Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Moonmanmun on October 18, 2018, 08:36:57 PM

Title: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Moonmanmun on October 18, 2018, 08:36:57 PM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: mk4 on October 19, 2018, 02:59:45 AM
Hahawakan ko ang bitcoin ko hanggang sa oras na hindi ko na kailangan ibenta ang bitcoin ko, kundi gamitin nalang ang bitcoin mismo panggastos.

Nakadipende nalang ito sa rason kung bakit may bitcoin ang isang tao. Kung dahil lang ba sa paper profit? O kung may tiwala talaga ang tao na magiging successful ang bitcoin sa future at magagamit ito as currency.

*mic drop*

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: jannahchua26 on October 19, 2018, 09:46:17 AM
kung ako tatanongin para sa akin hindi parin ako mag bebenta kasi mag malaki parin ang chance na tumaas yung bitcoin tulad ng 2017 na umabot ang bitcoin ng 800 to 700k kada isang bitcoin. pero depende parin sa mangyayari ito aking sariling opinion

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Marcapagne12 on October 19, 2018, 12:10:39 PM
kung ako ibebenta ko dahil sa ngayon uhaw pa ko sa sahod pero siempre kalahati lang may makita man lang ako na pera na pinaghirapan ko pero dapat nandun parin yung strategy na hodl kaya sell half hold half

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: DonFacundo on October 19, 2018, 01:11:15 PM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
Magkano ba iniinvest mo sa bitcoin?, hindi rin masama kung ibebenta mo ng 500k PHP ang presyo ng bitcoin dapat na malaki ang iniinvest mo para malaki din ang profit  ;).

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Rhizchelle on October 19, 2018, 01:57:17 PM
Kung talagang gipit ako sa pera, mapipilitan akong mag benta ng Bitcoin ko kahit mababa pa ang presyo kung kinakailanngan, pero as long as meron pa akong masungkit sa inipon ko, I prefer to keep my Bitcoin, at mag aantay na lang ako kung kelan ito tataas ulit.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: mk4 on October 19, 2018, 03:30:32 PM
Kung talagang gipit ako sa pera, mapipilitan akong mag benta ng Bitcoin ko kahit mababa pa ang presyo kung kinakailanngan, pero as long as meron pa akong masungkit sa inipon ko, I prefer to keep my Bitcoin, at mag aantay na lang ako kung kelan ito tataas ulit.

In the first place dapat maingat tayo sa pag "invest" natin sa bitcoin, upang hindi tayo mapilitan magbenta ng bitcoin kung biglang kailangan natin ng pera. Note lang na while pwede tumaas ng sobra ang bitcoin, pwede rin ito bumaba pa ng sobra. Oo. Pwedeng lower than 5k, theoretically. Kahit mejo unlikely na mangyari, very possible parin.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: miyaka26 on October 19, 2018, 04:51:20 PM

Tama hindi dapat all out ang invest sa cryptocurrency sa dame ng risk na pwede mong maranasan hindi naman kasi typical na investment to e na may fix kang percentage na makukuha within a matter of time, invest kung anu yung afford mong malose wag mag loan para iinvest sa bitcoin pwedeng mabaliktad ang flow ng price anytime so risky talaga siya, depende naman kung panu ka naginvest kung malaki na ang gain sayo ng 500k e di sell kana wag lang aabot sa point na maging greedy dahil delikado yun.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: elegant_joylin on October 20, 2018, 03:08:09 AM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?

Risky ang crypto. Ako nakapag-out ng halos lahat ng investment plus ROI, mga nasa less than 1M siguro.
Taz ngayon rebalancing portfolio sa crypto at nagbebenta kung kinakailangan. Masaya ako kasi wala na akong ikalulugi pa.
Siguro ung time at effort ko na lang sana sa mga pinamamahalaan kong mga proyekto ay nasa makapagbayad. Gudluck sa ating lahat. Sana ay nakapag-ipon at nakapagbenta tayo kung saang presyo tayo magiging masaya at kikita. ;) 

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Natsuu on October 20, 2018, 08:23:44 AM
Kung talagang gipit ako sa pera, mapipilitan akong mag benta ng Bitcoin ko kahit mababa pa ang presyo kung kinakailanngan, pero as long as meron pa akong masungkit sa inipon ko, I prefer to keep my Bitcoin, at mag aantay na lang ako kung kelan ito tataas ulit.

In the first place dapat maingat tayo sa pag "invest" natin sa bitcoin, upang hindi tayo mapilitan magbenta ng bitcoin kung biglang kailangan natin ng pera. Note lang na while pwede tumaas ng sobra ang bitcoin, pwede rin ito bumaba pa ng sobra. Oo. Pwedeng lower than 5k, theoretically. Kahit mejo unlikely na mangyari, very possible parin.

