Bitcoin Forum
June 20, 2024, 05:18:04 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 [526] 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 ... 696 »
10501  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 24, 2019, 02:47:59 PM
Super tagal na nang simula ng nagtemporary ang egive cash ng security bank magkakalahating taon na ata kung hindi ako nagkakamali. Wala pa ring update na nagaganap tingkol dito kung kailan ba talaga ulit magagamit ng mga user dahil super tagal na tayong aantay . Nakakamiss lang talaga dahil libre ang cashout at napakabilis talaga lalo na ngayon malapit na talagang security bank sa amin.
Kaya nga puro maintenance, dapat alisin nalang yan kasi mas marami nang magagandang option ang inooffer ni coins.ph eh. Ang mas maganda lang sana kung ibalik nalang nila ang cebuana, dahil lagi lang din naming maintenance yang EGC mas ok pa yung cebuana. Kaya kapag marami rami yung icacashout mo at kailangan mo ng instant, mas marami ng option.

@palider, hindi na active yang account na yan matagal na. Kapag meron kang concern tulad ng ganyan, diretso sa customer support mo na yan.
10502  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 24, 2019, 01:06:18 PM
na miss ko tuloy yung EGC ng security bank (dahil sa mahabang pagbasa) na weekly ako mag cash out pa nun na dating 10K max tapos bumaba to 5K. Siguro ang biggest withdrawal ko noon ay 25K o 50K a day one time only. 5 times na request ng EGC, nilagay ko lang sa notes yung EGC numbers with the corresponding passcode para sunod sunod lang na ginamit kong pambili ng laptop
10k per day tapos 100k monthly maximum. Wala na, nakakamiss lang din yung EGC, walang fee tapos instant pero simula nung nakaranas na ako ng delay ng passcode nun naghanap na ako ng ibang withdrawal method. Sa ngayon, lagi nalang temporary disable yung option na yan kaya tingin ko wala ng gagamit masyado niyan at kung bumalik man siguro pang mga small cash outs nalang yan o di kaya pag kailangan fast cash pag nasa mall ka at na-short ka ng konting cash.
10503  Local / Pamilihan / Re: Bit coin trading sites. on: October 24, 2019, 11:51:44 AM
Kung kilala mo si Miguel Cuneta isa siya sa co-founder ng Satoshi Citadel Industries at ito yung mga bitcoin websites na hawak nila.

10504  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 24, 2019, 10:54:04 AM
Rockets vs Bucks, maganda panoorin ng mga basketball fans na hindi gambler  Smiley. Oobserbahan ko muna yong galaw ng Rockets bago pumusta sa kanila. Hope Harden and Westbrook will jell and compliment each other's plays.
Isa sa mga inaabangan ko lagi yung Bucks. Pero hype din ngayon yung roster ng Rockets kaya tama ka dyan, para sa mga ayaw mag bet at gusto lang mag abang ng laban na ito, ayos din panoorin. Ayos yung line up ng Bucks ngayon, 2 magkakapatid na Lopez at Antetokounmpo. Wala masyadong hype sa roster nila pero isa ito sa mga team na dapat abangan ng lahat kasi nagi-improve sila at hindi nila pinapakawalan si Giannis.
10505  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Babala] Pekeng Brave Bounty Program na nagbibigay ng 1,500 BAT tokens bawat isa on: October 24, 2019, 08:50:32 AM
Ito yung diniscuss nakaraaan sa altcoin pilipinas, scam nga siya talaga. Kawawa yung mga mabibiktima niyan at kapag titignan yung USD value ng reward, masyadong maganda kaya merong mga magsa-sign up sa form na yan. Kapag may sumisikat na service o company yung mga manloloko sasabay din sa kanila at gagawa ng gimmick para makapang biktima. Kawawa lang yung mga hindi mahilig mag validity check muna bago mag fill up sa mga link na yan.
10506  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 24, 2019, 07:52:06 AM
Oo sir, chineck ko kaso walang live kanina sa pacers vs pistons.
Hay, pati kasi sa tv nakalagay seize operation sila nung October 1 pa.
Mukhang stick to preview nalang talaga.
Ganito nalang gawin mo.

