Bitcoin Forum
June 20, 2024, 02:58:11 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 [516] 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 ... 696 »
10301  Local / Pamilihan / Re: {Babahal}: Pekeng Chipmixer.com website on: November 23, 2019, 10:58:29 PM
Salamat sa patuloy mong pagpapaalala sa amin at pagpost ng mga ganitong pekeng website. Kahit na madaming mga paalala ang napo-post dito meron pa ring mga nabibiktima nitong mga peke at phishing websites na yan.

Kailangan ko ulit ang mga tulong nyo para ma ireport to sa https://safebrowsing.google.com/safebrowsing/report_phish/?hl=en. Para hindi na ito makapang biktima dito sa mundo ng crypto.
Tapos na.  Wink
10302  Local / Pamilihan / Re: 🔥🔥Binance's Shanghai Office CLOSED! Kaya nga ba bumulusok si Bitcoin?🔥🔥 on: November 23, 2019, 09:47:58 PM
Grabe naging epekto nito, kasi nung nakaraan nag iisip pa rin ako kung ano ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang bitcoin pati na rin ang ibang altcoin, yun pala ito yung dahilan.
Kaso nga lang napatunayan na peke lang itong news na ito. Handa na ba ang The Block na harapin yung ikakaso sa kanila ni Changpeng Zhao kasi sila ang pinaka naapektuhan sa naging fake news.
10303  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 23, 2019, 08:39:20 PM
Mas pinabilis na nga ang pag cash-out ngayon dahil sa instapay sa bangko at gcash dahil mahirap kapag sa mga LBC at remittance center kapag malakk ang kukunin na pera at kailangan pa ipareserve at makukuha kinabukasan at ito ay napakahassle.

Kung kaya't magaling ang pag lagay nila ng instapay dahil mas mabilis na at walang hassle kahit sa bangko pa at wala ng lagay ng info dahil nasasave naman sa coins.ph app
Okay pa rin yung mga remittance kapag hindi masyadong malaki, may mga branch lang talaga na pahirapan kapag malaking halaga yung wi-withdraw mo sa kanila. Kaya mas mainam kapag rekta gcash tapos bank account.
Pero kung mga maliit na halaga lang, okay na rin yung sa mga remittance center kasi hindi rin naman ganun kamahal yung fee at pang mabilisan lang din kung sakaling malayo mga ATM sa inyo.
10304  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 23, 2019, 12:22:10 PM
Ilang buwan din ako umasa sa egive cash ng security bank ilang buwan din maraming napaasa ng cashout option na ganito.  Pero hindi ko na rin pinoproblema ito dahil maaari naman ngang mamili ng ibang cashout opyion gaya ng gcash na kada cashout mo na lamang ang babayaran mong fee ay napakaliit kaya naman talagang nakakatuwang isipin at ang iba pang cashout option.
Simula nung nagkaroon dati ng cebuana at laging error na yung EGC, nag stop na ako gamitin yung cash out na yun kasi mas better pa yung cebuana dati. Ngayon naman na wala ng cebuana pero may kapalit naman na LBC at M Lhuillier ayos din naman ang serbisyo nila at instant din. Kasabay pa niyan na nawala yung 2% fee sa gcash at naging 10 pesos nalang para sa instapay kaya mas nagiging useful yung gcash ngayon at sobrang bilis din.
10305  Local / Pamilihan / Re: [PDAX] is now live for trading for Philippine users. on: November 23, 2019, 10:43:25 AM
Yan ang kagandahan sa bansa natin kasi open sila sa crypto business Kaya yung license talagang binabantayan ng BSP to make sure na nagbabayad sila ng tax, hindi ko pa rin nasusubukan ung trading site na to nagsasaliksik p din ako at nag aantay Ng mga feedback galing sa mga kababayan natin na nakakagamay na ng site nila.
Ang alam ko hindi rin ganun kadali yung pagkuha ng license kay BSP at mahabang proseso yan. At hindi lang yun, mahal ata yung license nila para magkaroon ng permit to operate.
Kaya doon sa mga exchange na gusto mag business dito sa bansa natin, ito lang talaga yung mga sigurado sa ginagawa nila kasi hindi biro yung halaga ng lisensya na manggagaling kay BSP.
10306  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pensionado Card - Best loyalty Cryptocard in the Philippines on: November 22, 2019, 11:24:48 PM
I really like and appreciate cashless transactions lalo kapag gagala sa mall. Maganda ito gamitin lalo na sa mga busu na lugar gaya ng mga sentro ng lungsod. Maganda rin na makita ang unti unting pag unlad ng cryptocurrency sa bansa. Sana nga talaga tuloy tuloy na ito.
Kaso nakakalungkot lang na parang natahimik na bigla yung loyalcoin na nagmamanage ng card na yan. Ang baba nalang ng volume niya kaya pala ang dami kong nakitang nag angry react sa related na loyalcoin post sa may FB nung nakaraan.
$447 volume nya sa CMC
At 22k pesos sa coinbase alert.
Sobrang baba na.
10307  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 22, 2019, 10:34:34 PM
Just want ro ask po, since security bnk cardless is still not worming before mabilis makpagcashout pero ngaun until now po di parin naayos sana maayos nyo po iyon dahil para sakin mas okay un lalo na if need ng cash
Wag na po nating asahan yung sa EGC ng Security bank. May option na tayo sa instapay kaso dapat meron kang bank account para doon mo mawiwithdraw yung pera mo. Hindi naman hassle kasi ang bilis lang din ng process. Ang choice ng marami dito sa atin ay gcash tapos deposit sa bank account. Pwede ka din naman mag LBC o M Lhuillier kasi mabilis sila, subok na subok na kaso sa fee kasi mas tipid ang gcash kapag ma-maxout mo ang usage niya.
10308  Local / Pamilihan / Re: [PDAX] is now live for trading for Philippine users. on: November 22, 2019, 09:09:38 PM
Mayroon po bang license ito sa BSP and may I ask if what platform it supported? desktop and mobile application?