Dapat din huwag tayo masyadong greedy, pag alam mo ng nagkaron ka na ng magandang profit then try to take it.
Minsan kakahintay natin na tumaas ang value di na natin namalayan na we're already losing.
Hinay hinay lang baka pera na maging bato pa.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: jameskarl on October 20, 2018, 08:43:11 AM
Depende po sa mga holder yan kong gusto ba nila ibebenta yan kong maliit lang ang profit di muna ibebenta pero kapag malaki na profit at kailangan na ng pera benta mona baka bababa pa yong bitcoin pero ang atin lang ngayon pray nalang sa pag taas ng bitcoin

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Fappanu on October 20, 2018, 11:17:14 AM
Para sa akin , Hindi ako magbebenta kong ang bitcoins man ay umabot ng 500,000 php. Ito ay ibebenta ko lang kapag kinakailangan ko ng pera. Dahil naniniwala ako na ang bitcoin ay magiging successfull din sa future.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: shadowdio on October 20, 2018, 12:03:46 PM
pero umabot siya sa presyo ng 900k php hindi mo ba hihintayin pa? para sa akin ibebenta ko siya ng 900k php hold ko nalang ang bitcoin ko.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: santiPOGI on October 20, 2018, 12:40:27 PM
Nakadepende sa season ng market ang pagbebenta ko.
Kung sa tingin ko ay tama at mataas na ang presyo maaari ng magbenta at bibili nlng ako ulet sa pagbaba nito.
Para sa akin hindi tamang itabi ng panghabambuhay ang Bitcoin, ang market ay pabago bago.
bababa at tataas ito. mas malaki kikitain natin kung pagagalawin natin ang ating mga BTC.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: jomz on October 20, 2018, 03:24:24 PM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
para sakin hindi pa siguro hold parin dahil hindi rin kalakihan ang hold kong btc dahil ang target kong presyo is 700k-800k php kahit malabo pa ito mangyari sa ngayon.
maliban nalang siguro kung kailangan kona nang cash para pang gastos pero hanggat kaya pa i hold ko nalang muna ito.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Westinhome on October 20, 2018, 10:26:24 PM
Sa mga ganyan dapat pag isipan muna wag masyado maging apora, Mas mabuting nga mag simula nalang tayo sa maliit magbenta or eh hold lang natin muna kung anu meron tayo. Actually kung aabot man siguro ng 500,000 naka depende mo na yan kung anu ang dapat mong gagawin. Kung kailangan mo talaga ng pera benta muna agad.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: dlhezter on October 20, 2018, 11:04:25 PM
Para sakin hanggat hindi ko kailangan ng pera mananatili lang na nakaimba si bitcoin sa aking wallet hold lang, target price ko kasi ay 2 million each bitcoin malayo pa sa aking target pero naniniwala pa din ao namhihit iyong target o hindi man nagyong taon kahit sa susunod pa na mga taon sana mahit yung target na gust ko pero yung iba basta profit sell agad depende naman sa ao kung gaano katagal.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: yugyug on October 20, 2018, 11:58:26 PM
Depende na rin kung ano talaga ang goal mo sa investment ng bitcoin it is either long or short term goal at depende na rin sa target ng profit or gain na gusto mo.  Kung active trading ka  maari ring at least 20 percent gain mo galing sa iyong kapital ay sapat nang ibenta ang bitcoin kung aabot na ito sa halagan 500k PhP. Pero kung sa tingin mo ay ito ay papalo ng mahigit pa sa 500k PhP o mas dodoble pa, then huwag muna ibenta basta sisiguraduhin lang na mahigit sa 50% ang gain nito kung long term goal ang target mo.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: mhine07 on October 21, 2018, 12:13:43 AM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
Kapag umabit ulit kahit 500k ang presyo ng bitcoin , ibebenta ko na , kasi malaking halaga na ang 500k kung sa akin lamang at marami na ako pwedeng gawin sa ganyang kalaking halaga. Nung nakaraan taon halos umabot sa isang milyon ang value ng bitcoin kung saan marami ang demand ng bitcoin. Umabot naman ng hanggang 500k ang bitcoin nung april ngayong taon pero bumaba ng bumaba sa pagdaan ng ilang buwan at nasa 300k na lang siya mahigit.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: anamie on October 21, 2018, 10:32:56 AM
kung nakabili ka noong na hype ang presyo ng bitcoin last year hindi advisable ang mag benta agad pero kung ibebenta mo ito sa ganyang presyo ok na siguro yan dahil kaunti nalang losses mo, pero kung bag holder ka ng bitcoin at nabili mo ito sa murang halaga syempre maganda kung ibebenta mo ito ka agad. depend kasi yan Op kung magkano mo na bili ang bitcoin.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: iamlds08 on October 21, 2018, 07:09:12 PM
kung ako ibebenta ko dahil sa ngayon uhaw pa ko sa sahod pero siempre kalahati lang may makita man lang ako na pera na pinaghirapan ko pero dapat nandun parin yung strategy na hodl kaya sell half hold half

same! uhaw na na uhaw na kame! hahaha akala ko ako lang taghirap ngayon marame pala! btc! anona!?

