Bitcoin Forum
June 20, 2024, 07:55:56 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 [525] 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 ... 696 »
10481  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 26, 2019, 09:49:08 PM
Oo nga kung nagkamali ka man dati maaari pa itong mabago ngayon dahil may mga ways ka para kumita ng bitcoin hindi nga lang katulad ng dati na malaki ang kikitain mo pero kung sakaling alam mo talaga ang ginagawa mo ay kikita ka talaga ng malaki laki kahit hindi bull run or bull run. Ngayon nag-uumpisa na ulit ang bull run kaya naman malaki ang kikitain natin nito.
Kailangan niya lang din mag ipon ng bitcoin, kung walang ibang source pwede din naman bumili nalang para makapag ipon. Kagaya nitong nangyari lang kahapon, sobrang taas ng presyo at nung mga nakaraang araw lang bagsak. Kaya yung ganitong scenario pwede pa yan maulit at sana mas maraming mga kababayan natin yung handa na at may naitabi na handa ibenta kapag dumating yung araw na yun. Mas masaya yun kapag maraming mga kababayan natin ang kikita ng ganun kasi nga nakapaghanda.
10482  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 26, 2019, 07:34:16 PM
Nakakapagsisi lang dahil hindi ko masyadong na hold yung bitcoin nung panahon na yon kasi ang hirap mag expect eh.

2017 was the best year na kung saan kumita kami halos ng malaki dahil lang sa signature campaign at masyadong unforgettable lahat.
Okay lang yan kung wala ka masyadong bitcoin nung nakaraang bull run. Marami pang mga pagkakataon para makabawi kaya yung pagkakamali mo nung nakaraan, bawi ka nalang ngayon. May darating at darating na bull run at ang kailangan mo lang dapat handa ka na.
Kung wala kang hold nun, dapat sa susunod meron ka na para hindi ka maiwan at hindi ka na ulit manghinayang o magsisisi kapag dumating man yung susunod na bull run.
10483  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 12:30:04 PM
Di ko pa naranasan magbayad sa bayad center when it comes to bills so di ko alam kung ang payment mo ay credited agad or meron paring delay like 1 or 2 days
bago tumatak na nakapagbayad kana.

Ang alam ko sa coins ay dapat 2 or 3 days before due ka dapat magbayad.Ewan ko lang ngayon kung ganun parin ang sistema nila sa pagbabayad ng bills.
Ang pinaka mahirap sa ganitong business ay kung paano mo makuha ang tiwala ng tao pag once nag succeed ka lang kahit mga 2-3 person na pumupunta sayo
para magbayad ay magandang senyales na baka ito mag click.
Yung sa mga utility bills (meralco, maynilad, etc.) hindi ko din siguro kung may delay yun pero parang same process lang rin siya sa mga bayad center. Pero kapag magbabayad ka nung mga bills mo sa phone plan mo, mabilis lang siya pati yung sa internet mo. Pwede mo subukan yan. Madali lang makuha ang tiwala ng tao kung mag-gegenerate sila ng receipt para sa mga customers yun nga lang paano yun? kakailanganin ng printing machine o di kaya kahit sa printer nalang pero si coins.ph dapat gagawa ng design nun at manggagaling sa kanila dapat.
10484  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 11:33:15 AM
Yan ang mahirap kasi di basta basta maniniwala yung mga posibleng magbayad sayo gamit ang coins.Wala silang resibo na
matatanggap kaya mahirap ang bills payment pero kung load naman ay posible talaga mag click pero katulad ng sinabi
mo nakadepende yan sa lokasyon mo kung marami nabang competensya or wala.Nasa tamang pag pa plano lang yan.
Sana magawan din ito ng paraan ni coins.ph para sa mga gustong gawing business yung pay bills method nila. Ako kasi ginagamit ko rin naman yan pero para sa mga personal bills ko nalang pero ang ganda din kasi ng potential. Bayad center din naman ang kinagandahan lang hindi mo na kailangan ng franchise. Kung iisipin mo nakatipid ka na tapos mapagkakatiwalaan pa, yun nga lang para sa mga customers magtataka at hindi sila maniniwala kasi nga bayad center na yung tumatak sa karamihan.
10485  Local / Pamilihan / Re: [NEWS] Bakkt sets new all-time high in trading volume as Bitcoin price soars on: October 26, 2019, 10:48:12 AM
Long term ang tingin ko kay Bakkt.

