Bitcoin Forum
June 20, 2024, 09:07:54 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 [522] 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 ... 696 »
10421  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 02, 2019, 09:54:02 PM
Yung nga din ang iniisip ko kung bakit mabagal pero hanggang ngayon mabagal pa din pati yung web app nila after ko mag log-in ang bagal din ng loading kaya di mabuksan ng maayos. okay naman kapag nag-browse ako sa ibang mga site kaya tingin ko hindi sa net ko kasi sinubukan ko din na gumamit ng mobile data pero mabagal din, sana nga lang bumalik na ulet yung speed sa monday kasi need ko mag-withdraw ng funds Smiley

Di ko alam kung ano eksakto ang problema kasi nitong mga nagdaang araw wala naman problema sa connection ko sa app nila or sa web man normal yung speed at 2-3 secons lang nakapag load na lahat ng script nila
Web app ako at wala naman akong makitang problema. Madalang lang ako gumamit ng coins.ph sa phone at kung gagamit man ako hindi sa app nila kundi sa website pa rin nila ako bumibisita. Siguro dahil mas mabilis lang lumalabas yung ibang website o app na ginagamit niyo kaya siguro tingin niyo ang bagal ng loading. Para sa akin, normal lang yung loading ni coins.ph at pwede rin siguro na dahil nagkakasabay sabay yung madaming users nila kaya nagiging delay minsan.
10422  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: November 02, 2019, 09:02:35 PM
oo sasabihan ba naman sila na automatic trading hindi mo na kelangan pang magbantay sa trade mo at sila nalang mag titrade para sayo. Tapos daily income interest ka na makukuha , tapos papakitaan ng mga trading chart at mga income tapos un na makakaloko na. Sa mga province nauuso ung mga ganito eh.
Kawawa sa mga ganito yung masyadong madaling maniwala pero naghahanap ng investment. Tapos pati na rin yung iba nating mga kababayan na gusto ng mabilis na pagkakakitaan. Tingin ko problema na ng buong mundo yung ganung ugali na gusto kumita ng madalian kasi pati sa ibang bansa madami ring naloloko. Dyan sa mga props na sinabi mo tulad ng charts, syempre yung mga walang alam mabilis mamangha at maniwala sa mga manloloko. Tapos magagalit sila pag ipapaclose ng gobyerno kasi naipit na yung pera nila at hindi na mababalik.
10423  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: November 02, 2019, 04:55:30 PM

Ang mahirap kasi sa mga ganyan sa huli mo pa malalaman na scam yung isang campaign kaya patuloy na din mababa ang bitcoin dahil sa mga ganyan. Noong 2017 karamihan non halos lahat ng nasalihan ko ay legit at mas malaki talaga ang kikitain mo sa mga campaign at kasabay na rin non yung bull run kaya swerte yung mga nakaabot nung mga panahon na yon.
Hindi campaign kundi yung mismong investment ay scam. Meron dito sa bansa natin na gumagamit ng cryptocurrency trading pati na rin bitcoin trading. Yang ang sinasabi nila kung paano kumikita yung kumpanya nila kapag may mga nagtatanong paano nila masustain yung payments nila sa mga investors nila. Kaya yung mga manloloko na yun, paulit ulit lang yung rason nila tapos yung ibang investors naman na hindi aware sa ganyan, mabilis maniwala.
10424  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 02, 2019, 03:55:07 PM

Yun na yata ang official live stream ng NBA sa facebook as I checked earlier e, yung page na din kasi nagsasabi na check out the latest update and live games parang ganyan yung thoughts kaya yung mga nag aabang lagi ng live stream pwede nyo ng ilike ang page nila kaso nga lang di lahat ng aabangan na games e nandon na mailalive nila.
Oo, official page yun ng NBA dito sa Pinas. Kasi kung hindi naman official yun ng NBA maba-block agad yung live nila kasi may copyright yun.


May nabasa ako sa FB pero ewan ko lang kung totoo ito as the source is not mentioned. Pero sa tingin ko magkatotoo ito dahil yearly naman yon na magco-cover yong ABS-CBN ng live games, sana maayos nila ito agad para masaya naman tayong mga Pinoy. Iba rin talaga yong nasa 50" TV ka nanonood ehh lol.

Quote
Under the terms of the joint bid, Cignal TV and ABS-CBN agreed to show the NBA games both on free television (TV5 and ABS-CBN S+A) and cable (Cignal TV and Sky).