Facebook search lang bro. I-type mo lang maglalaban na team na gusto mong panoorin, marami ang nagla-live broadcast dyan. Minsan nga lang may problema din sa quality pero ayos na din dahil libre naman at wala din kung ano-anong ads.

Madalas ganyan din ginagawa ko dati, piliin mo lang yung medyo ok ok na quality pero merong mga mababait na ginagawa yan para pataasin yung viewership ng page nila. Madaming gumagawa niyan sa FB, search search ka lang.
10507  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 24, 2019, 02:01:47 AM
meron ba kayong alam na pwedeng manuod ng libre? wala ng gana kasi kapag panoorin ang mga preview kapag alam mo na kung sino ang mananalo.
Meron akong pinost nung nakaraan tungkol sa balita na free live stream ng NBA sa fb at twitter. Basahin mo detalye.

Guys may magandang balita para sa mga NBA fans dyan. Pwede nang panoorin ng libre sa facebook at twitter, may stream sila.
(https://sports.inquirer.net/370698/nba-to-livestream-select-games-in-philippines-for-free-on-facebook-watch-twitter)
10508  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 11:54:13 PM

Sa experience ko naman, nakapag-pareserve na ako dati sa LBC ng Php 100,000. Pero more than that di na ako pinagbigyan kaya balik na lang kinabukasan or another option is sa ibang branch naman magpunta. Sa ML Kwarta naman at sa Cebuana na-accommodate nila iyong big cashouts ko pero tinigil ko iyong sa Cebuana kasi 2% of the total amount ang fees then sa ML  naman need may cut-off time pa dati sa coins.ph. Saka dati sa Cebuana kahit Php 20,000 pinapaalam ko pa kasi natanggihan na ako sa ganyang kaliit na amount kahit matao ang branch at morning ako nagpunta. Di rin natin kasi masabi kung maliban sa akin, baka marami na ring naunang nagsabi kaya nireserve. Palakasan din yata kasi may kakilala ako nag-aabot pa sa staff basta patago lang dun sa guard.
Baka pinagbigyan ka lang ng staff kasi normally dapat lahat ng mga customers ay I-cater nila at I-accommodate kahit na magkano yung cash out sa kanila. At pwedeng kinwento nila sa manager at siguro naglagay na sila ng threshold na hanggang doon nalang hangga't maaari para na rin hindi sila mahirapan at para mapagbigyan yung iba pa nilang mga customer din. Sa cebuana din ako dati pero nung hindi pa 2% bali ang fee nun ay 500 = 50k withdrawal masyadong malaki pero sigurado ako na maraming nagustuhan yung serbisyo ng cebuana kasi pati ako nagustuhan ko kahit on the spot ka magwithdraw doon at walang reserve reserve.

Pero ngayon yang Php 400,000 everyday is madali ng gawan ng paraan. Gumamit lang ng ibang payment method since marami naman instant. Yan ay kung nag-prompt na iyong napili nating remittance center na di nila ma-accomodate ang ganyang amount. Pero pag ginawa ko yan ulit baka tumawag na naman ang coins.ph. Kasawa na pumatol sa video interview nila lol.
Tama, merong bank transfer, merong gcash, at putol-putolin lang yung amount.
10509  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 10:46:04 PM
Kalma lang makukuha din lahat ng pera. May chance man or hindi yang 400,000 sa LBC everyday, dapat alam na rin natin na may times talaga na di sila papayag sa ganyan. Kahit sa Cebuana din sa akin dati. Depende yata talaga sa mga staff dyan sa branch na kahit may malaking pondo, di nag-aallow kasi gusto nila ma-spread iyong pondo sa lahat.
Meron din kasi silang parang mga suki na laging nagke-claim sa kanila ang nasabi sakin ng staff nun at kapag nagkataon madami silang hindi maseserbisyuhan kahit na medyo malaki yung iwiwithdraw ng client nila. May mga pagkakataon na tatanggi lang sila kasi naranasan ko na din yan din, nara-run out of funds sila kahit na malalaking branches o mas may priority silang mga client na nagpareserve. Ang kailangan lang ipaalam sa staff agad agad kung magkano para magawan nila ng paraan.

