Bitcoin Forum
June 16, 2024, 07:19:00 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 [524] 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 ... 695 »
10461  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 28, 2019, 10:31:39 PM
I have a problem on Gcash cash out on the last 2 days,.. anybody here who have the same problem as me?
Here's the thread I made,

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5196727.msg52910097#msg52910097
Na close na yung thread mo at tama lang dito naipost yan kasi related naman kay coins.ph. Kakawithdraw ko lang naman sa gcash nakaraang araw at walang problema naman. At chineck ko naman yung g xchange method, ayos naman.

Ang alam ko ang cashback na makukuha natin sa coins.ph lang pag nagbayad or nag reload tayu ng mobile number natin. Pwede rin ito pang negosyo gaya ng reloading station. Mabilis ang return nito sa ating php wallet, at kuntento naman ako sa services nila.
Kung mababasa mo sinabi ni greatarkansas, promo siya.
10462  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 28, 2019, 10:03:01 PM
@Everyone, na di pa alam yung current promo ni Coins.ph na may cashback kada bayad ng bill (atleast 100php).

Pwede din ito gumana sa pag transfer ng funds from coins.ph account to coins pro account(nasubokan ko na ito).
A small trick pag feel mo di mo maabot ang 10bills hanggang katapusan, hati hatiin mo pagbayad.

Halimbawa may ililipat ka sa coins pro na 5k, try mo 10times bill tig 300 e transfer mo. Edi nakuha mo ung 10times na 10php cashback.
May pang burger ka pa.
Hindi ko pa alam itong cashback sa coinspro. Lagi ako gumagamit ng coinspro pero walang cash back kasi madalas isang bagsakan lang na above 100. Mukhang ayos din yung ganyan, hindi lang pang burger yan, pang chicken joy na rin yung may extra rice pa.
Doon sa mga nagbabayad ng bills na lagpas due date ang swerte niyo kasi sa akin madaming beses ko ng natry yan pero di umubra.
10463  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 28, 2019, 02:58:02 AM
Bakit saan ka ba banda? pwede naman yan gamitin kahit saan ka sa Pinas. Lahat naman pwede ma enjoy yung service ni coins.ph kaya kapag may bills kang gusting bayaran basta available okay naman siya. Sa SSS, maganda sana siya kasi nga hindi siya hassle kaso naka temporary unavailable na din. Hindi ko alam kung hanggang kalian yan magiging okay pero sana ibalik na nila kasi para mas madali yung pagbayad ng contribution at hindi na pipila pa sa mga bayad centers.
Dito ako bicol, Camarines Sur (Casureco II). Di ko makita sa list, Daet, Camarines Norte palang ang meron.
Regarding naman sa SSS, diba need yung payment reference number (PRN) na kinukuha o nirerequest mismo sa website nila? Yun kasi ginawa ko nung huling pagbayad ko sa bayad center. Kaya siguro naka temporary unavailable sa kanila dahil dun sa PNR, medyo complicated. Walang option sa kanila ng pag request
Ang layo mo nga, about sa SSS pag nagbabayad ako nilalagay ko lang yung SSS # ko tapos amount ng ibabayad ko kasi voluntary lang naman ako kaya any amount basta mas mataas sa minimum. Direkta ako sa mismong branch ng SSS nagbabayad kasi tumatanggap na sila ng payment dito sa branch sa amin. Doon sa casureco II baka pwede mo naman yan isuggest kay coins.ph para madagdag nila sa pay bills nila.
10464  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: [ANN] Swirge.com | ANG BAGONG PAGBABAGO | PUMILI NG PAID TO POST 🔥 on: October 28, 2019, 12:12:54 AM
Saan ko mababasa yung paid to post? hinahanap ko kasi sa website wala naman akong makita na related sa paid to post tulad ng sinasabi mo sa title. Para rin pala itong steemit?
May link ka ba yung para sa rules at rewards. Yung sa link kasi sa taas walang nabanggit tungkol sa kung magkano ang reward per post.
10465  Local / Pamilihan / Re: Bakit kailangang magingat sa application na pinapainstall sa mobile? on: October 27, 2019, 11:22:29 PM
Even playstore kasi di ka pa din safe like once na nakapag download ka ng isang laro tapos manghihingi pa din ng permission sa phone mo medyo mag alangan ka na kasi ako mismo kahit na maganda ang app inauninstall ko kapag nanghingi na ng permission sa phone. Pero ok na din yung ginagawa mo na kapag need mo na lang yung app tsaka mo idadownload.
Hindi naman kasi masyadong tutok ang playstore sa mga scam at mga app na suspicious. Pero kung meron kayong makita na mga app na dapat mawala sa kanila, I-report niyo nalang. Sundin ang procedure.
(https://appfollow.io/blog/how-to-report-a-concern-in-google-play-and-app-store)
10466  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Meron pa bang matinong bounty? on: October 27, 2019, 10:40:53 PM
Sa tingin ko meron pa yata pero karamihan ay hindi na matino kaya hirap din maghanap ng matinong bounty.
At marami ngayon naglabasan yan tapos bigla nalang din magbayad o kaya magbayad nga pero d na nasusunod ang mga rules nila about sweldo
Meron pero kakaunti nalang. At yung mga matitino na yun minsan pahirapan pa magbayad. Yung sinabi mo na biglaan nalang sila magbayad, mahirap sa side yan ng mga bounty hunter. Meron pa rin na nagstay sa bounty hunting at umaasa na magiging okay sila pero paglipas ng mga ilan pang mga taon tingin ko halos lahat ng mga nandyan puro magiging scam nalang. Maliban nalang kung kilala platform ang maghahandle ng bounty na yun tulad ng sa blockchain.com o coinbase.
10467  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 27, 2019, 09:45:12 PM
Hindi ko talaga na maximize yung profit noon kay Verge at Digibyte. pero mukang makakaranas na naman tayo ng malaking bullrun this year at mukang mas mahaba itong paparating. Marami naman na akong nakatabing inaasahang kasama sa pagtaas.
Oo pero mukhang yung mga nasabi mong coin hindi na magiging ganun tulad ng dati nung nagkaroon ng bull run. Pero hindi natin masasabi ha kasi lahat naman nags-speculate lang naman sa market ngayon. At kung handa ka at marami kang naitabi na altcoins dyan, ready mo na agad na makapagbenta ka kasi ang bilis bumaba ng mga presyo nila.

