Bitcoin Forum
June 16, 2024, 05:51:10 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 [529] 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 ... 695 »
10561  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 17, 2019, 11:20:06 PM
Good initiative lang ng Globe. Plant-A-Tree cause.

You can see it on your Gcash Dashboard.
Ayos, mas okay din pala kapag sa kanila makakatulong pa sa pagtatanim. Sige maraming salamat sa suggestion mo at nung iba pang sumagot sa akin. Oo nga pala meron na ulit nanalo sa pangalawang giveaway ni coins.ph yung free P10k wallet credit.


Congrats sa mga nagwagi ang sabi ni coins meron ng representative mula sa DTI kaya siguradong contest talaga siya.  Cheesy
10562  Local / Pamilihan / Re: Exchange Alert: CoinExchange Ending its Services on: October 17, 2019, 09:43:55 PM
May nakita akong nagpost na nagpapatulong mabenta yung mga token niya dyan pero wala ng gusto bumili at mukhang walang na ginawa yung developer nila, nakakaawa lang sa part niya. Kasi yung token na nabili niya dyan lang sa coinexchange lang pwede ite-trade at yung mga developers mukhang wala na at hindi na active. Tignan niyo.
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=5192813.0)
10563  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 17, 2019, 08:32:37 PM

Mabilis bills payment ng GCASH. Ilang beses na ako nagbayad dito. Pero not tested ko nga lang to sa mga malapit na sa due date.

And dagdag points din yan sa Gcash Forest. Smiley
Sana hindi siya tulad ng coins.ph na hindi maiipit yung payment kapag malapit na sa due date. Mamayang umaga o tanghali ita-try ko na magbayad, ano pala yung gcash forest?

Basta kung before due date naman ok na yan instant man or hindi.

May given period ang mga payment processors bago mag-initiate ng action ang company about sa delay payment kaya kahit 3 days pa bago i-process ang bills payment (pero wala naman yata ngayon iyong umaabot ng 3 days kasi sa coins.ph kahit nakalagay is 3 days mabilis na rin ang proseso), basta ahead sa due date, ok lang yan. Di basta-basta makakatanggap ng for let's say sa kuryente, ng disconnection noticed. Nalaman ko yan kasi may kakilala ako nag-wowork sa LBC before at sa isang payment processor company na di ko na pangalanan (kasi franchise un e so iwas adverstisment) na hawak is Bills Payment.
May ilang araw pa naman para sa due date ko kaya baka ok ok pa itong gagawin kong transaction. Iniiwasan ko lang din kasi yung mga experience na ma stuck yung payment tapos malapit na sa due date pero walang action tapos yun yung budget mo pambayad.
10564  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 17, 2019, 02:23:52 PM

isang beses nagbayad ako sa internet instant naman yung process di ko lang alam kung ang babayadan is kuryente o other utilities kung instant din.
Sana instant din, susubukan ko din kasi. Salamat.

May rebate pa ba ngayon ang coins.ph sa pagbabayad ng bills? kay gcash ang alam ko wala e kaya isa din sa pwede mong iconsider yan kapag mag babayad ka ng bills.
Meron pa din naman. Check mo yung bagong post ni coins.ph tungkol sa rebate at bills.

Sa gcash ako minsan nagbabayad ng bills kapag kulang laman ng coins.ph account ko, hindi ko lang sure kung nagrereflect agad pero tingin ko hindi kasi parang bayad center lang naman sila saka may extra fee nga pala sa gcash na 7pesos, pero sa coins.ph meron ka pa cashback hehe
Walang problema sakin kung may cashback o wala, kasi ang gusto ko lang before the due date maging instant agad. Kung same as bayad center siya nagrereflect siguro din agad. Yun nga lang hindi ko alam ang process ng bayad center kung real time payment ang ginagawa nila.
10565  Local / Others (Pilipinas) / Re: Pekeng Bitcointalk forum on: October 17, 2019, 11:41:12 AM
Ang ginawa para hindi ako mabiktima ng pekeng forum, bookmark lang ang katapat. Kapag hindi ka naman nagbookmark, check lang lagi yung mismong URL para sigurado ka sa pinagla-loginan mo ng username at password. Madaming mga phisher at scammer sa kung saan saan at ginagawa ang lahat ng makakaya nila para makapanloko.

kabayan wala silang pakialam kung ano man ang perwisyo nilang magawa sa bitcointalk man or sa kahit alin at sino pa,dahil ang main objective naman talaga nila ay makapag samantala ng kapwa
Tama, yan na ang pinaka-trabaho nila ang manloko sa mga tao.
10566  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 17, 2019, 09:47:40 AM
Guys related naman itong tanong ko sa coins.ph kaya dito nalang ako magtatanong. Madalas kasi akong magbayad ng bills sa coins.ph at umaabot yung pag-credit ng 3 days. At dahil trend naman si gcash at new user ako, gusto ko subukan yung pay bills niya. Meron na bang nakagamit ng feature na yun? mabilis lang din ba ma-credit yung payment mo? like sa kuryente o tubig? Kung meron man nagbabayad ng bills nila gamit gcash sana mashare dito kahit ilan lang. Salamat.
10567  Local / Pamilihan / Re: Cryptocurrencies at Financial Planning on: October 17, 2019, 08:24:09 AM
Meron ibang mga authors ng iba't ibang finance books, ang recommend nila is up to 6 months worth of monthly expenses as emergency funds. Some paranoid people have taken this a step further and extended it to 1 year, up to 3 years.

