Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Wapfika on June 05, 2023, 03:37:49 PM

Title: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Wapfika on June 05, 2023, 03:37:49 PM
Breaking news ito dahil panibagong kaso nanaman ang kakaharapin ng Binance dahil nagsampa ng kaso ang SEC sa knila habang may pending case pa na galing naman sa CFTF(Commodity Future Trading Commission).

Pero sa kabila nito ay nag tweet nanaman si CZ ng "4" na ibig sabihin ay FUD news lang ito. Nangangamba lang ako dahil sobrang hirap kalabanin ng US government at ang tanging dahilan na lamang kaya hindi nagcocollapse ang Binance hanggang ngayon ay dahil sobrang daming blind follower at paid shiller ng Binance. Nakakatakot lang isipin kung ano ang mangyayari once na lumabas ang transparent report ng Binance. Sure naman na may shady transaction na ginagawa si CZ dahils sobrang daming malicious pump and dump token na involved sya.

Source: https://www.coindesk.com/policy/2023/06/05/sec-sues-crypto-exchange-binance-ceo-changpeng-zhao/?utm_campaign=coindesk_main&utm_term=organic&utm_source=twitter&utm_content=editorial&utm_medium=social

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binace at CZ
Post by: mk4 on June 05, 2023, 03:59:10 PM
Though nag "4" nanaman si CZ, wala pa siyang specific comment kung FUD to o hindi, since hindi pa daw nya nababasa ung report.

Quote
4.

Our team is all standing by, ensuring systems are stable, including withdrawals, and deposits.

We will issue a response once we see the complaint. Haven't seen it yet. Media gets the info before we do.

🙏

https://twitter.com/cz_binance/status/1665742100845961217

One thing's for sure, kaso ito, and wag nating kalimutan na sobrang laki ng warchest ng Binance.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: malcovi2 on June 05, 2023, 04:20:01 PM
Hindi na din ko nag iimbak ng coins sa Binance dahil unti-unting na ban sila ng iba't-ibang countries.
Inaantay ko nalang kung susunod ang Pilipinas sa pag restrict kay Binance dahil wala pa naman itong license to operate.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binace at CZ
Post by: dimonstration on June 05, 2023, 06:08:19 PM
Though nag "4" nanaman si CZ, wala pa siyang specific comment kung FUD to o hindi, since hindi pa daw nya nababasa ung report.

Quote
4.

Our team is all standing by, ensuring systems are stable, including withdrawals, and deposits.

We will issue a response once we see the complaint. Haven't seen it yet. Media gets the info before we do.

🙏

https://twitter.com/cz_binance/status/1665742100845961217

One thing's for sure, kaso ito, and wag nating kalimutan na sobrang laki ng warchest ng Binance.

Anticipated na talaga ito ni CZ simula ng pinausa nya yang 4 sa twitter para hindi maniwala ang mga supportter nya kahit na may real threat sa exchange nya. Sa sobrang mind conditioning ay halos hindi na open sa mga news ang mga crypto followers nya habang sya ay lumalaban sa SEC at CFTC gamit ang malaking pondo nya galing sa mga investors at holders.

Sobrang pangit lang ng timing ng issue na ito dahil nag struggle na ang Bitcoin price ng tumama ang bad news kaya sobrang laki ng impact sa price. Sana ay maghold ang 25K support para hindi magslide ang price ni Bitcoin.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: bhadz on June 05, 2023, 10:56:45 PM
Ito pala dahilan kaya bumaba ang Bitcoin at bakit hindi nalang i-settle muna ni CZ lahat ng cases niya at pinapatagal pa. May proseso naman yan pero parang tinatalunan niya yung mga kasong binabato sa kanya kung may pending case pa siya. Yung mga ibang followers niya parang pinupuri pa siya. Meron akong pondo sa binance pero ayaw ko ng mga ganitong balita, nakakapanic. Haha.

