Bitcoin Forum
June 20, 2024, 02:06:18 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 [515] 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 ... 696 »
10281  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 28, 2019, 05:59:56 PM
Posibleng may mga ibang rason ang China sa pag ban, at tsaka pag di totally banned ay palagay ko parte ito ng kanilang mga regulasyon sa crypto ng kanilang bansa. Kung hindi ka nakapasa sa kanilang alituntunin, siguradong may sanctions sila na banning, pero sa tingin ko yung issue sa illegal operation gaya ng ponzi scheme sila naka tutok.
Ang pag ban ng China sa mga icos pero sa mga nabasa ko ang pinapalabas kasi ang naban ay yung mismong bitcoin pero magulo mismo yung mga article kaya hindi naging malinaw. Anyway tapos na yun at ang mahalaga ngayon ok na sila. Sa mga illegal issues at ponzi schemes kailangan tutukan yun kasi ganun din ang ginagawa ng bansa natin.
10282  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 28, 2019, 06:59:27 AM
Andito na rin kaya at nagpatuloy dito yung mga virtual users na nairefer ko? Dati kasi active pa ako mag share ng mga crypto post sa social media at kapag may nagtatanong, direkta kong sinishare sa kanila itong forum. Mas ginaganahan akong magbahagi sa mga taong alam kong may interes sa ganito at madaling turuan, fast learner ba na tulad ko.
Tanungin mo nalang sila direkta kasi kahit nandito naman sila forum pero hindi nila alam parang nagkakapaan lang kayo.

Kaya nga ako habang maaga pa at kakaunti palang nakakaalam sa crypto ay mag ipon ipon muna ako kasi what if nga gaya ng sabi na kumalat ang ganitong mode of payment eh mas lalong lalaki ang community ng crypto currency at for sure mag ssky rocket mga price ng bitcoin at altcoins. Ang kinagandahan sa ating bansa ay inaccept nila mga digital coin di gaya ng china na binaban. Im sure mataas pa mararating ng crypto sa darating na mga panahon.
Tingin ko yung ban sa China hindi talaga total ban yun kasi may mga nabasa ako bago pa yung announcement ni Xi Jinping na merong mga payment na nagaganap through bitcoin. Sa bansa natin all in support sa crypto pero kalian puksain yung mga scam na ginagamit ang crypto.
10283  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 27, 2019, 10:35:19 PM
Sa dec. 6 pa schedule ko ng interview sa kanila pwede kaya magtanong regarding dito at kung bakit hindi ako makapag load sa any number ng globe?
Kung ako sayo ibang concern mo nalang yan at mag send ka ng ticket sa kanila bago yung mismong interview date mo.
Naisip ko na nga rin yan, hindi ko pa rin na ask ang support tungkol sa pag load lagi na lang ayaw pumasok pag globe. Sayang ang rebate lagi pa naman 200 yung niloload ko para sa prepaid wifi. Dati nakakapag load naman ako sa number ko pero ngayon hindi na, sabi ng iba wala naman daw problema ang network o sa coins.
Tanong mo nalang sa ticket at madali lang naman yun. Walang problema si coins kasi kahit ako nakakapagload naman. Ipoint out mo  nalang sa kanila para mahanap kung saan talaga ang problema.

Ano ba namang rate ng coins.ph masyadong mababa ang bentahan samantala sa ibang mga wallet ang taas taas doon palang kumikita na sila sa atin eh. Pero minsan maayos naman yung rate nila pero pansin ko lang sa mga nakalipas na mga linggo parang hindi maganda ang nagiging palitan ng piso sa kanila napansin niyo rin ba yung pagkakaiba ng rate ng coins sa iba?
Dyan sila kumikita, kahit minsan hindi maganda rates nila basta ayos ang service, ang naiisip ko nalang parang bayad na yun sa kanila. Pero kung gusto mo mas magandang rate para sa bitcoin, sa coins pro kaso kailangan mo ma whitelist.
10284  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 27, 2019, 09:14:41 PM
Baguio na lang siguro kabayan dahil malapit na nga lanh sa min, mag rent na lang kami nang van kasi buong family kami para mas makatipid. Kapag Boracay mahal yan kailangan pa kasing mag eroplano di katulad ng Baguio dahil medyo malapit lang kami ilang oras lang biyahe perfect na yun tama mas maganda ngayon sa lugar na yan dahil ramdam mo talaga na papalapit na ang pasko.
