Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: gunhell16 on February 03, 2025, 04:34:46 AM

Title: Palaguin ang ating Skills
Post by: gunhell16 on February 03, 2025, 04:34:46 AM
Hello ulit sa mga ka lokal ko dito, alam ko madami sa atin dito ay naghahangad na magtagumpay itong bull run na ating kinakaharap sa ngayon, at sana nga ay karamihan sa atin dito ay pumaldo sa mga hawak nating mga crypto assets. Kung kaya naman magkaroon lang tayo ng konting brainstorming ika nga para magbigayan tayo at magpalakasan ng loob sa isa't-isa para maging maayos at tama ang ating ginagawang desisyon sa mga hinohold nating mga assets.

Dahil para magtagumpay tayo dito sa crypto space dapat lang na pag-ibayuhin nating mapalago, ang ating skills sa field na ito. Lahat tayo merong skills dito sa industry na ito, kailangan lang aralin at alamin natin ng tama yung mga bagay na dapat ay alam talaga natin. Kasi tayo ang Driver dito at itong crypto space ang sasakyan natin.

So bilang driver, dapat alamin muna natin yung kondisyon ng ating sasakyan, icondition natin, at ayusin yung makikita natin na may problema, sapagkat kung nasa tamang condition ay for sure na mararating natin ng maayos yung destination natin. So kapag may nakita kang mali sa hinohold mo na crypto assets palitan mo ng ibang assets na mas tama at may higit na potential sa dati mong hold. Dahil ang pagpasok natin dito sa crypto industry ay hindi katulad ng pagtama sa lotto na nanalo ng wala kang pinaghirapan sa napanalunan, kaya karamihan sa mga nanalo sa lotto ay nauwi rin sa wala dahil yung dating mindset nila nung mahirap pa sila ay ganun parin naman nung nanalo sila at hindi nila ito pinalitan, hindi katulad ng meron kang SKILLS kapag napractice natin ito ng tama ay for sure na pakikinabangan talaga natin ito passively.

Happy SUCCESS to all...

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: finaleshot2016 on March 31, 2025, 11:19:49 PM
/
True. The more skills you have, the more na maraming opportunity ang papasok sa atin kasi hindi lang naman patungkol sa crypto ang space na tinutungtungan natin. Tungkol din ito pano mo mairerelate ang crypto sa skills na meron ka at maraming gumagawa na non kaya karamihan ng nagadapt sa crypto, pumaldo din talaga.

Kahit yung iba hindi naman major investor pero ang profit is from cryptocurrency, kaya kung may skills ka talaga at may maiooffer na service, daming pwedeng pagkakitaan, itake advantage ang mga opportunity para magkaroon pa ng maraming pera.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: serjent05 on March 31, 2025, 11:38:12 PM
Sumasang-ayon ako na dapat lang nating pag-yamanin ang ating mga kakayanan at abilidad at ang isang unang hakbang dito ay ang pagpapalago ng ating mga nalalaman at mga aplikasyon ng ating abilidad.

Sa mundo ng cryptocurrency, napakahalaga ang impormasyon kaya dapat nating pag-ibayuhin ang ating abilidad sa pagkalap ng tamang impormasyon.  Gayunpaman, iniisip ko na mas-mainam na dagdagan na lang ang ating portfolio kung sakali man na hindi pa gaanong sumusipa ang ilan sa ating hawak na mga cryptocurrency kung itong hawak natin ay promising naman at maganda ang liquidity sa market.  Alam naman natin na as long as ang cryptocurrency ay may matatag na pundasyon, sisipa ito balang araw.  Isang malaking pag-aaksaya kung ibebenta natin ito at bibilhin ulit kapag nakitang pasipa na.  Baka mas mapamahal pa tayo kapag ginawa natin ito.

Maari nating ibenta ang mga hawak natin coins na ginawa lang pang short term, iyong mga memecoins at shitcoins na ginawa dahil lang sa hype.  Pero iyong mga promising talaga at naghihintay lang ng panahon para sumipa, mas mainam na panghawakan ito dahil alam naman natin sa cryptocurrency industry, bukod sa knowledge, patience is one of the key.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: GreatArkansas on April 01, 2025, 12:09:20 AM
Korik!!! Saka dapat ung mindset din natin minsan pag kinokorek tayo ay maging open hindi na magagalit, madami kasi akong kilala na for example na nagsasabi ako na mag ingat kasi baka scam yang pinapasukan nila ay galit pa sila.

At pansin ko sa mga kababayan natin ay dapat mag ingat din tayo sa mga scams or fishy na mga projects para maiwasan natin mawalan ng pinaghirapan nating mga pera.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: Peanutswar on April 01, 2025, 04:04:54 AM
So i guess im giving a brief background lang siguro sa current na ginagawa ko about sa market stand, so as of now is tamang hold lang din ako ng ilang asset so nag take profit na ako last time pa ng 100k pa yung BTC so i guess accumulating na nang next phase ko sure ako ngayon na hindi pa talaga bear market siguro lets say temporary palang pero pag nag take back kase tayo ng history ng market asa stand palang tayo na may isa pang huling pump kaya naka abang na ako para sakyan ito pero yung huling pump na yung is undecided pa bakit?, kasi possible mag take profit na din yung iba ang expect na another down na ng market kumbaga sundo lahat ng naipit tapos depends na ito if may new opportunity pa pag wala another downfall again so ika mo nga tayo ang driver so pag ang mga large scale investors at businesses tinamad na sa crypto we can see another wave ulit ng downtrend, bad para sa nakabili ng mataas at good opportunity para sa naka abang.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: qwertyup23 on April 02, 2025, 05:32:39 PM
Just to share sa inyo, gumawa ako ng previous thread dito about sa aking regret na pag bebenta ng aking mga BTCs since 2017. Now that I know better, lahat ng mga BTCs na nakukuha ko sa campaign signature ko ngayon ay naka HODL lang for long-term investment.

