Bitcoin Forum

Local => Pilipinas => Topic started by: Wapfika on March 22, 2024, 03:08:15 PM

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Wapfika on March 22, 2024, 03:08:15 PM
Since naghihigpit na ngayon ang PH sa taxes ay nkita ko lang na mayroon na palang proposal na crypto taxes noong 2022 pa na makikita nyo dito https://bitpinas.com/regulation/dept-of-finance-crypto-tax-by-2024-philippines/. Malaki ang chance na maapprove ito dahil humahagilap ng pera si BBM para sa maharlika funds nya(worst admin for me).

Kung maaapproved ito. Posibleng aabot sa 15% o higit pa depende sa magiging total profit mo. Sa tingin nyo makaka dodge kaya sa tax kapag gagamit ng decentralized P2P exchange since walang record na mangagaling sa exchange ang BIR.

May nabasa din ako na article na dapat daw ay listed as CGT(Capital Gain Tax) ang mga profit natin sa crypto. https://coinmarketcap.com/community/articles/6566efe785f6e53dc3df764c/#

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: coin-investor on March 22, 2024, 03:56:59 PM
Sa ngayun wala pang concrete guidelines tungkol sa taxation kais hindi pa napagtutuuanan ng ating mga legislators pero malaki ang posibilidad na magkaroon tayo ng taxation kasi may daya naman sila na titingnan at ito nga ay ang mga datos na manggagaling sa Coins.ph at Gcash.

Pero hindi pa ito matatalakay sa taong ito o sa sususnod na taon dahil magiging busy na ang ating mga legislators para sa darating na election.

Pag dumarating ang election iniiwasan pagusapan ang tungkol sa pagpapataw ng taxes kasi makakasira ito sa mga mambabatas na tatakbo ng reelection.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: qwertyup23 on March 22, 2024, 05:38:33 PM
Just a question, assuming na maipasa ito, possible din kaya na makuhanan ng tax ang signature campaign earnings natin?

Sa pagkakaintindi ko kasi, if may pumasok na "income" mula sa iyo from different sources, taxable ito dito sa Pilipinas. If they were to approve cryptocurrencies as taxable entities, then ibig sabihin din kaya nito na magkakatax ang signature campaign earnings natin weekly? I really think na medyo magiging complicated ang implementation nito. The only way I see this from happening is if sa mismong exchange magkakatax doon if you convert your BTCs to cash respectively.

I just hope na hindi ito maging kasing burden sa atin. Instead of taxing it, dapat nga mas active ang government natin in promoting cryptocurrencies as an avenue of opportunities for investments.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: bettercrypto on March 22, 2024, 06:55:16 PM
Sa ngayun wala pang concrete guidelines tungkol sa taxation kais hindi pa napagtutuuanan ng ating mga legislators pero malaki ang posibilidad na magkaroon tayo ng taxation kasi may daya naman sila na titingnan at ito nga ay ang mga datos na manggagaling sa Coins.ph at Gcash.

Pero hindi pa ito matatalakay sa taong ito o sa sususnod na taon dahil magiging busy na ang ating mga legislators para sa darating na election.

Pag dumarating ang election iniiwasan pagusapan ang tungkol sa pagpapataw ng taxes kasi makakasira ito sa mga mambabatas na tatakbo ng reelection.

Oo tama ka dyan, yan aasikasuhin ng mga senador natin ngayon, I don't think so, dahil itong mga senador na meron tayo ngayon ang pinaka worst ever na meron tayo ngayon, dahil puro mga pabida lang ang alam na gawin, at iilang lang talaga ang masasabi kung may gumagawa ng batas natin.

At kapag ngyari naman ay kawawa tayong mga crypto earners sa field na ito ng business dito sa crypto industry. Baka ang mangyari nyan mas lalong tumaas ang fees na meron sa mga lokal exchange natin tulad ng coinsph, gcash at maya apps and Pdax. Wala pa naman akong nakikita talaga na pulitiko na masasabi nating makakastand para sa blockchain technology o bitcoin/cryptocurrency.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: electronicash on March 22, 2024, 07:36:55 PM
Kung maaapproved ito. Posibleng aabot sa 15% o higit pa depende sa magiging total profit mo. Sa tingin nyo makaka dodge kaya sa tax kapag gagamit ng decentralized P2P exchange since walang record na mangagaling sa exchange ang BIR.

kung ano ang nangyayari sa US, ganun din dito sa atin. duda ko lang si Hontiveros ang Elizabeth Warren natin dito. kaya kapag nabasa ito ni Hontiveros na gusto mong mag dodge, baka tuluyan na talagang i-ban ang binance at coerce tayo na gumamit ng mga local apps at exchange para makita nila sino mga mayayamang crypto users.

pero parang wala naman atang p2p ngayon na wala sa centralize platorm. aling dex p2p ang nasaisip mo?

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: dothebeats on March 22, 2024, 09:55:22 PM
Sa tingin ko e matatagalan pa bago magkaroon ng malinis na guidelines tungkol sa crypto taxation. Marami pa ring hindi nailalapat at nailalatag ang ating pamahalaan tungkol dito. Madalas e mas gusto lang talaga ng ating gobyerno na humamig pero hindi nila alam kung pano magiging patas at madali para sa ating mamamayan ito.

Matagal nang nilalaban ang taxation sa crypto, siguro may ilang taon na rin. Ang nangyayari e hindi naitutuloy dahil nababaling nag sesyon ng kongreso at senado sa ibang mga issue na sila sila rin naman ang may gawa. Ngayong taon e hindi pa rin naman siguro tayo magbabayad ng tax sa crypto natin, pero kapag dumating ang panahon na yun e malamang hindi pa rin tayo masisita. Kung yung mga online sellers nga ng shopee at lazada na kumikita ng milyon-milyon sa nasabing platform eh inabot ng limang taon bago sila ma-tax, tayo pa kaya na humahawak ng isang bagay na hindi pa rin nagkakaroon ng maayos na definition ang gobyerno?

