Bitcoin Forum
June 16, 2024, 07:18:09 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 [514] 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 ... 695 »
10261  Local / Pamilihan / Re: Bakit magandang gamitin ang coinsph at bakit ang laking tulong nito sa atin on: December 01, 2019, 08:25:14 PM
Dagdag ko lang na meron din silang sariling trading platform na coins.pro kahit na kailangan mo muna maging whitelisted. Convenient talaga gamitin ang coins.ph at kahit na dumami pa yung mga kakumpetensya nila, mas marami paring gagamit sa kanila kasi ang dali gamitin at sobrang daming option sa pag-cash out. Sa cash in naman, meron silang mga remittance partner at napakamura lang ng fee kapag mag cash in ka kahit 50k pesos pa.
Malaki na yung netwrok nila kaya kahit magkaroon ng kakompetensya lamang na yung nakauna at nakapag established ng business.
Maganda rin talaga yung service ng coins.ph halos lahat dun ko na naiasa pati pang load ko sa grab ginagamit ko rin ung service
 nila ng coins to paymaya then ung paymaya na ginagamit ko pambayad sa groceries para my rebate same thing sa gcash,.
Isa yan sa advantage ng coins.ph na madami silang partners at malawak yung network nila. Kaya madaming users nila na kahit may mga bago, ayaw lumipat kasi kuntento na kay coins.ph.
Kumbaga sila na yung giant network sa bansa natin pagdating sa cryptocurrency at mas na-establish na nila yung pangalan nila kaya mas kilala na din sila ng tao.
10262  Local / Pamilihan / Re: Bakit magandang gamitin ang coinsph at bakit ang laking tulong nito sa atin on: November 30, 2019, 09:47:26 PM
Dagdag ko lang na meron din silang sariling trading platform na coins.pro kahit na kailangan mo muna maging whitelisted. Convenient talaga gamitin ang coins.ph at kahit na dumami pa yung mga kakumpetensya nila, mas marami paring gagamit sa kanila kasi ang dali gamitin at sobrang daming option sa pag-cash out. Sa cash in naman, meron silang mga remittance partner at napakamura lang ng fee kapag mag cash in ka kahit 50k pesos pa.
10263  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Is this the RIGHT TIME on: November 30, 2019, 09:54:45 AM
Pag marami ka pera invest mo nalang ito bitcoin kasi maganda talaga ang panahon ngayon.
Para sa akin wag na nating sabihin kung may pera invest na sa bitcoin. Dapat pag isipan muna ng mga investor na ngayon palang mag-iinvest kung magkano talaga yung kaya nilang I-invest. Meron kasing mga investor na kapag bumaba ang price, sayo ang sisi kasi nga pinayuhan mo na mag invest at hindi naunawaan yung risk. Pero kapag tumaas naman, ichapwera ka nalang. Kaya kung marami mang pera, pag isipan pa rin maigi ng maraming beses kung talagang sigurado na mag invest at handang harapin ang risk.
10264  Local / Pilipinas / Re: Presyo ng Bitcoin naabot na ang bottom? on: November 30, 2019, 08:48:08 AM
Yung mga nakalipas na price, wag nalang din tayo mag stay masyado doon. Kahit na naging mataas yung presyo nung mga nakaraang buwan at encouraging naman yun, wala na eh, nakalipas na at dapat tutukan nalang natin yung magiging price siya in the future. Ang kaso naman sa mga susunod na araw, napakahirap I-predict ng presyo at laging gumagalaw. Kaya ang estado ko, holder lang muna ako at abang lang din sa mga magiging price pero ambisyoso na sa ambisyoso ako pero inaasahan ko babalik ulit siya ng $15k+.
10265  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 30, 2019, 12:01:34 AM

Yes tama. Saka pagpasa kasi ng documents, aabutin pa yan ng ilang araw. Tapos pag rejected, antay ulit ng ilang araw kaya maganda isang pasahan na lang tapos sure ball na papasa.

Oo bro nagagamit naman iyong account. Ako kasi dumating na sa puntong wala ng puwedeng i-cashin at withdraw. Naging 0 limit ako. Pero allow ka pa rin naman mag-send ng funds to other coins.ph users or external address.