Sobrang pangit lang ng timing ng issue na ito dahil nag struggle na ang Bitcoin price ng tumama ang bad news kaya sobrang laki ng impact sa price. Sana ay maghold ang 25K support para hindi magslide ang price ni Bitcoin.
Sana nga hanggang 25k lang yan tapos yan na pinaka support bago ang recovery hanggang sa magbull run.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: peter0425 on June 06, 2023, 01:27:20 AM
Hindi na din ko nag iimbak ng coins sa Binance dahil unti-unting na ban sila ng iba't-ibang countries.
Inaantay ko nalang kung susunod ang Pilipinas sa pag restrict kay Binance dahil wala pa naman itong license to operate.
actually and magiging malaking effect lang naman nito sating mga Pinoy eh yong pag gamit natin ng P2P in which anlaking pabor instead na gumamit tayo ng Coins.ph or ibang local exchange .
kaya sana wag sumunod ang pinas sa pag restrict ng Binance dahil di man tayo nag iimbak ng funds sa loob ng exchange eh yong tulong nito ang mas maapektuhan.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: bisdak40 on June 06, 2023, 08:51:52 AM

Buti nalang at may Gcash na mapuntahan tayo kung sakaling man na ma-ban yong Binance sa Pilipinas pero laking dagok siguro to sa cryptocurrency kapag maipasara ng US SEC yong yong Binance dahil sila yong pinakamalaking crypto exchange na nalalaman ko kaya bulusok pababa yong BTC at ibang crypto kung nagkataon, sana naman hindi.

Sa kabilang banda naman siguro ay hindi basta-basta titiklop tong Binance sa kaso kasi ang yaman naman siguro ng may-ari nito kaya gagawin nya lahat para manalo.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: arwin100 on June 06, 2023, 10:18:01 AM

Sobrang laking epekto nito since binance ang pinaka malaking exchange sa merkado at for sure malaking dagok ito sa presyo ng bitcoin since malaking dump ang magaganap. Although mayron pa namang alternatives pero mahirap parin mapantayan ng ibang exchange ang serbisyong naibibigay ng binance.

May malaking pundo ang binance kaya for sure kaya nilang depensahan sarili nila kaya antabay nalanh tayo sa susunod na updates nyan dahil for sure gagamitin ng manipulators ang balitang ito upang mapabagsak pa nila lalo ang presyo ng bitcoin.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Wapfika on June 06, 2023, 12:53:47 PM
Just-in: Coinbase naman ang kinasuhan ng SEC ngayon lang dahil daw nag offer sila ng unregistered securities. Halos same case lang ito sa Binance. Massive crackdown ang ginagagawa ng SEC ngayon at mukhang mapapalaban talaga ang mga crypto company sa case na ito.

Desidido talaga ang SEC na ipush ang crackdown sa mga exchange na nkikinabang sa US market.

https://cointelegraph.com/news/sec-sues-coinbase-crypto-exchange

Isang thread nalang dahil halos same topic lang naman ito.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Johnyz on June 06, 2023, 09:35:00 PM
No wonder why, they are trying to destabilized Cryptomarket onces again so they regain their power again over the people. I know this companies can survive the case over SEC, this is just their tactic not to make crypto legal.

Well, let’s buy the news and not to panic, cheaper good coins are coming, bette na magready at syempre wag basta basta maniniwala sa FUD. :)

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: rhomelmabini on June 06, 2023, 09:49:12 PM
I think matatalo yung SEC rito may napanood pa nga ako sa YouTube sa isang former SEC trial Counsel na isa raw itong Legislative Failure na ginawa ng SEC1. Ngayon inatake na naman nila yung Coinbase na matatandaan natin na nag counter ito noong una ng magfile ng lawsuit laban sa SEC. Kaya nga trending na ito'y laban daw ng karamihan kontra SEC lalo na sa twitter.

1: https://youtu.be/dZ1M4uVC-Fg

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 06, 2023, 10:09:26 PM
Just-in: Coinbase naman ang kinasuhan ng SEC ngayon lang dahil daw nag offer sila ng unregistered securities. Halos same case lang ito sa Binance. Massive crackdown ang ginagagawa ng SEC ngayon at mukhang mapapalaban talaga ang mga crypto company sa case na ito.

Desidido talaga ang SEC na ipush ang crackdown sa mga exchange na nkikinabang sa US market.

https://cointelegraph.com/news/sec-sues-coinbase-crypto-exchange

Isang thread nalang dahil halos same topic lang naman ito.
Mukhang merong something sa likod nitong mga lawsuit na pinaggagawa ng SEC. Cracking down nga ang ginagawa nila at baka may malalim pang dahilan kung bakit nila ginagawa yan. Sariling kanila naman ang Coinbase at parang tinataboy na nga nila yung ibang kakumpitensya nyan dahil nga sa laki ng market na meron ang US pero sa ginagawa naman ng SEC parang walang sinasanto at halos lahat tinatarget nila na umalis nalang sa kanila ha.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: jeraldskie11 on June 07, 2023, 06:25:48 AM

