|
Title: Paalala lang sa mga may Signature campaign Post by: fullfitlarry on November 13, 2025, 01:32:41 AM Katulad ng titulo ng thread na to, hindi ko alam kung nangyari na to sa inyo o hindi pa.
Nitong nakaraang linggo hindi ko na bilang ang aking gambling post dahil sa ibang board ako nakaka sagot dahil nga gusto ko ang topic. Kaya nga lang yung Rollbit campaign rule ay dapat 10 posts in gambling board na hindi ko nakuha dahil 9 lang pala na post ko. So ang nangyari eh wala akong bayad. Hindi naman ako naangal talagang mali ko at wag sana mangyari dun sa mga campaign participants na Pinoy na bilangin ang required na gambling post baka matapos ang linggo ng campaign at wag akong tularan. :'( Title: Re: Paalala lang sa mga may Signature campaign Post by: Sanitough on November 13, 2025, 03:26:11 AM Rules are rules ika nga, lesson learned na lang OP.
Simple lang solusyon diyan: lampasan mo na lang lagi yung total post requirement, lalo na sa gambling section. For example kung 10 ang kailangan, gawin mo na 12, para ready ka just in case may mabura na topic or post mo mismo. Tapos kung 25 overall requirement, pwede mo nang gawing 27 to 30. Sayang kasi effort mo for the whole week kung hindi ka mababayaran. Pero bawi na lang next week, long-term naman ang campaign dito karamihan. Title: Re: Paalala lang sa mga may Signature campaign Post by: TravelMug on November 14, 2025, 10:07:01 AM Sakin iba nama ang nangyari.
Matagal tagal na to, nagkaroon mg malawakang pang bura ng mga post, dahil sa mega threads daw o yung mga ni rereport ng iba dati. May pasobra naman ako, pero ayun nadamay parin at hindi rin ako umabot sa required posts that week. So nakapahalagang bilangin at sobrahan ang post mo at tama si @Sanitough, +2 or +3 para sigurado ka. Title: Re: Paalala lang sa mga may Signature campaign Post by: Mr. Magkaisa on November 17, 2025, 02:05:15 PM Payo lang mga kabayan.
ishare ko yung diskarte ko sa signature campaign. target is 25 post per week - max 5 post sa local - 10 post min for gambling.. -post any amoung sa local but count it as 4post -post ka sa gambling ng 20 post- malawak ang gambling thread and boards, kaya di ka mauubusan dito lalo na kung mahilig ka sa sports. meron din dun PBA thread para sa mga kabayan natin. -post on any board or topic you want make sure n bilang mo ito -1 para sure ka for the target of 25 post mostly min na sakin ang 30 post pero most of the time 35 post or more tlaga ako. 5-8 post per day, basta maupo sa computer or maalala ang forum, binibisita ko at nagbabasa pag may nagusthan, akikhalubilo ako. ..... tulad ngayon :) Title: Re: Paalala lang sa mga may Signature campaign Post by: blockman on November 17, 2025, 02:22:14 PM Magpost ka lang na parang normal lang at hindi napipilitan dahil need mong sundin yung quota. Kung 10 lang talaga ang pinopost mo sa gambling dahil sa rules na yun, dapat siguro mas damihan mo ng post sa gambling section at makipagdiscuss ka pa sa ibang mga threads ng natural lang. Mapalad lang ako kasi ang ganda ng patakaran dito sa campaign na kasali ako dahil hindi pilit sa kung ilan ang pwedeng ipost kaya mas natural ang mga discussions. Saka hindi lang sa gambling post, yung mismong total na pinopost mo kasi baka di ka aware na may mga threads na mabubura na kung saan baka nakapagpost ka dun at nakapagreply din sa discussion na meron dun. Kaya kapag nabura yung mismong thread, bawas yun sa total post mo.
|