Hassle lang sa akin kasi nakikicashout ako that time habang nasa account review period. In total, lampas din ng 1 month inantay ko kasi punuan ang slots sa interview nung nagbook ako ng schedule + 10 days after ng interview at pagsubmit ng forms.
Ahh ganun pala, salamats. Bale ang pag withdraw pala ang magiging temporary disabled pero sa sending pwedeng pwede. Ang tagal pala ng proseso ng sayo pero sana yung kay crairezx20 ma-proseso nila agad. Para sa ibang coins.ph user dito, maging aware sila sa mga ganitong sitwasyon na maaring ang nag-trigger kay coins.ph para mag ask pa ng additional compliance ang malakihang withdrawal. Pwedeng mangyari ito sa iba pang hindi nakakaranas at para magkaroon ng ideya kung paano ang pag-handle.
10266  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 29, 2019, 11:01:15 PM
Pagkakaalala ko meron kang cam ata pag interview pero si coins.ph wala kaya makikita din nila na parang willing ka sinasabi mo o totoo yung sinasabi.

Tapos na interview nya bro. Na-mention ko rin sa kanya na dapat napag-usapan na iyong about sa source of income para na-address nya na wala syang mapapakitang other documents aside from his crypto earning gaya ng signature campaign and it looks like di yata nila napag-usapan.

Doon na sya sa part ng submitting documents kaya medyo worry sya kasi currently Yobit ang earnings niya and naisip nya na sabihin niya na rin iyong dati which is ok lang naman. Mas maganda pa rin pag ticket muna kaysa magsubmit agad-agad. Sayang oras ng pag-aantay kaya maganda isang verification lang. Inabot ako 10 days para lang dyan.
Ay ganun ba salamat, hindi ako nakapag back read sa mga posts niya. Kung nabanggit niya siguro ng mas maaga baka mas madaling maunawaan ng rep ni coins.ph kung saan ang earnings niya. Tama yung mga suggestions niyo na arielbit na dapat transparent lang siya kung wala siyang maprovide na mga ganung requirements. Masyadong malaking amount ata ang involve kaya humantong sa ganung compliance. May tanong ako, habang on review ba accounts niyo nagagamit niyo pa rin ba lahat ng features ni coins o naka disable temporary?
10267  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 29, 2019, 10:03:10 PM
Mukhang mahirap yan pag di stable ang income at part time kadalasan ang kinikita mong pera. Buti nalang nagamit ko yung profile ko noong nag tratrabaho pa ako dati sa private company, dun ko na submit yung pag level 3 verification ko. Hindi na ako dumaan sa interview, nag submit lang ako ng video na hawak ko yung sss id ko.
Madami din namang mga account na hindi dumaan sa interview basta yung flow ng pera sa mga accounts nila ay normal lang. Meaning, walang masyadong dapat ikaalarma sila kasi hindi naman ganun kalakihan.

snip....

E paano kapag ang big source ko ng bitcoin dati ay galing lang sa signature campaign at old bounty like nano yung na earn kong nano ang nag bigay sakin ng malaking pera nun nung tumaas presyo ng bitcoin nearly 20k at na earn ko lang ang nano(Hindi pa sya nano nuon actually) nuon nung sumali ako sa captcha halos dalawa PC gamit ko para lang maka earn ng malaking amount ng NANO(RAiblocks) nung pumalo ang presyo ng halos half million yung price ng Raiblocks ko bineta ko yung almost 100k+ para sa miner.

Do you think pag ito ang pinasa ko ito iaaccept nila ito?
Para sa akin tingin ko papasa yan, basta sabihin mo lang totoo. Pagkakaalala ko meron kang cam ata pag interview pero si coins.ph wala kaya makikita din nila na parang willing ka sinasabi mo o totoo yung sinasabi.
10268  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 29, 2019, 05:26:21 AM
Kung maeencounter ko rin ang ganyan sa kanila, sasabihin ko na marami akong raket online like as a freelancer, doing buy/sell of products tapos  I'm a mobile software technician. Hihinigi pa kaya yan ng proofs and documents?
Pwede din sila manghingi ng documents kahit na freelancer ka, kasi may invoice na binibigay ang mga freelancer kahit na per project ang gawa mo pero depende rin sa platform mo yan at kung paano mo sasagutin yung nagi-interview sayo.
10269  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins movement?! on: November 29, 2019, 04:13:30 AM
ang problema kasi ngayon halos lahat naka abang o naka HODL lang, malimit nalang ang pumapasok sa crypto with big names and companies these days..