or anyone used this already para makapagwithdraw or makapag trade?
Meron silang license galing sa BSP. Nakamonitor ang BSP pagdating sa pagtayo ng mga exchange dito sa bansa natin kaya masasabi nating okay siya gamitin pero sa convenience, hindi ko pa alam kasi bago palang naman sila.
Wala pa ata silang mobile app. At sa iba pang details tungkol sa tier system nila, tignan mo ito.

Eto yung buong table:


Edit:
Hindi pala pwede sa withdrawal ang tier 0, deposit lang ang pwede. Kailangan at least tier 1 para maka-withdraw kahit maliit lang na amount.

10309  Local / Pamilihan / Re: [PDAX] is now live for trading for Philippine users. on: November 22, 2019, 09:15:46 AM
Magandang hakbang itong ginagawa niyo PDAX team at sana mas maging active kayo sa mga community na meron kayo. Kapag maganda ang communication niyo sa community dito at iba pang nai-establish niyo, sigurado na unti unti kayong aangat.
Marami rin ang naghahanap ng iba pang alternative na exchange although maganda naman ang nararanasan namin sa kasalukuyang ginagamit naming exchange ngayon.
10310  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 22, 2019, 07:38:50 AM
Naging ganito din ako dati kaso lahat ng inin-vite ko or sinubakan kong mag open up tungkol sa crypto sakanila hindi ganun kaayos ang feedback nila para sakin. Naiintindihan ko din naman sila since parang hindi pa talaga ganun ka ready yung mga tao satin at yung sarili nating bansa sa ganitong change. Ni hindi pa nga tayo maituturing na "credit card" country kasi mostly sa atin nagbabayad ng cash and you expect that a new kind of payment method is something they are ready for? Kaya akong deadma nalang sa mga tao at hinihintay ko ang mass adoption to work on its own kasi mahirap din maghikayat ng tao lalo na hindi pa nila ito nakikitang ganun ka useful sa mismong bansa natin.
Sa experience ko, nung nalaman nila na medyo kumita ako sa bitcoin saka sila nagsilapitan sakin at nagtanong. Tapos nung pinaliwanag ko kung ano ang bitcoin at ibang altcoins, na wala silang stable price at sinabi ko na risky yan. Nag go parin sila mag invest kahit na nag warning ako kasi nga all time high noong mga panahon na yun, tapos nung medyo bumaba na parang ako pa yung sinisisi nila kung bakit nababawasan yung face value ng bitcoin nila. Samantalang nag warning ako sa kanila at hindi din naman sila nagsabi na bibili pala sila, biglaan lang silang bumili.
10311  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 22, 2019, 06:27:16 AM
Para sakin cryptocurrency ay pera. We cannot invest sa pera. Ginagamit ang pera pang invest. just saying.  Grin
Wala kasing specific price ang cryptocurrency maliban na lamang sa mga stable coins na ang value ay equal sa USD o ibang fiat money ng isang bansa katulad ng Euro at Chinese Yuan. Pero tama ka dyan, kasi yan talaga ang purpose kung bakit ginawa ang bitcoin kaso nga lang dahil nakitaan ng marami na meron siyang unstable value at price, madaming nakakita ng opportunity na maganda siya bilang isang investment na naging main character niya ngayon.
10312  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 21, 2019, 10:36:07 PM
Sa akin lang din naman parang kailangan na ata ne melo mag retire kasi matanda na siya.
Kung titingnan natin yung unang laro niya sa blazers 4-14FG sobrang daming mintis nagagawa niya.
Kaya siguro palagi nalang siya na eh trade kasi hindi na masyado maka puntos of maka depensa court.
Bigyan mo siya ng pagkakataon, nahirapan siya makakuha ng kontrata at ang akala ng maraming fans ay hindi na siya makakapag sign ng kahit anong kontrata sa kahit anong team. May mga dahilan kung bakit siya nahirapan at maaring may kinalaman yan sa personal niya.
Pagdating naman sa laro niya, normal lang yan at mapapag-praktisan niya naman yan.
10313  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Paano Makatulong Sa Pagpigil ng Bitcoin/Crypto Investment Scams? on: November 21, 2019, 08:24:27 PM