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Bigboss0912 on October 21, 2018, 11:29:34 PM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
marami talaga umaasa na tataas ang bitcoin at sana matupad na talaga yan 500k para naman makabawi sa pagod hirap nang bawat isa kaya kahit ako isa sa umaasa talaga at sana itong december sana lang dumating ang pinakaaantay nang lahat salamat Godbless all

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: kingvirtus09 on October 22, 2018, 12:00:08 AM
Depende yan sa gagawin mo. Para sakin magbebenta pdin ako kahit papaano para magamit ko sa ibang bagay, Pero most of my assets will hold in my hardware wallets- Nakapag accumulate naman na ko ng marami rami kaya kahit papaano kita na din ako

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Gulayman on November 10, 2018, 11:31:07 AM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?

Kung aabot ang presyo ng Bitcoin sa 500,000 ay magbebenta rin ako pero hindi ko ibebenta ang lahat ng aking hodl ng btc. Dahil naniniwala ako na mas lalong tataas pa ang presyo nito at babalik ulit ito sa 1,000,000 PHP ulit.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Cheezesus on November 10, 2018, 01:29:25 PM
Kung hindi ka lugi at kailangan na ng pera ibebenta ko ang akin, pero kung hindi naman kailangan pang gastusin e ihhold ko ito para sa future. Kasi naniniwala ako na in the future magagamit natin ang btc bilang isang currency, maganda din ito dahil cashless transactions ang mangyayari.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Rhizchelle on November 10, 2018, 08:18:06 PM
Para sa akin, kahit 500,000 or mababa pa nyan ang presyo ng Bitcoin, ay ibebenta ko, para naman maranasan ko rin na makahawak ng pera na galing sa Bitcoin.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: daniel08 on November 11, 2018, 01:06:49 AM
Sa halagang 500,000 pesos malaki ng halaga ito at marami nang pwedeng gawin sa halagang ito , kapag umabot ulit sa ganitong presyo ang bitcoin hindi na ako magdadalawang isip na ibenta ang bitcoin na hawak ko. Makakapagsimula na ako ng negosyo at maipapagawa ko na ang bahay namin. At yung iba isasave ko para sa future ng mga anak ko.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: crwth on November 11, 2018, 01:15:58 AM
kung nakabili ka noong na hype ang presyo ng bitcoin last year hindi advisable ang mag benta agad pero kung ibebenta mo ito sa ganyang presyo ok na siguro yan dahil kaunti nalang losses mo, pero kung bag holder ka ng bitcoin at nabili mo ito sa murang halaga syempre maganda kung ibebenta mo ito ka agad. depend kasi yan Op kung magkano mo na bili ang bitcoin.
If that happens probably, you need to have a cut loss ready. Mahirap na kasi maging unprepared sa mga situation na ganun. For me, kung nangyari yun, I would still use bitcoin as a long term investment in my portfolio. Madami kasing pwede pa mangyari in the future. All we have to do is to be prepared.