Pero ako kay gunhell, puwede na yang mas mababang amount, 200,000 = x4 50,000 puwede na yan at least mawiwithdraw din naman lahat.
Tama yung ganito. Dahil ang maximum lang naman ng coins.ph sa LBC ay 50k kaya mas maganda yung ganitong strategy. Hindi man mabigay ng isang branch isang buuhan, pwede mo iclaim yung isa, dalawa o tatlong 50k na iwiwithdraw mo sa kanila tapos sa ibang branch nalang yung natitira.
10510  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 10:04:23 PM
verified na ako at class 3 pero never ko mag padala ng cash out sa banko! lagi ako sa cebuana before ngayon naman tinanong ko si LBC kung kaya ba nya cash out ko! and sabo lang saaaki sir 50K per day if kaya nyu! huwaaaat? panoyan eh balak ko araw arawuing uyung 400K dati wala ako problem sa cebuana ! pero pano now?
Hahaha, kaya nila yan ang tindi lang ng tanong mo hehe pero alam ko pwede ka magpareserve lang sa kanila ng maaga at kausapin mo lang yung staff kung aaraw-arawin mo yung 50k. Ganyan kasi ginagawa ko dati nung lagi ako sa LBC pero hindi naman ganun kalakihan, sadyang malaki lang yung branch at matao kaya kapag hindi ka nakapagpareserve sa kanila, matatanggihan ka lang nila. Dami mo sigurong hinohold kasi 400k per day at dami mo na din siguro naipundar.

10511  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 07:55:47 PM
yes bro its ok, Ang importante aware tayong lahat sa ganitong mga bagay.

Nakakamiss tuloy ang E-give cashout na very reliable in terms of my old situation. Sobrang lapit lang kasi sa bahay namin ang ATM machine ng security bank.

Wala na eh, isa laging choice ko din dati yung EGC pero ngayon bank withdrawal na ginagamit ko at salamat doon sa mga nagsabi yungkol sa instapay, nagshift na agad ako. Instant kasi ang withdrawal eh.

kaka cash out ko lang kanina ng 14,000 via LBC, 120 pesos lang ang charge pero sa ML mas mahal, nasa 150 o 160 ata yun kaya balik ako sa LBC. kinocompare ko kasi muna sila before mag final send button.

parang gusto ko rin magkaroon ng Gcash mastercard ba yun, kaso di ko alam kung paano.
LBC o ML, parehas lang naman na instant kaya maganda din. Kung mag gcash ka, mabilis din tapos transfer mo sa bank.
10512  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 05:28:26 AM
Alam ko naman yung pag convert, ang tanong ko lang naman wala na ba yung dati na pwede ka mag cashout at galing bitcoin wallet yung gagamitin na funds para hindi na mag count as cash in. Yung paraan kasi ngayon ay icoconvert pa to pesos so counted as cashin yun tapos cashout naman, basically ang problema ko is yung cashin limit
Try mo nalang yung sinabi ni abel. Madalas kasi kapag nagwiwithdraw ako peso wallet yung nakasanayan ko. Mukhang malaki ata laging pinapasok at nilalabas mo sa wallet mo.