Tungkol naman sa DEX P2P, mukhang mahihirapan tayong maghanap ng maayos at reliable na platform. Sa ngayon e kakaunti pa rin ang mga nagtatangkang magtayo ng ganitong platform at panindigan ito. Sana e maunang maimprove ang mga ganitong platform bago tayo tax-an ng ating gobyerno.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: serjent05 on March 22, 2024, 10:19:46 PM
Just a question, assuming na maipasa ito, possible din kaya na makuhanan ng tax ang signature campaign earnings natin?

Posible na kuhaan ng tax ang anumang pinagkakakitaan, maicoconsider kasi na gain ang kinita natin sa signature campaign pero sa ngayon ay hindi ganun kataas ang kapasidad ng gobyerno na itrace ang mga earnings ng tao.  Iyong online selling nga hindi nila mapursue ng husto ang mga tax ng mga kumikita dito, sa cryptocurrency pa kaya.

Quote
Sa pagkakaintindi ko kasi, if may pumasok na "income" mula sa iyo from different sources, taxable ito dito sa Pilipinas. If they were to approve cryptocurrencies as taxable entities, then ibig sabihin din kaya nito na magkakatax ang signature campaign earnings natin weekly? I really think na medyo magiging complicated ang implementation nito. The only way I see this from happening is if sa mismong exchange magkakatax doon if you convert your BTCs to cash respectively.

Tama ka dahil ang earnings ay considered as gain at need talaga kuhaan ng tax pero depende rin ito kung lalampas sa minimum taxable earnings and kinikita ng mga signature participants.  Ayon sa BIR tax exempted ang mga kumikita ng 250k pababa.
Heto ang list kung ilang porysento ang kukunin ng gobyerno ayon sa kinikita ng isang indibidwal.
https://i.postimg.cc/s2VCXpws/taxtax-huthut.png

I just hope na hindi ito maging kasing burden sa atin. Instead of taxing it, dapat nga mas active ang government natin in promoting cryptocurrencies as an avenue of opportunities for investments.

Ang nakakatawa lang dito, kung sakaling magtax sila sa mga crypto earnings ng mga mamamayan nila, wala silang planong suportahan ang cryptocurrency bagkus ay maglalaunch ang gobyerno ng sariling CBDC at ibebenta ito wholesale[1] para pagkakitaan at pagkunan ng pondo.

[1] https://www.coindesk.com/policy/2024/02/12/philippines-rules-out-blockchain-for-wholesale-cbdc-seen-likely-by-2026-report/

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: robelneo on March 22, 2024, 11:38:56 PM
Just a question, assuming na maipasa ito, possible din kaya na makuhanan ng tax ang signature campaign earnings natin?
Nasa sa yo yan kung i dedclare mo ito o kung yung income mo ay ang mga regulated exchange sa Pilipinas tulad ng Coins.ph ang gagamitin mo sa payout, naniniwala ako sa unang tao ng implementation nito magiging strict sila sa compliant yung mga potential income earning gamit sa Crypto ang hahanapin nila.

Quote
Sa pagkakaintindi ko kasi, if may pumasok na "income" mula sa iyo from different sources, taxable ito dito sa Pilipinas. If they were to approve cryptocurrencies as taxable entities, then ibig sabihin din kaya nito na magkakatax ang signature campaign earnings natin weekly? I really think na medyo magiging complicated ang implementation nito. The only way I see this from happening is if sa mismong exchange magkakatax doon if you convert your BTCs to cash respectively.
Mas maganda kung ganun kasi pwede makaiwas kung ang balak mo ay mag hold na lang at kung wala kang income walang ibabawas sa yo kasi walang papasok para i trade mo

Quote
I just hope na hindi ito maging kasing burden sa atin. Instead of taxing it, dapat nga mas active ang government natin in promoting cryptocurrencies as an avenue of opportunities for investments.
Deterrent ito kung mali ang timing kasi hindi pa mataas ang bilang ng mga active users dito sa atin sa Pilipinas kasi sa totoo lang yung mga numbers sa Gcash na gumagamit ng Gcrypto at Coins.ph ay hindi reflection ng adoption, misleading pa nga, kung maniniwala agad yung mga mambabatas sa pinapakita ng Coins.ph na milyon milyon daw nila users baka magahaman ang mga lawmakers sa laki ng kikitain sa taxes.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: PX-Z on March 22, 2024, 11:40:13 PM
Walang concrete na guidelines and execution for tax, that's it. If si Arroyo pa naging presidente this time siguro marami sa atin ang iiyak sa ipapataw na kalaki ng tax which was her big contribution on country's finance as economist.
Okay lang na meron ipapataw na tax, but please naman sana wag kalaki like sa ibang bansa na umaabot ng +15% tax, laki na niyan. If ever man mag i-strict sila ng taxation, do it on crypto companies as per requirement as a business not on individuals.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Mr. Magkaisa on March 23, 2024, 06:16:21 AM
Kung maaapproved ito. Posibleng aabot sa 15% o higit pa depende sa magiging total profit mo. Sa tingin nyo makaka dodge kaya sa tax kapag gagamit ng decentralized P2P exchange since walang record na mangagaling sa exchange ang BIR.

kung ano ang nangyayari sa US, ganun din dito sa atin. duda ko lang si Hontiveros ang Elizabeth Warren natin dito. kaya kapag nabasa ito ni Hontiveros na gusto mong mag dodge, baka tuluyan na talagang i-ban ang binance at coerce tayo na gumamit ng mga local apps at exchange para makita nila sino mga mayayamang crypto users.

pero parang wala naman atang p2p ngayon na wala sa centralize platorm. aling dex p2p ang nasaisip mo?

