Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Oasisman on May 19, 2025, 09:43:20 AM

Title: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Oasisman on May 19, 2025, 09:43:20 AM
Hey ya'll mga kabayan. Ito mainit init pang balita.
Isang BPO company sa Cebu ang matagal ng nag ooperate para mang scam ng mga tao sa ibat ibang bansa, but mostly sa Europe, Canada, at Nigeria.
Yung stilo nila is mag papanggap silang isang investment company at pini-fake nila yung gains para ma encourage yung tao para mag invest ng malaking pera.
Here, watch the video on YouTube.
https://m.youtube.com/watch?v=lOD9FSaymr8 (https://m.youtube.com/watch?v=lOD9FSaymr8)
This YouTuber is known to be a "white hacker". Meaning, he's gonna break in to someone's computer para mag imbistiga ng mga potential scammers.
Pero sa case na to, parang napaka tibay ng ebedinsya, na kahit siguro gamitin lng ng authoridad ang YouTube video na to ay napakalaking tulog na ito para masampahan ng kaso itong mga tukmol na to.

Hindi lang ito nagbibigay ng bad impression at reputation sa Bitcoin dito sa pinas, pati na rin sa mga Call centers, BPO companies, at mga VA and online workers sa ating bansa.

Sana magiging headline na ito sa susunod na mga araw lol.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Sanitough on May 19, 2025, 10:54:34 AM
Grabe ito, marami pala sa mga kababayan natin na pumapasok sa ganitong scam..

Baka malaki ang sweldo nila dito kaya na engganyo pumasok, pero sure mali ito at alam nila.
Sana makulong ang mastermind nito at kasama na rin itong mga nakikita natin sa CCTV.

meron akong nakitang mga ganitong exposi sa youtube, pero mga indian yung nakikita ko,, kakagulat lang pati pala sa pilipinas, mga kababayan pa nating mga bisaya ang mga scammers.. Sinong taga Cebu dito, baka kilala ninyo ito?

I saw this one in the comment, "Why Did You Redeem It!".. funny line on the indian scammers that was exposed. :)

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: serjent05 on May 19, 2025, 01:56:42 PM
Nadaan din yung video sa youtube channel ko pero di ko pinansince pero ng mabasa ko itong thread at click sa video, naalala ko at pinanood ko na rin.

Hindi naman nakakapagtaka na magamit ang mga pinoy sa mga ganitong klaseng scam.  Dahil mismong mga kapwa nating mga Pilipino ay marami ding scammer.  Nakakatawa lang na hindi maisip ng kausap na too good to be true ang offer, 30% to 40% profit per week, ang pagiging ganid talaga nakakabulag ng mata kahit na lantarang pangsscam na ginagawa eh sige lang.

Sana mapansin ito ng gobyerno at mabigyan ng lekyon itong mga scammer na ito.  Nakakasira ng reputasyon ng mga legit BPO's ang ganitong mga scam.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: dimonstration on May 19, 2025, 02:12:11 PM
Actually, Sobrang popular ng ganitong scam scheme sa India since sila talaga pinaka malaking BPO bago pa unti2 na lumakas ang BPO sa atin.

Matagal ng gawain yan kahit sa ibang bansa na mangsscam gamit ang pagpapanggap na company popular jan yung mga bank credit cards and other subscriptions.

Sa tingin ko nga jan ay operated dn yan ng international syndicate tapos dito lang sa bansa natin dahil wala tayong death penalty.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Asuspawer09 on May 19, 2025, 06:31:34 PM
Actually, Sobrang popular ng ganitong scam scheme sa India since sila talaga pinaka malaking BPO bago pa unti2 na lumakas ang BPO sa atin.

Matagal ng gawain yan kahit sa ibang bansa na mangsscam gamit ang pagpapanggap na company popular jan yung mga bank credit cards and other subscriptions.

