Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Vaculin on October 02, 2020, 11:32:11 AM

Title: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Vaculin on October 02, 2020, 11:32:11 AM
More than half of all crypto exchanges have weak or no ID verification (https://cointelegraph.com/news/more-than-half-of-all-crypto-exchanges-have-weak-or-no-id-verification)
https://images.cointelegraph.com/images/717_aHR0cHM6Ly9zMy5ldS1jZW50cmFsLTEuYW1hem9uYXdzLmNvbS9zMy5jb2ludGVsZWdyYXBoLmNvbS91cGxvYWRzLzIwMjAtMTAvNmYxMDZmNmItODJkMS00NGFmLWFhYTAtNzc4MGU1YTNlOTM5LmpwZw==.jpg

Quote
More than half of all exchanges worldwide have weak KYC identification protocols — with exchanges in Europe, the U.S. and U.K. among the worst offenders, according to a new study by blockchain analysis firm CipherTrace

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: mk4 on October 02, 2020, 11:41:06 AM
It's a safe assumption na karamihan talaga ng exchange e ganyan. Lalo na't ung mga iba e mataas taas ung minimum amounts nila para magrequire ng KYC.

Don't be too comfortable though, eventually may gagawin rin ung mga gobyerno about sa mga no strict KYC exchanges. Ito kagabi lang balita to, inarrest na ung isang co-founder ng BitMEX, tapos ung isa pang founder is hinahanap na. Just another reminder na wag mag iiwan ng funds sa exchanges pag hindi naman ginagamit sa pagttrade. Mga iba kasi ginagawa nilang holding wallet ung exchange.

Topic: United States CFTC Charges BitMEX Owners! https://bitcointalk.org/index.php?topic=5279466

EDIT: Hmm. Binance next? 👀

https://i.imgur.com/XojzYK2.png
https://twitter.com/thecryptomonk/status/1311982879627456513

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Vaculin on October 02, 2020, 12:05:20 PM
It's a safe assumption na karamihan talaga ng exchange e ganyan. Lalo na't ung mga iba e mataas taas ung minimum amounts nila para magrequire ng KYC.

Don't be too comfortable though, eventually may gagawin rin ung mga gobyerno about sa mga no strict KYC exchanges. Ito kagabi lang balita to, inarrest na ung isang co-founder ng BitMEX, tapos ung isa pang founder is hinahanap na. Just another reminder na wag mag iiwan ng funds sa exchanges pag hindi naman ginagamit sa pagttrade. Mga iba kasi ginagawa nilang holding wallet ung exchange.

Topic: United States CFTC Charges BitMEX Owners! https://bitcointalk.org/index.php?topic=5279466

Ngayon ko lang nalaman nag balita na yan, so delikado pala ang Bitmex exchange, naku, napakalaki pa naman ng exchange na yan. Nasa $2 billion ang daily trading volume nila. Kung na charge ang owner, tiyak good bye na yan sa exchange nila dahil diyan rin naman tutungo yan.

Tama ka kabayan, dapat hindi gawing wallet ang online exchange, mahirap na.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: mk4 on October 02, 2020, 12:39:44 PM
Kung na charge ang owner, tiyak good bye na yan sa exchange nila dahil diyan rin naman tutungo yan.

Un lang ang di ko talaga alam. Pero mostly 2 possible scenarios lang naman as far as I know:

1. Kulong ung 2 co-founders, and ma sshut down ung exchange(temporarily or permanently, idk)
2. Pagbabayarin sila ng malaking fine, tapos irerequire sila na higpitan ung KYC

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: AicecreaME on October 02, 2020, 01:51:13 PM
I don't get it, I mean if an exchange doesn't require KYC then they are weak when it comes to security? if that's what your thread means then I disagree.

Kahit merong KYC o wala, that's not enough to conclude that an exchange is weak. KYC is just for verification that all of the users are legits but it could be tampered as well. So having KYC is nonsense as well as not requiring it. I mean we all wanted to earn money and the exchanges as well. Why require KYC if you wanted more clients who doesn't want KYC?

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: bL4nkcode on October 02, 2020, 02:31:28 PM
I don't get it, I mean if an exchange doesn't require KYC then they are weak when it comes to security? if that's what your thread means then I disagree.

[...]
The post is regarding sa weak KYC identification protocols ng mga exchanges hindi yung security by code.

Regarding sa topic, somewhat naniniwala ako dito, nung sa binance, what I input on the form is different sa id na sinubmit ko but then na verified account ko. Different, by means na di kumpleto first name na linagay ko, at ibang address din ang linagay ko di tulad ng nasa id but then na verified, pero don't get me wrong ako pa rin yung nasa ID lol.