The point is, one of the factors kung paano tayo mag-iimprove ay galing din sa ating mga pagkakamali. The more we learn from our mistakes, the more na mas magiging open tayo na mag-improve. Gaya nga ng sabi nila, you yourself is the best critique sa lahat ng mga gagawin mo. Kaya in order to fully utilize yung mga opportunities na ganito, always strive to improve sa mga bagay na alam nating medyo hindi pa tayo sanay especially sa cryptocurrency.

Last piece of advice: wag tayong matakot mag-risk and magkamali. Sa ating mga pagkakamali, dito tayo mas matututo and dito din tayo mas magiging careful sa mga decision natin!

Good luck to everyone and always aim high sa ating mga investments!

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bettercrypto on April 03, 2025, 07:08:29 AM

Tama ka sa sinasabi mo na ito, at for sure din naman na alam ito ng lahat ng mga kababayan natin dito na mas natututo talaga tayo sa ating mga pagkakamali at bukod pa dito maging sa pagkakamali ng iba. Ang maganda lang din kasi dito sa forum section natin ay nagkakabigayan tayo ng kani-kanyang kuro-kuro sa kapakinabangan din naman ng bawat isa.

Naalala ko tuloy meron akong kaibigan na may alam din sa bitcoin o cryptocurrency, way back 2017 kumita siya sa ico ng worth 11btc nung time na yun, kapag nagkikita kami minsan ay naikukwento nya palagi na kung alam lang daw sana nya na aabot sa 100k$ si bitcoin ay edi sana manlang daw ay nagtabi o naghold o nagtira manlang sana daw siya kahit 2 bitcoins nung time na yun. Kaso wala naman kasi nakakaalam ng mangyayari bukas o sa hinaharap. Buti nalang hindi siya naestress sa ganung bagay, kasi napakinabangan din naman daw nya sa pagpapaayos nya ng bahay.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bhadz on April 03, 2025, 07:51:06 AM
Just to share sa inyo, gumawa ako ng previous thread dito about sa aking regret na pag bebenta ng aking mga BTCs since 2017. Now that I know better, lahat ng mga BTCs na nakukuha ko sa campaign signature ko ngayon ay naka HODL lang for long-term investment.

The point is, one of the factors kung paano tayo mag-iimprove ay galing din sa ating mga pagkakamali. The more we learn from our mistakes, the more na mas magiging open tayo na mag-improve. Gaya nga ng sabi nila, you yourself is the best critique sa lahat ng mga gagawin mo. Kaya in order to fully utilize yung mga opportunities na ganito, always strive to improve sa mga bagay na alam nating medyo hindi pa tayo sanay especially sa cryptocurrency.
Tama ito. Madami dami tayong natuto sa pagkakamali natin na ginastos lang natin yung mga naipon natin. Pero ang kinaibahan lang, mas kawawa yung kinakailangan nilang ibenta para lang sa mga hindi mahahalagang bagay. Malaking pagsisisi nila panigurado. Matututo lang talaga sa mga pagkakamali natin pero dapat huwag sumuko.

Last piece of advice: wag tayong matakot mag-risk and magkamali. Sa ating mga pagkakamali, dito tayo mas matututo and dito din tayo mas magiging careful sa mga decision natin!

Good luck to everyone and always aim high sa ating mga investments!
Ganyan talaga, hindi tayo matututo kung hindi din tayo mag take ng risk. Kaya sa mga mas bata pa diyan, huwag din matakot magrisk dahil mas mahaba ang panahon niyo para matuto at magkamali at mas madali kayong makakabangon basta tiwala kayo sa sarili niyong mga desisyon.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: qwertyup23 on April 03, 2025, 01:00:52 PM
Naalala ko tuloy meron akong kaibigan na may alam din sa bitcoin o cryptocurrency, way back 2017 kumita siya sa ico ng worth 11btc nung time na yun, kapag nagkikita kami minsan ay naikukwento nya palagi na kung alam lang daw sana nya na aabot sa 100k$ si bitcoin ay edi sana manlang daw ay nagtabi o naghold o nagtira manlang sana daw siya kahit 2 bitcoins nung time na yun. Kaso wala naman kasi nakakaalam ng mangyayari bukas o sa hinaharap. Buti nalang hindi siya naestress sa ganung bagay, kasi napakinabangan din naman daw nya sa pagpapaayos nya ng bahay.

Wow! I really cannot imagine na nagkaroon ka ng worth 11 BTCs from ICOs nun time na yun! Pero diba grabe no? Back in 2017, price ng 1 BTC ay nasa around ~p200k php. Yung mga stories na naririnig natin dati na 1 BTC = p10k php parang sobrang layo sa katotohanan. Now that nandito na tayo sa 2025, 1 BTC = ~p4.6M. Kaya ito talaga yung biggest lesson ko na natutunan dito.

Thank you for sharing your experience. Mas lalo akong naiinspire whenever nakakarinig din ako ng ganitong mga stories!

