Bitcoin Forum
June 19, 2024, 10:29:47 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 [520] 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 ... 696 »
10381  Local / Pamilihan / Re: [BEWARE] Fake/Scam Cryptocurrencies Giveaways sa mga Social Media on: November 07, 2019, 03:43:18 PM

pag may positibong nangyare talagang ang kaakibat nito is negatibo, nawitness ko yung ganda ng kalakaran ng mga projects before pero di nawala sa isip ko na dadating ang panahon na ang mga tao sasamantalahin ang pagkakataon na kumita sa pamamagitan ng pag gawa ng pekeng bounty campaign, syempre bago, madami pang mabibiktima hanggang sa tumagal at naging masama na ng tuluyan ang imahe ng cryptocurrency.
Ako rin Nakita ko yung magagandang airdrops dati pero hindi ako sumasali kasi nga para sa akin wala lang. Nakita ko rin na madaming masasaya na kumikita kasi nga libreng pera lang kaya dumami rin ang mga nag bounty at airdrop.
Kaso yung mga nag take advantage dumami din, ito yung mga pekeng giveaway at scammer. Dumami yung mga uri ng panloloko nila at dahil nga sa hype madami dami rin silang naloko.
10382  Local / Pamilihan / Re: [BEWARE] Fake/Scam Cryptocurrencies Giveaways sa mga Social Media on: November 07, 2019, 02:24:06 PM
Wag nalang sasali sa airdrop kasi wala naman mapapala most of airdrops o mga giveaways ngayon ay wala ng kwenta, sayang lang oras wala naman makukuha. Sigurado ako na marami pa ring nabibiktima talaga dito sa mga airdrops dahil sa pangako na $5 o $10 daw ang worth ng token ang ibibigay pero wala, kung mailista man sila sa exchange eh 1 satoshi lang ang value, sa bagohang exchange pa.
Nakaraang taon pati ngayon halos karamihan sa mga airdrops talaga parang wala lang. Hindi tulad nung 2017 pababa ang daming mga airdrop na naging worth it para sa marami. Kaso ang pinaka side effect niyan dumami din yung mga manloloko na nakikisabay sa hype at kawawa yung mga nagpapadala sa bugso ng damdamin na kikita ng malaki kaya nabibiktima ng mga pekeng giveaway na yan. Pag iwas nalang talaga ang solusyon sa ganyan kung hindi ka marunong mamili.
10383  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 07, 2019, 01:29:09 PM
Nag file naman ako noon for coins.pro, unfortunately isa rin ako sa mga di nakasali.
Message mo sila sa facebook nila kasi ganun lang ginawa ko nung nag register ako sa kanila. Medyo nag antay din ako pero nung natagalan na ako, nag PM lang ako sa kanila.
Nagrereply din naman sila agad at approachable naman yung mga admin/staff nila. After nila mareceive yung message ko, reply agad sila tapos tinanong yung email/username ko tapos ayun, okay na.
10384  Local / Pilipinas / Re: Anung ginagawa nyo nung 2009 -2017 kung saan ang bitcoin ay ngsimula at kumawala on: November 07, 2019, 03:37:23 AM
Well, ito lang masasabi ko, kung, alam ko lang ng maaga ang tungkol sa Bitcoin at maging high demand ito sa market mag-invest talaga ako hanggat makakaya ko. Well, noong araw pa laro-laro lang ako ng online games sobrang addict sa larong dota at blockshot pero ng nalaman ko itong Bitcoin at paano kumita natigil ang lahat ng laro ko. That is year 2016 sa kalagitnaan ng taon. Hindi ko masyadong binigyan ng pansin kasi ang sabi ko baka scam lang. But after a year biglang nagtaas si Bitcoin at doon na nagsimula akong naghanap paraan paano makakuha ng libre. Faucet at dito sa forum ang nalalaman ko. Sana at that time nag invest ako ng maraming bitcoin, kaso wala ehh.
Ang maganda dito kabayan kahit na nung una ay inignore mo si bitcoin ay bumawi ka naman dahil hangganh ngayon ay nagpatuloy ka sa pagbibitcoin mo. Kung hindi pa siguro tumaas si bitcoin at naging popular sa Pilipinas at sa buong mundo hindi ka pa maniniwala ng husto sa kanya pero past is past na ang mahalaga ngayon ay narito ka at patuloy ang pagtitiwala mo kay bitcoin.
Lahat tayo may regret at may kanya kanyang mga pinagkakaabalahan dati. At madami din siguro dito sa atin yung medyo bata bata pa nung mga panahon na yun at wala masyadong inintindi at walang responsibilidad. Pero wala naman dapat ipagsisi kasi nangyari na at nasa kasalukuyang panahon na tayo. Ang mahalaga narito tayo ngayon at ang kailangan lang gawin ay mag accumulate ng mag accumulate hanggang tumaas ulit.
10385  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: BCH muna tayo! on: November 06, 2019, 11:48:15 PM
Naghohold pa rin pa ba kayo ng nasabing coin na ito and until now naniniwala kayo na ito na ang susunod na bitcoin?
Hindi ko pa rin nake-claim yung bch ko kasi tinatamad ako at hindi din naman masyadong madami. Swerte nung mga nakabenta habang nasa all time high itong coin na ito kasi isipin mo ang laking giveaway at instant pera tapos saved pa yung mga bitcoin na hinohold mo.
Di na rin ako magtataka kung unti unti malimutan yang coin na yan. Kahit na madaming nagsasabi na nagpupump daw, yung konting pump lang mine-media na agad.
10386  Local / Pilipinas / Re: Blow your mind on: November 06, 2019, 10:31:02 PM
Iba pa yung volume niya sa mga exchanges araw araw na base sa data ni coinmarketcap, pumapatak ng $24B sa nakaraang 24 oras.

