Bitcoin Forum

Local => Pamilihan => Topic started by: Blackdeath on April 26, 2019, 12:24:03 PM

Title: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Blackdeath on April 26, 2019, 12:24:03 PM
Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam

sa pamamagitan ng WhoTookMyCrypto.com (http://WhoTookMyCrypto.com)

Matapos kong makita kung papaanong patuloy na naloloko/nai-scam ang mga user (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5114712.0) sa pamamagitan ng mga pekeng Electrum wallet sa kabila ng maraming mga anunsyong ginawa sa buong komunidad ng crypto, nagpasyahan kong ibahagi nang libre at madaling paraan na maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan ang maloko/ma-scam.

Bakit ito mahalaga?

Habang hinahayaan ka ng mga cryptocurrency na maging malaya sa iyong sariling bangko, ito ay may mga responsibilidad upang ma-secure ang iyong mga pondo. Kung ang iyong credit card ay nanakaw, maaari mong tawagan ang customer helpdesk ng bangko. Gayunpaman, sa crypto, sa sandaling ang iyong mga pondo ay nanakae, hindi na ito mababawi.

Paano mag set up ng Google Alerts?

Hakbang 1: Gumawa ng Gmail account.

1. Pumunta sa https://www.google.com/gmail/about/ (https://www.google.com/gmail/about/)

2. Piliin ang Create an account sa pinaka-taas ng kanang bahagi

https://i.imgur.com/fVGosmY.png

3. Punan ang may kaugnayang impormasyon

Hakbang 2: Gumawa ng iyong alerts sa Google Alerts.

1. Pumunta sa https://www.google.com/alerts (https://www.google.com/alerts)

2. Mag-sign in gamit ang iyong email na iyong ginawa sa Hakbang 1 sa pamamagitan ng pag-click sa Sign In pinaka-taas ng kanang bahagi.

https://i.imgur.com/S70RgFy.png

3. I-enter ang klase/uri ng alert na gusto mong gamitin. Ang mga mungkahi para sa uri ng alerts upang lumikha ay ang mga sumusunod.

[Service / Wallet / Coin] + [Scam / Hack] Hal. Electrum hack, Binance hack

Sa kasong ito, nag-type tayo ng Electrum hack.

https://i.imgur.com/w3qJtsX.png

4. Piliin ang Show options. Dito maaari mong isaayos ang iyong alert settings. Halimbawa, maaari mong piliin ang madalas na may kaugnayang mga resulta na ipinadala sa iyo. Kung gusto mong baguhin ang email email na pagdadalhan ng alerts, silipin ang seksyon ng pagpapalit ng emails sa ibaba.

https://i.imgur.com/A7Jbmc1.jpg

5. Piliin ang Create Alert

https://i.imgur.com/K15vgVJ.jpg

6. At tapos ka na, ang iyong alert ay nalikha na! Maaari kang gumawa ng iba pang alerts kung iyong nanaiisin.

Ano ang susunod na mangyayari?

Kapag may mga kaugnayan na artikulo ang tumutugma sa alerts na itinakda mo ang natagpuan, ipapasa ito sa iyo sa frequency na iyong pinili. Kaya naman, ang mga artikulo na may kaugnayan sa Electrum hacks ay ipapadala sa atin kaagad-agad (batay sa ating setup sa itaas) sa ating email address.

Maaari ba akong magpadala ng aking mga alerts sa aking account maliban sa Gmail?

Oo, magagawa ito. Sa hakbang 1, kailangan mo pa ring pumunta sa pahina ng pag-sign up. Gayunpaman, kailangan mong piliin ang opsyon na "use my current email address instead”.

https://i.imgur.com/GoAZRiU.jpg

Pagkatapos nito, dapat mong makita ang sumusunod na screen na nagpapahintulot sa iyo na gamitin ang iyong non-Gmail address. Ang lahat ng alerts na iyong gagamitin batay sa hakbang 2 sa itaas ay ipapadala sa address na ito.

https://i.imgur.com/NWw8GcT.jpg

Gaaano ka-epektibo ang pamamaraang ito sa pagtulong sa iyo na maiwasan ang mga pagkalugi?

