Bitcoin Forum
June 20, 2024, 07:32:06 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 [530] 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 ... 696 »
10581  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 16, 2019, 08:01:07 PM
meron ba ditong gumagamit ng cash out sa M.Lhuiller?kasi kaninang lunch kopa na send pero until now processing pa din in which hindi normal sa kanila,kaya nga nagustuhan ko M.Lhuiller compare sa LBC kasi instand withdrawal pero ngaun first time ko ma experience to.

salamat sa sasagot.nagkataon kasi na eto pinaka malapit pag nasa kabilang bahay ako kaya sila ginagamit ko but never naman ako nagka hassle until today
Parehas lang to sa method ng LBC, parehas mabilis makareceive ng tracking number to ha. I-message mo na coins support para ma update yung transaction mo kasi kapag may ganyan na delay sila na mismo nagpa-process niyan kapag nakita nila sa account mo na matagal tagal yung processing. Update mo nalang kami dito kung ano na yung nangyari sa transaction mo na yan.
10582  Local / Others (Pilipinas) / Re: Paano mag simula kumita ng crypto currencies on: October 16, 2019, 05:52:19 AM

~snip


Ikalawa, ay kung mamumuhunan ka at mag-iinvest. Pwede kang maglong-term hold or mag-trade. May mga useful links dito sa forum.

Kung mamumuhunan ako? maaari mo ba akong mabigyan ng links upang mapag aralan ko kung paano mamuhunan sa cryptocurrency? Gaano kataas ang risk nito? Paano ko maiiwasan ang pag kalugi?
Kung mamumuhunan ka, payo ko lang na invest mo lang muna yung kaya mo irisk. Ang risk sa pag invest sa bitcoin ay napakataas kasi volatile ang market nito at palaging nagbabago. Wag ka muna maginvest sa mga altcoins kasi mas mataas ang risk nun, di tulad sa bitcoin kahit papaano safe ka kahit na mataas ang risk mo. May wallet ka na ba? kung wala pa, create ka muna sa coins.ph at yang website na yan pwede ka na bumili dyan ng bitcoin at mura pa ang fee sa pag cash in.
10583  Local / Pilipinas / Re: [Take note]mga banta ng cyber -security on: October 16, 2019, 03:25:57 AM
Tanong ko lang, is this case usually happens to new smartphones only? Or kasama din yung mga luma na? Medyo mabilis na rin malowbat cp ko per 3 years naman na siya, may dapat ba ako ipag alala?
Nasabi mo 3 years na yung cp kaya tingin ko hindi yan crypto jacking. Dahil ang battery ng mga smartphone nade-drain din yan kapag chinacharge mo lang kapag 0% na. Kaya yung performance niya bilang isang battery nababawasan din. Kung afford mo naman na bumili ng bago, bili ka nalang hehe. Interesado din ako sa mga crypto jacking kasi karamihan naman sa kanila nakukuha lang yan kapag may nadownload kang mga app na hindi dapat, ganun din sa cryptojacking pero yung naapektuhan physically yung device, yan ang nakakabahala at doble abala pa kapag madalas mong gamitin yung device mo.

