Bitcoin Forum
July 01, 2024, 10:46:26 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 [512] 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 ... 697 »
10221  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 16, 2019, 02:28:40 AM
Buti na lang bumalik na ang Gcash with option transfer from BTC wallet pero mukhang unstable pa at hindi pa working. So mas mainam kung PHP lang muna pa rin ang gamitin.

Subukan ko rin yang Unionbank, mas okay talaga kung meron kang mga back up para sakaling mag maintenance yung ibang options eh merong alternatives.

Masisipag talaga mga kabayan natin dito, kahit wala ng nag aasist dito na staff from coins.ph mismo, tayo-tayo na lang magtutulungan.
Kapag sa mga concern na naranasan na ng mga kababayan natin, madali lang magpayo pero kung yung concern ay mismong dapat sagutin ng coins.ph mas mainam na doon kana mismo direkta sa kanila kumontak. Ang dali lang naman nila contact-in kasi active sila sa email pero parang mas trip ko pa din yung live chat support nila.
10222  Local / Pilipinas / Re: Pinoy takot paren sa crypto-investing? on: December 15, 2019, 10:51:29 PM
Kung kaya nasisira ang imahe talaga ng bitcoin dahil sa mga manloloko. At sa tingin ko marami parin ang maloloko dahil s pagtangkilik sa mga invest na ponzi dahil sa malaking pursyento na makukuha ng ilang buwan.
Itong mentality ang dapat maalis sa mga kababayan natin. Kasi ang gusto ng karamihan ay yung mabilis na pagkita, kaya ang iniisip nila kapag may nag alok sa kanila ng bitcoin. Ang akala nila ay ito ay instant profit na investment kahit hindi na nila dapat pag aralan pa. Yun lang naman ang dapat nilang gawin, pag aralan lang nila at madali na nilang madistinguish yung mga scam at hindi. Kaso ang nakakalungkot lang kahit na nabiktima na sila, hala sige invest pa rin kahit hindi nagreresearch.
10223  Local / Others (Pilipinas) / Re: Ingat sa mga Phishing Links sa Private Messages + tools para maiwasan on: December 15, 2019, 09:39:34 PM
Salamat sa pagshare roziejohn. Malaking tulong yang mga karagdagang information na naishare mo para macheck kung phishing site yung shineshare na website sa atin.
At kung mangailangan man ng tulong, wag sa kung sino sino lang. Madaming mga members dito kababayan man o hindi ang handang tumulong kapag merong mga teknikal na kailangan. Iwas download na, safe pa procedures.
10224  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: December 15, 2019, 08:35:14 PM

Although kahit matagal pa ang 2022 pero still time will come at pwedeng mangyare yang sinasabi nyang yan, we can still that there will be light sa crypto industry at mararamdaman natin ito sa paglapit ng halving at sa 2022 hold lang talaga ang dapat gawin this time at isipin na lang na investment ito na kailangan talagang umupo ng matagal na panahon para masabing kumita ang itinabi.
Matagal tagal pa pero kung iisipin mabilis lang yan lilipas at hindi mamamalayan na malapit na tayo sa year na yan. Iplano nyo na dapat kung magkano ang kaya niyong ihold hanggang sa mga susunod na taon hindi lang 2022. Tiis lang muna at iwas benta nalang kasi nakakatukso yan lalo na kapag sa price ka lagi nakatingin.
10225  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: December 15, 2019, 12:41:19 AM
HODL HODL HODL