          -   Yari tayo pagnagkaganun mate, Sa ngayon wala pa akong idea kung anong Dex ang meron p2p na papatok sa gcash at maya app natin. Bakit meron naba? Ay naalala ko, diba meron na ang metamask natin na p2p sa gcash apps natin pwede na, kaya lang casi-in palang huling update ko, hindi ko lang alam kung avail naba yung wtihdrawal din nila papunta sa gcashapp natin.

Quote
Ang nakakatawa lang dito, kung sakaling magtax sila sa mga crypto earnings ng mga mamamayan nila, wala silang planong suportahan ang cryptocurrency bagkus ay maglalaunch ang gobyerno ng sariling CBDC at ibebenta ito wholesale[1] para pagkakitaan at pagkunan ng pondo.

Anung katangahan naman yang gusto ng gobyerno na ganyan, parang ang kapal  naman ng apog, pasensya napo sa word,, parang nakakaloko lang yung gusto nilang mangyari. At sa tingin ko naman hindi uubra yung ganyang mga binabalak nila sa aking palagay at opinyon lang naman.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: arwin100 on March 23, 2024, 10:39:19 PM
Since naghihigpit na ngayon ang PH sa taxes ay nkita ko lang na mayroon na palang proposal na crypto taxes noong 2022 pa na makikita nyo dito https://bitpinas.com/regulation/dept-of-finance-crypto-tax-by-2024-philippines/. Malaki ang chance na maapprove ito dahil humahagilap ng pera si BBM para sa maharlika funds nya(worst admin for me).

Kung maaapproved ito. Posibleng aabot sa 15% o higit pa depende sa magiging total profit mo. Sa tingin nyo makaka dodge kaya sa tax kapag gagamit ng decentralized P2P exchange since walang record na mangagaling sa exchange ang BIR.

May nabasa din ako na article na dapat daw ay listed as CGT(Capital Gain Tax) ang mga profit natin sa crypto. https://coinmarketcap.com/community/articles/6566efe785f6e53dc3df764c/#

Siguro ito ang dahilan na gustong ipagbawal ang binance dahil hindi nila kontrolado ang mga transaction na nangyayari at yung mga controlled platform lang nila ang mananatili upang maisagawa nila ang kanilang plano sa pag pataw ng buwis sa mga users nito.

Sa ngayon wala pa talagang concrete guidelines ukol dito pero mag prepare parin tayo since darating din tayo dyan. Nauna na sila sa mga online sellers kaya tingin ko pinag planuhan na nila kung pano nila maimplement ito ng tama. Kaya kung mangyari yan ay wala na talaga tayong magagawa kung di sumunod at magbigag mahirap na maging tax evader sa ating bansa.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Asuspawer09 on March 23, 2024, 11:25:16 PM
So far sa nayon naman mukang malabo pa ito dahil na rin kahit sa ibang mga bansa ay hindi pa din naman nila nilalagyan ng Tax ang Cryptocurrency, so siguro nga possible na mangyayari ito pero kung mangyayari man na ito matagal pa dahil marami pang pagdadaanan yan kung ipapatupad nila dito sa Pilipinas, maraming magrereklamo jan at hindi naman din yun ganun kadali na matataxan dahil bago pa lang naman saten ang Crypto,kahit na matagal na itong nageexist hindi pa rin tayo familiar sa technology neto.

I mean so far naman may mga inderect tax pa rin naman ito lalo na kung sa mga custodial platfom ka bumibili ng Crytocurrency, may mga fees na binabayaran pagdating sa mga platform and nagbabayad ang platforms ng tax so atin din nila kinukuha yung pangbayad nila sa platform nila. Ibang usapan na kase kung Profit sa trading ang tataxan nila for sure malaki laking usapan pa yun kung yun ang kukunin nila na pagkakitaan mahirap din matrace yun lalo na hindi naman sa kanila ang mga trading Platforms.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: bettercrypto on March 23, 2024, 11:54:24 PM

Siguro nga magiging malabo pa nga ito sa ngayon, pero sana nga hindi na mangyari pa ang senaryo na ganito dahil if ever na mangyari ay hindi ito magiging maganda para sa ating mga lokal community sa totoo lang.

Parang lalabas nito ay wala ng pinagkaiba ang crypto sa fiat kung hindi ako nagkakamali sa aking pagkakaintindi sa bagay na ito. Sana manatili nalang sa nakamulatan natin nung nagsimula tayo dito hanggang ngayon.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: dimonstration on March 24, 2024, 01:41:49 PM
Walang concrete na guidelines and execution for tax, that's it. If si Arroyo pa naging presidente this time siguro marami sa atin ang iiyak sa ipapataw na kalaki ng tax which was her big contribution on country's finance as economist.
Okay lang na meron ipapataw na tax, but please naman sana wag kalaki like sa ibang bansa na umaabot ng +15% tax, laki na niyan. If ever man mag i-strict sila ng taxation, do it on crypto companies as per requirement as a business not on individuals.

Depende ito kung saan icacategory ng government ang crypto pero expect na mas mataas ito than normal taxes natin like sa salary since strongly discouraged ng BSP ang pag invest sa crypto currency dahil sa pagiging high risk due sa volatility.

Ito din ang dahilan kung bakit sobrang laki ng taxes sa crypto ng ibang bansa dahil dinidiscourage nila ang mga tao na gumamit nito kagaya nalang sa India na ngayon ay nag total ban na.