Gamitin natin ang Electrum phishing scam bilang halimbawa. Ang anunsyo ng scam tungkol sa Electrum ay ginawa nooong Disyembre 27, 2018 (https://github.com/spesmilo/electrum/issues/4968). Maaaring, ang pang-aabuso ay nangyari noon. Ang mga reklamo na ginawa ng mga gumagamit sa forum na ito ay nagsimula din sa panahong noon.

Sa loob ng ilang mga oras, nakatanggap tayo ng Google Alert notification na nagtutukoy na mayroon article ang Coin Telegraph (https://cointelegraph.com/news/phishing-attack-on-electrum-wallet-nets-hacker-almost-1-million-in-hours-report) na pinapaliwanag ang pag-atake sa Electrum.

Konlusyon

Tiyak na hindi BugBasher82 ang huling tao na nawalan ng crypto sa dahil sa pag-download ng pekeng wallet ng Electrum. Ngunit sana, sa pamamagitan ng pagpapakalat ng awareness tungkol sa kung paano mahahanap ng mga user ang mga scam sa cryptocurrency, mga pagkalugi sa mga user ay maaaring mabawasan ang mga ito sa susunod.

Ano ang iba pang mga pamamaraan ang maaaring makuha upang masubaybayan ang mga scam sa cryptocurrency? Mag-iwan ng komento sa ibaba at i-update ko ang thread para dito.

Source: https://bitcointalk.org/index.php?topic=5118417

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Bttzed03 on May 07, 2019, 06:36:16 PM
Maganda din itong gabay na ito. Hindi na ako madalas gumamit ng google ngayon pero may bago akong natutunan na pwede magamit pandagdag proteksyon. 

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: bhadz on May 07, 2019, 11:08:04 PM
Maganda din itong gabay na ito. Hindi na ako madalas gumamit ng google ngayon pero may bago akong natutunan na pwede magamit pandagdag proteksyon. 
Maraming purpose si google lalo na sa mga tulad nitong alert kaya kung ako sayo gamitin mo halos lahat ng service nila. Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila. Salamat sa post na ito Blackdeath, sana mas marami pang maging aware sa mga post na ganito lalo na yung mga newbie para kahit papaano maka-iwas sa posibleng scam na mangyari sa kanila.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Bttzed03 on May 08, 2019, 10:51:37 AM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: bhadz on May 08, 2019, 05:08:59 PM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.
Naririnig ko din yung tungkol sa Brave Browser galing kay Basic Attention Token baka siguro ita-try ko siya next time. No choice talaga mga users ni chrome lalo na yung hindi alam na ganyan pala ginagawa ni google. Kaya magtataka ka nalang na halos lahat ng advertisement na lalabas parang related sa mga ginagawa atin. Akala ko pang tor browser lang ang duckduckgo, pwede din pala sa ibang browser. Salamat sa ideya at nagkaroon ako ng panibagong kaalaman.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: efrenbilantok on May 10, 2019, 06:43:46 AM
Salamat sa gabay na ito, ngayon ko lang nalaman na may ganitong palang tool ang google para makaiwas sa scam, maganda itong mabasa ng lahat para dagdag kaalaman iwas sa mga scammers,

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Blackdeath on May 14, 2019, 04:55:00 PM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.
Ano ba ang kalamangan ng DuckDuckGo kumpara sa Google?
Ako kasi ever since, Google user talaga eh. No issue pa naman ako so far kasi gamit na gamit ko siya lalo na yung search engine, Gmail at Google drive nila.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: crzy on May 14, 2019, 10:15:23 PM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.
Normal na kase itong gantong business especially if you have google account, for sure binebenta nila yun for the purpose of advertisement. Enabling google alers can be a good one since you can get the right notification if someone is trying to avoid you, try mo lang enable to and malalaman mo na super dami ng mga hackers.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Blackdeath on May 19, 2019, 07:26:42 AM

Sang-ayon ako sa iyo kabayan. Yan ang dahilan kung bakit dapat yung pagkakatiwalaan nating browser ay may reputasyon na gaya ng Google Chrome. Hindi naman sa pagiging biased pero ever since nag-crypto ako Google chrome na ang gamit ko at never akong na-scam o nahack dahil sa pagbenta ng google sa aking preference for the sake of advertisement (kung totoo man).

