Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Asuspawer09 on February 06, 2025, 03:24:35 PM

Title: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Asuspawer09 on February 06, 2025, 03:24:35 PM
Hindi ako pamilyar sa context neto di ko alam kung kailan pa ito nagscam sabi kase sa mga naririnig ko dati pa daw ito, Pero dito sa video na nakita ko sa Facebook parang bago pa and nagaaya pa siya na sumali ang mga tao sa project na ito, worldofcoins nga pala yung project and ang pinaka issue dito ay binabayaran nila ang tao para magpascan ng Iris nila, kung titignan naten parang KYC lang din naman siya and marami namang mga platform nagnagbibigay ng bonus kapag nag KYC ka sa platform nila, pero parang ibang usapan itong Iris scan na mismo, kung titignan din naten ang mga comments madaming mga hindi agree dito, and personally agree ako sa kanila para saken hindi ito safe dahil kung privacy lang ang usapan kapag nagkaroon sila ng copy ng iris mo hindi naten masasabi pa sa ngayon pero in the future baka pagsisihan din nila ito.

Sa mga nababasa ko around 5k daw ang makukuha mo kapag nagpascan ka, airdrop ng worldofcoins so token ang makukuha mo din ang makukuha mo is around 5k pesos, Pero mukang madaming mga Pilipino ang pumipila dahil pera na ang usapan marami talagang mahihikayat lalo na sa hirap ng buhay ngayon, maraming mga kababyan naten na handang isakripisyo ang privacy nila para sa maliit na halaga.

Anong masasabi nyo dito agree ba kayo? magpapascan ba kayo para sa airdrop?  :'(

https://i.ibb.co/F4M6xpK5/Screenshot-2025-02-06-231610.png (https://imgbb.com/)

 Ethical, Socioeconomic Issues Raised as Worldcoin Airdrop Activity Continues in Bulacan  (https://bitpinas.com/feature/worldcoin-bulacan-airdrop-debate/?fbclid=IwY2xjawIRsF5leHRuA2FlbQIxMAABHZTSgfWofX7jOTMSBLA49njkK61BvX75bMy5flNXYzTBaxDhAx_hRkq6sw_aem_5bkifsn2mTefvbfQcNt1fQ)
 Watch Video Here (https://www.facebook.com/reel/1314489269868224)

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: dimonstration on February 06, 2025, 03:41:30 PM
I think yung iris scanning ay way lang para master attract yung mga na sumali dahil mukhang legit product at hindi kaduda duda dahil nagbabayad sila.

Pero ang nakakatakot dito ay maasring gamitin yung mga details nila pang KYC sa mga services lalo kapag involved ang money laundering or scam money tapos sa account nila iaaccount.

Sobrang daming scammer sa pinas lalo na sa gcash kaya tiyak na doon ang bagsak ng mga KYC nila.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Asuspawer09 on February 06, 2025, 04:56:30 PM
I think yung iris scanning ay way lang para master attract yung mga na sumali dahil mukhang legit product at hindi kaduda duda dahil nagbabayad sila.

Pero ang nakakatakot dito ay maasring gamitin yung mga details nila pang KYC sa mga services lalo kapag involved ang money laundering or scam money tapos sa account nila iaaccount.

Sobrang daming scammer sa pinas lalo na sa gcash kaya tiyak na doon ang bagsak ng mga KYC nila.

Legit itong mga project kabayan, I mean kahit naman ngayon sobrang daming mga crypto projects airdrop pa rin naman ang naglalabasan and ibat ibang utility madalas ngayon more on AI airdrop pero itong world of coins bale parang KYC project talaga siya para malaman or maprove na human talaga ang information, siguro sa pagkakaintindi ko parang authenticator ito, like sa mga discord kelangan mo magverify kung ito nga naman ang gagamitin mo talagang maiidentify mo ang bot sa hindi.

Quote
Use your World ID to sign into mobile and online apps to prove you are a unique human.

So kapag nagsign in ka or nagpascan ka bale airdrop lang ang mangyayari bale makakakuha ka ng token nila, so legit naman talaga ang project, pero ang nakakatakot lang talaga dito is kapag nagleak ang mga information mo, in the future kung magkakaroon nga naman ng ganitong authenticator imaging if na leak ang iris mo ibig sabihin kahit saang mga platform maaaccess nila agad dahil may copy sila ng iris mo. For now siguro hindi pa naten makita dahil hindi pa naman gumagamit ng ganitong technology sa mga platform madalas ID lang or fingerprint, I mean kahit nga finger print medjo nakakatakot na ibigay, Imagine mo nalang kung nagleak ang fingerprint mo so lahat ng device na may fingerprint mo maaaccess din nila.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Mr. Magkaisa on February 07, 2025, 02:53:28 AM
Ang Iris Scanning ay hindi maganda pati ang KYC para sa mga tao. Karamihan sa sasali dito ay mga nangangailangan ng pera kaya hindi man nila alam ang pinapasok nila ayt mag go go sila dahil sa kap[alit na halaga.
Naipaliwanag ba kung para saan ang Iris scanning? ang KYC ay normal sa isang wallet kung andun ang kkabayaran nila. pero biruin mo.
Hawak mo na ang buong info ng tao may iris scan ka pa nito? isa itong mahalagang datos lalo na sa AI world.

Naituro din ba ang pagpapapalit ng WOC sa pera? Napakadelikado nila kaya ang lugar na target ay nasa Rural.

Mayroon din palang Forum ang world of coin: http://www.worldofcoins.eu/forum/index.php?PHPSESSID=1693025m0449ns4u0htjtsi194&

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: LogitechMouse on February 07, 2025, 03:42:11 AM
Sa pagkakaalam ko, ginawa na rin nila ito sa Argentina a few years ago.
Target nila ay yung mga 3rd world at developing countries, at hindi na rin nakapagtataka na may mga kababayan tayong pumunta sa pa-AIRDROP nila dahil wala naman silang pake kung makuhanan man sila ng personal na impormasyon. Ang mas mahalaga sa kanila ay yung may pera silang magagamit pang bili ng bigas.

Magpapascan ba ako? Hindi pero kung tatanungin mo ay yung mga matatanda at mga malalapit sa tinatawag nilang "poverty zone", for sure oo ang sagot nila jan. Pagdating sa pag turo sa pag convert, sana tinuruan man lang sila kung paano yun i-convert into cash. Naisip ko kung paano nila mai coconvert yun on-the-spot.

Well, legit naman yung project pero yung way nila para makapag attract ng mga tao ay "unethical" dahil pwede nilang gamitin yung information sa kanilang pansariling kapakanan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Asuspawer09 on February 07, 2025, 04:23:49 PM
Ang Iris Scanning ay hindi maganda pati ang KYC para sa mga tao. Karamihan sa sasali dito ay mga nangangailangan ng pera kaya hindi man nila alam ang pinapasok nila ayt mag go go sila dahil sa kap[alit na halaga.
Naipaliwanag ba kung para saan ang Iris scanning? ang KYC ay normal sa isang wallet kung andun ang kkabayaran nila. pero biruin mo.
Hawak mo na ang buong info ng tao may iris scan ka pa nito? isa itong mahalagang datos lalo na sa AI world.

Naituro din ba ang pagpapapalit ng WOC sa pera? Napakadelikado nila kaya ang lugar na target ay nasa Rural.

