Bitcoin Forum
June 20, 2024, 02:43:33 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 [517] 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 ... 696 »
10321  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 19, 2019, 09:21:04 PM
Code: (LIVESTREAM LINK)
http://www.worldcupfootball.me/nba
Ayos to ha, sa NBA Philippines lang ako lagi nag aantay lang laban kaso selected games lang nililive nila. Naka-set na nga lahat ng games at schedule nila para sa mga mag-aabang ng mga laban.
Ayos lang din yung pangalan pero ang daming sports na nasa website na pwede manood ng stream nila.


Sino pala nagulat o may ibang expression sa balita tungkol kay Danny Green? ako natawa kasi siya mismo natawa sa tweet niya haha.
(https://www.silverscreenandroll.com/2019/11/18/20971475/lakers-nba-news-danny-green-drug-tested-dunk-hawks-alex-caruso)
10322  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 19, 2019, 08:27:32 PM
Guys may magandang raffle si coins.ph para sa mga nagbabayad ng bills. 13 months ng free bills at 13k pesos ang prize.
(https://www.facebook.com/coinsph/photos/a.444514169011678/2345489762247433/?type=3&theater)

Salihan niyo to sayang den yan sayang kakabayad ko lang ng bills nung isang araw last year nanalo ako dito ng 1 year free bill payments worth 1k php try nio na bka manalo den kayo mas maganda ngayon may kasamang cash pa worth 13k php
Ako nga rin, nataon na kung kalian nakabayad na ako saka lang sila nag post ng announcement na yan kaya nakakapanghinayang na rin. Pero may dalawang araw pa naman para dyan kaya yung mga hindi pa nakakapagbayad baka umabot pa. May isa pa akong bill na babayaran kaya baka umabot pa ako sa deadline.
10323  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 19, 2019, 09:43:10 AM
Naalala ko tuloy yong isa kong naging kaibigan, isa siyang IT sa isang company at halos sila kapag may spare time sila ng kanilang mga kawork nagpoposting din sila, and then meron silang server na naka aircon, ginagawa nila dahil wala naman ibang nakakapasok and aware naman ang boss nila dun sila nagmimina kaya nakakalibre daw sila ng kuryente at kumikita sila bukod sa sahod nila.
Well, familiar sa akin to. Sa computer shop ng ante ko before nagtaka kami kong bakit panay ang sira ng mga computers nila at madali itong nag-oover heat. Ng pinatingnan namin sa technician nalalaman namin gingawa na palang mining lahat ng unit ng computers at hanggang sa ngayon walang umaamin.
Grabe naman yan, umabuso masyado yung mga tao na yun. Malas lang ng tita mo kasi may mga ganun pala siyang customer at hindi siya aware kung ano ang pagmimina, dapat dyan pagmultahin kasi hindi naman pang mining yung pc na pinaparenta ng tita mo. Parang narinig ko na din yung ganyang storya sa mga magkakatrabaho pero baka ibang grupo naman yun at mukhang normal lang yan sa mga IT na may alam sa crypto basta alam lang ng dapat ng boss nila kasi kung hindi, yari sila malaking kasalanan yan pag nagkataon.
10324  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 19, 2019, 08:49:12 AM
Guys may magandang raffle si coins.ph para sa mga nagbabayad ng bills. 13 months ng free bills at 13k pesos ang prize.
(https://www.facebook.com/coinsph/photos/a.444514169011678/2345489762247433/?type=3&theater)
10325  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 18, 2019, 11:41:26 PM