Ibig sabihin, meron sila na itabi na cash (or at least nasa savings account) worth 3 years. Kung ano expenses nila in a month, multiplied by 36, nandun sa banko nila.

Yung mga ibang medyo mas successful nga, nabasa ko meron sila worth up to even 5 years and keep adding. That is, after other investments.

Pag ganun ka, at least wala ka na problemahin for awhile. Totoong peace of mind, at kung meron instant large emergency at wala kang insurance coverage, meron ka madudukutan.

I think start saving up to 3 months sa umpisa, then slowly build it up to 6 months worth, over the next several months.... then take it from there kung kaya pa dagdagan.
Sa finance, ganito ginagawa ko. Hindi man ako kasing yaman nila pero yung disiplina na ginagawa nila ay naa-adopt ko rin. Sa may, insurance wala pa talaga ako pero kapag mga ganito talagang all in ako. Kaya pala yung mga mayayaman wala ng pinoproblema at meron tayong makikita na hindi na masyadong hassle sa mga hanapbuhay nila kasi may mga stable business at kung hindi man stable yun, meron silang pondo at savings na kayang kaya nila asahan sa loob ng maraming buwan hanggang taon. Meron pang mga sigurista, meron ng insurance, meron pang malaking savings na pwedeng kapitan.
10568  Other / Beginners & Help / Re: Is posting a contest allowed? on: October 17, 2019, 07:32:07 AM
Maybe someone receives tokens as well.
Check this link, a list of designers of the forum. Some are into tokens, you can ask them if they would love to accept it for the signature.
(https://bitcointalk.org/index.php?topic=1610428.0)
10569  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: [PH]🔥😍🤑!!!💰MANALO NG $10,000 sa VERASITY VRAB PLAYING TRIVIATA💰!!!🤑😍🔥 on: October 17, 2019, 06:23:15 AM
may Value naba yang VRAB ?meron na bang exchange na pwede pagbentahan yan kung sakaling sasali ako at mananalo?
Nakalagay mismo sa pinakataas "Exchanges" kaya ibig sabihin pwede mo I-benta kasi nasa mga exchanges siya. At nakakagulat yung volume nito kahit di ko alam yung altcoin na to. Kaya kung gusto mo sumali tignan mo muna.
(https://coinmarketcap.com/currencies/verasity/#markets)
10570  Local / Pilipinas / Re: Paano mawalan o manakawan ng Bitcoins gamit ang CTRL-C CTRL-V on: October 17, 2019, 01:02:02 AM
Yung sa suggestion na pag-iwas #1 mukhang malabo sa marami nating kababayan. Karamihan kasi gusto na windows ginagamit at hindi open sa pagexplore sa ibang OS tulad ng Linux. Yung pagcheck ng paulit ulit at ilang beses maganda ring gawin at Ipractice medyo mausisa lang o kung para sa mga nagmamadali masyadong hassle pero kung pera mo ang pinag uusapan, wag katamaran ang pag double check sa bitcoin address na kinokopya. Iwas iwas din sa mga pag download ng mga untrusted apps.
10571  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 16, 2019, 11:53:44 PM

