Bitcoin Forum
June 19, 2024, 08:23:32 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 [508] 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 ... 696 »
10141  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ⚡⚡The First Digital Currency You Can Mine On Your Phone⚡⚡ on: December 28, 2019, 11:59:08 PM
Pwede ka yan sa multiple android phones?
Marami kasing mga nakatambak na cellphone dito mga pagawa sa customer na hindi pa binabalikan b aka pwede kong lagyan muna ng miner para mag mina at kumita man lang kahit konti.?
Pwede yan paps kaya lang dapat different account, magkakaroon kasi sila ng cleansing s amga dummy account, at kapag naimplement ang KYC masasayang at buburahin ang mga suspected bot (dummy account sa system).
May KYC pala sila, kailan ba yan implement? Nabasa ko yung sa description mo na hindi siya umiinit kasi yan rin yung nabasa ko dati sa mga review nung gusto ko itry magmina sa etn. Kung ganyan naman pala yang coin na yan tapos pwede iwan at ioff ang data, mas makakatipid kung nagre-rely ka sa data connection pero kung unli plan ka din naman, ayos din. Nababasa ko na ikaw ang kababayan namin dito na nakakadiskubre ng mga coin na pwedeng tumaas sa hinaharap tulad ng bitcoin 2. Wala din naman mawawala kung susubukan, oras lang puhunan at syempre power ng cellphone.
10142  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: MANNY PACQUIAO PAC TOKEN - TRADING COMPETITION on: December 28, 2019, 09:16:51 PM
meldrio1, sikat ang Pac token, talagang wais lang mga investors ngayon at hindi na basta basta bumibili kahit na may sikat na involved. Hindi naman sa sinasabi nating tulad o magiging centra ang resulta niya pero natuto lang an karamihan sa mga investos. Merong mga bumili pero alam ng nakararami na mas mainam kung antayin nalang kung ano ang magiging progreso ng coin na yan. Alam ko inadvertise na yan ni senator kaso nga lang hindi ganun ka solid kasi iba ang focus nya.
Syempre hindi naman dapat maging basis yun para mag invest ang mga kababayan natin, syempre titignan muna nating mabuti yung iba't ibang detalye tungkol dito para makasiguro na worthy itong investment. Dapat makita ng mga tao yung totoong purpose ng coin at alamin kung makakapagbigay ito sa kanila ng mga magagandang opportunities, kilala naman na talaga ang pac token sadyang hindi lang siguro nakuha nito yung atensyon ng mga investors. Interesado din ako pero ayoko munang magpadala sa kahit ano o kahit sino, hindi ko minamaliit yung ability netong coin pero iniisip ko din kung paano ito makakatulong sa akin kaya gaya nung sinabi mo maghihintay muna ako.
Nasabi naman kung ano ang purpose ng coin ang kaso nga lang hindi lang yun ang gusto ng mga investors syempre di ba? Nagiging matalino ng karamihan sa ating mga investors at hindi na rin basta basta sumusugod at nagi-invest sa isang project kahit na sikat pa yan. Nagkakaroon na tayo ng kanya kanyang pamantayan para hindi na maulit pa yung mga hindi magandang experience natin sa mga nakaraang investment natin. Ang pinaka nakikita ko sa coin na ito kapag nagkaroon sya ng medyo malaking volume, yung katulad ng ibang coin na pwedeng itrade siya sa mga exchanges yun at yun mismo ang magiging opportunity.
10143  Local / Pamilihan / Re: What is etoro? on: December 28, 2019, 08:14:46 AM
Hindi pa ako nagsisimula sa crypto matagal ko ng napapansin ang etoro sa google ads ang attractive sa platform nila is yung copy trade pero hindi ko alam kung paano gumagana yun since hindi ko pa na try but I assume same risk parin at stake.
Ang risk sa copy trade malaki rin kasi hindi rin naman laging on profit yung pagkokopyahan mo. Kung may magandang share syang nakuha at nabenta para sa kita, parang ganun din ang mangyayari sayo pero depende yan sa laman ng account mo o investment mo sa mismong platform nila. Mas hassle ang platform nila, kung naiinis ka sa mga fees mas maganda kung magstay ka nalang sa crypto trading. Pero kung afford mo naman mag invest para lumawak din experience mo sa trading lalo na international stocks sila focus, magandang platform sila. Maraming mga traders dyan na may mga youtube channels, pwede mo isearch at tignan mga trades at videos nila na informative din.