Sa tingin ko ay isa pa rin itong paraan ng pagmamanipula sa market. Kasi kung tutuusin hindi na talaga bago sa Binance ang ganyan mga pangyayari. Sa recent weeks base sa chart kahit may sign of bullishness na ang market pero parang galawan ng market ay pangbearish, daming consolidations. Kung sakaling magkakatotoo talaga ang mga inaakusa sa Binance, siguradong babagsak ang presyo ng lahat ng cryptocurrency pero naniniwala ako na hindi papayag ang mga investors dito lalong-lalo na yung mga nakabili sa near ATH kasi lalo silang malulugi.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: benalexis12 on June 07, 2023, 12:43:55 PM
Pagkatapos ng lawsuit sa binance lumipas lang ang isang araw coinbase naman ang tinira, kung ano yung rason ay halos kaparehas lang sa Binance ang ginawa ng SEC sa Coinbase. Na yung halos mga top crypto para Sec ay mga securities daw. Ewan ko ba dito sa Sec kung titignan mo parang hinaharas nila ang mga crypto exchange sa teritoryo nila. Malamang sa kalaunan nyan, maghanap nalang ng ibang lugar na bansa ang Binance at dun sila magtayo ng panibagong opisina nila, dahil ang coinbase sa pagkaalam ko lilipat nalang sila sa Canada ata na mas magaan ang regualtion tungkol sa mga crypto exchange. Dyan kasi sa US parang hindi welcome ang crypto exchange dahil pinagyayabang nila na meron silang digital currency, baon na nga sila sa utang sobrang yabang pa.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Asuspawer09 on June 07, 2023, 05:47:49 PM
Marami naman talagang mga suspicious na transaction na envolved ang Binance lalo na sa mga pumps na token for sure maraming manipulation na nangyayare kahit naman sa ibang mga bansa ay marami talagang issues ang mga exchangers,wallets etc. kaya ang maganda talagang gawin ay wag masyadong magtiwala sa mga centralized platform lalo na sa cryptocurrency. Masokey if masasabayan mo ang mga galaw sa market pero iwasan talaga ang pagiinvest at paggamit sa mga centralized platform bilang main wallet na maglalagay ka ng malalaking amounts for long term investments. Sa dami ng ganitong cases sa ibang bansa hindi na mabilang sa ibang ibang mga exchanges, sobrang risky lang talaga ng cryptocurrency as a investment kahit ang mga exchanger ay mayroong mataas na risk na maluge everytime na mayroon malaking paggalaw ng presyo.

Hahaba ng hahaba for sure itong case na ito ng Sec I mean ganun naman palagi din may mga kaso na hindi magtutuloy din after ilang months may bagong kaso nanaman na ibabato itong SEC for sure.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 07, 2023, 09:17:19 PM
Just-in: Coinbase naman ang kinasuhan ng SEC ngayon lang dahil daw nag offer sila ng unregistered securities. Halos same case lang ito sa Binance. Massive crackdown ang ginagagawa ng SEC ngayon at mukhang mapapalaban talaga ang mga crypto company sa case na ito.

Desidido talaga ang SEC na ipush ang crackdown sa mga exchange na nkikinabang sa US market.

https://cointelegraph.com/news/sec-sues-coinbase-crypto-exchange

Isang thread nalang dahil halos same topic lang naman ito.
Mukhang merong something sa likod nitong mga lawsuit na pinaggagawa ng SEC. Cracking down nga ang ginagawa nila at baka may malalim pang dahilan kung bakit nila ginagawa yan. Sariling kanila naman ang Coinbase at parang tinataboy na nga nila yung ibang kakumpitensya nyan dahil nga sa laki ng market na meron ang US pero sa ginagawa naman ng SEC parang walang sinasanto at halos lahat tinatarget nila na umalis nalang sa kanila ha.
Sa tingin ko ay isa pa rin itong paraan ng pagmamanipula sa market. Kasi kung tutuusin hindi na talaga bago sa Binance ang ganyan mga pangyayari. Sa recent weeks base sa chart kahit may sign of bullishness na ang market pero parang galawan ng market ay pangbearish, daming consolidations. Kung sakaling magkakatotoo talaga ang mga inaakusa sa Binance, siguradong babagsak ang presyo ng lahat ng cryptocurrency pero naniniwala ako na hindi papayag ang mga investors dito lalong-lalo na yung mga nakabili sa near ATH kasi lalo silang malulugi.
Ibig sabihin, apektado pa rin ang market ng mga fundamentals at mga balita na nagaganap sa market. Kitang kita natin yung direct impact nitong balita na ito at mukhang magtutuloy tuloy pa. Kahit na hindi pumayag mga investors, wala naman silang magagawa na dahil kung babagsak ang market, babagsak yan. At no choice sila kundi maghintay lang ulit na mag bull run kung nakabili man sila nung ATH pa.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: arwin100 on June 07, 2023, 10:05:57 PM