Sa tingin ko nga jan ay operated dn yan ng international syndicate tapos dito lang sa bansa natin dahil wala tayong death penalty.

tama ka jan madalas talaga sa India kahit yung ibang youtuber na ganito ang content madalas India ang mga scammers na gumagawa neto, actually kakanood ko lang netong video bago ko makita itong post na ito sa thread and nagulat din talaga ako na meron din pala neto dito sa bansa naten dahil sobrang obvious neto, and for sure alam nila sa sarili nila na scammer ang trabaho nila sa mga ganitong kompanya nakakagulat lang dahil sobrang laki ng kumpanya nila na parang mga grupo talaga sila, parang BPO lang.

Siguro ganito rin ang galawan nung mga scammer sa telegram, yung magpapalike lang ng shopee,lazada, temu page then sasahuran ka through gcash ng 120pesos then gagawin mo lang ang task mo after nun makakapayout ka kapag tuloy tuloy ang pasa mo ng task, syempre kikita ka sa simula at isesend talaga nila ang pera sa account mo sa gcash, pero after nun hihikayatin ka nila na maginvest kapag naginvest ka dun na makukuha ang pera mo, napaisip tuloy ako dahil yung mga nakakausap ko doon na scammer ay mga filipino din dahil marunong sila mag tagalog siguro ganito rin ang setup nila.

Nakakahiya lang dahil alam mong scammer ang trabaho, di ko maisip na may mga pilipino din pala na gagawa neto tapos mayroon pa silang employee of the month nakakatawa, siguro mukang palaki talaga ang bigayan sa kanila kapag nakascam sila.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: aioc on May 19, 2025, 07:16:54 PM

Hindi lang ito nagbibigay ng bad impression at reputation sa Bitcoin dito sa pinas, pati na rin sa mga Call centers, BPO companies, at mga VA and online workers sa ating bansa.

Sana magiging headline na ito sa susunod na mga araw lol.

Surprisingly dito karamihan ay mga pinoy dati kasi puro imported the chinese at iba pang mga Asian, vral na rin ito sa Facebook at mag 1 million views na kaya anytime kikilos na dito ang NBI para gumawa ng arrest pero malamang i shuhutdown na nila ito bago pa magka roon ng arrest.
Marami pa dito sa atin kasi marami pa rin na ka  crackdown, ito ay mga tira tirahan lang imaginin nyo kung hindi nawala ang POGO dito malamang scam capital na tayo.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: cryptoaddictchie on May 19, 2025, 07:36:03 PM
Hindi lang ito nagbibigay ng bad impression at reputation sa Bitcoin dito sa pinas, pati na rin sa mga Call centers, BPO companies, at mga VA and online workers sa ating bansa.

Sana magiging headline na ito sa susunod na mga araw lol.

Dapat diyan sa mga yan ikulong ng habang buhay eh! Mga walang kadala dala, hindi marunong magsi laban ng patas. May mga skills naman para kumayod ng maayos pero ang dating ginagamit sa ganyang kabulustugan. Kaya mahirap din yung adoption ng crypto eh, di rin agad masolve or magagree ang govt kasi nga may mga tulad ng mga to na halang ang kaluluwa na gagamitin sa masama.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: kotajikikox on May 19, 2025, 11:01:23 PM
Hey ya'll mga kabayan. Ito mainit init pang balita.
Isang BPO company sa Cebu ang matagal ng nag ooperate para mang scam ng mga tao sa ibat ibang bansa, but mostly sa Europe, Canada, at Nigeria.
Yung stilo nila is mag papanggap silang isang investment company at pini-fake nila yung gains para ma encourage yung tao para mag invest ng malaking pera.
Honestly medyo common way of scamming na ito. Fake and falsified documents, yan ang pinaka madaling way para makumbinsi ang mga tao na maginvest at maloko mo sila.
Quote
Hindi lang ito nagbibigay ng bad impression at reputation sa Bitcoin dito sa pinas, pati na rin sa mga Call centers, BPO companies, at mga VA and online workers sa ating bansa.