Idk if pag nag check sila is iko'compare nila yung nasa form na ininput at ID pero but na verified? So, this research/study is somewhat right if binance is ganyan ang pagcheck ng kyc so how about other exchanges? Baka mas malala pa.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Ezmael Wright on October 03, 2020, 12:23:06 AM
Naniniwala ako diyan, katulad ng kucoin na hack. Ibig sabihin weak yung site nila kaya nananakaw. Ingat din tau at sa mga wallet kung nasaan ang mga hinohold natin. Wag masiyado magpakampante.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Jayrmalakas on October 03, 2020, 04:01:27 AM
totoong halos kalahati ng exchanger ang walang id verification ,mas mabuti ng mas ma promote ang kyc id verification sa mga exchanger ng sa ganon maiwasan ang mga spammers ,fake account at dummy account, kadalasan din dyan nag kakaroon ng mga scams dahil sa walang id verification ang isang exchanger

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: erikoy on October 03, 2020, 05:51:44 AM
Syempre marami ang takot or magamit sa maling paraan ang kanilang Identiy kaya maingat sila na hindi makapag KYC. Anyway, marami naman mga exchanges ngayon at yung iba ay decentralized kaya hindi na kailangan pa ang KYC. Yung iba naman ay gumagamit ng non custodial wallet at saka decentralized exchange para mkapag day trade. Pero sa atin sa Pilipinas meron lang tayo ang centralized exchanged at centralized wallet pa wala tayong hold sa bitcoin natin at anytime pwede ra review ng gobyerno ang holdings ng bawat user sa exchange. Anyway, wala rin naman silang mapapala kung kokonti lang ang bitcoin natin siguro minomonitor lang nila kung sinong users ang malaki ang holdings ng bitcoin at kung paano ito na acquire.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: akirasendo17 on October 03, 2020, 01:23:52 PM
More than half of all crypto exchanges have weak or no ID verification (https://cointelegraph.com/news/more-than-half-of-all-crypto-exchanges-have-weak-or-no-id-verification)
https://images.cointelegraph.com/images/717_aHR0cHM6Ly9zMy5ldS1jZW50cmFsLTEuYW1hem9uYXdzLmNvbS9zMy5jb2ludGVsZWdyYXBoLmNvbS91cGxvYWRzLzIwMjAtMTAvNmYxMDZmNmItODJkMS00NGFmLWFhYTAtNzc4MGU1YTNlOTM5LmpwZw==.jpg

Quote
More than half of all exchanges worldwide have weak KYC identification protocols — with exchanges in Europe, the U.S. and U.K. among the worst offenders, according to a new study by blockchain analysis firm CipherTrace

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
madami talagang mga ganitong exchange, at ito ang madalas na pinapasukan ng mga fake coins or ung mga scam coins tapos exit scam, correct me if mali ako, kaya ako madalas ako magtrade duon sa mga may kyc na exchange, saka mostly yung mga may kyc na exchange pag nahack sila almost all of them naibabalik ung funds mo half or kung hindi man buo, kaya maganda din iyong ganun

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: john1010 on October 04, 2020, 02:28:28 PM
Kaya talagang mapeke lahat, kahit pa yung type ng KYC eh may kasamang video hawak ang ID, dahil pwede namang gawin na kahit yung totoong mukha ng tao ang gamitin eh iba namang identity ang nakalagay sa hawak na ID, let say Driver's license, PRC at iba pa, siguro except passport dahil medyo mahirap mapeke or kung pwede, mahal malamang yan sa recto. Hindi lang sa recto malamang maski sa ibang bansa, dahil sila mas advance mga gamit nila dun at kaya nilang gumawa ng sariling identification using fake ID's, kaya tingin ko may danger din talaga, kaya nasa atin na lang ang pagiingat at pagiimbestiga bago tayo sumugal ng pera.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Twentyonepaylots on October 04, 2020, 08:14:26 PM
Even me, myself I can't imagine how they verify a person through their Identification cards. Parang napakaimposible naman kasing kokonekta pa sila sa Pilipinas or at least ilalakad nila bawat isa to verify na tama nga yung taong nasa ID. Sa tingin basta may mga information na naglalaman ang ID ay kusa na nilang vineverify,

-Name
- Citizenship ( once na makita nila na hindi restricted yung country)
- Birthday pero siguro optional
- Serial number ng ID
- Clarity ng Picture

