Bitcoin Forum

Local => Others (Pilipinas) => Topic started by: Peanutswar on April 27, 2025, 01:46:41 PM



Title: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Peanutswar on April 27, 2025, 01:46:41 PM
Akda ni: Akda ni: 1miau (https://bitcointalk.org/index.php?action=profile;u=2143453)
Orihinal na paksa: Why it’s important to avoid telling everyone about your crypto holdings
 (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5254941)



Kung titignan ay hindi naman masama na sabihin sa ibang tao na mayroon kang Bitcoin, pero ito ang ilang detalye na dapat ninyong tandaan:

Pag sasabi sa inyong mga kaibigan ay hindi magandang ideya

Kahit na kaibigan mo sila ay dapat ka pa din mag ingat patungkol sa pag sabi sa kanila ng crypto mo.

Alam naman natin, may ilang talaga sa mga ito na madali mainggit, lalo na pag nakita nilang yumayaman kana (kahit hindi pa naman) at simula na ito sa pang hihingi nila. Ang gawaing ito ay maaring makasira ng tiwala at magandang relasyon sa inyong pag kakaibigan

O di kaya ay kabaliktaran, alam naman natin ang ilan sa kanila ay hindi magaling sa pag tago ng sikreto, at iba papasa ang kwento at ipapasa ulit. Tapos ay malalaman ito ng ibang tao, tapos ang mga inggit naman / maaring makasira ng relasyon sa kanila / o di kaya ay mag plano ng masama sayo para kunin ang iyong crypto.

Pag katapos nito, na malaman ng ibang mga tao ang patungkol sa holding na meron ka, ay posibleng mas naisiin nila makuha ito sayo.



Pag lalagay ng inyong pagkaka-kilanlan sa Internet kung saan ito ay nakakasama

Kung tutuusin ay hindi ito magandang ideya na mag lagay ng inyong pangalan sa Internet, lalo na sa mga cryptocurrencies. Tulad ng sa forum, pag lagay sa mga social media na kaugnay sa cryptocurrency pa din, kasama na dito ay ang pag gamit ng inyong email address.

Dahil ang email address ay isa sa madalas na hinihingi para gumawa ng account, dapat ay gumagamit ka ng bagong email account kung saan hindi nakalagay ang inyong pangalan. Ito ay mahalaga para protektahan sa mga spams at sa mga masasamang loob na nais kunin ang inyong totoong pangalan at address.

Pag gamit ng social engeering, ang mga scammers at madalas magaling sa pag manipula ng mga tao, kung saan inaalam kung magkanong crypto ang meron ka, saan ka nakatira para pag planuhan na nakawan ka.



Ang pag gamit ng KYC ay isa para ibigay ang iyong mga detalye sa mga taong kahit hindi ka kilala

May ilang malaking pag kakaibga ang pag kailangan ang KYC sa tunay na layunin ng pag gamit talaga ng KYC.

Ito ay isa sa mga importante na dapat alam ninyo na isang malaking bagay ang KYC. Mas magandang iwasan ninyo ito at para iwasan din ang mga hindi inaasang masamang mangyari. Maaring magamit ng mga Scammers / Hackers ang inyong impormasyon na alam nila para malaman ang inyong lokasyon / maari din nila itong ibenta sa iba o di kaya ay pagnakawan ka sa inyong bahay para kunin ang inyong crypto. Kahit na ang Coinbase ay nahuling binibenta ang mga impormasyon ng kanila mga user (https://cryptolab.one/news/single/anti-coinbase-sentiment-grows-amid-data-selling-revelations).

Isa ito sa dahilan kung bakit ang pag gamit ng KYC ay mapanganib: Why KYC is extremely dangerous – and useless (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5221497.0)



Ang masyadong kapabayaan sa inyong personal na impormasyon ang maaring mag bigay sa inyo maging biktima ng isang pag atake ng $5 na wrench

May ilang mga paraan para kayo ay atakihin para makuha ang inyong mga cryptocurrencies: scams, phishing shites o di kaya ay ma hacked ang mga wallet. ISa pa dito ay maiwasan ang isa sa mga kilalang $5 na pag atake ng isang wrench

https://www.talkimg.com/images/2023/05/17/hackerb712a1615d2d97ed.png
https://xkcd.com/538/

Ito ay maiiwasan kung hindi alam ng lumusob ang personal na impormasyon kung saan ka nakakita.