Mayroon din palang Forum ang world of coin: http://www.worldofcoins.eu/forum/index.php?PHPSESSID=1693025m0449ns4u0htjtsi194&

Siguro depende rin naman sa tao kung agree sila o hindi sa KYC pero kung legitimate na platform naman like kunware Gcash, maiintindihan naman naten dahil way naman ito ng mga kompanya para maiwasan o maverify ang mga tao or siguro bot, para lang talaga malaman nila kung totong tao ba talaga ang nagregister sa platform nila or kaya naman way din naman nila yun para maprotektahan ang mga individual sa platform nila, or siguro sa mga scam, dahil kung may record ka ng KYC madali nga namang maiidentify kapag nangscam ka sa platform madali kang marereport ng platform incase na involve ka sa illegal na transactions.

Yun lang talaga ang nakakatakot jan kabayan baka mamaya hindi aware ang mga kababyan naten dito kung saan gagamitin ang mga iris nila, para saan yun, not sure ako pero siguro may mga seminar naman siguro yan bago sila nagpascan dba? Siguro may mga nagpapalit na ng WOC doon para diretso na makuha ng mga tao ang pera converted na agad sa cash, ang pinakaproblema talaga dito ang mga kababayan naten kapag hindi nila alam na makokompromised ang identity nila or hindi malinaw sa kanila, malamang niyan dahil 5k nga naman ang bigayan pipilahan lang lahat ng tao doon, para sa pera ng hindi iniintindi kung saan gagamitin o anong gamit nila, pero since kahit papano naman may pangalan iton Worldofcoins legit project naman siguro ito nakakatakot lang talaga kapag nagleak yan, mapoprotektahan ba nila ang data?

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Peanutswar on February 07, 2025, 04:40:12 PM
Nakita ko lang din to habang nag scroll ako before and marami nga talagang tao ang napunta dito para lang sa kanilang biometrics and para sa akin parang pinag papalit na nila ung mga identification nila para sa kapalit na pera kung tutuusin nga parang lantaran na itong pag bili ng kanilang impormasyon kasi alam naman natin ang details ng bawat tao ay unique so maaring magamit yung kanilang mga katangian para lang sa halagang 5k pero sino ba naman ang ayaw ng ganitong halaga diba kaya maraming pilipino ang nabibiktima kasi di sila aware sa mga ganito so di na di nako mag tataka bat maraming nahikayat dito.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Asuspawer09 on February 07, 2025, 06:52:48 PM
Sa pagkakaalam ko, ginawa na rin nila ito sa Argentina a few years ago.
Target nila ay yung mga 3rd world at developing countries, at hindi na rin nakapagtataka na may mga kababayan tayong pumunta sa pa-AIRDROP nila dahil wala naman silang pake kung makuhanan man sila ng personal na impormasyon. Ang mas mahalaga sa kanila ay yung may pera silang magagamit pang bili ng bigas.

Magpapascan ba ako? Hindi pero kung tatanungin mo ay yung mga matatanda at mga malalapit sa tinatawag nilang "poverty zone", for sure oo ang sagot nila jan. Pagdating sa pag turo sa pag convert, sana tinuruan man lang sila kung paano yun i-convert into cash. Naisip ko kung paano nila mai coconvert yun on-the-spot.

Well, legit naman yung project pero yung way nila para makapag attract ng mga tao ay "unethical" dahil pwede nilang gamitin yung information sa kanilang pansariling kapakanan.

Well, hindi mo din naman masisisi yung mga kababayan naten diba, kung wala ka ng makain hindi mo naman na iisipin ang privacy or mga ganoong bagay, mawawalan kana ng pake basta makakain ka lang lalo na rin siguro yung mga mahihirap talaga na hirap makakain ng tatlong beses sa isang araw, isipin mo instant magkakaroon ka bigla ng five thousand pesos although hindi kalakihan ang five thousand pesos, pero sobrang hirap na kitain ng five thousand and malaking tulong na rin talaga yun sa kanila.

Sa mga nakikita ko sa post sa facebook, lalo na dun sa nagpost mukang may tao na nagcoconvert na mismo sa peso nung airdrop nila, not sure how or pano ang galawan doon pero sa mga nababasa ko diretso na daw, nakalagay din kase dun sa post niya na Cash na daw agad ang makukuha, kahit daw walang PDAX account, so meaning token talaga ang nakukuha doon ang kinoconvert lang sa PDAX, itong nagpost siguro third party ito, bale yung mga nakakakuha ng airdrop dumadaan sa kanya then, siguro sinisingil nya lang ng maliit na fees and then bibigyan niya na lang ng cash, kumikitang kabuhayan din itong nagpost eh.

Same tayo jan kabayan hindi rin ako magpapascan ng Iris ko, kahit yung mga chip na iniimplant ayoko rin ;D.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: robelneo on February 07, 2025, 07:29:12 PM
Kahit wala naman alam sa cryptocurrency basta marinig o mabasa lang na magbibigay ng 5 libo piso go na rin yan, may kaibigan nga ako na wala sa cryptocurrency pero nung mabasa nya ito parang gusto nya rin sumali kahit hindi sya taga Bulakan.
Ang katwiran nya naman hindi naman mata ang kukunin scan lang naman, marami ang may mga ganitong takbo ng pagiisip hindi sila knowledgeable sa cryptocurrency ang tingin nila dito ay ayuda at yung 5 k mahigit isang Linggo mo na kita dito ilang oras ka lang naman maghihintay.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: blockman on February 07, 2025, 10:40:01 PM
worldofcoins nga pala yung project
Icorrect ko lang asuspawer, World coin(WLD) yun. Itong nabanggit mo username yan ng isang member dito sa forum natin.  :D

Nakita ko lang din to habang nag scroll ako before and marami nga talagang tao ang napunta dito para lang sa kanilang biometrics and para sa akin parang pinag papalit na nila ung mga identification nila para sa kapalit na pera kung tutuusin nga parang lantaran na itong pag bili ng kanilang impormasyon kasi alam naman natin ang details ng bawat tao ay unique so maaring magamit yung kanilang mga katangian para lang sa halagang 5k pero sino ba naman ang ayaw ng ganitong halaga diba kaya maraming pilipino ang nabibiktima kasi di sila aware sa mga ganito so di na di nako mag tataka bat maraming nahikayat dito.
Nakakaawa lang din kasi sa hirap ng buhay ngayon kasi kahit mga organs nga binebenta para lang magkaroon ng pera at pantustos sa pamilya. Sana may briefing muna yung mga ganito tungkol sa pros and cons bago nila i-scan o ibiometrics yung mga nakapila.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: jamyr on February 08, 2025, 12:46:08 AM

Ang hindi obvious (http://openoyminded.gg/followmydrift/laftrip/hahaha)
 ay iyong participants ay meron ding scheme, di naman sila taga roon talaga pero basta may patawag or pameet si street boss or block leader, tapos ayaw ng maraming tanong. Hahhaha

Kung magrereklamo, ah next event out ka na.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: finaleshot2016 on February 08, 2025, 06:11:44 PM
parang ang dami kong nakikitang negative sa bagay na ito. Yung mga ganyang bagay is private identity na hindi dapat binibigay sa kung sino sino, kasi for sure ibebenta or gagamitin nila yan, pagkakakitaan yung mga ganyang data. Pero hindi natin sila masisisi kasi nga uso din yung mga binebenta yung valid id para magamit ng mga scammer yung identity nila for gcash scamming scheme atbp platform. Wala rin namang pake yung iba kasi iniisip nila quick money, ganon talaga mahirap ang buhay at hindi pa nila maiisip ang future dyan. Kakalungkot lang na hindi based yung org or kung ano man yan kasi ang target talaga nila is mga hindi knowledgeable sa ganyang bagay.