Tama ka dyan, kita agad ang pumapasok or yung part na pabor sa kanila.  Just like sa mga taong nabudol - budol,  pagigiing ganid ang nagiging driving factor ng mga manloloko para  maisahan ang taon natakaw sa pagkakaroon ng malaking kita.  Kahit na may proper education pa  yan about sa mga bagay bagay tungkol sa scam, once na matrigger ang pagiging greedy, automatic shutdown sa any reasoning or rational thinking ang tao at magiging sunod sunuran na lang sa iniisip na pwedeng kitain.  Kaya makikita nyo minsan mga high ranking officials ng militar at gobyerno kahit na mga artisita naloloko ng mga scammers.
Oo nga yung sa mga AFP nakita ko rin yan sa balita na madami dami din pala silang mga na-scam, meron din sa side ng mga artista at ang hirap isipin na akala mo sila yung mga hindi basta basta ma-scam pero pati sila ay na-scam din.

Mostly ang mga na a-aksidenting mai-scam ay yung mga na OFW at yung mga nasa URBAN community na di alam kung ano yung cryptocurrency at kung paano ito tumatakbo. Madali silang nahihikayat kasi sasabihin nyga recruiter or scammer na lalabas ka ng pera tapos magiging 3x, 5x or even 10x ang balik ng investments nila pay out.
Gusto kasi nila mapalago yung perang pinaghirapan nila at sila din yung target ng mga scammer na yan kasi nga maganda yung mentality nila. Kaso may hidden agenda pala itong mga scammer at ang galing manghikayat.
10314  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Paano Makatulong Sa Pagpigil ng Bitcoin/Crypto Investment Scams? on: November 21, 2019, 11:16:12 AM
Dala na ng sistema to e hanggat may mga mandarambong sa mundo hindi ito matitigil kahit mahuli, piyansa,laya ganyan pabalik balik lang sa sobang luwag ng batas dito sa Pilipinas bsta may napansin tayong mga ganitong style email agad sa SEC para mabigyan ng babala ang mahirap den kasi dito hindi ngchechek yung ibang mga kababayan natin invest lang ng invest tapos pag na scam iyak , mas maganda dito taasan ang parusa sa mga mahuhuling ganito yung may kasamang hagupit sa likod pagnakakulong iwan ko lang kung di madala.
At walang manloloko kung walang magpapaloko kaso sa kalakaran sa bansa natin mukhang mahirap na mawala yung mga kawawa nating kababayan na madalas maloko sa mga scam. Naintindihan natin yung hirap ng buhay at maraming nagbabakasali na kumita ng maganda kaya nakikipag sapalaran din sa mga investment pero ang mali lang nila, hindi sila nagre-research na yung investment na napasukan nila ay isang kilalang scam scheme.
10315  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins vs Token? on: November 20, 2019, 11:05:18 PM
Depende na lang siguro ss potential ng isang token or coin kung worth it ba talaga bilhin o hindi mayroon kasing coin na potentisl gayun din naman sa token.
Ganito talaga ang magiging basehan ko. Merong mga tokens na ayos naman at karamihan ay hindi na, ganun din naman sa mga coins, merong mga hindi okay pero marami naming okay. Kaya nasa sayo rin yan kung gaano ka mag-research at ka determinado na bilhin yung kahit ano sa kanila. Madaming beses na ako nalugi sa tokens at coins pero dahil doon mas naging mabusisi na ako sa pagbili at hindi na basta basta naniniwala sa hype. Kaya iwas na din sa FOMO.
10316  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoins- kita o lugi? on: November 20, 2019, 09:58:30 PM
Hindi ko alam kung magkano na, kumita ako nung 2017 hanggang early 2018 at hindi ko na din maalala kung magkano yun. Pero sigurado ako na mas malaki na yung naging losses ko simula nung 2018 hanggang ngayong 2nd quarter ng 2019. May mga pa chepi chepi akong kita pero hindi din naman ganun kalaki siguro sa isang trade mga 1k-5k, isang mabilisang trade lang tapos withdraw agad convert na agad sa cash. Hindi ko na pinapaikot.
10317  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 20, 2019, 08:39:18 PM