Malaking bagay yung mga nasalihan kong bounty noong 2017 na maraming naibigay saking BTC at Ethereum bago mag bullrun.
Yung bigayan dati ang laki pa tapos halos lahat ng mga bounty nagsa-success pero ngayon mahirap na. Mangilan ngilan nalang nagiging maayos na bounty ngayon.
10468  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: October 27, 2019, 08:50:42 PM
Wag na wag kang mangungutang kung alam mong hindi mo to mababayaran kagad at kung i-pang iinvest mo lang din, dahil alam naman nating lahat na walang kasiguraduhan ang pag iinvest or trading, dahil once na matalo ka hindi mo alam kung ano ang ipangbabayad mo, kahit super close friend mo yan e pag dating sa utangan/business e walang kaibi-kaibigan or maski kamag anak pa ata.
Risky yung pangungutang tapos I-invest mo sa isang bagay na medyo hindi mo kalkulado yung risk. Yung mga businessman ginagawa ito pero kung isa kang investor at sa isang bagay mo ito I-invest tapos wala kang kasiguraduhan, literal na sugal yung ganyan. Kaya hangga't kaya na umiwas sa utang para ipang-invest, wag mong gawin. Mas masaya mag invest kapag yung perang gagamitin mo yung pinaghirapan mo at pinagipunan. Kung malugi ka man, lesson yun sayo at walang saying.
10469  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Napapanahon bang bumili ng altcoin? on: October 27, 2019, 08:07:04 PM
Mas maganda kung nung nakaraang linggo ka bumili kasi sobrang baba ng price pero kung gusto mo talaga sa altcoins, wala namang problema. Anong altcoin na mababa ba yung gusto mo? ang dami mo namang pwede pagpilian pero bakit ayaw mo muna bumili ng bitcoin bago ka pumili ng mga altcoins na gusto mo? Maraming mga altcoins na mababa yung price ay merong malaking supply, ganitong altcoins ba yung gusto mo? Tungkol naman sa exchange, kung yung choice mo nasa coins.ph, doon ka na pero mas maganda sa Binance.
10470  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 27, 2019, 06:41:54 PM
Buti pa yung iba dito nakakapag bayad na ng utility bills gamit ang coins.ph kaylan kaya samin?
Pero dati na try ko na ring mag hulog para sa SSS ko, at nung naging unavailable sa kanila, sa bayad center ko hinulog yung natitirang dapat ihulog noong last year, okay na okay at wala pang charge.
Subukan ko ulit this year sa coins.ph maghulog para sa SSS contribution.
Bakit saan ka ba banda? pwede naman yan gamitin kahit saan ka sa Pinas. Lahat naman pwede ma enjoy yung service ni coins.ph kaya kapag may bills kang gusting bayaran basta available okay naman siya. Sa SSS, maganda sana siya kasi nga hindi siya hassle kaso naka temporary unavailable na din. Hindi ko alam kung hanggang kalian yan magiging okay pero sana ibalik na nila kasi para mas madali yung pagbayad ng contribution at hindi na pipila pa sa mga bayad centers.
10471  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: October 27, 2019, 03:43:19 AM
Hindi lang sila nagsisilabasan ngayon. Dati pa yang mga scam na yan at nagrereproduce lang sila pagtapos nilang mkapanloko ng mga investors nila. Parang sa atin lang dito sa bansa, may mga pyramid scam na hindi matapos tapos kasi may mga nagpapaloko at nasisilaw sa madaliang kita. Kung wala sigurong magpapaloko, titigil yang mga yan kaso ang masaki lang dahil mas dumadami ang nakakaalam at sumusubok sa bitcoin, itong mga manloloko na ito nagte-take advantage.