10144  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph VS GCASH Money Making Tips on: December 28, 2019, 06:29:58 AM
Yes, same here, para sa akin parehas naman silang worth it gamitin, although may similarities at least may option diba, dati pure coins.ph lang ako pero now unti until na din akong nagamit ng Gcash, lalo na sa fund transfer dahil madali lang magtransfer dito, minsan kasi matagal sa coins.ph, sa bills di ko pa natry, more on coins.ph ako.
Dati kasi 2% ang fee kapag withdrawal sa coins.ph papuntang gcash pero simula nung naging instapay at 10 pesos nalang, naging mas maugong ang cash out method thru gcash. Tapos ang kinagandahan pa, kapag bank transfer galing gcash ay libre lang. Online wallet na rin talaga siya na pwede mo gamitin kahit saan basta tumatanggap sila ng gcash payment mapa supermarket man o department store. Kaya ang tandem ng gcash at coins.ph napaka laking tulong para sa atin.
10145  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: MANNY PACQUIAO PAC TOKEN - TRADING COMPETITION on: December 28, 2019, 05:31:42 AM
meldrio1, sikat ang Pac token, talagang wais lang mga investors ngayon at hindi na basta basta bumibili kahit na may sikat na involved. Hindi naman sa sinasabi nating tulad o magiging centra ang resulta niya pero natuto lang an karamihan sa mga investos. Merong mga bumili pero alam ng nakararami na mas mainam kung antayin nalang kung ano ang magiging progreso ng coin na yan. Alam ko inadvertise na yan ni senator kaso nga lang hindi ganun ka solid kasi iba ang focus nya.
10146  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 28, 2019, 01:04:49 AM
Hello guys.
Question ulit regarding naman sa gambling.

Safe ba mag deposit thru Coins.ph directly sa betting site like betonline.ag?
Meron ba kayong ibang alam na website na mas maganda kesa dito or mas safer siya at legal na magdeposit din using Coins.ph?
Thank you in advance sa mga sasagot.
Padaanin mo nalang din muna sa ibang wallet tulad ng suggestion ni blankcode. May nabasa ako dati na naban ata yung account kaya kasi parang yan ang kinokonsider na dahilan kaya kung malakihang funds yan, wag mo basta basta idirekta kasi hindi naman natin masabi baka may way sila para matrack yan pero mababa lang ang chance.
Pero kung ayaw mo ng hassle wag mo idirekta sa coins, mababa lang naman ang fee at hindi naman masakit sa bulsa yan kesa sa kapalit na perwisyo in the future.
10147  Local / Pamilihan / Re: Pinoy Betting Site [Nakaka intindi ng tagalog yung support] on: December 27, 2019, 09:47:34 PM
Tulad nila, hindi ko pa narinig o parang pamilyar ako sa website na yan. Hindi kaya Pinoy din talaga ang support nila kasi alam ko kalat tayong mga pinoy sa ibat ibang larangan at tayo ang madalas na kinukuha sa mga ganyang uri ng trabaho.
Sige, susubukan ko yan kaso hindi naman ganun kalaki pang test ko para malaman ko lang kung gaano kabilis yung sa deposit withdrawal nila at sana walang maging problema.
10148  Local / Pilipinas / Re: Ano ang PoS at PoW mining? Pagpapakilala sa Masternodes on: December 27, 2019, 09:35:18 AM
Ang dalawang ito ay may kanya kanyang cons and pros ika nga wala tayong masasabing program na flawless talaga, POW man or POS nasa ating pagpapasya na lang kung ano ang gusto natin o san tayo maglalagak ng ating pera sa dalawang ito, ako kasi sinubukan ko ang hardware pero almost 6 mos na akong nagstop, ngayon naman ay mga mga potential coin ako na naglagak ako ng puhunan sa masternode mining.