Expected naman to na mangyayari since napaka laking exchange ni Binance at dahil nga napaka alerting ng news for sure marami ang mag uunahan makapag benta kung matatalo sila totally sa kasong ito. Kitang kita natin ang epekto nito dahil dagdag ito sa bad sentiments ng mga tao at makaka epekto ito sa desisyon ng iba na bumili or mag hold since may ongoing crisis na nangyayari sa top exchange at presyo ng bitcoin.

Siguro mainam na maghintay sa susunod na mangyayari at makiramdam sa balita para maka kung idea kung ano ang susunod na posibleng kaganapan.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: Baofeng on June 07, 2023, 11:05:49 PM
Hindi na din ko nag iimbak ng coins sa Binance dahil unti-unting na ban sila ng iba't-ibang countries.
Inaantay ko nalang kung susunod ang Pilipinas sa pag restrict kay Binance dahil wala pa naman itong license to operate.
actually and magiging malaking effect lang naman nito sating mga Pinoy eh yong pag gamit natin ng P2P in which anlaking pabor instead na gumamit tayo ng Coins.ph or ibang local exchange .
kaya sana wag sumunod ang pinas sa pag restrict ng Binance dahil di man tayo nag iimbak ng funds sa loob ng exchange eh yong tulong nito ang mas maapektuhan.

Kung hindi ako nagkakamali, Binance.US yata ang tinitira ng SEC, so walang direktang effect to sa P2P trading nating mga pinoy kasi sa Binance.com naman tayo nag tra-trade. Pero wala naman masama kung withdraw natin ang pera natin dahil sa  balitang ito.

So far naman maluwag ang gobyerno natin, pero binalaan na nila ang Binance dati, hindi dahil sa mga offering nitong mga securities, kundi sa unlicensed crypto solicitation,

Quote
On Aug 4, the SEC singled out the Binance crypto exchange and warned local investors to not use the crypto trading platform. According to the SEC, the exchange is not licensed to solicit investments. Despite this, the exchange remained positive that they will be able to penetrate the country.

On Aug. 19, the Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), the country’s central bank, issued a similar warning to local investors. The BSP urged Filipino citizens to refrain from using foreign virtual asset service providers that are not registered locally and are based abroad. According to the central bank, it would be difficult to enforce any consumer protection mechanisms and legal recourse when dealing with such businesses.

https://www.binance.com/en/feed/post/137275

So presyo naman, pag labas ng balita eh biglang bagsak sa $25k, pero wala pang 24 oras na eh pumalo sa $27k mahigit, so dalawa lang yan, either manipulation, or hindi nababahalata ang mga investors.

Ngayon bagsak ulit sa $26,200, so most likely baka may nakaganap na mani obra ay short selling ng mga speculators para kumita dahil sa hinding magandang balita na to.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: serjent05 on June 07, 2023, 11:24:14 PM
Kung sakali man magfine lang naman ang Binance which is kayang kaya namn ni CZ yan.  Sa tingin ko kung Binance US lang ang targe t ng SEC, malamang hindi maapektohan ang Binance.com.  At isa pa, hindi naman sakop SEC ang lahhat ng bansa, so more or less sa US lang mapaparalyze ang operation ng Binance at magiging patuloy pa rin ito sa pagoperate at pagbibigay ng serbisyo across the globe.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: blockman on June 08, 2023, 01:12:17 AM
Kung sakali man magfine lang naman ang Binance which is kayang kaya namn ni CZ yan.  Sa tingin ko kung Binance US lang ang targe t ng SEC, malamang hindi maapektohan ang Binance.com.  At isa pa, hindi naman sakop SEC ang lahhat ng bansa, so more or less sa US lang mapaparalyze ang operation ng Binance at magiging patuloy pa rin ito sa pagoperate at pagbibigay ng serbisyo across the globe.
Oo nga parang Binance US lang ang may suit pero kahit na ganyan man yung media kasi pinapalawak na parang buong operations ng Binance ang may problema. Ang pagkakaalam ko parang matagal na yang iniwan ng Binance.US yung operations nila sa USA kasi nga dahil sa higpit ng mga regulations.

