|
Title: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: Viscore on November 09, 2025, 02:30:57 AM Nabasa ko sa BitPinas na sabi ng Coins.ph CEO (Wei Zhou), malaki daw ang potential ng stablecoins para sa mga OFWs pagdating sa padala. Kasi nga, mas mabilis daw at mas mura kumpara sa traditional remittance centers na minsan ilang araw pa bago pumasok at may mataas na fee.
Kung iisipin, kung gagamit ng stablecoins like USDT or USDC, instant ang transfer at halos walang masyadong charge, tapos pwede na agad i-convert sa peso gamit apps like Coins.ph. Ang tanong lang, magiging mainstream kaya ‘to? Kasi siyempre may regulation side pa rin lalo na sa BSP. Kayo, ano tingin niyo? Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? https://bitpinas.com/business/coins-ceo-stablecoins-ofw/ Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: cryptoaddictchie on November 09, 2025, 03:56:21 AM Yes magiging mainstream pero not sure kung sa kanila manggaling yun since alam naman natin na grabe mag incurred ng fees ang coinaph. Okay naman sana sila eh, kaso ang dami na reklamo sa kanila like constant downtime, very hard process sa KYC and many more. Ops lalo na yung sa fees talaga yun ang ayaw ng mga tao bakit ganyan.
Madami naman ofw ang gumagamit ng outside like binance and etc for their remittances. Pero if may magandang provider app na sikat dito satin na Accesible sa mga ofw for sure hindi coinsph un. Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: LogitechMouse on November 09, 2025, 03:59:23 AM --- Kung titignan natin ang positive side, yes malaki ang potential nito dahil less hassle sa mga kababayan natin na nasa abroad dahil di na nila need lumabas para magpadala. USDT or USDC address lang ang need at maipapadala na nila yung pera sa kanilang mga pamilya dito sa PH. Kayo, ano tingin niyo? Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? https://bitpinas.com/business/coins-ceo-stablecoins-ofw/ Ang tanong na lang is, ilan sa mga kababayan nating OFW ang may alam tungkol sa cryptocurrency particularly sa stablecoins? Wild guess ko lang ito pero marami sa kanila ang hindi alam ito especially yung mga nasa around 40's pataas ang age. Hindi na ako gumagamit ng Coins.ph pero may option ba sila kung saan pwede iconvert ang stablecoin into fiat currency natin which is PHP? Kung meron eh kamusta naman ang conversion? Malaki ba ang bawas. :D Baka kasi Coins.ph yan eh :D :D :D Overall, posibleng maging option to ng ilang mga kababayan natin para mas mabilis silang makapagpadala sa kanilang pamilya pero kung hindi sila maalam sa cryptocurrency ay pakiramdam ko magfofocus na lang sila sa traditional way dahil para sa kanila, mas safe ito kahit mas hassle ng kaunti. Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: tech30338 on November 09, 2025, 05:54:06 AM totoo naman magiging mabilis ang transfer ng pera from other countries to PH, pero ang concern ko lang diyan is how much ang echacharge nila once ecoconvert mo na from stablecoin to peso, maaring sinasabi nila na mura nga ang paggamit nito pero sa pagkakaalam ko ang coinsph ang malakas or malaking magtapyas ng fee kapag coconvert mo na so parang mawawalan din ng sense mabilis nga malaki din ang kaltas, if ganun ang mangyayare mapipilitan ang mga tao na magp2p for example sa mga exchange na pwede ang p2p hindi naman mahirap sundin straight forward lang, so baka need muna nila tignan sa mga ganung area, kasi madali sabihin na mabilis, sulit ba?
Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: gunhell16 on November 09, 2025, 08:39:20 AM Nabasa ko sa BitPinas na sabi ng Coins.ph CEO (Wei Zhou), malaki daw ang potential ng stablecoins para sa mga OFWs pagdating sa padala. Kasi nga, mas mabilis daw at mas mura kumpara sa traditional remittance centers na minsan ilang araw pa bago pumasok at may mataas na fee. Kung iisipin, kung gagamit ng stablecoins like USDT or USDC, instant ang transfer at halos walang masyadong charge, tapos pwede na agad i-convert sa peso gamit apps like Coins.ph. Ang tanong lang, magiging mainstream kaya ‘to? Kasi siyempre may regulation side pa rin lalo na sa BSP. Kayo, ano tingin niyo? Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? https://bitpinas.com/business/coins-ceo-stablecoins-ofw/ Mura nga pero pag sa coinsph muna ginawa yung transaction ang laki na ng charge na gagawin ng coinsph, kaya mas maganda na sa ibang exchange nalang gawin yan pagpapadala ng pera dito sa bansa natin, mas mainam pa nga na gumawa nalang sila ng account sa mga exchange na site platform na kahit papaano mapagkakatiwalaan. At since na nasa ibang bansa sila ay i guide nalang natin sila na gumawa ng account sa Binance, Bitget, Bybit, Bingx na merong mga P2p, at least sa ganitong paraan talaga mapapabilis pa yung transaction na gagawin nila kung sending money lang naman ang magiging purpose ng paggamit ng platform. Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: coin-investor on November 09, 2025, 04:45:41 PM Kayo, ano tingin niyo? Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? https://bitpinas.com/business/coins-ceo-stablecoins-ofw/ Ang daming positive at advantage sa paggamit ng stable coin para sa ating mga kababayan abrod pero sa laki ng magiging remittances sino ang potential na mawalan ng profit, ito ay ang mga bangko at remittance center na isang million pesos industry. Yung sinabi ng CEO ng Coins.ph na pwedeng gamitin ang Coins.ph sa kanilang remittance ay parang self interest ang dating. Dapat kung magkakaroon ng shift dapat pangkalahatan at hindi dahil sa potential profit ng isang company pwede sila magkaron ng summit para sa shift ng mga remittances ng mga OFW dapat lahat ng may stake dito ay magbenefit hindi lang ang Coins.ph Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: finaleshot2016 on November 09, 2025, 08:01:23 PM Actually totoo yan, I've been using stable para makapagtransfer ng funds sa ibang bansa kasi kahit saang bansa naman may P2P so madali nilang mabebenta yung stable rekta sa banks nila. Kaya nga ang wester union parang may report na gusto din gumawa ng stable para yun yung magamit nila for remittance eh, gusto nila sumabay kasi for sure mas magaadapt ang mga tao sa crypto remittance kung di sila mag iimprove. Tsaka di naman yan sila mawawalan ng profit lalo na yung banko, never mawawalan yan kasi yan yung default option ng mga tao dahil yung iba di pa naman nag ccrypto, at majority ng mga gumagamit talaga ng remittance, mga hindi sanay sa tech or wala talagang interes sa crypto lalo din yung mga corpo peeps na sobrang busy din sa work, yung iba syempre hindi na magaabalang magpatransfer pa through crypto, pupunta nalang silang remittance center para sa convenience kasi yun yung alam nila eh.