Sana magiging headline na ito sa susunod na mga araw lol.
Sana naman ay hindi masyadong maging generalized ang industry na to sa bansa natin dahil sa isang scam lang. Madami pa naman sa mga pilipino ang nagttrabaho sa mga bpo companies na nagcacater sa ibang bansa. Tingin ko naman ay mas nangingibabaw parin ang mga reputable companies.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: GreatArkansas on May 19, 2025, 11:05:13 PM
Di ko napanoud yung whole video, ang nakita ko lang ay trading something yun, like nag mamanage sila ng pera sa trading pero for sure scam yun.
May na mention ba na Bitcoin ang gamit nila or isa sa mga iniiscam nila?

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: sheenshane on May 19, 2025, 11:37:13 PM
Dumaan to sa FB newsfeed ko kahapon akala ko joke lang, tungkol sa babae na kumakanta, thanks sa link ng whole video.
Grabi, parang sanay na sanay yong agent nila sa pagpang scam.  Nakakaawa tuloy yong naging biktima nila.
Paano kaya nakakain ng konsensya nila na ang ikinabubuhay ng pamilya nila ay galing sa panloloko ng ibang tao.  Oo, galing sa ibang bansa at hindi mga kabayan natin pero they are just innocent.

May further balita naba tungkol dito?  Nahuli naba sila?

Ang galing ng Youtuber na to nadaig yong mga scammer,  parang scammer to scammer.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: malcovi2 on May 20, 2025, 12:44:39 AM
grabe hindi napasara agad sinabi niya more than a year na niyang pinapanood sila at nabasa ko sa comments na walang ginawa yung mga government agency mukhang kailangan pang mag viral ito at mapunta sa national news para may gawin ang mga pulis.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: joeperry on May 20, 2025, 10:28:31 AM
I've seen that video when I opened my YouTube, nakakalungkot lang na sangkot ang mga kababayan natin sa mga ganitong scheme. Akala ko nung una ay ang target ay kapwa nating Filipino pero hindi pala, nakakagulat lang din talaga na meron paring nahuhulog sa mga ganitong scam, tandang tanda ko pa dati yung mga ganitong scheme nung na balita yung pag pump ng Bitcoin sa ATH nito, sobrang daming mga "Investor", "Professional Trader" daw na kaya palaguin yung pera mo gamit yung cryptocurrency pero ang requirement nila is mag send ka sakanila ng pera o mag invest sa ponzi scheme nila.

Sana lang mas marami nang tao ang aware sa mga ganitong scheme. Balik tayo sa topic, I think pwede talaga magamit tong video na ebidensya sakanila and sana lang rin may gawin yung gobyerno natin para matigil yung mga ganitong klaseng scam. Operational parin ba sila until now?

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: SFR10 on May 20, 2025, 10:51:17 AM
May na mention ba na Bitcoin ang gamit nila or isa sa mga iniiscam nila?
Meron kabayan... May pinakita din short clip na kung saan bumili pa yung victim ng Bitcoin sa isang ATM [ibang bansa] para mag deposit sa fake platform nila.

May further balita naba tungkol dito?  Nahuli naba sila?
Mag nag comment sa video na nahuli na daw sila, pero walang proof [sa tingin ko, isa yun sa mga scammer]!
- So far, wala pang balita sa mga local crypto news sites natin.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: gunhell16 on May 20, 2025, 11:19:00 AM
I've seen that video when I opened my YouTube, nakakalungkot lang na sangkot ang mga kababayan natin sa mga ganitong scheme. Akala ko nung una ay ang target ay kapwa nating Filipino pero hindi pala, nakakagulat lang din talaga na meron paring nahuhulog sa mga ganitong scam, tandang tanda ko pa dati yung mga ganitong scheme nung na balita yung pag pump ng Bitcoin sa ATH nito, sobrang daming mga "Investor", "Professional Trader" daw na kaya palaguin yung pera mo gamit yung cryptocurrency pero ang requirement nila is mag send ka sakanila ng pera o mag invest sa ponzi scheme nila.

