|
Title: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: tech30338 on November 15, 2025, 04:36:43 AM Crypto currency exchange bybit pinatigil ang new user registration ito ay para lang sa pilipinas, kaugnay ito ng regulatory crackdown ng SEC, sinabi na kahit pa ikaw ay nkavpn ay hindi ka na maaring magregister lalo narin, ang ating mobile number.
Medyo nakakabahala ito dahil maaring bigla nalang wala tayong maging access sa ating account kahit pa mobile, sa ngayon naaccess ko pa naman ang mobile app nila ng walang issue. anung masasabi ninyo dito? sa mga merong laman, medyo kailangan na nating maghanap ng bago or parang backup plan para dito Narito ang link ng balita sana makatulong: https://bitpinas.com/business/bybit-stops-ph/ Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: bettercrypto on November 15, 2025, 05:50:33 AM Matagal ko narin namang hindi ginagamit yang bybit, sa ngayon ibang exchange ang ginagamit ko na kung saan mas komportable ako. Wala talaga tayong maasahan sa gobyerno natin ngayon, walang pagmamalasakit ang lahat ng mga aso ng presidenteng meron tayo at the moment.
Puro pansarili ang mga inuuna ng mga majority officials ng government, simula ng naupo ang admin na ito, wala na tayong narinig o nabasang magandang balitang ginawa nila tungkol sa lokal crypto community natin, kundi pawang pansariling interest ang mga inuuna nila palagi. Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: tech30338 on November 15, 2025, 07:13:58 AM Matagal ko narin namang hindi ginagamit yang bybit, sa ngayon ibang exchange ang ginagamit ko na kung saan mas komportable ako. Wala talaga tayong maasahan sa gobyerno natin ngayon, walang pagmamalasakit ang lahat ng mga aso ng presidenteng meron tayo at the moment. bakit kaya hindi magoffer ang pinas ng parang may discount kung magreregister ang mga exchange, for example 1 year tapos valid ang registration example lang na 3 years tapos magrenew ulit sila sa paraang iyan, makakaluwag ang mga exchange at siguradong gugustuhin nila, kaso if ang gagawin natin ay ang laki ng hinihingi, pagkatapos papahirapan mo sa requirement talagang wala magreregister na exchange, parang tulad ng sinabi nila, open daw before magregister, pero may sinabi na nagapply kaso di naapprove, tapos ang gusto nila na pumunta tayo na exchange ay parang scam, pag mataas ang value maintenance, ito matagal na issue sa local pero bakit wala imbestigasyun, may hokus pokus kaya?Puro pansarili ang mga inuuna ng mga majority officials ng government, simula ng naupo ang admin na ito, wala na tayong narinig o nabasang magandang balitang ginawa nila tungkol sa lokal crypto community natin, kundi pawang pansariling interest ang mga inuuna nila palagi. Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: bhadz on November 15, 2025, 10:53:34 AM Matagal ko ng pinull out funds ko sa kanila simula noong na hack sila. Pero nakakalungkot lang na tinigil na nila ang mga new registrations na galing dito sa bansa natin. Ganyan din kasi ang resulta ng pagiging mahigpit ng bansa natin sa kanila kaya mahirap hirap din talaga pakisamahan at mag adjust pa itong mga international exchanges na ito. At kahit gumamit pa ng VPN, wala din namang magagawa kasi kapag iveverify ang identity ay malalaman at malalaman pa rin na taga Pinas at baka hindi na nila palusutin kapag ganun ang mangyari.
Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: Questat on November 15, 2025, 12:46:31 PM Hindi magandang balita to
although hindi na ako gumagamit ng Bybit ngayon, sa Binance tuloy-tuloy pa rin ako. Nakakatakot lang isipin na baka one day bigla nilang sabihin na all Philippine users bawal na mag-deposit. Sigurado ang daming maaapektuhan.
Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: tech30338 on November 15, 2025, 03:15:08 PM Hindi magandang balita to
although hindi na ako gumagamit ng Bybit ngayon, sa Binance tuloy-tuloy pa rin ako. Nakakatakot lang isipin na baka one day bigla nilang sabihin na all Philippine users bawal na mag-deposit. Sigurado ang daming maaapektuhan. Hindi kaya ginigipit nila ang mga users para magpunta sa local, parang may sabwatan nga kung titignan eh, kasi pinagpipilitan nila na ipagamit sa mamayan nila ung pangit na service samantalang isa nga sa misyun nila ay para magkaroon ng maayos na service para sa mga pinoy, pero parang dinadala pa sa kumunoy ewan ko naba sa kanila.Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: PX-Z on November 15, 2025, 03:43:16 PM ... If pinatigil pa lang yung current registration para sa mga PH users, it means magagamit pa ng mga existing PH users ang platform unless mag release ang Bybit ng new announcement in regards sa sa completely halt ng pag gamit ng platform nila from PH users. Pero for the peace of mind ika nga, mag si-alis na kayo sa may mga account at balance diyan to avoid future headache.anung masasabi ninyo dito? sa mga merong laman, medyo kailangan na nating maghanap ng bago or parang backup plan para dito Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: acroman08 on November 15, 2025, 03:55:03 PM anung masasabi ninyo dito? at this point if may funds pa yung mga tao sa bybit mas maganda na ilipat na nila sa ibang wallet as a precaution dahil baka bigla na lang talaga mawalan ng access ang mga tao account nila sa Bybit, gaya nung nangyari nung nakaraan na biglaan na lang blinock ni SEC yung ilang exchange sites na wala man lang warning.Title: Re: Bybit Registration sa bagong users halted na Post by: lionheart78 on November 15, 2025, 09:37:41 PM anung masasabi ninyo dito? Wala tayong magagawa dito kung hindi sundin ang implementation ng gobyerno, since disabled na para sa mga PH users ang registration, I think hindi na rin malabong sumunod ang total restriction sa mga accounts, pero syempre hindi naman dapat tayong mag-alala dahil panigurado namang bibigyan ng notice ang mga PH users to withdraw their funds. Nakakalungkot lang isipin na kahit saan laganap ang pamumulitaka at ang impluwensiya ng mga ganid na service provider ng Pilipinas. Naniniwala ako na may sabwatan dito, isipin na lang natin naka hold ang registration, tapos nagiimplement ng restriction sa mga unlicensed exchanges. Dapat ito rin ang isa sa iniimbistigahan eh dahil lumalabag itong mga ganid na ito sa Republic Act No. 10667 Philippine Competition Act (PCA). |