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Theb on October 04, 2020, 10:37:27 PM
I can't speak for exchanges operating in other countries pero sa Pilipinas naman masasabi naman natin na present naman ang KYC requirements maski sa mga custodial wallet services na meron tayo, makikita ko din sa mga posts sa local boards natin na medyo "strict" sa tingin nila ang mga KYC requirements na meron ang mga services na ito like proof of income to selfies with IDs. If base naman sa mga iba kong nababasa masasabi ko naman na kahit sa USA ay medyo strict pag-dating sa kanilang mga KYC requirements for one they aren't allowing international exchanges to operate in US soil pag wala silang local office dito kaya may period na nawala ang Binance sa USA dahil hindi sila locally registered aside sa ganun makakakita din tayo ng mga balita na ginagamit yung mga crypto exchanges dito to track illegal activities at na-aidentify naman nila yung mga criminal gamit dito which they recently used on the Twitter hack that happened.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: maxreish on October 06, 2020, 02:04:33 AM
Kung WEAKNESS ang pag uusapan. Agree rin ako.
Pwede rin kasing a certain user will create multipe accounts tas gamitin ang KYC ng relatives, etc. At madaming ganyan ang nakakalusot. Dito pa lang sa Pilipinas for example coins.ph, abra. I know someone who are doing this kind of activity. Nakakalusot it's because from their protocols, magpasa ka ng valid ID with selfie and they'll gonna approved it.

However, lately ay medyo nag strict ang coins.ph dahil sa AMLA. Isa ako sa mga inistriktuhan at na hold ang account dahil naghanap pa sila ng other proof of identity and proof of income.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: peter0425 on October 06, 2020, 06:05:08 AM
More than half of all crypto exchanges have weak or no ID verification (https://cointelegraph.com/news/more-than-half-of-all-crypto-exchanges-have-weak-or-no-id-verification)
https://images.cointelegraph.com/images/717_aHR0cHM6Ly9zMy5ldS1jZW50cmFsLTEuYW1hem9uYXdzLmNvbS9zMy5jb2ludGVsZWdyYXBoLmNvbS91cGxvYWRzLzIwMjAtMTAvNmYxMDZmNmItODJkMS00NGFmLWFhYTAtNzc4MGU1YTNlOTM5LmpwZw==.jpg

Quote
More than half of all exchanges worldwide have weak KYC identification protocols — with exchanges in Europe, the U.S. and U.K. among the worst offenders, according to a new study by blockchain analysis firm CipherTrace

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
No doubt na kung ang paguusapan ay security protocols ng Identification maluwang at weak angmga exchange in which di naman natin sila masisisi.
dahil kung magiging strict talaga sila at pagbubutihan ang pagbabantay sa bawat KYC na ipapasa malamang bumaba ang users nila dahil alam naman natin nasa  crypto hanggat makakapag tago ng identity ay gagawin ng bawat isa,
siguro dahil na din sa kanilang seguridad or dahil meron silang gustong itago or pagtakpan.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: ice18 on October 06, 2020, 01:48:24 PM
Mahirap naman talagang ma filter kung fake ba talaga o real ang isang KYC details na pinasa kasi sobrang dami lang naman na edit ngaun id kahit sa isang android app pwede na gawin lalo na kung international users mahirap malaman yan kung fake nga ba kaya dapat mas mag higpit ang mga exchanges pagdating sa KYC dapat irequired nila ung kagaya sa coinsph na selfie or ung video ng sarili mo online habang nagreregister sa exchange kagaya sa UB kapag gagawa ka account kilangan may video ng anggulo ng mukha mo.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: jaypiepie on October 09, 2020, 10:49:28 AM
I don't get it, I mean if an exchange doesn't require KYC then they are weak when it comes to security? if that's what your thread means then I disagree.

Kahit merong KYC o wala, that's not enough to conclude that an exchange is weak. KYC is just for verification that all of the users are legits but it could be tampered as well. So having KYC is nonsense as well as not requiring it. I mean we all wanted to earn money and the exchanges as well. Why require KYC if you wanted more clients who doesn't want KYC?
  ang kyc ay para lamang sa mga exchanger na nangangailangan ng id veification para sa withdrawal pero hindi naman lahat ay may ganitong system sa mga exchanger at hindi din basehan ang kyc para malaman kung weak ang exchanger o hindi naka base padin yan sa mga kilalang exchanger

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Vaculin on October 09, 2020, 12:52:22 PM
Kung na charge ang owner, tiyak good bye na yan sa exchange nila dahil diyan rin naman tutungo yan.

