Bitcoin Forum
June 20, 2024, 08:37:08 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 [509] 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 ... 696 »
10161  Local / Pamilihan / Re: Discussion about cryptotalk current situation. on: December 24, 2019, 11:01:37 PM
Desisyon ko rin na ito muna suotin ko.

Pero mukhang magbabago ulit ng signature according to yahoo:
Not going to matter soon. I'm waiting for new codes to be sent to me.
Mas magandang update ito, antayin ko nalang din dahil merong parating at sana wala yung yib sa sig.
10162  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pano kaya kung si satoshi ay active pa on: December 24, 2019, 08:41:22 PM
Ang tanging naiisip ko lang ngayon meron tayong taong pasasalamatan kung nandyan pa siya, pero kahit na nandyan pa siya pwedeng pwede niyang idump kung ilang bitcoin meron siya. Tandaan mo yung ginawa ng mga owner ng Ltc, Eth, Xrp at iba pang mga altcoins.
Halos lahat ng dev nila nagsi-dump para sa kita nila.
10163  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: 🔥🔥REGULATING BODY PARA SA MGA BOUNTY PANAHON NA BA?🔥🔥 on: December 23, 2019, 10:00:03 AM
Nag comment na din ako sa thread na yan kaso malabo talaga at mahirap. Meron namang mga volunteer na nakikipaglaban para sa mga scam bounty kaso nga lang kahit na sabihin na scam yung bounty, yung ibang participants naman ay tuloy tuloy din sa pag promote nun kaya ang pagsali talaga sa mga bounty ay isang risk din. Aware naman lahat ng bounty hunters dyan at masakit talaga na yung effort ay nasasayang lang at napupunta sa wala pero ganyan talaga kasi ang kalakaran sa bounty.
10164  Local / Pamilihan / Re: [GAMBLING] PBA Governor's Cup Discussion and Crypto-Sportsbetting on: December 23, 2019, 08:35:21 AM
Sa mga pupusta diyan, baka meron kayong tip diyan? Parang gusto kong pumusta dito sa game 5 na ito kahit maliitan lang.  Grin

This is anybody's ballgame, mahirap i-predict kung sino mananalo kasi both are capable and worthy of going into the finals but personally, gusto Meralco manalo dito.
Kaya nga. Parehas solid at mahirap mag-suggest o magbigay ng tip ng hindi sigurado. Saan ka ba pupusta janprix? sa mga sports book o naghahanap ka ng personal na kapustahan?
10165  Local / Pamilihan / Re: [GAME] "Bring Me" Chance to win XRP coins on: December 22, 2019, 11:22:06 PM
Maganda yung mungkahi mo kaso baka magka conflict kapag sa prize na. Yung unang nakasagot pwedeng tama yung sinabi niya pero kulang at ganun din yung susunod na sasagot kaya si op magde-decide kung kanino mapupunta. Ito lang yung nakikitang conflict pero sa lahat lahat, maganda yung suggestion mo.
May punto ka nga kabayan, Hindi ko agad naisip yun palibhasa nasa work ako kanina. BTW si OP na bahala nagbigay ng question mahalaga ay nakapag suggest ako. Tsaka baka magawan niya rin ito ng paraan the way na masasagot in specific
Ayan na sumagot na si op basahin mo nalang.

Even there is a first one who answer first obviously if he is wrong why would I acknowledge him as winner? Unless there is a dispute with the answers and I'm proven wrong of course there will be an adjustment that will be made. Thank you though for the suggestion.
Sa example ko, hindi siya mali pero tama yung sagot niya pero kulang at pwedeng ganun din sa susunod na answer. Anyway, suggestion lang naman yan op, good luck. Lagi na kaming nakamonitor dito. hehe. Smiley
10166  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 22, 2019, 10:27:58 PM
Medyo naguguluhan ako sa cash-out ng coinspro to coinsph nung isang araw friday ata un nagcashout ako ng hapon at around 2:55 pm mga 3pm nareceived ko na agad sa coinsph ko kanina naman nagcashout ulit ako mga 1pm ng hapon til now wala pa rin or dahil weekend kaya wala silang opisina pabago bago ata sila hindi mo malaman kung after 24 hours ba talaga o after ilang minutes or ilang oras haist,  ganun den ba sa inyo? 
Oo, ganyan din sakin. Wala kasi talagang exact receiving time yan. Swertihan lang talaga kung less than 1 hour mong matanggap yung withdraw mo sa kanila. Nakakamiss yung instant withdrawal nila katulad ng dati. Siguro ginawa nila yang delay kasi ang daming mga withdrawals na nagsasabay sabay at mas okay sa kanila ang delayed withdrawal para mas ma process nila ng mas maayos yun. Pag weekend alam ko pwede pa rin naman mag withdraw pero walang eksakto talagang oras yung arrival.
10167  Local / Pilipinas / Re: Cebu City for digital nomads on: December 22, 2019, 09:12:19 PM