Sana lang mas marami nang tao ang aware sa mga ganitong scheme. Balik tayo sa topic, I think pwede talaga magamit tong video na ebidensya sakanila and sana lang rin may gawin yung gobyerno natin para matigil yung mga ganitong klaseng scam. Operational parin ba sila until now?

Hanggang ngayon madami paring mga ganyan na scheme sa totoo lang, meron nga akong kakilala dito na nagsend sa akin ng isang trading apps at nung sinilip ko ay hindi na katiwa-tiwala yung platform ng apps, halatang-halata na fraud lang eh, sabi ko sa kanyan itigil mo na yan at huwag mo ng pairalin yung pagkatakam mo sa pinakita sa kanya na may kinita naraw siya eh nung nakita ko nasa 4500$ sinabi ko pano nya nakuha yung 4500$ at ang sagot nya wala hindi nya alam.

Tapos yung UID nya sa apps mismo sa profile nya ay walang number o blanko yung UID nya na kung saan sabi ko sa kanya dito palang nakakapag-isip na dapat meron kang UID na nakaindicate dyan sa platform ng trading website na binigay sayo eh wala hindi nya nakikita o wala talaga very suspicious.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Peanutswar on May 20, 2025, 02:32:52 PM
Before nabalita ito is napanood ko na si halos 22 mins din ng buhay ko nilaan ko para mapanood ito and yet entertaining nga which is same sa ginagawa ng ibang bansang mga white hat hacker na nag expose sila ng mga scammers, pero ito nga this time sa pinas naman ito after mapalabas lang or kumalat ito sa facebook tsaka lang ito nabigyan ng mga awtoridad ng action tsaka at the first place nakapag kuha sila ng mga license here satin imagine kung gaano ka luwag satin kumuha ng paper for businesses. Diba so dahil dito namulat sila at least kahit papaano. Pero sure mag operate pa din yan. Base din sa video is nag reachout na sya sa mga pulis pero imagine ano response nila its either wala or just file a complaint physically.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: finaleshot2016 on May 20, 2025, 05:47:28 PM
Disappointed but not surprised. Dami kong nakitang hindi magandang nangyayari which is unang part ay may mga nag eexist na ganyang company for scamming at nasa piipinas pa mismo. Pangalawa, mukhang matagal ng nagooperate pero hindi man lang nagawan ng paraan or solusyon ng gobyerno, or malaman agad agad at isang hacker pa mismo makakadiskubre. Well, ganon talaga kasi kahit mga pinoy eh rugger mismo sa crypto space so di na nakakapagtaka na may mga ganyang tao na nageexist for the sake of money. Daming mga kilalang personalidad din sa atin sa crypto space na yumaman after slow rugging some popular tokens na nipromote nila, some people naman using investment scheme para makalikom ng milyong pera galing sa mga tao. The reality is, ang pilipinas is punong puno talaga ng mga corrupted people mapa gobyerno o mismong mamamayan na.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: GreatArkansas on May 21, 2025, 01:59:55 AM
May na mention ba na Bitcoin ang gamit nila or isa sa mga iniiscam nila?
Meron kabayan... May pinakita din short clip na kung saan bumili pa yung victim ng Bitcoin sa isang ATM [ibang bansa] para mag deposit sa fake platform nila.
Yep, napanoud ko yung clip, about investment yun na nasabi ay papalaguin daw ang Bitcoin niya mag gamit yung software nila nag aautomate hahahaha. Sobrang halatang scam yun, pero sad to say madami parin nabibiktima ng mga ganyan, hays.

Bago lang nabalita na raid na ng mga kapulisan yung building at pinasarado na.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: acroman08 on May 21, 2025, 09:55:41 AM
meron ba kayong ibang link nung original video? yung video sa link na binigay ni OP hindi na working eh, dinelete ni youtube yung video dahil daw sa "defamation complaint".

anyway, sadly di na ko nasurpresa sa mga ganito since napaka laganap ng ganitong klaseng scam.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Fredomago on May 21, 2025, 11:52:50 AM
meron ba kayong ibang link nung original video? yung video sa link na binigay ni OP hindi na working eh, dinelete ni youtube yung video dahil daw sa "defamation complaint".

anyway, sadly di na ko nasurpresa sa mga ganito since napaka laganap ng ganitong klaseng scam.