Sarap bumalik balik sa Baguio, sulit ang van niyan kung mag rent kayo pero expect mo na baka taasan ang singil sa inyo. Mas okay na din ang rent kasi kung mag taxi pa kayo doon pagdating niyo tapos marami kayo, parang ganun lang din ang gastos. Sulitin niyo na yung stay niyo dun siguro mga 3 days na minimum para ma-enjoy at mabisita niyo lahat. May mga murang transient naman doon pero piliin niyo nalang yung pang pamilya at merong parkingan.
10285  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 27, 2019, 06:51:28 AM
Anyway magtatanong ulit akosa inyo mga kabayan. Ano ang magandang pasyalan ngayong darating na holidays nagbabalik kasi kaming family yun pasok sana sa budget at sa tingin niyo magkano ang aabutin mga 3 days sana kami maistay kung sakali?
Taga saan ka ba? kung taga Metro Manila ka, punta ka sa Baguio. Madaming tao pero talagang ramdam mo yung pasko kapag nandun ka kasi sobrang lamig pero ang pinaka malamig talaga doon kapag February. Kapag gusto mo naman sa Visayas ka naman, open na ulit yung Boracay kaso ingat lang sa mga INN o hotel na magbo-book ka kasi may nabasa akong modus na mismong mga staff nila ang dawit sa pagnanakaw. Maganda din sa Palawan o kaya sa Puerto Galera.
10286  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 27, 2019, 04:20:27 AM
Same problem here wala rin ako makitang cashout through g-xchange sa coins app ko, kahit force close ko na at inapdate yung app wala pa rin.

Nag try ako sa web mag open ayun nandun nga yung g-xchange, not sure kung bakit sa app wala.
Madalas ako sa web/desktop version at mabilis lang na lumalabas kaya kung minsan wala yung option sa coins app, try niyo lang agad tignan sa mismong desktop version.

Sa dec. 6 pa schedule ko ng interview sa kanila pwede kaya magtanong regarding dito at kung bakit hindi ako makapag load sa any number ng globe?
Kung ako sayo ibang concern mo nalang yan at mag send ka ng ticket sa kanila bago yung mismong interview date mo.
10287  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 26, 2019, 11:47:14 PM
Actually kabayan sumagot na yung coins  at sabi sa akin ng kaibigan ko is titignan daw nila kung magagawan ng paraan kasi nga daw mali yung number pero dahil nga until now hindi pa rin napaprocess yung gcash cashout ng kaibigan may chance pa naman daw pero hindi nga lang sigurado kung maibbalik ba talaga o kelan ito ibabalik sa wallet niya if talagang makukuha.
Tingin ko basta hindi existing yung number na yun o di kaya gumagamit ng gcash, mababalik yan. Kasi malaki ang chance na hindi naman macredit yun sa number na yun. Kaya mas chance na mabalik yan at galing na din pala mismo kay coins na hindi pa pala napa-process yung cashout na yun.
Ang gcash cashout kasi di ba instant? so kung pending pa rin, mababalik yan.
10288  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins movement?! on: November 26, 2019, 10:30:52 PM
Sa totoo lang yung ibang alts na nabili ko nung mahal pa at hanggang ngayon hinohold ko pa, wala na akong pag-asa pero no choice ako kundi I-hold nalang kasi kung ibebenta ko parang wala ring nabalik sa kin. Kaya ang huling desisyon ko, gawin nalang na parang display muna sa wallet ko tapos hold lang. Malay natin magkaroon ulit ng value at biglang magka bull run at madamay sa pagtaas yung mga altcoins at kapag medyo break even na, sabay benta na.
10289  Local / Pamilihan / Re: [INFO & DISCUSSION] Bitcoin Black Friday on: November 26, 2019, 08:56:20 PM
Sana nga ito na yung final drop ngayong taon pero dahil sa mga nangyayari at natural na character ni bitcoin, asahan natin na may mga kasunod pa yan. Sa mga ledger, yearly nila yang ginagawa kaya kapag gusto mo yung bagong release nila, bili ka na.
Madami sa atin ang umaasa na magiging maganda ang katapusan ng taon na ito kasi last year hindi naging maganda kaya antayin nalang natin kung magiging okay ba.

Hindi pa tayo sigurado kung ito na nga yung final drop, masyado kasing misteryoso ang takbo ng crypto. Maraming mga tao at spekulasyon na humahadlang sa paglago neto, kaya ganun nalang katumal ang takbo. Nakakatawa lang iisipin sa aming lugar, maraming nag iisip sa akin na scam ang pinasok ko na maging trader yung iba nag curse na sa akin. Pero ok lang, handa naman akong maghintay at pasensya nalang doon sa mga taong masyadong mapanghusga sa kapwa.