Ang malupet pa nito may nakita akong site na Kung saan pwede ka gumawa ng sarili mong hyip site which made me realize na halos pare pareho lang sila. Hindi ko na nilagay yung link, basta anjan lang yun sa Google.

The point is parang naglolokohan nalang ang mga Pinoy na kanyang share ng mga link sa Social media group.

More on Facebook groups, sobrang dami nila na may bago.
Grabe kapag ganun, parang nanghihikayat pa mangloko kapag ganun lang kadali sa kanila gumawa ng platform. Madami niyan sa google sigurado sa fb groups naman sa mga kababayan natin, madami rin nagpapaloko. Sila pa mismo naghahanap ng mga scam na pag investan nila ng pera nila. Kaya sa mga fb group kapag may makita akong nag aalok at nagpopost, nagcocomment agad ako at nagbibigay warning. Pero yung iba dine-delete agad reply ko eh.
10472  Local / Pamilihan / Re: (HYIP) LASON sa imahe ng Crypto on: October 26, 2019, 11:43:23 PM
Hindi lang sila nagsisilabasan ngayon. Dati pa yang mga scam na yan at nagrereproduce lang sila pagtapos nilang mkapanloko ng mga investors nila. Parang sa atin lang dito sa bansa, may mga pyramid scam na hindi matapos tapos kasi may mga nagpapaloko at nasisilaw sa madaliang kita. Kung wala sigurong magpapaloko, titigil yang mga yan kaso ang masaki lang dahil mas dumadami ang nakakaalam at sumusubok sa bitcoin, itong mga manloloko na ito nagte-take advantage.
10473  Local / Pamilihan / Re: {Babala}:Phishing email gamit ang Ledger Nano S/X on: October 26, 2019, 10:48:46 PM
Salamat sa warning ulit baofeng. Ang solution sa ganito, ignore at I-bookmark mismo yung website ng ledger. Ako nakakareceive din ng email galing mismo sa ledger at may name na Katie yung representative nila. I-check lagi yung domain ng email at wag basta basta magpapaniwala. Meron ding sub-reddit ang ledger na pwedeng magtanong kapag medyo matagal ang response ng mga support sa inyo.
(https://www.reddit.com/r/ledgerwallet/)
10474  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 26, 2019, 09:49:08 PM
Oo nga kung nagkamali ka man dati maaari pa itong mabago ngayon dahil may mga ways ka para kumita ng bitcoin hindi nga lang katulad ng dati na malaki ang kikitain mo pero kung sakaling alam mo talaga ang ginagawa mo ay kikita ka talaga ng malaki laki kahit hindi bull run or bull run. Ngayon nag-uumpisa na ulit ang bull run kaya naman malaki ang kikitain natin nito.
Kailangan niya lang din mag ipon ng bitcoin, kung walang ibang source pwede din naman bumili nalang para makapag ipon. Kagaya nitong nangyari lang kahapon, sobrang taas ng presyo at nung mga nakaraang araw lang bagsak. Kaya yung ganitong scenario pwede pa yan maulit at sana mas maraming mga kababayan natin yung handa na at may naitabi na handa ibenta kapag dumating yung araw na yun. Mas masaya yun kapag maraming mga kababayan natin ang kikita ng ganun kasi nga nakapaghanda.
10475  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 26, 2019, 07:34:16 PM
Nakakapagsisi lang dahil hindi ko masyadong na hold yung bitcoin nung panahon na yon kasi ang hirap mag expect eh.

2017 was the best year na kung saan kumita kami halos ng malaki dahil lang sa signature campaign at masyadong unforgettable lahat.
Okay lang yan kung wala ka masyadong bitcoin nung nakaraang bull run. Marami pang mga pagkakataon para makabawi kaya yung pagkakamali mo nung nakaraan, bawi ka nalang ngayon. May darating at darating na bull run at ang kailangan mo lang dapat handa ka na.
Kung wala kang hold nun, dapat sa susunod meron ka na para hindi ka maiwan at hindi ka na ulit manghinayang o magsisisi kapag dumating man yung susunod na bull run.
10476  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 12:30:04 PM
Di ko pa naranasan magbayad sa bayad center when it comes to bills so di ko alam kung ang payment mo ay credited agad or meron paring delay like 1 or 2 days
bago tumatak na nakapagbayad kana.

