Title: Using AI to scam people (Gcash) Post by: LogitechMouse on June 21, 2025, 02:13:11 AM Siguro may mga aware na dito pero para na rin sa kaalaman ng lahat ng andito. Just for awareness. Kung mali ng section, pwede kong i-move.
Kamakailan, nakita ko itong isang post galing sa Facebook at ang nilalaman nito ay ang paggamit ng AI para i-edit ang transaction receipt sa Gcash. Ito yung link ng post LINK (https://www.facebook.com/share/p/16qS2wfvqN/) at ito yung caption ng post: Quote Using AI, I was able to edit a payment receipt to reflect a much higher transaction amount. This proves one thing: asking for screenshots as proof of payment is no longer a safe practice. Cybercriminals can now easily use AI tools to manipulate receipts, bank confirmations, and e-wallet screenshots in seconds. https://talkimg.com/images/2025/06/21/UuRUOa.jpeghttps://talkimg.com/images/2025/06/21/UuRXno.jpegWhile there are subtle signs that a receipt might be fake, such as mismatched fonts, blurry logos, or inconsistent formatting, these edits can still deceive ordinary users into believing they’re authentic, especially during fast-paced transactions. Scam Watch Pilipinas shares these practical tips to help keep your online transactions safe and scam-free: Use payment verification portals like official GCash or bank apps to confirm transactions in real-time. Request proof via email from official senders, fake screenshots don’t come with traceable sender metadata. Ask for transaction reference numbers and verify them through your own banking or e-wallet account. Enable real-time alerts on your payment platforms to track deposits instantly. In a world where AI can forge visuals with ease, verification must go beyond screenshots. Kung titignan nyo rin yung 2 na picture na nasa taas, makikita nyo na at first glance, mukhang magkaparehas nga sila. Pag baguhan ka at hindi mo alam kilatisin yung screenshot, makikita mo na legit yung nasa 2nd photo pero kung may basic knowledge ka sa editing, makikita mo na sa font pa lang ay alam mo nang edited. Hindi naman lahat ay may idea sa editing, at ang alam lang nila ay yung tanging nakikita nila sa screenshot. Palagi tayong nakakarinig ng positive things tungkol sa AI pero nakakalimutan rin natin na pwede rin itong gamitin sa kasamaan gaya ng ginagawa ng mga scammers ngayon. Sabi nga sa isang comment jan sa post, "Technology is a double-edged sword." Ang lesson lang naman dito ay, palaging tignan ang iyong account kung pumasok na talaga yung pera sa iyo. Naniniwala ako na lahat ng mga tao dito ay matatalino at nag-iingat pagdating sa mga ganitong mga scam attempts. Paalala lang naman ito at hindi lang ito sa Gcash pwede mangyari. Pwede itong mangyari sa kahit anong financial application na pwede kang magsend ng pera online. Ingat sa atin lahat at nawa'y walang mahulog sa scam na ganito. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: cryptoaddictchie on June 21, 2025, 09:22:46 AM Using P2p sa Binance via gcash lagi so if ever yung buyer ng usdt ay sasabihin na nasend na, and nagpakita na ng screenshot ng receipt. Always kong icoconfirm if pumasok ba or hindi mismo sa account kasi mahirap na eh laging may ganyan cases na pwdeng fake or edited gcash account receipt ang isesend sayo. Dapat talaga maging mapanuri lagi.
Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: joeperry on June 21, 2025, 09:52:47 AM Nagsisimula na dumami yung pang sscam gamit yung AI, nakakalungkot talaga yung mga ganitong balita. I personally use Binance's B2B feature and mostly Gcash din yung gamit ko, even before hindi talaga ako naniniwala sa mga screenshots and text screenshots na nasend na, I will wait til makapasok sa account ko yung pera, so far wala pa naman ako naencounter na ganito bukod sa isang beses na nagloko yung Gcash, hopefully wala naman sana mang ganyan sa Binance.
Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: cryptoaddictchie on June 21, 2025, 11:23:11 AM hopefully wala naman sana mang ganyan sa Binance. May mga nababasa ako post before sa facebook na may nabiktima na ng ganyan, kasi nga nagsend nanaman ng screenshot yung buyer pero yun nga hindi daw pumasok pero sabi lang ni buyer eh system error lang ni gcash pero it turns out na wala talaga transaction and the guy scammed the user for instant USDT. Kakaawa mga ganyan na nabibiktima kasi, hindi nila inaasahan yan kasi alam nila lahat sa Binance merchant ay legit. Pero always find yung madami na feedback and ratings para sure. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: Beparanf on June 21, 2025, 03:24:51 PM Salamat dito kabayan although hindi talaga ako nagrerely sa mga receipt since nagche2ck talaga ako ng account balance ko bago ako magrelease ay magandang warning na din ito dahil sobrang mukhang legit talaga yung pagkaka edit.
Gumagamit din kami ng chatgpt para magpa edit ng picture while hindi ko naisip na pwede din pala gamitin ito para magedit ng receipt. May isa png feature na sana maging aware tayo lalo na sa gumagamit ng gcash sa P2P. Ito yung bagong feature na din”scam protect” ito din yata yung dating protect feature na pwede magreverse ng transaction kaya make sure na walang ganitong feature yung gcash transaction nyo sa P2P. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: robelneo on June 21, 2025, 03:37:07 PM Kung ibang tao o di mo kakilala wag ka basta basta magtitiwala sa screenshot check mo lagi kung pumasok ganyan ako maduda ako pag di ko kilala kasi talamak kasi ang mga pagagwa ng pekeng screenshot online, itong AI ay pinadali para sa mga scammers ang trabaho nila.
Maganda ang intention ng AI pero yung magandang intention pwede i manipulate ng mga scammers para sa kanilang gawain, iba na ang panahon ngayun mas dapat i emphasize ang kasabihan na don't trust strangers and always verify. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: gunhell16 on June 21, 2025, 05:30:56 PM Sa panahon na ito mukhang sobrang gamit na gamit ang Ai sa masamang paraan na ngayon ah, pati ba naman sa ganyang bagay ay talaga namang pinasok narin ng mga scammer ito.
Kaya ako kapag gumagamit ng p2p transaction ay ay I' make sure na check ko muna gcash qu kung pumasok na yung pinadala ng merchants kahit na sinabi na nyang pinadala na ito ng merchants Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: finaleshot2016 on June 21, 2025, 10:32:37 PM Nakita ko ito and it's the same thing lang din naman sa mga edited pictures through photoshop. Ako kasi even sa p2p transactions sa mga CEX, chinecheck ko talaga if pumasok talaga yung pera. Hindi ako nag rerely sa isang screenshot lang kasi ako mismo kaya kong mag-edit ng ganyan without relying sa AI kaya sobrang mapanuri din ako if I'm doing a transaction. Dapat lagi nating imamake sure na pumasok talaga yung pera, maliit man o malaki dapat hindi tayo komportable na oks na yung screenshot lang, daming issues ngayon na money-related na kahit mismong relatives mo itatake advantage ka pagdating sa pera.
Since kumakalat na ito sa social media, at least mas nagiging aware yung mga tao na to check if pumasok talaga yung pera. Tsaka sa mga stores na nagaaccept ng gcash payment, talagang chinecheck nila yung ref. no and also if pumasok talaga kaya sana halos lahat ng tao or normal na tao na nakikipag-transact, icheck din ng maayos pra walang nascascam. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: bhadz on June 21, 2025, 10:38:56 PM Kawawa yung mga kababayan natin na walang alam tungkol dito. Kaya mabuti din na may mga reminders hindi lang dito sa forum, lalong lalo na galing kay Gcash, kay BPI at iba pang mga banks. May nakita na akong reminders na pinopost nila sa mga facebook pages nila para mas madami pang maging aware na huwag basta basta magtitiwala sa mga screenshots ng mga payments sa mga merchants nating mga kababayan o kaya sa lahat ng transactions na meron sila. Mas mainam na laging icheck ang mismong account ng mga wallet apps na yan o kaya bank accounts para mas ma verify kung may nagsend ba talaga o kaya wala. Yung mga scammers gagawin talaga lahat niyan makapang loko lang.
Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: coin-investor on June 21, 2025, 10:55:29 PM Kawawa yung mga kababayan natin na walang alam tungkol dito. Kaya mabuti din na may mga reminders hindi lang dito sa forum, lalong lalo na galing kay Gcash, kay BPI at iba pang mga banks. May nakita na akong reminders na pinopost nila sa mga facebook pages nila para mas madami pang maging aware na huwag basta basta magtitiwala sa mga screenshots ng mga payments sa mga merchants nating mga kababayan o kaya sa lahat ng transactions na meron sila. Mas mainam na laging icheck ang mismong account ng mga wallet apps na yan o kaya bank accounts para mas ma verify kung may nagsend ba talaga o kaya wala. Yung mga scammers gagawin talaga lahat niyan makapang loko lang. Bagaman ang AI ay malaking news sa internet, marami sa ating mga kababayan ang hindi maka recognize ng AI, ang totoo may on going battle ang mga AIs kung paano maging unrecognizable sa totoo subject, at halos na peperfect na nila ang ganitong technology. Ang solusyon dito ay heighten knowledge, awareness at wag tayo mapagtiwala, ito ang panahon na need natin maging discernible sa lahat ng mga naeencounter natin. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: PX-Z on June 21, 2025, 11:20:01 PM Kahit wala pang AI, may mga edited screenshots na nabibili dati pa, at ini-edit nalang. I experienced na din ng ganyan, worst is may screenshot siya at may text pa, kahit sino mapapa isip na totoo, nasa 5k+ pa naman yun dun sa FB page/shop ko. Malas niya alam ko galawan na ganyan kay hindi ako nauto, always check sa app at dun sa text, usually may in-app notification na ang Gcash for incoming txs kaya double check nalang din.
Pwede mangyari to sa P2P sa crypto, kaya double ingat once na experience mo, report mo agad nang ma sampolan ng platform para ma ban. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: tech30338 on June 22, 2025, 12:19:57 AM Ang pinakabest talaga dito is always check muna sa notification if may pumasok na talaga at may ngsend ng text via sa gcash, and check update ang balance parati ang latest balance ng account , bago ibigay ang pera or product sa isang katransaction.
kung techie ka naman pwede mo rin echeck if AI generated naman ung image na pinadala sa iyo, at dapat talaga wag nagmamadali sa mga bagay dapat lagi tayong aware. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: crwth on June 22, 2025, 02:07:43 AM It is still better to check sa actual bank account mo. Naisip ko yung mga possible scenarios katulad ng namention ni cryptoaddictchie na P2P transactions. Usually once na makita kong submitted na yung amount or released na, hindi ko tinitingnan yung chat but yung actual bank ko kung pumasok na eh.
Mayroon din ako nakita niyan gamit ibang banks. Dapat alerto tayo sa ganito at siguraduhin na pumasok. Kahit sa work ko, vineverify ang transactions. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: arwin100 on June 22, 2025, 09:27:30 AM It is still better to check sa actual bank account mo. Naisip ko yung mga possible scenarios katulad ng namention ni cryptoaddictchie na P2P transactions. Usually once na makita kong submitted na yung amount or released na, hindi ko tinitingnan yung chat but yung actual bank ko kung pumasok na eh. Mayroon din ako nakita niyan gamit ibang banks. Dapat alerto tayo sa ganito at siguraduhin na pumasok. Kahit sa work ko, vineverify ang transactions. Dapat ganito kung may access sila sa kanilang online banking para makaiwas sa mga ganito. Sobrang dali nalang mag edit ng receipt ngayon lalo na't andyan pa ang mga AI tools na yan. Kaya minsan hirap din mag transact online lalo na kapag di mo kilala at baka loko - loko pa yung ka deal natin at ganitong modus ang gagawin nila. Aware naman tayo sa mga ganito so less chance na mabiktima tayo ng mga ganyan. Kaya dapat educate natin ang parents,kapatid at friends natin sa mga ganito para hindi sila mabiktima. Reminders towards such incident plays huge role for anyone not to get fall on this schemes kaya ingat nalang talaga tayong lahat dahil mas tumatalino na ang AI at ang mga abusadong gumagamit nito. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: xLays on June 22, 2025, 10:30:17 AM Gatas na gatas na itong content na ito sa fb. Nakita ng isa na nagtrending ginaya naman ng isa. Siguro sa isang araw mga sampung beses ko na nabasa yung ganitong content sa fb. Welll maganda naman yung gusto nilang parating na magbigay babala sa mga kababayan natin pero halos buong feed ko nung mga nakaraan araw puro ganyan.