Para sa akin kinokonsider ko lang na mag asawa ang isang lalaki at babae kung ito ay kasal na. So kung ano man ang naging pag-aari nyo simula ng kinasal kayo ay pag-aari na ng bawat isa. Sa usaping pera o sahod ng lalaki, may karapatan na dyan ang babae dahil responsibilidad talaga ng lalaki na sya ang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Pero isipin nyo what if yung babae ang may trabaho at lalaki ang nasa bahay, diba maramimg scenario na rin na ganyan. Kahit sino man ang may hawak ng ATM o nag babudget ng pera ay dapat may alam sa pagkakaiba ng kailangan sa kagustuhan.
Meron din kasing mga babae na hindi marunong magbudget ng pera at humawak ng pera. Kaya kung mas able naman ang lalaki sa kanilang mag-asawa na humawak ng pera, pag usapang maigi yan kasi iisa nalang sila bilang mag asawa. At kadalasan yan ang nagiging problema ng mag-asawa kapag related na sa pera ang usapin. Tama ka sa sinasabi mo na lalo sa mga taong bahay na asawang lalaki, may mga ganyang pagkakataon na hindi rin naiiwasan. Lahat naman ng bagay napag-uusapan kapag mahal niyo ang isa't-isa at maayos ang pagsasama niyo.
10326  Local / Others (Pilipinas) / Re: [Off-Topics] Pilipinas on: November 18, 2019, 10:15:45 PM
Since off topic naman to tanong ko lang kasi napanood ko ngayon ung episode ni Korina sa RatedK sa mga may asawa diyan Kayo rin ba si misis ang may hawak ng atm niyo? Sakin kasi nung ngwowork paku hindi ko tlaga mahawakan atm ko binibigyan lang ako ng misis ko ng panggastos at pamasahe saktong sakto lang haha mabuti nalang nakakasali naku sa mga bounty dito kaya may extra money pa rin, kayo ba?  
Sa akin hindi. Ako may hawak ng ATM card namin pero nagre-remit ako kay misis lahat ng kita, kaya parang wala rin akong hawak na ATM card. May mga ibang source at maliit na negosyo kami at siya na nagha-handle nun kaya sa kaniya din ang punta nung kita. Meron pa rin namang natitira sa akin parang reserba lang kung sakali may gusto siyang bilhin. Iba ang buhay may asawa kesa nung mga binata pa tayo, gastos dito, gastos doon. Pero mag usap kayong mag-asawa kung may problema ka sa ganyang setup niyong dalawa.
10327  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 18, 2019, 09:09:45 PM
Kailangan talaga na iconvvert mo muna yung bitcoin mo sa peso bago ka magrequest ng withdrawal sa coins.ph.
Dati ata talaga maaari kang makapag withdraw ng pera sa coins.ph kapag ang gamit mo ay coin tapos doon na lang macoconvert.
Pero ngayon  need talaga iconvert pero di naman problem yun ilang click lang naman ang gagawin eh.
Sa browser kahit hindi na kapag susubukan mo sa LBC, Palawan at M Lhuillier. Automatic na magba-base sa rank ng palitan ng sell kaya kahit hindi mo na I-convert.
Pero sa bank kasama yung g-xchange, kailangan nasa PHP wallet mo para ma withdraw kaya ang pag-convert kailangan munang gawin.
10328  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: November 18, 2019, 07:38:46 AM
At least sa trading may control ka sa knowledge mo unlike sa mining, kung maliit ang budget mo mahihirapan kang makipagkumpetensiya sa ibang mga nagmimina.  Unlike sa trading once na matutunan mo iyan at makita ang pattern, malaki ang tsansa mong kumita ng malaki from small capital.
Ito yung lamang ng trading sa pagmimina. Wala ka ding iintindihin na maintenance cost at hindi malaking monthly bill ang iisipin mo. Kasi sa pagmimina malakas sa consumption ng kuryente yan kaya expect na malaki ang magiging bill. Sa trading naman, experience din ang kasama sa dapat mong ipuhunan dyan. Magiging costly pero habang sa katagalan kapag nai-aapply mo yung mga natutunan mo, bawing bawi ka din naman.
10329  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 18, 2019, 06:26:22 AM
Sa coins.ph na desktop browser platform while withdrawal pwede palitan ung PHP na button into BTC.