Cignal also plans to launch a channel similar to NBA Premium, which is owned by Solar, and convert ONE Sports into its own version of BTV. (From: Reliable Source)

Maganda nga sana kung matuloy na yang joint venture na yan. Parang dati lang na sa ABS-CBN lagi yung NBA kaso nga lang sobrang dami ng ads niyan. Maganda din yung live sa FB page nila kasi kita mo yung court mismo tapos warm up nila habang half time o di kaya time out.
10425  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 02, 2019, 10:43:35 AM
Mga kabayan baka meron kayo diyan na permanent link na nagre-release ng mga live na laban sa NBA, yung free lang sana Wink yung mga nakikita ko kasi sa google search laging nagiiba-iba yung link kaya baka meron dito sa inyo na may mabuting puso na mag-babahagi. hindi masyado malawak ang kaalaman ko pagdating sa NBA pero gustong-gusto ko na nanunuod ng live kaysa sa mga replay at highlights.

Eto din lagi ko hinahanap. Paano naman kasi laging nawawala nag mga links. Na-trace agad nila.
Kaya kada araw iba ibang link ang papanooran ko. Kakatakot lang mga advertisements na mag pop up.
Siguraduhin na naka-incognito para safety na din.
Baka magulat na lang ibang lugar na nagbubukas ng e-mail mo.

Ako pag di ko na talaga mapanood, sa live scoring na lang ako ng google chrome sa cellphone ko na nagnonotify lage.
Yung sa fb page ng NBA Philippines, doon lang kayo manood. Doon kami nanood kanina at yung advertisement na pop up wala naman. Sa mismong show lang yung ads nila hindi tulad ng national TV na sobrang daming ads per quarter.
Libre lang sa FB page ni NBA Philippines para sa mga di pa aware sa livestreaming ng mga selected games.
10426  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pagbagsak ng ICO on: November 02, 2019, 09:50:46 AM
Masarap isipin na sa mga panahon na yan maraming mga Pinoy Ang nakinabang, nagbago ang buhay dahil sa pagiging interesado nila sa ICO, madami din silang mga natutunang aral sapagkat Hindi sa lahat ng pagkakataon at Hindi taon taon ay bull run, ngunit mas nananaig Ang kasiyahan sapagkat maganda ang itinakbo ng buhay ng ibang mga tao dahil dito.

Tumpak ka dyan kaibigan, pero hanggang sa isip nalang ang lahat o history nalang. Ganun pa man umaasa parin ako na babalik ang paglago ng crypto currency dito at magiging leksyon sa ating lahat ang mga di inaasanhang pangyayari gaya ng pagpagsak ng price sa market. Ngayon, nagnanais ako na kumita ng bahagya, mas mabuti ng meron kahit kaunti lang at mas ok na kahit papaano.
Yan ang isa sa mga narealize ko na akala ko bull run na habang panahon nung mga pagkakataon na yun. Ang maganda lang sa nakikita ko ngayon, umaangat naman na ulit ang bitcoin yun nga lang pagsabay ng ICO namamatay na siya dahil may IEO na.
Ang mahalaga nakakabawi naman ang market ngayon mapa bitcoin man at ilang mga piling altcoins. Ready mo lang din sarili mo pag sakaling bumalik na ang bull run.
10427  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 02, 2019, 03:00:05 AM

25mbps bro pero syempre PLDT e, pero naging ok na din bro wala namang buffering blurred lang talaga nung una. Mukhang makakaisa ang Dallas di makadikit ng husto ang Lakers sa laro pero usually naman 3rd at fourth lumalabas ang play ng isang team, dyan talaga lumalabas ang performance nila pero kung di mag cocollapse ang Dallas at sustain lang performance nila malaki ang chance na manalo sila sa laro.
Parehas lang pala tayo ng speed di kasi ako PLDT kaya medyo ok ok yung internet dito sa area ko. Sampu palang naman yung laman at pwede pa yan habulin sa 3rd at 4th quarter. Ang ganda ng live streaming sa FB, yung mismong pinapalabas nila sa US ganun na ganun.
Hindi tulad dito sa atin sa national TV, na yung mga ads nakakairita kahit na madami ring ads pero hindi naman sunod sunod kasi pinapakita din yung warm up nila sa half time. Naalala ko lagi si Nowitzki kay Doncic.
10428  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 02, 2019, 02:07:37 AM
Mukhang lahat ng team na nalilipatan ni Kawhi gumaganda lalo yung performance. Malakas chance na aabot ang LAC sa finals kapag ganito sila kaconsistent. At malaki ulit ang chance niya na maging finals MVP, KUNG lang naman na aabot sila sa finals.
Hindi na bago yan kabayan, posible talaga siya ulit maging MVP pag nagkataon. If we imagine hindi sya ganun kalakas ang impact habang naglalaro hindi tulad ni Curry na mapapanganga ka sa sobrang layo tumira o kaya naman mapapasigaw ka like pag nakita mo naman si Irving magfancy moves, gayunpaman napakaeffective niya. Simple lang ang galawan niya like Kobe pero ang lakas bumuhat ng team.
Ang lakas ng charisma ni Kawhi syempre pati na rin yung laruan niya kaya pinag-aagawan ng mga team eh. Kung mag champ man siya ulit ngayon tingin ko aalis ulit siya tapos lipat lang ulit ng ibang team na may maganda offer din.