Yes money is money, legit kung legit. But mas pipiliin ko pang magkaroon ng Airdrop sa libreng paraan, there are many ways para ma-airdroppan ka ng libre, katulad nga ng mga nakakwentuhan ko, airdrop ang main source nung iba pati mga friends ko pero to sell your personal information and received something about it, alam mong nakakatakot. Kasi kung dyan nagagawa nila sa crypto, what more sa mga local platforms katulad ng gcash maya atbp para manlamang ng kapwa.

don't get me wrong, kahit pa listed yung coin and such na yan, madami na akong pinagdaanang coins, kahit pa memecoins and utility yan, pero privacy is still privacy. Purket affiliated sa crypto, hindi na dapat ijustify pero totoo nga namang pag wala na makain or naghihirap, papayag sa ganyan talaga di natin sila masisisi. Pero ikaw na aware ka at alam mo yung tama o mali sana hindi natin i-justify dito yang ganyan. Kaya dapat talaga mas pinopromote yung education dito in general eh, hindi mangyayari yan kung active ang edukasyon dito sa atin, kasi butterfly effect na yon, hanggang sa gobyerno, madadala yon at mas magkakaroon ng batas regarding this matter.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: robelneo on March 14, 2025, 07:22:15 PM
Dahil sa malaking ingay na nangyari sa Crypto airdrop na ito ay na fetured sila sa KMJS o Kapuso Mo Jesicca Soho ang number one magazine show tuwing Linggo dito sa atin.
Mukhang legit nga dahil lahat halos ng nag pa scan ay naka receive ng airdrop nila bukod doon ang developer nto ay si Sam Altman ang developer ng ChatGpt.
Bagaman ban ito sa ibang bansa marami pa rin ang tumatangkilik sa airdrop na ito, kun gsakali mag open sila dito sa NCR malamang dudumugin sila ng maraming tao, baka 10 doble pa ng tao sa Bulacan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Text on March 15, 2025, 11:13:45 AM
Hindi rin ako papayag magpascan ng iris para lang sa airdrop kahit gaano pa kalaki ang halaga hindi matutumbasan ng pera ang privacy at seguridad natin. Nakakatakot isipin na hawak na ng iba ang ganung klaseng personal na data lalo na't hindi natin alam kung paano ito gagamitin sa hinaharap.

Ang problema ay hindi lahat fully informed kung ano ang kapalit ng pagsali nila dito. Sana man lang may malinaw na paliwanag bago sila sumabak hindi lang basta pera ang habol kundi proteksyon rin sa data nila.
Kahit pa sabihin nilang legit ang project hindi pa rin ako kumpiyansa sa iris scanning. Maraming paraan para magpatunay na tao ka pero yung ibigay ang unique biometric data mo? Parang sobrang bigat ng kapalit. Privacy ngayon ang pinakamahalaga lalo na sa panahon ng AI, deepfake at identity theft.

Kapag nawala na ang data mo wala nang balikan yun.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: cryptoaddictchie on March 15, 2025, 01:58:44 PM
Mukhang legit nga dahil lahat halos ng nag pa scan ay naka receive ng airdrop nila bukod doon ang developer nto ay si Sam Altman ang developer ng ChatGpt.
Bagaman ban ito sa ibang bansa marami pa rin ang tumatangkilik sa airdrop na ito, kun gsakali mag open sila dito sa NCR malamang dudumugin sila ng maraming tao, baka 10 doble pa ng tao sa Bulacan.
Yes legit naman talaga ang worldcoin, hindi magiisip mangscam ang founder nila dahil, napakayaman ni Sam Altman, para gawin iyon.

Syempre yung mga tao di naman maiiwasan magisip dahil iris scan ang usapan at medyo sensitive ang method para magkaroon ng tokens nila. Its a form of kyc na rin using your iris scanned eyes. Well its up to anyone kung gagawin nila ito.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: gunhell16 on March 15, 2025, 03:51:07 PM
May napanuod ko itong week na lumipas sa Gma7 kay Jessica Soho na kung saan hindi naman halagang 5000 yung binabayad kundi halagang nasa 2500 lang sang-ayon dito sa video na aking napanuod https://www.youtube.com/watch?v=Z2J_uKBv6qU hindi lang ako sure kung kaparehas din ba yan ng sinasabi ni op dito na airdrops, dahil kung titignan ko naman ay mukhang iisa lang yung organizers at parehas din nasa bulacan plaridel.

Pero sang-ayon sa video ay parang walang airdrops na binanggit, kundi magdownload lang daw ng apps sa cellphone, tapos kunin lang yung name nila at pa irish scan na sila, kaya nga kung oobserbahan mo ay parang dinaig pa yung ayuda dahil kahit buong pamilya mo ay mabibigyan ka ng 2500 pesos sa ilang oras na pagpila mo na easy money kung tawagin nila. Kaya kung malalim kang tao ay mapapaisip ka talaga at nakakabahal yun para sa aking opinyon lang naman.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: crwth on March 15, 2025, 04:19:25 PM
Hindi ba parang binenta mo na ang DNA mo nyan? Parang ganun ang tining ko at data din kasi ang mata ng mga tao. So kung mayroon na sila nyan, ano pa ang pwedeng gawin dun sa data?

Malalim mag isip ba ang tinutukoy mo OP? Totoo na nakakapag taka at mapapaisip dahil download tapos kunin ang data mo na iris scan. Mayroon ba nag cocollect ngayon na magiging willing ang mga tao pag nalaman nila ang totoong rason? Kasi parang too good to be true in someway pero nasa tao naman yung gagawa nyan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bettercrypto on March 15, 2025, 05:37:29 PM

Grabe nga yan, kung titignan natin yung good side ay literal na nakakatulong naman talaga sa mga kababayan natin na kung saan magdownload ka nga lang ay may 2500 ph kana agad na hindi na sila magtatanung kung para saan yung pagkuha ng irish scan sa kanilang mga mata dahil nakatingin sila sa 2500 na ibibigay sa kanila.

Baka naman mamaya nyan yung ginagawa ng mga organizers dyan ay isang uri ng Irish Scam not Irish scan? siyempre sa pamamagitan ng iris scan ay maveverify talaga nila kung sino yung mga tao na maiiscan nila. Pero in fairness ang daming pumunta sang-ayon sa video na binigay.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: cryptoaddictchie on March 16, 2025, 10:59:25 AM
Baka naman mamaya nyan yung ginagawa ng mga organizers dyan ay isang uri ng Irish Scam not Irish scan? siyempre sa pamamagitan ng iris scan ay maveverify talaga nila kung sino yung mga tao na maiiscan nila. Pero in fairness ang daming pumunta sang-ayon sa video na binigay.
I think its the same process na ginagawa ng worldcoin sa ibang lugar, orb product din gamit nila and Im sure this event on Bulacan was acknowledged.

Regarding sa pumunta choices nila yun, sa hirap naman kasi ng buhay ngayon 2500 pesos is a big help na, pero syempre iba iba ang opinyon dito dahil nga they are required to do iris scan. Meaning wala na sila pake dun sa outcome kasi binigyan na nila ng importansya yung pera. If theres a hidden agenda with this method of worldcoin na founder ng isa sikat na product na ginagamit ng buong mundo known as ChatGpt ay lalabas later on. (If meron man) if wala well mayaman naman kasi sila so yung pera they dont mind.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: gunhell16 on March 16, 2025, 03:14:20 PM

Yun nga lang talaga ang naging reason sa mga pumunta, dahil sabi nga nung isang tao sa video ay yung 2500 ay malaking bagay na sa kanila dahil 1 week na pambili naraw ng ulam yun at bigas nalang ang bibilhin nya, so at this point hindi natin sila masisisi dahil sa kalagayan ng kahirapan dito sa bansa natin.

