Bitcoin Forum
June 20, 2024, 07:55:40 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 [523] 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 ... 696 »
10441  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 31, 2019, 09:51:24 PM
Nakakuha ba kayo ng Halloween treats Ang Pao from coins.ph?
Wala, hindi pinalad.
Swerte yung nakakuha nung isang libo mahigit sa Ang Pao niya. Karamihan ng mga nakakuha mga barya barya nalang pero dahil libre pandagdag load na yun at pasalamat na din. Mas kaabang abang yung magiging Ang Pao nila siguro nitong pasko pati na rin sa new year at Chinese new year.
10442  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 31, 2019, 09:03:03 PM

May mga successful pa din bang miners ngayon? At ano ang coin na minimina non? Tsaka kung ganon ang mangyayare halimbawa from PH magmimigrate pa para lang sa passion na sinasabi malaki laking pera ang sasayangin nya kung ganon. Anyway para di naman kasi worth it sa passion na mag sspend ka ng hundred thousand.
Meron sa pagkakaalam ko, kung hindi Ethereum ang minimina nila, Monero. Hindi naman migration na literal sa ibang bansa although merong ganyang cases na may mga kapartner sila sa mga malalamig na bansa. At normal scene na nalaman ko, lilipat ng Baguio o di kaya sa ibang probinsiya na maganda yung klima tapos mura lang yung kuryente. Mine to save ang ginagawa nila, meron silang budget para sa expenses at yung namimina nila sinasave lang muna nila.
10443  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 31, 2019, 01:10:38 PM
Maganda naman talaga ang mining yun nga lang ang nagiging imahe nito sa karamihan ay hindi kaaya-aya sa paningin ng mga crypto user lalo na sa mga nakakaalam nito nang dahil sa kuryente na pangunahing kalaban ng mining dahil sa super taas. Kaya naman believe ako sa mga taong sumubok magmine kahit alam nila ang kakalabasan so far may mga naging successful naman kahit kaunti pero hindi lahat.
Base sa mga nakikita ko sa mga successful miners, hindi lang siya tungkol sa pagmimina kundi yung satisfaction at achievement na nabibigay niya yung isa sa mga concern kaso yun nga lang kaakibat syempre yung bills ng kuryente kaya yung iba na talagang madiskarte naghanap ng lugar sa bansa natin na applicable ang mining at may magandang panahon din. Hindi lang siya tungkol sa pagkita kundi nagiging passion na rin siya ng mga miners na nag stay.
10444  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pillar token holders, may pag-asa paba umangat ito? on: October 31, 2019, 12:23:04 PM
Ito ba yun?
(https://coinmarketcap.com/currencies/pillar/)
Sayang peak niya last year at ngayon sobrang baba na niya. Sorry pero tingin ko mukhang mahirap na yan tumaas at kung magkano man ang meron ka niyan ngayon mas magandang ibenta mo nalang kung gusto mo man kumita kasi ang baba lang ng volume niya. Pero kung ayos lang din naman sayo na ihold at umasa na balang araw tumaas, okay lang din naman yan. Saan pala galing yan? sa bounties ba?
10445  Local / Pamilihan / Re: [GUIDE] Simpleng TIPS para sa Seguridad on: October 31, 2019, 11:41:06 AM
Maganda yung mga tips pero syempre depende pa rin yan sa activity natin bilang isang user. Meron kasing mga kabayan natin na nakakaligtaan yung pag iingat sa pag bibisita at pag download ng mga files online. Kahit na aware sila sa mga ganung bagay, nakakalimutan nila pansamantala. Ingat lang talaga sa pag browse gamit mo man ang email mo o hindi. Yung sa mga airdrops na nag rerequire ng ida-download na app nila, pag isipan niyo din yan mabuti kung tutuloy ba kayo.
10446  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 31, 2019, 10:41:01 AM

Ako yata iyan o meron pa iba? Si harizen lang kasi nakita ko nag-open about sa ML tournament. Pero di kami pinalad makapasok. Kahit diamonds na lang sana habol. Di ko alam dahilan siguro dahil GM pa lang iyong isa namin at di naabot iyong required rank na Epic. Or may nauna sa amin pero parang kalokohan maaga kami nagpasa e. Move on na lang din.