Sa altcoin naman, para mas sureball at mas ok yung mga project na may sariling platform, lalo na yung mga coins na may naka under na tokens with real projects, pero syempre always buy at the best price.

Second is yung mga top coins na nakadump ng mataas na porsyento in short undervalue, big chances na tataas ulit yan sooner considering na may mga niluluto sila behind despite of low prices.
 
Hindi sa malimit pero ganyan na talaga ang movement sa crypto. Maraming umaasa sa magagandang balita pero yung actual na nagaganap hindi nababalita. Nung nakaraan tinatawanan lang nila yung Bakkt kasi simula palang, pero ngayon palaki ng palaki yung volume doon. Sa pagpili ng altcoins, may punto yung sinabi mo at mas maganda kung iwas nalang sa mga altcoins na panay hype lang din. Piliin yung may maayos na developers at tuloy tuloy ang progreso.
10270  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 28, 2019, 10:38:27 PM
Ang lungkot isipin na halos lahat ng pilipino ay hindi financial literate. Hinde nila magawang mag tabi ng pera para sa pag iinvest. Mas nag fofocus pa sila sa kanilang mga desires. Madaming hadlang kung saan bakit hinde nakakapag invest ang mga kababayan natin. Unang una na sa pera, hinde alam ng mga kababayan natin kung saan sila kukuha upang gawin nilang capital. Pangalawa fear o takot, natatakot silang mag take ng risks.
Hindi naman pero mababang porsyento talaga ng ating mga kababayan ang kulang sa financial literacy. Kaya merong mga kababayan tayong masisipag na nagi-inform na okay ang pagi-invest sa cryptocurrency basta hindi doon sa mga scam. Maganda rin yung sinusulong na ituro ang financial literacy sa mga paaralan dahil hindi lang crypto ang pwedeng maging sakop ng batas na yun kundi yung pagi-invest na as a whole para mas maraming kababayan natin ang matuto sa money handling.
10271  Local / Pamilihan / Re: South Korean exchange Upbit hacked for $50 million on: November 28, 2019, 10:15:46 PM
Hmm. what are the chances na baka sila-sila 'lang din gumagawa nyan? Declaring they were hacked then exit na kasi nalugi.  Roll Eyes
Tingin nyo? Posible mangyari ganyang scenario?
parang ganyan din ang tingin ko sa mga karamihan ng Hacking issues sa mga exchange eh.

imagine sobrang higpit na ng securities nila dahilsa daming hackings na nangyari at nangyayari tapos hanggang ngayon may nabibiktima pa din?medyo hindi natin maiiwasang mag isip na sila sila din ang gumagawa ng mga issues na to