Un lang ang di ko talaga alam. Pero mostly 2 possible scenarios lang naman as far as I know:

1. Kulong ung 2 co-founders, and ma sshut down ung exchange(temporarily or permanently, idk)
2. Pagbabayarin sila ng malaking fine, tapos irerequire sila na higpitan ung KYC

Mas okay na yung fine kaysa ma shut down, for sure kaya naman nilang bayaran ang fine dahil malaki ang revenue na nakukuha nila from their operation, plus these people are early investors of bitcoin, so meron rin silang nakatagong yaman na kayang kuhanin kung kulangin ang pundo ng exchange nila.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: erikoy on October 10, 2020, 07:21:04 AM
Mahirap naman talagang ma filter kung fake ba talaga o real ang isang KYC details na pinasa kasi sobrang dami lang naman na edit ngaun id kahit sa isang android app pwede na gawin lalo na kung international users mahirap malaman yan kung fake nga ba kaya dapat mas mag higpit ang mga exchanges pagdating sa KYC dapat irequired nila ung kagaya sa coinsph na selfie or ung video ng sarili mo online habang nagreregister sa exchange kagaya sa UB kapag gagawa ka account kilangan may video ng anggulo ng mukha mo.
Depende kasi sa mga KYC instruction or anong KYC ang required nila. Meron din naman medyo strikto yung hindi makakalusot gaya na lng ng mg required ng bank statement kung nakita yung address mo or utility bill na pwde pang palit sa bank statement para ma verify nila yung address ng user. Of course kasama na din yung I.D back and front tapos selfie while holding the I.D. Ito yung medyo strikto pero yung ibang KYC nilulusotan lang dahil nga yung iba kumuha lang ng picture pang KYC sa google or saan identity nila nakuha tapos yun na gagamitin at pag na aapprove din naman kaya parang sayang lang yung KYC na ganyan ang requirements. Pero dahil nga importante parin ang Identity natin mas mainam mg join ng exchange na hindi ng rerequire ng KYC at mas maganda rin kung ito ay decentralize para ikaw lang talaga may hawak ng pera mo walang iba. Itong mga decentralized exchange ay gaya ng UNISWAP exchange kung saan maganda din naman syang gamitin.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: bL4nkcode on October 10, 2020, 05:40:19 PM
Kung na charge ang owner, tiyak good bye na yan sa exchange nila dahil diyan rin naman tutungo yan.

Un lang ang di ko talaga alam. Pero mostly 2 possible scenarios lang naman as far as I know:

1. Kulong ung 2 co-founders, and ma sshut down ung exchange(temporarily or permanently, idk)
2. Pagbabayarin sila ng malaking fine, tapos irerequire sila na higpitan ung KYC

Mas okay na yung fine kaysa ma shut down, for sure kaya naman nilang bayaran ang fine dahil malaki ang revenue na nakukuha nila from their operation, plus these people are early investors of bitcoin, so meron rin silang nakatagong yaman na kayang kuhanin kung kulangin ang pundo ng exchange nila.
Yeah malaki nga kita nila but they still failed to comply kahit na mas maliit yung need nila bayaran for compliance ng pag operate sa US market. I really think na malaki chance na i'shutdown ang bitmex hopefully not though or jail time sa co-founders/owners or...

EDIT: BitMEX announces leadership changes after U.S. government charges (https://www.theblockcrypto.com/post/80163/bitmex-announces-leadership-changes-arthur-hayes-no-longer-ceo) Seems bumababa lang yung 4 accused executives.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: pilosopotasyo on October 16, 2020, 01:40:19 PM

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
May mga account ako sa ilang exchange na hindi naman kailangan ng KYC kung ang cashout mo lang naman ay mababa sa 5 Bitcoin or lower at madali lang naman din makakuha ng verification, may kilala ako yung barkada nya ang kumuha ng KYC nyo kapalit ng cash, at tungkol sa verification may mga iba ibang rules yung iba need lang ng passport, at yung iba email at phone verification lang sa level 1

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: cabalism13 on October 17, 2020, 12:50:23 AM
Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
Actually halos lahat naman kayang kaya i-bypass ang KYC atska pani ba natin masasabi na hindi mahina ang security ng KYC? May pamamaraan ba ang ibang kumpanya para ma-identify ang fake ID? Fake Identification?

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Lorence.xD on October 17, 2020, 06:14:20 AM
Hindi naman dapat ganun kaimportante ang KYC para sa akin eh, kung sobrang higpit ng requirements nila edi magiging unfriendly para sa user ung experience nila sa mga site na to. Ang dapat pagtuunan ng mga websites is anti fraud system nila or IP related security. Sinabi na ng ibang nag reply sa post na madaling ma bypass yung KYC so what's the point na pagtitibayin pa yun.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Kong Hey Pakboy on October 17, 2020, 06:15:23 AM
Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
Actually halos lahat naman kayang kaya i-bypass ang KYC atska pani ba natin masasabi na hindi mahina ang security ng KYC? May pamamaraan ba ang ibang kumpanya para ma-identify ang fake ID? Fake Identification?