Kung may budget siyang $20/day - magrent na lang say ng condo for 25000PHP a month dahil mas safer. You can test your booking in https://www.booking.com set dates at makikita nya na maraming hotel offering 30 nights for less than 25K PHP.
My suggestion is PENSIONNE LA FLORENTINA dahil nakatira ako malapit dito nong nasa Cebu pa ako.

If you wanna see what your fellow tourist do in Cebu to rent space check this place https://www.livingincebuforums.com/forum/20-buying-or-renting-real-estate/

Hwag sa $100/month baka hindi gated community yan dahil, baka maransack lang sya ng mga maldito dyan sa Cebu at pagkakwartahan ng mga lispu.

edit: Mahal nga pala ngayon angrates dahil malapit na Sinulog Festival.
Hey, OP you should read this suggestion of target. When you'll come in Cebu? rates are increasing because of the mentioned event which is Sinulog but I guess it'll cooldown when it's done.
Mas maganda nga siguro kung condo mas safe pa siya.

Thanks for the answers.  I'm benefiting a lot from them.
What is the reasonable internet speed we can expect in Cebu and other expat cities?For exampe Is 20 mb/s possible?

Kind regards..
In commercialized places, I think it's possible. Metro Cebu is like Metro Manila now, it's also urbanized and developing so internet speed in business centers wouldn't be a problem and that 20mbps is likely.
10168  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Bounty Regulations on: December 22, 2019, 01:53:48 PM
What if magkaroon ng background check sa mga bounties bago mapublish at kapag di dumaan sa isang proseso e automatic mawawala ito ng credibility para masabing legit ang isang campaign at para na din malimit yung mga lumalabas na campaign.

Ano tingin nyo? Kasi para sa akin makakapag dagdag ito ng trust sa isang project.
Maganda sana yung ganyang ideya pero ang crypto kasi ay decentralize at kapag mangyaring magkaroon ng ganyan, mawawala din halos ang mga bounty. Wala ng maglalakas ng loob sumugal na mga project na mag bounty kasi may background check at alam naman natin na karamihan sa kanila ay mga start up lang halos. Kapag failed ang project during ICO at bounty, hindi na nila itutuloy yan at magiging bad credit yun sa kanilang reputation.
10169  Other / Off-topic / Re: [Job offering] For hard working peoples who want a source of income! on: December 22, 2019, 12:01:19 PM
Name the software. Give the exact details and method. You should expect people to think of it like a ponzi or any sort of scam if you will not include the complete details.
10170  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin all over the Philippines on: December 22, 2019, 12:10:19 AM
Hindi pa kilala ata lugar namin jan siguro hindi pa masyado kilala dito sa amin ang bitcoin.
Baka mga susunod makilala na rin lugar namin pero sa ngayon parang kaunti pa lang naman halos lahat ay nasa luzon lahat ito.
So doon talaga unang nakilala ang bitcoin papuntang mindanao, Kaunti pa lang kasi sa mindanao ang may alam nintong bitcoin.
Nakilala yung bitcoin sa bandang Mindanao sa pangit na paraan. Kung naalala niyo yung Kapa at iba pang mga scam na investment na ginamit yung bitcoin para kumita sila, bitcoin ang ginawa nilang pang entry at dahilan para makahikayat ng mga investors.
Ang kaso nga lang, alam natin ang mga sumunod na nangyari kaya nagkaroon ng hindi magandang introduction yung mga kababayan natin doon.
10171  Local / Pamilihan / Re: [GAME] "Bring Me" Chance to win XRP coins on: December 21, 2019, 10:52:45 PM
Waah 7 minutes nasagot na, sayang.

So be attentive guys. This is the game works and hopefully some of you will win next games.
Waiting na sa next bring me mo. Kailangan na laging mag check sa thread na ito guys.  Cheesy

Maaari bang magmungkahi ng uri nang tanong?