Mga kabayan, effective ba talaga ang paggamit ng anti virus sa phone? May narinig kasi ako na rumors before na ang DU battery or yung tulad na apps ay hindi naman talaga nakaka save ng battery so ganun din ang naisip ko sa mga anti virus apps. Gaano ito katotoo?
Hindi ko pa naexplore yung sa mga anti virus ng mga phone. Pero obviously yung pagdownload ng app tulad nyang du battery para maka save ng battery? di totoo yan, merong power saving mode ang bawat phone katulad sa mga android na madalas kong gamitin, nasa settings lang yun ng battery.
10584  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: PAC TOKEN Review on: October 16, 2019, 02:30:24 AM
Legit siya sa legit pero wala siyang pinagkaiba sa ibang mga token na dinala lang ng hype. Galing na din mismo kay Sen. Pacman na alam niya yung token kaya merong permiso na gamitin yung pangalan niya sa pagbuo ng token na yan. Ang concern dito kung ang presyo magiging mataas, maging mataas yan panandalian katulad lang din ng mga pump and dump na token. May usecase daw siya na magagamit sa mga merch niya pero hindi ideal yun bilang isang cryptocurrency. Kumbaga ang mangyayari parang magiging trading token nalang din yan kapag tumagal maliban nalang kung magfocus dyan si Sen. Pacman na malabong mangyari.
10585  Local / Pamilihan / Re: Yobit Exchange anong nangyari? on: October 16, 2019, 01:39:24 AM
I really hope it was only a maintenance  Undecided. Medyo kinakabahan tuloy ako kasi hindi ko pa nawiwithdraw yung naipon kong pera dun, huwag naman sana mawala. But well, siguro naman hindi sila gagawa ng ikasasama ng reputation nila. Chill lang muna tayo siguro.
I-withdraw mo nalang kung kinakabahan ka. @op okay na din sa end ko at iba't-ibang browser ginamit ko. Ngayon ko lang din nakita na naging ganyan yung website nila pero normal lang naman siguro yung ganyan na error kapag may binabago sila sa website. Tutal ayos naman na ang lahat at wala ng dapat problemahin pa. Sundin nalang ang payo ni mirakal.

So better lock this thread.
10586  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 16, 2019, 12:38:46 AM

I experienced this kind of scenario, way back 2 years ago na konti palang users ng coins.ph, nagwithdraw ako sa egivecash di lumabas yung pera tapos triny ko sa ibang machine nagamit na yung code kaya medyo nag alala ako non tapos nireport ko saturday yun pagkakatanda ko walang sumasagot sa support,nung nag lunes nagkaroong ng sagot ang sabi ifoforward nila sa security bank dahil di naman na daw nila sakop yung ganong problema dahil sa machine na daw yun after few days binalik yung pera ko sa wallet ko. Sana kapag friday nag iiwan na sila ng automatic reply sa email nila na nagsasabi na naka off ang mga tao ng weekend para sa iba na may problema di nag aalala kapag walang sagot sa email nila.
Pwede yan ma-suggest sa kanila. Ako dati naman kapag sa support nila, nagme-message ako sa FB page nila nag-rereply naman pero ilang saglit lang lahat ng inquiry sa page nayun pinapa-email nalang nila o di kaya direkta na sa mismong customer support nila. Magandang experience na din ito para sa ibang mga coins.ph user at pati na rin sa future users na kung sakali man na may problema at natapat sa weekend yung ticket niyo, expect niyo nalang na walang magrereply agad agad maliban nalang na mag-extend si coins.ph ng working hours o days para sa customer support nila.
10587  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 10:47:06 PM
Sunday ng umaga pero nagreply sila Monday na, mukhang kinukulang yata sila tao at hindi nila nasasagot agad ang mga queries, better siguro kung magkaroon din sila ng telegram group para agaran ang pag resolve ng mga issues.
Sunday naman pala yung ticket na sinend mo kaya asahan mo medyo matatagalan ang reply sayo kasi weekdays talaga ang pagsagot nila sa mga inquiries sa kanila. Hindi sila kulang sa tao, sadyang madaming users lang talaga ang nirereplyan nila araw araw ang laging may problema. Hindi na nila kailangan ng telegram group kasi mas magiging flooded lang ang mga concern dun. Di tulad sa mismong ticket system nila, pwede nila ireview isa isa yung mga concern. Kaya antay antay ka lang din sa reply nila.
10588  Local / Pilipinas / Re: Bakit mas magandang gamitin ang linux for mining on: October 15, 2019, 09:34:28 PM
Mas reliable nga siya kung Linux kaya pala may mga nakikita kong minero na namomoblema minsan sa settings nila kasi windows ang gamit. Yun pala minsan ang issue kapag windows ang gamit. Pero sa bansa natin agree ako sa sinabi ni adpin na hindi stability ng mining resources or os ang mahalaga dahil ang mas kalaban ng mga aspiring miners ay ang sobrang taas ng kuryente sa bansa natin, mangilan ngilan lang ang may resources na pwedeng magmina. Pero salamat sa mga information mo sana sa susunod parang may tutorial na at mga screenshot para mas detailed, yun lang naman. May mga suggestion na solar daw ang alternative pero hindi rin naman biro yung magiging investment para dun.
10589  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Tumaas ang Presyo ng XRP on: October 15, 2019, 07:52:03 PM
Nagpalitan lang sila nung mga nakaraang buwan ni Ethereum sa pwesto ng pagiging top 2. Tingin ko mahihirapan na maging top 2 ulit si XRP kasi ngayon merong inaasahan ang Ethereum yung 2.0 at pwede to maging hype nanaman para sa ETH. Tumaas man siya ng bahagya pero normal na yan sa isang cryptocurrency kasi lahat naman sila nagpa-fluctuate. Pero wish ko sa lahat ng mga nagho-hold nito kumita ulit ng medyo malaki laki at kahit malapit lang sa presyo nung 2017 ayos na.