Ngayon, nasasainyo na kung paano ninyo pangangalagaan ang inyong impormasyon, at kung sino lamang ang nakaka alam na mayroon kayong crypto. Isa lang ito sa pangunahing dapat kaalaman, dapat pa din ay maging maingit ng walang pakundangan. Kasama din dito ang pag post sa Internet na maaring makasama sa inyong seguridad.
Pag ang impormasyon na nailabas na, hindi na ninyo alam kung ano pa ang maaring (masamang) mangyari.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Mr. Magkaisa on May 12, 2025, 08:34:20 AM
Maging maingat, ang cryptocurrency ay digital at kahit na ganun ay hindi safe ito if ipagkakalat mong meron ka.
Ang iyoing mga gadget na gamit dito ay ingatan, yung mga folder dapat maitago maigi at ibahin ang name :)

to be honest kahit sa kamag-anak ko di nila alam. tanging sa asawa ko lang ito ibinahagi.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Peanutswar on May 28, 2025, 04:00:37 PM
Maging maingat, ang cryptocurrency ay digital at kahit na ganun ay hindi safe ito if ipagkakalat mong meron ka.
Ang iyoing mga gadget na gamit dito ay ingatan, yung mga folder dapat maitago maigi at ibahin ang name :)

to be honest kahit sa kamag-anak ko di nila alam. tanging sa asawa ko lang ito ibinahagi.

Isa na din talaga sa risk is yung masyadong ma post ka sa mga social media, well medyo sakit na kase satin sa pilipinas is yung masyadong flex sa mga ginagawa at mga achievements well wala din naman masama sa part na ito pero ang masama lang siguro yung show off ka ng money mo in terms ng crypto kasi not all the time is masaya ang tao para sayo yung iba talaga is may nainggit dito kaya mas mainam na maging low key as possible para iwas sa mga gusto humiram haha, iwas din sa mga taong may masamang balak sa inyo pati sa funds nyo.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: tech30338 on May 29, 2025, 03:33:53 AM
You should know kung sino talaga ang mga kaibigan natin, at isa pa sabihin lang natin ito sa mga into crypto din subalit dapat maging matipid sa information, sabihin lang natin or magshare ng info subalit iwasan nang pagusapan ang tungkol sa profit, madami kaming magkakaibigan na into crypto pero pili lang talaga at nasa group, napagkkwentuhan ang profit pero hindi ung info ay kaunti.
tama naman talaga na dapat maingat kasi sa mundo ngayon wala na tayong mapagkakatiwalaan dahil minsan aminin natin madaling masilaw ang iba sa pera, maikwento ko lang natakbuhan kami ng kagroup namin ilang milyon corpo kasi siya pero ang dinahilan nya nahack siya pero since mga techie nga mga kasama nya at alam ng group ang address ayun, nabuking siya sa ngayon wala na sya sa group at sikat siya, nakikita namin na umaattend sya minsan sa podcast at mga event , natatawa nalang kami sa post niya minsan na madami siyang natulungan pero ang katutuhanan may maitim na balak.
kung madalas ka ngpopost nawawla na ung essence or goal ng crypto kasi binubulgar mo nadin if di ako nagkakamali


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: bhadz on June 01, 2025, 07:51:38 PM
Ako hindi ko pinagkakalat pero ilan lang yung pinagkwentuhan ko ng tungkol sa crypto hanggang sa ayun, kumalat na sa circle of friends ko. Di ko alam na pinagkukuwentuhan na ako na nakabili kasi ako ng ganyan, ganito tapos sabay tanong at kwento na din nila sa personal kapag nagkikita kami. So far, wala naman akong nararamdaman na kahit ano dahil parang normal treatment lang talaga at sa mga kilala ko lang talaga ako nagsasabi ng mga ganap sa buhay ko. At kapag may mga old friends akong random na nagtatanong tungkol sa crypto at kung naghohold pa ba ako, sinasabi ko nalang na nagbenta na ako kaya nakabili ako ng ganitong xx bagay.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Peanutswar on June 03, 2025, 12:40:16 PM
~
tama naman talaga na dapat maingat kasi sa mundo ngayon wala na tayong mapagkakatiwalaan dahil minsan aminin natin madaling masilaw ang iba sa pera, maikwento ko lang natakbuhan kami ng kagroup namin ilang milyon corpo kasi siya pero ang dinahilan nya nahack siya pero since mga techie nga mga kasama nya at alam ng group ang address ayun, nabuking siya sa ngayon wala na sya sa group at sikat siya, nakikita namin na umaattend sya minsan sa podcast at mga event , natatawa nalang kami sa post niya minsan na madami siyang natulungan pero ang katutuhanan may maitim na balak.
kung madalas ka ngpopost nawawla na ung essence or goal ng crypto kasi binubulgar mo nadin if di ako nagkakamali