Tatangga nalang talaga siguro mafafall sa mga ganyang scam. Sobrang dami nangbabala na ganyan na double check kung may nareceive ba talaga sa mga ewallet nyo bago paalisin yung customer, bago magrelease ng sa P2P transaction like binance.. Kaya hanggat maari kung may business ka ng cash in cashout sa mga ewallet mo pinaka the best may logbook ka, para monitored mo kung mga kano balance mo at hindi ka lang nagrerely sa ewallet na gamit mo.. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: serjent05 on June 22, 2025, 12:55:56 PM Using P2p sa Binance via gcash lagi so if ever yung buyer ng usdt ay sasabihin na nasend na, and nagpakita na ng screenshot ng receipt. Always kong icoconfirm if pumasok ba or hindi mismo sa account kasi mahirap na eh laging may ganyan cases na pwdeng fake or edited gcash account receipt ang isesend sayo. Dapat talaga maging mapanuri lagi. Same here, lagi ko ring tinitingnan ang gcash account ko kung credited na nga fund. Mahirap na kapag nascam siguradong walang pangbudget to pay the bills. Nabasa ko nga rin ang issue na ito na pwedeng ipagawa sa AI ang mga transaction notice, very powerful talaga ang AI kasi kahit nga iyong art na detalyado pwede nitong gawin heto pa kayang napakasimpleng receipt. Kaya ingat-ingat na lang tayo at huwage masyadong tiwala sa mga pinapakita ng katransaction, it is always better na iverify natin kung totoo nga ito. Wala naman kasing mawawala sa atin kung susuriin nating mabuti. Kongting oras na igugugol to verify kapalit ng pag-iwas sa mga scammer, it is worth the time. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: sheenshane on June 22, 2025, 11:08:46 PM Using P2p sa Binance via gcash lagi so if ever yung buyer ng usdt ay sasabihin na nasend na, and nagpakita na ng screenshot ng receipt. Always kong icoconfirm if pumasok ba or hindi mismo sa account kasi mahirap na eh laging may ganyan cases na pwdeng fake or edited gcash account receipt ang isesend sayo. Dapat talaga maging mapanuri lagi. Nabasa ko nga rin ang issue na ito na pwedeng ipagawa sa AI ang mga transaction notice, very powerful talaga ang AI kasi kahit nga iyong art na detalyado pwede nitong gawin heto pa kayang napakasimpleng receipt.Parang walang impossible sa AI ngayon, lahat nalang pwedi ma decieve using AI. Sana aware ang lahat dito lalo na yung nag bibusiness using GCASH wallet, maaring sila ma scam nito lalo na yung nagmamadali at hindi nag koconfirm ng transactions. Kaya mas mabuti siguro kung e verify mo nalang sa transaction history mo para sure ka na legit yung transaction na yun. Salamat sa info na to, based on the image, mukhang totoo nga walang pinagka iba maliban sa font. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: Maslate on June 23, 2025, 03:53:15 AM makaka scam nga ito lalo na hindi masyadong techy ang nag transact, so much better i check talaga sa wallet kung pumapasok.