Sa pagdating ng tamang panahon na magbunga lahat ng sakripisyo natin sa crypto hanggang tingin lang ang mga iyan kung ano ang matatamasa natin, panahon na naman na maging mabait sila sa atin.
Kaya nga, hindi tayo sigurado kung ito na ba yun pero mabuti nalang at hindi na natin nakita na bumaba pa siya below $6,000. Wag ka ng magtaka kung maraming mga spekulasyon na lumalabas kasi dito lang naman tumatakbo itong crypto market. Sa demand, supply at speculations ng mga tao kaya halos lahat tayo umaasa na yung mga matataas at magandang speculations ay magiging totoo sa mga susunod na buwan o di kaya taon.
10290  Local / Pamilihan / Re: [INFO & DISCUSSION] Bitcoin Black Friday on: November 26, 2019, 11:34:28 AM
Ang naalala ko sa Black Friday sale ay sa ledger nung nakaraang taon at hindi rin maganda ang estado ng market nun. Kaya itong dump na nangyari iniisip ko din baka isa yan sa naging factor kung bakit bumagsak ang presyo ng bitcoin. Opinyon ko lang din naman yun katulad ng opinyo ni op pwedeng possible, pwede rin namang walang connect.
Marami talagang haka-haka sa pagbagsak ng presyo ng bitcoin ngayon pero kung ito man ang dahilan ay dapat lang na magparticipate tayong bumili ng murang bitcoin kase this might be the last drop sa presyo ni bitcoin. Nagtitingin den ako ng mga sale ngayon at mukang worth it naman ang discount lalo na sa mga ledger. Well, let's see if after ng black friday ay bumalik na sa magandang presyo si bitcoin at sana matapos ang taon na mataas ang value nito.
Sana nga ito na yung final drop ngayong taon pero dahil sa mga nangyayari at natural na character ni bitcoin, asahan natin na may mga kasunod pa yan. Sa mga ledger, yearly nila yang ginagawa kaya kapag gusto mo yung bagong release nila, bili ka na.
Madami sa atin ang umaasa na magiging maganda ang katapusan ng taon na ito kasi last year hindi naging maganda kaya antayin nalang natin kung magiging okay ba.
10291  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins- kita o lugi? on: November 26, 2019, 09:07:31 AM
matagal na ako nagtretrade di ko na matandaan magkano na kinikita ko pero sigurado na mas lamang yung losses ko nung simula pa ako nagtrading lalo na sa taong 2018 bagsak na bagsak ang mga altcoins nun.
Well, matagal ko na akong tumigil sa trading altcoins simula ng matinding bagsak last year. Ang iba ay parang palamuti ko nalang sa wallet ko kasi wala na itong halaga at delisted na rin sa exchange. Kaya sa ngayon stop na muna ako sa trading altcoins at di ko pa masasabi kong kumikita ako pero isa lang alam ko, yon ay ang pagka lugi ko. Sana magbalik ang sigla ng presyo ng mga altcoins pati na rin Bitcoin para balik trading na naman. Sa ngayong accumulating muna ako ng Bitcoin hangga't maari.
Abang abang lang tayong lahat sa mga altcoins na nakatambay sa mga wallet natin. Ganito ata lahat ng sitwasyon natin yung iba galing sa bounties at yung iba naman galing sa bili at akala na magpump pa yung altcoin na nabili.
Mainam yung ginagawa mo na stock muna ng bitcoin hangga't maaga at hayaan mo nalang muna yung mga alts mo. Kapag umangat ulit si btc, sigurado maraming alts ang magsasabayan.
10292  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Paano Makatulong Sa Pagpigil ng Bitcoin/Crypto Investment Scams? on: November 26, 2019, 08:17:27 AM
Maganda din tignan muna ang whitepaper bago mag invest karamihan scam project recycle lang ang whitepaper or copy paste lang sa ibang project.
Maraming mga project na copy paste nalang yung whitepaper nila at kawawa yung mga investors na hindi mahilig tumingin sa kanilang mga whitepaper. Pero meron ring mga projects na kahit orig yung mga wp nila, nagiging scam parin sila kasi mula sa simula yun na nga ang kanilang aim para manloko ng kapwa nila. Dapat talaga combination ang pagdo-double check mo para maiwasan na mag-invest sa mga scam projects kung mahilig ka sa ganitong uri ng investing style.
10293  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 25, 2019, 11:07:14 PM
Okay lang yan, at least natuto na tayo. Ayaw ko rin yung nasisisi ako kaya nag-iba rin yung pakiramdam ko pero move on nalang dahil tapos naman na. Naglaan tayo ng oras para sa kanila tapos hindi nila ma-appreciate yun di ba? madami yung ganito ang naranasan sa atin malamang pero tapos na din naman na.