Alam niyo ba na si Tim Draper or kilala sa pangalan na "Draper" ay isa sa na scam sa Mt.Gox? ngunit hindi siya dun natigil sa nakikita niyang future na meron ang bitcoin dahil nung nagkaroon ng Auctioned sa U.S Marshall's Office ay pumunta siya dun at bumili ng 29,656 bitcoins sa presyo na $632 per bitcoin in overall - $18.74m, at hindi pa dun nagtatapos dahil hanggang ngayon ay hawak niya pa din ito kahit matapos ang bullrun nuong December 2017 na umabot sa $20,000 ang bitcoin na nagkakahalaga sa $593.12m ang value na hawak niyang bitcoin sa araw na yun.
$7k level ulit pero temporary lang ito at tiwala ako na kapag may mga drop na ganito, sigurado medyo mataas ang balik niyan kasi mas madaming bibili habang mababa pa. Baka meron pa din dyang kinakabahan, nakita natin sa simula ng taon na $3k ang bitcoin at nung pumalo sa $13k, nagdrop sa $6.6k kaya nasa profit pa rin mga holders hanggang ngayon. Ang tindi pala ni Tim Draper at pagkakaalala ko siya nag predict ng $250K sa 2022 di ba?
10226  Local / Pamilihan / Re: Coinstalks.com on: December 14, 2019, 10:43:30 PM
Pansin ko lang biglang dami ng mga crypto forum na nag-aalok ng pay-per-post, ano kayang meron Huh iisa lang kaya ang may-ari nito kasi halos sabay-sabay silang naglilitawan pero mas maganda sana kung lahat sila may signature campaign dito sa bitcointalk tulad nalang ng suot kong sig Grin o kaya naman ay taasan nila ng kaunti yung rate nila kung gusto talaga nila mag drive ng traffic sa site nila.
Marketing style nila yan para makahakot ng traffic sa forum nila at una nila yang nakita at effective dito sa bitcointalk. Hindi yan iisang may ari lang, marami lang talagang sumusubok at baka balang araw yung forum nila maging profitable sa kanila kapag malaki na yung visitors nila. Madaming pwedeng pagkakitaan sa ads ang maganda lang sa mga ganyan habang nagbi-build up sila ng traffic nila, yung mga users nila ang nakikinabang. Kaso parang ang baba ng rates nila sabagay starting palang sila.
10227  Local / Pamilihan / Re: Stock market: P127B lost after Duterte hits water firms on: December 14, 2019, 08:52:43 PM
Papaapi pa ba tayo? Oo nabasa ko ang karamihan na nag iigib dati.
Marami na silang napagawa tulad ng pagoapatubo ng linya.
Pero pwede ba tignan nyu bill nyu?
Kasi nakacharge satin lahat mg ginagawa nila at mga natatapong tubig!
Totoo po iyan. Ngayun nalang talaga tayo namumulat sa jatotohanang ginagago tayo.
Ganito din sa kuryente, yung system loss sa mga consumers nila chinacharge na dapat hindi na shoulder ng mga tao yun. Pero sa mahabang panahon parang ginagatasan na nila at parang naging normal charge na yun. Sana maungkat din yung issue tungkol dyan kasi related din yan sa mga Pangilinan, bagsak din stocks niyan pag nagkataon.
10228  Local / Pamilihan / Re: What is etoro? on: December 14, 2019, 11:03:24 AM
May risks padin lahat ng investment kaya hindi sure na kikita ka sa pag cocopy trade. Pero depende pa din ata kung sinong trader ang icocopy mo. Para sa mga merong full time job jan pwede nilang subukan ang etoro trading platform dahil nga sa copy trading kung saan pwede sila makakuha ng passive income. Madaming features and etoro, sa katunayan pwede ka dito mag trade ng international stocks pati na din commodities, forex, index at syempre cryptocurrencies.
Normal lang ang risk pati yung mismong kinokopyahan mo alam yun. At malas mo lang kapag hindi ka marunong pumili ng kokopyahan mo pero siguro maganda yung feature na yan kapag appreciate mo lang na pwede mo makita yung percentage ng pagiging profitable nila kaya may ideya ka kung sino ang dapat mong piliin.
Kaso ika nga natin, hindi laging pasko at yung mga magiging na trader nakakaranas din ng loss.
10229  Local / Pilipinas / Re: 🔥 🔥The BITCOIN Market Psychology (Nakakaurat minsan) Sad but True🔥 🔥 on: December 14, 2019, 09:20:43 AM
Tagal mo na pala sa bitcoin, madami madami ka siguro naibenta at naipon hanggang ngayon. Totoo yang sinabi mo na kapag tumataas, doon ulit pumapasok mga investors kasi nakikita nilang may flow. Mas gusto nila yung ganun kasi mas nahahype sila kesa sa maging patient. Ang dami kong kakilala na ganyan din, perfect na halimbawa nung 2017. Di ba sobrang taas ng bitcoin nun? ang daming mga nagtatanong at akala nila rich quick scheme kaya sila nag iinvest.
10230  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin will replace money sa aking palagay ganeto ang mangyayari on: December 13, 2019, 10:44:50 PM
Mahihirapan yung iba nating mga kababayan na mag adopt sa ganitong palitan. Pero ngayon madami ng nagiging aware sa online/digital transactions tulad nalang ng pagkakaroon ng coins.ph, gcash, paymaya at iba pang mga lokal na payment services. Ang tingin ko parehas nating magagamit ang crypto at fiat dahil hindi papayag ang gobyerno na aasa lang ang monetary system natin sa perang wala silang control.
10231  Local / Pamilihan / Re: Stock market: P127B lost after Duterte hits water firms on: December 13, 2019, 08:59:54 PM
Ganyan talaga sa stock market kapag merong pangit na balita sa company tapos holder sila ng stocks nun, benta agad. Pero may magandang entry rin sila dyan kasi kapag bumaba bibili din yang mga yan agad agad. Katulad nalang ng nagkaroon ulit ng balita na hindi na nila sisingilin yung gobyerno ng P10B mahigit. Antayin natin pati yung stocks ng ABS-CBN before March baka bumagsak din. Hindi ako expert sa stocks pero parang crypto market din kapag may mga pangit na balita.
I am not trading outside crypto but it seemed like the same principle is use, there's also a panic because it's the president that is threatening the business of ayala and Pangilinan and these are their major businesses which are a billion dollar business so if something bad happens, other business might be affected as I believe these two tycons have ayala group of companies and pangilinan group of companies.