Tama. Napakadali lamang i-bypass halos lahat ng KYC sa mga exchanges dahil hindi naman gaanong kadali ma-identify ang isang fake ID at hindi rin naman nila malalaman kung ikaw nga ba ang nasa ID. Kaya ang mga iba kong kakilala na nag-crycrypto din na nasa menor de edad at wala pang valid ID, ang ginagawa nila ay nanghihiram ng ID sa kanilang magulang o sa mga kakilala nilang may valid ID.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: peter0425 on October 17, 2020, 10:30:53 AM

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
May mga account ako sa ilang exchange na hindi naman kailangan ng KYC kung ang cashout mo lang naman ay mababa sa 5 Bitcoin or lower at madali lang naman din makakuha ng verification, may kilala ako yung barkada nya ang kumuha ng KYC nyo kapalit ng cash, at tungkol sa verification may mga iba ibang rules yung iba need lang ng passport, at yung iba email at phone verification lang sa level 1
May mga ilan din akong alam na ganyan mula ng naging issue yang KYC na yan,though para sakin?nakakatakot na mag fake gn KYC dahil paano kung isang araw ay swertehin tayo at yong holdings natin ay biglang mag mooning?
magiging issue pa yang pag withdraw at baka ma freeze pa accounts natin.
i think wala ng mas maganda pa sa maging totoo at wag nalang gumamit gn exchange na amy KYC kung aya nating mag provide.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: k@suy on October 17, 2020, 03:46:47 PM

Yon nadale mo kabayan. Tama maraming circumstances ang pwede mangyare kapag gumamit tayo ng fake na id para sa KYC. Imbis na mapabuti ang lagay natin ay lalo pa tayong mapapasama lalo na kapag nahold ang account at pera natin. Sabi mo nga mas mabuti maging totoo para makaiwas sa sigalot in the mere future. Tsaka bawas isipin na rin. Gusto mo nga maging anonymous kaya ka gagamit ng fake ID pero ikaw rin mahihirapan kapag nagkaproblema.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Asuspawer09 on October 17, 2020, 06:05:43 PM

Maraming mga users ang mas preferred ang exchanger na walang KYC para maprotektahan ang kaninang sariling data.

Siguro nagadjust na din ang maraming exchanger at naging normal na din ang hindi requirement ang KYC sa mga exchanges, lalo na din kung maliliit na transaction lang naman ang iyong ginagawa madalas hindi na nirerequired ito.

Sa tingin ko malaki ang tulong ng KYC pagdating sa security ng mga users kung mapagkakatiwalaan ang website or exchanger dahil na rin mamomonitor nila ang mga gumagawa ng transactions sa kanilang platform incase magkaroon ng problema or magkaroo ng hacking madali nila itong matatrace. Im not sure if magagawa nilang mafake ang IDs.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: crzy on October 17, 2020, 10:24:13 PM
Hindi naman dapat ganun kaimportante ang KYC para sa akin eh, kung sobrang higpit ng requirements nila edi magiging unfriendly para sa user ung experience nila sa mga site na to. Ang dapat pagtuunan ng mga websites is anti fraud system nila or IP related security. Sinabi na ng ibang nag reply sa post na madaling ma bypass yung KYC so what's the point na pagtitibayin pa yun.
Tama, madali lang den talaga madaya ang KYC na yan kaya hinde dapat nagrerelay yung exchanges dyan 100% and kung mahina talaga ang security system nila, KYC wont help them because hackers will always find its way para mahack ang exchange. Tignan naten si Binance, kahit na hinde required ang KYC ay maganda paren ang services na inooffer nila and that’s the example of being a great exchange without forcing the users to give their information.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: k@suy on October 29, 2020, 01:10:59 PM

I agree kabayan kaya nga mas maraming kriminal na ngayon ang gumagamit ng crypto currency sa kanilang nga masasama at ilegal na gawain kasi kayang kaya nilang dayain ang KYC sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng pangalan at mga detalye gayun din naman ang pekeng Id kaya hindi ito napapansin kaagad ng sistem nila dahil sobrang pulido ng pagkakagawa at talaga namang plano.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: john1010 on November 02, 2020, 04:04:08 AM
Unang una, ang pinaka nagustuhan kong features ng blockchain technology ang offer nito na anonymity, ibig sabihin kapag gagamit ka nito ay maitatago ang iyong identity, kaya anong sense ng mga exchange site na need pa ng KYC and what for we are using btc and it's technology.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: finaleshot2016 on November 02, 2020, 08:49:26 AM
Unang una, ang pinaka nagustuhan kong features ng blockchain technology ang offer nito na anonymity, ibig sabihin kapag gagamit ka nito ay maitatago ang iyong identity, kaya anong sense ng mga exchange site na need pa ng KYC and what for we are using btc and it's technology.
Dumadami din kasi ang mga kriminal na gumagamit ng cryptocurrency kaya karamihan ng exchange ngayon is gumagamit ng cryptocurrency. Madaming scam giveaways ngayon at katulad nalang don sa mga hackers na nanghahack ng popular youtube channels para lang magpromote at kumita ng bounty. Isa sila sa mga dahilan kung bakit sinesecure din ng isang exchange site yung platform nila.