Buy bitcoin bago mahuli ang lahat. A long term investment has to be a good strategy one, just keep on buying and hodl it hanggang sa dumating yung time na $1 na per 1 sat Cheesy
Ang saya nun kapag nangyari na bawat satoshi ay magiging $1. 100 million sats = 1 BTC kaya kung meron kang isang bitcoin, $100M masyadong malaki pero kahit hindi maging $1 ang isang 1 sat basta tumaas ang market cap at demand, sigurado magiging worth it bawat satoshis natin.
10387  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 06, 2019, 09:38:10 PM
INGAT MGA KA COINS.PH may nag email saakin kanina lang neto na may pumasok daw na btc sa coins ph wallet ko kung titignan ang email ay parang legit pero nung double check ko yung sender ay coirns.ph sya may " R " ingat kayo WAG NA WAG nyong icliclick yan baka may matangap din kayong ganyan   Angry Angry Angry Angry Angry
That's why it's better safe na maglagay ng 2fa Authenticator sa mga iniingat ingatan natin na account. Thanks for the heads up!
Sang ayon ako dyan. Kapag may 2FA ka, itong mga scammer at phisher na yan mahihirapan makakuha ng funds sayo. Salamat sa paalala kaya kapag may mga email na narereceive, basahin maigi yung source at wag lang din click ng click ng mga attachments sa email kung wala ka namang pinaghingian ng files. Ako hindi ko naman talaga ugaling magclick ng mga email sa akin ni coins.ph maliban nalang kung meron akong concern at nag aantay ako ng reply nila.
Maraming salamat sa warning na ito kabayan.

BTW. Sana magkaroon ulit ng Cebuana sa cash-out pero ung mababa ang fee parang LBC na 120 or ML na 500 lamang.
Medyo hustle mag widro sa LBC lagi pag malaki ilalabas mo wala daw pondo need mo pa magpareserve ng 1 day para mapaghandaan nila yung iwiwidro mo.
Mag open ka nalang ng bank account kabayan tapos mag pa verify ka din sa gcash. Ang dali lang ng withdrawal sa coins.ph instapay to gcash mo, 10 pesos lang ang fee. Tapos ang withdrawal naman sa gcash to bank account, free. At lahat ng transaction na yan ay instant.
10388  Local / Pilipinas / Re: Bullish time? on: November 06, 2019, 08:21:40 PM
Last two years ko pa iniisip kung talaga bang may ban sa China, una sa ICO pero parang verified na meron talaga at  pangalawa sa bitcoin mining. Kasi may mga nakita akong mga video at pictures online na hindi naman ban ang mining at bitcoin sa kanila. At isa ang China sa bansa na kung saan ang pinakamalaking manufacturer ng mga miners located. Pero kung ganyan ang kanilang magiging statement parang may malaking tinik na inalis at ito ay parang magiging go signal.
10389  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] The best bitcoin soccer betting app in Philippines on: November 06, 2019, 07:12:56 PM
We have over 500k downloads on Google Play.
Thanks for that stats. That truly means that there's a huge market in our country and a lot of our kababayans are now into this sport.
It's just surprising.
10390  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] The best bitcoin soccer betting app in Philippines on: November 06, 2019, 06:15:39 AM
~
Madami din pala ang sumusubaybay sa soccer ~
The Azkals effect siguro.
Oo nga, nalimutan ko yung tungkol sa kanila siguro ganito talaga kapag hindi nagpa-follow sa sports pero magandang malaman na marami palang mga kababayan natin na hindi lang in sa basketball at boxing kundi pati soccer.

