Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: bettercrypto on July 30, 2025, 05:05:13 PM



Title: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: bettercrypto on July 30, 2025, 05:05:13 PM
https://i.ibb.co/8LytyHx9/Oppose-crypto-partylist.png (https://ibb.co/mVngn3y4)

Quote

Quote
https://i.ibb.co/fVVTP0kg/oppose.png (https://ibb.co/gbbcBgS2)

Ayan na nga at meron ng nagpakita na sumasalungat sa ginawang hakbang na ito ng grupo ni coach miranda ukol sa crypto party-list na ito
na kung saan mismong si Christopher Star.

Ngayon, kung sa aking opinyon lang naman mas maganda kasi na maeducate muna yung mga mamamayang pinoy tungkol sa crypto, kesa yung
ganyan agad ang ginawa nila, kasi aminin man natin o sa hindi majority ng mga kababayan natin ay alam lang nila sa name ang bitcoin, crypto at baka
nga yung iba pa ay hindi alam ang blockchain na karamihan.

Saka makakapagbigay pa ito ng kalituhan sa nakararami dahil karamihan din sa mga kababayan natin ay ang pagkakilala sa cryptocurrency ay SCAM,
so from this word kapag narinig nilang meron ng crypto party-list ay iisipin nila na dahil madalas nilang naririnig, at nababalitaan na scam ang cryptocurrency
hindi rin malayo na isipin din nilang mag-iiscam lang din itong crypto party-list na yan. Pero kung sa simula palang ay ineeducate na sila o yung karamihan edi
sana for sure hindi ganito ang iisipin nila na scam ang cryptocurrency. Saka isa pa alam naman din naman ang party-list ay nagiging dahilan lang ng pangungurakot
mga pulitiko kaya nga yung iba sinasabi na iabolish nalang ang party-list, at baka nga maging sakit pa ito ng ulo natin sa hinaharap yun ang nakikita ko.

Reference: https://bitpinas.com/feature/christopher-star-innovation-advocacy-group/#star-on-crypto-focused-party-list


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: GreatArkansas on July 30, 2025, 11:45:06 PM
Mas ok pa siguro pag related sa technology itself na lang, like whole technology innovation, which kasali na dito yung blockchain technology and jan mahuhulog si crypto o Bitcoin.
Lalo na sa Pilipinas na masyado tayong behind pagdating sa technology, for sure mas effective pa ito. Kasi parang conflict of interest masyado pag cryptocurrency centric lang, posible talaga mahaluan ng personal interest, manipulations and corruption.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: gunhell16 on July 31, 2025, 06:49:02 AM
May punto naman yung mga sinasabi ni Christopher Star, malamang sa mga darating na araw ay meron pang iba pang mga community na related din sa blokchain technoloy ang magpapakita ng pag-oppose nila sa bagay na yan na ginawa ng grupo ni coach miranda. Ako ngayon ko lang naisip, na kung saan yung karamihan na mga kababayan natin hindi parin nila talaga naintindihan ang cryptocurrency.

At tama rin naman na karamihan na mga pinoy ang pagkakilala talaga nila sa cryptocurrency ay isang masamang tool ng mga scammers, ito rin kasi naman ang pinalabas ng mga mainstream media na gumagawa ng mga documentation content tungkol sa crypto scam ang nakalagay, dito palang ang mag-inject na agad sa isipan nga naman ng mga kababayan natin ay scam talaga ang crypto dahil ito ang ginawang headlines ng mga mainstream media.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: cryptoaddictchie on July 31, 2025, 10:10:09 AM
ito rin kasi naman ang pinalabas ng mga mainstream media na gumagawa ng mga documentation content tungkol sa crypto scam ang nakalagay, dito palang ang mag-inject na agad sa isipan nga naman ng mga kababayan natin ay scam talaga ang crypto dahil ito ang ginawang headlines ng mga mainstream media.
Thats too bad kasi hindi naman lahat ng nasa media eh tama, problema lang eh ito amg pinaka madaling source ng news para maspread ang awareness ng isang topic sa mga tao. Ang problema yung iba tamang paninira lang ang sasabihin at wala naman basis basta lang magkaroon ng engagement.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: bettercrypto on July 31, 2025, 12:49:51 PM
Ito isang video sa youtube na kung saan pinapaliwanag kung pano nagkakaroon ng korapsyon sa isang congressmen o mga party-list,

https://www.youtube.com/watch?v=egEzyE0Wj3s

Kung ganyan ang kalakaran  na nangyayari ngayon kahit baguhan na party-list group ay karamihan for sure na masisilaw sila sa ganyang galawan at mababaon
nalang bigla  sa limot ang kanilang tunay na advocacy sa nirerepresent nilang party-list dahil sa ganyang mga sistema at kalakaran. Kaya nga nung napanuod ko yan ay
napasabi nalang ako na Grabe, sobrang ganid ng mga politiko na mga corrupt.





Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: Wapfika on July 31, 2025, 12:54:58 PM
Para akin lang ito, nonsense na talaga ang mga party list dahil sobrang dami na nila sa kongreso kaya hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon para magsulong ng batas na angkop sa nirerepresent na sector ng party list.

Nagiging paperahan lang ito ng mga politician. Hindi ko nilalahat pero karamihan sa mga representative ay sumasahod lang o di kaya nangu2rakat sa mga project nila.

Kung sakali man, mas pabor ako na iabolish nlng party list then through voting nlng ng ipapasa na batas kabilang ang lahat ng mga license lawyer sa bansa para hindi na paswelduhin.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: joeperry on July 31, 2025, 01:36:29 PM
Tama naman sya and sa tingin ko konti lang din talaga sa ngayon ang magkakainterest sa ganyang party list, aminin man natin or hindi even though na ang Pinas as medyo techy na, ay hindi ito sapat dahil karamihan lang saatin ay may alam lang about sa social media pero kung about sa blockchain, cryptocurrency and other technology innovation ay medyo kulelat na tayo. Mas okay pa yata talaga na mapsread muna ang awareness at knowledge about sa cryptocurrency, usually ang alam lang talaga nila ay scam ito or fake investment which is ang layo talaga kung ano talaga sya.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: cryptoaddictchie on July 31, 2025, 02:46:44 PM
Mas okay pa yata talaga na mapsread muna ang awareness at knowledge about sa cryptocurrency, usually ang alam lang talaga nila ay scam ito or fake investment which is ang layo talaga kung ano talaga sya.
Yes knowledge din muna talaga ang masama kasimg imahe eh yung mgw scam nq p2e sa mga tao, axie started it and dami sumunod na ibang projects pero qng masaklap yung iba eh scam na. Tapos bumagsak pa ang era ng p2e which tatatak sa mga late comer ng isang game kaya para sa kanila scam na crypto though dami naman iba dyan na branch ng crypto na hindi nila alam.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: bhadz on July 31, 2025, 05:50:49 PM
Ito isang video sa youtube na kung saan pinapaliwanag kung pano nagkakaroon ng korapsyon sa isang congressmen o mga party-list,

https://www.youtube.com/watch?v=egEzyE0Wj3s

Kung ganyan ang kalakaran  na nangyayari ngayon kahit baguhan na party-list group ay karamihan for sure na masisilaw sila sa ganyang galawan at mababaon
nalang bigla  sa limot ang kanilang tunay na advocacy sa nirerepresent nilang party-list dahil sa ganyang mga sistema at kalakaran. Kaya nga nung napanuod ko yan ay
napasabi nalang ako na Grabe, sobrang ganid ng mga politiko na mga corrupt.
Kahit na lantarana ng corruption lalo diyan sa house of representatives, may kaniya kaniya talaga silang agenda. Na kahit na gustuhin man natin na may magrepresent sa atin, hindi pa rin mawawala sa isip natin na baka isa lang ito sa maging dahilan kung bakit na ayaw natin magkaroon nalang ng partylist na magrepresent sa atin. Kahit na party list representative na may isang seat lang ay grabe na ang kapangyarihan lalong lalo na sa mga budget deliberation at kung paano nila ito puwede gastusin. Baka kung mangyari man ay magkaroon na pa ayuda(airdrop) sa community galing kay congressman.  ;D


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: robelneo on July 31, 2025, 10:04:33 PM
Maganda ang mga paliwanag ni Christopher mayroong logic sa kanyang adhikain, pero ganun din naman ang mga nagnanais na magkaroon ng cryptocurrency partylist at mas maganda magkaroon ng open debate dito para makita natin ang mga pros and cons nito.
Sa pagkakaroon ng debate at consensus mas malilinawan kung ano ang magiging kaganapan ng cryptocurrency sa ating bansa.
Kung advocacy o party list basta kung ano makakabuti sa community ay dapat nating suportahan.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: gunhell16 on August 01, 2025, 12:20:22 PM
Maganda ang mga paliwanag ni Christopher mayroong logic sa kanyang adhikain, pero ganun din naman ang mga nagnanais na magkaroon ng cryptocurrency partylist at mas maganda magkaroon ng open debate dito para makita natin ang mga pros and cons nito.
Sa pagkakaroon ng debate at consensus mas malilinawan kung ano ang magiging kaganapan ng cryptocurrency sa ating bansa.
Kung advocacy o party list basta kung ano makakabuti sa community ay dapat nating suportahan.


