Title: Philippine's Plan: Putting the Entire National Budget on Blockchain Post by: crwth on August 31, 2025, 04:43:51 AM Malaking news ito para sa local crypto and blockchain community dito sa Pilipinas dahil sabi ni Senator Bam na may plan siya ifile ang bill that would place ₱5.3 trillion (approx. $95B) national budget on a blockchain.
Magiging una ito sa buong mundo kung matuloy at ma implement ito. Maraming benefits ito.
Magandang move ito lalo na sa mga current happenings ng mga korapsyon sa flood control projects na billion ang mga nakaw. Sobrang kailangan natin ito dahil importante ang transparency para maging maunlad ang Pilipinas. Sa totoo lang, mayaman ang Pilipinas, marami lang talagang buwaya na ginagamit ang pera ng taong bayan para sa sarili lamang. Sa tingin ko maganda ipaglaban ito para sa digital governance. Sa tingin nyo ba realistic ito para sa Pilipinas? May mga pros and cons ba pag linagay ang national budget on-chain? References: [1] - https://invezz.com/news/2025/08/28/philippines-considers-putting-95-billion-national-budget-on-blockchain/ [2] - https://www.livebitcoinnews.com/philippine-senator-proposes-blockchain-to-track-national-budget/ Mayroon ng topic na connected dito na gawa ni TravelMug - Piling mga Budget Documents nasa Blockchain na (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5552303.0) Title: Re: Philippine's Plan: Putting the Entire National Budget on Blockchain Post by: Eternad on August 31, 2025, 06:08:05 AM Sa tingin nyo ba realistic ito para sa Pilipinas? May mga pros and cons ba pag linagay ang national budget on-chain? Madaling sabihin pero mahirap gawin ang sinabi ni Senator Bam na paglagay ng National Budget natin sa blockchain. Para sakin hindi pa ito realistically possible dahil sigurado marami ang tututol sa panukala nya. Alam naman natin na malaking porsyento sa gobyerno natin ay outdated pa din sa latest na technology. Dagdag ko pa yung implementation cost. Sino yung gagawa ng smart contract at magme-maintain nito at siguraduhing hindi mali ang nakarecord sa blockchain. Baka dito pa magsimula ang bagong modus ng korupsyon kung ang grupo na hahawak ay hindi din maganda ang intensyon. |