Eto link sa live bro
https://www.facebook.com/NBAPhilippines/videos/2351483531829446/

Via FB yan. Sa fb lang kasi may mabilis na streaming sa mobile.
Lakers to bro mag lalaro si Kuzma ngayun.
Anyway may nabalitaan ako na may mag bubukas uli ng cable channel ng NBA. Hopefully sana totoo yun kasi wala pang reliable source eh.
Nanonood ako sa live ngayon. Hehe.
Yung sa cable, kung wala pang announcement baka hanggang rumor nalang yan total meron naman na silang FB live.

Currently watching via link you posted. Medyo blurry nga lang di ko lang alam kung sa net namin o sa paglilive di naman napuputol to bro? kasi yung ibang live na napapanoodan ko napuputol yung live tapos di mo na mapanood ulit pero since NBA PH naman to mukhang tuloy tuloy naman. Bad start sa lakers pero 1st quarter palang naman madami pang mangyayare.
Malinaw siya sa akin at walang problema naka 720p ako, tuloy tuloy lang baka net mo yan. Ilang mbps ka ba?
10429  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Ingat po sa bagong modus sa telegram on: November 02, 2019, 01:16:33 AM
Muntik na ako maging biktima ng scam sa telegram. One time kasi bigla may nagmessage sa akin na maginvest sa Ico at may binigay na address para magdeposit. Buti nalang chineck ko kaagad kung legit yun, yun pala ay isang scammer din. Madaming modus talaga sa telegram at dapat lahat tayo maging maingat. Tips din ito sa newbie na hindi dapat mapagpaniwala sa hindi kilala pag may nagmessage. Kaya itong thread maging awareness sa lahat.
Saka bilang isang investor wag basta basta mag invest dahil lang sinabi nila na mag invest. Ang daming mga deposit scam ngayon tapos sasabihin na kikita ka ng mas malaki tapos may percentage pa na bonus. Wag basta basta magpapaniwala sa mga manloloko sa telegram. Lalo na kapag sumali ka sa isang channel na puro signals kuno, merong basta basta magp-pm sayo tapos sasabihin siya may ari ng channel o ceo ng kung ano ano. Iwasan niyo lang sila at ignore lang.
10430  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 01, 2019, 11:52:22 PM

Yes bro, wala din palang fee kapag Gcash to BPI kaya kahit wala pang instapay to BPI di din gaanong kahassle kasi instant din naman. Mamaya magtatransfer ako at ineexpect ko na magiging smooth ang transaction dahil na din sa mga suggestions nyo.
Smooth yan, nasubukan ko na simula nung naengganyo ako dahil sa payo ng mga kabayan natin dito. Hindi talaga ako gumagamit ng gcash nung wala pang instapay pero nung nagkaroon na, saka ko lang din nalaman nung binalita ng mga kababayan natin dito. At nung natry ko naman na gcash to bank transfer, walang bayad at sobrang bilis.
Real-time siya kaya, oks na oks.
10431  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: November 01, 2019, 11:11:03 PM
Tanong ko lang mga kabayan kung nahuhuli ba yung pinaka-pinuno o nagsimula ng isang HYIP? kasi mabilis silang kumalat kaya panigurado na may mga ibang tao na makaka-amoy agad sa kanilang masamang balak at siguradong ire-report agad sila sa kinauukulan.
Kung locally at dito sa bansa natin ginawa, pwedeng mahuli related man sa crypto o hindi. Kasi yung ibang mga manloloko ginagamit lang yung crypto bilang front liner nila. Hindi ko lang alam sa ibang bansa pero may mga balita naman akong nabasa tungkol sa mga hyip makers doon at may mga nahuli din naman.