As reference sa possible tax ay pwede nila idagdag ito sa sin tax tapos idagdag pa yung TRAIN law na umaabot hanggang 30% ang taxes na may minimum 15% para sa above 250K profit.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: electronicash on March 24, 2024, 06:38:27 PM
Kung maaapproved ito. Posibleng aabot sa 15% o higit pa depende sa magiging total profit mo. Sa tingin nyo makaka dodge kaya sa tax kapag gagamit ng decentralized P2P exchange since walang record na mangagaling sa exchange ang BIR.

kung ano ang nangyayari sa US, ganun din dito sa atin. duda ko lang si Hontiveros ang Elizabeth Warren natin dito. kaya kapag nabasa ito ni Hontiveros na gusto mong mag dodge, baka tuluyan na talagang i-ban ang binance at coerce tayo na gumamit ng mga local apps at exchange para makita nila sino mga mayayamang crypto users.

pero parang wala naman atang p2p ngayon na wala sa centralize platorm. aling dex p2p ang nasaisip mo?

          -   Yari tayo pagnagkaganun mate, Sa ngayon wala pa akong idea kung anong Dex ang meron p2p na papatok sa gcash at maya app natin. Bakit meron naba? Ay naalala ko, diba meron na ang metamask natin na p2p sa gcash apps natin pwede na, kaya lang casi-in palang huling update ko, hindi ko lang alam kung avail naba yung wtihdrawal din nila papunta sa gcashapp natin.

Quote
Ang nakakatawa lang dito, kung sakaling magtax sila sa mga crypto earnings ng mga mamamayan nila, wala silang planong suportahan ang cryptocurrency bagkus ay maglalaunch ang gobyerno ng sariling CBDC at ibebenta ito wholesale[1] para pagkakitaan at pagkunan ng pondo.

Anung katangahan naman yang gusto ng gobyerno na ganyan, parang ang kapal  naman ng apog, pasensya napo sa word,, parang nakakaloko lang yung gusto nilang mangyari. At sa tingin ko naman hindi uubra yung ganyang mga binabalak nila sa aking palagay at opinyon lang naman.

ayun pwede pala sa metamask. di ko pa nasubukan yan. mababa naman ata fees ngayon so possible talaga yan. maraming innovation gingawa ngayon kaya possible talagang makaka evade. nakakaasar rin naman talagang magbayad saa gobernong hindi naman nagsisilbi sa bayad. ang problema lang sa ganito ay ang goberno natin sunod din ng sunod sa kung anong nangyayari sa labas, ginagawa rin nila.

kung i-baban din ng pilipinas ang anonymous wallets gaya ng metamask, para dapat ng magmadali bago pa man nila gawin. ang EU kasi gusto na nilang i-ban ang anonymous wallets. kasama na ata metamask nito. https://coinpedia.org/news/eu-enforces-ban-on-unidentified-self-hosted-crypto-wallets-for-all-payment-transactions/

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: peter0425 on March 25, 2024, 05:58:32 AM
Just a question, assuming na maipasa ito, possible din kaya na makuhanan ng tax ang signature campaign earnings natin?

Sa pagkakaintindi ko kasi, if may pumasok na "income" mula sa iyo from different sources, taxable ito dito sa Pilipinas. If they were to approve cryptocurrencies as taxable entities, then ibig sabihin din kaya nito na magkakatax ang signature campaign earnings natin weekly? I really think na medyo magiging complicated ang implementation nito. The only way I see this from happening is if sa mismong exchange magkakatax doon if you convert your BTCs to cash respectively.

I just hope na hindi ito maging kasing burden sa atin. Instead of taxing it, dapat nga mas active ang government natin in promoting cryptocurrencies as an avenue of opportunities for investments.
meron ng Thread or post about this kabayan eh di ko lang matandaan kung saan at paano ko nabasa pero meron ng tanong about sa taxation ng Signature campaign in which parang ang naging majority ng sagot eh mahirap yata tlaga malagyan ng taxation ang Signature campaign .
and according sa mga tanong about sa taxation sa crypto(in which more on trading ) malaking epekto talaga to kaya sana wag na ma approve to unless lagyan ng bracketing kung sino at paano lalagyan ng tax.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Coin_trader on March 25, 2024, 10:53:42 AM
Ang nakakatawa lang dito, kung sakaling magtax sila sa mga crypto earnings ng mga mamamayan nila, wala silang planong suportahan ang cryptocurrency bagkus ay maglalaunch ang gobyerno ng sariling CBDC at ibebenta ito wholesale[1] para pagkakitaan at pagkunan ng pondo.

Anung katangahan naman yang gusto ng gobyerno na ganyan, parang ang kapal  naman ng apog, pasensya napo sa word,, parang nakakaloko lang yung gusto nilang mangyari. At sa tingin ko naman hindi uubra yung ganyang mga binabalak nila sa aking palagay at opinyon lang naman.

Sad to say, Ganito talaga mag isip ang government sa hindi centralized na services since mahihirapan sila mag regulate ng tax dahil madaling mag mix ng crypto tokens at magtago ng holdings gamit ang mga decentralized services sa crypto kagaya ng mixer, dex at iba pa.

Sa palagay ko ay malaki ang chance na gawin talaga nila yan dahil walang politician na nagpapakita ng malakas na pag support sa crypto hindi kagaya sa US na may ilang pro crypto dahil madami na sa kanilang institutional investors na heavily invested hindi kagaya sa atin na halos walang paje ang government at iba pang investment company.

Swerte pa tayo dahil mabagal umusad ang batas sa bansa natin kaya wala pa din malinaw na guidelines. Focus kasi ang BIR sa mga tangible assets kaya halos tinatamad sila sa crypto na sana ay hindi na talaga nila matutukan. Ang nakakatakot sa crypto taxation lalo na sa may malalaking holdings ay required ka na agad magbayad once maimplement ang or else may tax evasion case kana kapag nilabas mo sa bank account mo.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Wapfika on March 25, 2024, 04:17:40 PM
Just sharing this old article[1] from 2022 regarding sa crypto taxation sa Pilipinas. Considered as Capital Gain Tax nga talaga ang profit sa crypto since under TRAIN law na noon pa man ang kinoconsider sa pagcompute ng tax.

