Bitcoin Forum
June 20, 2024, 07:01:28 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 [518] 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 ... 696 »
10341  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 15, 2019, 06:07:47 AM

Naranasan ko din yan nung na zero limit tapos kailangan mo pa ng pera kaya maganda talaga na kahit level 3 lang ay okay narin at malaki na ang ating mawwithdraw at deposit. Kung magvverify lang naman ng Level 3 ay address lang naman ang hihingin at nung nag try ako siguro after 3 days na approved na agad.

At alam ko talaga every 6 months nanghihingi ang coins.ph ng update sa info natin sa database nila kasi nakakareceived ako ng email at legit naman kc tinatanong ko talaga muna kung sa kanila galing at mahirap na baka mga hacker lang.
Swak na talaga para sa karamihan dito sa atin yung level 3 pero alam ko meron dito level 4 at yung isa pang tier na business dahil kailangan ng mas malaking limit para sa mga transactions nila. May nareceive din naman ako kaso inignore ko lang tapos parang wala naman ng kasunod na nangyari, parang hindi mandatory yung sinend nila sa akin na email. Pero kung maging urgent man at mandatory yun at hindi natin magagamit accounts natin, wala akong choice kundi asikasuhin na.
10342  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 15, 2019, 03:17:30 AM

And add ko lang sa mga medyo confused at worry, kapag may request na kayong natanggap, plan for schedule niyo na agad. Magaya kayo sa akin naging zero limit tapos if wala kayong kakilala in person na may coins.ph account mahirapan kayo mag-withdraw.

Iyong mga alam kong nag-undergo ng interview for the first time this year na unemployed, freelance ang sinabi na crypto ang bayad. Unlike sa akin, di na inungkat pa iyong details. Siguro ganyan kapag dun sa mga minsanan lang mag-cashout.

OT: Typo pala ako sa "hassle" dun sa taas lol.
Hirap nga nun kapag zero limit tapos wala kang mapapakiusapan para mag withdraw ng pera mo lalong lalo na kapag kailangan mo ng pera. Maganda nga yung dahilan kapag sinabi mong freelancer ka tapos crypto yung payment sayo. Pwede yan yung sabihin niyo para wala na kayong dahilan para kabahan pa. Yung mga naipayo na rin dito dati na ingat sa pagsagot kapag tungkol sa sugal yung pera niyo para mas lalong hindi ka na mag-alala at hindi pa ungkatin.
10343  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 14, 2019, 09:57:03 PM
Mukhang ang daming mga interview ngayon at malalaki nga siguro mga pinagca-cashout niyo.

May time na sila sa ibang mga account. Inuna siguro mga nag-cacashout ng malaki per average.

Kasi may mga kakilala ako na kahit di naman madalas ang cashout, nakatanggap pa rin ng video interview request. Nag-start muna sa top ang coins.ph then dahan-dahan pababa. Lahat ng users for sure magkakaroon ng interview. Pwede rin dahil sa mas pinahigpit na terms ni BSP.
Oo nga noh, dahil nga pala regulated na sila ng BSP at may permit pwedeng pina-require nila lahat ng mga users nila na dumaan sa ganyang proseso. Na-interview din naman ako dati pero once lang at hindi tulad ng iba na parang may monthly o yearly ata pero hindi din naman ganun kalakihan yung cash out ko, siguro nga na protocol na yan mula sa nakatataas which is ang BSP. Sa mga kinakabahan tungkol sa interview, maging totoo lang kayo sa sagot niyo.
10344  Local / Pamilihan / Re: [GABAY] Kahalagahan ng 2 Factor Authentication on: November 14, 2019, 08:41:35 PM
Android phone lang gamit ko sa trading Kasi handy pero nag delete na ako ng mga suspicious apps na sa tingin ko ay posibleng way para magkaroon ng access ang hacker sa key stroke sa keypad
Ingat ka kasi hindi talaga recommended ang pag trade gamit ang smartphones. Mas okay kung sa desktop o laptop ka magtrade.