isa pang tanong ay kung madadamay ba yung mga nabiktama dahil naging instrumento sila ng HYIP sa pang-loloko?
Biktima sila kaya hindi maliban nalang kung may partisipasyon sila sa panloloko o isa sila sa mga leader o gumawa.
10432  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 01, 2019, 10:38:29 PM
Tanong ko lang din may idea ba kayo kung kelan magkakaroon ng service si Instapay kay BPI? balak ko kasing maging emergency funds ko ang cash out ko sa BPI para hassle free na din ang proseso.
BPI din ako pero sa ngayon wala tayong idea kung kailan ba nila lalagyan ng integration si instapay at BPI. Okay pa rin naman yung option na gcash muna tapos transfer nalang sa BPI.
Ganun lang naman din yung proseso at payment kasi instapay lang naman ang babayaran sa withdrawal. Mabilis at instant lang din naman yun nga lang dadaan nga lang kay gcash pero ayos lang sakin yung proseso kasi hindi hassle.
10433  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Anong Coins o Altcoins ang Pwedeng Sumabay Kay Bitcoin on: November 01, 2019, 10:16:20 AM
Sa totoo lang kung hindi lang isang Stable Coins itong "LIBRA", marahil ito na yata ang napakalaking ka kopetensya ng Bitcoin. kasi ito lang yung coin na kahit hindi pa na lalaunched pinag-uusapan na sa congreso at hindi lang yan patok na patok pa sa industriya ng crypto. Pero ginawa nilang stable coins na kung saan hindi ito makakaapekto sa bitcoin. sa palagay ko yung pwede lang makipagsabayan sa Bitcoin ay yung mga Top 10 Coins sa market except sa Usdt, dahil sila lang yung merong ibinuga sa paglipas ng panahon marami pa rin ang trading volume nila.
Pwede nga kasi kilala at facebook ang humahawak kaya maraming investors ang maghahabol na magkaroon niyan. Pero siguro nakita din siguro ng facebook management, nila Mark Zuckerberg na hindi na nila kaya pa makipag kumpitensya sa bitcoin kaya stable coin nalang ang ginawa niya. Kaso ang ending, naging mainit naman sa mata ng gobyerno nila kaya mukhang maraming nag-aalangan kung magiging successful ba ang launching niyan next year.
10434  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: November 01, 2019, 09:07:03 AM
medyo malaki ang fee ng yobit if rekta bitcoin ang transfer mo.
Kapag bitcoin 0.0012BTC ang fee so kulang kulang 500+ pesos din pero kung LTC o XRP mas mura yung fee.

Pagkakaalam ko dyan pinopost nila sa fb page minsan tapos binubura yata nila yung post kapag naclaim na yung mga ang paos. Dati kasi nakakita ako ng post nila na may ang pao link tapos nung hinahanap ko ulit para ishare sa kaibigan ko nawala na
Yung nabasa ko sa FB page nila, pinaalam lang nila na may Ang Pao pero wala silang binigay na link direkta para sa Ang Pao. Bali may clue lang sa link nila na merong 'hidden ang pao'. Kaya para sa mga nag-aabang abang, kailangan mo mag browse mismo sa may link na binigay nila which is yung blog nila at hanapin yung ang pao doon.
10435  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: November 01, 2019, 08:14:38 AM
Nakakatuwa panoorin yung laban ng Spurs at Clippers.
Parang binalik ako sa 80-90 na laruan. More on perimeter shooting or drive sa paint.

Ibang iba talaga ang laro ni Leonard kaysa sa mga ibang player. More on slow play but sure. May off night ba tong taong to?
Sa ganda ng stroke niya sa pagtira ng bola ay parang laging sigurado lahat.
Maliit panolo sa pusta pero pwede na. Wala eh masyadong mataas ang odds of winning ng Clippers. Hype na hype kasi.
Kaya nga ang ganda ng laban. Walang masyadong init pero yung scoring ayos, ganito yung mga gusto nating laban. Yung parang chill na laro lang pero maganda bigayan sa outside shooting. Ganda rin ng pinakita ni DeRozan sa laro. Mukhang lahat ng team na nalilipatan ni Kawhi gumaganda lalo yung performance. Malakas chance na aabot ang LAC sa finals kapag ganito sila kaconsistent. At malaki ulit ang chance niya na maging finals MVP, KUNG lang naman na aabot sila sa finals.
10436  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Panahon naba para bumangon ang altcoins? on: November 01, 2019, 07:25:28 AM
Sa ngayon nahirapan pa ang altcoins makabangon lalo nat ang bitcoin ay bumaba ulit.
Pero alam naman natin na once ang bitcoin ay tumaas ay magsusunuran na yan at doon palang makakabangon ang altcoin.
Tingin ko hindi muna agad tataas yung mga altcoins. Ang mangyayari parang yung sa 2017 na bitcoin muna yung tumaas tapos nung bandang January na nagstart na siya bumaba, yun na yung panahon na tumaas ng todo yung mga alts. Sa ngayon, hindi natin masasabi kasi halos lahat naman lagi lang nags-speculate kung ano ang mangyayari pero yung mga alts natin nag-aabang lang din, sobrang tagal ko ng hinohold yung akin at sana pumalo na ulit yung bitcoin at mga alts.
10437  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: November 01, 2019, 06:28:36 AM