Saka limited lang yata sa mga qualified teams iyong listahan ng mga nakasali. Ni isang post wala akong nakita sa Facebook page pati dun sa ginawa nilang hiwalay na FB para sa mga gamers. Di ko alam bakit kailangan pa iprivate.
Kayo ba yun? kasi may naalala ako nagsabi din, oo nga kayo ata yun. Hayaan mo na baka magkaroon ulit next time, sayang man pero ok lang yan. Wala palang transparency kapag ganyan pero ayos lang, tournament naman nila yan baka meron na para sa inyo talaga.

Ask ko lang sa mga gumagamit ng BCHABC withdrawal from yobit to coinsph alam ko maraming ngwiwithdraw dito since maraming kasali sa sig campaign, mga ilang hours sa inyo bago ma received ng coinsph yung bch niyo? Sakin kasi almost 1 hr na di pa ng-aapear sa coinsph ko usually may notif na receiving yan diba may 1 confirmation na siya sa explorer.
Wag kayo gagamit ng BCH sa pag transfer, base lang sa experience ko ha. Sobrang tagal niyan, isang beses lang ako nag-try tapos hindi ko na ulit sinubukan kasi umabot ng mga 12 hours ata yung sakin dati.
10447  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 31, 2019, 01:45:35 AM

Update sa aming team sa coins.ph ML tournament.

May laban ulit sa November 2nd. 0-2 na standing ng team namin. Cheesy Last Saturday (October 26th) ginanap iyong 2nd match.

Wala ba nakasali dito maliban sa amin? Ang huhusay ng mga kasali. Halatang mga hugot at nakigamit lang ng coins.ph (bitter lang Cheesy).
Mukhang walang ibang team na sumali dito bukod sa inyo at parang may isang team pa akong naalala na nagpost din dito. Malaki prize pool kaya sigurado may mga pro players at team na kasali din, syempre isa na kayo dun kaso nga lang pagalingan lang talaga. Good luck sa inyo sana makapasok kayo sa finals. Sana may iba din silang patournament tulad sa dota 2 kaso baka ganyan din mangyayari.
10448  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 30, 2019, 11:38:26 PM
Swerte nung mga banks na merong instapay.
Yung bank ko wala sa instapay pero ang strategy ko na nalaman ko dito katulad nung sinabi ni harizen ay pinapadaan ko lang din sa gcash.
Dati rekta bank cash out ako kaso umaabot ng matagal at dapat before 10 AM nakapag request ka na. Pero nung nagkaroon ng instapay, kahit anong oras pwede na magwithdraw sa gcash nga lang dadaan.

May ganyang options din ang security bank ko sa ngayun may charge na 10 php pero realtime sya darating agad sa bank account mo. Magandang serbisyo ito kung tuloytuloy lang na magiging successful ang ganitong options. Di ko gaano familiar yang gcash nyo, baka in the future magagamit ko rin yan, kasi para na ring atm ang benefits na makukuha mo sa convenience nya
Meron ang security bank kasi nandun siya sa mga supported ng instapay. Kaya nga sa mga katulad ko na merong bank account tapos hindi supported ng instapay, merong mga nagshare dito na pwede ipadaan sa gcash. Parehas lang din naman na 10 pesos ang fee tapos pagdating mo sa gcash pwede na itransfer sa bank account.
At kapag nandun ka na, wala namang fee kaya sulit din at halos parehas lang din ng proseso.
10449  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pagbagsak ng ICO on: October 30, 2019, 10:39:37 PM
@gandame, Hindi lang yan yung dahilan ng pagbagsak ng mga ICO. Karamihan kasi sa kanila naging puro scam na at naging source lang din naman ng mga developers para makakuha ng pera kaya ang karamihan sa mga investors ay tumigil na din kasi nakikitang wala ng saysay mag invest sa mga ICO. Tapos bumaba pa yung presyo ng bitcoin kaya yung mga ICO na nakaabot ng soft cap nila nahihirapan din kasi kapag convert nila sa dollars, mababa lang yung naabot nila.
10450  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: October 30, 2019, 09:31:08 PM
For some expert people okay daw mangutang para sa business, pang start, pandagdag puhunan, pero sa pag iinvest para sa akin depende siguro yon, kung meron kang pambayad agad at nakitaan mong eto yong dip and need mo talaga bumili then go, ang pangit yong nagtatake chance ka lang dahil gusto mo lang sumabay.
Pwede naman yung ganyan basta meron kang other business na pwede mo ipang sustain at ipambayad utang kung sakaling hindi naman kumikita yung tinayo mong business gamit yang utang na pinangpuhunan mo. Siguro same principle nalang din kung sa investment pero para sa akin talaga, iwas nalang sa utang kung sa crypto mo ipang-invest. Hindi kasi talaga para sa lahat ang investment at lalo na sa isang volatile market, gusto pa naman ng karamihan sa kababayan natin walang risk pero malaking halaga ng kita kaya madaming na-sscam.
10451  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Good news naman tayo mga kapatid on: October 30, 2019, 08:11:40 PM