Ganyan talaga, hindi tayo matututo kung hindi din tayo mag take ng risk. Kaya sa mga mas bata pa diyan, huwag din matakot magrisk dahil mas mahaba ang panahon niyo para matuto at magkamali at mas madali kayong makakabangon basta tiwala kayo sa sarili niyong mga desisyon.

Totoo ito kabayan! Unfortunately, I really have to learn it the hard way pero ganun talaga. The more na mas masakit yung sugat, the more na mas matututo tayo na mag ingat and mag-improve sa mga pagkakamali natin.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: Baofeng on April 03, 2025, 10:47:47 PM
Wala naman sigurong mali kung nagbenta tayo ng Bitcoin, baka talaga kailangan natin dahil sa emergency katulad ng case ko nung pandemic dahil sa kapatid kung nagka sakit. Pero kung ok naman ang buhay natin hold lang talaga.

Ang ma share ko lang kung tungkol sa skils eh yung nag umpisa ako mag sideline mga 15 years ago, nakakuha ako ng simpleng mga jobs at habang ginagawa ko to eh pinag-aaralan ko hehehe. Lalo na dati yung uso yung paggawa ng subtitle, inaral ko rin to dahil nagkaroon ako ng client na teacher from South Korea at kailangan langyan nya ng mga subtitle na English and mga lessons nya. So inaplayan ko lang lakas loob at ako ang kinuha nya. Basta tibayan lang ng loob at aral aral ako ng mga softwares na kailangan. Medyo tumagal din tong online jobs ko na to. Pero ni challenge ko talaga ang sarili ko na alamin para mabigyan ng magandang output ang client ko.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bhadz on April 04, 2025, 12:52:40 AM
Ganyan talaga, hindi tayo matututo kung hindi din tayo mag take ng risk. Kaya sa mga mas bata pa diyan, huwag din matakot magrisk dahil mas mahaba ang panahon niyo para matuto at magkamali at mas madali kayong makakabangon basta tiwala kayo sa sarili niyong mga desisyon.

Totoo ito kabayan! Unfortunately, I really have to learn it the hard way pero ganun talaga. The more na mas masakit yung sugat, the more na mas matututo tayo na mag ingat and mag-improve sa mga pagkakamali natin.
Kaya nga, madami tayo dito nakaranas niyan at mas nagiging aware na tayo sa mga dapat nating gawin at ano ba ang mas magandang desisyon. Kung wala din yung mga maling desisyon natin dati, hindi din naman tayo matututo. Kaya pabor din talaga kung medyo bata bata pa dati at natuto na ngayon, mas mahusay na holder na ngayon tapos may trabaho pa. Kaya mas madaling makabawi lang din at makaipon pero yun nga lang, medyo mahal na ngayon pero huwag lang panghinaan dahil posible pa ding tumaas yan sa mga susunod na cycles.

Wala naman sigurong mali kung nagbenta tayo ng Bitcoin, baka talaga kailangan natin dahil sa emergency katulad ng case ko nung pandemic dahil sa kapatid kung nagka sakit. Pero kung ok naman ang buhay natin hold lang talaga.
Basta nagamit sa makabuluhang bagay okay na okay at walang dapat pagsisihan.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bettercrypto on April 04, 2025, 09:55:58 AM
Naalala ko tuloy meron akong kaibigan na may alam din sa bitcoin o cryptocurrency, way back 2017 kumita siya sa ico ng worth 11btc nung time na yun, kapag nagkikita kami minsan ay naikukwento nya palagi na kung alam lang daw sana nya na aabot sa 100k$ si bitcoin ay edi sana manlang daw ay nagtabi o naghold o nagtira manlang sana daw siya kahit 2 bitcoins nung time na yun. Kaso wala naman kasi nakakaalam ng mangyayari bukas o sa hinaharap. Buti nalang hindi siya naestress sa ganung bagay, kasi napakinabangan din naman daw nya sa pagpapaayos nya ng bahay.

Wow! I really cannot imagine na nagkaroon ka ng worth 11 BTCs from ICOs nun time na yun! Pero diba grabe no? Back in 2017, price ng 1 BTC ay nasa around ~p200k php. Yung mga stories na naririnig natin dati na 1 BTC = p10k php parang sobrang layo sa katotohanan. Now that nandito na tayo sa 2025, 1 BTC = ~p4.6M. Kaya ito talaga yung biggest lesson ko na natutunan dito.

Thank you for sharing your experience. Mas lalo akong naiinspire whenever nakakarinig din ako ng ganitong mga stories!

Ganyan talaga, hindi tayo matututo kung hindi din tayo mag take ng risk. Kaya sa mga mas bata pa diyan, huwag din matakot magrisk dahil mas mahaba ang panahon niyo para matuto at magkamali at mas madali kayong makakabangon basta tiwala kayo sa sarili niyong mga desisyon.

Totoo ito kabayan! Unfortunately, I really have to learn it the hard way pero ganun talaga. The more na mas masakit yung sugat, the more na mas matututo tayo na mag ingat and mag-improve sa mga pagkakamali natin.

Hindi ako kumita ng 11btc yung isa lang sa kakilala ko na nagjoin din dito sa ico, kasi kung ako yung kumita ng 11btc nung time na yun ay paniguradong nagtabi ako ng 3 btc at hold ko yun.  Parang nakaramdam pa nga ako ng inggit sa kanya nun kasi ako nagsisimula palang dito sa crypto industry.

