Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Rufsilf on November 12, 2025, 06:03:01 AM



Title: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Rufsilf on November 12, 2025, 06:03:01 AM
Curious lang mga kabayan, nabasa ko kasi na maraming naka-jackpot noon sa mga bounty campaigns during 2017 bull run, umaabot pa raw ng milyon sa value lalo na nung ATH.
Ang tanong ko lang, kumusta naman after all these years? Na-invest nyo ba yung mga tokens or na-cashout nyo agad? Meron pa ba natira sa inyo ngayon or ubos na rin dahil sa bear market at gastos sa real life?

Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: bettercrypto on November 12, 2025, 06:51:38 AM
Hindi ko malilmutan ang taon na yan dahil sa altcoins ako nakaranas talaga ng decent na profit, naalala ko nung time na yan meron akong nasalihan na bounties at parang Jr. member palang ata ako nun at medyo sariwa pa ako dito sa forum ay kumita ako ng nasa 310kphp sa peso nung nagkabigayan na ngrewards.

Isang buwan nagrun yung campaign tapos after 3 months na paghihintay sinend na sa address na ERC20 network pa nga nung time na yun, at nung nalist sa exchange ay benta na agad siyempre yung ginawa ko dahil alam ko nung time na yun madaming magdadump ng price, at ayun nga nung binenta ko nasa worth 310k ang katumbas na halaga, siyempre tuwang-tuwa ako nun, ito kasi yung mga panahon na maganda pa ang mga altcoins sa field na ito.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Finestream on November 12, 2025, 12:15:12 PM
Nakabili ako ng motor at iba pang gamit, pero during that time, di naman ako masyadong focused sa day trading.

Mas nasa bounty ako noon, na kahit papano kumita rin naman.
Syempre may konting investment din ako sa altcoins, at meron pa akong coin na nag x100, kaya sobrang saya ko talaga noon.

Ngayon kahit paano may konting ipon na rin, at nakapag-invest din ako outside crypto, sa business naman.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: aioc on November 14, 2025, 04:07:48 PM
Ako gastos in real life pero worth it naman kasi real estte ang pinag kagastusan ko na nasa akin pa rin, pero yung isang bagay na na overlook ng mga active sa bouny campaign noon ay madali rin ito natapos I think ng run base sa inabot ko ay tatlong taon lang pagkatapos noon madalang na ang project na paldo hangang sa dumating sa point na halos wala na at na exhaust na lahat ng magandang project.
Dati kasi madali lang ang bounty ang daming gusto magjoin hangang dumating ang point na daming participants pero halos wala na proejct na maayos.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: lionheart78 on November 14, 2025, 06:13:01 PM
Curious lang mga kabayan, nabasa ko kasi na maraming naka-jackpot noon sa mga bounty campaigns during 2017 bull run, umaabot pa raw ng milyon sa value lalo na nung ATH.
Ang tanong ko lang, kumusta naman after all these years? Na-invest nyo ba yung mga tokens or na-cashout nyo agad? Meron pa ba natira sa inyo ngayon or ubos na rin dahil sa bear market at gastos sa real life?

Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?

Masarap talagang balikan ang panahon na iyon, iyong ibang bayad sa akin sa bounty na cash out ko samantalang iyong iba hindi dahil sa false hope hehehe.  So far ok naman kahit paano nakapagpundar din pero syempre maraming mga pangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan kaya ayun iyong napundar naubos din kaya ingat sa pagpapahiram sa mga kaibigan karamihan sa kanila mabait lang kapag meron tayo hehe.  Ang natira na lang sa akin ay iyong nabili kong property despite sa mga sumunod na nangyari after nung buhos biyaya, masaya pa rin naman ako dahil kahit paano naranasan ng pamilya ko ang maging sobrang maluwag financially.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: robelneo on November 14, 2025, 10:45:01 PM

Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?
Marami rin ako nabili na hangang ngayon ay pinapakinabangan ko pa pero bukod sa material na bagay yung experince na pinagdaanan mo ang glorious days ng bounty campaign lilipas pa ang maraming taon at may magtatanong uli ng ganito, kasi sa totoo lang yun ang best time to be active sa Cryptocurrency.
Iba talaga kung naging parte ka ng isang bagay na kakaingitan ng mga future generation, kaya nga napakaswerte ng mga naunang supporter ng Bitcoin sila ang mas higit na nakinabang.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Asuspawer09 on November 14, 2025, 10:47:15 PM
Curious lang mga kabayan, nabasa ko kasi na maraming naka-jackpot noon sa mga bounty campaigns during 2017 bull run, umaabot pa raw ng milyon sa value lalo na nung ATH.
Ang tanong ko lang, kumusta naman after all these years? Na-invest nyo ba yung mga tokens or na-cashout nyo agad? Meron pa ba natira sa inyo ngayon or ubos na rin dahil sa bear market at gastos sa real life?

Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?

Tama ka jan kabayan noong 2017 talaga maganda ang bigayan sa bounties lalo na sa mga coin offering dahil makakakuha ka ng free token sa kanila, then depende rin naman, swertehan lang din noon dahil kapag hindi tumuloy ang project sa exchange or yung token na prinomote mo hindi sila nagtuloy bale masasayang lang talaga ang promotion mo or pati ung bayad sayo dahil wala ring value ito. Maganda ang bigayan dahil kapag swenerte ka ng magandang token at napunta sa exchange madalas umaabot pa hanggang 6 digit ang pwede mong kitain, minsan 3 months of work na yun dahil naiipon ang pinakasahod mo. Pinakamalaking kita ko siguro sa 3months of work ko isa around 150k lang, pero marami dito sa forum umaabot ng half million ang sinasahod noon lalo na kapag legendary na ang rank ng account nila lalo na kung swerte talaga.