https://ir.westernunion.com/news/archived-press-releases/press-release-details/2025/Western-Union-Announces-USDPT-Stablecoin-on-Solana-and-Digital-Asset-Network Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: xLays on November 09, 2025, 08:25:10 PM Parang wala narin naman na kasing pinagkaiba. Ang mangyayari nalang kasi since crypto sya yang stable coins is you have to convert or trade it into fiat. Not unless kung yung panggagatusan mo na yun at pwede mo gamitin yung mga stable coins hindi mo na kailangang ipapalit pa. Dun lang sya magiging convenient. Pero kung yung ipapadala mong USDT or stable coins icoconvert lang din nung pinadalhan eh di parang pinasa mo lang sa kanya yung responsibility para mag convert.. Hope nakuha nyo yung point ko. lol
Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: Viscore on November 10, 2025, 02:58:48 AM Yes magiging mainstream pero not sure kung sa kanila manggaling yun since alam naman natin na grabe mag incurred ng fees ang coinaph. Okay naman sana sila eh, kaso ang dami na reklamo sa kanila like constant downtime, very hard process sa KYC and many more. Ops lalo na yung sa fees talaga yun ang ayaw ng mga tao bakit ganyan. Malamang sa kanila rin talaga yun, kasi doon lang naman pwede mag-convert into PHP, mas madali pa nga kahit may kaunting charge. Pero kung ikukumpara sa mga popular remittance services like Western Union, o yung mga M Lhuillier at Cebuana, mas okay na rin siguro sa Coins.ph, mas mabilis at hassle-free pa.Madami naman ofw ang gumagamit ng outside like binance and etc for their remittances. Pero if may magandang provider app na sikat dito satin na Accesible sa mga ofw for sure hindi coinsph un. Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: SFR10 on November 10, 2025, 10:58:47 AM tapos pwede na agad i-convert sa peso gamit apps like Coins.ph. Mabilis ang buong process hanggang wala pa ring flag sa mga transactions natin at since gumagamit ng mga automated tools ang mga ganitong platforms, sooner or later magkakaroon ng false positive flags [unfortunately].Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? It depends kabayan kung magkakaroon ng strict regulations ba in the future o hindi [especially since may mga "ganitong issues (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5204055)"]... Bukod pa dun, kailangan din magkaroon ng enough knowledge ang mga kababayan natin about sa stablecoins o ang mga cryptocurrencies as a whole, kaya sa tingin ko medyo maaga pa for the next few years [baka in the next decade pa magiging mainstream ito].Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: Viscore on November 10, 2025, 12:05:55 PM tapos pwede na agad i-convert sa peso gamit apps like Coins.ph. Mabilis ang buong process hanggang wala pa ring flag sa mga transactions natin at since gumagamit ng mga automated tools ang mga ganitong platforms, sooner or later magkakaroon ng false positive flags [unfortunately].Possible ba talaga na stablecoins ang maging future ng remittance ng mga kababayan natin abroad? It depends kabayan kung magkakaroon ng strict regulations ba in the future o hindi [especially since may mga "ganitong issues (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5204055)"]... Bukod pa dun, kailangan din magkaroon ng enough knowledge ang mga kababayan natin about sa stablecoins o ang mga cryptocurrencies as a whole, kaya sa tingin ko medyo maaga pa for the next few years [baka in the next decade pa magiging mainstream ito].At siguro, magiging daan na rin to para mas maging aware ang mga tao tungkol sa crypto. Kapag mas knowledgeable na sila, mababawasan na rin yung mga nabibiktima ng scam. At least kahit papano, ma-minimize na yung risk. Title: Re: Coins.ph CEO says stablecoins can help OFWs send money faster - do you agree? Post by: blockman on November 10, 2025, 04:04:00 PM Posible yan kaso nga lang may dagdag na proseso para sa mga OFWs na need nila iconvert yung kinita nila sa stable coins. Ang mahirap pa diyan, may bagong update si Gcash na pwedeng magtransfer o magkaroon ng virtual USD accounts para mismo sa purpose na yan ng remittance.
(https://fintechnews.ph/68856/remittance/gcash-virtual-us-account-receive-usd-payments-philippines/) Baka mahirapan si coins.ph kung yan ang magiging competitor nila sa segment ng service na yan dahil instant din yan. Mas convenient pa dahil sa mismong platform ni gcash pwede iconvert into peso kung rekta USD ang natanggap. |