayaw talaga nilang pumayag sa mga ganitong setups dahil alam nila na malaking revenue ang mawawala sa mga local exchanges natin... Nasubukan na ni Binance na mag acquire ng firm sa Pinas, pero nagreklamo noon ang Infrawatch PH [source #1 (https://coingeek.com/philippines-policy-think-tank-infrawatch-ph-wants-central-bank-to-curb-binance-back-door-reentry/) and source #2 (https://bitpinas.com/business/infrawatch-ph-to-bsp-is-backdoor-acquisition-of-vasp-license-allowed/)].


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: PX-Z on September 11, 2024, 11:13:52 PM
Ang alam ko ito ang gusto ng binance ang ganitong setup (mag acquire ng licensed crypto related company satin) way back 2022, di ko alam anung nangyari after nun. Kung they tried ba or di pinayagan ba sila ng ph government to acquire, or walang nangyari.


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: bhadz on September 12, 2024, 02:45:44 AM
Ang alam ko ito ang gusto ng binance ang ganitong setup (mag acquire ng licensed crypto related company satin) way back 2022, di ko alam anung nangyari after nun. Kung they tried ba or di pinayagan ba sila ng ph government to acquire, or walang nangyari.
Yan yun kabayan. May source ako na ganyan yung nasagap din nilang balita at itong taong ito nagwowork din sa isang exchange dito sa bansa natin. Kaya parang may mga sources sila sa mga ganitong balita pero parang hindi na din natuloy. Twice ata nagpunta dito sa bansa natin si CZ at baka may kinalaman yang ganyang acquisition na puwedeng mangyari dito. Kaso nga lang, parang hindi na natuloy dahil sa panggigipit din ng SEC natin. Pero sana mangyari pa rin ito kung meron pang pagkakataon.


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: kotajikikox on September 16, 2024, 03:28:35 AM

Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Kasi di malabong mangyari to, Indonesia ay nasa Southeast Asia din at kapitbahay lang natin sila.

Ano sa tingin niyo?
Medyo matagal na ang alitan at tingin ko naging OK na sila kasi  nanahimik na now ang dalawa at parang normal operation na ulit ang binance sa pinas .

but regarding sa pano ang ginawa ng Tokocrypto ? eh posibleng eto na din ang ginagawa ng binance now .


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: Peanutswar on September 17, 2024, 03:09:55 PM
Balik tayo sa Binance, dahil kakabago lang nagka initan ang Binance at SEC Philippines, so siguro pag gagawin ito ng Binance sa Pilipinas eh magiging ok kaya ulit ang Binance sa SEC Philippines?
Kasi di malabong mangyari to, Indonesia ay nasa Southeast Asia din at kapitbahay lang natin sila.

Ano sa tingin niyo?

Nakahanap na ng ibang exchange ang mga user ng binance dito sa atin sa pilipinas so feel ko na enlighten na din sila na hindi lang binance and isa sa mga existing and reputable na exchange kaya feel ko is hindi na masyadong malaking big deal para sa atin if di man sila mag comply, if mag kasundo sila okay sa atin kasi magagamit ulit natin pero malaki chance na hindi di na ito masyado may impact sa atin. Even me im using other exchange na din at mas marami pa silang supported coins and pairs.


Title: Re: Binance sa Pilipinas!
Post by: Baofeng on September 30, 2024, 02:49:36 AM
Isa siguro ang Pilipinas sa Asia na mukhang ayaw sa Binance o takot sila, ang India recently inalow na ang Binance

Quote
Crypto exchange Binance has reappeared on India’s Google Play Store and Apple App Store following a seven-month ban due to noncompliance with local regulations.

On Aug. 15, Binance’s website and Android and iOS apps were made available for crypto investors in India. Speaking to Cointelegraph, Binance confirmed that it had registered as a reporting entity with India’s Financial Intelligence Unit (FIU-IND) — a legal compliance requirement for all crypto exchanges operating in India against money laundering.

https://cointelegraph.com/news/binance-india-relaunch-fiu-registration

Kaya sa tingin ko kahit pagpumilit ang Binance sa ngayon eh mukhang hindi na to makakabalik sa tin unless na mag-iba ang gobyerno. Pero sa susunod na election pa to so matagal tagal pa.