Aside from that, sinabi rin sa taas ang mga risk sa pagmimina, nakaranas ako nyan,  hindi ko lang alam kung ano ang reason, since well ventilated naman ang miner at naka-aircon pa, biglang nagliyab ang isa sa mga  pinapatakbo naming unit.  Nasira ito ng hindi pa nababawi ang initial capital dahil mga 2 months pa lang kaming nagmimina.  Masakit sa ulong isipin na lugi agad hindi pa man nakakarangkada sa pagmimina.
Awit! nangyayari pala talaga yung ganyan kahit na maayos yung ventilation sa lugar? ito din yung isa sa nakakaba na scenario na pwede mangyari sa iba. Nalaman niyo ba yung cause ng pagliyag na yun? baka may mga fault sa wirings o kaya di na kaya I-supply yung load ng kuryente ng mga miners niyo. Tumuloy pa rin ba kayo sa pagmimina? kasi sa mindset ko kung sakaling mag mina ako, syempre mga bagong equipment at malakas ang kumpiyansa ko na walang ganitong mangyayari. Makakabawi rin kayo kabayan sa ibang investment niyo.
10572  Local / Pilipinas / Re: Mining o Trading? on: October 16, 2019, 11:10:40 PM
Sa mga bansa na hindi kamahalan yung kuryente at maganda yung klima, syempre mas take advantage na nila yung pagmimina kesa sa pagtetrading. Parehas lang din naman may risk pero sa atin naman kasi hindi talaga akma ang mining, meron namang mga probinsiya sa atin na maganda ang klima at isa na dun ang Baguio. Ang pagkakaalam ko merong mga minero doon at altcoin ang focus di ko maalala kung ETH ba yung nabasa ko. Ang mining kasi tiis tiis din eh, kung ang pang sustain mo ng kuryente ay yung kikitain mo sa pagmimina mo may mga hardship din kasi kapag bumagsak ang presyo tapos yung kuryente mo mataas, abonado ka.
10573  Local / Pilipinas / Re: Role of crypto (enthusiasts) in the increasing PH cashless transactions on: October 16, 2019, 09:28:29 PM
Parang may article nga akong nabasa tungkol sa report na yan. Masasabi ko lang na may ambag ang crypto transfers sa bansa natin sa datos na yan. Kahit na maliliit lang yung transaction na nagagawa ng iba sa atin dito nakakapag-ambag pala tayo sa research na ginagawa nila. Nung mga nakaraang taon mababa pa kasi konti palang nakakaalam at ngayong mas tumaas, pwede natin isipin na dahil ang adoption o usage ng crypto sa bansa natin ay tumaas na din.

Regarding sa role of crpto enthusiasts here in the Philippines, one notable person that comes in my mind is this guy, Miguel Cuneta[1]. He's one of the people that spearhead the introduction of cryptocurrencies to the Filipino masses and nagka-conduct din siya ng napakaraming seminars highlighting the use/effectiveness of BTC and cryptocurrencies in general.
Isa din siya sa may-ari ng SCI (Satoshi Citadel Industries) na hawak rebitph, buybitcoin.ph at bitbit.cash.
10574  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 16, 2019, 08:01:07 PM
meron ba ditong gumagamit ng cash out sa M.Lhuiller?kasi kaninang lunch kopa na send pero until now processing pa din in which hindi normal sa kanila,kaya nga nagustuhan ko M.Lhuiller compare sa LBC kasi instand withdrawal pero ngaun first time ko ma experience to.

salamat sa sasagot.nagkataon kasi na eto pinaka malapit pag nasa kabilang bahay ako kaya sila ginagamit ko but never naman ako nagka hassle until today
Parehas lang to sa method ng LBC, parehas mabilis makareceive ng tracking number to ha. I-message mo na coins support para ma update yung transaction mo kasi kapag may ganyan na delay sila na mismo nagpa-process niyan kapag nakita nila sa account mo na matagal tagal yung processing. Update mo nalang kami dito kung ano na yung nangyari sa transaction mo na yan.
10575  Local / Others (Pilipinas) / Re: Paano mag simula kumita ng crypto currencies on: October 16, 2019, 05:52:19 AM

~snip


Ikalawa, ay kung mamumuhunan ka at mag-iinvest. Pwede kang maglong-term hold or mag-trade. May mga useful links dito sa forum.

Kung mamumuhunan ako? maaari mo ba akong mabigyan ng links upang mapag aralan ko kung paano mamuhunan sa cryptocurrency? Gaano kataas ang risk nito? Paano ko maiiwasan ang pag kalugi?
Kung mamumuhunan ka, payo ko lang na invest mo lang muna yung kaya mo irisk. Ang risk sa pag invest sa bitcoin ay napakataas kasi volatile ang market nito at palaging nagbabago. Wag ka muna maginvest sa mga altcoins kasi mas mataas ang risk nun, di tulad sa bitcoin kahit papaano safe ka kahit na mataas ang risk mo. May wallet ka na ba? kung wala pa, create ka muna sa coins.ph at yang website na yan pwede ka na bumili dyan ng bitcoin at mura pa ang fee sa pag cash in.
10576  Local / Pilipinas / Re: [Take note]mga banta ng cyber -security on: October 16, 2019, 03:25:57 AM
Tanong ko lang, is this case usually happens to new smartphones only? Or kasama din yung mga luma na? Medyo mabilis na rin malowbat cp ko per 3 years naman na siya, may dapat ba ako ipag alala?
Nasabi mo 3 years na yung cp kaya tingin ko hindi yan crypto jacking. Dahil ang battery ng mga smartphone nade-drain din yan kapag chinacharge mo lang kapag 0% na. Kaya yung performance niya bilang isang battery nababawasan din. Kung afford mo naman na bumili ng bago, bili ka nalang hehe. Interesado din ako sa mga crypto jacking kasi karamihan naman sa kanila nakukuha lang yan kapag may nadownload kang mga app na hindi dapat, ganun din sa cryptojacking pero yung naapektuhan physically yung device, yan ang nakakabahala at doble abala pa kapag madalas mong gamitin yung device mo.