either nalulugi na sila,or talagang kasama sa plano na kapag lumalaki na ang exchange at marami ng currencies na nasa loob ay hacking na ang kasunod.
Pare parehas tayo ng nasa isip. May nabasa akong comment pero hindi dito galing sa forum na parang related ata sa tax. Parang nagiging parehas lang sila ng mga paraan nila para umiwas o di kaya umexit. Nung una hinati hinati I-send yung amount tapos biglang bumalik.
Tapos ngayon nadistribute na ulit, parang ang gulo ng nangyayari sa balance nila. Patransfer transfer palang sila sila lang din.
10272  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 28, 2019, 09:18:40 PM
Nkatanggap na naman ako ng isang Liham mula sa COINS.PH team. nagkaroon na naman ng alert siguro nung nagwithdraw ako ng 2 beses na malaking halaga sa loob lamang ng 3 araw. napaka unfair naman nito, ang daming hinihiling ng team nila pati documents anf port folio natin. hindi pa ba tama ang  pag KYC natin before?
7 days at pag di ako nakapag comply sa kanila ay malalock din siguro ito gaya ng una kong level 3 account na ngayon ay hindi na makapag send ng any amount from that wallet. if mag bigay naman ng documents from cryptocurrency and exchange hinihiling nila ay portfolio mo under your name na kita ang address eh madalas wala nun tulad ni YOBIT at LATOKEN.
Tingin ko naa-alarma sila kapag ganyan dahil na rin siguro sa mandato ng BSP. Kapag may mga amounts na sobra sa threshold nila na normal transactions lang, magkakaroon sila ng notification sa mga withdrawals na masyadong malaki na. Magkano ba yang winithdraw mo sa loob lang ng 3 days? naalala ko yung reminder dito ni Dabs na kapag magta-transact ka dapat wag isang malakihan, kung kaya mong hatiin sa maliit na amount, gawin mo.
10273  Local / Pilipinas / Re: Bullish time? on: November 28, 2019, 06:44:55 PM
Masyado pang maaga para sabihing bullrun na madami pang bagay na dapat isa alang alang payong kaibigan wag magpadalos dalos sa pagbili
ng kung anu anu token or coin, magbasa ng mabuti at pagaralan ang mga bawat hakbang na gagawin dahil kapag sumablay ka at naipasok mo lahat
ang iyong pera iyo na ang magging bullrun mo sa iyong asawa , sa madaling salita wag ibuhos lahat sa crypto , at paglaanan ang pamilya, okay lang mag
invest pero dapat eh sakto lang at hindi malalagay sa alanganin ang pamumuhay
Syempre bago ang lahat wag na wag mo invest lahat ng pera mo. Buong life savings mo, ingatan mo at isipin muna kung kaya mong I-take yung risk na kasama sa pagi-invest sa bitcoin. Madami kasi ang nagkamali na dati nung narinig nilang bull run at madaming yumaman kaya ang akala nila basta basta lang lalago yung pera nila kaya nagsipag-all in sila kaya wag ganun. Tama ka, invest lang yung kaya mong halaga at saka pag-aralan kung kaya ba ang pabago bagong timpla ng market.
10274  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 28, 2019, 05:59:56 PM
Posibleng may mga ibang rason ang China sa pag ban, at tsaka pag di totally banned ay palagay ko parte ito ng kanilang mga regulasyon sa crypto ng kanilang bansa. Kung hindi ka nakapasa sa kanilang alituntunin, siguradong may sanctions sila na banning, pero sa tingin ko yung issue sa illegal operation gaya ng ponzi scheme sila naka tutok.
Ang pag ban ng China sa mga icos pero sa mga nabasa ko ang pinapalabas kasi ang naban ay yung mismong bitcoin pero magulo mismo yung mga article kaya hindi naging malinaw. Anyway tapos na yun at ang mahalaga ngayon ok na sila. Sa mga illegal issues at ponzi schemes kailangan tutukan yun kasi ganun din ang ginagawa ng bansa natin.
10275  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 28, 2019, 06:59:27 AM
Andito na rin kaya at nagpatuloy dito yung mga virtual users na nairefer ko? Dati kasi active pa ako mag share ng mga crypto post sa social media at kapag may nagtatanong, direkta kong sinishare sa kanila itong forum. Mas ginaganahan akong magbahagi sa mga taong alam kong may interes sa ganito at madaling turuan, fast learner ba na tulad ko.
Tanungin mo nalang sila direkta kasi kahit nandito naman sila forum pero hindi nila alam parang nagkakapaan lang kayo.

Kaya nga ako habang maaga pa at kakaunti palang nakakaalam sa crypto ay mag ipon ipon muna ako kasi what if nga gaya ng sabi na kumalat ang ganitong mode of payment eh mas lalong lalaki ang community ng crypto currency at for sure mag ssky rocket mga price ng bitcoin at altcoins. Ang kinagandahan sa ating bansa ay inaccept nila mga digital coin di gaya ng china na binaban. Im sure mataas pa mararating ng crypto sa darating na mga panahon.
Tingin ko yung ban sa China hindi talaga total ban yun kasi may mga nabasa ako bago pa yung announcement ni Xi Jinping na merong mga payment na nagaganap through bitcoin. Sa bansa natin all in support sa crypto pero kalian puksain yung mga scam na ginagamit ang crypto.
10276  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 27, 2019, 10:35:19 PM
Sa dec. 6 pa schedule ko ng interview sa kanila pwede kaya magtanong regarding dito at kung bakit hindi ako makapag load sa any number ng globe?
Kung ako sayo ibang concern mo nalang yan at mag send ka ng ticket sa kanila bago yung mismong interview date mo.
Naisip ko na nga rin yan, hindi ko pa rin na ask ang support tungkol sa pag load lagi na lang ayaw pumasok pag globe. Sayang ang rebate lagi pa naman 200 yung niloload ko para sa prepaid wifi. Dati nakakapag load naman ako sa number ko pero ngayon hindi na, sabi ng iba wala naman daw problema ang network o sa coins.
Tanong mo nalang sa ticket at madali lang naman yun. Walang problema si coins kasi kahit ako nakakapagload naman. Ipoint out mo  nalang sa kanila para mahanap kung saan talaga ang problema.