10590  Local / Pilipinas / Re: Anung ginagawa nyo nung 2009 -2017 kung saan ang bitcoin ay ngsimula at kumawala on: October 15, 2019, 07:06:22 PM
Nakakapanghinayang pero ayaw ko nalang isipin na ganun na kesyo "sayang mura pa dati", "sana bumili ako dati pa". Move on nalang ginagawa ko at hinaharap yung kasalukuyan. Naririnig ko na rin ang bitcoin dati pa pero binalewala ko lang pero masaya pa rin ako kasi lahat tayo na nandito masasabing mga early adopter pa rin. Hindi natin alam kung ano magiging presyo niya sa mga susunod na taon kaya kung meron ka mang hinohold na bitcoin ngayon, maging masaya ka nalang. Nung mga panahon na yan, nagdodota at aral lang ako at hindi ko naman nireregret yun kasi masaya naman ako nung mga panahon na yun.
10591  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 06:22:53 PM
Active paba ang customer support ni Coins? Nag-iinquire ako lately pero walang sumasagot, nakainis lang minsan kasi kailangan na kailangan mo yung pera tapos biglang magkakaaberya ang pag cashout pero walang nakaantabay na customer service pag nag-inquire ka.
Oo active ang customer support ni coins basta doon ka mag-message sa mismong website nila. Kapag tapos na yung inquiry mo sa kanila, tignan mo email mo kasi doon sila nagrereply. Iba na kasi yung customer support nila, dati sa mismong website din sila nagrereply pero ngayon yung reply nila sa email nalang din. Tapos kung gusto mo magreply at may mga follow up question ka, doon mo nalang din itatanong sa kanila sa email na yun.
10592  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 10:22:20 AM
same here ok naman ang gcash kakasend ko lang for online payments and naglagay din ako sa gcash acount ko and all are smooth.
ano bang sinasabi ?i mean anong lumalabas pag nag withdraw ka?dapat meron error problem na sasabihin incase.
Wala daw error na sinasabi, automatic error kapag ganun kasi nirerefund ni coins.ph sa PHP wallet niya. Ganyan madalas mangyari sa akin naman kapag narerefund yung niloload ko sa mga nagpapaload sakin.

Inabot 8 hours ung processing time ng cash out kanina ko nakuha. Naka depende ata sa traffic ang pag processing time nila.

Sad to say di active ang staff ng coins.ph dito sa forum.

The thing happened kanina is minessage ko ang coinsph about sa cash out ko and then after 30-45 mins dumatin na yung pera sa wallet ko.
Sa akin naman 4 hours lang, nag cash out ako sa coins.pro ng 9am tapos nareceive ko na agad yung SMS notif ni coins.ph sa akin na nareceive ko na yung fund galing coins.pro ng around 1pm. Matagal ng hindi active yung staff nila dito kasi mas madali silang ma-reach sa mismong chat/email support nila.
10593  Local / Pamilihan / Re: Use your BTC on your Lazada Purchase (coins.ph>gcash>lazada) on: October 15, 2019, 08:21:23 AM
Waa! ayos to, tuwang tuwa misis ko habang binabasa ko itong thread. Napatingin nalang bigla sa Lazada app niya, sa shoppee lang ako madalas mag online shop kapag may mga kailangan kasi nga pwede bitcoin thru dragonpay. Ang ganda ng nangyayari sa coins.ph sana hindi magbago yung services nila. Dalawang kilalang online shopping sa Pinas accessible na sa pamamagitan ng wallet nila.