Na-notice ko din na maraming gumagawa ng fake ID para sa KYC na ito, experts na gumawa ng mga ID kaya hindi sila nababahala kung may KYC man o wala.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Peanutswar on November 02, 2020, 09:29:54 AM
Well mostly naman na exchange na encounter natin even sa gambling ay does not require too much KYC mostly nga kahit username lang ibigay mo sa kanila ok lang at kahit walang tunay na email but if you are one of the big timer sa larangan ng mga yan doon lamang sila hihingi ng KYC because they need to record those people na nagkakaroon ng transaction na malalaki to prevent having issues with their large amount of transactions. But if you are a small time lang naman doesnt need naman mag bigay ng information for KYC.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: john1010 on November 03, 2020, 01:55:34 PM
Unang una, ang pinaka nagustuhan kong features ng blockchain technology ang offer nito na anonymity, ibig sabihin kapag gagamit ka nito ay maitatago ang iyong identity, kaya anong sense ng mga exchange site na need pa ng KYC and what for we are using btc and it's technology.
Dumadami din kasi ang mga kriminal na gumagamit ng cryptocurrency kaya karamihan ng exchange ngayon is gumagamit ng cryptocurrency. Madaming scam giveaways ngayon at katulad nalang don sa mga hackers na nanghahack ng popular youtube channels para lang magpromote at kumita ng bounty. Isa sila sa mga dahilan kung bakit sinesecure din ng isang exchange site yung platform nila.

Na-notice ko din na maraming gumagawa ng fake ID para sa KYC na ito, experts na gumawa ng mga ID kaya hindi sila nababahala kung may KYC man o wala.

May point ka dyan paps, kaya lang din rin natin maitatago na ang talagang core purpose ng cryptocurrency and the blockchain technology is to promote decentralize transaction at kasama na rin dito ang maprotektahan ang privacy ng gagamit nito.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: peter0425 on November 04, 2020, 05:50:16 AM

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
May mga account ako sa ilang exchange na hindi naman kailangan ng KYC kung ang cashout mo lang naman ay mababa sa 5 Bitcoin or lower at madali lang naman din makakuha ng verification, may kilala ako yung barkada nya ang kumuha ng KYC nyo kapalit ng cash, at tungkol sa verification may mga iba ibang rules yung iba need lang ng passport, at yung iba email at phone verification lang sa level 1
May mga ilan din akong alam na ganyan mula ng naging issue yang KYC na yan,though para sakin?nakakatakot na mag fake gn KYC dahil paano kung isang araw ay swertehin tayo at yong holdings natin ay biglang mag mooning?
magiging issue pa yang pag withdraw at baka ma freeze pa accounts natin.
i think wala ng mas maganda pa sa maging totoo at wag nalang gumamit gn exchange na amy KYC kung aya nating mag provide.
Yon nadale mo kabayan. Tama maraming circumstances ang pwede mangyare kapag gumamit tayo ng fake na id para sa KYC. Imbis na mapabuti ang lagay natin ay lalo pa tayong mapapasama lalo na kapag nahold ang account at pera natin. Sabi mo nga mas mabuti maging totoo para makaiwas sa sigalot in the mere future. Tsaka bawas isipin na rin. Gusto mo nga maging anonymous kaya ka gagamit ng fake ID pero ikaw rin mahihirapan kapag nagkaproblema.
Yong karamihan kasi nakatingin lang sa short term issues di nila inaanticipate yong pwedeng mangyari sa malakihang pananaw.

bakit kailangan Mag fake ng KYC kung di mo talaga gusto eh di wag ka nalang gumamit ng exchange na yon.simple lang dba para ligtas sa aberya sa mga susunod na panahon.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: mk4 on November 04, 2020, 06:24:20 AM
Unang una, ang pinaka nagustuhan kong features ng blockchain technology ang offer nito na anonymity, ibig sabihin kapag gagamit ka nito ay maitatago ang iyong identity, kaya anong sense ng mga exchange site na need pa ng KYC and what for we are using btc and it's technology.