Anong coin ang may masternode ka? Akala ko dati parehas lang ang PoS at masternode, may pagkakaiba pa rin sila. Ang pinakamahal na masternode ngayon ay dash at mukhang malabong may invest sa atin dyan tapos yung income hindi rin naman ganun kalakihan. Pataas din kasi ng pataas yung difficulty sa pagmimina kaya kung meron kang mga coin na namina ng maaga aga bago magboom, siguradong malaki ang kita.
10149  Local / Pamilihan / Re: Ang mga Benepisyo ng Gambling( offline)... on: December 27, 2019, 08:21:20 AM
Sa ekonomiya ng isang bansa, totoo na malaki ang ambag ng sugal. Example muna natin ang bansa natin, ang daming nagsulputan na malalaking gambling company sa bansa natin na may kasama pang mga resort at hotel. At may benefit din yan kasi ang PCSO dyan kumukha ng pondo. Nandyan rin yung mga POGO na tinatawag pero hot issue kasi madaming illegal at kulang sa permit. Ang Macau at Vegas, kilalang mga lugar ng casino at ang bansa nila ang nakikinabang.
10150  Local / Others (Pilipinas) / Re: Membership Activity Count on: December 27, 2019, 06:56:27 AM
Tama yan kaso may karagdagan na merit requirement at hanggang legendary na po.
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=2818350.0)
10151  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 26, 2019, 11:56:44 PM
Nga pala, nalimit yong coins.ph ko dahil hindi pa ako nakakapag phone interview, ano mangyayari kung ayaw ko pa painterview? Tuluyan bang hindi ako makakacash out.
Oo, hindi ka na muna makaka cash out until na ipasa mo yung enhance verification. Sobrang hassle nito and ang daming hinihingi na proof of income. Hinayaan ko na lang yung account ko and good thing nakagawa ako dati ng account for my wife at yun na lang ang ginagamit ko.
Ituloy mo nalang yang phone interview kasi madali lang din naman yan. Kung ayaw mo ng hassle mas mabuti na mag comply ka nalang. Wala naman kasi tayong magagawa kasinso coins.ph ang pinaka convenient sa lahat. Pero kung meron kang ibang pwede pakisuyuan, nasa sayo yun kaso kung medyo mga malakihang halaga di ba mas maganda kapag sa mismong account mo mangyayari yung transaction at hindi ka makikisuyo?
10152  Local / Pamilihan / Re: Pangkalahatang-Ideya sa mga Browser. Alin ang dapat na gamitin? on: December 26, 2019, 10:59:16 PM
Gumagamit ako ng Brave at hindi naman ako hinihingian ng KYC. Para lang siguro yan related kapag gusto mong kumita ng Bat at magpublish sa kanila.
Naka off lang yung sa earning ng Bat ko kaya parang normal browsing lang ang gamit so walang problema sa akin.
10153  Local / Pamilihan / Re: [SERVICE]Charcoal and Graphite Portrait Drawings! on: December 26, 2019, 09:26:02 AM
Brad ang tindi mo, na post mo na ba ito sa Goods section o services para sa mga potential international na customers mo?

Hindi ko pa ito napopost boss. Post ko kaya?? Wala kasi akong idea masyado sa international shipping eh. Hindi ko din sure kung pwede mag ship ng naka frame yung artwork. At least, dito ko muna uumpisahan yung service sa local para malaman ko din yung possible problems kapag may client na. Thank for the compliment.
Oo ipost mo para mas lumawak yung market mo. Pero kung di ka pa naman kumportable, dito ka muna sa local. At para magka ideya ka kung magkano ang shipping fee sa mga international na padala, pwede ka naman magtanong sa mga pages ng mga cargo o kaya LBC at iba pang shippers. May nakita kasi akong ganyan at madami ding namangha at malay mo may makadiskubre sayo sa ibang bansa diba? lawakan mo din network mo na at hindi lang dito sa forum.
10154  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ripple Based Remittance Firm - SendFriend Claims to Save Up to 80% in Fees on: December 26, 2019, 07:40:02 AM
Hindi naman siguro kailangan laging may update minsan kasi ang mga implementations na ganito one lang ina-announce minsan kadalasan nag eexist nalang ang update without the publics knowledge. Pero ang kagandahan slowly remittances are implementing and getting to recognise blockchain tech.