Sa mga hindi pa nakakaalam kung pano ang conputation ng taxes under TRAIN law ay pwede nyong gawin reference yung picture below:

https://www.talkimg.com/images/2024/03/25/JepPf.jpeg

Ganyan katindi ang taxes ngayon sa Pilipinas kung mareregulate ng tama ang crypto sa bansa natin. Kung kumita ka ng 8M ay dapat ibigay mo yung fixed na 2M PHP. Sobrang hirap yumaman kapag ganito ang tax since maaari ka matalo sa susunod na taon ng mas malaki pa pero wala ka ng refund sa tax na binayad mo dati. ;D

[1] https://cointelegraph.com/news/which-countries-are-the-worst-for-crypto-taxation-new-study-lists-top-five

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: aioc on March 25, 2024, 04:59:07 PM

Ganyan katindi ang taxes ngayon sa Pilipinas kung mareregulate ng tama ang crypto sa bansa natin. Kung kumita ka ng 8M ay dapat ibigay mo yung fixed na 2M PHP. Sobrang hirap yumaman kapag ganito ang tax since maaari ka matalo sa susunod na taon ng mas malaki pa pero wala ka ng refund sa tax na binayad mo dati. ;D

Syempre ang naisip lang nila yung potential profit natin, parang ginaya tayo sa isang malaking business o stable job na sure ball ang kitaan gayung ang haba ng bear trend ng Cryptocurrency at ang taas ng volatility.

Tulad ng ibang mga friend ko na tinaya sa mga PVE na games tulad ng Axie ang labas nito pag kita ka may porsyento gobyerno pag talo ka magbabayad ka parin basta nasa range ka na taxable.
Manalo matalo o tumabla lamang ang talo dito.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: qwertyup23 on March 26, 2024, 02:01:53 AM
Just a question, assuming na maipasa ito, possible din kaya na makuhanan ng tax ang signature campaign earnings natin?

Sa pagkakaintindi ko kasi, if may pumasok na "income" mula sa iyo from different sources, taxable ito dito sa Pilipinas. If they were to approve cryptocurrencies as taxable entities, then ibig sabihin din kaya nito na magkakatax ang signature campaign earnings natin weekly? I really think na medyo magiging complicated ang implementation nito. The only way I see this from happening is if sa mismong exchange magkakatax doon if you convert your BTCs to cash respectively.

I just hope na hindi ito maging kasing burden sa atin. Instead of taxing it, dapat nga mas active ang government natin in promoting cryptocurrencies as an avenue of opportunities for investments.
meron ng Thread or post about this kabayan eh di ko lang matandaan kung saan at paano ko nabasa pero meron ng tanong about sa taxation ng Signature campaign in which parang ang naging majority ng sagot eh mahirap yata tlaga malagyan ng taxation ang Signature campaign .
and according sa mga tanong about sa taxation sa crypto(in which more on trading ) malaking epekto talaga to kaya sana wag na ma approve to unless lagyan ng bracketing kung sino at paano lalagyan ng tax.

Ah this makes sense! Considering na medyo dynamic din ang payments sa signature campaign, mahihirapan makita kung saan bracket nga ito i-cacategorize at ilalagay at the same time. Ang pagkakaalam ko din kasi, kapag MWE (Minimum Wage Earner) ka, exempted ka from payment of any income tax.

Now, will signature campaigns be considered as income tax or capital gains tax? Kung income, pwede pa siguro ma-consider na exempted ito from payment of any income tax; kung CGT, may possibility na pwede itong maging taxable.

Pero tama mga sinabi niyo, mahirap na implementation and execution ito given na you also have to declare it. Pero kagaya nga din na namention dito, if you deposit and withdraw it sa centralized exchange natin (coins.ph), maaaring may tools sila to determine if taxable ba ito or hindi. Pero sa totoo lang, napakadaling ma-circumvent nito if ganito yung magiging implementation in the future.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: peter0425 on March 26, 2024, 02:03:14 AM
Just sharing this old article[1] from 2022 regarding sa crypto taxation sa Pilipinas. Considered as Capital Gain Tax nga talaga ang profit sa crypto since under TRAIN law na noon pa man ang kinoconsider sa pagcompute ng tax.

Sa mga hindi pa nakakaalam kung pano ang conputation ng taxes under TRAIN law ay pwede nyong gawin reference yung picture below:

https://www.talkimg.com/images/2024/03/25/JepPf.jpeg

Ganyan katindi ang taxes ngayon sa Pilipinas kung mareregulate ng tama ang crypto sa bansa natin. Kung kumita ka ng 8M ay dapat ibigay mo yung fixed na 2M PHP. Sobrang hirap yumaman kapag ganito ang tax since maaari ka matalo sa susunod na taon ng mas malaki pa pero wala ka ng refund sa tax na binayad mo dati. ;D

[1] https://cointelegraph.com/news/which-countries-are-the-worst-for-crypto-taxation-new-study-lists-top-five
Hala ka, sobrang laki naman nito .

Salamat sa sharing nito  kabayan matagal kona hinahalungkat kung san ko makikita to  pero hindi ko akalain na ganon kalaki ang percentage na kukunin ng gobyerno .

pag ganito nga talaga ang mangyayari eh malamang wala talagang papayag sa atin about this  and sure na maraming kokontra sa taas ng tax na ito.