Anyway, at least sa pamamagitan ng kwento ng ibang tao ay nagkakaroon ng paghahanda para sa hinaharap natin dito sa crypto space. Kaya nga hold lang ng hold hangga't kaya mong gawin basta don't stop sa pinaniniwalaan mo.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 04, 2025, 12:32:15 PM
Last piece of advice: wag tayong matakot mag-risk and magkamali. Sa ating mga pagkakamali, dito tayo mas matututo and dito din tayo mas magiging careful sa mga decision natin!

Good luck to everyone and always aim high sa ating mga investments!
Yes thats true. Dati medyo takot ako pero ngayon sige na lang ang banat ko, lalo pat naniniwala ako na goods yung decision ko. Aside from doing signature campaign that improves my writing and analytical skills. Natuto na rin ako mag make ng mga engagement sa X or twitter which I used sa mga web3 I am using to earn some free drops. Totoo pala na masarap sa feeling lalo pat libre.

Just keep improving and yung investment part eh magiging favorable na din sa mga moves mo.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: gunhell16 on April 04, 2025, 12:40:21 PM

Yung engagement sa X ito yung hindi ko pa nagagawa ng madalas bilang palang sa daliri ko na ginawa ito. At sang-ayon din naman ako na yung dca tools ay nakatulong ito sa akin na mag-improve ako in terms of pagaaccumulate ng mga potential na cryptocurrency na makapagbigay ng profit in the future.

Saka yung pagbibigay natin ng mga idea dito sa lokal section na meron dito ay malaki din ang tulong sa atin para mas lumawig din yung ating mga kaalaman sa ibang bagay
na hindi pa natin nalalaman pa sa ngayon na alam ng ibang mga kababayan natin.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 04, 2025, 01:19:55 PM
Yung engagement sa X ito yung hindi ko pa nagagawa ng madalas bilang palang sa daliri ko na ginawa ito. At sang-ayon din naman ako na yung dca tools ay nakatulong ito sa akin na mag-improve ako in terms of pagaaccumulate ng mga potential na cryptocurrency na makapagbigay ng profit in the future.
Try mo kabayan, daming rewards diyan and potentially mga affiliation sa project lalo pat napaganda mo ang account mo or napadami ang iyong followers and marecognize ka ng mga ibang users na good poster. Same lang din dito sa forum, as user. If maganda ang post mabigyan merits. Dun naman possible ka mag ka like and retweet post which is good for engagement.

Uso dun yung mga thread thread.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: crwth on April 05, 2025, 05:18:33 AM
Sa tingin ko, lahat ng inaabala natin na bagay ay magandang gawan ng improvement at matuto. Sa pag develop ng kung anong skills man yan, makakatulong na maabot ang pangarap. Naniniwala ako diyan.

Sa tingin ko mayroon risk ito sa pagkat hindi sigurado ang ating kinabukasan pero ang maganda dito ay alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng kaya mo para mag improve.

Ang skills talaga ang pinakamagandang investment sa mundo dahil walang makakaagaw nito sa inyo.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: blockman on April 05, 2025, 08:17:29 AM
Sa tingin ko, lahat ng inaabala natin na bagay ay magandang gawan ng improvement at matuto. Sa pag develop ng kung anong skills man yan, makakatulong na maabot ang pangarap. Naniniwala ako diyan.

Sa tingin ko mayroon risk ito sa pagkat hindi sigurado ang ating kinabukasan pero ang maganda dito ay alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng kaya mo para mag improve.

Ang skills talaga ang pinakamagandang investment sa mundo dahil walang makakaagaw nito sa inyo.
Pwedeng gayahin pero kapag inborn at natural ang mga skills na ito at natutunan mo sa mahabang panahon, hindi mananakaw at mahirap gayahin. May risk sa pag-aaral ng panibagong skills pero hindi din naman basta basta dapat sumuko kapag alam mo yung pinag aaralan mo ay magiging malaking tulong at bagay sa darating na panahon. Kaya ito nalang ang laban natin lalong lalo na sa mga hindi nakapag tapos ng pag-aaral. Ang daming opportunities online para makipagsabayan sa mga online hiring basta skilled lang at lumalaki na din ang community dito sa bansa natin na nahilig sa mga ganitong skills online.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bettercrypto on April 05, 2025, 09:55:57 AM
Yung engagement sa X ito yung hindi ko pa nagagawa ng madalas bilang palang sa daliri ko na ginawa ito. At sang-ayon din naman ako na yung dca tools ay nakatulong ito sa akin na mag-improve ako in terms of pagaaccumulate ng mga potential na cryptocurrency na makapagbigay ng profit in the future.
Try mo kabayan, daming rewards diyan and potentially mga affiliation sa project lalo pat napaganda mo ang account mo or napadami ang iyong followers and marecognize ka ng mga ibang users na good poster. Same lang din dito sa forum, as user. If maganda ang post mabigyan merits. Dun naman possible ka mag ka like and retweet post which is good for engagement.

Uso dun yung mga thread thread.

Talaga? Parang ngayon ko lang ito nalaman ah, subukan ko ngang gumawa ng account sa twitter/X tapos gagawa ako ng mga post na constructive na pwedeng magustuhan ng mga community dun. Nga pala, gaano katagal mo na itong ginagawa sa twitter kabayan?

Mabalik tayo sa usapin, kaya pala madaming mga ibang community dun madalas gumagawa ng mga post sa X platform dahil dito sa sinasabi mo na ito tama ba? So ngayon ko lang talaga nalaman itong sinasabi mo na ito, so ibig sabihin pala kapag newbie ka palang wala pang retweet or like na makikita sa post na gagawin ko? ganun ba yun?