Yun ung mga early investors na nabiktima ng napakaraming ponxi at hyip noong mga panahong nagsisimulang sumikat si bitcoin. Pero ang kagandahan lang ngayon madami na talaga yung mga taong nagkakainterest sa industriyang ito, habang lumalaki ung network ng bitcoin
lumalawak na rin yung mga kaalaman at interest ng ibang dati eh hindi naniniwala pero ngayon nagsisimula ng mag aral at mag invest sa
bitcoin at ibang cryptos.
Maraming mga nabiktima pero marami ring natuto ang nakakalungkot marami pa rin ang mga nagiging biktima ngayon kasi ayaw makinig sa mga nauna. Kapag sinabihan mo sila pa yung magagalit at sasabihin na ayaw mo din ba sila kumita katulad mo. Ganyan kasi yung mentality ng iba kaya ang akala nila ayaw mo din sila kumita pero ang totoo, nagbibigay ka na ng warning sa kanila kasi mali yung investment na ginagawa nila sa crypto at hindi nila inuunawa yung sinasabi mo.
10318  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 20, 2019, 05:57:43 AM
Marami pa ngang hindi lubos na nuunawan ang cryptocurrency dito sa bansa. May mga hindi alam ang pinagkaiba iba ng crypto sa bitcoin o hindi alam mismo ang salitang crypto at tanging bitcoin lamang. Sa tingin ko ay taon pa ang lilipas bago tuluyang maunawaan at ma-adopt ang karamihan sa mga cryptocurrency.
At kapag sinabing blockchain baka bitcoin agad ang pumasok sa isip nila. Kahit papaano naman dahil na rin iba't-ibang magagandang balita na lumalabas may mga ilan ilan din naman na pakonti konti na ring namumulat sa kung ano talaga ang bitcoin at cryptocurrencies.
Meron naman na sarado na ang isip at kailanman sinabi na sa sarili nila na kahit kailan ay hinding hindi na sila magi-invest sa kahit anong investment na related sa bitcoin dahil sa dismayado sila sa experience nila.
10319  Local / Pamilihan / Re: Mapanlinlang na emails na matatanggap mula sa akala nting kakilala on: November 19, 2019, 11:55:53 PM
Uu dapat talaga magkaiba ang password hind yung pareho lang password lahat. Actually magiging secure din naman if maythird party siguro tawag nun hindi basta2x ma open email natin need pa ng confirmation sa cp# or other email account. Kadalasan makikita ko palagi na may mga authenticator ay yung sa mga exchange site na para magiging safe talaga yung mga account natin.
Third party? sa paanong paraan magiging secure kapag may third party? mukhang yung 2FA ang tinutukoy mo. Kung yan yung tinutukoy mo sa third party mas magiging secure kung naka-activate yung 2FA feature ng mga emails niyo siguradong mas magiging malakas yung security kasi hindi agad agad makakapenetrate yung intruder ng email mo kasi kailangan ng verification. At mas maganda din kung naka-set yung notification para aware ka kapag merong suspicious log in.
10320  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 19, 2019, 10:39:39 PM
It was a big surprise, hindi lang sa buong team nila pati narin sa lahat ng manunuoud. Danny known about shooting pero iba itong pagdudunk niya.
Siguro nga masasabi nating nag-eensayo narin si Green para sa ganitong bagay kaso lang mas malala itong ginagawa niya na nakakukuha ng atensyon sa lahat.

Regarding drug testing: Hindi ko alam kung tutuhanan nga ba ito kasi wala nman tayong nakikita result days after sa laro nila. I think it was just a joke statement galing sa board.
May kanya kanya din kasi silang role sa loob ng court pero sa stand niya naman hindi nakakagulat kung magiging ganyang uri din siya ng player di ba? nakakagulat nga lang kasi nga hindi niya normal na ginagawa.
At hindi siya joke, talagang legit na drug test yun kasi pwede din daw na coincidence[1] na naisabay sa schedule drug testing ng management. Wala pa akong ibang balita na nabasa tungkol sa kung para sa kanya lang ba talaga yun.
([1] https://bleacherreport.com/articles/2863315-lakers-danny-green-tweets-he-was-drug-tested-after-putback-dunk-vs-hawks)
Pages: « 1 ... 466 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 [516] 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!