Maliban sa 2fa mas okay din na meron tayong trading password sa mga exchange hangga't maaari dahil if ever na may maka-access sa account niyo ay hindi niya mawi-withdraw o mati-trade yung mga coins niyo pero as much as possible hindi talaga dapat tayo nag-iimbak ng crypto sa mga exchange dahil anytime pwede itong mawala ng hindi mo nalalaman.
Anong exchange ba yung may feature na ganyan?
10345  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 14, 2019, 07:28:25 PM
~snip~
Salamat sa info, as of now wala ako trabaho kaya iniisip ko kung anong magandang sabihin na source of income ko. Baka maungkat din kasi yung past transaction ko na hindi rin biro ang halaga.
Sabihin mo na trader ka at wag mo babanggitin na nagsusugal ka kasi isa yan sa ayaw ni coins at against yan sa rules nila. Mukhang ang daming mga interview ngayon at malalaki nga siguro mga pinagca-cashout niyo.
Hinay hinay lang sa pag withdraw baka masyadong malaking halaga yung mga nilabas niyo.
10346  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pera sa Internet, Tara usap tayo! on: November 13, 2019, 11:40:39 PM
Namimiss ko tuloy nung nagdaang taon na active pa ako sa crypto madali pa kumita through trading, investment, kahit dito nun yung mga nasalihan na campaign may mga value pa mga crypto coins ang saya lang, ewan ko lang ngayon kung meron pang ganun.
Wala na yun, hindi na yun mababalik pa. Tapos na ang panahon ng mga bounty na may magagandang reward, ngayon makakakita ka pa rin ng mga bounty pero bibihira nalang yung may totoong value at may magandang market na kung saan may mga buyer pa.
At ngayon, kapag meron kang token galing sa bounty na nasalihan mo hindi na 50/50 ang estado mas mababa pa yung chance mo na maibenta yan sa mas magandang price. Swertihan nalang nga kung may maliit na volume pa.
10347  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: NEW!! Boxing Champ Senator Manny Pacquiao nilaunch na ang kanyang CRYPTO TOKEN on: November 13, 2019, 10:20:49 PM
Paano gamitin ang pac token?
Nasa website nila kung paano gamitin yung pac token. Pwede kang maka-connect kay Pacquiao at iba ding mga fans at ang pinaka main use ng coin na yan ay para sa mga merchandise, CMIIW.
(https://pactoken.io/)
10348  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 13, 2019, 09:20:19 PM
Well, dati LBC remittance and gamit ko mag cash out pero nalaman ko na mas mura sa M.Lhuillier Padala. Try niyo sa ML mas mura kaysa LBC hindi na ako gumagamit ng LBC mula ng nalaman ko magka iba sila ng fee.
Ayos yang dalawang cash out method na yan. Parang itong dalawa yung pumalit kay cebuana simula nung mawala siya. Na-try ko na yang ML at palipat lipat lang ako sa LBC o ML kapag need ko ng agarang cash. Pero sa ngayon, okay na okay ako sa cash out method ng Gcash, mas mura at mas mabilis siya. Kailangan mo nga lang ng bank account at libre lang naman lagi ang transfer kapag galing na siya sa mismong gcash app pero kapag galing sa coins, 10 pesos lang ang fee.

After ko mag cash out ng ehemmmmmmmmmmmm  tapos nag cash out ulet ako ng ehemmmmmmm (not gonna say) nakatanggap ako ng malupit na email sa kanila.
getting ready for the level 4! but what? i dont have business i am pure trader at bounty hunter. ano ipoprovide kong business permit? pwede ko ibigay history of tradings ahahahha. lintek na coins.
Mukhang malaki laking halaga ata yung nawithdraw mo ng magkasunod. Talaga bang sapilitan ka nila pinagle-level 4?
10349  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 13, 2019, 02:44:38 PM
Meron din ba kayong natanggap na PM mula sa isang newbie kagaya nito?

Quote
pwede na mag deposit gamit ang coins galing sa ibang platform basta nakapag OTP ka.

Ingat lang at report to admin na din para ma-ban at kahit paano eh madala na mga sumusubok mang-scam.
Wala. Ingat lang kabayan lalo na uso yung OTP scam ngayon pati mga bangko nabibiktima ng ganyang scheme nila. Wala pa akong ideya pano nila ginagawa yan pero ingat at wag mag tiwala.

Guys hindi ko maclick yung button ng log-in sa application sa coins.ph nagkusa siya nagloagout and then nung nilaga yung email at password ko at clinick ko yung login button ayaw gumana,  pero nagtry ako sa website and gumana naman.  Naranasan niyo rin ba yung naranasan ko kasi until now ganoon pa rin pero sana bukas naman maclicko ko na yung button ng login dahil mas maganda gamitin ang application lalo na kung mobile phones gamit.
Pag ganyan parang minor bug lang yan, try mo lang close at I-reopen yung app.
10350  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 13, 2019, 05:32:21 AM