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bhadz on April 07, 2025, 09:08:35 AM
Hindi ako kumita ng 11btc yung isa lang sa kakilala ko na nagjoin din dito sa ico, kasi kung ako yung kumita ng 11btc nung time na yun ay paniguradong nagtabi ako ng 3 btc at hold ko yun.  Parang nakaramdam pa nga ako ng inggit sa kanya nun kasi ako nagsisimula palang dito sa crypto industry.

Anyway, at least sa pamamagitan ng kwento ng ibang tao ay nagkakaroon ng paghahanda para sa hinaharap natin dito sa crypto space. Kaya nga hold lang ng hold hangga't kaya mong gawin basta don't stop sa pinaniniwalaan mo.
Ang laking halaga na niyan ngayon sa 11 BTC. Kahit isang BTC nga lang sana matabi niya kung meron pa rin siya hanggang ngayon ay panalo pa rin naman. At kung ginastos niya lang yung iba tuwing bull run, panalong panalo yan. Pero ganun na nga, may kaniya kaniya tayong journey sa crypto at kung may mga hinohold naman tayo ngayon depende kung malaki o mababa, ang mahalaga tama yang sinabi mo na natuto tayo sa kwento nila at mas napaghandaan natin yung para sa atin.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: finaleshot2016 on April 07, 2025, 09:16:58 PM
Sa tingin ko, lahat ng inaabala natin na bagay ay magandang gawan ng improvement at matuto. Sa pag develop ng kung anong skills man yan, makakatulong na maabot ang pangarap. Naniniwala ako diyan.

Sa tingin ko mayroon risk ito sa pagkat hindi sigurado ang ating kinabukasan pero ang maganda dito ay alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng kaya mo para mag improve.

Ang skills talaga ang pinakamagandang investment sa mundo dahil walang makakaagaw nito sa inyo.
True, pero may isa pang risk talaga if masyadong maraming skills din, jack of all trades kungbaga, mahihirap din sa growth kelangan din talaga focus sa skills kaya di rin talaga pwede if lahat ng pwede is gagawin natin. If growth habol natin, mas okay din sa isa ang focus especially if gusto mo pag kakitaan ng pera.

Pero sa kabilang banda, kung natry mo lahat okay din, at least naenjoy mo lahat ng bagay na pwede dito sa mundong 'to, good investments sa lahat kasi marunong ka sa mga general skills na pwedeng maiapply sa mundong to.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bettercrypto on April 08, 2025, 10:55:43 AM

Both are good naman, basta dun lang tayo magpokus sa bagay na hindi rin naman tayo mahihirapan sa huli, kasi kung madami ka ngang skills tapos hindi mo din naman napapakinabangan ng husto ay useless din yun, mas maganda na magpokus kana nga lang talaga sa isa lang.

Pero kung kaya mo namang mapangasiwaan ng tama sa kabila ng jack of all trades ka naman ay wala naman ding problema dahil mas mabilis ka ring makakapag-impok kapag ganito naman, in short, alam mong hawakan ng tama yung time management mo.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 11, 2025, 08:47:00 AM
Talaga? Parang ngayon ko lang ito nalaman ah, subukan ko ngang gumawa ng account sa twitter/X tapos gagawa ako ng mga post na constructive na pwedeng magustuhan ng mga community dun. Nga pala, gaano katagal mo na itong ginagawa sa twitter kabayan?

Mabalik tayo sa usapin, kaya pala madaming mga ibang community dun madalas gumagawa ng mga post sa X platform dahil dito sa sinasabi mo na ito tama ba? So ngayon ko lang talaga nalaman itong sinasabi mo na ito, so ibig sabihin pala kapag newbie ka palang wala pang retweet or like na makikita sa post na gagawin ko? ganun ba yun?
Yes kabayan, medyo matagal na din pero mas matagal na me dito sa forum. Yes search mo kaito project dami na nakuha rewards diyan mga active users. Di rin basta basta ang posting sa X, parang forum din siya na need ng quality tweets or posting. Saka laking tulong din if maganda ang standing ng X account mo for airdrops and community rewards.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: bettercrypto on April 11, 2025, 09:22:23 AM

Sige-sige icheck ko yang account na sinabi mo at pag-aralan ko kung pano sila gumawa ng quality post sa x platform, mahirap naman na basta post lang yung gagawin dapat makita at mapag-aralan ko rin yung style ng pagpost nila sa tweet.

Dahil hindi ko talaga nabibigyan ng pansin yang Twitter/X before, pero kung ganun naman pala yung ginagawa nila ay baka malay natin in the near future ay makatulong din sa akin, kaya salamat sa information na ito kaibigan at malaking bagay din ito sa para hinaharap.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 11, 2025, 09:26:32 AM
Dahil hindi ko talaga nabibigyan ng pansin yang Twitter/X before, pero kung ganun naman pala yung ginagawa nila ay baka malay natin in the near future ay makatulong din sa akin, kaya salamat sa information na ito kaibigan at malaking bagay din ito sa para hinaharap.
Oo sir ako kasi cinacareer ko yung pagpapadami ng Followers sa X, since gamit ko siya sa mga ginagrind ko na projects or airdrops. Naka verified blue check nga ako sa X eh para di rin masyado maflagged for spam. Paid 6.3kphp for a year, laking gastos pero sa airdrops na narecieve ko dahil dun sa X, bawing bawi na agad sobra sobra pa.