Kailangan ko pa pala maging verified sa gcash para makapag-send ako ng payment thru lazada.
KYC din yan pero ayos lang din naman yung feature.
10594  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 07:27:39 AM
meron ba sa inyo nagkakaproblema ngayon magcashout to gcash? kanina pa ako sumusubok pero narerefund sa peso wallet ko yung pera. nag check ako sa status.coins.ph pero wala naman nakaindicate na problema ng system particular sa gcash or instapay.
Katulad ng sinabi ko kanina, kakawithdraw ko lang at wala akong naging problema. Binasa ko yung post mo kanina at tama naman yung sinabi mo. Baguhan lang ako sa gcash pero smooth naging transaction ko at masasabi kong instant yung mga naging withdrawal ko transfer sa bank account ko.
Hindi kaya may mga mali sa mga details na prinovide mo for cashout sa gcash?
10595  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 15, 2019, 06:16:40 AM
Mayroon ba sa inyo na hindi makapagcashout gamit ang gcash,  nagkaroon kasi ng changes ang cashout sa gcash sa coins.ph direct na bank ata yun then nanhihingi sila ng account number, cellphone and then name ng account and them yung account number na nakalagay sa aking gcash card ay 16 digits ay yun ang nilalagay ko almost tama naman lahat ng nilalagay ko hindi ko lang alam kung bakit hindi pumpasok ito at binabalik nila ito sa coins.ph account ko ulit?
Bagong user lang ako ng gcash at successful naman ang mga transaction na ginawa ko. Tinry ko lang din yung binasa ko dito na small amount muna ang I-send para maverify kung yun at yun ang receiver which is ang gcash account natin. Wala akong naging problema. Yung 2% fee kasi na gcash process outlet ay hindi available sa ngayon at pwedeng alisin yan. Hindi ba yung gcash account number = cellphone number na pinang register? I-check mo ulit kasi yung sa akin ang nakalagay sa G-Xchange, Inc. (Gcash) ay Account number, Gcash Mobile number at Recipient Mobile number (number ko din nilagay ko). Naka apat na transaction ako para ma-testing at lahat instant pasok agad at successful.


Ohh talaga? ngayon lang ako sumali sa pa-raffle ni coins.ph pero matagal na akong gumagamit ng app nila. under surveillance naman sila ng DTI kaya tingin ko naman walang dayaan ang magaganap sa pa-raffle ni coins.ph kaya umaasa din ako na baka sakaling swertihin kaya nag cash-in ako 2 times ng minimum 100php para mayroon akong 2 raffle entry. ang talo ko lang dito ay yung transaction fee na 40php (20php fee/100php transaction) kasi sa gcash ako ang cash-in.
Oo kasi yung huling raffle nila, madaming beses lumabas yung name ng 2 winners ata yun o isa kaya yun nasa isip ng iba. Good luck pala sa entry mo.
10596  Local / Pilipinas / Re: Maliliit na trivia tungkol sa Bitcoin on: October 15, 2019, 12:22:13 AM
Di ko sigurado kung pwede itong isama sa trivia.
1st trivia: Original tweet: (https://twitter.com/gregschoen/status/70261648811761665?lang=en)
2nd trivia: Tinawag bilang "Bitcoin Jesus" si Roger Ver dati at tingin ko pwede rin siya isama sa trivia. Ngayon, alam naman natin kung ano na ang pinagkakabaalahan niya hindi ko sasabihin yung buong detalye kasi aware naman karamihan na tungkol dyan. Pero itong tweet ni Greg bilang trader, tingin niyo pasok ba yan as trivia? lagi ko kasing nakikita yan sa mga bitcoin/crypto pages.
10597  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 14, 2019, 11:29:03 PM
Nice, ayos din pala basta makapasok sa top 8.

