Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: Maslate on August 20, 2025, 10:24:03 PM

Title: konektadong pinoy bill
Post by: Maslate on August 20, 2025, 10:24:03 PM
Pamilyar ba kayo sa bill na ito? Ito lang naman ang panukala na, kapag naaprubahan, posibleng bumuwag sa monopoly ng mga telco.

Kapag naisabatas ito, ganito ang mangyayari:

Bababa ang presyo ng internet dahil mas marami nang players.

Kapag maraming kompetisyon, natural na bibilis din ang internet.

Sa ngayon, malalaking telco lang ang nangingibabaw gaya ng Globe, Converge, at PLDT. Pero kapag naipasa na ito, dadami na pati foreign investors puwedeng pumasok. Ang maganda pa, kahit walang foreign investors, protektado na rin ang maliliit na players dahil sa batas na ito. Mas pinapaboran ang maliliit dahil hindi na kakailanganin ng franchise para makapag-operate tulad ng telco. May kaibahan lang: ang small players internet lang ang puwede nilang ibenta, wala silang calls, yun ay sa telecom lang. Pero kahit ganun, malaki pa rin ang pakinabang kasi pati mga liblib na lugar maseserbisyuhan.

Kung pamilyar kayo sa piso wifi, sila yung mga small players na kahit bundok pinapasok, meron na ring fiber sa mga probinsya. Kaso karamihan unlicensed pa. Kapag naisabatas ito, hindi na sila kakabahan kasi mas magiging madali na lang kumuha ng permits at license.

Ang kinakatakutan naman ng malalaking telco, sabi nila okay lang daw ang kompetisyon, pero ang concern nila ay national security. Ang dahilan nila, baka kapag nakapasok ang mga foreign players, puwedeng gamitin para mag-spy sa atin. Sa tingin niyo ba tama ang punto nila, o ayaw lang talaga nilang maipasa ang batas?

By the way, kung hindi pipirmahan ni BBM ang panukala bago mag–August 24, awtomatiko itong magiging batas. Hanggang ngayon hindi pa napipirmahan kaya medyo nakaka-thrill pa. Dalawang araw na lang ang hihintayin. Personally, umaasa ako na hindi na nila gagalawin para tuluyan na itong maging batas.

Ito yung tinatawag na Konektadong Pinoy.

https://web.senate.gov.ph/lisdata/4436242009%21.pdf

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: blockman on August 22, 2025, 09:33:10 PM
Isang araw nalang pala sa oras natin ay magiging batas na pala yan. Pabor ako diyan, dahil para mas bumaba ang presyo ng internet sa mga giants na yan. Ang poor service pa kahit nasa Metro ka at tignan lang yung pages nila, ang daming reklamo ng disconnection kahit na bayad naman at updated. Nabasa ko din na parang naghain yung PLDT ng motion sa Supreme Court dahil nga threat ito sa kanila at malaking revenue ang mababawas sa kanila. (https://business.inquirer.net/540687/pldt-to-challenge-konektadong-pinoy-bill)

Tapos nabasa ko din na official partner na din ang PLDT ng Starlink kaya gusto nila ng patuloy na monopoly dito sa bansa natin. Sana mapasa itong batas na ito.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Sanitough on August 22, 2025, 11:09:35 PM

May problema ngayon ang PLDT, mukhang nationwide kasi nabasa ko yung tungkol sa underwater cabling nila. Kaya ramdam talaga na mahina ang internet. Pero kung normal na araw naman, maayos naman talaga ang connection nila, ang issue lang ay yung response time dahil sobrang dami ng clients nila tapos limited pa ang resources. Kung madami ng local players, mas madali ang response time at syempre bababa rin ang presyo dahil sa competition.

Yun nga lang, nakadepende pa rin sa mga main telcos, kasi yung mga local players kumukuha rin ng internet source sa kanila. Kung tataasan nila ang lease line pricing, mapipilitan ding tumaas ang presyo ng local players. Pero tingnan na lang natin, tingin ko maganda rin ang magiging resulta kapag na-approve ito. Ang problema, mukhang busy ang Pangulo sa flood control kaya baka makalimutan na ito at tuluyan nang maging batas.

At tungkol naman sa pag-file ng PLDT sa Supreme Court, normal lang yun kasi malaking revenue ang mawawala sa kanila. Lagi pa nilang ginagamit yung linya na "security threat" daw ang batas. Eh lumang tugtugin na yan, halata namang gusto lang nilang manatili sa monopoly.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: blockman on August 23, 2025, 12:14:10 PM

Kaya yung security threat nila, threat kasi sa profit nila na malaki laking revenue ang mawawala kaya ganun ang ginagawa nila. Aware naman yan sa mga potential threat sila kaso kung profit ang pag uusapan, saka lang sila a-action. At tama ka na may lease line para sa mga bagong players at baka sa kanila din naman yan kukuha o sa iba pang kakumpitensya nila kaya posibleng may patong din. Ang dapat talagang gawin ng gobyerno ay babaan dapat ng taxation yang mga service na yan na nagiging normal na necessity na natin sa panahon ngayon. Kasi kapag pinababa nila ang tax, wala ding ipapasa na tax sa atin o kung meron man, mas mababa na.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Maslate on August 23, 2025, 09:16:52 PM
Good news, pumasa na ang konektadong pinoy ayon sa ITAP.. mukhang hindi na sign, nag lapse na lang..