Talagang kailangan lang pala sila bigyan ng sapat na Oras
Tama ka dyan. Sa ngayon hindi pa masyadong ramdam yan pero makalipas ng isa o higit pang mga taon, makikita natin kung paano magiging malaki ang role niyan sa crypto market. Karamihan kasi gusto instant yung magiging resulta, bago palang ang Bakkt at kailangan lang natin yan bigyan ng space para mag grow.
10486  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 09:48:04 AM

Agree ako diyan.
Kahit papano nakakabawe ng pamasahe papasok. Ginagamit ko siyang pang load sa mga kapitbahay ko since bago lang din kame sa subdivision. Wala pa masyado loading station at mostly tindahan na normal lang.

10 percent eh mas malaki kesa sa Gcash ka na 5 percent. Ewan ko kung bakit ganon. Dapat baligtad. Grin
Try mo din help sila pay ng bills, sampung piso kung maipon at tag tatlo mga bill nila eh medyo okay na din, wala pa pagod.
Maganda yung location mo kung maraming nagpapaload at wala pa kayong kakumpitensya. Okay rin yung pay bills nila baka malay mo dyan na magbayad sa iyo yung mga tao kaso nga lang walang resibo na pwedeng iprint si coins.ph kundi isusulat mo lang reference.
Yung mga kabayan natin dito na ginagawang service na din itong pay bills para sa mga customer nila, paano niyo pinapaliwag o binibigyan ng resibo yung mga customer niyo? sinusulat niyo lang ba yung ref. #?
10487  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 26, 2019, 08:30:26 AM
Ok rin palang pang negosyo kaso may maximum limit din pala itong rebates, tulad ng sabi ni @blockman
Oo magandang side line din yan, hindi man siya ganun kalakihan pero kapag panay mga nagpapaload sayo malaki laki din yung maiipon mo. Kung sa 10,000 pesos na worth of load tapos 10% ang rebate, ibig sabihin may isang libo ka na agad na kita. Yan ay kung mapupuno mo yan at maiipon mo din yung kinikita mo. Paikot Ikot lang naman dyan para mas kumita ka. Wag mo nga lang iasa lahat dyan, maganda lang na parang additional income mo lang din.
10488  Local / Pamilihan / Re: babala para sa mga nag trade sa mga di kilalang exchange on: October 26, 2019, 06:53:26 AM
well coinmarketcap ay may issue din mismo for Fake volumes pero tama ka mas safer kung naka list na sa kanila para medyo legit
May issue nga din at hindi lahat ng mga exchange na nakalista doon ay okay. Naging source lang talaga ng malaking volume si cmc kaya halos lahat ng mga exchanges gusto nq malista doon.

Tanong lang mga kababayan, alam ko naman na kilalang exchange si HITBTC. Meron ba kayong self review about dito. Nagbabalak kasi akong magpasok ng malaking halaga.
Hindi ako nagtrade sa hitbtc kasi ang daming bad review sa kanila, check mo lang yung mismong thread nila dito. Makikita mo daming negative review.
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=378827.0)
10489  Local / Pamilihan / Re: babala para sa mga nag trade sa mga di kilalang exchange on: October 25, 2019, 11:47:55 PM
Ako din kahit want ko na magbenta ng shitcoins and kapag Alam kong listed sya sa isang di kilalang exchange ay hinahahayaan ko na Lang Muna, Hindi ko na muna to pinapalitan Lalo kung Wala run naman volume. I mean, Hindi na ako nagtttry Muna to sign up, inaabangan ko muna siya.
Mahirap yung mga altcoins na ganito kapag meron ka. May chance kasi na hindi na sila magpalista pa sa ibang exchange at sa nag iisang hindi kilalang exchange nalang sila kasi kung hindi mura yung binayad nila ay baka libre lang yun para lang may masabing may token sa exchange nila. Mas maganda na rin yung sigurado ka at sa mga exchange na may magandang review kahit na hindi kilala, yung mga legit na review kasi malalaman mo naman yan kapag nagresearch ka.
10490  Local / Pilipinas / Re: China ang dahilan ng pag-angat! BITCOIN! on: October 25, 2019, 11:06:28 PM
Naghahanap ako ng dahilan kung bakit tumaas yung presyo kagabi ng sobrang bilis. At yun na nga ito yung isa sa mga nakita ko pero pwedeng may epekto pero pwede ring may ibang dahilan o di kaya nagsabay sabay na dahilan kaya nag pump bitcoin at ang buong crypto market. China kasi isa sa mga naging masyadong konserbatibo yan simula 2017-2018 pero kung yung go signal ni Xi Jinping ang naging dahilan, sana magtuloy tuloy lang. Naging idea siguro ng marami na kapag sinabing blockchain = bitcoin agad.
10491  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 25, 2019, 10:28:13 PM