At kawawa yung mga mabibiktima, naalala ko tuloy ung mga adult site na lumaganap din dito sa atin dati di ko lang sure kung madami pa rin kasi same deal din sila meron ding opisina na akala mo legit yung business na pinapatakbo, yung mga nagpapatakbo at yung mga pumasok at nagtrabaho dito kahit na alam nila yung nature ng trabaho nila talagang pag para sa pera hindi na iniisip yung pwedeng mangyari sa kanila , yung mga nafocusan ng camera malamang sa malamang tampulan ng marites yun sa lugar nila at sa mga nakakakilala sa kanila..

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: SFR10 on May 21, 2025, 01:00:07 PM
Bago lang nabalita na raid na ng mga kapulisan yung building at pinasarado na.
Finally may ginawa din ang mga Police [buti nalang nag virul yung video], pero unfortunately, hindi pa nahuhuli yung mga nagtatrabaho doon [baka nasa ibang bansa na yung iba dahil foreigner yung pinaka mastermind ng operation nila].
  • Small update: Scam hub sa Cebu, ikinandado ng pulisya matapos ibinulgar ng isang hacker online (https://kami.com.ph/philippines/176012-scam-hub-sa-cebu-ikinandado-ng-pulisya-matapos-ibinulgar-ng-isang-hacker-online/)

meron ba kayong ibang link nung original video? yung video sa link na binigay ni OP hindi na working eh, dinelete ni youtube yung video dahil daw sa "defamation complaint".
Check mo ulit kabayan, mukhang narestore nila yung video [halos three million ang views niya].

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: robelneo on May 21, 2025, 03:29:20 PM
Bago lang nabalita na raid na ng mga kapulisan yung building at pinasarado na.
Finally may ginawa din ang mga Police [buti nalang nag virul yung video], pero unfortunately, hindi pa nahuhuli yung mga nagtatrabaho doon [baka nasa ibang bansa na yung iba dahil foreigner yung pinaka mastermind ng operation nila].
Viral na ito hindi lang sa mga social media kundi maging sa mainstream news media nasa TV na rin ito kahapon lang kung hindi pa dahil sa page na mga taga expose ng scammers hindi mahuhuli ito malamang marami pa rin ito sa buong bansa, dapat yung gobyerno ay meron din mga white hackers para mahuli ang mga love at investment scam.
Dapat meron tayong dedicated scam busters kasi madali naman silang ma trace sa mga Telegram at social media platforms kung saan sila nambibitikma.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: gunhell16 on May 21, 2025, 03:37:08 PM

Yung nagexpose n vlogger madalas ko yun pinapanuod sa channel nya s youtube, yung ganyang senaryo ilang beses na akong nakapanuod nyan sa ibang bansa yung ineexposed nya madalas.

Meron pa nga akong napanuod na nagpanggap na prospect target ng mga scammer, tapos ang hindi alam mg scammer ay nakalive na siya ay hulog na siya sa bitag ng vlogger, naapansin nalang ng scammer na may nakamonitor sa kanya  nung kalagitnaan ng pag-uusap nila at bigla nyang pinatay o nagexit yung scammer.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: acroman08 on May 22, 2025, 12:55:40 AM
meron ba kayong ibang link nung original video? yung video sa link na binigay ni OP hindi na working eh, dinelete ni youtube yung video dahil daw sa "defamation complaint".
Check mo ulit kabayan, mukhang narestore nila yung video [halos three million ang views niya].
yeah, sinubukan ko ulit kanina at di pala sya deleted, restricted lang sya(at least yun yung lumalabas pag pinipindot ko yung link) at kailangan ko lang gumamit ng VPN para ma panood yung video. medyo weird na "restricted" daw yung video dito sa pinas dahil sa "defamation complaint"

ganto yung lumalabas sakin pag pinindot yung link na binigay ni OP
https://www.talkimg.com/images/2025/05/22/UaYV3b.png