Isa sa dahil yan kaya mahirap na mag tiwala recently eh pero ayun nga syempre madali masilaw ang tao sa mga pera lalo na ngayon sa hirap ng buha sa pinas.

Parang ngayon nalang ulit kita nakita mag post?.

Ako hindi ko pinagkakalat pero ilan lang yung pinagkwentuhan ko ng tungkol sa crypto hanggang sa ayun, kumalat na sa circle of friends ko. Di ko alam na pinagkukuwentuhan na ako na nakabili kasi ako ng ganyan, ganito tapos sabay tanong at kwento na din nila sa personal kapag nagkikita kami. So far, wala naman akong nararamdaman na kahit ano dahil parang normal treatment lang talaga at sa mga kilala ko lang talaga ako nagsasabi ng mga ganap sa buhay ko. At kapag may mga old friends akong random na nagtatanong tungkol sa crypto at kung naghohold pa ba ako, sinasabi ko nalang na nagbenta na ako kaya nakabili ako ng ganitong xx bagay.

Maski sakin halos circle of friends ko lang din nakaka alam na nag earn ng crypto even with trading pero di ako nag flex ng amount of assets ko siguro yung mga percentage lang sa trading para na din iwas sa issues lalo na sa mga gusto humiram tas gusto mag paturo at lalo na sa mga taong masamang intension. Pero open pa din ako sa question if they need help about crypto para na din syempre makatulong sa iba na gusto din mag engage sa crypto space.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: crwth on June 09, 2025, 09:22:12 AM
Nakakalungkot na mayroon tayong mga ganitong mga trust issues pati sa kaibigan natin. Hindi dapat siguro tawagin kaibigan kung may masamang balak sa iyo or hindi mo mapagkakatiwalaan eh. Naiintindihan ko yung mga taong mayroon trust issues dahil sa mga nangyari sa kanila pero maganda kung kilala mo talaga yung kaibigan mo. Mahirap talaga yung may mga taong hindi pwedeng mapagkatiwalaan.

Sa tingin ko, malayo ang mararating kung talagang humble ka at hindi ka nagyayabang kung anong mayroon ka. Katahimikan at peace of mind ang magandang bigyan pansin.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: blockman on June 09, 2025, 01:04:35 PM
Nakakalungkot na mayroon tayong mga ganitong mga trust issues pati sa kaibigan natin. Hindi dapat siguro tawagin kaibigan kung may masamang balak sa iyo or hindi mo mapagkakatiwalaan eh. Naiintindihan ko yung mga taong mayroon trust issues dahil sa mga nangyari sa kanila pero maganda kung kilala mo talaga yung kaibigan mo. Mahirap talaga yung may mga taong hindi pwedeng mapagkatiwalaan.
Kahit tinuturing mo kasing kaibigan, hindi mo rin alam kung may intensyon ba siyang masama sa atin. Kaya kahit may close friends ka o circle of friends na lagi mong nakakasama. Maging cautious ka lang din at huwag nalang maging pala-kwento sa mga totoong ganap mo sa buhay. Lalong lalo na kung alam nilang may pera ka, kapag nilapitan ka tungkol sa pera mahihirapan ka silang hindian hanggang sa mahihirapan ka ng maningil sa kanila.