Profitable ba kapag coins.ph ang ginamit pag nagestablish ka ng loading stations? Since may rebate kada magload ka sa certain cellphone number naisip ko lang na yung rebate na yun ang magiging kita mo. O mas maganda pa rin talaga yung sa talagang retail?
Katulad ng sinabi ng karamihan, oo naman profitable na profitable lalo na kapag nasa magandang pwesto mo itatayo mo loading station mo. Yung rebate na mismo yung kikitain mo pero dapat mo lang tandaan na ang 10% rebate ay may maximum.
Hanggang 10k pesos lang yun at kapag na-reach mo na yun, bababa na siya sa 5% rebate para sa mga susunod na ilo-load mo at para yan sa loob ng isang buwan. Sa totoo lang gusto ko nga din gamitin yung coins.ph para sa loading business kaso sobrang dami ng loading dito, maganda rin gamitin yung bayad center nila, may rebate din yun.
10492  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 25, 2019, 12:13:44 PM
Guys, kamusta pala yung mga sumali sa 1st qualifier ML tournament ni coins.ph? nagpost kasi ulit sila sa page nila tungkol sa 2nd qualifier nila.
Pasok ba yung mga team na nandito sa forum?
10493  Local / Pamilihan / Re: Bakit kailangang magingat sa application na pinapainstall sa mobile? on: October 25, 2019, 10:34:32 AM
Mostly ang mga nabibiktima ng mga ganito e yung mga newbie talaga, Siguro dahil sa kagustuhan nilang kumita ay nag sesearch sila sa internet ng mga pagkakakitaan lalo na yung mga application na ang bayad ay sa paypal o bitcoin,

At ito ang mga apps na pwedeng makasira sa ating mga cellphone na nag papahina sa ating battery,
https://www.thesun.co.uk/tech/9750246/google-play-android-phone-scam-apps-battery-life/


Sila talaga yung mga prone sa ganitong pangyayari. Wala silang masyadong alam sa nangyayari sa technical side o IT dahil nga hindi naman sila IT people. At kapag may mga natry silang mga app na nagbabayad, ikukwento nila yan sa ibang tao tapos yung iba rin mahihikayat kasi nakita nilang kikita sila. Pero hindi nila alam na yung dinownload nila, sila pala mismo ang produkto at posibleng yung mga resources nila sa cp o pc nila ay may nags-spy na at nagcocollect ng mga data nila.
10494  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 25, 2019, 09:19:45 AM
Guys may live ngayon sa NBA Philippines facebook page. Milwaukee Bucks vs. Houston Rockets.
(https://www.facebook.com/NBAPhilippines/videos/702278846958337/)
Buti may mga live na ganto sa facebook. Balak ko pa namang mag subs sa may NBA league pass ba yun. So baka hindi na.
Nasa sayo pa rin naman yan hehe. Baka may mga games silang hindi I-cover sa livestream nila sa FB page nila at syempre bilang bayad at may pass ka, mas sigurado doon. Pero hangga't merong free livestream mismo sa page nila, subaybayan at suportahan nalang natin.
Nakita kasi nila na malaki ang fanbase sa Pilipinas sa basketball and hindi lang yan, tayo ang may pinaka malaking stats sa mga pinaka active sa social media.
10495  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Marami pa ba sa inyo ang kumikita sa pag bobounty? on: October 25, 2019, 07:44:47 AM
Hindi ka rin nag iisa may GC din ako dati at nag share kami kung anu ang mga magagandang bounty na pwede salihan, Pero sa ngayo sobrang tahimik na at biglang nawala nalang. Kaya sariling sikap nalang talaga at wag na tayong umasa sa iba alam naman natin na makahahanap din tayo ng mga magagandang bounty campaign at ingat nalang din kasi sobrang ang dami ng mga naglabasang scam bounties ngayon.
Chambahan at swertihan nalang talaga sa bounty ngayon. Yung sobrang lakas dati na pinagkakakitaan ng marami, ngayon halos wala na, naglahong parang bula. May mga natitira pa rin pero malabo na kumita ng seryoso sa bounty. Hanap nalang ng ibang pagkakakitaan na magiging maayos at kahit papano may kasiguraduhan. Tahimik na halos lahat ng mga GC ngayon na nasalihan ko din kahit na hindi naman ako masyadong nagbounty, hilig ko lang din sumali sa mga group dati.
10496  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 25, 2019, 03:39:22 AM
Sana marami nang mag share ng live stream links dito, hopefully sa next games.
Follow mo lang yung page ng NBA Philippines kabayan para maging updated ka sa mga latest livestream nila. Sa FB yan at twitter nila, ito yung latest na balita na libre lang sila magstream. Kanina ang daming nanood kaya tuloy tuloy lang yan. See first mo lang lagi page nila para kapag nag live na sila, updated ka at manonotify ka.
10497  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 25, 2019, 12:52:34 AM
Guys may live ngayon sa NBA Philippines facebook page. Milwaukee Bucks vs. Houston Rockets.
(https://www.facebook.com/NBAPhilippines/videos/702278846958337/)
10498  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 24, 2019, 11:53:06 PM
May ibang ways din naman talaga to earn bukod sa mining and trading Kaya kung Wala tayo time to trade and Hindi para sa atin yon dahil hindi natin makontrol emotion natin or hindi tayo mapasensya, and sa mining naman hindi natin afford and pagset up ng mining and masyadong Mahal then, we can be bounty Hunter, promoter, etc ..marami pong oporyunidad diyan, check Lang natin mabuti.
Tama, merong ibang oportunidad na pwedeng subukan pero sa suggestion mo na tungkol sa bounty hunting. Alam naman natin na masyado ng pahirapan yung paghahanap ng isang bounty na maganda ang bigayan. Marami na rin ang scam ngayon kaya ang nangyayari free advertising sa mga project at ang laki ng chance na masayang lang yung effort mo sa kanila.