Malamang nga mayaman na tao yung nasa likod ng Iris scanning na yan. Ang nakakapagtaka lang talaga bakit mga mahihirap na tao ang tinarget na gawan ng ganitong acitvity? dahil ba iniisip nilang madaming mga uri ng tao sa level na ito ang madaling maloko? ganun ka yun? hmmm???

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: PX-Z on March 16, 2025, 06:29:50 PM
Too risky, pero dahil nasa pinas tayo na uso ang kahirapan at walang alam sa mga ganyan as long na magka pera sila. Kahit saang probinsya tatangkilikin yang project na yan as long na "legit" na magkakapera tao diyan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: cryptoaddictchie on March 16, 2025, 07:51:09 PM
Malamang nga mayaman na tao yung nasa likod ng Iris scanning na yan. Ang nakakapagtaka lang talaga bakit mga mahihirap na tao ang tinarget na gawan ng ganitong acitvity? dahil ba iniisip nilang madaming mga uri ng tao sa level na ito ang madaling maloko? ganun ka yun? hmmm???
Owning chatgpt with dozens of subscribers kabayan, for sure mayaman talaga si Sam. Hindi naman mahihirap lang na tao ang possible participants even the rich people can register if they want yo have world coin, bago pa sa Pinas eh madami na orbs sa ibang Bansa more than 10 countries if Im not mistaken like Korea, Singapore, and many more.

Possibly kaya nagkaroon niyan dito kasi may active na pinoy sa community ng world na nanghikayat magestablish ng base for worldcoin users dito sa atin and ayun naapproved, before kasi choices mo lang is like Japan, or yung mga nabanggit ko. Kung wala naman nagrequest di naman yan dadalhin dito, siguro chineck nila users ng wordlcoin app sa Pinas and pasok sa quota. Yun lang naopen na din sa mga non exp users or wala alam sa crypto.

Matagal na project na yan, super late na nga pumasok dito sa atin eh. Though I dont like the iris method approach, pero I can say na if ang backer neto is Sam, no problem at all.

Ito lang yan eh, worldcoin is another product of OpenAI the company who owns chatgpt. If yung mga tao aware dito then mawawala worry nila. Sino bang hindi pa gumagamit ng chatgpt sa panahon ngayon? Mahirap talaga pag walang dyor dyor sa mga ganito pero yung alam naman ang background ng company behind the scene siguro kampante sila.

Im sure yung nagreport neto sa KMJS di manlang nag dyor whose behind worldcoin.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: aioc on March 17, 2025, 01:08:27 PM
Too risky, pero dahil nasa pinas tayo na uso ang kahirapan at walang alam sa mga ganyan as long na magka pera sila. Kahit saang probinsya tatangkilikin yang project na yan as long na "legit" na magkakapera tao diyan.

Malamang ang mga susunod na tatargetin nila ay yung mga malalayong lugar possibly yung hindi masasagap ng mainstream media kasi sino ba naman ang tatanngi sa grasya, pero sana naman kung gagawin nila ito ay magsagawa sila ng information drive tungkol sa Cryptocurrency mga risk at advantages ng mga ginagawa nila ng sa ganun ay makakapamili ang mga gustong sumali, hindi yung basta maka scan na lang sila ng Iris.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bhadz on March 17, 2025, 03:56:58 PM
Napanood ko sa KMJS at talagang walang alam ang mga kababayan natin kung ano ba yang project na yan.

Too risky, pero dahil nasa pinas tayo na uso ang kahirapan at walang alam sa mga ganyan as long na magka pera sila. Kahit saang probinsya tatangkilikin yang project na yan as long na "legit" na magkakapera tao diyan.
Ito talaga ang rason bakit madaming handang ipa-scan ang iris nila para sa pera na makukuha nila. Pambayad ng utang, pambili ng bigas at iba pang mga pangangailangan natin sa araw araw ang tanging dahilan kung bakit nakipila ang marami para sa wldcoin na yan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: pinggoki on March 17, 2025, 04:15:06 PM
Napanood ko sa KMJS at talagang walang alam ang mga kababayan natin kung ano ba yang project na yan.
Expected na yan, ang baba kaya ng kalidad ng edukasyon sa Pinas tapos eto pa sa probinsya nangyari, siguradong scam talaga yan at invasion ng privacy kasi sa mga tao dun, ang naiisip lang nila ay yung libreng ayuda sa kanila, gusto lang nila mabuhay hanggang sa susunod na araw. Nakakalungkot pero ganun talaga, sadyang madali mauto ang isang tao kapag salat sa edukasyon at tuluyang lumaking mangmang.

Naalala ko tuloy yung mga project dito sa Local tungkol sa pagtulong sa mga kababayan natin sa malalayong lugar na malaman kung ano ba ang bitcoin o cryptocurrency, laking tulong kasi kung may mga ganun pa din hanggang ngayon sa totoo lang. Sana maabutan pa natin na magkaroon ng pagbabago para naman hindi na mabiktima mga kapwa Pilipino natin pagdating sa mga obvious na scam.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bhadz on March 18, 2025, 02:13:15 AM

Hindi natin sila masisisi dahil kapag tungkol talaga sa mga ayuda ang bilis ng lahat dahil sino ba naman ayaw ng pera, di ba? Kaso nga lang dapat mainform muna sila kung ano yung kahalagahan ng mga uniquer identifiers natin tulad ng iris na parang thumbmark natin. Dahil once na nasa database na nila yan, recorded na at alam nila na kung sino na yung may ari niyan.

Naalala ko tuloy yung mga project dito sa Local tungkol sa pagtulong sa mga kababayan natin sa malalayong lugar na malaman kung ano ba ang bitcoin o cryptocurrency, laking tulong kasi kung may mga ganun pa din hanggang ngayon sa totoo lang. Sana maabutan pa natin na magkaroon ng pagbabago para naman hindi na mabiktima mga kapwa Pilipino natin pagdating sa mga obvious na scam.
May mga organizations na gumagawa nito kaso kulang lang talaga sa funding. Dapat nga ito pa gawin lalo ng mga influencers kaso nga lang, kapag walang pera, hindi sila magkukusa kaya doon nalang sa mismong mga pages nila nage-educate sila. Well, hindi lahat para sa pagtuturo sa mga kababayan natin kasi yung karamihan para lang din gusto kumita.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: gunhell16 on March 19, 2025, 01:02:19 PM
Napanood ko sa KMJS at talagang walang alam ang mga kababayan natin kung ano ba yang project na yan.
Expected na yan, ang baba kaya ng kalidad ng edukasyon sa Pinas tapos eto pa sa probinsya nangyari, siguradong scam talaga yan at invasion ng privacy kasi sa mga tao dun, ang naiisip lang nila ay yung libreng ayuda sa kanila, gusto lang nila mabuhay hanggang sa susunod na araw. Nakakalungkot pero ganun talaga, sadyang madali mauto ang isang tao kapag salat sa edukasyon at tuluyang lumaking mangmang.
Hindi natin sila masisisi dahil kapag tungkol talaga sa mga ayuda ang bilis ng lahat dahil sino ba naman ayaw ng pera, di ba? Kaso nga lang dapat mainform muna sila kung ano yung kahalagahan ng mga uniquer identifiers natin tulad ng iris na parang thumbmark natin. Dahil once na nasa database na nila yan, recorded na at alam nila na kung sino na yung may ari niyan.