Sa tingin ko, malayo ang mararating kung talagang humble ka at hindi ka nagyayabang kung anong mayroon ka. Katahimikan at peace of mind ang magandang bigyan pansin.
Yan ang totoo, kaibigan mo ang lahat pero hindi ka din naman masyadong attached sa kanila saka lowkey lang sa lahat ng panahon at laging magpakumbaba para mas lalo kang itataas ng nasa Itaas.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Peanutswar on June 17, 2025, 02:01:00 PM
Nakakalungkot na mayroon tayong mga ganitong mga trust issues pati sa kaibigan natin. Hindi dapat siguro tawagin kaibigan kung may masamang balak sa iyo or hindi mo mapagkakatiwalaan eh. Naiintindihan ko yung mga taong mayroon trust issues dahil sa mga nangyari sa kanila pero maganda kung kilala mo talaga yung kaibigan mo. Mahirap talaga yung may mga taong hindi pwedeng mapagkatiwalaan.

Sa tingin ko, malayo ang mararating kung talagang humble ka at hindi ka nagyayabang kung anong mayroon ka. Katahimikan at peace of mind ang magandang bigyan pansin.

Kaya mas mainam talaga na lowkey kalang sa mga ganitong bagay eh, kasi di mo nasasabi may biglang may inggit na pala sayo yung iba, tsaka iwas na din sa problema at sakit sa ulo ika nga nila mas okay nang tahimik nalang at hayaan mo yung iba. Kaso yung iba talaga di nila maiwasan mag flex kasi wins nila yun eh so di ko din sila masisi minsan nasa tao nalang talaga yung mga ganitong case scenarios. Unless is asa world na sila ng influencers pag ganyan talaga madalas content na nila ang mag flex ng gains.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: romeitaly on July 24, 2025, 07:37:15 AM
Naalala ko tuloy yung term na sumikat sa socmed about sa pag popost nga ng achievements without knowing na may naattract na palang negative vibes or impact sa iba. Evil eye yung tawag and hindi lang siya about sa crypto eh more on yung pag control talaga sa mga dapat mong ipost or hindi and kung hanggang saan lang yung pwede mo ishare sa iba even if friends mo pa. Innate kasi sa tao yung inggit and gaya nga ng sabi sa previous replies, Iba padin yung peace of mind na nagagawa pag humble ka lang and may control sa kung anong info lang ang gusto mo ipaalam sa iba. Kwento ko lang din yung classmate namin before na talagang lowkey lang and halos walang post or paramdam sa soc med pero bigla nalang nag my day na kasama na sa binance event and may mga napundar na. Kaya maganda talaga ikeep in mind yung saying na "work hard in silence and let your success be your noise" hindi lang sa crypto pero sa lahat ng aspect ng buhay.


Title: Re: Bakit importanteng hindi ipag kalat na mayroon kang crypto
Post by: Peanutswar on July 26, 2025, 04:34:32 PM
Naalala ko tuloy yung term na sumikat sa socmed about sa pag popost nga ng achievements without knowing na may naattract na palang negative vibes or impact sa iba. Evil eye yung tawag and hindi lang siya about sa crypto eh more on yung pag control talaga sa mga dapat mong ipost or hindi and kung hanggang saan lang yung pwede mo ishare sa iba even if friends mo pa. Innate kasi sa tao yung inggit and gaya nga ng sabi sa previous replies, Iba padin yung peace of mind na nagagawa pag humble ka lang and may control sa kung anong info lang ang gusto mo ipaalam sa iba. Kwento ko lang din yung classmate namin before na talagang lowkey lang and halos walang post or paramdam sa soc med pero bigla nalang nag my day na kasama na sa binance event and may mga napundar na. Kaya maganda talaga ikeep in mind yung saying na "work hard in silence and let your success be your noise" hindi lang sa crypto pero sa lahat ng aspect ng buhay.

Ito din reason bat mas okay maging low key nalang eh kasi minsan kahit ka close mo yung tao maari kapa ding taluhin nito eh. Pero mas okay if yung circle of friends mo kasi is mga related din sa crypto kasi possible nyan tulungan kayo sa mga upcoming projects, investment at syempre yung mga pwede nyong grind para pumaldo ika nga nila dapat asa tamang circle of friends ka kung gusto mo talagang umangat sa buhay at lalo na syempre sa crypto.