Ang problema kasi sa utility token ay walang kasiguraduhan sa kita ang investment ng isang tao.  Maging successful man ang ICO or project hindi pa rin sigurado kung tataas ba ang value ng token.  Maliban lang kung ipapump at dump ang proseso ng presyo nito.  Unlike sa security token, at least may share ang bawat investor sa kita ng kumpanya at ang maganda rito pag naging successful ang company sigurado ang pagtaas ng value ng token.  Kaya pag-available na lang siguro ang products at may nagustuhan akong item saka na lang ako bibili ng PAC token nila. 
Yun nga, tama ka sa comparison na yan. Baka ganyan nalang din gagawin ng iba, instead na maghold ng PAC token ay bibili nalang kung kinakailangan at baka din naman kasi maging overprice yung mga products nila. Antay nalang din ako kung meron na bang mga merch na on sale para makita yung prices niya at maikumpara kung maganda ba bumili o hindi.

Dapat sana noon nag dump ako ng ibang holdings ko na utility tokens, yan tuloy di ako naka sabay sa agos noong taon 2017. May pera ako noon kaya di ko na naisip ang ibang tokens ko, at sa kasamaang palad na benta ko lang ito ng 25% na value nito sa pag bagsak. Siguro ganyan nalang dapat gawin kabayan sasabay nalang tayu sa takbo ng produkto ng pc token, para sigurado at di na magsisi sa huli.
Kapag bibili ka, siguraduhan mo na wag kang magpapahuli kasi baka bigla ring mag dump.
10452  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 30, 2019, 07:40:22 PM
Swerte nung mga banks na merong instapay.
Yung bank ko wala sa instapay pero ang strategy ko na nalaman ko dito katulad nung sinabi ni harizen ay pinapadaan ko lang din sa gcash.
Dati rekta bank cash out ako kaso umaabot ng matagal at dapat before 10 AM nakapag request ka na. Pero nung nagkaroon ng instapay, kahit anong oras pwede na magwithdraw sa gcash nga lang dadaan.
10453  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Good news naman tayo mga kapatid on: October 30, 2019, 11:12:42 AM

Parang non-sense kung magiinvest sa crowdfunding nila, personally I won't put money on this project unless ok na ang mga enterprise nito.  Just look at Loyalcoin, ang ganda ngroadmap pero ang mga investors ngayon nganga.  Ang loyalcoin sa market currently abandoned ng team since may billions of LYL silang binibenta through their apps without  creating a demand dun sa open market which sa exchanges.  Mahirap kung ganito rin ang mangyari dito, I doubt it will cater a huge interest dahil nga celebrity token ito at very limited ang use case.  Kahit na boxing legend si Sen. Manny Pacquiao, kung taga-ibang bansa ako susuportahan ko pa rin ang boksingero ng bansa ko.  Ang tanging magiging market nito is  yung mahilig sa collectibles kung ibebenta man ni Sen. Manny ang mga items na nagamit nya sa laban.
Tama ka dyan, ang tanging use case ay para sa mga merch pero other than that wala na. Kaya parang masasayang lang din kung mag invest ka. Hindi din naman ako mag-iinvest dito pero pwedeng mangyari dito yung katulad sa ibang project na ma hype sa simula tapos kikita ka tapos out na agad. Yung loyalcoin sobrang daming partners pero kulang sa volume. Ang baba na ng volume nila at humina din kasi ang marketing nila, akala ko pa naman expand na sila sa South Korea.
10454  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Good news naman tayo mga kapatid on: October 30, 2019, 08:05:14 AM