Ito yung hindi na nila naisip, dahil yung instruction na binigay at sinabi lang sa kanila yung magdownload lang ng apps, tapos bigay lang ng valid id ay ayun mabigyan na sila ng 2500 pesos. Easy money talaga, sana lang hindi nila malaman na isang araw ay magkaproblema sila dyan in the future.

Ang nakakabahala talaga dyan ay posibleng in the future ay hindi nila alam meron na pala silang bad records sa ibang bansa. Dahil alam naman natin na yung pagkuha
ng impormasyon ng ibang mga tao ay pwedeng magamit sa fake identity ng ibang mga taong mapagsamantalang tao.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: finaleshot2016 on March 25, 2025, 07:58:42 PM

Ayon nga ang kinakatakot diyan kaso ayon nga hindi na rin naman maiisip ng matatanda yan kaya sila pumasok sa ganyan without even thinking yung consequence. Isipin mo talagang papatusin nila pahat yan para sa 2500 lalo na kung mahirap ang buhay ngayon. Siguro naisip nila na sayang din yon especially kung isang brgy at ang tsismis lang na lumaganap sa isang brgy ay may libreng pera, dali dali agad magpuphntahan yun dahil ginawa ni ganito ginawa ni ganyan. Parang naman sa ayuda o may namimigay ng pera, ganon lang din naman sila umaksyon, pila agad kasi yun naiisip pero di nga nila alam maaaring magamit na yung identity nila sa ibang bansa which is nakakatakot, worst case niyan ay mapapasama pa ang Pilipinas kasi at ibang filipino kapag may nangyaring di maganda.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: xLays on March 25, 2025, 11:35:44 PM
May mga kumakalat ulit na event sa facebook na may ganito at sa Pulilan naman gagawin kasi dati kung di ako nagkakamali is Bulakan Bulacan. Napanuod ko ito sa KMJS at sabi legit naman daw at partner naman daw ito ng OPENAI. Kung ako tatanungin kong malapit lang ito dito samin why not, kasi na interview naman yung mga isa sa mga community manager ng project although kailangan pa rin talaga pag aralan kung saan pwedeng gamitin yung mga details na mga nakuha sainyo.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bhadz on March 26, 2025, 02:06:09 AM
Hindi natin sila masisisi dahil kapag tungkol talaga sa mga ayuda ang bilis ng lahat dahil sino ba naman ayaw ng pera, di ba? Kaso nga lang dapat mainform muna sila kung ano yung kahalagahan ng mga uniquer identifiers natin tulad ng iris na parang thumbmark natin. Dahil once na nasa database na nila yan, recorded na at alam nila na kung sino na yung may ari niyan.

Ito yung hindi na nila naisip, dahil yung instruction na binigay at sinabi lang sa kanila yung magdownload lang ng apps, tapos bigay lang ng valid id ay ayun mabigyan na sila ng 2500 pesos. Easy money talaga, sana lang hindi nila malaman na isang araw ay magkaproblema sila dyan in the future.

Ang nakakabahala talaga dyan ay posibleng in the future ay hindi nila alam meron na pala silang bad records sa ibang bansa. Dahil alam naman natin na yung pagkuha
ng impormasyon ng ibang mga tao ay pwedeng magamit sa fake identity ng ibang mga taong mapagsamantalang tao.
Yun nga hindi nila maintindihan, basta magbigay lang ng ID at booom, instant pera na sa kanila. May mga nagrereklamo pa na kulang daw pero hindi nga nila gets na volatile ang crypto na binibigay sa kanila. Hindi pa ako nakaattend sa event nila pero pinapaliwanag naman daw. Pero doon base sa video ng KMJS, habang pinapanood ko yun. Sobrang kawawa ng mga kababayan natin na kulang sa kaalaman tungkol dito. Kapag magamit ang iris scanning sa mga bank account, iba pang mga access sa government, dale talaga sila.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: robelneo on March 26, 2025, 04:56:42 PM
May mga kumakalat ulit na event sa facebook na may ganito at sa Pulilan naman gagawin kasi dati kung di ako nagkakamali is Bulakan Bulacan. Napanuod ko ito sa KMJS at sabi legit naman daw at partner naman daw ito ng OPENAI. Kung ako tatanungin kong malapit lang ito dito samin why not, kasi na interview naman yung mga isa sa mga community manager ng project although kailangan pa rin talaga pag aralan kung saan pwedeng gamitin yung mga details na mga nakuha sainyo.
Magkakaroon kaya ito sa ibang lugar bukod sa Bulacan kasi this early napapabalita na na legit ito kung dalin nila ito sa ibang lugar magiging open ang mga tao dito dahilnga sa palabas ng KMJS kaya pati yung mga nasa karatig lugar ay pupunta para makakuha ng ayuda na cryptocurrency.
Tayo kasing mga pinoy mahilig sa bandwagon at pagkakakitaan kaya malamang dagsain ito kahit saan ito dalin dito sa Pilipinas.
At syempre meron ding magreresearch na participants tungkol sa Worldcoin na yan sana mabasa nila ang mga post natin dito at sa iba pa pang platform para alam nila ang mga risks.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: fighter2627 on March 26, 2025, 05:40:11 PM
Mabuti nalang at merong tagalog section sa forum na ito, first time ko na mapadpad dito at curiosity lang, though matagal ko naring naririnig itong crypto at bitcoin dahil gusto ko rin malaman kung pano din siyempre mapapakinabangan itong bitcoin at crypto sa bawat indibidwal na mga pilipino.

Ngayon, dito sa pinag-uusapan nio dito ay airdrops na crypto sa bulacan ay parang napanuod ko rin ata ito sa youtube account ng gma7 kay jesica soho na nagbibigay nga daw ng pera kapalit ng irish scan. Kaya lang parang napansin ko ay mukhang puro bulacan area yung sinasaturate nila sa bagay na yan. Kahit siguro dito sa lugar namin at magkaroon ng ganyan ay hindi ako makikilahok dyan dahil tulad ng nabasa sa ibang mga nagbigay ng komento nila ay totoo naman na pwedeng magamit yung identity natin ng mga taong may masasamang loob, di-bale ng wala akong 2500 at least malinis at hindi magagamit yung identity ko sa masamang layunin, kesa naman lalahok ako dyan at maktanggap ng 2500 kung sa hinaharap naman ay ang kapalit ay wanted na pala ako ng hindi ko pa nalalaman sa aking palagay lang naman ito, at nag-iingat lang naman ako.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: coin-investor on March 27, 2025, 02:15:41 PM
Mabuti nalang at merong tagalog section sa forum na ito, first time ko na mapadpad dito at curiosity lang, though matagal ko naring naririnig itong crypto at bitcoin dahil gusto ko rin malaman kung pano din siyempre mapapakinabangan itong bitcoin at crypto sa bawat indibidwal na mga pilipino.
Actually marami ring groups na dedicated sa Cryptocurrency a mga social media sites pero unfortunately lahat ng ito ay puro promotions ng mga airdrop o ng mga investment site at need nila ng mkga promoters, kaya tuloy marami sa ating mga Pinoy ang napapaisip kung ang cryptocurrency ba ay MLM, dito lang talaga sa forum na tulad ng Bitcointalk tayo nagkakaroon ng magandang discussion tungkol sa cryptocurrency.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: Asuspawer09 on March 27, 2025, 06:12:51 PM
May mga kumakalat ulit na event sa facebook na may ganito at sa Pulilan naman gagawin kasi dati kung di ako nagkakamali is Bulakan Bulacan. Napanuod ko ito sa KMJS at sabi legit naman daw at partner naman daw ito ng OPENAI. Kung ako tatanungin kong malapit lang ito dito samin why not, kasi na interview naman yung mga isa sa mga community manager ng project although kailangan pa rin talaga pag aralan kung saan pwedeng gamitin yung mga details na mga nakuha sainyo.
Magkakaroon kaya ito sa ibang lugar bukod sa Bulacan kasi this early napapabalita na na legit ito kung dalin nila ito sa ibang lugar magiging open ang mga tao dito dahilnga sa palabas ng KMJS kaya pati yung mga nasa karatig lugar ay pupunta para makakuha ng ayuda na cryptocurrency.
Tayo kasing mga pinoy mahilig sa bandwagon at pagkakakitaan kaya malamang dagsain ito kahit saan ito dalin dito sa Pilipinas.
At syempre meron ding magreresearch na participants tungkol sa Worldcoin na yan sana mabasa nila ang mga post natin dito at sa iba pa pang platform para alam nila ang mga risks.