So far naman maluwag ang gobyerno natin, pero binalaan na nila ang Binance dati, hindi dahil sa mga offering nitong mga securities, kundi sa unlicensed crypto solicitation,
Kaya nakailang balik si CZ dito sa bansa natin dahil pabor din naman sa bansa natin kapag nag operate sila dito kasi malaki laking tax din ang makukuha nila sa Binance.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 08, 2023, 01:29:43 PM
Ibig sabihin, apektado pa rin ang market ng mga fundamentals at mga balita na nagaganap sa market. Kitang kita natin yung direct impact nitong balita na ito at mukhang magtutuloy tuloy pa. Kahit na hindi pumayag mga investors, wala naman silang magagawa na dahil kung babagsak ang market, babagsak yan. At no choice sila kundi maghintay lang ulit na mag bull run kung nakabili man sila nung ATH pa.

Expected naman to na mangyayari since napaka laking exchange ni Binance at dahil nga napaka alerting ng news for sure marami ang mag uunahan makapag benta kung matatalo sila totally sa kasong ito. Kitang kita natin ang epekto nito dahil dagdag ito sa bad sentiments ng mga tao at makaka epekto ito sa desisyon ng iba na bumili or mag hold since may ongoing crisis na nangyayari sa top exchange at presyo ng bitcoin.

Siguro mainam na maghintay sa susunod na mangyayari at makiramdam sa balita para maka kung idea kung ano ang susunod na posibleng kaganapan.
Sa ngayon mukhang bumabawi naman ang market at kahit na ganoon yung mga balita na lumalabas, nagiging matatag pa rin naman ang market. Ang dami ng mga balita na mas matindi pa dito lalo na yung sa FTX at Luna pero matatag pa rin naman ang market.
Baka mas dadami pa yang mga exchanges na kakasuhan ng SEC sa US dahil nga sa mga tokens securities na mali ang pagbebenta nila. Tignan natin kung hanggan saan aabot yung mga ganitong balita.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Eternad on June 08, 2023, 01:40:36 PM
Kung sakali man magfine lang naman ang Binance which is kayang kaya namn ni CZ yan.  Sa tingin ko kung Binance US lang ang targe t ng SEC, malamang hindi maapektohan ang Binance.com.  At isa pa, hindi naman sakop SEC ang lahhat ng bansa, so more or less sa US lang mapaparalyze ang operation ng Binance at magiging patuloy pa rin ito sa pagoperate at pagbibigay ng serbisyo across the globe.

Binance.us at si CZ which means buong Binance ang damay dito kung sakali man na matalo si CZ dahil yung funds sa case nya ay kukunin sa buong budget ng Binance. I doubt na magiging maliit lang na fine ito dahil yung kaso na binabato ng SEC sa knila ay involved ang buong US customer ng Binance. Maari syang icompared sa class action lawsuit dahil madaming affected at madaming company ang takot sa ganitong case dahil sa malaking fine kung sakali man na matalo si CZ sa case.

Iba pa dn talaga ang nagagawa ng may case ang pinaka owner dahil affected yung trust ng mga tao kaya dapat wag na tayong manaya pa kung magsasara sila o hindi at avoid play safe nalang. Ganitong ganito din dati yung FTX kaya madaming na trap na funds sa exchange nila dahil akala ng iba ay simpleng case lang yung kay SBF. Ang mahirap sa Binance case ay kapag nahalungkot yung mga inside job ni CZ or gawan sila ng ganitong evidence. Tiyak na downhill ang Binance.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Wapfika on June 08, 2023, 03:11:07 PM
Update: Pinapatawag ng SEC na humarap sa trial court nila sa US kaugnay ng kasong kinakaharap nya pari ng Binance. Nag cause ito ng ingay kanina nung pagrelease ng official letter. Pero ayon sa mga eksperto ay hindi naman daw kailangan na personal na humarap. Protocol lang dw ng US court yung letter sa mga tao na may case bilang notice.