Sa palagay ko mas malaki ang makukuha kapag sa trading dahil marami na rin akong nabasa tungkol sa mining dahil mabagal na ang pag-earn ng BTC hindi katulad sa trading na nakikita at namomonitor mo ang galaw ng investments mo.
Sa mining ngayon, hindi ka talaga kikita kung iisa lang ang miner mo. Hindi tulad sa mga farm na dedicated talaga sa pagmimina ng bitcoin at ginawa ng business ang pagmimina, malaki ang puhunan nila dun. May choice din naman sila na magmina ng altcoins na gusto nila basta pasok sa algo ng miner nila.
10499  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: October 24, 2019, 10:06:27 PM
2. Since bago at wala pa akong masyadong alam sa market ng cryptocurrency, binenta ko lahat ng mga coins kahit at mga ilang months lang, sumobrang laki na agad yung presyo. Medyo nag regret ako pero masaya parin naman ako kasi nalaman ko ang tungkol sa cryptocurrency.
Halos karamihan lahat tayo nag benta ng maaga aga kahit hindi pa 2017. May mga coins din akong nabenta ng mas maaga tapos nung nakita ko na, biglang tumaas. Nagkamali rin ako dati sa paghold ng bitcoin kasi maaga aga din ako nakapag sell pero tapos na yun lahat at walang regret. Kaya nagpe-prepare nalang sa possibleng mangyari kapag tumaas ulit at handing magbenta ng walang pag alinlangan at regret. Swerte pa rin tayo na maaga aga natin nalaman ang crypto.
10500  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 24, 2019, 09:05:15 PM


Quote
@palider, hindi na active yang account na yan matagal na. Kapag meron kang concern tulad ng ganyan, diretso sa customer support mo na yan.

Pasensya na po kayo ah hindi ko na kasi tiningnan yung profile,  Nag kontak napo ako sa support kaso gabi na e kaya walang sasagot sakin ngayon at gusto ko talaga malaman kung ano ang pwedeng magagawa dito. 

Wala talagang sasagot sa concern mo kapag gabi na. Kasi office hours sila sumasagot sa concern ng mga customer kaya antayin mo nalang maya mayang umaga may magrereply sayo. Basta na-send mo na yung ticket sa kanila, antayin mo nalang yan sa email mo.
Doon sila nagrereply para sa mga concern ng mga customers nila. Mas mabilis kasi nila maso-solve mga concern ng users nila kapag sa mismong platform nalang lahat nagsesend ng ticket nila.
Pages: « 1 ... 475 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 [525] 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!