Hindi ko pa na verify pero pagkakaalam ko lumipat na ng ibang barangay ung project sa mga nababasa ko online sa mga crypto groups, wala lang akong nakita na proof pero mukang totoo, kase congrats daw sa barangay na nalipatan nila haha. Pero kung gusto talaga nilang makakuha pa ng mga users hindi malabo na lumipat lipat sila ng barangay para makakuha pa ng mga users na willing magpascan sa kanila.

Sketchy lang talaga ito dahil Iris scanning hindi naten alam lalo na sobrang bilis mag evolve ng technology in the future baka sobrang laki ng maging consequense neto sa kanila lalo na kapag maleak ung mga data nila or mapunta sa mga masasamang loob.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: finaleshot2016 on March 27, 2025, 10:21:05 PM
May mga kumakalat ulit na event sa facebook na may ganito at sa Pulilan naman gagawin kasi dati kung di ako nagkakamali is Bulakan Bulacan. Napanuod ko ito sa KMJS at sabi legit naman daw at partner naman daw ito ng OPENAI. Kung ako tatanungin kong malapit lang ito dito samin why not, kasi na interview naman yung mga isa sa mga community manager ng project although kailangan pa rin talaga pag aralan kung saan pwedeng gamitin yung mga details na mga nakuha sainyo.

Goods kasi may accountability pero for some reason, it's not advisable pa din to sell your identity lalo na't hindi naman national government ang naghahandle. Giving valid ids nga sa pagregister sa mga apps dito is too risky na eh, diba nababalitaan niyo din yung mga leak ng private info especially sa Meta. Even nga gobyerno is naleleak yung mga private information and no one knows ano na balita don or saan na ginagamit yung mga personal info na 'yon. Ang palagi lang nila sinasabi is inaaksyunan or iniimbestigahan pero yung consequences tayo na din maghahandle.

Pero ayon nga, ang situation na yan ay may 2 sides. Una, we can't blame them if gusto nila dahil may kapalit na pera, it's the same people who will likely sell valid ids para sa mga gcash and etc., ang consequences ibang tao yung madadamay. Like selling valid id sa lalamove pero iba yung rider, ang consequence is yung nakawan ng item especially kung mahal, kung sa move it naman safety ng pasahero. Nowadays kasi, basta pera is involved, hindi na ganyan ang maiisip ng mga tao. The other side naman neto is ayon nga, future consequences nito, kung hindi man sayo probably ibang tao ang maapektuhan but of course, yung iba sa atin ayaw maging accountable kapag may nangyari ng masama pero gusto ng accountability basta sa mga ganitong bagay.

Afaik sabi idedelete daw after encryption but who knows? this is my opinion only because I'm just being careful.

Mabuti nalang at merong tagalog section sa forum na ito, first time ko na mapadpad dito at curiosity lang, though matagal ko naring naririnig itong crypto at bitcoin dahil gusto ko rin malaman kung pano din siyempre mapapakinabangan itong bitcoin at crypto sa bawat indibidwal na mga pilipino.
Actually marami ring groups na dedicated sa Cryptocurrency a mga social media sites pero unfortunately lahat ng ito ay puro promotions ng mga airdrop o ng mga investment site at need nila ng mkga promoters, kaya tuloy marami sa ating mga Pinoy ang napapaisip kung ang cryptocurrency ba ay MLM, dito lang talaga sa forum na tulad ng Bitcointalk tayo nagkakaroon ng magandang discussion tungkol sa cryptocurrency.

Kapag talaga mali ka ng community or side ng crypto space, andon ka sa part na puro referrals, airdrops, talagang magiging iba yung perspective mo sa crypto, di katulad sa atin. Especially kapag nanonood ka ng mga vloggers na self proclaimed na professional trader pero yumayaman lang majority sa defi dati (kayo na bahala magisip), talagang maliligaw ng landas yung ibang interesado sa cryptocurrency.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: GreatArkansas on March 28, 2025, 12:49:09 AM
May mga kumakalat ulit na event sa facebook na may ganito at sa Pulilan naman gagawin kasi dati kung di ako nagkakamali is Bulakan Bulacan. Napanuod ko ito sa KMJS at sabi legit naman daw at partner naman daw ito ng OPENAI. Kung ako tatanungin kong malapit lang ito dito samin why not, kasi na interview naman yung mga isa sa mga community manager ng project although kailangan pa rin talaga pag aralan kung saan pwedeng gamitin yung mga details na mga nakuha sainyo.
I'm just curious kung itong OpenAI na proyekto na ito ay konektado ba sa Government? Like naki pag coordinate ba sila sa Baranggay or sa LGU pag nagpapaganito sila sa mga lugar dito sa Pilipinas?
Saka dapat proper education din ginagawa, baka ung ibang tao nagpapaganito ay para lang sa pera, without knowing mga pros and cons nito.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: gunhell16 on March 28, 2025, 02:11:05 PM
Kapag talaga mali ka ng community or side ng crypto space, andon ka sa part na puro referrals, airdrops, talagang magiging iba yung perspective mo sa crypto, di katulad sa atin. Especially kapag nanonood ka ng mga vloggers na self proclaimed na professional trader pero yumayaman lang majority sa defi dati (kayo na bahala magisip), talagang maliligaw ng landas yung ibang interesado sa cryptocurrency.

Medyo sang-ayon ako dito sa sinasabi mo dude, para sa aking hindi tamang place ang Facebook para alamin kung ano ba ang crypto o bitcoin, dahil sobrang daming talamak na mga scammers sa Facebook at alam yan ng ibang mga kasama natin dito, at kawawa yung mga walang alam.

At karamihan din naman, talaga more on referral lang ang nangyayari maging sa mga self-proclaimed na traders kuno sa Youtube at Facebook, Itong forum lang na katulad nito ang talagang masasabing credible at merong reputation na maganda in terms of usaping bitcoin at cryptocurrency. ito ay para sa aking palagay at opinyon lang naman sang-ayon sa aking naoobserbahan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: blockman on March 31, 2025, 10:54:52 PM
I'm just curious kung itong OpenAI na proyekto na ito ay konektado ba sa Government? Like naki pag coordinate ba sila sa Baranggay or sa LGU pag nagpapaganito sila sa mga lugar dito sa Pilipinas?
Saka dapat proper education din ginagawa, baka ung ibang tao nagpapaganito ay para lang sa pera, without knowing mga pros and cons nito.
May mga representative ata sila at yun yung nakikipag ugnayan sa mga local government para magsagawa nitong scanning. So kung may connection ba sila sa government, ang sagot ay wala. Pero kung may representative ba sila para makipag usap sa government ay meron. Parang may proper briefing naman ata bago magsimula daw. Kung merong malapit dito sa amin, makikichismis lang ako pero hindi ako magpapascan ng mata ko para sa kakarampot na bibigay nila.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: SFR10 on April 09, 2025, 10:11:45 AM
Para sa mga nasa Manila na gustong ipa-scan ang kanilang iris kapalit ng cryptocurrency at digital ID, for a limited time ng roughly isa pang araw [hanggang 10 PM ng April 10] nasa second floor daw ng Greenhills Shoppesville Mall yung Orb [source (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)].
- Personally, hindi ko ibebenta ang iris scan ko, pero at the same time naiintindihan ko rin kung bakit ang daming gustong mag pa-scan sa bansa natin (unfortunately).