Sa Binance pag nag ti trade ako sa p2p nila, since gcash and receiving ko, kahit mag send na yung sender ng gcash screenshot para sa payment, i make sure na makita ko muna sa wallet na nag reflect before ko i release ang crypto. there was this one time na na send na daw ang payment, with screenshot, pero nagloko naman ang gcash app.. kaya di ko talaga na release.. pero after few minutes bumalik naman, buti nalang na send, dahil kung hindi baka masira pa ang record ko. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: Fredomago on June 23, 2025, 08:35:56 AM makaka scam nga ito lalo na hindi masyadong techy ang nag transact, so much better i check talaga sa wallet kung pumapasok. Sa Binance pag nag ti trade ako sa p2p nila, since gcash and receiving ko, kahit mag send na yung sender ng gcash screenshot para sa payment, i make sure na makita ko muna sa wallet na nag reflect before ko i release ang crypto. there was this one time na na send na daw ang payment, with screenshot, pero nagloko naman ang gcash app.. kaya di ko talaga na release.. pero after few minutes bumalik naman, buti nalang na send, dahil kung hindi baka masira pa ang record ko. Sinabi mo pa kabayan kasi hindi naman lahat ng gumagamit ng gcash eh techy talaga meron ding pag nakakita ng screenshot eh okay na, kaya talagang kayang makapangloko ng fake screenshot na ganito, same sa sinabi mo importante talaga na before mo i-release un pera or yung assets mo need mo buksan un wallet mo kung totoo bang pumasok na un pera. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: bhadz on June 23, 2025, 09:04:55 AM Kawawa yung mga kababayan natin na walang alam tungkol dito. Kaya mabuti din na may mga reminders hindi lang dito sa forum, lalong lalo na galing kay Gcash, kay BPI at iba pang mga banks. May nakita na akong reminders na pinopost nila sa mga facebook pages nila para mas madami pang maging aware na huwag basta basta magtitiwala sa mga screenshots ng mga payments sa mga merchants nating mga kababayan o kaya sa lahat ng transactions na meron sila. Mas mainam na laging icheck ang mismong account ng mga wallet apps na yan o kaya bank accounts para mas ma verify kung may nagsend ba talaga o kaya wala. Yung mga scammers gagawin talaga lahat niyan makapang loko lang. Bagaman ang AI ay malaking news sa internet, marami sa ating mga kababayan ang hindi maka recognize ng AI, ang totoo may on going battle ang mga AIs kung paano maging unrecognizable sa totoo subject, at halos na peperfect na nila ang ganitong technology. Ang solusyon dito ay heighten knowledge, awareness at wag tayo mapagtiwala, ito ang panahon na need natin maging discernible sa lahat ng mga naeencounter natin. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: romeitaly on June 24, 2025, 08:03:33 AM Eto yung nakakalungkot sa current state ng knowledge ng mga kababayan natin with the function and uses of AI, sana magkaroon din ng actions yung mga AI developers to restrict yung mga ganitong edits or request to minimize the ease of access para sa ganitong contents. Pero always double check talaga muna before proceeding with any transaction, thank you for opening this kind of thread to share awareness and knowledge to our fellow members how to secure their assets.
Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: Peanutswar on June 24, 2025, 02:05:55 PM Eto yung nakakalungkot sa current state ng knowledge ng mga kababayan natin with the function and uses of AI, sana magkaroon din ng actions yung mga AI developers to restrict yung mga ganitong edits or request to minimize the ease of access para sa ganitong contents. Pero always double check talaga muna before proceeding with any transaction, thank you for opening this kind of thread to share awareness and knowledge to our fellow members how to secure their assets. Nagulat nga din ako na may nakaisip na even bank transfer receipt is ginawa na din sa AI, may nabasa ako recently na isang post sa social media na wag agad mag titiwala hanggat wala kang na recieve na funds sa mismong wallet mo well which is totoo naman kaso may ilang tao talaga na busy at na overlook ito like tsaka na nila naalala na may transaction silang dapat check. Parang nangyare is talbog cheke scheme yung itsura ng ganitong scene eh. Kaya pag bank transfer before commit a deed always check balance if recieve ba or hindi. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: aioc on June 24, 2025, 04:13:40 PM Ngayun pa lang tayo naeeducate tungkol sa AI, sa totoo lang mapipilitan tayong ma educate kasi halos wala ng pagkakaiba at parang totoo at deceiving ang ginagawa ng mga scammers sa pang scam using AI sa pag edit sa mga receipt.