Hindi ako sigurado kung meron bay stats tungkol sa ilang downloads na dito sa atin. Ang maganda dito sa app na to ay ma i promote ito sa mahihilig sa soccer, lalo na sa mga kasamahan ko sa trabaho na palaging naglalaro neto. Siguro naman ma divert na yung mga online games nila na ML sa ganitong online app, at magkaka interest na sila mag bet online. Sa tingin ko mas mainam ito kaysa laro na wala panalo kasi iba ang online game kaysa betting game.
Magkaiba naman talaga ang betting at online games. Syempre sa betting expect na natin na meron ding mga players na ayaw mag sugal at kaya iwas sila sa mga ganyang app pero nagulat lang ako na 2nd yung app nila na soccer related dito sa bansa natin.
10391  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 06, 2019, 05:33:58 AM
Tanong ko lang. May chance ba na mag dadagdag pa kayo ng option dito sa coins? Like Doge or Litecoin? Isa kasi ito sa mga asset ko at maganda sana kung in the future, may chance na mag kakaroon ng way para ma-store ko yung ibang asset ko dito sa coins. Ayaw ko kasi silang i-convert sa Bitcoin since gusto ko i-spread yung investment ko. Gusto ko sila ilipat sa coins kasi mas convenient iyon kaysa nasa ibang wallet sila.
Ang laging sagot lang sa akin dati ni coins.ph kapag tinatanong ko yan sa support nila, consider daw nila in the future at Litecoin yung sina-suggest ko sa kanila. Pero kung gusto mo naman mag diversify at bumili ng altcoins, pwede naman yan pero sa ibang exchange mo nalang siya gawin. Sana nga magkaroon ng biglang announcement si coins.ph tapos sabihin niyang sinusuportahan na nila yung Litecoin at iba pang mga altcoins para mas convenient sa karamihan ng traders at holders.
10392  Local / Pilipinas / Re: Discussion on Philippine crypto wallets/apps on: November 05, 2019, 10:59:46 PM
Never pumasok sa isip ko na mag hold ng btc sa coins.ph knowing na wala akong full control over the wallet, May mga feedbacks pa nga ako na nakikita na bigla nalang ang nanghihingi ng extra level verification ang coins.ph sa mga member na may hold na malaking amount ng bitcoin / crypto assets sa wallet nila. Even though may laban ka para sa extra level verification, It's so hassle men. I only prefer using hard wallet when holding, I'm using my hard wallet since 2017 and no problem where appeared until now.