If ever involved si Sen. Manny dito, I am sure hinayaan nya na lang ang mga marketing arms at management team nya ang magpush ng project.  May pera siya para swelduhan ang mga ito, while doing his job as a senator at being a boxer.  Nagamit man si Sen. Pacquiao o hindi, may consent nya ito at kung ano man ang mangyari dito ay may pananagutan siya sa mga magiinvest dito.  One thing lang talaga ang pinagtataka ko, with the huge money na meron si Manny at mga private investors nya, bakit need pa magconduct ng crowdfunding.  If they wanted yung token as utility they can just put it on exchange and let the interested party buy it for their discounted enterprise.  Lumalabas tuloy parang pera-pera lang din ang dahilan.
Tama ka, may pananagutan siya dito kung maging scam man o di kaya parang maging parang bula nalang tulad ng ibang mga project. Ang inaalala kasi ng karamihan satin yung legitimacy ng project na ito kung involved ba siya talaga. Ang sagot naman doon ay oo at doon naman sa tanong mo bakit kailangan pa ng crowdfunding. Siguro sumabay nalang din sila sa agos kasi ganun ang nangyayari sa mga project na nila-launch at baka din naman hindi niya balak maglapag ng ganung kalaking halaga para diyan.
10455  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 30, 2019, 05:55:46 AM
Hindi ako masyado nag babank bro pero e try ko na din since nag open na ako ng bagong account.
MLuhulier bro mas instant kasi pag ka send mo lang andyan na agad tracking number at available for cashout na yung money mo  Grin
About naman sa Security bank cardless atm or egive cash, medyo marami akong naging problema sa cash out option na yan. Mga 4 beses ata, kadalasan sa 16 digit code, kasi once na invalid input yung code( nakalimutan ko ilang beses ) automatic na mag eerror na yan, tapos kontak na naman sa coins support.
Nevertheless, mas okay talaga ang instapay at parang primary option din ito ng karamihan dito.
Sang-ayon ako na mas maganda mag cash out sa Mluiller cash pick up, parang Cebuana dati, maliit lang ang fee sa Mluiller kumpura sa Cebuana noon. Hopeless na talaga ang EGC sa coins.ph, taon na ba ang maintenance niya?.. buti may Mluiller makakatipid pa ako.
Kasabayan ng M Lhuillier ang LBC ngayon at mas maganda nga kung may cebuana pa para mas maraming option tayong mga users ni coins. Kaso nga lang para sa mga nakasubok na ng instapay thru gcash, Ayun na yung pipiliin pa punta sa bank accounts nila. Try niyo din mga kabayan yung sa coins to gcash to bank account kasi 10 pesos lang ang withdrawal fee at sobrang bilis talaga. Bago lang din ako gumamit niyan simula nung nabasa ko dito madaming nagsasabi na ayos ang serbisyo.
10456  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: October 30, 2019, 02:32:13 AM
Dalawang araw nalang matatapos yung buwan ng October at panibagong nanaman ang dadating. Sino dito yung umasa na magiging $16k yung price dahil doon sa prediction ng isang lalaki kasi naging maganda yung dalawang price prediction niya?
Ako, gusto ko makita yun at umasa ako kaso mukhang malabo ata natin makita na magiging $16k sa loob lang ng dalawang araw.