Oo try to exolore boss lalo sa web3 kasi andyan ang mga pera. Haha

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: blockman on April 15, 2025, 01:14:19 PM
Oo sir ako kasi cinacareer ko yung pagpapadami ng Followers sa X, since gamit ko siya sa mga ginagrind ko na projects or airdrops. Naka verified blue check nga ako sa X eh para di rin masyado maflagged for spam. Paid 6.3kphp for a year, laking gastos pero sa airdrops na narecieve ko dahil dun sa X, bawing bawi na agad sobra sobra pa.

Oo try to exolore boss lalo sa web3 kasi andyan ang mga pera. Haha
Mukhang paldo ka sa pagiging quality influencer through X kabayan. Parang extra measure lang yung verified badge pero mas okay na yan as an investment sa part mo. Nagkaroon tuloy ako ng ideya ano pwedeng gawin dahil madami namang mga tools ang gagawin. Tanong ko lang, mga projects nalang ba mismo ang nagmemessage o email sayo para sa collaboration tapos bukod sa mga airdrops. May mga eksaktong rewards at contract ba silang binibigay sayo?

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: finaleshot2016 on April 15, 2025, 01:24:22 PM

Based sa exp ko, kapag huge followers, oo sila lalapit sayo even sa telegram channels sila ang lalapit sayo para sa mga collab or promo, minsan kapalit airdrop minsan babayaran ka kaso good ol' days kasi nga saturated natin, andaming may channels and influencer, siguro goods nalang ang social media for additional volume kasi nagpapa-call ang mga projects sa mga bigatin na talaga na may sandamakmak na volume. Kahit may 5k followers ka bihira din eh, siguro depende nalang talaga sa influence mo.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 15, 2025, 02:22:57 PM
Tanong ko lang, mga projects nalang ba mismo ang nagmemessage o email sayo para sa collaboration tapos bukod sa mga airdrops. May mga eksaktong rewards at contract ba silang binibigay sayo?
Hindi kabayan ikaw mismo mag dyor to which project yung support mo or icampaign. Also the rewards arent guaranteed depende uso kasi sa airdrop na medyo goods now eh yung role sa discord if may maganda ka roles sa discord eh may allocation. Ngayon para magkaroon ka gng roles isang way yung pang post sa X, either arts or long thread about the project ganun. Walang eksakto, kumbaga hit or miss siya.

Example katulad ng sa story protocol. May role ako na OG and sumali sa campaign nila nakakuha ako ng IP tokens mga 3k + tokens as reward para dun. Madami pang iba, iba iba ngayon ang patok ay Kaito project dahil sa social marketing.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: blockman on April 15, 2025, 10:20:53 PM
Mukhang paldo ka sa pagiging quality influencer through X kabayan. Parang extra measure lang yung verified badge pero mas okay na yan as an investment sa part mo. Nagkaroon tuloy ako ng ideya ano pwedeng gawin dahil madami namang mga tools ang gagawin. Tanong ko lang, mga projects nalang ba mismo ang nagmemessage o email sayo para sa collaboration tapos bukod sa mga airdrops. May mga eksaktong rewards at contract ba silang binibigay sayo?
Based sa exp ko, kapag huge followers, oo sila lalapit sayo even sa telegram channels sila ang lalapit sayo para sa mga collab or promo, minsan kapalit airdrop minsan babayaran ka kaso good ol' days kasi nga saturated natin, andaming may channels and influencer, siguro goods nalang ang social media for additional volume kasi nagpapa-call ang mga projects sa mga bigatin na talaga na may sandamakmak na volume. Kahit may 5k followers ka bihira din eh, siguro depende nalang talaga sa influence mo.
Sabagay dami na din ngayon mga crypto influencers kaya itong mga projects na ito, pipiliin yung sobrang daming mga followers at engagement dahil isa yun sa metrics nila. Pero kahit ngayon pa rin naman siguro may mga paldo pa rin kayo sa mga ganitong offer.

Tanong ko lang, mga projects nalang ba mismo ang nagmemessage o email sayo para sa collaboration tapos bukod sa mga airdrops. May mga eksaktong rewards at contract ba silang binibigay sayo?
Hindi kabayan ikaw mismo mag dyor to which project yung support mo or icampaign. Also the rewards arent guaranteed depende uso kasi sa airdrop na medyo goods now eh yung role sa discord if may maganda ka roles sa discord eh may allocation. Ngayon para magkaroon ka gng roles isang way yung pang post sa X, either arts or long thread about the project ganun. Walang eksakto, kumbaga hit or miss siya.

Example katulad ng sa story protocol. May role ako na OG and sumali sa campaign nila nakakuha ako ng IP tokens mga 3k + tokens as reward para dun. Madami pang iba, iba iba ngayon ang patok ay Kaito project dahil sa social marketing.
Mahirap din pala yan at need ng effort kaya kung anoman pala ang nakukuha niyo diyan, yun ay dahil pinaghirapan at pinagtrabahuan niyo yun. Malas lang kapag flop yung project dahil abandon ship din talaga. Kaya more projects sa inyo at sana mas maging profitable pa dahil hit or miss nga yan.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: Peanutswar on April 20, 2025, 03:34:20 PM