Sobrang delikado kasi nito kay CZ kung sakali man na tumapak sya sa US soil dahil baka arestuhin sya on the spot at sampahan ng mga bagong kaso dahil alam natin kung gaano kainit ang SEC sa Binance matapos mawala ang cash cow nila na FTX.

https://cointelegraph.com/news/us-district-court-issues-summons-for-binance-ceo-changpen-zhao-over-sec-action

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: serjent05 on June 09, 2023, 09:27:03 AM
Hindi na din ko nag iimbak ng coins sa Binance dahil unti-unting na ban sila ng iba't-ibang countries.
Inaantay ko nalang kung susunod ang Pilipinas sa pag restrict kay Binance dahil wala pa naman itong license to operate.

Dapat lang naman talagang wag gawing imbakan ang exchanges dahil hindi tayo sigurado kung ano ang mangyayari kapag wala tayon access sa mga cryptocurrency natin.  Pwede pa rin naman natin silang gamiting palitan kung magconvert tayo ng crypto to cash or vice versa pero pagkatapos ng transaction ay kailangang iwithdraw natin ang fund para maiwasan ang mga posibleng maging problema sa hinaharap.

Update: Pinapatawag ng SEC na humarap sa trial court nila sa US kaugnay ng kasong kinakaharap nya pari ng Binance. Nag cause ito ng ingay kanina nung pagrelease ng official letter. Pero ayon sa mga eksperto ay hindi naman daw kailangan na personal na humarap. Protocol lang dw ng US court yung letter sa mga tao na may case bilang notice.

Sobrang delikado kasi nito kay CZ kung sakali man na tumapak sya sa US soil dahil baka arestuhin sya on the spot at sampahan ng mga bagong kaso dahil alam natin kung gaano kainit ang SEC sa Binance matapos mawala ang cash cow nila na FTX.

https://cointelegraph.com/news/us-district-court-issues-summons-for-binance-ceo-changpen-zhao-over-sec-action

Pwede naman magpadala ng representative si CZ para humarap sa mga kinauukulan, mahirap talaga kasi kapag siya mismo ang humarap baka hindi na siya makalabas ng bansa tulad ng sinabi mo, patong na patong na kaso ang ipapataw sa kanya para masukol na at hindi na makaalis talaga ng bansa.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: Wapfika on June 09, 2023, 01:51:42 PM

Oo, sobrang delikado na sya mismo ang pumunta kasi pwede syang masurprise arrest dun kung sakali man na may bala pala talaga ang SEC na ikaso sa kanya. Buti nlng talaga ay nainform ang lahat na pwede nman pala ang representative na umattend sa case nya.

Sobrang chaotic na sa social media. Mahirap na a distinguished yung fake sa legit dahil kahit sinu nalang ang pwede magkaroon ng verified mark hindi kagaya dati na yung mga sikat lang na account. Sobrang daming mga verified twitter account na nag twetweet ng mga fake news both side ng issue ngayon.  :(

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Binance at CZ
Post by: arwin100 on June 09, 2023, 02:13:52 PM

Sa ngayon mas mainam talaga muna na e withdraw ang lahat ng funds natin sa binace dahil baka magka problema pa tayo kung patuloy parin tayong maniniawala na magiging okay din ang lahat. Siguro gawin nating basehan yung naganao sa FTX para makaiwas tayo sa malaking problema kung tuloyan nang natalo sila. May ilang exchange pa naman na pwedeng gamitin at sa ngayon dun na muna mag trade at iwasan muna tong may issue habanv di pa na settle yung kaso.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bettercrypto on June 12, 2023, 06:40:20 PM
Ibig sabihin, apektado pa rin ang market ng mga fundamentals at mga balita na nagaganap sa market. Kitang kita natin yung direct impact nitong balita na ito at mukhang magtutuloy tuloy pa. Kahit na hindi pumayag mga investors, wala naman silang magagawa na dahil kung babagsak ang market, babagsak yan. At no choice sila kundi maghintay lang ulit na mag bull run kung nakabili man sila nung ATH pa.

Expected naman to na mangyayari since napaka laking exchange ni Binance at dahil nga napaka alerting ng news for sure marami ang mag uunahan makapag benta kung matatalo sila totally sa kasong ito. Kitang kita natin ang epekto nito dahil dagdag ito sa bad sentiments ng mga tao at makaka epekto ito sa desisyon ng iba na bumili or mag hold since may ongoing crisis na nangyayari sa top exchange at presyo ng bitcoin.