Yung sa ganyan, bumili noon na all time high, meron akong kakilala na ganun ang nangyari. Sinumpa niya tuloy yung bitcoin. I advised him na to just keep it and keep acquiring while it’s still low. Mahirap din kasi pag iniisip mo lang yung presyo. You will definitely be stressed.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Westinhome on November 11, 2018, 05:56:41 AM
Pwede naman mag benta ng bitcoin kung ang presyo nito ay nasa 500,000 PHP, Sobrang laki na kasi niyan. Pero gusto mo naman na eh hold pa ang bitcoin mo dahil nasa isip mo ay aabot pa ito ng isang milyon pwede naman, Pero parang malabo pa ata mangyari kasi sa ngayon nasa $6k+ pa kasi ang isang bitcoin.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: panganib999 on November 11, 2018, 10:03:40 AM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
Kung inantay mo sa presyong ganon ang bitcoin bat hindi mo patulang ibenta? anong sense ng bull run or price increase ng bitcoin kung hindi mo rin ibebenta right after hitting that place diba? well sa mga nakita ko hindi sapat ang holding lang kailangan din ng wise decision making sa mga nakikita mo kasi alam naman nating sobrang volatile ng bitcoin kaya nyang mag drop agad due to many players.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: joykulot on November 11, 2018, 11:58:36 PM
Hindi ko pa rin bebenta sa ganyan halaga, gusto ko mas mataas pa. Gagalawin ko lang kapag incase of emergency, pero sa ngayon ipagpapatuloy ko ang pag hold sa Bitcoin.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: DigitalMoneyBits on November 12, 2018, 03:19:19 AM
Dipende sa sitwasyon siguro para sakin kung magbebenta ako o hindi. Kung ang presyo ng bitcoin ay umabot ng 500k at kailangan ko ng pera yes mag bebenta ako pero kung hindi naman hindi din ako magbenta hold padin ako kasi nag babawas lang ako ng bitcoin twing kailangan ko ng pera at nagbebenta ako ng bitcoin kahit mababa o mataas man ang presyo basta kailangan ko ng pera. Ganun lang lagi kong gawain. Altcoin lang talaga ang binibenta ko lahat once na mareach ang target price ko pero bitcoin hindi ko binebenta lahat dipende nalang kung quit bitcoin na at mag focus sa real world

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: albert11 on November 12, 2018, 09:52:05 AM
Depende yan sa tao at sa paniniwala nila. Ako kung aabot man ulit sa 500,000 PHP ang presyo ng bitcoins ay hindi ako magbebenta dahil alam ko na tataas pa ang presyo nito at magagamit ko pa ang bitcoin ko sa hinaharap.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: burner2014 on November 12, 2018, 10:47:14 AM
ako posibleng maglabas ng konting bitcoin kung maaabot nga nito ang 500, 000 php, kasi kung titignan natin ang galaw ng bitcoin sa ngayon medyo malabo na itong tumaas hindi katulad ng dati pero wala pa ring makakapagsabi kung anong posibleng mangyari pag pasok ng december.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Bagani on November 13, 2018, 01:06:55 AM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
Nakadepende dapat sayo yan kabayan, maganda yung may target ka lang sa pagtrade at kapag nahit yung target mo benta na, wag ng maghangad ng mas malaki dahil hindi maganda ang masyadong greedy sa trading. Pero kung ako ang didiskarte hindi ko ibebenta ang bitcoin ko hanggat hindi ko kailangan na kailangan ng pera dahil napalaking tyansa ng presyo nito na humigit pa sa 1,000,000 PHP.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: swiftbits on November 28, 2018, 12:18:26 PM
ako babase ako sa bilis ng pagtaas a chansa na tataas pa ang presyo ng bitcoin, hindi ako babase sa exact price kundi sa kung saan ka mas mapapabuti, may long term and short term investors dito kaya magkakaiba tayo ng plano.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: mcnocon2 on November 29, 2018, 08:20:06 AM
ako babase ako sa bilis ng pagtaas a chansa na tataas pa ang presyo ng bitcoin, hindi ako babase sa exact price kundi sa kung saan ka mas mapapabuti, may long term and short term investors dito kaya magkakaiba tayo ng plano.
Slightly agree ako dito kabayan, maganda yung nagtetrade ka na may target price ka para ibenta ang iyong holdings para maiwasan yung greediness ng isang trader. Pero dahil long term investors ako ng Bitcoin, pinaplano kong ihold ang lahat ng aking bitcoin in a specified time hindi ako nakabase sa presyo.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: Inkdatar on December 02, 2018, 03:02:25 PM
Isipin mo maigi before ka magdecide dapat hindi mo pagsisihan sa huli. Para sa akin kasi malaki ang chance na tumaas muli ang presyo ng bitcoin. Kaso hindi natin masabi kung kailan ito.  Mas maganda pwede mo muna ihold long term ang hawak mo na btc at pwede rin naman kung kailangan mo ng pera benta ka ng half at hold mo half so pagisipin mabuti ang gagawin mo na desisyon.

Title: Re: Nagbebenta ba kayo kung ang presyo ng Bitcoin ay 500,000 PHP?
Post by: anamie on December 02, 2018, 03:06:33 PM
Ito ang aking target na presyo.
Masisiyahan ako tungkol sa aking sarili kung maaari kong makamit ang layuning ito upang mahawakan ito.
Ano ang tungkol sa iyo?
Well, yan ang target mo, mas mainam na yan may target ka kung sa anong price ka mag sesell ng bitcoin, pero para sa akin lang mas mainam siguro kung susubokan mo rin ang iba pang coins dahil marami naman may potential dyan.