Ang problem, hindi mag continue ang withdrawal.
Lagi prompt niya ay kulang ang iyong pera.  Grin Eto ay kahit sapat naman ang iyong bitcoin para sa amount na withdrawal.
Naka-ilang attempt din ako pero same thing ang nangyayari.
So chineck ko sa android application.
At yun nga, sa android ay hindi napapalitan ang pindutan na yan.

So kelangan natin lagi mag convert muna sa PHP from now on? Or depende sa withdrawal service?
Desktop browser ako madalas at kaninang umaga lang nag convert ako (hindi ko na trinansfer sa coins pro), instant naman at walang problema. I-check mo kung tama yung amount kasi baka nung Ico-convert mo na bigla rin nag-fluctuate yung presyo kaya ayaw mag proceed.
10330  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: November 17, 2019, 09:30:41 PM
Yung kaibigan ko ay nakaranas noong mga nakaraang bull run at ito ang dahilan bakit nandito ako sa crypto industry. Naengganyo niya ako, hindi lamang dahil sa pera na kikitain, ngunit dahil na rin nakakagulat at nakamamangha ang industriya na ito. Marami ang nababasa ko na hindi magandang karanasan nguit marami pa rin ang nagpapatuloy at hindi nawawalan ng pag asa.
Yung mga hindi magagandang karanasan ay pwedeng iilan sa mga ito.
  • nag invest noong bull run tapos hanggang ngayon loss pa rin
  • naloko ng mga scam investments, hyip, cloud mining
  • Nagtrade pero hindi marunong mag-trade
  • nag invest sa hindi kilalang altcoin tapos ngayon wipe out na investment nila

Meron pa sigurong mga ibang factor pero kung hindi man, halos lahat ng rason ganyan. Nakakamangha lang yung mga naniniwala hanggang ngayon kahit na madami silang loss, meron akong mga nakitang ganun yung post.
10331  Local / Pamilihan / Re: Usapang Security: Tignan kung compromised ang email niyo on: November 17, 2019, 08:03:06 PM
At para sa mga nagtatanong kung legit ba ito o hindi, FYI and tao sa likod ng website na ito ay isang kagalang galang sa mundo ng infosec, si Troy Hunt:

Quote
Troy Hunt is an Australian web security expert[2] known for public education and outreach on security topics. He created Have I Been Pwned?, a data breach search website that allows non-technical users to see if their personal information has been compromised.

https://en.wikipedia.org/wiki/Troy_Hunt

So makikita natin talaga na ang website na ito ay hindi basta basta lang ginawa ng kung sino-sino dyan.
Yan din yung nasa isip ko dati, na kapag mag input o mag inquire ka ng email mo kung damay ba at na-compromise ay mase-save sa sarili nilang database. Kaya matagal tagal ko ng hindi nagamit yang website na yan at kinalimutan sa matagal na panahon, ngayon alam ko na kilalang personalidad pala ang owner niyan. Salamat sa info.

Ang breach sa akin according kay Firefox Monitor ay:

Clixsense - which is dati ko ginagawa
PSP ISO - alam na. gamer eh.
Alam ko yang clixsense, wala na yan di ba ngayon? may history ba na hack sila kaya yung mga email ng users nila na-breach?
10332  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 17, 2019, 07:34:00 PM
Dapat tanggalin nalang nila yung option mismo o di kaya grey out nila at disable muna para expected ng lahat na wala na talaga yan. Marami kasi na hindi alam yung mga announcement nila.
Sayang to. Parang gcash mastercard din to no?
Di ko sure kung pano gumagana yan kasi wala pang nakagamit ata niyan. Nakadisplay lang yan sa kanila pero never ata napagamit sa mga users nila yan.