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Rufsilf on July 24, 2019, 04:40:27 PM
Maganda talaga itong service nato ng google kasi malaking tulong to sa mga newbie or sa iba pang tao na hindi aware sa ganitong pamamaraan nang pag secure ng iyong accounts sa crypto, kahit ilang anunsyo paman ang gawin meron parin talagang naloloko ng mga ganito kaya mabuti naman at na share ito ng gayun kumunti naman ang bilang nang na i scam.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: micko09 on July 25, 2019, 07:33:06 AM
So far ako wala pa naman issue kahit sa MEW ko, kasi ako lang naman nagamit ng computer ko, pero di ko din talaga lubos maisip na nagagawa padin ihack ng hacker ung mga ganyang system. sure ako na my pang resolba ang hacker sa alerts ng google kasi basic na sa kanila yan. kaya double ingat padin kahit may google alert na.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Blackdeath on August 11, 2019, 12:04:39 PM

Maganda talaga itong service nato ng google kasi malaking tulong to sa mga newbie or sa iba pang tao na hindi aware sa ganitong pamamaraan nang pag secure ng iyong accounts sa crypto, kahit ilang anunsyo paman ang gawin meron parin talagang naloloko ng mga ganito kaya mabuti naman at na share ito ng gayun kumunti naman ang bilang nang na i scam.

Salamat sa suporta :)

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Phantomberry on August 31, 2019, 05:01:30 AM
Matagal ko na yan ginagamit at accurate yan mag alerto si google kahit nga mag attempt yung hacker mag-log in ng akin email at mag-nonotify kaagad sya at makikita mo kung saan lugar at ip nito. Malaking tulong din ang Google Authenticator na kung saan mag tetxt ng code si google sayong phone at iyon ang paraan maacces mo ang iyong account.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Clark05 on August 31, 2019, 01:30:15 PM
Matagal ko na yan ginagamit at accurate yan mag alerto si google kahit nga mag attempt yung hacker mag-log in ng akin email at mag-nonotify kaagad sya at makikita mo kung saan lugar at ip nito. Malaking tulong din ang Google Authenticator na kung saan mag tetxt ng code si google sayong phone at iyon ang paraan maacces mo ang iyong account.
Super laki ng tulong ng mga ganito dahil namomonito mo kung sino nga ba ng nais magopen ng account mo pero ay Ip lang or san location atleast alam mo na may nagtatangka na manghack ng account mo sa pamamagitan ng kanilang skills. Ang dapat ng mga bitcoin user ay gumamit nito dahil prone pa naman tayo sa mga hacker dahil ang nais nila ay maopen ang ating mg wallet kaya dapat talaga magset ng google alerts para iwas hack tayo sa mga darating na mga araw.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Blackdeath on September 20, 2019, 12:25:27 AM
Bumping for visibility

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: CarnagexD on October 04, 2019, 03:29:23 PM
Sa panahon ngayon talamak na ang iscam kaya dapat tayo ay maging maingat lalo na sa mga account natin sa online. Malaking bagay ang pag gawa ng google ng ganito dahil marami itong matutulungan na tao lalo na yung mga taong may online businesses na mas prone sa phishing at scam. Siguro susubukan ko na din ito gamitin dahil nakasasalay din dito ang mga account ko at makakatulong pa sakin ito dahil mamalalam ko kung may gusto mang hack or magbukas ng account ko.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Wintersoldier on October 13, 2019, 04:05:08 AM
isa sa mga naiisip kong paraan para masubaybayan ang mga scam sa panahon natin ay maging updated tayo, kasabay nito, maging updated ang ating mga software at hardware. Habang tumatagal, ang teknolohiya ay umuunlad kasabay nito ay dumarami ang paraan upang ma scam tayo. Kaya't pagbutihin natin ang pangangalaga sa ating mga computer at panatilihing ang OS natin ay laging updated. Hindi lamang accounts ang sa tingin ko'y pangangalagaan natin, dapat ay isaalang alang natin ang buong system na meron tayo, kung ito ay maaaccess, sira na ang seguridad natin, ubos pa laman ng crypto wallet natin.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Baby Dragon on October 14, 2019, 09:12:42 AM