Kaya kapag may pagkakataon umiwas sa mga tao na yun, umiiwas nalang ako.
eventually pag dating ng tamang panahon sila na din ang kusang maghahangad na mas amtuto pa ng malalim.
aminin kasi natin na ang mga Piinoy hindi pa talaga lubusang handa sa virtual currency ni halos takot pa ang karamihan na subukan or sadyang ang kaalaman nila ay kulang pa at nasasaklawan pa ng takot na baka masayang lang ang pera nila.but in time pag dating ng araw na merong makadagdag sa pagbubukas ng isip nila ay magkukusa na din silang mag tuklas.
ang mahalaga meron na tayong paunang naipaalam sa kanila konting dagdag nalang ay magiging willing na sila makinig.
Ang tingin ko handa na sa mga city na medyo umuusbong na pero hindi nga as a whole country. May mga bayan na progresibo naman kaya kapag meron ng na intro sa kanilang virtual currency o maintroduce sa kanila ang crypto, madali lang nila yang tanggapin. Ang mahirap lang kasi kapag inintroduce sa kanila na pwede itong investment baka ang maging mindset nila ay magiging easy money ito tapos marami ulit ang mabibiktima nung mga scam, parang cycle lang na uulit.
10294  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 25, 2019, 10:24:01 PM
Hindi naman natin maiiwasan kabayan na magkamali minsan kahit idouble check or tripple check pa natin.  Pero sana rin nagbigay ito ng aral sa mga nakakakita nitong post na ito na ilagay ang tamang information para hindi masayang ang pera natin. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasagot ang coins at waiting pa rin kami para malaman kung ano ang mangyayari.
Wait mo lang reply nila mamayang office hours kasi maaga pa at yun ang madalas na pagreply nila sa mga queries na reply ng na-isend sa ticket nila.

Yung mga ganyang Case naman with proper evidences at investigation maibabalik yan yun nga lang magtetake yan ng time. Next time pag usaping pera talaga lalo na magsesend ka double o triple check muna bago iconfirm para less hassle na sa both side. Update ka na lang kung ano ang result.
Oo, mave-verify naman nila yan sa system nila. At kapag nakitang walang pumasok o nabawas sa balance nila, mate-trace naman nila at automatic naman nilang ibabalik yan. Ilang oras nalang antayin mo nalang reply nila siguro mga 8am-9am meron na yan.
10295  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 25, 2019, 01:04:29 PM
Mga kababayan may gantong scene na nangyari din sa inyo gaya ng aking kaibigan. Ang ginawa niya kasi kanina ay mali yung nainput niyang isang number sa gcash number kaya hindi pumasok sa accouny niya sa gcash yung pera pero hmuntil now hindi nagproprocess dahil siguro mali number nakalagay at wala siguro silang madetect na yung number na yun walang gcash account.  Nagmessage na rin siya a support ng coins.ph sana lang talaga mabalik pa malaki pa naman yun.
Mababalik yan, basta macontact niyo lang yung support, sila gagawa ng paraan yan para ma-retrieve yung amount. As long as hindi naman napunta yan sa maling valid number. Valid number ibig sabihin, working at gumagamit ng gcash.
Sa ngayon, antayin niyo nalang yung respond ni coins tungkol sa problem na yan.
10296  Local / Pamilihan / Re: [INFO & DISCUSSION] Bitcoin Black Friday on: November 25, 2019, 12:08:08 PM
Ang naalala ko sa Black Friday sale ay sa ledger nung nakaraang taon at hindi rin maganda ang estado ng market nun. Kaya itong dump na nangyari iniisip ko din baka isa yan sa naging factor kung bakit bumagsak ang presyo ng bitcoin. Opinyon ko lang din naman yun katulad ng opinyo ni op pwedeng possible, pwede rin namang walang connect.
10297  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins vs Token? on: November 25, 2019, 10:49:00 AM
Well if kung maganda naman ang project nagdadala nito siguro naman kahit token man yan or altcoins maganda talaga bilhin basta alam lang natin yung binila natin ay trusted talaga at may future na tataas presyo nito. Gayun man bumibili talaga ako kahit saan sa kanilang dalawa basta nga lang ang importante ay kikita man tayo sa pag bili nito. Alam ko isa sa atin ngayon ay maraming altcoins or token na hold at nag aabang sa pag taas nito.