Maging ang ating gobyerno ay naalarma sa mga bagay na ito kaya dapat lahat tayo na nag tatransact online o may mga kakilala na nag tatransact ay dapat maging educated tungkol sa capability ng mga AIs. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: Fredomago on June 24, 2025, 05:05:03 PM Ngayun pa lang tayo naeeducate tungkol sa AI, sa totoo lang mapipilitan tayong ma educate kasi halos wala ng pagkakaiba at parang totoo at deceiving ang ginagawa ng mga scammers sa pang scam using AI sa pag edit sa mga receipt. Maging ang ating gobyerno ay naalarma sa mga bagay na ito kaya dapat lahat tayo na nag tatransact online o may mga kakilala na nag tatransact ay dapat maging educated tungkol sa capability ng mga AIs. Sang ayon ako sayo kabayan, dahil nga sa lawak ng magagawa ng AI dapat tayong may kahit konting unawa eh maging concern tayo dun sa mga mahal natin sa buhay na Walang idea patungkol dito, dapat mabigyan natin sila ng kaalaman para hindi sila madale kungsakali ng mga scammers na magaling magpaikiot, kung pwede na palawakin natin un idea para sa kanila, pwedeng pwede kasing maiwasan kung alam nila kung paano pagkukumparahin mga maliit na impormasyon na malaki ang maiaambag para maiwasan. Title: Re: Using AI to scam people (Gcash) Post by: LogitechMouse on June 25, 2025, 11:21:45 AM Eto yung nakakalungkot sa current state ng knowledge ng mga kababayan natin with the function and uses of AI, sana magkaroon din ng actions yung mga AI developers to restrict yung mga ganitong edits or request to minimize the ease of access para sa ganitong contents. Pero always double check talaga muna before proceeding with any transaction, thank you for opening this kind of thread to share awareness and knowledge to our fellow members how to secure their assets. Hindi nila gagawin yan at hindi yan mangyayari.Maraming nagsasabi na sana wala ng scammers sa crypto space. Nawala ba sila? Hindi, at ganun lang din sa AI. Tulad ng sinabi ko, ang AI ay isang tool na pwedeng gamitin sa KABUTIHAN, at sa KASAMAAN. Parang pera lang yan. Ginagamit natin ang pera sa mabubuting bagay, pero ginagamit rin natin sa masasamang bagay. Hindi ito irerestrict ng mga developers dahil maaapektuhan ang revenue nila kapag ganun. Much worse, hindi nila kayang i-prevent ito dahil part na ito ng AI. Gaya ng sinabi ng karamihan, double-check palagi ang mga online bank accounts at WAG MAGING TAMAD. Kahit sino pa yan, wag mag-rely sa simpleng screenshot lang na pinasa sa Messenger. Tignan, tignan at tignan, at wag maging tamad. --- Ang kayang gawin lang ng ating gobyerno ay mag abiso ng mga warnings patungkol sa mga scam attempts na gaya nito. Ang maganda ay, hindi tumitigil tong mga e-wallets sa pag-abiso sa atin para maiwasan natin ang ganitong uri ng scam. Mejo naaawa nga lang ako sa mga uneducated at walang ideya sa ganitong pang-sscam nila. Maging ang ating gobyerno ay naalarma sa mga bagay na ito kaya dapat lahat tayo na nag tatransact online o may mga kakilala na nag tatransact ay dapat maging educated tungkol sa capability ng mga AIs. |