Na experience ko yan before nung mga peak pa ng ETH era which is mga NFT pa nga ang meta noon, nag hire sila ng mga PH active tapos ginagawa nilang mga distributor ng mga roles well NFT kase that time eh hindi naman token so yung iba di nag flip kase baka tumaas yung value at yung iba naman nag hold din kasi nga isa sila sa mga active members and may role sila sa project, it seems until now nga eh nangyayari pa din yan pero most likely network connections na nangyayari eh so pag linked ka sa ibang project na naging successful possible high chance na hire ka din sa next project. Pero in terms of considered as work never been to pa.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 20, 2025, 09:07:36 PM
Mahirap din pala yan at need ng effort kaya kung anoman pala ang nakukuha niyo diyan, yun ay dahil pinaghirapan at pinagtrabahuan niyo yun. Malas lang kapag flop yung project dahil abandon ship din talaga. Kaya more projects sa inyo at sana mas maging profitable pa dahil hit or miss nga yan.
Oo tsambahan din kabayan, pero ang kinaganda nun eh mga free yung iba katulad ng caldera project if alam mo yun. Nag grind ako ng OG role dun, and nakakuha me. Ngayon wala pa update para dun, so waiting game ako if paldo ba or hindi pero libre ko lang naman ginawa yun sa discord nila and limited lang yung participants nun.

If interested ka sali ka sa crypto pinoy telegram group natin mga forum users or sali ka sa channel ko.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: blockman on April 21, 2025, 09:57:30 AM
Mahirap din pala yan at need ng effort kaya kung anoman pala ang nakukuha niyo diyan, yun ay dahil pinaghirapan at pinagtrabahuan niyo yun. Malas lang kapag flop yung project dahil abandon ship din talaga. Kaya more projects sa inyo at sana mas maging profitable pa dahil hit or miss nga yan.

Na experience ko yan before nung mga peak pa ng ETH era which is mga NFT pa nga ang meta noon, nag hire sila ng mga PH active tapos ginagawa nilang mga distributor ng mga roles well NFT kase that time eh hindi naman token so yung iba di nag flip kase baka tumaas yung value at yung iba naman nag hold din kasi nga isa sila sa mga active members and may role sila sa project, it seems until now nga eh nangyayari pa din yan pero most likely network connections na nangyayari eh so pag linked ka sa ibang project na naging successful possible high chance na hire ka din sa next project. Pero in terms of considered as work never been to pa.
Mukhang connections nga lang at karamihan talaga yung experienced nalang ang kinukuha. Kung meron mang mga inexperienced na kinukuha, yun ay yung mga entry roles lang at parang madadali lang na tasks ng mga project.

Mahirap din pala yan at need ng effort kaya kung anoman pala ang nakukuha niyo diyan, yun ay dahil pinaghirapan at pinagtrabahuan niyo yun. Malas lang kapag flop yung project dahil abandon ship din talaga. Kaya more projects sa inyo at sana mas maging profitable pa dahil hit or miss nga yan.
Oo tsambahan din kabayan, pero ang kinaganda nun eh mga free yung iba katulad ng caldera project if alam mo yun. Nag grind ako ng OG role dun, and nakakuha me. Ngayon wala pa update para dun, so waiting game ako if paldo ba or hindi pero libre ko lang naman ginawa yun sa discord nila and limited lang yung participants nun.

If interested ka sali ka sa crypto pinoy telegram group natin mga forum users or sali ka sa channel ko.
Parang narinig ko yang project na yan. Lumalabas kasi sa feed ko yung mga crypto groups tapos madaming nagse-share ng mga iba't-ibang mga projects at parang naaalala ko yan. Lapag mo dito yung mga TG channels na yan para makita din ng iba.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: finaleshot2016 on April 22, 2025, 09:52:07 PM
Sa tingin ko, lahat ng inaabala natin na bagay ay magandang gawan ng improvement at matuto. Sa pag develop ng kung anong skills man yan, makakatulong na maabot ang pangarap. Naniniwala ako diyan.

Sa tingin ko mayroon risk ito sa pagkat hindi sigurado ang ating kinabukasan pero ang maganda dito ay alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng kaya mo para mag improve.

Ang skills talaga ang pinakamagandang investment sa mundo dahil walang makakaagaw nito sa inyo.
True, pero may isa pang risk talaga if masyadong maraming skills din, jack of all trades kungbaga, mahihirap din sa growth kelangan din talaga focus sa skills kaya di rin talaga pwede if lahat ng pwede is gagawin natin. If growth habol natin, mas okay din sa isa ang focus especially if gusto mo pag kakitaan ng pera.

Pero sa kabilang banda, kung natry mo lahat okay din, at least naenjoy mo lahat ng bagay na pwede dito sa mundong 'to, good investments sa lahat kasi marunong ka sa mga general skills na pwedeng maiapply sa mundong to.

Both are good naman, basta dun lang tayo magpokus sa bagay na hindi rin naman tayo mahihirapan sa huli, kasi kung madami ka ngang skills tapos hindi mo din naman napapakinabangan ng husto ay useless din yun, mas maganda na magpokus kana nga lang talaga sa isa lang.