As far as I know pwede mag cash out kahit galing bitcoin wallet address. Pwede ito sa lahat ng options except for bank option. Kasi before nung available pa ang e-give cashout ay nirerekta btc ko ang cashout ko at di ko na pinapadaan sa php wallet ko at hindi nako nag coconvert.
Tagal ko na kasi di nakagamit ng EGC at sa LBC kaya nalimutan ko na yung ganito. Mali pala ako, pwede nga pala rekta galing BTC, iki-click mo lang yung "PHP" o "BTC" na icon. Salamat sa pag correct mo sa akin abel.  Smiley
Kasi ang ginagawa ko ngayon sa coins pro ako nagbebenta at kapag dadating na sa coins.ph wallet ko, nasa PHP wallet na kaya kapag nagwithdraw ako, php wallet lagi nanggagaling.
10513  Local / Pamilihan / Re: Mapanlinlang na emails na matatanggap mula sa akala nting kakilala on: October 23, 2019, 04:48:06 AM
Tama po yan, huwag na macurious, kahit ako kapag may nageemail lalo na regarding credit cards Promo daw, or mga exchange promo, earn gannito ganyan,  hindi ko na tinitignan kahit legit pa siya, ayaw ko kasi ng bakama one time pa ako, mahirap na. Kaya wag basta basta ma encourage, mahirap mahack sayang pinaghirapan natin.
Ang dami na niyan kahit dati pa na walang bitcoin, nagkalat na yung mga ganyang scam sa email. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha yung email ko nun pero ngayon aware na ako na yung mga websites na nagsa-signup tayo, doon pala nanggaling. Pwedeng may backdoor access sila o kaya yung database mismo ng collected emails nila binebenta sa iba. Meron pa yan yung bibigyan ka daw ng pera mula sa ibang bansa kasi daw namatay daw yung may ari tapos may attachment din, ingat sa ganun wag magpasilaw sa halaga na sinasabi sa email na ganun.
10514  Local / Pamilihan / Re: Crypto Theft: Alam nyo ba kung magkano ang puhunan ng mga hackers? on: October 23, 2019, 03:54:26 AM
Talagang hinasa nila yung skills nila para lang magnakaw. Dapat katulad ng America yung ginagawa nila sa mga nahuhuli na imbes ikulong, mas napapakinabangan nila at hinahire nila kasi alam nila yung pasikot sikot sa mundo ng cyber security. Sa liit ng puhunan ng mga yan tapos mga ilan lang sila sa grupo nila tapos milyon na dolyares yung nakukuha nila, grabe lang. Sobrang laki at mga bihasa lang gumagawa niyan at wala ng nararamdamang konsensya na babalik yung karma sa kanila.
10515  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 03:05:18 AM
Mga kabitcoin, meron pa bang way kapag nag cashout ka direct  from bitcoin or eth wallet manggagaling yung cashout mo? Kasi kung galing sa peso wallet lang e mangyayari kailangan mo pa iconvert yung crypto mo to pesos bale mabibilang pa sya as cash in so babawas pa sa limit natin
Wala kabayan, need talaga muna I-convert sa peso wallet. Hindi naman hassle yan at hindi naman ganun katagal kapag I-coconvert mo pa. Ang pwede ay kapag sa external wallet manggagaling yung bitcoin tapos isesend mo sa peso wallet mo kay coins.ph, automatic convert yun kapag ganun. Anong level ba yung account mo kasi concern ka sa cash in limit mo? mag upgrade ka nalang para hindi mo masyadong ramdam yung limit na yan hanggang level 3.
10516  Local / Pamilihan / Re: NBA discussion, betting and etc. on: October 23, 2019, 02:06:29 AM
Guys may magandang balita para sa mga NBA fans dyan. Pwede nang panoorin ng libre sa facebook at twitter, may stream sila.
(https://sports.inquirer.net/370698/nba-to-livestream-select-games-in-philippines-for-free-on-facebook-watch-twitter)
10517  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 23, 2019, 01:19:00 AM
Ansakit ng conversion ng coins ph..antaas ng buying tapos ung sell mababa..
Normal lang yan kabayan kasi nagbabago talaga presyo ni coins.ph at minsan mataas at minsan mababa naman. Ano bang balak mong gawin? magbenta o bumili? tandaan mo lang lagi yung payo ng marami na kapag magbebenta ka, doon lang lagi kapag mataas at kapag bibili ka kapag bagsak yung market. Mas mababa naman yung conversion sa ibang local exchange sa bansa natin kapag ikukumpara mo siya kay coins.ph. At kung gusto mo naman na mas mataas konti, sa coins pro mag signup ka sa join list nila.