Very well said, alam naman natin na napapadali ng teknolohiya ang lahat kaya kahit maging ito ay tinetake advantage ng mga scammers at hackers. Dapat kahit papaano ay may sapat na kaalaman kung paano ito maiiwasan. Actually nakadepende din kasi sa atin iyon e kung hindi talaga tayo maingat maaaring mahulog tayo sa mga bitag ng mga scammers. Sobrang detailed nung post na ito kaya alam ko na mas maiintindihan ng marami sa atin kung paano gamitin ang google alerts lalo na sa mga baguhan palang, sila kasi kadalasan yung nabibiktima ng mga ganyan. Sobrang dami ng dangers in the internet lalo na ngayon na karamihan sa scammers ay may sapat na kaalaman kung paano malilinlang yung bibiktimahin nila, syempre yung ganitong post ay nagbibigay idea sa ating lahat at nagbubukas ng isip nila kung ano yung maaaring gawin.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: carlisle1 on October 14, 2019, 09:23:53 AM
wala akong kaalam alam na pwede pala gawin to sa google?at maaalarma ka sa bawat attempt ng mga masasamang loob na to
lalo na ngaun usong uso talaga ang hackings at madalas nabibiktima ung mga walang masyadong alams a security measures instead they are just using normal activities without precautions
sa pamamagitan nito ay ma maproprotektahan at makakarespond agad tayo sa pagtatangka
muli ang pagpapasalamat namin ay sumaiyo OP .at sana wag ka magsawa na magbigay ng mga ganitong pagpapaalala at tulong para sa lahat

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: panganib999 on October 20, 2019, 05:15:13 PM
Salamat sa gabay na ito, ngayon ko lang nalaman na may ganitong palang tool ang google para makaiwas sa scam, maganda itong mabasa ng lahat para dagdag kaalaman iwas sa mga scammers,

Sa sobrang advance ng mga teknolohiya ngayon ay nagiging mas advance din ang pamamaraan ng mga scammers para makapan-loko kaya naman importante na ikaw ay alerto at updated sa mga pamamaraan anmt nababalitang scams sa paligid para sa oras na ma-encounter mo ito ay alam mo ang iyong gagawin. Kaya naman malaking tulong ang ganitong feature ng google kung saan nakatutulong sa pagdagdag ng seguridad sa iyong mga accounts, para kung sakali man na ikaw ay di inaaasahang mabiktima sa kabila ng iyong pag-iingat ay may makatutulong sa'yo.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Aying on October 31, 2019, 07:56:18 AM
Nice one, thanks for this. I can share na sa mga new crypto friends ko kung ano ba talaga gawin kung gusto nila pumasok sa crypto and I have that one friend na palaging nakakatanggap ng mga spammy or parang kahinahinalang emails. with this they can avoid na maka click ng links galing sa mudos ng mga scammers. and then google alerts may warn them if may gustong mag hack ng kanilang important emails. kasi sa ngayon di natin alam hindi lang tayo ang nag iimprove at kumukuha ng maraming knowledge pati narin scammers. with this we know na safe kahit papaano ang secret files o anumanyang nasa emails natin. dapat talaga mas handa tayo at ipakalat ito sa mga bago palang sa crypto.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Sadlife on October 31, 2019, 08:01:09 AM
minsan lang ako mag bookmark ng mga Thread yon ay mga importante lang at nakita ko tong gawa mo OP ay nararapat na i save para maikalat sa lahat hindi lang para sa crypto friends kundi pati na din sa mga social media friends na di natin alam baka sa susunod na araw ay pumasok na din sa crypto.
bookmarked already and thank you for one great tips and for your concern for the whole crypto community.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: matchi2011 on October 31, 2019, 09:45:14 AM
Medyo matagal na rin pala tong thread na to, buti na Lang naibumped ni OP at nakakuha ng attention, mainam na alam ng mas nakararami ung mga ganitong paraan para updated sa paligid. Salamat sa tutorial na to at namumulat ung kaalaman para mamaximize yung pag gamit ng Google alert. Kung masipag kang magbasa basa at kung meron kang gustong matutukan na impormasyon makakatulong ng malaki tong tutorial na to. Sana mabasa ng marami at maiaply ng makaiwas sa mga mapaminsalang hackers sa paligid.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: White Christmas on October 31, 2019, 04:26:08 PM
Salamat sa napakagandang impormasyon na ito, tiyak ko ma marami ang matutulungan ng ganitong security para maiwasan ng ating mga kababayan na maloko at ma scam, ngayon ko lang rin nalaman na may ganito pala ang google para makatulong pang paigtingin ang ating seguridad lalo ng ating mga accounts. Mayroon din akong gamit na facebook authentication kung saan ay pag may nag login ng facebook account ko ay may mag memessage sa email at mobile phone ko na code para mabuksan ito. Dagdag rin ito sa mga seguridad natin upang maiwasan natin ang mga taong manloloko sa atin.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Genemind on October 31, 2019, 06:23:57 PM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.