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: coin-investor on April 09, 2025, 04:53:19 PM
Para sa mga nasa Manila na gustong ipa-scan ang kanilang iris kapalit ng cryptocurrency at digital ID, for a limited time ng roughly isa pang araw [hanggang 10 PM ng April 10] nasa second floor daw ng Greenhills Shoppesville Mall yung Orb [source (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)].
- Personally, hindi ko ibebenta ang iris scan ko, pero at the same time naiintindihan ko rin kung bakit ang daming gustong mag pa-scan sa bansa natin (unfortunately).
Sa tingin ko pagkatapos ngayung araw ay marami pang mga kasunod na airdrop at dahil sa marami sa NCR na crypto enthusiast pwede silang mag held ng simultaneous event sa maraming mall at sa article ng Bitpinas mukhang may approval sila ng government na magsagawa
Quote
The plan was presented during a local event by Tools for Humanity, which was attended by World enthusiasts and private entities, including the National Association of Data Protection Officers of the Philippines
Kaya asahan natin na marami ang dadagsa at maaring maging instrumento ang airdrop na ito na mag-explore yung mga hindi pa nakakaintindi kung ano ang cryptocurrency, kaya magiging malaking tulong din ito para ma-educate ang iba nating mga kababayan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bhadz on April 10, 2025, 02:38:11 AM
Personally, hindi ko ibebenta ang iris scan ko, pero at the same time naiintindihan ko rin kung bakit ang daming gustong mag pa-scan sa bansa natin (unfortunately).[/sup]
Parehas tayo. Very unique itong mga iris scan natin at walang kaparehas sa mundo tulad ng finger prints natin. Marami lang tayong mga kababayan na desperado lang talaga at kailangan ng pera kaya no choice na din sila kaya kahit anong pagkakakitaan at easy money papasukin. Sa susunod niyan baka pagkatapos ng irises natin baka finger print naman ang pasukin nitong world coin.

Kaya asahan natin na marami ang dadagsa at maaring maging instrumento ang airdrop na ito na mag-explore yung mga hindi pa nakakaintindi kung ano ang cryptocurrency, kaya magiging malaking tulong din ito para ma-educate ang iba nating mga kababayan.
Kaso nga lang sa kabila ng matututunan nila, naipagpalit na nila ang isang mahalagang identity nila sa database na ginagawa ni world. Sabi nila inoorient nila bago magdecide yung mga umaattend pero feeling ko kahit iinform nila yang mga yan, wala na silang pakialam basta makatanggap ng magkano.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bettercrypto on April 10, 2025, 08:06:10 AM

Yep ganun na nga talaga yan, hayaan na natin sila sa kanilang mga choice, wala din naman tayong pakialam sa kanila if ever man na may mangyari na hindi maganda sa kanilang identity dahil alam din naman natin na sila mismo wala din naman pakialam sa kanilang personal identity.

Basta at least tayo kahit papaano din naman ay aware sa ganyang mga very suspicious na activity na ginagawa sa iba't-ibang mga lugar, hanggang pakikibalita nalang naman din ang tanging magagawa sa ganyang mga sitwasyon na event.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: robelneo on April 10, 2025, 06:27:50 PM
Sabi ko na nga ba i roroll up nila ito sa maraming lugar sa ating bansa at malamang sa mga malls, base sa article ng Bitpinas sa buong bansa na ang target nila at malamang marami ang magpapascan kasi easy money nga at karamihan sa ating mga kababayan ay domino effect, na kung ginagawa ng marami ok lang ng tingin nila, kaya expect marami pa tayo mababalitaan sa mainstream media.
Pag dito sa lugar namin mag oberve lang ako pero di ako magpapascan.

Quote
Tools for Humanity, the developer of World, a blockchain project popularly known as Worldcoin, expressed its plans to roll out a verification tool to entire Philippines with a pilot test set to happen in two cities within the National Capital Region.

Worldcoin Iris Scanning to Roll Out to Entire Philippines, Begins in Metro Manila (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bhadz on April 11, 2025, 03:00:51 PM
Kaso nga lang sa kabila ng matututunan nila, naipagpalit na nila ang isang mahalagang identity nila sa database na ginagawa ni world. Sabi nila inoorient nila bago magdecide yung mga umaattend pero feeling ko kahit iinform nila yang mga yan, wala na silang pakialam basta makatanggap ng magkano.

Yep ganun na nga talaga yan, hayaan na natin sila sa kanilang mga choice, wala din naman tayong pakialam sa kanila if ever man na may mangyari na hindi maganda sa kanilang identity dahil alam din naman natin na sila mismo wala din naman pakialam sa kanilang personal identity.
Tama, choice naman nila yan. Wala lang din silang magagawa kung kumakalam na sikmura nila at gusto na nilang ipagpalit yan para sa matatanggap nila. Ang buong akala nila ay jackpot sila pero sa totoo lang, malaking kawalan talaga yan kung meron ng database na nakarecord yung iris nila.

Basta at least tayo kahit papaano din naman ay aware sa ganyang mga very suspicious na activity na ginagawa sa iba't-ibang mga lugar, hanggang pakikibalita nalang naman din ang tanging magagawa sa ganyang mga sitwasyon na event.
Mabuti nalang din nasa isang community tayo na nagbibigayan ng mga mahahalaga impormasyon at suhestyon kung ano ba ang tamang gawin. Kasi karamihan naman sa tumanggap niyan at nakiscan na rin, walang ideya kung ano talaga ang kapalit niyan.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: finaleshot2016 on April 11, 2025, 09:48:50 PM
Kapag talaga mali ka ng community or side ng crypto space, andon ka sa part na puro referrals, airdrops, talagang magiging iba yung perspective mo sa crypto, di katulad sa atin. Especially kapag nanonood ka ng mga vloggers na self proclaimed na professional trader pero yumayaman lang majority sa defi dati (kayo na bahala magisip), talagang maliligaw ng landas yung ibang interesado sa cryptocurrency.

Medyo sang-ayon ako dito sa sinasabi mo dude, para sa aking hindi tamang place ang Facebook para alamin kung ano ba ang crypto o bitcoin, dahil sobrang daming talamak na mga scammers sa Facebook at alam yan ng ibang mga kasama natin dito, at kawawa yung mga walang alam.

At karamihan din naman, talaga more on referral lang ang nangyayari maging sa mga self-proclaimed na traders kuno sa Youtube at Facebook, Itong forum lang na katulad nito ang talagang masasabing credible at merong reputation na maganda in terms of usaping bitcoin at cryptocurrency. ito ay para sa aking palagay at opinyon lang naman sang-ayon sa aking naoobserbahan.
Tama diba? Yan kasi pansin ko and ilang years na din ako nasa crypto, kapag may nagtatanong sa akin na interesado dati, iba yung nasa isip nila sa ginagawa ko talaga. Pag sa facebook kasi nagkalat don yung mga ang lalakas bumoses without even trading a single peso talaga, andon din yung mga spammers ng referrals, andon din yung mga hypeman ng isang project like hinahype ang isang p2e or crypto airdrop. Kaya for example ikaw na baguhan lang sa crypto, malilito ka which is which, syempre ang first choice mo eh "saan mabilis kumita" so airdrop pipiliin mo.