It looks like it's not wise to invest in philippine stock market at this time as the president might continue to look other businesses that he can stop when necessary.
Pangilinan at Ayala companies talaga ang involved. Matagal na pala yang pinaglalaban yan ng isang congresistang babae pero walang nakikinig sa kanya. Nung mag search ako, almost o more than 7 years na pala niyang inoopen yan sa senate pero walang pumapansin talaga sa kanya. Ngayon, nakahanap siya ng kakampi at yun ang pangulo. Halos parehas nga lang galaw at principle ang stocks at crypto pero mas mabagal sa stocks.
10232  Local / Pamilihan / Re: Stock market: P127B lost after Duterte hits water firms on: December 13, 2019, 08:01:50 AM
Ganyan talaga sa stock market kapag merong pangit na balita sa company tapos holder sila ng stocks nun, benta agad. Pero may magandang entry rin sila dyan kasi kapag bumaba bibili din yang mga yan agad agad. Katulad nalang ng nagkaroon ulit ng balita na hindi na nila sisingilin yung gobyerno ng P10B mahigit. Antayin natin pati yung stocks ng ABS-CBN before March baka bumagsak din. Hindi ako expert sa stocks pero parang crypto market din kapag may mga pangit na balita.
10233  Local / Pilipinas / Re: [Research] Crypto holder in the Philippines on: December 13, 2019, 06:40:14 AM
If babasahin mo dun sa article ehh may 1000 respondents sila sa survey nila. According palang sa survey yan. Maraming lowkey na pinoy na gumagamit ng bitcoin and lately may mga nakilala ako dito sa lugar saamin na hindi ko expected na gumagamit ng bitcoin.

The thing about this survey what I shocked the most is the age bracket, 18-24 years old has 19% which is pretty much low on my expectation, Halos lahat ng kakilala ko is nasa age bracket na ganyan, I think kaya ganyang age bracket yung mga kakilala ko kasi nasa loob din niyan ang age ko.
Tingin ko kasi yung 1,000 respondents na yun parang hindi accurate kung yun lang ang magiging basehan nila. Meron kaya ditong nakasali sa survey nila? Mababa nga yung sa may teenage bracket hanggang 24 pero expect na natin yun kasi ang mga "millennial" ngayon o yun ba ang tawag sa kanila ay hindi naman interesado sa mga ganitong tech.

ung 45 to 54 na edad na medyo hindi ako masiyado makapinawala dito. Mostly kasi ng ganyang edad wala masiyado knowledge about sa crypto currency.
Tama ka dyan pero pwedeng may point na ito yung mga taong professional at tahimik lang. Medyo nakakapagtaka lang yung survey pero sana magkaroon ulit sila ng bago at medyo mas maraming respondents.
10234  Local / Pilipinas / Re: [Research] Crypto holder in the Philippines on: December 13, 2019, 05:39:55 AM
Mga ilang tao kaya ang involve sa buong percentage na yan?
Ang hindi ko lang ma gets sabi Asia ang research pero pinopoint out ang Pinas. Sabihin nating semi accurate yung findings nila, medyo marami marami na rin palang mga kababayan natin ang nakakaalam sa crypto. Para sa akin ito ang pinaka importante.
10235  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 12, 2019, 10:48:23 PM
Mas maganda kumuha kana rin ng Paymaya para incase kailanganin mo may magagamit ka agad sa Smart center sa mall makakabili dun wala ng pagorder online.  
Susubukan ko pero hanggat okay pa rin naman ako kay gcash, stay muna ako. At kung merong mga service na kailanganin ng paymaya baka saka lang din ako gagamit niyan pero positive naman nababasa kong mga reply niyo dito kaya hindi malabo na gagamit din ako nyan in the future.