Mga kabayan, effective ba talaga ang paggamit ng anti virus sa phone? May narinig kasi ako na rumors before na ang DU battery or yung tulad na apps ay hindi naman talaga nakaka save ng battery so ganun din ang naisip ko sa mga anti virus apps. Gaano ito katotoo?
Hindi ko pa naexplore yung sa mga anti virus ng mga phone. Pero obviously yung pagdownload ng app tulad nyang du battery para maka save ng battery? di totoo yan, merong power saving mode ang bawat phone katulad sa mga android na madalas kong gamitin, nasa settings lang yun ng battery.
10577  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: PAC TOKEN Review on: October 16, 2019, 02:30:24 AM
Legit siya sa legit pero wala siyang pinagkaiba sa ibang mga token na dinala lang ng hype. Galing na din mismo kay Sen. Pacman na alam niya yung token kaya merong permiso na gamitin yung pangalan niya sa pagbuo ng token na yan. Ang concern dito kung ang presyo magiging mataas, maging mataas yan panandalian katulad lang din ng mga pump and dump na token. May usecase daw siya na magagamit sa mga merch niya pero hindi ideal yun bilang isang cryptocurrency. Kumbaga ang mangyayari parang magiging trading token nalang din yan kapag tumagal maliban nalang kung magfocus dyan si Sen. Pacman na malabong mangyari.
10578  Local / Pamilihan / Re: Yobit Exchange anong nangyari? on: October 16, 2019, 01:39:24 AM
I really hope it was only a maintenance  Undecided. Medyo kinakabahan tuloy ako kasi hindi ko pa nawiwithdraw yung naipon kong pera dun, huwag naman sana mawala. But well, siguro naman hindi sila gagawa ng ikasasama ng reputation nila. Chill lang muna tayo siguro.
I-withdraw mo nalang kung kinakabahan ka. @op okay na din sa end ko at iba't-ibang browser ginamit ko. Ngayon ko lang din nakita na naging ganyan yung website nila pero normal lang naman siguro yung ganyan na error kapag may binabago sila sa website. Tutal ayos naman na ang lahat at wala ng dapat problemahin pa. Sundin nalang ang payo ni mirakal.

So better lock this thread.
10579  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 16, 2019, 12:38:46 AM

I experienced this kind of scenario, way back 2 years ago na konti palang users ng coins.ph, nagwithdraw ako sa egivecash di lumabas yung pera tapos triny ko sa ibang machine nagamit na yung code kaya medyo nag alala ako non tapos nireport ko saturday yun pagkakatanda ko walang sumasagot sa support,nung nag lunes nagkaroong ng sagot ang sabi ifoforward nila sa security bank dahil di naman na daw nila sakop yung ganong problema dahil sa machine na daw yun after few days binalik yung pera ko sa wallet ko. Sana kapag friday nag iiwan na sila ng automatic reply sa email nila na nagsasabi na naka off ang mga tao ng weekend para sa iba na may problema di nag aalala kapag walang sagot sa email nila.
Pwede yan ma-suggest sa kanila. Ako dati naman kapag sa support nila, nagme-message ako sa FB page nila nag-rereply naman pero ilang saglit lang lahat ng inquiry sa page nayun pinapa-email nalang nila o di kaya direkta na sa mismong customer support nila. Magandang experience na din ito para sa ibang mga coins.ph user at pati na rin sa future users na kung sakali man na may problema at natapat sa weekend yung ticket niyo, expect niyo nalang na walang magrereply agad agad maliban nalang na mag-extend si coins.ph ng working hours o days para sa customer support nila.
10580  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 10:47:06 PM
Sunday ng umaga pero nagreply sila Monday na, mukhang kinukulang yata sila tao at hindi nila nasasagot agad ang mga queries, better siguro kung magkaroon din sila ng telegram group para agaran ang pag resolve ng mga issues.
Sunday naman pala yung ticket na sinend mo kaya asahan mo medyo matatagalan ang reply sayo kasi weekdays talaga ang pagsagot nila sa mga inquiries sa kanila. Hindi sila kulang sa tao, sadyang madaming users lang talaga ang nirereplyan nila araw araw ang laging may problema. Hindi na nila kailangan ng telegram group kasi mas magiging flooded lang ang mga concern dun. Di tulad sa mismong ticket system nila, pwede nila ireview isa isa yung mga concern. Kaya antay antay ka lang din sa reply nila.
Pages: « 1 ... 479 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 [529] 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 ... 695 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!