Nais ko sanang magrequest ng patungkol sa Facts Hindi lang para Kay BTCitcoin kundi pati sa ibang mga altcoins.
Para narin sa mga newbies na maaaring makabasa nito at ng sa gayun ay may matutunan din sila.
Maganda yung mungkahi mo kaso baka magka conflict kapag sa prize na. Yung unang nakasagot pwedeng tama yung sinabi niya pero kulang at ganun din yung susunod na sasagot kaya si op magde-decide kung kanino mapupunta. Ito lang yung nakikitang conflict pero sa lahat lahat, maganda yung suggestion mo.
10172  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph VS GCASH Money Making Tips on: December 21, 2019, 10:08:46 PM
May nakakaalam ba kung paano mag farm sa Gcash? Narinig ko lang sa ibang forum na may nakakapag farm at withdraw everyweek ng almost 3k to 5k yun ang nabasa ko sa ibang forum kundi sa phcorn or sa mobilarian?
Sino nakakaalam dito non kung paano gawin share naman pang extra lang ngayong pasko  Grin
Paano yung ganito? mukhang interesting ha. Pwede mo ba I-share yung link tapos pag-aralan natin? hindi ko sigurado yang farm na yan baka yung seed yung tinutukoy nila dyan?

Yung maganda is yung bill as a bayad center parang pag naka 3 ka atang bill na tig 1k ang bill may 300 ka ang teknik dito pati mga kapitbahay mo kung gusto mo sila mag bayad at sisingilin mo lang ng fee kahit bente or 50 ok na plus bonus na 300 per 3 1k bill.

Sa coins.ph kasi maliit lang ang deals and promo nila hindi gaya ngayon sa gcash.
Isang beses palang ako nakapag bayad ng bill gamit ang gcash, monthly din ba yung dapat na tatlong bill na at least P1k yung babayaran para eligible sa P300?
10173  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph VS GCASH Money Making Tips on: December 21, 2019, 12:29:27 PM

Mayroon din ako nyan sa gcash ko, nag invest di ako sa ATRAM, medyo maliit nga lang  ang tubo pro mutual funds nama ok lang pandagdag lang ng investment kunwari.  Cheesy

 Paano mag send pala ng clip? naka 4 pa alng ata ako sa task.

Oh sa Gcash din pala ngayon may Shake Shake promo sila. ok din.
Ako nag invest lang ako kasi required sa task para umabot ako ng 5 task para 5 chance din ng gift. Pero parang maganda na din aralin kung ano ba talaga yung Atram. Ang baba lang kasi ng required para sa task 50 pesos total may sobrang 50 naman ako kaya tinry ko nalang din.
May instruction dyan pag magsesend ka ng clip worth P5 na parang ang pao lang din. 2 times na ako nanalo ng P150 free upgrade sa Pizza hut haha.
10174  Local / Pilipinas / Re: Pinoy takot paren sa crypto-investing? on: December 21, 2019, 09:21:09 AM
Di na natin ito inaasahan kung bakit tako talaga iba nating kababayang pinoy sa crypto investing.
Marami din kasi tayo nakikita sa television or sa ano mang klaseng social media na may mga nakukulong at na scam dahil sa ginagamit nila ang pangalan ng crypto at isa ito ay bitcoin. Pero kung tayo ang tatanongin hindi naman scam ang bitcoin ang scam ay yung mga taong mahilig mangloko kapwa tao kaya ngayon maingat talaga tayo.
Nandito tayo at alam natin sa mga sarili natin na hindi scam ang crypto. At madaling I-identify yung scam sa hindi kaso nga lang kasi ang mindset ng karamihan sa mga kababayan natin ay fixed na. Kapag may nabalita at narinig lang na nabanggit ang bitcoin, ayaw na nila kasi nga baka pati sila ma-scam. Okay lang naman yun kasi nga hindi sila aware at hindi na sila open pa sa discussion kahit ipaliwanag mo na nagamit lang ang pangalan ng bitcoin.
10175  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 21, 2019, 08:19:42 AM
Ibang-iba na talaga ngayon. Dati patay ang withdrawals kapag holiday at nag-aadvance ang mga tao. Ngayon no need to rush. Wag lang matymingan ng delay at maintenance.
Kaya nga, mas considerate na sila ngayon kasi panigurado mas maraming users nila ang magrerequest ng withdrawal kapag mismong araw na ng Pasko. Sana nga wala masyadong maintenance sa mismong araw pati sa bisperas.