Ang alam ko sa coins ay dapat 2 or 3 days before due ka dapat magbayad.Ewan ko lang ngayon kung ganun parin ang sistema nila sa pagbabayad ng bills.
Ang pinaka mahirap sa ganitong business ay kung paano mo makuha ang tiwala ng tao pag once nag succeed ka lang kahit mga 2-3 person na pumupunta sayo
para magbayad ay magandang senyales na baka ito mag click.
Yung sa mga utility bills (meralco, maynilad, etc.) hindi ko din siguro kung may delay yun pero parang same process lang rin siya sa mga bayad center. Pero kapag magbabayad ka nung mga bills mo sa phone plan mo, mabilis lang siya pati yung sa internet mo. Pwede mo subukan yan. Madali lang makuha ang tiwala ng tao kung mag-gegenerate sila ng receipt para sa mga customers yun nga lang paano yun? kakailanganin ng printing machine o di kaya kahit sa printer nalang pero si coins.ph dapat gagawa ng design nun at manggagaling sa kanila dapat.
10477  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 11:33:15 AM
Yan ang mahirap kasi di basta basta maniniwala yung mga posibleng magbayad sayo gamit ang coins.Wala silang resibo na
matatanggap kaya mahirap ang bills payment pero kung load naman ay posible talaga mag click pero katulad ng sinabi
mo nakadepende yan sa lokasyon mo kung marami nabang competensya or wala.Nasa tamang pag pa plano lang yan.
Sana magawan din ito ng paraan ni coins.ph para sa mga gustong gawing business yung pay bills method nila. Ako kasi ginagamit ko rin naman yan pero para sa mga personal bills ko nalang pero ang ganda din kasi ng potential. Bayad center din naman ang kinagandahan lang hindi mo na kailangan ng franchise. Kung iisipin mo nakatipid ka na tapos mapagkakatiwalaan pa, yun nga lang para sa mga customers magtataka at hindi sila maniniwala kasi nga bayad center na yung tumatak sa karamihan.
10478  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] Bakkt sets new all-time high in trading volume as Bitcoin price soars on: October 26, 2019, 10:48:12 AM
Long term ang tingin ko kay Bakkt.

Talagang kailangan lang pala sila bigyan ng sapat na Oras
Tama ka dyan. Sa ngayon hindi pa masyadong ramdam yan pero makalipas ng isa o higit pang mga taon, makikita natin kung paano magiging malaki ang role niyan sa crypto market. Karamihan kasi gusto instant yung magiging resulta, bago palang ang Bakkt at kailangan lang natin yan bigyan ng space para mag grow.
10479  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 09:48:04 AM

Agree ako diyan.
Kahit papano nakakabawe ng pamasahe papasok. Ginagamit ko siyang pang load sa mga kapitbahay ko since bago lang din kame sa subdivision. Wala pa masyado loading station at mostly tindahan na normal lang.

10 percent eh mas malaki kesa sa Gcash ka na 5 percent. Ewan ko kung bakit ganon. Dapat baligtad. Grin
Try mo din help sila pay ng bills, sampung piso kung maipon at tag tatlo mga bill nila eh medyo okay na din, wala pa pagod.
Maganda yung location mo kung maraming nagpapaload at wala pa kayong kakumpitensya. Okay rin yung pay bills nila baka malay mo dyan na magbayad sa iyo yung mga tao kaso nga lang walang resibo na pwedeng iprint si coins.ph kundi isusulat mo lang reference.
Yung mga kabayan natin dito na ginagawang service na din itong pay bills para sa mga customer nila, paano niyo pinapaliwag o binibigyan ng resibo yung mga customer niyo? sinusulat niyo lang ba yung ref. #?
10480  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 08:30:26 AM
Ok rin palang pang negosyo kaso may maximum limit din pala itong rebates, tulad ng sabi ni @blockman
Oo magandang side line din yan, hindi man siya ganun kalakihan pero kapag panay mga nagpapaload sayo malaki laki din yung maiipon mo. Kung sa 10,000 pesos na worth of load tapos 10% ang rebate, ibig sabihin may isang libo ka na agad na kita. Yan ay kung mapupuno mo yan at maiipon mo din yung kinikita mo. Paikot Ikot lang naman dyan para mas kumita ka. Wag mo nga lang iasa lahat dyan, maganda lang na parang additional income mo lang din.
Pages: « 1 ... 474 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 [524] 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 ... 695 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!