itong ITAP yata ang author nito although si Sen Cayetano yung final..

https://www.facebook.com/photo?fbid=122247428312196897&set=a.122207094458196897

Congrats sa ating lahat, mapapamura at mapapabilis na ang internet sa Pilipinas.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Peanutswar on August 24, 2025, 11:38:46 AM
Dapat naman talaga magkaroon ng bagong ISP dito sa atin sa pinas lalo na if naranasan nyo yung era ng Globe at PLDC dati yung tipong araw araw wala kayong net tapos pag tinawag nyo is di pa din ginawa or nilipat lang ung port para lang sabihing fix sobrang stressful ng era na yun buti dumating nga si Converge at least stable yung internet namin if mawalan man siguro mga 1-3 times a year lang. Para na din gumawa sila ng ibang action at mag bigay ng tamang serbisyo para sa tao. At sana nga bumaba ang presyo.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Sanitough on August 24, 2025, 12:40:27 PM

Magandang balita ito para sa mga subscribers dahil aprobado na ang KP.
Yung mga pangunahing telco, sila pa rin ang nandiyan, pero mas dadami na ang maliliit na players at maganda ang magiging epekto nito kasi obligado na ang mga telco na ipagamit ang kanilang imprastraktura sa mga small players para makapagbigay ng internet lalo na sa mga lugar na hindi naaabot ng mga malalaking kumpanya.

Hindi na rin kailangan ng franchise para maging Data Transmission Internet Provider (DTIP), kaya mas lalaki ang kompetisyon at siguradong hahantong ito sa mas magandang serbisyo.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Maslate on August 26, 2025, 01:08:08 PM

Hindi na rin kailangan ng franchise para maging Data Transmission Internet Provider (DTIP), kaya mas lalaki ang kompetisyon at siguradong hahantong ito sa mas magandang serbisyo.

Yan din talaga ang expectation, at mukhang mangyayari naman lalo na’t hindi naman ganoon kahirap mag-apply bilang DTIP. Sa bagong batas na ito, malamang mawawala na rin yung mga illegal providers, kaya makakatulong din sa bansa kasi kung legal na lahat, lalaki rin ang tax collection ng gobyerno.

Wala pa namang IRR, sabi within 90 days daw ilalabas, kaya antayin natin kung ano magiging proseso para maging DTIP. Baka puwede rin tayong pumasok dito since may alam naman tayo sa internet. Imagine mo, considered ka na rin bilang ISP, hindi man kasing laki ng Globe o PLDT, pero nakakatulong ka naman sa community.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: coin-investor on August 27, 2025, 11:54:55 PM

Hindi na rin kailangan ng franchise para maging Data Transmission Internet Provider (DTIP), kaya mas lalaki ang kompetisyon at siguradong hahantong ito sa mas magandang serbisyo.

Sa converge at yung ibang malalaking Telcos ang charge nila ay 1500 pesos to 2000 sa pinaka mamababa dito sa amin PLDT ang isa option ay 800 pesos ang pinaka mababa ito ay dahil sa mababang bandwith, kaya maghihintay tayo ng magandang result kung may papasok na mga bagong players.

Imagine kung makakakuha tayo sa area natin ng 500 kahit at least 20 MBPs malaking katipiran na ito halos lahat naman kasi online na, matagal na anating problema ito isa pa magkakaroon ng magandang competition sa converge kasi pag nasira linya abot hangang three weeks bago ka mapuntahan ng mga technician nila.

Title: Re: konektadong pinoy bill
Post by: Russlenat on August 30, 2025, 01:00:11 PM
Sa converge at yung ibang malalaking Telcos ang charge nila ay 1500 pesos to 2000 sa pinaka mamababa dito sa amin PLDT ang isa option ay 800 pesos ang pinaka mababa ito ay dahil sa mababang bandwith, kaya maghihintay tayo ng magandang result kung may papasok na mga bagong players.

Imagine kung makakakuha tayo sa area natin ng 500 kahit at least 20 MBPs malaking katipiran na ito halos lahat naman kasi online na, matagal na anating problema ito isa pa magkakaroon ng magandang competition sa converge kasi pag nasira linya abot hangang three weeks bago ka mapuntahan ng mga technician nila.

Marami talagang nag-ooffer diyan na mga small ISP, mas mababa ang rate, walang kontrata, at mas mabilis pa kumilos dahil maliit lang ang coverage nila. Pwede mo pa silang tawagan diretso, hindi gaya ng big telco na dadaan ka pa sa operator which is hassle pa tapos hindi rin agad naaasikaso.

Maganda rin sa mga small player, marami silang source. Halimbawa, meron silang Globe at PLDT sabay. Kapag down ang PLDT, automatic Globe naman ang gagamitin nila. Kaya malaking advantage talaga... mas mura, mas flexible, at mas mabilis ang response nila.