Hindi po malabong mangyari kasi 1 hour lang ang kailangan ng Bitcoin para tumaas ang presyo nito. Kaya wag kang magtaka kung isang gabi pagtulog mo at paggising humahataw yung presyo nito pataas. dahil na rin sa mga sunod2x na paglabas ng mga GoodNews about cryptocurrencies ngayon. Marahil nasabi nyo lang po yan dahil sa ngayon nahihirapan yung presyo nito na tumaas lagpas sa $10,000.
Naalala ko tuloy minsan na kapag tutulog, tingin agad sa presyo tapos paggising magugulat na lang na tumaas o di kaya bumaba ang presyo. Tingin ko malabo na talaga kasi ang due date ng prediction na yun ay October at less than 48 hours nalang matatapos na itong buwan. Malayo pa kasi sa prediction na $16k nung kilalang post kaya tingin ko malabo na pero hindi lang naman dyan nagtatapos at mukhang mas magiging maganda yung mga susunod na buwan.
10457  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Good news naman tayo mga kapatid on: October 30, 2019, 12:24:07 AM
Pagkakaalam ko ginamit lang name nya para makilala ang token na ito pero sa totoo lang baka walang kaalam alam si boss manny dyan sa pacman token.
At pagkakaalam ko sa bitcoin lang sya nag invest at d sya gagawa ng sarili nyang token.
Alam niya itong token na ito, hindi ko lang alam kung involved talaga siya, ibig kong sabihin kung nagta-trabaho talaga siya at nagmomonitor nito o baka ginamit lang din talaga name niya for marketing. Pero ang sabi ang token na yan pwede gamitin sa mga Pacquiao merch kaya tingin ko may consent talaga niya.
(https://www.theverge.com/2019/9/2/20844831/manny-pacquiao-cryptocurrency-pac-merchandise-gcox)
(https://news.abs-cbn.com/business/multimedia/photo/09/02/19/pac-token)
10458  Local / Pamilihan / Re: HELP!!!! Nahack ang aking email account sa gmail on: October 29, 2019, 11:38:00 PM

Tanong ko lang brad, ilang emails ba ang pwedeng i-link sa isang mobile number? Marami akong email at yong iba ay hindi connected sa mobile number, plano ko sana i-link ito para iwas hacking.
Pagkakaalala ko gumagana yan, subukan mo nalang muna para mas ma-verify mo kung pwede. Kasi parang nagawa ko na yan dati ata nung sa mga online games pa ako tutok. Kung hindi connected email mo sa phone number mo, pwede ka naman gumana ng back up at lagay mo alternative/recovery email mo. Para kung sakali man, mas madali kapag ganyan, mababasa mo yung update sa mismong email na ginagamit mo kung meron bang activity na hindi mo ginagawa sa ibang email mo.
10459  Local / Pamilihan / Re: HELP!!!! Nahack ang aking email account sa gmail on: October 29, 2019, 10:56:35 PM
Dati nakapagrecover ako ng email gamit yung cell phone number ko, tumawag ako mismo sa hotline ni google para sa recovery tapos may nag-interview sakin. Yung accent nun pinoy din naman pero nage-English. Kung pati number mo ay hindi updated at wala ka nun ngayon, try mo nalang yung mga option dito baka sakaling makatulong.
(https://support.google.com/accounts/?hl=en#topic=)

Pwede nga din naman mabalik sayo yan kapag mapatunayan na sayo talaga yung account ng representative nila thru ip mo, mukhang di ka naman gumagamit ng vpn. Wala na akong ibang masuggest, sana mabalik email mo at antay nalang ng response ng rep nila.
10460  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price movement tracking & discussion on: October 29, 2019, 10:08:45 PM
Dalawang araw nalang matatapos yung buwan ng October at panibagong nanaman ang dadating. Sino dito yung umasa na magiging $16k yung price dahil doon sa prediction ng isang lalaki kasi naging maganda yung dalawang price prediction niya?
Ako, gusto ko makita yun at umasa ako kaso mukhang malabo ata natin makita na magiging $16k sa loob lang ng dalawang araw.
Pages: « 1 ... 473 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 [523] 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!