Walang business na walang utang kahit na ang mga malalaking negosyo umutang din yan, pero sa chance na uutang ka para irisk dito sa crypto medyo nakakaalangan talaga na kikita ka at mababawi mo yung inutang mo pero kung sa negosyo di masamang mangutang dahil may clear vision ka sa pera mo e unlike kasi dito na pure risk ang mangyayare.
Oo nga maraming business ang may mga utang kasi tulong yun sa business nila para pag expand o di kaya pang abono sa mga expenses nila. Kaya kailangan nila umutang pero ibang usapin mo yung mangungutang para pang invest sa cryptocurrencies. May mga nakita akong kwento na nangutang daw sila para pang invest sa crypto at kasagsagan pa yun nung all time high. Kaya ang nangyari nalugi sila at hanggang ngayon antay lang sila pag antas at tuloy tuloy ang pagbayad.
10438  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 31, 2019, 11:52:16 PM
May ganong promo pala, di ko alam yan ha, paano ba mananalo diyan? hehe..
Na pa check tuloy ako sa coins.ph ko, wala namang any signs na may napanalunan ako, anyways, congratulations nalang sa mga nanalo, maganda talaga ang cons.ph dahil maraming promo dito, siguro by Christmas mero na naman siguro, baka duon swertehin ako.
Oo meron yan lagi basta mga holidays. Ako never na ako umasa na mananalo dyan pero kapag may mga nagpopost sa page nila na mga nanalo parang nanalo na rin ako kasi masaya ako para sa kanila at totoo yung promo nila.

Dati naalala ko lang pag holiday, option lang natin is LBC, ML nung nawala si Egivecash kung nagtitipid sa fees at minsan hinahayaan na lang 2% fees ni Gcash maka-cashout lang(eh paano pag wala pang card) tapos hahabulin pa iyong operating hours ng mga remittance centers na yan kasi maaga nagsasara, ngayon kahit hatinggabi during holidays puwedeng-puwede na magwithdraw. No need na mag-advance withdraw gaya ng ginagawa ng karamihan. Kontrolado na ang pag-convert lol.
Haha, tama ka dyan. Nagra-rush lahat sa pag withdraw at dapat laging advance, pero ngayon ibang iba na salamat sa instapay nila at ok din naman yung peso wallet bilang alternative pero syempre doon na tayo sa instant. May nareceive nga pala akong text galing kay gcash na ngayong November baka magkaroon daw ng mga interruptions sa mga transactions natin.
10439  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 31, 2019, 11:08:59 PM
Ouch! I also so this news kahapon and ang una ko agad naisip eh hindi na ata makakaabot kahit playoffs man lang ang GSW. Ang nakalagay kasi si headlines ng balita ay "broken left hand" so gano kaya kalala yun? Maybe may dislocation or fracture? We don't know yet pero one thing is for sure, hindi ito kaso ng minor injury. Kapag nagkataon, matagal tagal ding mamamahinga si Curry and the team could not afford it. Sino na ang maglelead? Si Russel at Green? I doubt na kakayanin nila ng sila lang.
Hindi ako masyadong maalam sa mga injury pero mas maganda kung maghihintay pa tayo ng ibang updates tungkol sa pag recover ni Curry. Malaking panghihinayang yan kasi baka mangilan ngilang mga games ang mamiss niya. Malakas pa rin naman yung line up nila, hindi naman kailangan na si Curry lang lagi magle-lead sa kanila. Nandyan sila Thompson at yang dalawa na nabanggit mo at syempre may mga bench players na baka mabigyan ng magandang playing time dahil dyan.
10440  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 31, 2019, 10:23:32 PM
Nakakalungkot yung nangyari kay Curry.
(https://www.cbssports.com/nba/news/stephen-curry-has-ct-scan-on-broken-left-hand-warriors-awaiting-word-on-whether-star-guard-will-need-surgery/)
Pages: « 1 ... 472 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 [522] 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!