Siguro mainam na maghintay sa susunod na mangyayari at makiramdam sa balita para maka kung idea kung ano ang susunod na posibleng kaganapan.
Sa ngayon mukhang bumabawi naman ang market at kahit na ganoon yung mga balita na lumalabas, nagiging matatag pa rin naman ang market. Ang dami ng mga balita na mas matindi pa dito lalo na yung sa FTX at Luna pero matatag pa rin naman ang market.
Baka mas dadami pa yang mga exchanges na kakasuhan ng SEC sa US dahil nga sa mga tokens securities na mali ang pagbebenta nila. Tignan natin kung hanggan saan aabot yung mga ganitong balita.

Yung mga ganyang mga balita na ating mga nababasa ay parang normal nalang sa atin yan na kung saan kapag nalagpasan ng Binance at coinbase yan for sure na babawi ang mga yan sa merkado sa future.

Saka ang huling balita ko ay lalaban ang coinbase sa SEC, dahil nakikita nilang wala sa hulog ang ginagawa ng Sec sa mga kapanahunang ito sa batay sa kanila. Ang ganito kasing mga fud na balita na ating mga nababasa sa mga articles ay hindi naman talaga nagiging healthy sa merkado. Basta maging maingat parin tayo, at huwag lang siguro maghold ng matagal sa exchange ng crypto payo ko lang naman ito.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 12, 2023, 09:28:32 PM

Oo nga parang normal nalang sa atin kaya kung day trader ka, may ideya ka kung ano ang susunod na mangyayari. Pero kung holder ka at long term ka naman sa market at sa mga hinohold mong mga coins, wala kang dapat alalahanin kasi magiging okay din naman yan kinalaunan.

Saka ang huling balita ko ay lalaban ang coinbase sa SEC, dahil nakikita nilang wala sa hulog ang ginagawa ng Sec sa mga kapanahunang ito sa batay sa kanila. Ang ganito kasing mga fud na balita na ating mga nababasa sa mga articles ay hindi naman talaga nagiging healthy sa merkado. Basta maging maingat parin tayo, at huwag lang siguro maghold ng matagal sa exchange ng crypto payo ko lang naman ito.
Ang tagal tagal na ng Coinbase sa US at meron pa nga silang stock offering at pasok na sila sa US stocks tapos ganyan gagawin ng SEC. Makikita natin may kalalagyan din yang SEC sa pinaggagawa nila pero kung may basehan at tama naman ang finile nila, malalaman din naman ng lahat yan.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Baofeng on June 16, 2023, 10:12:19 PM
Maganda rin nating intindihin ang political scenario sa US, ayon sa isang memo, sinasabi ng Democratic party ng US na susuportahan nila ang patungkol sa pang trato ng SEC sa mga crypto na ito ay securities, hence ang Coinbase at Binance ang bina violate ang batas nila dahil sila ay nag offer ng mga crypto na deem ng SEC ay securities.

https://twitter.com/EleanorTerrett/status/1656362002577772544

Heto ay hindi magandang balita, o sabi nga nila, kaka disappoint na bakit ganito ang stance ng Democratic party. Sa kabilang banda, ang Republican naman ay medyo malumanay ang tayo tungkol dito. Ang nais nila muna ay isang malinaw na framework patungkol sa crypto.

So kahit sa political arena ngayon, ang crypto ay nasa gitna. Maaaring ang Dems ngayon ay namamayagpag. Ang kanilang Presidente ngayon ay isang Democrat ay halos lahat ng key positions a okupado nila. Pero ganun pa man, alam natin natin ang pulitika, sabi nga ni Erap, "weather, weather lang yan". Malay natin sa susunod na ihip ng hangin at malapit na ang eleksyon sa kanila, matalo ang Democratic party dahil sa hard line stance nila sa crypto sa ngayon.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 16, 2023, 11:02:39 PM

Sa totoo lang, nalilito pa rin ako sa politics ng US at pati na rin sa party system nila. Pero totoo nga baka next year, maging mga pabor na sa crypto ang manalo. At dagdag lang din na balita na tungkol sa Binance, out na din sila sa Netherlands.
Balita: Binance to Quit Netherlands After Failing to Acquire License (https://www.coindesk.com/business/2023/06/16/binance-to-quit-netherlands-after-failing-to-acquire-license/)