Remember na hindi masama ang gumamit ng coins.ph account pero I've been recommending it to use on a small transaction or pang gamit ng kanilang services like paying bills, cash out, cash in, buying load and their other services. I've been using coins.ph since 2016 and wala na din talaga akong tiwala for putting large amount and holding it for a long time, Been victimised of extra level verification   Cry
Dati nung bago bago palang ako, nagtry ako maghold doon ng mga bitcoin ko at kinabahan  ako nung nabasa ko na nga yung mga reports, tipis at ibang articles kaya agad agad akong nagdownload ng desktop wallet at bumili na rin ng hardware wallet. Sang ayon ako sayo tungkol sa mga maliit na transactions. Ang dami na kasing post dito ng mga kababayan natin tungkol sa malalaking transactions tapos parang naalarma si coins kapag ganun saka manghihingi ng karagdagang verification. Tingin ko karamihan dito dumaan sa parang interview process ni coins.
10393  Local / Pamilihan / Re: [DISCUSSION] The best bitcoin soccer betting app in Philippines on: November 05, 2019, 10:05:09 PM
Wow napaka informative. Ang akala ko walang interes ang karamihan sa mga kababayan natin sa ibang sports bukod sa boxing, volleyball at basketball.
Madami din pala ang sumusubaybay sa soccer at yang charts na yan nakaka surprise kasi pangalawa yung match365 at sunod sa basketball. Meron bang stats kung ilang downloads ang galing mismo dito sa Pinas?
10394  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 05, 2019, 09:04:47 PM
Gusto ko sana magbayad ng kuryente namin pero ayaw. Tiningnan ko ibang bills payment na options, sira pala ang Bayad Center ngayon ng coinsph. Matagal na ba o ngayong araw lang? Mahirap pala pag hindi ito maibalik kaagad. Nakakaubos ng araw pumila para lang magbayad ng maliliit na bills.   

Currently under maintenance ang bayad center ng coins.ph ngayon from 8pm nov5 upto 3am nov6

More info here: https://status.coins.ph
Kakabayad ko lang ng internet bill ko at nag proceed naman at nagbigay rin ng rebate. Ibig sabihin counted yung payment ko. Wag ka matakot na hindi mababalik agad agad yan basta ma-address mo lang agad sa support nila, mabibigay nila yan basta makita nila na sa end nila yung mali. Dapat pag magbabayad ka ng bill sa coins.ph dapat laging advance at hindi yung naghahabol ka ng oras na malapit na sa due date kasi yun ang talagang problema.
10395  Local / Pilipinas / Re: Discussion on Philippine crypto wallets/apps on: November 05, 2019, 08:28:40 PM
Tumpak! Kahit na custodial wallet ang coins.ph di parin matatawaran ang service na binibigay nila sa kanilang users.
Kumbaga parang all-in-one na or simply wala ka nang hahanapin pang iba where from load to paying bills or game credits
napakadali nalang which is really a big save up of your time and effort kaya sila tinatangkilik ng maraming pinoy crypto users
dahil dito.Sa ngayon walang company ang makakatapat kung ano man ang inioofer ng coins.ph.

Safe tip lang kaibigan, much better kung sa electrum wallet mo nalang i save ang iyong btc holding rather than on blockchain wallet.
Yung sa service na ino-offer ni coins.ph wala talagang masasabi yung ibang exchange sa bansa natin. Kahit na may mga nauna pang exchange kesa sa coins.ph, mabilis siyang umangat dahil nga sa convenience na binibigay niya at sa dami ng mga partners nila. Kahit na walang private keys na binibigay, madaming nagtitiwala at para sa akin mas okay ang coins.ph kung madalas na PHP wallet lang ang lalagyan mo para sa mga service o di kaya magbebenta ka sa coins.pro. Tama ka, wag lang magstore o maghold ng bitcoin na medyo malaki sa kanila.
10396  Local / Pilipinas / Re: Anung ginagawa nyo nung 2009 -2017 kung saan ang bitcoin ay ngsimula at kumawala on: November 05, 2019, 04:12:19 PM
ganun talaga eh sasabihin nalang natin na ang pagsisisi ay nasa dulo pero ang totoo wala sana nagsisisi kung walang naghangad ng sobrang laki .
but lets be contented kasi hanggang ngayon andito tayo at sadyang lumalawak ang pagkakilala sa kakayahan ng cryptocurrency at alamn na natin ang gagawin sakaling magkaron ng bullrun ulit.
Kung naging kontento lang talaga pero kasi naging overconfident din kasi ang karamihan sa atin kaya hindi rin masyado nakapagbenta. Pero tulad nga ng sinabi ko, natuto na tayo sa nangyari at tingin ko mababa nalang ang porsyento na mangyari yun ulit.
May ideya na tayo kung paano I-take ang situation kung sakaling tumaas ulit at hindi na dapat pairalin masyado yung pagiging greedy.
10397  Local / Pilipinas / Re: [Koro-Koro] mga magaganap sa taong 2019-2020 on: November 05, 2019, 12:47:19 PM
Sa tingin ko ang Bitcoin Halving ang pinaka most promising,  Dahil nakita naman natin noong 2017 kung saan nag boom ang presyo ng Bitcoin dahil iyon ay epekto ng Bitcoin Halving, At ngayon na mauulit nanaman ang bitcoin halving sigurado ako na tataas nanaman ang presyo ng bitcoin. Sana ay domoble pa ito sa unang ath
Yan ang pinakahihintay ng lahat. Kahit na hindi lang naman yan ang magiging dahilan ng pagtaas ulit ng bitcoin pero isa yan sa pinaka exciting na magaganap. Yung mga pangyayari nung mga nakaraang taon pagkatapos ng halving, ito yung pinaka-ineexpect ng karamihan.
Wag lang din masyado magmadali kasi baka hindi rin agad agad tumaas yung presyo pagkatapos mismo ng halving. Siguro pagkatapos ng mga ilang buwan saka ulit aangat.
10398  Local / Pamilihan / Re: [KARAGDAGANG KAALAMAN] I-Maximize Ang Resources, Gumamit ng Grammarly on: November 05, 2019, 11:28:59 AM
1. Magtungo sa google at itype ang grammarly