Pero tama mga sinabi niyo, mahirap na implementation and execution ito given na you also have to declare it. Pero kagaya nga din na namention dito, if you deposit and withdraw it sa centralized exchange natin (coins.ph), maaaring may tools sila to determine if taxable ba ito or hindi. Pero sa totoo lang, napakadaling ma-circumvent nito if ganito yung magiging implementation in the future.
yan din ang tingin kong posibleng mangyari  kabayan , since centralized exchange na lang ang papayagan ng gobyerno sa mga susunod na araw (since any time totally banned na ang binance sa pinas) makikita na kung magkano ang transactions natin and for sure ma dedetect na din nila ang source of income natin from Signature campaigns.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: kotajikikox on March 26, 2024, 11:27:24 AM
Walang concrete na guidelines and execution for tax, that's it. If si Arroyo pa naging presidente this time siguro marami sa atin ang iiyak sa ipapataw na kalaki ng tax which was her big contribution on country's finance as economist.
Okay lang na meron ipapataw na tax, but please naman sana wag kalaki like sa ibang bansa na umaabot ng +15% tax, laki na niyan. If ever man mag i-strict sila ng taxation, do it on crypto companies as per requirement as a business not on individuals.
Tama kabayan kung si Gloria malamang ma implement lahat ng to about taxation dahil expertise nya ang area na to and yeah mukha talagang kurakot itong si Arroyo but luckily si Bongbong ang president now in which hindi ganon kainit para sa ating mga crypto users.
and about sa taxation kung talagang wala tayong pag pipilian eh sana naman eh hangang 5% maximum na para naman mas sipagin pa tayong mag trade at mag engage sa crypto.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: 0t3p0t on March 26, 2024, 06:40:06 PM
So dapat ngayon palang ay dapat magpayaman na tayo sa crypto hanggat kaya para makapagpundar na tayo bago paman maimplement yang taxation na yan. Di naman sa iniiwasan natin ang pagbigay ng buwis kundi sobrang laki lang kasi ng mababawas sa atin samantalang di natin sure kung saan mapupunta yung naibigay natin okay lang sana kung may magandang patutunguhan, eh paano kung pangfunds lang ng mga pulitiko yan sa pagtakbo nila sa election or kung anu-ano pang mga personal interest na common na nangyayari sa gobyerno natin diba?  I am not against taxation to be honest as long as fair yung pamamaraan at di yung tayo lang yung target nila since yung iba sa mga pulitiko eh tax evader pa nga diba?

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: bhadz on March 26, 2024, 09:40:59 PM
Kung sa pagpapatakbo lang ng gobyerno, ibang iba talaga ang presidente natin ngayon pero ayaw ko ng diskusyon tungkol sa pulitika dahil nakakainis lang.  ;D
Tungkol naman sa crypto taxation, matagal na yan na nagkakaroon tayo ng ideya na posible talagang mangyari yan at nataon lang din na sa admin na ito ay halos lahat ng puwedeng i-tax, ay tinatax talaga nila. Masisipag na nga din ngayon yung BIR at madaming tinatax mapped dahil siguro nga sa pagpush ng gobyerno natin na humagilap ng puwedeng pagtaxan. Kung 15% ang magiging taxation, sobrang taas niyan at mas madaming mga nasa crypto at gagawa ng paraan para iwasan yan. Oo tax evasion o tax avoidance yan pero kasi ang idadahilan ng madami diyan ay sa ibang industriya nga hindi nila ma-taxan ng maaayos tapos pagdating dito 15%, masyadong malaki naman talaga.
Sana lang matuto ang bansa natin sa ibang bansa na kahit hindi ganon kataas ang taxes nila, sulit naman sa mga serbisyo. Dito, mataas na nga ang taxes palpak pa karamihan sa serbisyo pero sa part ko naman, may nakikita akong kahit papano na pagbabago pero yun nga lang dahil sa pulitika at iba pang mga factors, nagmumukhang hindi kapansin pansin yung mga pagbabago.

So dapat ngayon palang ay dapat magpayaman na tayo sa crypto hanggat kaya para makapagpundar na tayo bago paman maimplement yang taxation na yan. Di naman sa iniiwasan natin ang pagbigay ng buwis kundi sobrang laki lang kasi ng mababawas sa atin samantalang di natin sure kung saan mapupunta yung naibigay natin okay lang sana kung may magandang patutunguhan, eh paano kung pangfunds lang ng mga pulitiko yan sa pagtakbo nila sa election or kung anu-ano pang mga personal interest na common na nangyayari sa gobyerno natin diba?  I am not against taxation to be honest as long as fair yung pamamaraan at di yung tayo lang yung target nila since yung iba sa mga pulitiko eh tax evader pa nga diba?
Wala pa ring lusot kabayan, may real estate taxes pa rin na yearly babayaran pero yun nga lang mas mababa naman at agree ako na hangga't hindi pa ganun kahigpit ay dapat may plano ka na paano mo maretain ang wealth mo sa crypto.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Coin_trader on March 27, 2024, 09:20:19 AM
So dapat ngayon palang ay dapat magpayaman na tayo sa crypto hanggat kaya para makapagpundar na tayo bago paman maimplement yang taxation na yan. Di naman sa iniiwasan natin ang pagbigay ng buwis kundi sobrang laki lang kasi ng mababawas sa atin samantalang di natin sure kung saan mapupunta yung naibigay natin okay lang sana kung may magandang patutunguhan, eh paano kung pangfunds lang ng mga pulitiko yan sa pagtakbo nila sa election or kung anu-ano pang mga personal interest na common na nangyayari sa gobyerno natin diba?  I am not against taxation to be honest as long as fair yung pamamaraan at di yung tayo lang yung target nila since yung iba sa mga pulitiko eh tax evader pa nga diba?