Pero kung kaya mo namang mapangasiwaan ng tama sa kabila ng jack of all trades ka naman ay wala naman ding problema dahil mas mabilis ka ring makakapag-impok kapag ganito naman, in short, alam mong hawakan ng tama yung time management mo.
True. Just to be practical lang naman kasi based on experience ko din yan na di pwedeng jack of all trades palagi, you really need to have at least 1 specialty para sa growth at para hindi din ma-confuse yung iba dito na nagsisimula. At least magkakaroon din sila idea na hindi lahat naidadaan sa mastery of many things especially if growth in terms of financial ang habol. You really need to conserve yung capacity mo sa mga bagay bagay, buhos mo sa isa then if may progress na sa isa, tsaka mag laan for other skills. Pero nasa sa kanila na yan pano iaallocate ang mga bagay bagay or kung ano pagtutuunan ng pansin kasi halos lahat naman ng tao dumaan din dyan. Pero if may idea na sila about dito, mas madadalian sila sa pag-angat, kaya marami ding umaangat at young age kasi may blueprints na kung saan dapat sila mag excel.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: Peanutswar on April 23, 2025, 01:59:26 PM
~
Quote

Akala ko din noong una is okay maging Jack of all trades eh kasi may background ka sa lahat pero yung totoo is hindi pala talaga, feel mo ma off ka sa skills mo na ito lang ba yung kaya mo na alam mo lang bare minimum yung mga task kaya mas okay pa din may specialty ka once na master mo na yung isang bagay is tsaka kalang talaga mag hahanap ng bagong pag kaka abalahan kasi pag alam mo lang ang lahat mangyayari is parang ikaw mismo mag doubt sa sarili mo na wala kang specialty kasi unlike ng iba magaling sila sa ganitong aspect.

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: gunhell16 on April 24, 2025, 08:46:00 AM
Sa tingin ko, lahat ng inaabala natin na bagay ay magandang gawan ng improvement at matuto. Sa pag develop ng kung anong skills man yan, makakatulong na maabot ang pangarap. Naniniwala ako diyan.

Sa tingin ko mayroon risk ito sa pagkat hindi sigurado ang ating kinabukasan pero ang maganda dito ay alam mo sa sarili mo na ginawa mo ang lahat ng kaya mo para mag improve.

Ang skills talaga ang pinakamagandang investment sa mundo dahil walang makakaagaw nito sa inyo.
True, pero may isa pang risk talaga if masyadong maraming skills din, jack of all trades kungbaga, mahihirap din sa growth kelangan din talaga focus sa skills kaya di rin talaga pwede if lahat ng pwede is gagawin natin. If growth habol natin, mas okay din sa isa ang focus especially if gusto mo pag kakitaan ng pera.

Pero sa kabilang banda, kung natry mo lahat okay din, at least naenjoy mo lahat ng bagay na pwede dito sa mundong 'to, good investments sa lahat kasi marunong ka sa mga general skills na pwedeng maiapply sa mundong to.

Both are good naman, basta dun lang tayo magpokus sa bagay na hindi rin naman tayo mahihirapan sa huli, kasi kung madami ka ngang skills tapos hindi mo din naman napapakinabangan ng husto ay useless din yun, mas maganda na magpokus kana nga lang talaga sa isa lang.

Pero kung kaya mo namang mapangasiwaan ng tama sa kabila ng jack of all trades ka naman ay wala naman ding problema dahil mas mabilis ka ring makakapag-impok kapag ganito naman, in short, alam mong hawakan ng tama yung time management mo.
True. Just to be practical lang naman kasi based on experience ko din yan na di pwedeng jack of all trades palagi, you really need to have at least 1 specialty para sa growth at para hindi din ma-confuse yung iba dito na nagsisimula. At least magkakaroon din sila idea na hindi lahat naidadaan sa mastery of many things especially if growth in terms of financial ang habol. You really need to conserve yung capacity mo sa mga bagay bagay, buhos mo sa isa then if may progress na sa isa, tsaka mag laan for other skills. Pero nasa sa kanila na yan pano iaallocate ang mga bagay bagay or kung ano pagtutuunan ng pansin kasi halos lahat naman ng tao dumaan din dyan. Pero if may idea na sila about dito, mas madadalian sila sa pag-angat, kaya marami ding umaangat at young age kasi may blueprints na kung saan dapat sila mag excel.

Medyo narerelate ko yung ibig mong sabihin dito dude, parang wala ding pinagkaiba dito sa pag-aaral natin ng crypto trading sa industry na ito, madaming mga strategy tayo na pwedeng aralin via indicators sa pag-analyze chart sa bitcoin man ito o cryptocurrency.

Na kung saan diba sinasabi ng iba na mas maganda na meron lang tayong isang strategy na gagamitin sa actual trade, kesa yung madami nga tayong ide o alam na mga strategy pero ni isa naman sa mga nalalaman natin na strategy ay hindi naman tayo nagiging profitable. edi mas maganda na yung kahit isa lang yung strategy na gagamitin natin pero binuhos natin lahat para mamaster ito ay magiging profitable naman tayo ay ayos lang, diba?

Title: Re: Palaguin ang ating Skills
Post by: cryptoaddictchie on April 24, 2025, 08:33:59 PM
Parang narinig ko yang project na yan. Lumalabas kasi sa feed ko yung mga crypto groups tapos madaming nagse-share ng mga iba't-ibang mga projects at parang naaalala ko yan. Lapag mo dito yung mga TG channels na yan para makita din ng iba.
Hello kabayan sorry late reply. Ito yung post ko alpha signal group.

Just Sign Up
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5497808.0

Ito naman yung crypto TG group ng Pilipinas forum users.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5512561.msg64615764#msg64615764

Sali ka na lang sa both. May mga members diyan na nagpopost din dito. Dun kami nagdidiscuss, pakilala ka na alng pagkasali mo sa TG group para malaman namin. Usually naman dito makikita na forum users yun since private TG link yan.