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: peter0425 on June 17, 2023, 04:37:45 AM

anlapit na ng election nila and nakikita naman natin na dikitan ang stand ng Demo at Repub till this moment so mukhang may maganda tayong aasahan sa outcome ng election nila next year.
though marami naman talagang dapat linawin ang mga exchange na to dahil business is business and they need to comply to whatever asked ng gobyerno sa kanila , wag nilang gamiting shield or hostage ang mga crypto users.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: bhadz on June 17, 2023, 09:49:55 AM

May kanya kanya kasi silang policies na sinusunod at kung ano ang tingin nilang pabor sa kanila. Wala naman tayong magagawa na nasa ibang parte ng mundo kundi basa basa lang lagi at magbantay sa mga balitang ire-release na related sa mga nangyayari sa Binance at mga bansang parang tinataboy sila.

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: Baofeng on June 17, 2023, 09:26:19 PM
Maganda rin nating intindihin ang political scenario sa US, ayon sa isang memo, sinasabi ng Democratic party ng US na susuportahan nila ang patungkol sa pang trato ng SEC sa mga crypto na ito ay securities, hence ang Coinbase at Binance ang bina violate ang batas nila dahil sila ay nag offer ng mga crypto na deem ng SEC ay securities.

https://twitter.com/EleanorTerrett/status/1656362002577772544

Heto ay hindi magandang balita, o sabi nga nila, kaka disappoint na bakit ganito ang stance ng Democratic party. Sa kabilang banda, ang Republican naman ay medyo malumanay ang tayo tungkol dito. Ang nais nila muna ay isang malinaw na framework patungkol sa crypto.

So kahit sa political arena ngayon, ang crypto ay nasa gitna. Maaaring ang Dems ngayon ay namamayagpag. Ang kanilang Presidente ngayon ay isang Democrat ay halos lahat ng key positions a okupado nila. Pero ganun pa man, alam natin natin ang pulitika, sabi nga ni Erap, "weather, weather lang yan". Malay natin sa susunod na ihip ng hangin at malapit na ang eleksyon sa kanila, matalo ang Democratic party dahil sa hard line stance nila sa crypto sa ngayon.
Sa totoo lang, nalilito pa rin ako sa politics ng US at pati na rin sa party system nila. Pero totoo nga baka next year, maging mga pabor na sa crypto ang manalo. At dagdag lang din na balita na tungkol sa Binance, out na din sila sa Netherlands.
Balita: Binance to Quit Netherlands After Failing to Acquire License (https://www.coindesk.com/business/2023/06/16/binance-to-quit-netherlands-after-failing-to-acquire-license/)

Nakakalito talaga, nabanggit ko lang naman kasi sa tingin ko pwede itong gawing plataporma ng either side. Kaya nga lang ang masama eh talagang kontra ang Democrats at naiisip ko na gagamitin ito ng kabilang partido para atakin sila. Alam natin natin na ang US ang isa sa bansa na maraming investors, at sa tingin ko pwedeng bumoto sila laban sa mga nakaupong Democrats ngayon dahil sa stance nila sa crypto.

Hindi ko lang sure kung kaso ng Binance ng Netherlands, parang sa tingin ko two fold ulit, baka matigas ang ulo lang ng Binance kaya hindi sila makasunod at makakuha ng license or ayaw talaga ng Dutch government.

Hindi ko ang din sure if may crypto exchanges na nag ooperate sa kanila, kung meron eh bakit yung mga yun na approved?

Title: Re: Dinemanda ng SEC ang Coinbase, Binance at CZ(Updated)
Post by: malcovi2 on June 18, 2023, 07:56:19 AM
Hindi ko lang sure kung kaso ng Binance ng Netherlands, parang sa tingin ko two fold ulit, baka matigas ang ulo lang ng Binance kaya hindi sila makasunod at makakuha ng license or ayaw talaga ng Dutch government.
na approve na yung MICAH Law kaya merong mga rules na kailangan sundin ng mga exchange para makapag operate
tsaka si Binance kasi merong siyang BUSD stablecoin under the law required na credible credit institution ang nag issue nito.
kaya mukhang madaming license na kailangang kunin ni Binance kung gusto niyang mag operate sa mga European countries

Hindi ko ang din sure if may crypto exchanges na nag ooperate sa kanila, kung meron eh bakit yung mga yun na approved?
meron silang mga domestic exchange na sumusunod sa mga regulations.