Anyways, maganda ito para sa atin. Ang mahirap dito ay kung may mga laman pa ba ang mga ATM na pagwiwithdraw-han.
Naranasan ko yan nakaraan. Ubusan talaga pati pato. Kahit 1000 bills wala natira. Limas.
May LBC pa naman kaso sigurado ba punuan din mga tao niyan sa mga open branches nila.
10176  Local / Pamilihan / Re: Crypto - New Year's Resolution - Win some Bitcoin! on: December 20, 2019, 11:25:28 PM
Ang aking crypto New Year's Resolution ay:

1. Mag-iipon ako ng bitcoin hangga't maari at kapag tamang oras na ng pagbenta, di na ako magiging greedy.
2. Kapag nagkaroon ng pagkakataon para magbenta sa mas magandang presyo ng aking mga alts na hinohold, benta ko na rin at convert ko sa bitcoin para mas makaipon ako.
3. Iiwas na ako sa mga bad debt, hindi mangungutang para pambili ng bitcoin.
4. Lalawakan ko ang aking mga investments sa taong 2020.
5. Kapag nagbenta na ako, walang panghihinayang at dapat buo ang pasya.
6. Mas matuto pa ng maraming bagay tungkol sa crypto, invest invest din ng karagdagang knowledge.
10177  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Bisitahin natin ang mga top 10 altcoins ngayon pagtapos ng ATH on: December 20, 2019, 10:06:33 PM
Meron pa din akong hawak sa mga yan at nanghihinayang nalang ako hanggang ngayon pero ganyan talaga ang buhay. Antayin ko nalang ulit tiwala naman ako kapag nag bullish run ulit magbabalikan yung iba kumbaga kung tumaas ulit salamat, kung hindi naman salamat pa rin at lesson learned nalang.
10178  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 20, 2019, 01:43:09 AM
Mukhang maganda ito nalang ang ipamasko ko sa mga kamag anak kong malalayo sa amin. Salamat din sa paalala nagka-ideya ako kung paano ako makakapagbigay kahit maliit lang na halaga sa mga kamag anak kong marunong din naman gumamit ng coins.ph.
Baka mas malaking halaga doon sa palaging nakakaalala at nangangamusta kahit walang kailangan.  Smiley

Haha kabayan talagang via ang-pao? Puwede mo naman irekta na lang kamag-anak naman.

Sabagay para surprise and Christmas talaga ang datingan. Iyon nga lang pag random amount baka magkatampuhan lol.

Hugot yang last line ah.
Oo kabayan kasi yung mga kamag anak nating mga taga malayong lugar pwede nila ma-claim at wala pang fee kung ipapadala. At kapag na-claim na nila pwede nila gamiting pang load kaya kahit maliit na halaga ma-appreciate nila. Tungkol sa last line, ganyan kasi nangyayari kaya mas nakakatuwa magbigay doon sa laging nangangamusta pero walang hinihingi di ba?
10179  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 19, 2019, 11:54:11 PM
Guys, tanong ko lang po, sino po dito ang sainyo' nakasubok na or kaya ay nakakuha na ng pa AMPAW ni Coins.ph? Paano po ba makakuha nito at ilan po ba laman nito?

Salamat po.

Thank you for reminding me "Ang Pao" dahil papalit na din ang Christmas.

  • Nakukuha ito sa pamamagitan ng pag share ng Ang Pao link.
  • Minimum of PHP 50 para makagawa ng Ang Pao
  • Amount can be set "Equally" or "Randomly"
Read more: https://support.coins.ph/hc/en-us/articles/115000001442-How-do-I-create-a-Red-Envelope
Mukhang maganda ito nalang ang ipamasko ko sa mga kamag anak kong malalayo sa amin. Salamat din sa paalala nagka-ideya ako kung paano ako makakapagbigay kahit maliit lang na halaga sa mga kamag anak kong marunong din naman gumamit ng coins.ph.
Baka mas malaking halaga doon sa palaging nakakaalala at nangangamusta kahit walang kailangan.  Smiley
10180  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ETH - 4TH QUARTER PRICE PREDICTION [GAME] on: December 19, 2019, 10:30:51 PM
Well, congrats nalang ako sa mga below $200 prediction I am sure wala ng chance pa na mag pump ang ethereum dahil mababa din ang bitcoin at halos lahat ng altcoins sumasabay kay bitcoin. Mukhang sasabay sa pagtaas pagdating ng block reward halving na mangyayari next year. Ewan kong tataas pa.

Napakalayo hula ko, nasa $400+ range.
Kamusta naman ako $600?  Tongue
Ok lang yan ang mahalaga kung sino man ang magwawagi may magandang regalo ngayong Pasko. Advance congratulations din sa inyo na may mga magaganda at close na prediction sa kung ano yung price ni Ethereum ngayon.  Wink
Pages: « 1 ... 459 460 461 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 [509] 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!