Maganda at safe bang search engine and DuckDuckGo? Google user din ako pero kung mas safe yan ay itatry kong magswitch. Sa totoo lang, pwede talaga tayong makakuha ng regular alerts sa google depende lang sa settings ng account natin. Mabuti na lang at may mga ganitong dagdag kaalaman din galing sa mga kababayan natin. Kahit papaano ay nalalayo tayo sa risk ng scam.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Bttzed03 on November 01, 2019, 02:57:05 AM
... Ayun nga lang yung info natin alam natin at binebenta sa mga advertiser kaya minsan magtataka ka nalang kung bakit halos alam mo yung service ng ina-advertise nila....
Yes, alam ko yung galaw nila na yan kaya nagpalit ako ng browser from Chrome to Brave. Pinalitan ko na din ang search engine ko from Google to DuckDuckGo.
Ano ba ang kalamangan ng DuckDuckGo kumpara sa Google?
Ngayon ko lang ulit nabasa ito. If you are someone na ayaw may mga iba't ibang trackers at ayaw na may nag-store ng data about sa search history mo then bombahin ng ads, then DuckDuckGo is a better option. Kung wala ka naman masyado concern sa privacy mo, then you can stick with your Google.

May mga makikitang kang articles comparing the two search engines like this one https://www.searchenginejournal.com/google-vs-duckduckgo/301997/#close

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: kuyaJ on November 01, 2019, 05:06:32 AM
Salamat sa gabay na ito, ngayon ko lang nalaman na may ganitong palang tool ang google para makaiwas sa scam, maganda itong mabasa ng lahat para dagdag kaalaman iwas sa mga scammers,

Sa sobrang advance ng mga teknolohiya ngayon ay nagiging mas advance din ang pamamaraan ng mga scammers para makapan-loko kaya naman importante na ikaw ay alerto at updated sa mga pamamaraan anmt nababalitang scams sa paligid para sa oras na ma-encounter mo ito ay alam mo ang iyong gagawin. Kaya naman malaking tulong ang ganitong feature ng google kung saan nakatutulong sa pagdagdag ng seguridad sa iyong mga accounts, para kung sakali man na ikaw ay di inaaasahang mabiktima sa kabila ng iyong pag-iingat ay may makatutulong sa'yo.

Dumadami na din ang pamamaraan nila kung pano mangbibiktima dahil sa online mahirap ka mahuhuli eh. Ang gagaling nilang mangbiktima na kahit Gmail ay nagagamit na nila upang makapangloko ng mga tao.

Dapat aware tayo sa lahat ng posibleng gawin nila kasi kung di nag success ang plano nila ay tiyak na hahanap sila ng bagong pamamaraan.

Title: Re: [Gabay] Paggamit ng Google Alerts para maiwasang maloko/ma-scam
Post by: Westinhome on April 16, 2020, 11:50:22 PM
Tanong ko lang kabayan ngayon ko lang kasi nakita yan di ko pa nagamit yan, Mas safe po ba siya gagamitin if kung  gagawin namin yan para iwas sa scam. If kung safe man yan so siguro pwede natin ito ipamahagi at gamitin para naman ma aware tayo palagi sa mga scammer na nagkakalat. At mas maganda din talaga na may eh share yung may alam sa mga iwas scam katulad ng nito at pwede naman ito gamitin at isa na ito sa mga halimbawa.