Minsan kasi kapag ganun lang parang para lang sa balita. Ganun pa man, tama yung sinasabi mo na hindi naman nila kailangan iupdate palagi. Kaya kung ano man ang kalalagyan ng sendfriend sa pag adopt ng blockchain sana maging open rin sila sa crypto kahit na ito talaga yung alternative sa magiging service nila. Kapag lahat ng tao nasa crypto at aware na sa service katulad ng sa mga remittance magandang competition yan at baka may maisip na mas maganda ang mga nasa remittance industry.
10155  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ripple Based Remittance Firm - SendFriend Claims to Save Up to 80% in Fees on: December 26, 2019, 12:22:07 AM
Hindi ako pamilyar sa sendfriend. Ang pagkakaalam ko ang unang nabalita ay yung cebuana at moneygram na gagamit ng xrapid o yung technology ng Ripple. Kaso hanggang ngayon walang masyadong update tungkol sa mga balita na yun.
Kaya kung hindi magtuloy tuloy itong tungkol sa sendfriend baka matulad lang din sa mga nasabi kong remittance.
10156  Local / Pamilihan / Re: Planning for a A Game lang pasasalamat mag 2years na ata ako mahigit dito e on: December 25, 2019, 09:56:03 PM
Papipiliin mo nalang ng number 1—100 yung mga gustong sumali at magbigay ng dahilan bakit sila ang dapat manalo. Tapos base sa sagot na magustuhan mo sila ang manalo. Yung purpose ng number parang id lang sa pagjoin. Pwedeng yun ang maging random na pipili at generator tapos kung sino ang lumabas siya ang panalo. Bali parang dalawa ang magiging mananalo pero sabi mo isa lang so pili ka random number generator o dahilan kung bakit sila ang dapat mong piliin.
10157  Local / Pamilihan / Re: [SERVICE]Charcoal and Graphite Portrait Drawings! on: December 25, 2019, 07:00:50 PM
Brad ang tindi mo, na post mo na ba ito sa Goods section o services para sa mga potential international na customers mo?
10158  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 25, 2019, 12:37:51 PM
Wala bang bingay ngayon na ang pao sa coins.ph nag aabang ako baka sakaling mayroon sa pagkakaalala ko kasi dati nagbibigay tslaga sila ng mga ang pao yung iba pa nga libo libo ang nakuha ng iba pero karamihan maliliit lamang.  Nakakuha ba kayo ng ang pao sa coins.ph nitong mga nakaraang araw at ilan ang nakuha niyong amount sa ang pao na nabuksan niyo?
Mukhang nahuli kana at hindi ka nakasubaybay sa facebook page nila. Namigay sila ng ang pao kabayan. Hindi na ako interesado sa angpao kasi laging huli lang din ako.

So hindi naman ako nagka-problema sa Gcash kahapon nakalabas naman ng matiwasay ang aking withdrawal.

First pasko na hindi ako nagkaroon ng aberya sa withdrawal hindi katulad nung mga nakaraan.
Walang sakit sa ulo at Maligayang Pasko sa inyong lahat.
Salamat Coins.ph.

Bagong taon naman. Sana ganto din ka-smooth.
Wala rin akong problema at mukhang mas maganda magwithdraw kapag nasa probinsiya kasi malutong na pera, konti pa tao.
10159  Local / Pamilihan / Re: Borrow ETH with no Interest. on: December 25, 2019, 10:05:22 AM
Maganda ang layunin ni Russlenat pero ingat ka din sa mga papahiramin mo kasi baka merong magtake advantage kahit na sa ganyang halaga kaya alam kong magiging mapili ka. Sa totoong buhay nagpapautang ako at naranasan ko na kahit maliit na halaga ay hindi pinapalipas nung mga walang plano magbayad. Sana sa mga hihiram wag abusuhin yung kabaitan ng tao at sumunod sa terms niya.
10160  Local / Pamilihan / Re: Discussion about cryptotalk current situation. on: December 24, 2019, 11:01:37 PM
Desisyon ko rin na ito muna suotin ko.

Pero mukhang magbabago ulit ng signature according to yahoo:
Not going to matter soon. I'm waiting for new codes to be sent to me.
Mas magandang update ito, antayin ko nalang din dahil merong parating at sana wala yung yib sa sig.
Pages: « 1 ... 458 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 [508] 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!