Nag-aabang lang din ako tumaas yung mga altcoins at tokens na hino-hold ko. Kasi overall, nasa loss talaga ako at medyo malaki pa ang dapat bawiin. Mapa altcoin o token man yan basta nga alam mo kung ano talaga yung project at naniniwala ka, bilhin mo. Pero kung nagdududa ka at tingin mo na hindi siya maganda, wag ka nalang bumili. Kasi mas malaki yung risk na nasa altcoin at tokens kesa sa bitcoin kapag bibili ka.
10298  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 24, 2019, 11:57:09 PM
Tingin ko may malala pang problema yung sa eGiveCash at hindi lang yung tungkol sa delay code o hindi nai-send na 16 digits kasi matagal ng naging down yung option na ito, kaya ang iniisip ko ay baka nagkaroon ng problema sa regulasyon o mayroong bagong ipapalit si coins.ph at kung ibalik man nila ito ay baka magakaroon na din ng transaction fee tulad ng sa instapay.
Ang problema pagkakaalala ko ay mismo sa security bank kaya hindi na nila ina-up yung cashout method na yan. Wag nalang po natin hanapin yung wala kasi ang dami namang option na binibigay sa atin ni coins.ph para mag cash out, meron din namang ibang exchange na convenient na pwede nating gamitin na halos may parehas lang na cash out method.

Sa ngayon, contented na ako sa gcash instapay with mastercard. Napakalaking tulong talaga at mabilis, for me ito na yung the best option kung wala kang bank account. Kahit 10K yung ilabas mo, 10 pesos lang ang fee.
Tama, merong mga banks na pwede mag cash out thru instapay at yung fee ay sampu lang kahit na libre lang dati pero yung pagtanggap mo naman ay real time kaya sulit na sulit at napakamura.
10299  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 24, 2019, 04:15:01 PM
This is the main reason kung bakit ayaw ko na mag turo sa mga tao na hindi open minded about bitcoin. Naexperience ko na din ma blame dahil nalugi yung isang nag paturog sakin kung pano mag bitcoin dahil bumagsak ang price nito, Exactly noong 2017 november nung malapit na makuha ni bitcoin ang kanyang all time high. Nakakapanlumo kasi hindi ako sanay na bineblame dahil sa mga pag kakamali ng iba and masakit ito sa part ko kasi Iv'e teach him for free then ganun ang return sakin. It's the reason why I don't teach anyone anymore about bitcoin kasi ang iba gusto lang nila kumita lang ng kumita, Easy money kumbaga. Isa sa pinaka trait ng pilipino na kinaiinisan ko.
Okay lang yan, at least natuto na tayo. Ayaw ko rin yung nasisisi ako kaya nag-iba rin yung pakiramdam ko pero move on nalang dahil tapos naman na. Naglaan tayo ng oras para sa kanila tapos hindi nila ma-appreciate yun di ba? madami yung ganito ang naranasan sa atin malamang pero tapos na din naman na.
Kaya kapag may pagkakataon umiwas sa mga tao na yun, umiiwas nalang ako.
10300  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 24, 2019, 02:54:33 PM

Yun kasi ang problema sating mga Pinoy, Basta kapag sinabing kumikita gusto agad agad. Kaya it ends up disappointment. Meron ako dating katrabaho na nagtanong saken Kung ano yung mga pinopost ko sa facebook.
So ang ginawa ko ipinaliwanag ko, then pagkatapos kong ipaliwanag Sabi nya, bakit daw siya maglalagay ng pera, panahon at effort sa loob ng internet na alam naman natin na prone on hacking.
Yun daw Bitcoin ay Hindi posibleng mahack kasi nasa internet. Kahit na ipinaliwanag ko yung katangian ni bitcoin.
Oo Tama naman siya, POSIBLE naman talagang mahack ang isan, dalawa, tatlo o apat pang wallet address pero sa maliit na ratio lang na nagbibigay sa kanya ng siguridad na sa sobrang liit naging impossible na.
Pero posible parin 😅
May kanya kanya lang din talaga sila at tayong paniniwala at depende yun sa nalalaman natin. Sa part natin, dahil may experience at tiwala tayo kay bitcoin, alam natin yung ginagawa natin at hindi tayo nangangapa, bumaba man o tumaas tanggap natin yun.
Sa kanila, ang mindset nila ay isa lang. Dahil nakita nila na kumita ang iba sa bitcoin, ganun na rin ang expected nila. Kaya kapag bumagsak parang ikaw pa ang masisisi kaya sinabi ko din sa kanila na walang sinoman ang may control sa market.
Pages: « 1 ... 465 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 [515] 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!