Ano ba namang rate ng coins.ph masyadong mababa ang bentahan samantala sa ibang mga wallet ang taas taas doon palang kumikita na sila sa atin eh. Pero minsan maayos naman yung rate nila pero pansin ko lang sa mga nakalipas na mga linggo parang hindi maganda ang nagiging palitan ng piso sa kanila napansin niyo rin ba yung pagkakaiba ng rate ng coins sa iba?
Dyan sila kumikita, kahit minsan hindi maganda rates nila basta ayos ang service, ang naiisip ko nalang parang bayad na yun sa kanila. Pero kung gusto mo mas magandang rate para sa bitcoin, sa coins pro kaso kailangan mo ma whitelist.
10277  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 27, 2019, 09:14:41 PM
Baguio na lang siguro kabayan dahil malapit na nga lanh sa min, mag rent na lang kami nang van kasi buong family kami para mas makatipid. Kapag Boracay mahal yan kailangan pa kasing mag eroplano di katulad ng Baguio dahil medyo malapit lang kami ilang oras lang biyahe perfect na yun tama mas maganda ngayon sa lugar na yan dahil ramdam mo talaga na papalapit na ang pasko.
Sarap bumalik balik sa Baguio, sulit ang van niyan kung mag rent kayo pero expect mo na baka taasan ang singil sa inyo. Mas okay na din ang rent kasi kung mag taxi pa kayo doon pagdating niyo tapos marami kayo, parang ganun lang din ang gastos. Sulitin niyo na yung stay niyo dun siguro mga 3 days na minimum para ma-enjoy at mabisita niyo lahat. May mga murang transient naman doon pero piliin niyo nalang yung pang pamilya at merong parkingan.
10278  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 27, 2019, 06:51:28 AM
Anyway magtatanong ulit akosa inyo mga kabayan. Ano ang magandang pasyalan ngayong darating na holidays nagbabalik kasi kaming family yun pasok sana sa budget at sa tingin niyo magkano ang aabutin mga 3 days sana kami maistay kung sakali?
Taga saan ka ba? kung taga Metro Manila ka, punta ka sa Baguio. Madaming tao pero talagang ramdam mo yung pasko kapag nandun ka kasi sobrang lamig pero ang pinaka malamig talaga doon kapag February. Kapag gusto mo naman sa Visayas ka naman, open na ulit yung Boracay kaso ingat lang sa mga INN o hotel na magbo-book ka kasi may nabasa akong modus na mismong mga staff nila ang dawit sa pagnanakaw. Maganda din sa Palawan o kaya sa Puerto Galera.
10279  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 27, 2019, 04:20:27 AM
Same problem here wala rin ako makitang cashout through g-xchange sa coins app ko, kahit force close ko na at inapdate yung app wala pa rin.

Nag try ako sa web mag open ayun nandun nga yung g-xchange, not sure kung bakit sa app wala.
Madalas ako sa web/desktop version at mabilis lang na lumalabas kaya kung minsan wala yung option sa coins app, try niyo lang agad tignan sa mismong desktop version.

Sa dec. 6 pa schedule ko ng interview sa kanila pwede kaya magtanong regarding dito at kung bakit hindi ako makapag load sa any number ng globe?
Kung ako sayo ibang concern mo nalang yan at mag send ka ng ticket sa kanila bago yung mismong interview date mo.
10280  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 26, 2019, 11:47:14 PM
Actually kabayan sumagot na yung coins  at sabi sa akin ng kaibigan ko is titignan daw nila kung magagawan ng paraan kasi nga daw mali yung number pero dahil nga until now hindi pa rin napaprocess yung gcash cashout ng kaibigan may chance pa naman daw pero hindi nga lang sigurado kung maibbalik ba talaga o kelan ito ibabalik sa wallet niya if talagang makukuha.
Tingin ko basta hindi existing yung number na yun o di kaya gumagamit ng gcash, mababalik yan. Kasi malaki ang chance na hindi naman macredit yun sa number na yun. Kaya mas chance na mabalik yan at galing na din pala mismo kay coins na hindi pa pala napa-process yung cashout na yun.
Ang gcash cashout kasi di ba instant? so kung pending pa rin, mababalik yan.
Pages: « 1 ... 464 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 [514] 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 ... 695 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!