Hindi anonymous ang bitcoin though. Once na nagsend ka ng BTC mo sa isang KYC exchange, pretty much affiliated na sayo ung address ginamit mo, and ung previous transactions na ginawa mo. Since obviously, completely public ang ledger ng Bitcoin.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: NavI_027 on November 05, 2020, 01:10:46 PM
bakit kailangan Mag fake ng KYC kung di mo talaga gusto eh di wag ka nalang gumamit ng exchange na yon.simple lang dba para ligtas sa aberya sa mga susunod na panahon.
Yup! Pero sa panahon ngayon mahirap na humanap ng magandang exchange na di talaga humahanap ng kahit anong form ng KYC. Of course it's their own way of protecting their business against abusive users. Kung tutuusin wala namang masama mag comply sa KYC as long as reputable and legut yung pagbibigyan mo. I presume lahat ng members dito ay merin coins.ph account, so what's the difference on others?
[snip]

Hindi anonymous ang bitcoin though. Once na nagsend ka ng BTC mo sa isang KYC exchange, pretty much affiliated na sayo ung address ginamit mo, and ung previous transactions na ginawa mo. Since obviously, completely public ang ledger ng Bitcoin.
@john1010 ~ In short, bitcoin is pseudonymous (https://www.google.com/amp/s/www.elliptic.co/blog/bitcoin-transactions-money-laundering%3fhs_amp=true) ;).

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: bL4nkcode on November 05, 2020, 04:28:25 PM
bakit kailangan Mag fake ng KYC kung di mo talaga gusto eh di wag ka nalang gumamit ng exchange na yon.simple lang dba para ligtas sa aberya sa mga susunod na panahon.
Yup! Pero sa panahon ngayon mahirap na humanap ng magandang exchange na di talaga humahanap ng kahit anong form ng KYC. Of course it's their own way of protecting their business against abusive users. Kung tutuusin wala namang masama mag comply sa KYC as long as reputable and legut yung pagbibigyan mo. I presume lahat ng members dito ay merin coins.ph account, so what's the difference on others?
Meron kaseng users na pili lang mag bigay ng personal information nila regarding sa KYC. Not because na nag comply ka sa specific "legit" exchange ng kyc eh hindi ka na mag dadalawang isip na mag comply sa ibang "legit" exchanges na mag apply ng kyc requirements nila for the reason gagamit ka ng website nila para mag trade or so.

Wag nating kalimutang almost lahat ng exchanges ay na breached na, wala mang nawalang pera sa account mo, don't forget na your personal info ay may halaga. That's why  daming identity fraud sa crypto, from kyc sa mga ICO, custodial wallets, and sa mga exchanges, minsan pa sa mga shops like nung case ng ledger. Kaya yung iba is gumagamit na lang ng fake KYC docs dahil nga sa kadahilanan na maging victim ng identity frauds, pero sympre daming cons ng pag gamit ng fake kyc docs so diskarte na nila yun para isolve yung case nila.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Cling18 on November 11, 2020, 06:49:57 PM
Oo naniniwala ako at hindi rin nakapagtataka na mas kinukunsidera ng mas nakararami ito dahil sa takot na ring manakaw ang pagkakakilanlan nila. Pero sa kabila nito, kaakibat din ang risk na weak ang security protection ng isang exchange at maaaring madali lang rin itong mapasok ng mga hackers. Kung nais nating makasiguro, mas mabuting magtiwala na lang muna tayo sa trusted at reputable exchange.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: john1010 on November 14, 2020, 04:50:44 PM
Ano na nga lang ang papel ng anonymity ng btc sa mga gumagamit nito kung sa ngayon ay mga centralize exchange eh kaya naman palang icontrol at imanipulate ang features ng Bitcoin. Kaya nga dapat na magamit ng husto ng mga crypto exchange na ito ang offer na technology ng blockchain ng sa ganun kahit walang KYC eh maprotektahan pa rin nila ang kanilang sistema laban sa mga taong mapagsamantala.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: peter0425 on November 15, 2020, 03:15:35 AM
bakit kailangan Mag fake ng KYC kung di mo talaga gusto eh di wag ka nalang gumamit ng exchange na yon.simple lang dba para ligtas sa aberya sa mga susunod na panahon.
Yup! Pero sa panahon ngayon mahirap na humanap ng magandang exchange na di talaga humahanap ng kahit anong form ng KYC. Of course it's their own way of protecting their business against abusive users. Kung tutuusin wala namang masama mag comply sa KYC as long as reputable and legut yung pagbibigyan mo. I presume lahat ng members dito ay merin coins.ph account, so what's the difference on others?

Yeah wala naman problema sa pag gamit or pagbibigay ng KYC lalo na kung legit ang site kabayan dahil unang una hindi lang yan sa protection ng Company pero pati na din nating mga Users.