10518  Local / Pamilihan / Re: Mapanlinlang na emails na matatanggap mula sa akala nting kakilala on: October 22, 2019, 11:49:55 PM
Kaya kailangan natin mag-ingat lalo dahil sa scamming at hacking na laganap lalo na crypto. Lagi natin doblehin ang pagiging mapanuri sa mga bagay bagay lalo na sa nga email na pinadadala satin. Dahil sa isang click lang maglalaho na parang bula lahat. Lalo pa na ngayong henerasyon natin ay puro high tech na, ultimo kahit bata ay maaari ng maloko ng mga ito Kaya maging aware tayo sa lahat ng oras.
Tama ka dyan sa isang maling click pwedeng mag install na automatically ng malware yan sa PC mo. Wag mag click nung mga nasa email na may mga naka attach na galing sa mga taong hindi mo kilala. Wag basta basta magtiwala at wag din masyadong confident sa mga ganyan. Madami ng naloko yang mga yan at wag na natin sana dagdagan dahil aware naman na tayo sa kanila makakaiwas na tayo. Ugaliing basahin din lagi kung saan galing ang email.
Eto dahilan kaya bihira ako mag open ng email sa desktop sa cp ko nalang para mas sure wala pa naman ako pang ransom.
Pero diba pag ganyan sa spam muna lalabas hindi mismo sa email?
Maganda yung ideya mo pero pano kung meron ka rin na mahahalagang file sa cp mo? Siguro naman di ka basta basta nagkiclick ng mga naka attach sa mga random email na narereceive mo. May mga times sa spam sila lumalabas pero meron ding pagkakataon na sa mismong inbox mo sila lumalabas. Kaya kapag hindi ka familiar sa email, delete o ignore nalang. Kasi yang mga scammer na yan gumagamit din ng clickbait sa title nila.
10519  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Bakit bagsak ang Ethereum?! on: October 22, 2019, 11:04:37 PM
Uu may chance na pag tumaas yung bitcoin ay susunod din itong mga alts. Kahitn ga lan ETHa ng tumaas im sure most of altcoins talaga sasabay din yan kasi alam naman natin pangalawa yung etherium sa crypto at parang ugat nalang din niya yung ibang altcoins. At sana nga din maulit yung dati na yung etherium ay umangat yung presyo nito ng mataas yan din naman ang palagi nating pinag handaan.
Ganito din iniisip ko katulad nung bull run, kapag tumaas bitcoin maraming magsisinuran kasi yung pera nasa mga alts na din. Kailangan lang bumaba ng bitcoin dominance para tumaas ang ibang altcoin tulad ng Ethereum. May mga pagkakataon lang talaga na kahit mataas bitcoin, sobrang bagsak naman altcoins at kasama na dun Ethereum. Ang pagtaas ng Ethereum ngayon magiging natural na kasi wala na masyado ang mga ICOs at ERC20 tokens na susuporta sa kanya at mas maganda yung ganun kesa sa hype growth.
10520  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [NEWS] Good news para sa mga Brave Browser users! on: October 22, 2019, 10:17:29 PM

hindi ko alam laman nung form kasi hindi ko na binuksan, una palang kasi duda na ako dahil narecieve ko yung email dun sa dummy email ko kaya nung tiningnan ko din yung email nung sender is xxxx@yahoo.com so hindi ko na din pinansin lalo yung form hehe
Scam nga yan, wag mo nalang I-click at lagi nalang bumase sa mga update sa mismong blog nila na binigay kong link. Lahat ng mga campaigns at promotions nila pinopost nila doon. Mag ingat nalang din mabuti at na-address mo yan dito pero ako wala naman akong nareceive na ganyan.

I don't think users ng brave yung nakuha nilang mga email kasi yung email ko na registered sa brave ay hindi naman nakatanggap ng email, bale nakapag send sila sa dummy email ko kaya medyo weird para sakin kung bakit yung dummy email ko na mostly sa games ko lang ginagamit ang nakarecieve ng ganun
Hindi mo ba yan nagamit sa mga airdrop o bounties?
Pages: « 1 ... 476 477 478 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 [526] 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!