Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Chato1977 on October 07, 2025, 11:01:58 PM



Title: Bitcoin conference ni Andreas Antonopoulos
Post by: Chato1977 on October 07, 2025, 11:01:58 PM
https://www.talkimg.com/images/2025/10/07/UGLlgW.png

https://x.com/DocumentingBTC/status/1363481580786835458

Isipin nyo na lang tong Andreas Antonopoulos noong 2013, halos walang nanood. Naalala ko tong mga video nya na pinapanood ko noong pandemic era. Napanood nyo na rin ba to at isa to sa mga inspirasyon nyo bat kayo nag BTC?



As compare natin sa recent na Bitcoin conference ngayong taon na record breaking na number of attendees at transaction na nangyari:

https://www.talkimg.com/images/2025/10/07/UGcUNC.png

https://b.tc/conference/2025

https://cointelegraph.com/press-releases/bitcoin-2025-attendees-set-guinness-record-for-daily-btc-transactions

Quote
BTC Inc and BTC Media LLC, the leading provider of Bitcoin-related news and the organizer of the world’s largest Bitcoin conference, today announced they have set the GUINNESS WORLD RECORDS title for the “Most Bitcoin Point of Sale Transactions in 8 hours” at The Bitcoin Conference 2025. Over an eight-hour timeframe on May 28, over 4187 transactions were recorded.

At talagang ang layo na ng narating ng Bitcoin ngayon.


Title: Re: Bitcoin conference ni Andreas Antonopoulos
Post by: bhadz on October 08, 2025, 06:16:19 AM
Maraming wala pang interes sa bitcoin noong mga panahon na yan. At saludo din sa mga taong tulad ni Andreas na consistent sa pagiging enthusiast and educator ng Bitcoin. Ang daming natuto dahil sa kaniya at yan din siguro yung kasagsagan na kapag sinabing bitcoin ay unang papasok sa isip ng tao ay deep web o dark market kaya madaming takot at iwas.

At talagang ang layo na ng narating ng Bitcoin ngayon.
Totoo yan at nakakaproud lang na sa lumipas na mga panahon ay naging tama ang desisyon nating hindi umalis at nag hold lang din. Ito yung naging advantage natin sa iba. Kahit na sabihin nating hindi tayo ang isa sa mga early adopters, naging isa na tayo ngayon habang papahaba ng papahaba ang panahon. At masasabi na natin na mainstream na talaga ang btc at madaming interesado na. Magkakatalo na lang yan sa kung sino talaga ang may gustong maghold at magaccumulate na umaaksyon.


Title: Re: Bitcoin conference ni Andreas Antonopoulos
Post by: fullfitlarry on October 08, 2025, 06:47:21 AM
Isipin nyo na lang tong Andreas Antonopoulos noong 2013, halos walang nanood. Naalala ko tong mga video nya na pinapanood ko noong pandemic era. Napanood nyo na rin ba to at isa to sa mga inspirasyon nyo bat kayo nag BTC?

Oo, authority naman talaga si Andreas at ginagalang pagdating sa Bitcoin. Heto ang kanyang Youtube account: https://www.youtube.com/@aantonop.

Wala pa kasi talagang interest ang tao noon, kung meron man eh talaga sigurong nasundan na ang Bitcoin at alam na ang potensyal nito. At ang kagandahan lang sa mga seminar at mga video is Andreas ay kahit sa panahon na to angkop parin sya.

Kaya totoo rin ang sinabi mo na malayo na talaga ang narating ng Bitcoin. Sobra talaga ang paglago nito pagkatapos ng 2017 kasi heto yung panahon na maraming kumita ng malaki noong bull-run nito at marami rin ang kumontra kaya parang naging kontrobersyal sya sa tamang rason.


Title: Re: Bitcoin conference ni Andreas Antonopoulos
Post by: SFR10 on October 08, 2025, 10:16:43 AM
Napanood nyo na rin ba to at isa to sa mga inspirasyon nyo bat kayo nag BTC?
Halos sampung taon na ang nakalipas since nagdesisyon ako na kumita ulit sa pamamagitan ng bitcoin at sobrang laki ng tulong niya dahil doon ko palang nalaman kung anu-ano ba talaga ang mga features ng bitcoin on a deeper level [magaling siya sa pag break down ng mga complex parts].


Title: Re: Bitcoin conference ni Andreas Antonopoulos
Post by: Peanutswar on October 08, 2025, 11:35:15 AM
Di din kasi inaasahan ng mga tao kung gaano nag improve at nag adapt yung mga tao pag dating sa crypto space tsaka recent years nakita nila ung value talagang tumaas ng todo kaya ung iba nag invest na agad pero ung iba nag cut off at nag sell pa din sila kasi nga di naman natin sure na aabot tong btc into 125k so sa mga naka hold grabeng emotions at pag titimpi ginawa nyo para dito, para sa mga nakapag sell wala ganun talaga part yan ng regrets natin lesson learned na lang din so every opportunity ngayon dapat ginagrab natin.