Kaya ayan, nagkamali ng perspective ang mga tao sa crypto. one more thing, daming credible sources na madali makita bukod dito sa forum, maybe nasa tao na talaga yan if gugustuhin nila mag research talaga or aim for quick money.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: gunhell16 on April 12, 2025, 05:50:16 AM

Mabuti na nga lang talaga merong ilang mga kababayan natin dito katulad mo na nagbabahagi ng ibang mga palagay o opinyon na pwedeng makatulong o makadagdag idea sa sinumang mga kababayan natin dito basta usaping crypto o bitcoin man ito.

Maging mapagmasid at observant lang lagi sa mga papasukan natin at pwede naman magtanung o gumawa ng post regarding sa mga paksain na pwedeng makapagbukas o bigay ng idea ng kapwa kababayan natin dito. Katulad nalang ng airdrops na ginawang ito ay nagkaroon tayo ng mga perception kung ito ba ay tama o hindi para sa ibang mga nakilahok.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: cryptoaddictchie on April 12, 2025, 12:03:13 PM
Worldcoin Iris Scanning to Roll Out to Entire Philippines, Begins in Metro Manila (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)
Oo kabayan nakita ko to yung sa greenhills meron na nfa din daw. Baka magpa scan kami magttropa haha, may may vacant time. Hindi naman scammer worldcoin eh saka si Sam altman ang founder and si Elon Musk. Masyadong malabo na gawin nilang worse ang name nila just to scam people. Hence nagpapamigay pa sila ng pera sa nga users.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: bettercrypto on April 12, 2025, 03:18:17 PM
Worldcoin Iris Scanning to Roll Out to Entire Philippines, Begins in Metro Manila (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)
Oo kabayan nakita ko to yung sa greenhills meron na nfa din daw. Baka magpa scan kami magttropa haha, may may vacant time. Hindi naman scammer worldcoin eh saka si Sam altman ang founder and si Elon Musk. Masyadong malabo na gawin nilang worse ang name nila just to scam people. Hence nagpapamigay pa sila ng pera sa nga users.

Sana nga walang masamang balik yan sa mga makikilahok pagdating sa hinaharap, kung blessings yan para sa kanila ay irespeto nalang natin yung choice ng mga kababayan natin na pumunta dyan sa iris scanning.

Kung para sa atin hindi maganda yung intensyon nung nag-organize dyan yun ang ating perception, and besides wala pa naman tayong nakikita na may masama ng nangyari sa mga lumahok dyan, so let it be nalang talaga hayaan nalang natin sila ganun nalang siguro.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: cryptoaddictchie on April 12, 2025, 03:21:58 PM
Sana nga walang masamang balik yan sa mga makikilahok pagdating sa hinaharap, kung blessings yan para sa kanila ay irespeto nalang natin yung choice ng mga kababayan natin na pumunta dyan sa iris scanning.

Kung para sa atin hindi maganda yung intensyon nung nag-organize dyan yun ang ating perception, and besides wala pa naman tayong nakikita na may masama ng nangyari sa mga lumahok dyan, so let it be nalang talaga hayaan nalang natin sila ganun nalang siguro.
Tingin ko kabayan wala naman so far. Ive been eying Worldcoin before pa sila maglaunch dati, and sayang kasi di ako nakapasok sa investor round nyan before. Seeing the project team I can say na pure experimentation and potential future development with the project ang paggamit nila ng orb. If makita mo whitepaper nila and goal, hindi naman to scam users. Saka even without project like this mayaman ang founders nila. Sam Altman and Elon Musk? What can goes wrong. If there is, papayag ba sila masira one of them is the richest person in the world as of the record.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: finaleshot2016 on April 19, 2025, 09:52:53 PM
Worldcoin Iris Scanning to Roll Out to Entire Philippines, Begins in Metro Manila (https://bitpinas.com/business/worldcoin-iris-scanning-manila/)
Oo kabayan nakita ko to yung sa greenhills meron na nfa din daw. Baka magpa scan kami magttropa haha, may may vacant time. Hindi naman scammer worldcoin eh saka si Sam altman ang founder and si Elon Musk. Masyadong malabo na gawin nilang worse ang name nila just to scam people. Hence nagpapamigay pa sila ng pera sa nga users.

Sana nga walang masamang balik yan sa mga makikilahok pagdating sa hinaharap, kung blessings yan para sa kanila ay irespeto nalang natin yung choice ng mga kababayan natin na pumunta dyan sa iris scanning.

Kung para sa atin hindi maganda yung intensyon nung nag-organize dyan yun ang ating perception, and besides wala pa naman tayong nakikita na may masama ng nangyari sa mga lumahok dyan, so let it be nalang talaga hayaan nalang natin sila ganun nalang siguro.
Sana nga. Marami na akong nakita din kasi na okay ang team pero hindi nagiging accountable kapag nagkaroon ng problema kaya kahit okay, dapat maging aware pa din sana ang mga tao sa pinapasok nila. Tsaka obvious reason naman, if research purposes talaga siya edi sana nag conduct talaga sila sa sentro, hindi sa medyo malayo sa metro manila. Medyo mapapaisip ka pa din sa piniling lugar na bakit don lang.Teaka basta mga ganitong mga bagay, always remember pag alam nating may risk, wag na iintayin na magkaroon pa ng mali. Mali kasi yung palaging nasa huli ang pagsisi, but yes let’s hope na wala mangyari kasi alam naman nating nangangailangan talaga yung ibang tao.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: serjent05 on April 19, 2025, 11:34:37 PM
Same here, I won't be giving away my Iris biometric information.  Mahirap na dahil pwedeng gamitin ito to access information or any application na ginagamitan natin ng Iris scan.  Giving it out simply means giving them the right to access our privacy and accounts.  Hindi kasi tayo sigurado kung magcomply sila sa Data privacy sa hinaharap.  Just like sa nabasa ko news recently tungkol sa pagpayag ng isang judge na maibenta ang user database ng isang naluging kompanya. 

Heto iyong balita: DNA testing company 23andMe wins court approval to sell data after it filed for bankruptcy. What does that mean for your privacy? (https://www.yahoo.com/news/dna-testing-company-23andme-wins-court-approval-to-sell-data-after-it-filed-for-bankruptcy-what-does-that-mean-for-your-privacy-200551978.html)

Mas mabuti ng proteksyonan ang ating mga identity kesa maexploit tayo at mangyari ang hindi natin inaasahan.  Maliit na halaga lang ang binibigay nila katumbas ng posibleng malaking kawalan sa atin kung sakaling mangyari ang mga kinatatakutan natin.

Title: Re: Crypto Airdrop sa Bulacan Iris Scanning?
Post by: blockman on April 22, 2025, 10:59:30 PM

Pare parehas tayo ng opinyon tungkol dito. Sa mga ibang kapwa pinoy natin na nagpa scan na para sa perang matatanggap nila, ang nasa isip lang nila ay pang bigas na ulam na. Pero tayong may awareness na gaano kahalaga yung pag protekta natin sa mga sarili natin sa hindi pagsali dito, mas okay na huwag na tayong magparticipate diyan. Baka dumating nga yung panahon na yung database na meron sila ay mahack lang din tapos magamit pa sa pagaccess sa mga banks o wallets na ginamitan natin ng iris scan. Parang sa IOS ganito na yung ginagamit sa pag unlock ng phone. Kaya posible na magamit yan sa pag exploit ng mga users na nag pa scan sa kanila.