|
Title: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: Furball808 on November 15, 2025, 10:30:18 AM Unless nasa ilalim ka ng bato o nakatira sa bundok na walang ka signal-signal, sigurado akong alam mo ang napakalaking korupsyon na unti-unti ng lumalabas ngayon. Kumakailan lamang, si Zaldy Co ay nagsalita na at nagbanggit pa ng mga pangalan tulad ni PBBM at Romualdez. Regardless kung totoo o hindi, nagkakagulo na ang gobyerno ngayon at lahat ay nakatutok.
Ang tanong: Paano makakaapekto ang current political situation sa crypto market sa bansa? Possibility A: Dahil ang mga Pilipino ay unti-unti ng nawawalan ng tiwala sa gobyerno at lalong lalo na sa mga local banks dahil ang mga malalaking operasyon ng korupsyon ay nakakalusot at ineenable pa ang mga kriminal na ito. Maaaring sa crypto na ilagay ng mga Pilipino ang kanilang pera upang mas sigurado silang secured ito. Possibility B: Mawawalan ng interes ang mga foreign investors sa mga businesses o platforms dito kahit pa yung mga crypto businesses dahil nga sa kung gaano na kagulo ang current political situation dito. Kumbaga ay pumapamget na ang imahe ng Pilipinas. Tingin mo ay likely na mangyayari ang mga ito o may iba pang posibilidad na mangyari as a consequence of the current situation dito sa bansa? Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: gunhell16 on November 15, 2025, 12:14:30 PM Una wala na talagang tiwala ang mga pilipino sa ating gobyerno, second totoo naman din yung sinabi ni Zaldy Co, dahil hindi naman nya magagawa yan kung walang approval ni tambaloslos, sapagkat kung si Co lang talaga ang may kasalanan dyan bakit nya pa kasama si tambi sa bagay na yan at bakit nya pa kailangan na sabihan si Tamba sa nais nyang gawin?
At kung lumabas na si Tambaloslos ay isa sa mga mastermind ay siguradong meron siyang ilalabas na baho ni Bangag Jr. Dahil alam ni dayunyor na madaming alam na secreto itong pinsan nya sa kanya kaya todo tanggol siya dito na walang kinalaman si tambaloslos. Kaya huwag ka ng umasa na may magagawa pa ang gobyerno sa crypto dito sa bansa natin. Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: Questat on November 15, 2025, 01:14:38 PM Wala naman talagang direct na epekto ang crypto market sa bansa natin, kasi hindi pa malaki ang adoption dito. Kung meron man positive, siguro dahil nakikita natin na humihina yung value ng peso, sobrang pangit na nga ngayon, nasa ₱59 per $1 na.
So kung may crypto ka, mas ok pa nga dagdagan habang humihina ang peso. Kunin mo yung extra savings sa bank, convert to crypto, tapos mag-iwan lang for emergency funds. Di ko rin alam ano susunod na mangyayari, pero yung nilabas ni Zaldy kanina, grabe yung expose, may mga ebidensya pa. And mukhang may part 3 pa, baka bukas lumabas. (exciting....) Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: cryptoaddictchie on November 15, 2025, 02:16:31 PM Ang tanong: Paano makakaapekto ang current political situation sa crypto market sa bansa? Paano makakaapekto yung sa corruption case? Tingin ko wala. Hindi naman related sa crypto ang issue and walang kinalaman sa topic. Sa makatuwid walang epekto. Yung mga options na binanggit mo ay teorya lamang, with without political issues, kung may naginvest na crypto project dito sa Pinas ay mayroon papasok whether the issue is there or not. Parang normal na business lang naman yun. No big deal. Possibility A: Dahil ang mga Pilipino ay unti-unti ng nawawalan ng tiwala sa gobyerno at lalong lalo na sa mga local banks dahil ang mga malalaking operasyon ng korupsyon ay nakakalusot at ineenable pa ang mga kriminal na ito. Maaaring sa crypto na ilagay ng mga Pilipino ang kanilang pera upang mas sigurado silang secured ito. Possibility B: Mawawalan ng interes ang mga foreign investors sa mga businesses o platforms dito kahit pa yung mga crypto businesses dahil nga sa kung gaano na kagulo ang current political situation dito. Kumbaga ay pumapamget na ang imahe ng Pilipinas. Tingin mo ay likely na mangyayari ang mga ito o may iba pang posibilidad na mangyari as a consequence of the current situation dito sa bansa? Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: aioc on November 15, 2025, 09:45:14 PM Tingin mo ay likely na mangyayari ang mga ito o may iba pang posibilidad na mangyari as a consequence of the current situation dito sa bansa? Ang Cryptocurrency sa atin ay mabuti ang lagay at mananatiling ganun kasi yung mga platform na related sa cryptocurrency tulad ng exchange ay may market dito at patuloy silang kikita. Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: Natalim on November 15, 2025, 10:00:49 PM Ang nangyayari ngayon ay pansamanatala lang at hindi naman permanente, in two years time magkakaroon na ng halalan at sa halalan kung makakaboto tayo ng mga tamang tao sa posisyon pwede bumalik ang tiwala ng mga investors at maging tayong mamamayan. Yan ay kung aabot pa ng 2 years… with everything happening right now, possible talaga na may malaking rally na mangyari, baka maging madugo pa, and that could push the president to declare martial law. And kung guilty talaga siya, obviously hindi niya hahayaan na matalo sila sa election.Tapos Possible na magkakaroon ng dayaan, lalo na knowing na si Smartmatic may bad reputation pagdating sa mga issue ng money laundering kaya madali lang sa mga masasamang tao gumawa ng kalokohan nang sunod-sunod. US prosecutors charge voting tech company Smartmatic in alleged bribery scheme (https://www.reuters.com/legal/government/us-prosecutors-charge-voting-tech-company-smartmatic-alleged-bribery-scheme-2025-10-16/) Ang Cryptocurrency sa atin ay mabuti ang lagay at mananatiling ganun kasi yung mga platform na related sa cryptocurrency tulad ng exchange ay may market dito at patuloy silang kikita. Maganda but not competitive wise.Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: Eternad on November 15, 2025, 10:19:21 PM Paano makakaapekto yung sa corruption case? Tingin ko wala. Hindi naman related sa crypto ang issue and walang kinalaman sa topic. Sa makatuwid walang epekto. Yung mga options na binanggit mo ay teorya lamang, with without political issues, kung may naginvest na crypto project dito sa Pinas ay mayroon papasok whether the issue is there or not. Parang normal na business lang naman yun. No big deal. Exactly, kahit naman dati pa ay hindi naman strongly involved ang bansa natin sa crypto while dati pa nangyayari ang corruption. Konti lang din ang mga crypto related project sa bansa natin and mostly mga nagiging scam pa kaya in general hindi ko dn magets kung paano magiging related ang corruption sa crypto market ng bansa while in the first place ay wala naman direct relation ang crypto sa economy natin. In fact, halos lahat ng popular exchange ay hindi registered sa bansa natin. :D Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: blockman on November 15, 2025, 11:20:24 PM Tingin ko ang pinaka magiging epekto nito ay yung tungkol sa crypto taxation. Dahil paubos na ang pera ng bansa at pondo ng goyerno, nasabi na magkakaroon ng taxation sa crypto profits sa mga susunod na taon. Kaya kung yan ang pinakadahilan kung bakit magkakaroon ng tax, yun langa ng epekto na nakikita ko. Pero kung related sa crypto at corruption sa bansa, parang wala naman. Maliban nalang kung tung mga kurakot mismo na itatago ang pera nila sa crypto at gagawing bitcoin, privacy coins o kaya stable coins.
Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: Furball808 on November 16, 2025, 04:01:08 AM Di ko rin alam ano susunod na mangyayari, pero yung nilabas ni Zaldy kanina, grabe yung expose, may mga ebidensya pa. Magkakalaglagan na nga. Alam naman nating lahat may korupsyon talaga sa Pilipinas pero eto na at harap-harapan na sa ating pinapakita. Kung hindi pa galit ang mga tao ewan ko na lang. Good time ito para bumili ng bitcoin, less than 100k ito. Imbes na mag-panic sa pagbaba ng presyo ng bitcoin ay i-take advantage na lang natin ito.And mukhang may part 3 pa, baka bukas lumabas. (exciting....) Title: Re: Paano na ang crypto sa bansa? Post by: CryptoLakwatsero on November 16, 2025, 01:20:08 PM I think pwede talaga siyang mag go both ways at yan din yung pinag uusapan ng mga tao sa chats ngayon. Honestly, medyo kinakabahan na rin yung general public sa nangyayari sa government at politics. Ang daming pangalan na lumalabas kaya walang sure kung ano talaga ang ending nito. Yung impact sa crypto market pwedeng halo halo. On one hand, pag nagsisimula nang mawalan ng tiwala ang tao sa banks at sa government, natural lang na mag hanap sila ng ibang safe na pag lalagyan ng pera. Kaya marami talagang pwedeng mag isip na crypto ang alternative, tama ka doon. Kung gusto mong nasa ilalim ng control mo yung pera mo, crypto talaga ang madali at diretsong option.
Pero on the other hand, matatakot naman yung foreign investors. Pag nasisira yung image ng bansa, iisipin nila na risky maglagay ng pera dito. Lalo na sa crypto na madalas hindi rin klaro yung rules. |