Depende pa dn yan kung saan mo ilalagay yung pera mo lalo na kung nagconvert ka sa fiat tapos pinasok mo sa bank account mo since magkakarecord ka ng capital gains once na lumaki ang pera mo sa bank na above sa minimum amount para magka tax. In short, maququestion ka ng bank mo kung saan galing ang pera mo sa bank lalo na kung mababa lang naman ang sweldo mo tapos wala kang other source of income aside crypto.

Kaya kung malakihan talaga ang pera mo ay dapat gumamit ka ng dentralized P2P tapos gamit ka ng crypto friendly bank na kagaya ng Unionbank para iwas audit ng banko since mahigpit ang ibang banko pagdating sa pumapasok na pera sa account mo.

Kaya mas better kung wag mo nlng ilabas sa crypto yung pera mo ng buuan tapos cash out ka nlng pakonti konti para sa kailangan mong pera.  :D

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Japinat on March 27, 2024, 09:35:06 AM
Mukhang hindi na kikita ang BIR sa atin kasi block na ang Binance. Basta sure ako maraming alternative para maka pag trade, so ang mangyayari niyan ay hindi na ma monitor ng government natin kung saan galing ang pero natin kasi di na regulated gamit natin. Asa pa sila na gagamit tayo ng coins.ph or other regulated local exchange na ang baba ng exchange rate, syempre maghahanap ng way mga traders na maka access sa ibang exchange na competitive ang price like Binance. or pwede naman siguro VPN sa Binance kung hindi na maaccess.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: pinggoki on March 31, 2024, 06:35:38 AM

Pinakamalaking tulong para maiwasan na natin ang crypto taxation sa Pinas kung sakali man na isagawa na nila yan at maenforce na ay ang ang P2P pero personal yung gagawin at cash only, tingin yun lang talaga yung paraan eh o di kaya ay gawin mo na gift yung bitcoin, kung paano mo gagawin na regalo hindi ko alam pero yun lang tingin ko yung way eh. Nakakairita talaga kapag ganitong nangingialam na yung gobyerno sa crypto community sa Pinas, palagi nalang tayo talo dun.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: angrybirdy on March 31, 2024, 07:40:22 AM

Isa din ito sa nabasa ko sa bitcoin discussion na para daw makaiwas sa pagbabayad ng tax if ever man na maimplement yung ganitong batas sa isang bansa ay mas mabuti daw na ipamigay nalang yung mga holdings or igift nga para makaiwas or makabawas sa tax payment? hindi ko lang alam kung sa paanong paraan pero ang nasa isip ko naman kasi ay bakit pa natin ipapamigay sa iba kung pwede naman na magbayad nalang tayo ng tamang buwis? kasi kesa mabawasan yung holdings mo para ipamigay, edi ipambayad mo nalang sa tax, at saka parang wala namang matinong tao ang magreregalo ng bitcoin basta basta, pero hopefully hindi na muna ito ang pag initan ng ating gobyerno kasi madaming ibang bagay ang mas kailangan nilang pagtuunan ng pansin kesa sa community natin.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: inthelongrun on April 01, 2024, 05:07:35 AM

Baka ang ibig nilang sabihin na ipamigay o gift ay hindi literal. Like magbenta ako sayo ng product pero para maiwasan ang buwis ay yung bayad ay parang tatawaging gift o magbigay siya ng pera o regalo sayo para hindi na need ng resibo at di na included sa taxable revenue. Pero in reality, meron talaga tax kahit gift o bigay. Hindi na ako updated sa tax at sa batas pero huling pagkakaalam ko ay any amounts 10k or above ay taxable talaga kahit bigay lang sya. Parang lupa na kahit ibibigay mo ay maniningil pa rin ang gobyerno.

Di ko rin ma-blame mga tao na iwasan ang buwis lalo sa mga ordinaryong mamamayan na kunti lang ang kita. At lalo na pag sobrang taas ng buwis. At ang pangit rin naman ng serbisyo ng ating gobyerno.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: tech30338 on April 01, 2024, 06:32:14 AM
Tulad ng sabi ng iba mahirap maimplement ito, sa totoo lang hindi crypto ang dapat nila pagtuonan ng pansin sa ngayon, dahil maliban sa crypto mas madami pang ibang dapat silang unahin , like companies at mga parte nadin ng government na hindi nagbabayad ng tax, pagdating sa crypto, dito papasok iyong paggastos mo ng normal at huwag maglabas ng malaking halaga, kasi kung hindi ka naman lalampas duon sa threshold okay lang, saka mahirap matrace iyan lalo na kung maliit na halaga ang gagawin mo, hindi naman sa parang tinatakasan natin ang pagbabayad ng tax, pero kung patas naman lahat at walang nilalampas ayos tayo dun diba?

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: DabsPoorVersion on April 01, 2024, 08:28:34 AM

Mahirap kung iisipin pero kung matuloy ang plano ng SEC na alisin lahat ng unregistered exchange na nag ooperate dito sa bansa natin at umabot sa puntong wala nang choice ang tayong mga pinoy na crypto user kundi gumamit ng registered exchanges, madali na nila itong maimplement dahil may info na sila patungkol sa earnings natin sa crypto.

Pagdating naman sa priority na need nila bigyan ng focus, totoo naman na madami silang need bigyan ng pansin na mas kailangan unahin. Pero kung kagaya yan ng mapagkukuhanan ng additional na buwis, malamang ay ito talaga ang uunahin nila. Gaya na lamang ng ginagawa nila ngayon sa mga online sellers, nagkakaroon ng strict regulation at pagtaas ng buwis, since need na nila mag register kagaya ng plano dito na crypto taxation, madali nila na-implement dahil may hawak silang records.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: kingvirtus09 on April 02, 2024, 11:49:33 PM
Just sharing this old article[1] from 2022 regarding sa crypto taxation sa Pilipinas. Considered as Capital Gain Tax nga talaga ang profit sa crypto since under TRAIN law na noon pa man ang kinoconsider sa pagcompute ng tax.