Pa enlighten naman kami sa naging processed ng free order mo ng card kay union bank lalo na sa kagaya ko na tamad at gusto lang ng instant transaction. Thank you.
I assume ito yung EON. Pwede mo mapanood yung steps sa mga youtube channel ng mga kababayan natin tulad nito. (https://www.youtube.com/watch?v=XvhzkPzcU1w)
Andyan sa description box niya yung link.
10236  Local / Others (Pilipinas) / Re: Government freezes KAPA Assets including Crypto holdings on: December 12, 2019, 09:06:18 PM

Marami kasi masyado ang naging investors dito sa Kapa kaya marami ang naghahabol, kapag walang naghabol for sure naman na wala talagang mangyayari, at tsaka malaking kaso and malaking scoop to sa media dahil naging viral to, alam niyo naman ang media kung sino ang mga nagviral ay for sure tututukan nila to, kaya ayan nga ang ngyari, sana nga mabawi nila kahit papaano.
Sa paghahabol, marami yan panigurado kasi yung mga nag invest sa kanila parang yun lang yung pinaka pera at savings nila. Yung nag all in sila sa kapa kasi nga ang dami nilang narinig na success stories kaya hindi sila nag alinlangan.
Kaso hindi na talaga sigurado pa kung lahat sa kanila mababalik yung pondo at investment nila.
10237  Local / Others (Pilipinas) / Re: Government freezes KAPA Assets including Crypto holdings on: December 12, 2019, 01:47:07 PM
Napanood ko ito dati sa balita mukhang may progreso yung nangyayari sa KAPA kasi ang akala ko hanggang balita nalang yun.

Since nagkaroon ng freezing ng assets ang KAPA paano ang mangyayare sa investors nito? Ililiquidate ba nila ang assets para maibalik sa investors ang kanilang pinasok na pera? at meron bang progress yung issue na ito sa ngayon? parang natigil na din kasi o mabagal lang talgang umusad.
Malabo yung ibabalik lang basta basta yung pera ng mga investors. Mahabang proseso kapag ganito pero sana isama nila yan sa magiging hakbang nila kasi milyon yung mga investors nila. Merong mga kumita na mga nauna pero mas marami yung mga nalugi.
10238  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 12, 2019, 06:12:43 AM
Ilang days na yong cash out ko sa lbc gang ngayon wala pa nag email na rin ako sa kanila pero sabi aayusin. Sana naman po mapansin nyo ito maski maliit na halaga po iyon eh pambili narin po ng bigas un. Kaya nga po instant ang lbc eh pero delayed na sya ng ilang days tagal pa naman reply sa email. Sana mag abiso po kayo kung mag kakaroon ng problema sa cash out para po malaman din ng mga users. Salamat po
Sorry pero wala ng staff ng coins.ph ang nagmomonitor dito sa thread nila pero andito naman tayong mga user nila para magbigayan ng suggestion. Malaking halaga ba yang nadelay sayo? kung ganun sundin mo yung suggestion ni nydia kasi may nabasa ako dati sa fb na pumunta mismo sa opisina nila dahil natagalan siya sa solusyon sa problema niya. Kulitin mo din yung staff nila thru email, bigay mo yung transaction id para marefund nalang.
10239  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: December 12, 2019, 12:37:30 AM
YUN! Salamat, dito ko malalaman na okay na ang gcash hindi ko pa nacheck kahapon kung meron na ulit. Ang ginawa ni coins, hiniwalay niya sa banks yung paymaya at gcash. Ngayon meron na silang parang sariling section.
I-check niyo yung under ng banks tab sa may E-wallets.

Yes, organized and much better that way.

And another change is, for Gcash and Paymaya, no need to convert from BTC to PHP sa cashout unlike before. But for banks, still, we need to convert first from PHP.

Not hassle na sa mga makakalimot mag-convert tapos na-fill up na iyong details lol.
Hehe mukhang yung mga agam agam ko na mawawala na din pati gcash, nawala na din kasi bumalik na ulit. Balik na ulit sa kinagawian ko na gamitin ulit si gcash.
Happy na ulit, kakatransact ko lang.  Cool
Kala ko pati paymaya mata-try ko na kapag hindi pa rin bumalik kaso okay na ulit.
10240  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins movement?! on: December 11, 2019, 11:16:19 PM
Kahit naman siguro bagsak pa ang bitcoin may mga altcoins din naman nasa mataas na presyo, Yung iba kasi hindi sila masyado sumasabay sa pag angat ng bitcoin at kusa sila umaangat nalang. May ibang altcoins kahit mataas na presyo ng bitcoin nasa mababa pa rin presyo nito, Siguro yun yung mga altcoins na wala ng development nag magbabago ang presyo na nagiging shitcoins ng matagal at mawawala na ito sa market or mawala sa listahan.
Yung Binance ang isa sa mga altcoin na naging mataas parin at bumalik katulad ng all time high niya. Hindi ko lang sigurado kung meron pang ibang altcoin na nakabalik din sa all time high price niya ngayong taon.
May mga alts na independent sa movement ng presyo niya pero karamihan talaga umaasa pa rin sa galaw ni bitcoin kaya malaking epekto parin sa kanila kapag nag pump o dump.
Pages: « 1 ... 462 463 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 [512] 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 ... 697 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!