Ngayon Sadjang hindi na popular ang mga coin offering kahit dito sa forum nawala na yung mga projects, namatay na rin talaga dahil wala ng mga projects na nagpopromote dito, madalas puro mga signature campaign promotion pa rin naman pero gambling websites, na Bitcoin ang payout hindi na yung ICO na token nila ang sasahurin mo. Pero masokey na rin dahil masmadami rin talagang mga scam ICO project noon kasya sa mga legit project na nagiging token talaga, sa dami rin ng nasalihan ko noon siguro mga 80% ay puro scam.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Natalim on November 14, 2025, 10:54:12 PM
Yan yata yung “best years” ng mga bounty hunters… after nun, halos wala na ngayon. Sikat pa kasi ETH tokens that time, tapos ang dali pa ma-list, kahit sa mga DEX may volume pa, kaya parang easy money talaga noon.

Kung sa campaign ka sumasali ngayon, fixed talaga kita mo… pero sa bounty noon, during that time, pwede umabot ng milyon pag sinuwerte ka. Ang dami rin kasi pwedeng salihan, may Twitter, sig campaign, pati translation. Basta masipag ka at marunong mag-hold, kikita ka talaga.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: PX-Z on November 14, 2025, 11:02:43 PM
Maraming tiba-tiba dun. Signature campaigns palang, na uma abot php10k-20k per week dahil sa fixed bitcoin yung payment then sumsabay pa bitcoin price to soar plus social media campaigns pa. That time was ICO era where bounty hunters talaga ang namayagpag ang daming ICO tokens ang hype that time, super hype, iba dito nakapag tayo ng bahay, negosyo at iilang gamit like sasakyan.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Eternad on November 14, 2025, 11:08:47 PM
Maraming tiba-tiba dun. Signature campaigns palang, na uma abot php10k-20k per week dahil sa fixed bitcoin yung payment then sumsabay pa bitcoin price to soar plus social media campaigns pa. That time was ICO era where bounty hunters talaga ang namayagpag ang daming ICO tokens ang hype that time, iba dito nakapag tayo ng bahay, negosyo at iilang gamit like sasakyan.

Sobrang laki ng kitaan sa Signature campaign ng mga ICO dati dahil percentage sa total supply yung allocated sa bounty while sobrang hype ng mga ICO tokens kapag nalist sa exchange.

Halos x10 or more ang value from ICO price kapag nalist sa exchange kaya sobrang laki ng sweldo ng bounty hunters dati lalo na nung konti plang yung sumasali sa signature campaign ng ICO.

Naging matumal lang ng pumasok yung mga bounty cheater lalo na yung mga dormant account na naging active dahil sa campaign. Wala kasi masyadong qualification pagdating sa bounty campaign dati kaya sobrang dali maabuse.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Viscore on November 17, 2025, 01:41:19 AM
Kakamiss talaga yung ICO days, ang dami ring scam noon pero kung bounty hunter ka, safe ka naman… hehe.

Noong mga taon na yun, feeling mo pinupulot lang ang pera kasi laki ng reward lalo na pag nag-list sa magagandang exchanges.
Ngayon, wala na ICO kaya mahina na rin ang kitaan, pero kung ma-wais ka kahit maliit lang kinikita mo, basta nag-iinvest ka sa solid na altcoins, malaki chance tumaas value long term. Baka after 5 years, iba na takbo ng buhay mo, in a good way.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: GreatArkansas on November 17, 2025, 04:18:02 AM
(....)
Sarap siguro balikan kung gaano kadali kumita noon, pero gusto ko rin marinig kung anong ginawa nyo sa kinita nyo, may nag-business ba, bumili ng bahay, o napunta lahat sa trading at natalo rin?
Nasunog sakin sa mga altcoins, bagohan pa lang ako nung taon na nito. Tsaka into Bitcoin talaga ako nung una at nung na diskobre ko mga altcoins at nawili ako sa mga random altcoins dati lalo yung mga bago o existing na. Kala ko promising talaga pero scam pala sa huli.
Para sakin di din masyado masakit kasi oras ko lang yung puhunan dati at dami pa ako free time nung mga panahon nito. Kaya ngayon ay lesson learned na, Bitcoin na lang talaga ako.


Title: Re: To those who joined bounties back in 2017 bull run, kumusta ?
Post by: Maslate on November 17, 2025, 05:17:02 AM

Nasunog sakin sa mga altcoins, bagohan pa lang ako nung taon na nito. Tsaka into Bitcoin talaga ako nung una at nung na diskobre ko mga altcoins at nawili ako sa mga random altcoins dati lalo yung mga bago o existing na. Kala ko promising talaga pero scam pala sa huli.
Para sakin di din masyado masakit kasi oras ko lang yung puhunan dati at dami pa ako free time nung mga panahon nito. Kaya ngayon ay lesson learned na, Bitcoin na lang talaga ako.

Baka naka-all in ka sa altcoins? Pwede mo naman i-manage yung risk, like 60/40, siyempre mas mataas pa rin sa altcoins kung dun ka comfortable. Pero ganyan talaga ang buhay sa investment, we can never be sure. Pag nagkamali tayo, learn lang.

Ako rin kabayan, di pa rin ako pure focus sa Bitcoin.
May konting altcoins allocations pa rin ako pag dating sa investment kahit nasunog na rin ako dati sa mga ETH tokens.