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Mr. Magkaisa on May 22, 2025, 07:06:41 AM
Bago lang nabalita na raid na ng mga kapulisan yung building at pinasarado na.
Finally may ginawa din ang mga Police [buti nalang nag virul yung video], pero unfortunately, hindi pa nahuhuli yung mga nagtatrabaho doon [baka nasa ibang bansa na yung iba dahil foreigner yung pinaka mastermind ng operation nila].
  • Small update: Scam hub sa Cebu, ikinandado ng pulisya matapos ibinulgar ng isang hacker online (https://kami.com.ph/philippines/176012-scam-hub-sa-cebu-ikinandado-ng-pulisya-matapos-ibinulgar-ng-isang-hacker-online/)

meron ba kayong ibang link nung original video? yung video sa link na binigay ni OP hindi na working eh, dinelete ni youtube yung video dahil daw sa "defamation complaint".
Check mo ulit kabayan, mukhang narestore nila yung video [halos three million ang views niya].

Imposibleng nasa ibang bansa yung mga nagtatrabaho dito, kahit na foreigner yun may-ari ng business bigla nlng yun maglalaho at papabayaan sila.
For sure nasa Cebu lang ang mga ito o kalapit lugar lamang.
Napanood ko ang video na ito pero hindi buo. papanoorin ko sana now sa youtube pero mukang nareport yung video para mawala yung mga mukha ng scammer :)

https://www.talkimg.com/images/2025/05/22/UaJuJm.png

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: acroman08 on May 22, 2025, 07:54:23 AM
Imposibleng nasa ibang bansa yung mga nagtatrabaho dito, kahit na foreigner yun may-ari ng business bigla nlng yun maglalaho at papabayaan sila.
For sure nasa Cebu lang ang mga ito o kalapit lugar lamang.
Napanood ko ang video na ito pero hindi buo. papanoorin ko sana now sa youtube pero mukang nareport yung video para mawala yung mga mukha ng scammer :)

-snip
ang ginawa ko is gumamit ako ng VPN para mapanood yung video, hindi talga na take down yung video, restricted lang dito sa pilipinas.

if may OPERA browser ka, pwede mo din gamitin na lang tung VPN feature nung browser nila.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: joeperry on May 22, 2025, 10:45:47 AM
If hindi ako nagkakamali, sinalakay na daw ng mga police of NBI yung nasabing lugar kung saan nakalocate yung mga scammers but I'm unsure if nahuli ba sila or nakalipat. I think it's just a matter of time before mahuli yung mga yon dahil narin sa CCTV and other evidences, kahit pa nawala yung video sa Youtube, marami naming nakapagsave na mga screenshots na kita yung mukha nila or nakapag save ng video at kumakalat na sa Facebook.

EDIT: I just watched the news regarding this topic, it looks like na hinahanap na sila.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Fredomago on May 22, 2025, 11:06:15 AM

May mahuli lang dun sa mga nasa video sigurado kakalat yan hanggang sa mahuli na rin un pasimuno not unless nakalipad na at nakapangibang bansa na, tama lang din kasi yan tutal alam naman nila un ginawa nila hindi masasabing biktima silakung meron mang mangilan ngilan na napasama malamang sa malamang hindi nila mapapangatwiranan ung idadahilan nila kasi damay damay na yan at pumasok ka walang ibang sisihin kundi sarili mo lang din..