Sa ka-rami rami ng cashout options, ewan ko kung bakit yung iba ay naghahanap parin ng coins card. Same lang din naman ang proceso
at napaka convenient lalo na kung money remittances at bank transfers which is enough na.Its a matter of preference though kung ano
ang mas madali sa isang user.In short wala ka nang hahanapin pang iba. Wink
Hindi naman sa naghahanap, tingin ko curious lang kasi nga nakadisplay sa kanila at never nagamit.
10333  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Build yourself a solid portfolio with good projects on: November 16, 2019, 10:41:01 PM
A coin that has a use case is no longer viable this time. There were projects that has an actual use case but still they failed to reach their success. As you can see, there were many projects that made their name but few of them got the actual support from the people.
It's not because of their use case but it's on how the developers acted and showed their sympathy to the project. It's the reality these days that it's getting harder to lean on new projects.
10334  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 16, 2019, 09:18:28 PM
Wala pa akong nabasa dito na nagbahagi tungkol sa Coins card, meron na bang gumagamit nito dito?
Tagal ko ng hinihintay yan. Ang akala ko merong makakagamit niyan pero nung nabasa ko ito, wala ng pag-asa.

Ito yung sagot nila mula sa opisyal na coins.ph twitter channel:
"We regret to inform you that our Virtual Card feature is no longer available. We have been informed that due to regulatory changes, the issuing bank of our Virtual Cards can no longer support countries outside of Europe."

source: https://twitter.com/coinsph/status/971200968275578880

Dapat tanggalin nalang nila yung option mismo o di kaya grey out nila at disable muna para expected ng lahat na wala na talaga yan. Marami kasi na hindi alam yung mga announcement nila.
10335  Local / Pamilihan / Re: [GAMBLING] PBA Governor's Cup Discussion and Crypto-Sportsbetting on: November 16, 2019, 07:39:30 AM
May mga Doug Kramer fans ba dito? baka meron pang hindi nakakaalam na nilaro na ni Doug yung huling laro niya sa PBA dahil nagretire na siya after 12 years sa liga.
(https://www.gmanetwork.com/news/sports/basketball/715574/doug-kramer-retires-after-12-years-in-pba/story/)
10336  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [DISKUSYON] PayaCoin x Payasian SCAM o LEGIT on: November 16, 2019, 05:43:09 AM
May nabasa ako na after mo bumili ng season1 yung PAYA na yun ay naka lovked for 6 months. Hindi siya pwedeng I-withdraw at naka locked lang ng 6 months. Why in the world na after mo mag bumili ay hindi mo ito magagamit.
Dito mo na mahahalata yung scam. Mabuti sana kung Binance yan at ikaw pipili kung gusto mo maglock down ng funds staking nila pero hindi. Kung sapilitan na nangyayari yan, wala ng ibang dapat isipin pa kundi scam yan para yung pera ng mga investor nila lumulutang lang at waiting lang mga founder nila mag dump.
10337  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [DISKUSYON] PayaCoin x Payasian SCAM o LEGIT on: November 15, 2019, 11:33:50 PM
Ang masaklap pa dito, kapwa Pinoy din ang nagpapakalat nito. Tapos ang mga pinupuntirya nila Yung mga walang alam o baguhan. Andaming videos presentation na ang magsilabasan sa youtube Kung saan nag papakita sila ng computation about sa pera ng mga investor na magiging million pagdating ng panahon (insert Aiza Seguerra).