Nangyari na sa akin yang na-experience ni Quidat. Ang kaibahan nga lang, nag-proceed iyong transaction ko pero not working iyong reference number which is really weird and rare case. Kahiya nga lang sa LBC mismo. Di na ako umulit ng transaction at baka mangyari na naman and iyong support na mismo nagsabi ng claiming details sa akin. Side daw ni LBC ang nagka problema pero di pangkalahatan meaning operational ang status at sa side ko lang nangyari. Pero yan lang iyong parang medyo abala na problem ko sa LBC and overall Smooth lahat.
Medyo weird nga yung ganyang transaction ang naalala ko sa case na ito yung sa EGC option ni coins. Ang hirap ng ganun tapos nasa sayo na yung reference number pero ayaw gumana tapos LBC pa kahit ako mahihiya ako mismo doon sa branch tapos ang inaasahan ko na okay na pala. Minsan nalang ako mag cash out LBC at salamat doon sa mga nagturo tungkol sa Gcash cash out. Sana wala ng masyadong weird na transaction ang mangyari kapag LBC.
10351  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Meron pa bang matinong bounty? on: November 12, 2019, 10:57:48 PM
Sa aking palagay, meron pa namang matinong bounty campaign kang masasalihan ngayon ngunit hindi nga lang lahat maganda salihan dahil mahirap masabi kung ikaw ba ay magkakaroon ng benepisyo dito o hindi. Mayroon kasing mga bounty na nagiging scam sa huli at mayroon namang hindi nagiging successful kaya't mahirap nang magsugal patungkol sa pagsali sa mga bounty.
Hindi lahat maganda na. Ibang iba na ngayon yung mga bounty, kahit yung mga bounty na akala mo maayos kasi may maayos na manager. Maayos yung pag manage at pagpapatakbo ng bounty pero wala sa kamay ng manager ang success ng token nila kasi nasa developers pa rin kung paano nila tutuparin yung mga pangako nila sa mga investors nila. Sa dinami dami ng mga scam ngayon, kahit yung mga magagandang bounty sa simula basta may nagloko na developer nila, magiging scam lang din naman.
10352  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 12, 2019, 10:17:11 PM
Its not really that necessary na mag invite ng tao para kumita dito sa crypto.Kung ayaw nila mag invest eh wag na silang
pilitin pa at nasa sa kanila kasi di natin masisisi ang karamihan na di mag alangan sa paginvest,sa dami ng mga investment online
mag dadalawang isip ka talaga at natural lang sa tao na merong ganung pananaw lalo na pag usapan ay ang pagkita ng pera.
Ang unang rason kung bakit mahirap ang pag invest ay dahil sa kanilang financial status, gusto mo mag lagay pero wala kang pera?
Tama, iwas na din ako sa ganyan. Kasi yung mga kaibigan ko sila mismo nakakita na nag boom ang bitcoin at altcoins pero nung nag invest sila, biglang nagsibabaan na. Kaya hindi rin natin masisisi ang mga sarili natin kung ayaw na natin manghikayat pa ng mga tao na mag-iinvest sa crypto kasi nga madami ng nadismaya at tayo pa ang nasisisi. Sa part naman ng mga investors, hindi rin natin sila masisisi kasi karamihan sa kanila ang akala walang risk at panay hakot lang ng kikitain. Kung merong interesado at magtanong, sagutin natin pero yung paghihikayat lagi nalang natin sila biglang ng disclaimer na hindi natin kontrolado ang market.
10353  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 12, 2019, 09:25:44 PM
Okay na yung cashout using LBC nung nag request ako kaninang umaga. Nagreply yung support nila which may error on LBC side
at nag advise na i try ulit after few hours pero nag decide ako na umaga na mag request. Rare case lang talaga based on my experience
using LBC co.
Ganun pala, tama yung hinala ko na sa LBC talaga yung problema at hindi kay coins.ph. Kapag ok naman sa status nila kasi real time yun, walang kaso sa kay coins.ph kundi sa may partner  nila.
Bali may ideya na tayo kung mangyari man yan ulit in the future. Kailangan lang pala magpa-cooldown muna o mag-antay hanggang sa mag proceed na ulit yung transaction.
10354  Local / Pamilihan / Re: (Guide) Paano kumuha ng Gcash Master Card (Delivery thru LBC) on: November 12, 2019, 10:59:43 AM
Pagkauwi ko galing ng school I was surprised dumating na agad yung Gcash Master Card ko. I expect na dadating ito after 10 to 15 days after ordering online. But then, it only takes 5 days para maideliver mismo sa address na ibinigay ko. I highly recommend na umorder na kayo agad nito to lessen your transaction fees. Thanks BTW!

This is a review that this post is very legitimate! Cheesy

Nahihikayat na ako kumuha ng gcash master card hehe. Maganda yan at maaga aga mo nakuha yung sayo hindi ko pa sigurado kung kalian ako kukuha kasi sa ngayon transfer to bank ang feature na ginagamit ko kay gcash kasi may ibang bank na card ako pero gusto ko din naman subukan ito.

tapos sinubukan ko sa RCBC at nagkaroon din ng bawas dahil sabi naman duon sa pinagtanungan ko walang fee.
Nagtanong ako dati at ang sagot ni harizen, walang bayad daw kapag RCBC.