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: coin-investor on May 22, 2025, 04:22:40 PM
Meron akong nakikitang mga channel na nanghuhuli ng mga scammers, tama yung panawagan ng gobyerno natin na dapat makipagtulungan tayo sa kanila para maenganyo ang mga white hackers na ito na mahuli yung iba pang mga scammers na nagtatago sa mga mahirap ma trace na lugar o kaya naman ay nagpapanggap na call center.
Maganda ring matuto maging white hacker at mag channel ka mabilis mag grow ang followers mo at makakuha ng maraming views.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: qwertyup23 on May 22, 2025, 05:09:08 PM
I am honestly surprised na may capability na mang scam ang isang BPO company na stationed dito sa Pilipinas. Usually, mga foreigners ang gumagawa nito and hindi mo i-eexpect na magkakaroon sila ng sariling hub para gawin itong pang scam.

Unfortunately, mas lalong magkakaroon ng bias towards sa view ng cryptocurrencies dito sa ating bansa. Not to mention, baka mas lalo din maging strict sa pag implement and paggawa ng mga batas regarding cryptocurrencies dahil sa mga pangyayari na ganito.

I just hope that these perpetrators would be imprisoned dito dahil mas lalong nakakasira ito ng imahe hindi lang sa cryptocurrency pero sa sarili din nating bansa. The more na nagkakaroon ng mga balita na ganito, the more na mas hihirap ang pag accept ng crypto sa bansa.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Oasisman on May 22, 2025, 06:33:40 PM
Restricted na po yung video sa Youtube mga kabayan. Parang ni report ata. Pero may mga clip parin sa social media (Facebook), I'm not sure kung may full video ba.
And I think wala pa pong update kung may nahuli na ba sa mga scammers, pero binisita at sinara na ng authorities yung office nila. Yun palang po ata yung latest update dito.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: bhadz on May 22, 2025, 07:55:56 PM
This YouTuber is known to be a "white hacker". Meaning, he's gonna break in to someone's computer para mag imbistiga ng mga potential scammers.
White hat hacker talaga kabayan. Baka iba ang maging ideya ng iba na literal na puti.

I am honestly surprised na may capability na mang scam ang isang BPO company na stationed dito sa Pilipinas. Usually, mga foreigners ang gumagawa nito and hindi mo i-eexpect na magkakaroon sila ng sariling hub para gawin itong pang scam.
Posible yan kabayan dahil may mga scam operations naman na dati. Kahit yung sa mga POGO, yung iba tingin doon call centers lang na nago-operate tapos  ang customers nila abroad din. Kapag walang ideya ang mga empleyado sa mismong circulation na nangyayari sa company, ang buong akala nila ay legit yung operations nila. Pero meron din namang napabalita dati sa Sykes[1] ata yun, na may mga matataas na position ng employees na nang scam at kinonvert sa BTC yung nakuha nila.

[1] Google to switch PH BPO partner following online scam (https://www.rappler.com/technology/google-switch-bpo-partner-following-online-scam/)

Three employees from business process outsourcing firm Sykes are said to have stolen and converted P60 million worth of Google online gift cards into bitcoin

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: LogitechMouse on May 23, 2025, 01:57:36 AM
SMAK DAT!!! OLONDAPLOO
SMAK DAT!!! AMISSMOO
SMAK DAT!!!! SMAK DAT!!!

Kinanta ko lang ung kinanta nung isa sa mga scammer dun sa video. Kung pinanood niyo ung buong video nung white-hat hacker, alam nyo ung lyrics. :D Wala lang na LSS lang ako. ;D ;D ;D

I am honestly surprised na may capability na mang scam ang isang BPO company na stationed dito sa Pilipinas. Usually, mga foreigners ang gumagawa nito and hindi mo i-eexpect na magkakaroon sila ng sariling hub para gawin itong pang scam.
---
Hindi na ito nakakagulat para sa akin. Una, pagdating sa BPO, ang bansa natin ang go-to ng mga foreigners dahil maraming Pinoy ang nasa BPO industry. Speaking of BPO, gusto rin ng mga foreigner na mag-hire ng mga Pinoy dahil karamihan ay magagaling mag-english at may accent rin. Speaking of foreigner, ung "boss" nila apparently ay isang foreigner na may pangalan na "Adam" base sa video na nasa Youtube. Hindi na ako magugulat kung may mga hub pa dito sa bansa natin na hindi pa natutuklasan.