Sa mga hindi pa nakakaalam kung pano ang conputation ng taxes under TRAIN law ay pwede nyong gawin reference yung picture below:

https://www.talkimg.com/images/2024/03/25/JepPf.jpeg

Ganyan katindi ang taxes ngayon sa Pilipinas kung mareregulate ng tama ang crypto sa bansa natin. Kung kumita ka ng 8M ay dapat ibigay mo yung fixed na 2M PHP. Sobrang hirap yumaman kapag ganito ang tax since maaari ka matalo sa susunod na taon ng mas malaki pa pero wala ka ng refund sa tax na binayad mo dati. ;D

[1] https://cointelegraph.com/news/which-countries-are-the-worst-for-crypto-taxation-new-study-lists-top-five

Grabe naman yan 2M ibibigay mo sa gobyerno, hindi makatarungan yan, now I understand why yung ibang mga mayayaman may mga accountant na binabayaran para makaless sila ng taxes dahil umaaray sila sa sobrang taas ng percentage sa taxation sa business.

Kahit nga yung mga influencers umaaray din kapag lumagpas na sa 250k pesos yung kinikita nila dahil sa ganyang set-up na ginagawa ng BIR, sobrang nakakalungkot at hindi makatao talaga, naghahanap buhay tayo ng marangal at maayos, tayo nagpapakahirap tapos 1/4 ng pinaghirapan natin kukunin lang ng iba na wala naman ambag sa hirap na ginawa natin. What a sad reality.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: pinggoki on April 03, 2024, 03:48:32 AM
~

Isa din ito sa nabasa ko sa bitcoin discussion na para daw makaiwas sa pagbabayad ng tax if ever man na maimplement yung ganitong batas sa isang bansa ay mas mabuti daw na ipamigay nalang yung mga holdings or igift nga para makaiwas or makabawas sa tax payment? hindi ko lang alam kung sa paanong paraan pero ang nasa isip ko naman kasi ay bakit pa natin ipapamigay sa iba kung pwede naman na magbayad nalang tayo ng tamang buwis? kasi kesa mabawasan yung holdings mo para ipamigay, edi ipambayad mo nalang sa tax, at saka parang wala namang matinong tao ang magreregalo ng bitcoin basta basta, pero hopefully hindi na muna ito ang pag initan ng ating gobyerno kasi madaming ibang bagay ang mas kailangan nilang pagtuunan ng pansin kesa sa community natin.
Kung alam mong mapupunta lang sa bulsa ng mga corrupt na politiko etong tax mo, bakit ka pa magbabayad? Ang sakin lang eh magtiis nalang sila sa VAT natin, ayokong nagpapakahirap ako kumita ng pera tapos sila ay kukupit lang, tayo na nga ang nagpapasahod sa kanila tapos ganun gagawin pa nila, gagawin ko lahat ng paraan na hindi sila makakakuha ni sentimo sa profit ko sa crypto pero dapat legal loopholes pa din para walang problema.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: inthelongrun on April 03, 2024, 06:47:22 AM
Kaya para sa akin ay hindi na dapat buwisan ang income sa mga nag invest sa trading like crypto, stock market at forex. Risky kasi siya at pwedeng malugi tayo. Kaya nga kawawa stock market ng Pilipinas sobrang bagal at dependent sa mga foreign investors. Tangkilikin dapat kahit ng mga ordinaryong mamamayan para maging bullish ito at beneficial sa lahat.

Sa local stock market around 1.19% ang fees including tax na yan. Mataas na rin yan compared sa ibang bansa kahit sa Southeast Asia. Sapat na dapat yan at wala ng extra tax pa sakaling magkaroon ng income mga investors.

Regarding naman sa tax table na pinost, yearly yan. Actually improvement na yan kaysa noong mga nakaraang administrasyon. At least ang mga nakasahod ng 20k pababa ay wala ng tax. Pero masakit pa rin lalo na sakali may income kang 8M sa isang taon tapos kukunin lang nila ang 2M bilang buwis at ang pangit naman ng serbisyo sa gobyerno.

Title: Re:Crypto Taxation
Post by: Wapfika on April 04, 2024, 04:26:34 PM
..

Grabe naman yan 2M ibibigay mo sa gobyerno, hindi makatarungan yan, now I understand why yung ibang mga mayayaman may mga accountant na binabayaran para makaless sila ng taxes dahil umaaray sila sa sobrang taas ng percentage sa taxation sa business.

Kahit nga yung mga influencers umaaray din kapag lumagpas na sa 250k pesos yung kinikita nila dahil sa ganyang set-up na ginagawa ng BIR, sobrang nakakalungkot at hindi makatao talaga, naghahanap buhay tayo ng marangal at maayos, tayo nagpapakahirap tapos 1/4 ng pinaghirapan natin kukunin lang ng iba na wala naman ambag sa hirap na ginawa natin. What a sad reality.

Sad reality, Ok sana yung ganitong kalaki na taxes kung alam natin na maayos ang government kagaya ng mga first world country pero sa dami ng mga corrupt official at mga bobotante na binoboto pa dn yung mga known corrupt dahil lang binibigyan sila ng pera or trabaho kaya sobrang hirap baguhin ng sistema sa pinas.

Karamihan sa mga business lalo na yung malaki ay may under the table offer para maka discount sa taxes. Karaniwan dito ay may lagay kay mayor, congressman at iba pa para maka exempt sa taxes or makabawas while yung iba ay may double books para pababain yung declared profit.

Yayaman kalang dito sa bansa natin kung consistent na mataas ang income mo pero kung paiba iba ang profit ng business mo ay siguradong lugi ka sa long term dahil sa tax lang napupunta huge part ng profit mo.