Ang sakin lang yong mga ayaw ng KYC wag sila gumamit ng exchange na may KYC requirements kaso nga lang malamang mga Scam site ang mapapala nila hehehe.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Adreman23 on November 15, 2020, 04:15:29 AM
Ang alam ko sa coins ph yung ID at pagse selfie verified  ay gamit na ay video, evivideo yung sarili hawak ang id pero maikli lang. dati kasi picture lang which is napakadaling mapeke. Pero dito sa video ay mahirap ng mapeke dahil wala namang option na upload file, isa lang ang option yun ay eopen ang camera at evideo ang sarili. Dapat ganito rin sa ibang sikat na centralize exchanges kapag mag submit ng kyc para hindi sila pag initan ng gobyerno. Baka kasi magamit yung mga exchange na yan na hindi naghihigpit sa kyc sa money laundering, pagpi finance sa mga terorism at iba pang mga fraud activities.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: manfredmann on November 16, 2020, 12:38:36 AM
hindi dahil kung totoo man yan e di sana wala na yung mga pera sa mga exchanges kung ito ay na hack na. Kadalasan kasi sa mga nababalita na hack ay yung nga crypto holders na hindi marunong mag double check sa mga sites na binibisita nila. Marami kasi ngayon ang phishing sites kaya dahil dito marami ang na scam at nahack na mga crypto wallet. Kaya sa mga kababayan natin mas mainam kung tayo ay mag ingat palagi sa mga sites na binibisita at sa pagdownload ng mga hinihinalang malware.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Adreman23 on November 16, 2020, 12:58:12 AM
hindi dahil kung totoo man yan e di sana wala na yung mga pera sa mga exchanges kung ito ay na hack na. Kadalasan kasi sa mga nababalita na hack ay yung nga crypto holders na hindi marunong mag double check sa mga sites na binibisita nila. Marami kasi ngayon ang phishing sites kaya dahil dito marami ang na scam at nahack na mga crypto wallet. Kaya sa mga kababayan natin mas mainam kung tayo ay mag ingat palagi sa mga sites na binibisita at sa pagdownload ng mga hinihinalang malware.
Anong ibig mong sabihin kaibigan napakalayo yata ng iyong sagot sa thread topic na eto. Eto ay tungkol sa KYC ng mga exchanges at hindi sa phishing sites siguro ay namali ka lang ng reply. 😌

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: Astvile on November 16, 2020, 07:45:37 AM

Sa akin lang naniniwala ako dito dahil napakadaling gumawa ng account sa mga sikat na exchanges gaya ng Binance dahil pwede namang walang KYC or yung iba gumagamit ng fake ID para lang ma approve ang KYC nila.
May mga account ako sa ilang exchange na hindi naman kailangan ng KYC kung ang cashout mo lang naman ay mababa sa 5 Bitcoin or lower at madali lang naman din makakuha ng verification, may kilala ako yung barkada nya ang kumuha ng KYC nyo kapalit ng cash, at tungkol sa verification may mga iba ibang rules yung iba need lang ng passport, at yung iba email at phone verification lang sa level 1
May mga ilan din akong alam na ganyan mula ng naging issue yang KYC na yan,though para sakin?nakakatakot na mag fake gn KYC dahil paano kung isang araw ay swertehin tayo at yong holdings natin ay biglang mag mooning?
magiging issue pa yang pag withdraw at baka ma freeze pa accounts natin.
i think wala ng mas maganda pa sa maging totoo at wag nalang gumamit gn exchange na amy KYC kung aya nating mag provide.
+1 para dito.
Ang laking tulong ng KYC and naexperience ko na yun kung gano kaimportante ang KYC. Napakalaking tulong nung KYC na ginawa mo sa pagsali mo sa website dahil kapag nagkaproblema ka madaling magawan ng paraan yung account mo.
Wala masama sa pagsubmit ng KYC as long as yung pinagsusubmitan mo is mapagkakatiwalaan or big name na sa crypto world.

Title: Re: Naniniwala ba kayo dito?
Post by: cuteness on November 20, 2020, 10:21:39 PM
sa ngayon o noon kahit gaano pa kasikat ang exchange. wag na wag talaga magtitiwala mag iwan ng coins na i hohold. napnsin ko noon maraming exchanger ang bigla na lang nalang nag lalaho. or kung hindi naman nagkakaroon ng pag hahack sa system nila. about sa KYC naman halos lahat ng exchanger talagang nag ve verify sila ng mga customer may isang exchanger ako na ginawan lang ng dummy pero pasok pa din kahit iba ang idnumber at di tugma ang pangalan. kaya hanggat maari mag trade lang at kung may kakayahan namang bumili ng hot wallet like ledger or keepkey mas maiging dito i hold ang mga crypto.