Restricted na po yung video sa Youtube mga kabayan. Parang ni report ata. Pero may mga clip parin sa social media (Facebook), I'm not sure kung may full video ba.
And I think wala pa pong update kung may nahuli na ba sa mga scammers, pero binisita at sinara na ng authorities yung office nila. Yun palang po ata yung latest update dito.
Baka sila lang din yung nag mass report. Baka bumili sila nung mga services na nag ooffer ng boosting services sa iba't ibang socmed platforms. May mga nag ooffer din kasi ng mass report ata at baka yun ang ginamit nila para i-report ang video at eventually matanggal. Yung pagsara, magandang step na yun pero sana mahuli yung boss nila na naka-assign sa PH (ung naka-red sa video na nakikipag-usap sa foreigner boss nila), at hindi lang siya kundi pati na rin yung ibang mga callers lalo na yung kumanta ng SMAK DAT!!!  ;D ;D

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: Mr. Magkaisa on May 23, 2025, 11:43:17 AM
SMAK DAT!!! OLONDAPLOO
SMAK DAT!!! AMISSMOO
SMAK DAT!!!! SMAK DAT!!!

Kinanta ko lang ung kinanta nung isa sa mga scammer dun sa video. Kung pinanood niyo ung buong video nung white-hat hacker, alam nyo ung lyrics. :D Wala lang na LSS lang ako. ;D ;D ;D

Latrip ako sayo dito kabayan :) sumilip yungg edad dahil sa kanta :D

ang ginawa ko is gumamit ako ng VPN para mapanood yung video, hindi talga na take down yung video, restricted lang dito sa pilipinas.

if may OPERA browser ka, pwede mo din gamitin na lang tung VPN feature nung browser nila.

Salamat kabayan, dahil ba ongoing na yung case kaya naka temporary not available sa bansa natin ang video?
Kawawa yung mga naispatan ng camera tlaga.

Naniniwala ako na hindi alam ng karamihan ang pinasok nila (NOONG UNA) pero inakap nlng nila dahil maklaki ang kita.
At nandito lang sa Pinas mga yan, hindi yan pag aksayahan ng pera ng May-ari para papuntahin sa ibang bansa.Umalis lang yan ng Cebu.
pero dahil kalat ang mukha nila, mahuhuli din yan.

Title: Re: Isa na namang Bitcoin related scamming group sa Pinas (Cebu City)
Post by: finaleshot2016 on May 27, 2025, 04:36:42 PM
Hindi lang ito nagbibigay ng bad impression at reputation sa Bitcoin dito sa pinas, pati na rin sa mga Call centers, BPO companies, at mga VA and online workers sa ating bansa.

I think for cryptocurrency hindi naman siya magiging bad impression since majority naman ng nagtatrade ngayon sa bitcoin is hindi naman need ng ganyang BPO company para lang sa investments, kasi nga hindi naman ponzi ito at you're accountable dapat sa hawak mong assets, meaning ikaw may hawak talaga. Sa mga laganap ngayon na news about bitcoin, siguro dapat aware sila na kung papasukin nila eh hindi nila need ng 3rd party so meaning labas talaga ang Bitcoin sa issue na 'to, kung may effect man siguro slight lang dahil don sa "investment" part and "digitally executed" ang pang-scascam.

Malaking effect to sa mga BPO companies kasi baka magsiurungan yung mga foreign investors dito sa atin kapag nalaman na ganyan pala dito, na taniman pala ng mga scammers dito sa Pilipinas. Malaking effect rin sa VA kasi if nakitang Pinoy ang mga scammers then mas mawawalan ng trust yung mga clients sa filipino freelancers. May effect pero I think patuloy pa rin naman ang operate ng karamihan sa online businesses at mga freelance kasi isang case lang naman 'to at majority naman kahit sa ibang bansa madaming ganyan na scammers so yes, tuloy lang pa din ang buhay ng lahat and sana maexpose pa yung ibang mga BPO company na scammer pala.