Sa dinami-dami ng mga naglipanang phishing sites ngayon, hindi best practice ang magtungo lang sa google at mag-type. Madalas nyan, ang unang magpapakita ay mga sponsored ads.

Mas maganda din kung ilagay na lang sa OP (step 1) yung legit website ni Grammarly
Code:
https://www.grammarly.com/
Pabor ako dito kapag google lang kasi madalas may mga phishing sites na unang lalabas tapos sponsored ads pa ni google. Mas maganda kung direkta na I-search ang URL nila kesa gumamit ng search engine. May mga monthly payment din ang Grammarly pero may mga feature na syempre wala sa free version nila, ito ay kung gusto mo lang din naman mag purchase at ituturing mo din siyang investment para mapakinabangan yung ibang features niya.
10399  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 05, 2019, 10:30:51 AM
Update lang sakin, as of now smooth na ulit pag log in ko sa gcash app ko pero ewan ko ba kung bakit yung cash in ko to gcash ay hindi pa din pumapasok I guess kailangan ko na nga icontact ang easypay pra sa transaction ko
Don't you mean Instapay? yung bagong partnership ni coins ngayon para sa mabilis na transaction sa gcash? Best of luck sa pag contact kay coins dahil minsan kailangan kulitin pa ang customer support nila.
Instapay nga ang tinutukoy niya dyan. Sa pag contact naman sa customer support ni coins.ph wala akong problema kasi okay naman sila para sa akin at laging nag rereply, hindi nga lang instant pero less than an hour nagrereply na sila sa akin kapag may concern ako. Minsan hindi lang isang support nila kundi dalawa kapag nagpalit ata sila ng staff na nakamonitor sa mga customers concern nila. Basta office hours lang sila lagi nagrereply kaya laging tignan yung oras kapag magsesend ng ticket sa support.
10400  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 05, 2019, 09:38:56 AM
Who's currently having a problem logging in at GCASH?

Kanina pa to. Di ko alam kung sa internet ko pero mabilis naman.

Di ko tuloy macheck kung nag-reflect na funds ko from coins.ph kanina madaling araw since wala ring text.
Kakatry ko lang ngayong 5:36 ng hapon at okay naman walang problema. Baka sa connection mo na yan o di kaya may problema talaga si gcash nung sinusubukan mong mag log in. Try mo nalang ulit ngayon baka okay.

I don't if some of you have observed this pero itatanong ko lang dito mga brad.

When i send some BTC to my coins.ph wallet address it almost took fours before the btc arrive while it's almost instant when i send some btc to my online bookies account. Pareho lang naman yong sinet ko na transaction fee, sa slowest para makamura.

Saan yong may problema ko na account? It's not a big deal pero curious lang ako.
Walang problema sa account mo. Talagang na tyempo lang medyo mabagal yung network habang nagse-send ka sa BTC coins.ph wallet mo.
Pages: « 1 ... 470 471 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 [520] 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!