Ganyan naman talaga umatake ang mga Yan. Uunahin nila yung mga walang alam at nangangako ng bug returns which is not true.
Ganyan ang Teknik ng mga scammer na yan. Yung mga walang alam sa investment pati sa cryptocurrencies yung tina-target nila. Ang nakakalungkot kasi sa mga kababayan natin, kapag nakita na malaki yung kikitain, nagka-kaching kaching agad yung mga mata nila. Kaya ang siste ay hindi na nila nirereview o walang panahon para alamin kung lehitimo ba yang investment nila. Kahit na pare-parehas lang sila ng style, hindi pa rin nila nababasa yung ponzi scheme sa investment nila kasi andun na yung pera nila eh.
10338  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Gaano ba kakilala sa Pilipinas ang Altcoins? on: November 15, 2019, 10:40:59 PM
Sa tingin ko malawak na din ang kaalaman ng mga Pilipino patungkol sa cryptocurrencies dahil sa mga palabas o balita sa telebisyon ay nababanggit na din ang salitang bitcoin at blockchain technology. Ang mga sikat na artista o tao tulad ni Sen. Manny Pacquio ay nagtratrade at nagiinvest na din sa bitcoin at sa cryptocurrencies. Kaya sa tingin ko mas uunlad pa at mas dadami pa ang mga Pilipino na gumagamit ng cryptocurrencies.
Hindi pa masyado. Kasi marami pa rin ang mga nai-scam at tiwala sa mga sarili nila kasi ang gusto nila ay mag invest sa mga bagay na nakikita lang nilang tumataas. At maraming kababayan natin ang namimis-inform kapag tungkol na dyan ang usapan kasi nga may mga scammer na gumagamit ng altcoin at inintroduce nila sa mga kababayan natin na kikita sila. Maaaring may mga sikat na personalidad tulad ni Senator Pacquiao pero tingin ko malayo pa rin tayo sa point ng adoption. May chance din naman na bumagsak yang PAC token tulad ng mga ibang altcoin na nadala lang ng hype.
10339  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 15, 2019, 09:47:03 PM
^ Wag na kayo mag-alala sa mga interview na yan masyadong private naman na yan hindi naman job application may ganyan na rin si coins lol maraming alternative guys anjan yung Abra.com, pdax, at marami pang iba bka pag nakatanggap ako ng required interview bahala na sila hindi ko na gagamitin coinsph ko kay Abra muna ako via bank account mas maganda pa ang rate.
Tama ka madaming alternative kay coins.ph pero andun na tayo, nagpasa na tayo sa KYC nila at paano kapag pati pdax manghingi ng docs mo at abra?(pero mukhang malabo)
Maganda kasi ang service na binibigay ni coins kaya hindi na matatanggi na mahalaga ang mga accounts natin sa kanila. Maliban nalang kung may mga kilala ka na sila ang pag-reregister mo tapos sila ang pagsesendan mo ng reqs.
10340  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] Paano Makatulong Sa Pagpigil ng Bitcoin/Crypto Investment Scams? on: November 15, 2019, 07:22:09 AM
May mga na search akong iba pang mga scam.

Carbon token: (https://www.gmanetwork.com/news/news/metro/645598/2-malaysians-nabbed-for-multi-million-cryptocurrency-investment-fraud/story/)

1) NewG
2) Smart Capital
3) Gener8X
4) Paid2Prosper
5) CMT (Coins and Mining Trading)
6) PSO (PSOPOWER Apps)
7) TradeConnect
8 ) IronTrading (Team Bangon)
9) ExpertTrading
10) OneCash
11) Lucky Coins
12) Miner’s Investment Group
13) Digital Coin Trading
14) All Pal for All Seasons
Source: (https://news.abs-cbn.com/business/04/18/18/cryptocurrency-scams-now-rampant-says-sec)

Note that I excluded advisories prior to 2018.
Padagdag na lang kung meron pa kayong alam na iba.
Naintindihan ko ito pero sa tingin mo itong nasa baba na example? kasi kilalang personalidad at businessman si Calata, isa sa pinaka batang bilyonaryo.

Medyo luma na itong ipapa-dagdag ko sana at tapos na din naman pero related naman siya sa crypto. Pwede mo din ba isama yung coin na naisip ni Calata sa listahan?

(https://www.rappler.com/business/194508-sec-joseph-calata-krops-tokens-coins)
(https://www.bworldonline.com/calata-planning-issue-digital-tokens-exchange-shares/)
(https://business.inquirer.net/244819/sec-initial-coin-offering-calatas-krops-illegal)


Ang madami ngayon yung nauuso na mga manukan business at piggery.
Pages: « 1 ... 467 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 [517] 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!