Dapat kasi talaga ang ginawa ni coach miranda ay nagpakita muna siya ng dedication sa advocacy na meron siya sa mga lokal community dito sa bansa natin na maeducate yung mga kababayan natin, hindi yung ganyan na kung kelan nagkaroon ng ruling ang Sec tungkol sa CASP dito sa bansa ay bigla silang nag-anunsyo ng ganyan na gusto nilang magrepresent ng crypto party-list.

Sa ginawa nyang yan parang sarili o personal na interest yung nararamdaman ko sa bagay na yan talaga, Kaya siguro mas magandang wala nalang, kesa naman magkaroon nga tayo ng representative naging problema pa sa ating mga crypto community sa hinaharap, tapos sa huli nadagdagan pa mga pulitikong kurap.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: coin-investor on August 02, 2025, 11:21:40 PM


Quote
https://i.ibb.co/fVVTP0kg/oppose.png (https://ibb.co/gbbcBgS2)


Mayroon ba syang pwedeng i cite na example kung saan nasira ng party list ang isang sector na nirerepresenta ng isang party list, at pwedeng namang pagsabayin ang advocacy at party list.
Iba kasi ang party list hindi na sya lobbyist kundi isa nang proponent para sa advancement ng batas na gagabay sa isang sector.
Bukod sa voting power mayroon din sya funding at mas powerful accreditation na galing mismo sa gobyerno kaya bawat galaw nya ay may authority na mag eemanate sa gobyerno.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: PX-Z on August 02, 2025, 11:49:46 PM
Ngayon, kung sa aking opinyon lang naman mas maganda kasi na maeducate muna yung mga mamamayang pinoy tungkol sa crypto, kesa yung
ganyan agad ang ginawa nila, kasi aminin man natin o sa hindi majority ng mga kababayan natin ay alam lang nila sa name ang bitcoin, crypto at baka
nga yung iba pa ay hindi alam ang blockchain na karamihan.

Saka makakapagbigay pa ito ng kalituhan sa nakararami dahil karamihan din sa mga kababayan natin ay ang pagkakilala sa cryptocurrency ay SCAM,
so from this word kapag narinig nilang meron ng crypto party-list ay iisipin nila na dahil madalas nilang naririnig, at nababalitaan na scam ang cryptocurrency
hindi rin malayo na isipin din nilang mag-iiscam lang din itong crypto party-list na yan. Pero kung sa simula palang ay ineeducate na sila o yung karamihan edi
sana for sure hindi ganito ang iisipin nila na scam ang cryptocurrency.
About sa pag educate ng nakararami about cryptocurrency at bitcoin, kelan pa? For this approach, kung palarin man ang party-list na ito they can at least i require ang cryptocurrency as a subject in elementary or siguro sa high school na, add financial literacy sa elem at HS din for education purposes that will link how bitcoin as a digital money works in HS.
Then make laws or regulations about crypto. They can do many things actually if they are in position na if may political will talaga, this includes all the PL sa congress. Pero most of the time kase puro pang kurakot lang ang mga rep.pagnakaupo na since its system itself ang may mali when it comes to corruption.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: aioc on August 03, 2025, 04:47:33 PM
Pwede naman pagsabayin ang advocacy at party list kasi sa totoo lang hindi na umuusad ang cryptocurrency adoption sa ating bansa napakadalang ng mga merchant na tumatangap ng cryptocurrency at walang government department na nagbabangit ng cryptocurrency.
Kung may advoccy groups tayo at may party list tayo may mga batas tayo na magagawa para sa cryptocurrency adoption dito sa atin.
Ang nakakalungkot lang negative agad sa idea ng party list, ang cryptocurrency ay isang industriya na dapat may mga batas na sumasaklaw para maging maayos ang kalakaran sa industriya.


Title: Re: Hindi pa napapanahon ang Crypto partylist?
Post by: Eternad on August 04, 2025, 05:12:09 AM
hindi rin malayo na isipin din nilang mag-iiscam lang din itong crypto party-list na yan. Pero kung sa simula palang ay ineeducate na sila o yung karamihan edi

Marami na ako nakitang pinoy crypto-projects na nang-iscam lang ng community nila kaya hindi mo talaga maiiwasan kung ganyang ang isipin ng mga kababayan natin.

Personally, skeptic din ako sa partylist na yan dahil hindi din tayo nakakasigurado na ang mga mamumuno nito ay intensyon talaga na magpakalat ng crypto-literacy sa ating bansa. Pwedeng maganda ang intensyon nila sa una tapos kalaunan dun nila gagawin ang kanilang masamang balak.

Dapat alam natin ang mga background ng magiging miyembro nito para at least man last malaman natin kung maalam ba sila pagdating sa usapin ng cryptocurrency.