However, from the whole time na nagwiwithdraw ako sa RCBC ATM machine, talagang walang bawas.
10355  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Is this the RIGHT TIME on: November 12, 2019, 08:51:40 AM
Mag ipon ka lang lagi ng bitcoin, walang lugi sa bitcoin pero sa mga altcoins hindi ka sigurado kung yung mga altcoins na pinagbibili mo ay yung mga hindi kilala. Hangga't merong volume at maganda naman yung amount na yun, yun lang din bilhin mo para sigurado ka na yung pera mo may patutunguhan. Iwas ka lang sa mga hype coins kasi kapag bumase ka doon baka mas malugi ka pa. Ang pinakamainam na bilhin sa mga ganitong panahon, bitcoin lang muna kapag di ka pa sigurado.
10356  Local / Pamilihan / Re: [Hospital] Accepting Bitcoin on: November 12, 2019, 07:26:17 AM
Start pa lang yan. As in, magandang simula yan para sa mga hospital na palaging may mga customer at kinokonsider din siguro nila na baka meron silang mga pasyente na nasa bitcoin at gusto magbayad ng bitcoin para sa hospital bills nila.
Kapag makita yan ng ibang hospital at successful naman, sigurado magkakaroon rin sila ng payment sa bitcoin at tatanggap na rin sila ng bayad ng bills sa ganyang method pag nagkataon.
10357  Local / Pamilihan / Re: Alibaba on: November 12, 2019, 06:35:19 AM
Simulang starter palang at yung mga taga US palang muna mag-eenjoy ng feature na cashback in bitcoin. Mukhang nauuso na itong ganitong uri ng marketing na merong cashback kapag nago-online shopping.

What's the effect of this news in the crypto world?
Kadalasan kapag ganitong balita, parang wala nalang kasi yung impact hindi naman agad agad nakikita pero sa long term, makikita natin resulta nito.

Is there any change that Alibaba will directly accept bitcoin one day?
Ibig mo bang sabihin chance? May posibilidad yan.
10358  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 12, 2019, 05:09:49 AM
Tanong ko lang mga kabayan, meron bang problema ang LBC cash out? 3x ko na sinubukan which nag error
at nag refund. Tinry ko i check sa status nila - operational naman ang LBC cashout.
Oo nga operational sa status nila pero kung narerefund lang yung withdrawal mo, ibig sabihin kung hindi kay coins.ph ang problema. Baka kay LBC mismo ang problema at late lang ang posting at update ni coins.ph. Kasi tingin ko wala namang problema siguro sa details ng cash out mo, sa provider nila ang problema kapag ganito pero walang update sa status nila.
Nag send ka na ba ng ticket sa kanila para aware sila sa problema na yan?
Oo, nag send na ako ng ticket bro, for sure bukas pa ako makakakuha ng response dahil madaling araw pa dito sa atin. hehe
Same situation lang cguro to katulad ng  mobile phone reloading which nagrerefund if unavailable ang network. Hope ma fix
nila agad kasi ang gusto ko sa lbc ay instant tsaka maliit lang ang fee.
Kamusta na yung ticket mo sa kanila? nagreply na ba si coins.ph at nalaman na kung saan ang problema?
Oo nga, ganyan na ganyan din sa loading kapag nagrerefund at mismong network ang may problema.
I-try mo na kaya ulit mag cashout sa LBC baka sakaling okay na.
10359  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 11, 2019, 04:36:47 PM
Tanong ko lang mga kabayan, meron bang problema ang LBC cash out? 3x ko na sinubukan which nag error
at nag refund. Tinry ko i check sa status nila - operational naman ang LBC cashout.
Oo nga operational sa status nila pero kung narerefund lang yung withdrawal mo, ibig sabihin kung hindi kay coins.ph ang problema. Baka kay LBC mismo ang problema at late lang ang posting at update ni coins.ph. Kasi tingin ko wala namang problema siguro sa details ng cash out mo, sa provider nila ang problema kapag ganito pero walang update sa status nila.
Nag send ka na ba ng ticket sa kanila para aware sila sa problema na yan?
10360  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 11, 2019, 03:25:30 PM
Hindi tinanggap ni yobit yung tag niya at sabi din sa error na posibleng yun ang mali kaya hindi nag proceed yung transaction niya. Masasabi ko din na 6 ang destination tag ng akin kaya kung dalawa man ang iyo kung hindi bug, hindi kaya special case yang ganyan?
Sana malinawan tayo kapag nag-reply na support sa issue na yan.
Pages: « 1 ... 468 469 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 [518] 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!