Much better ngayon. First 100 qualified teams ang makakakuha ng automatic prizes. So kahit di kagalingan basta pasok sa first 100 easy diamonds agad. Tingin ko pa wala pa 100 teams na qualified ngayon kaya malaki pa rin chance na makakuha ng consolation basta maayos ang sinubmit na lineup.
Aim niyo na kahit Top 4, sure prizemoney ang meron sa inyo bukod sa diamonds kahit na mahirap manalo. At para sa lahat ng kasali na nandito, good luck sa teams niyo guys.
Meron pala ulit na pa-raffle si coins.ph pero iba naman ang mechanics, kailangan mag deposit ng 100 pesos para magkaroon ng 1 raffle entry. Ito pala yung terms and conditions nila baka may magwiwithdraw dyan at gusto subukan lang.
(https://coins.ph/blog/promo-cashin-10kcashinraffle-oct2019/)
Alam ko madami ng ayaw sumali sa pa-raffle nila kasi parang gawa na yung listahan ng mga winners. Pero try lang natin, ayaw kong mag-isip ng masama kahit na pa-raffle lang yan.  Smiley
10598  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 14, 2019, 10:17:16 PM
I have bills to pay sadly and gusto umaga dumating yung pera kasi 15 ngayon which is sweldo ng regular paying jobs at expected ang mahabang pila sa billing sections. I forgot to cashout kasi kaninang hapon and all of my credits is nasa coins.pro kaya no choice ako ngayon.
Medyo hassle nga yan pero anong bill ba yung babayaran mo? wala ba yan sa list na pwede mong bayaran thru coins.ph biller? Kasi ako madalas lahat ng bills ko puro kay coins.ph ko nalang pinapadaan. Libre na sa pila, hindi ko pa kailangan umalis ng bahay. Umaabot ng 3 days ang pag-credit ni coins.ph sa rebate para sa ibang bill ko tulad ng kuryente. Pero kapag yung phone plan at internet ang binabayaran ko sa kanila, umaabot lang ng ilang minuto.
10599  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Bakit bagsak ang Ethereum?! on: October 14, 2019, 08:18:26 PM
Mas maganda pa yung price ng Ethereum nung nagtanong si op last year. Ngayon, hirap na hirap maka-abot ng $200 pero kahit na ganun pa umaasa pa din ako na tataas ang Ethereum. Sa katunayan nga, medyo mataas taas ang prediction ko para sa end year. Pampadagdag encouragement lang din sa akin kasi medyo malaki laki ang loss ko hanggang ngayon sa Ethereum pero tiwala pa rin ako na magiging mataas ulit yan. Daming umaasa sa 2.0 / PoW - PoS transition at isa na ako dun na magiging maganda ang epekto.
10600  Local / Pamilihan / Re: Muli natin bisitahin ang Phishing at iba't ibang uri nito. on: October 14, 2019, 07:20:53 PM
Kala ko isang phishing lang at literal na lahat pero may iba't-ibang uri din pala ito, salamat sa information Baofeng! Yung sa pagkonek sa public wifi, tama talaga yun. Dati sabik na sabik ako kapag may free wifi pero nung may napanood ako na experiment sa youtube tungkol dyan. Doon na ako nag-start mag-ingat sa mga public places at hindi na kumokonek sa public wifi.

Malaking tulong ito sa gaya naming baguhan sa cryptocurrency. At maganda naidudulot sa atin sapagkat dahil dito ma aaware na tayo sa ganitong klaseng scam. Madalas naipapasa ang phising sites na ito sa atin sa pamamagitan ng email, kaya sa unang tingin mukhang legit ito ngunit ito pala ay patibong na maha hack ang ating account.

Kung tutuusin, kahit hindi ka naman nag ccryptocurrency ay vulnerable ka sa phishing. As long na merong kang mahahalagang account sa online na dapat ay iyong iniingatan ng maigi, ito ay vulnerable sa ibat ibang klase ng attacks partiklar na ay phishing, malware at iba pa. Dapat nating panatilihing nasa safe na storage ang ating mga accounts, mapa crypto man o kahit ano pang accounts ni walang kinalaman sa pera dahil ang mga kompyuter ay kaakibat na rin ng ating kaligtasan.
Well, tama. Kasi kahit nung wala pa yung cryptocurrency talamak na din ang phishing lalo na sa mga bank accounts. Mag-search ka lang sa facebook ang daming experience na magsisilabasan. Ingat lang sa paggamit ng internet at wag lang din panay click sa mga email kung may mga link na binibigay, maging mapanuri sa lahat ng oras.
Pages: « 1 ... 480 481 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 [530] 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!