Bitcoin Forum
June 19, 2024, 10:27:29 PM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 [532] 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 ... 696 »
10621  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Pagbagsak ng ICO on: October 12, 2019, 09:42:29 AM
Hanggang ngayon ay may ICO project pa din at kung titignan mo lahat ng project sa bounty section may makikita ka pa din na ICO project. Lagi akong pumupunta sa bounty section at mapapansin natin na kung hindi IEO ay ICO project ang makikita natin. Marami na din akong nabasa tungkol sa mga scam na ICO kaya ngayon ang ibang investors ay takot na mag invest dito at ang ibang investors naman ay nag iinvest na sa mga IEO projects.
Madami nang takot mag invest sa mga ICO kasi puro scam ang naging project nitong mga nakaraan lang. At maraming investors na din ang natuto at hindi na nagpadala sa hype ng ICO kaya isa na yan na pawala na sa crypto market. May mga mangilan ngilan pa rin naman na mga ICO investor pero hindi na yan tulad ng dati na halos lahat ng hard cap ng bawat ICO naaabot pero ngayon kahit nga ata $100,000 hindi na kaya ng isang project na legit tapos wala pang kilala sa team nila. Yung mga magaling sa marketing medyo nakakachamba parin.
10622  Local / Pilipinas / Re: Discussion on Philippine crypto wallets/apps on: October 12, 2019, 08:15:13 AM
Magandang marketing strategy ni Abra kasi halos karamihan ng mga pinoy crypto enthusiasts puro coins.ph ang gamit. Ang maganda lang dito kay Abra yung madaming supported na cryptocurrencies. Kaso sa cash out nila, tingin ko ito yung dapat na improve nila. Katulad ng kay coins.ph madami silang outlet ng transactions at method ng withdrawal at cash ins specific na mas madali para sa mga pinoy. Saka sana magkaroon sila ng desktop o web app nila kasi hindi naman lahat ng user sa smartphone lang nagte-trade.
10623  Local / Pamilihan / Re: SAFU web wallet stealing users data (and funds) on: October 12, 2019, 06:52:37 AM
Kaya ako hindi talaga ako nagtitiwala sa kahit anong extension. Mas mainam na umiwas nalang kesa sa maging isa sa mga biktima. Ang dami na kasing mga report na ganito dati pa kaya kahit anong extension hindi na ako gumamit. Yung metamask natry ko dati pero uninstall ko na din agad nung nagkaroon ng mga report. Ang daming nabiktima nitong safu wallet, tignan niyo mga reply sa tweet niya. Sa mga kababayan natin maging mapanuri nalang kung mahilig ka gumamit ng mga extension.
10624  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 12, 2019, 01:01:25 AM
Yes, tuloy ang ML Tournament and we joined again. We participated during the first tournament and chosen as one of the 8 teams na qualified although talo in the end. Kasali iyong Team Captain namin sa group chat nung parang spectator nila and they told us na they will announced the qualified teams at least a week before the start of the tournament.

Mas marami kasi ngayon ang kasali and lots of rounds di gaya last time na bracket kaagad and single game lang kaya I think they need more time to check those forms.
Good luck sa inyo harizen, nung nag top 8 ba kayo may prize na ba yun o wala?

haha, nang yayari talaga ung mga ganyan sa mga raffle meron pa nga sa mga mall kotse pa pinaparaffle tapos bunutan pa , tapos sa huli makikita mo sa video na nakita may nakaready na pala na papel bago pa bunutin 😂😂.

palabas lang yan para marami ung samali . Buti pa ung mobile legend tournament nila un sigurado na hindi talaga madadaya.
Pinanood ko yung live nila at pwede din naman panoorin ng iba na hindi pa nakakapanood. Merong mga pangalan na paulit ulit lang napili at 'swerte' daw sabi ni Pem hehe. Nung tinitignan ko yung name na nagra-random parang pare-parehas lang din sila. Pero kung may legit man na nanalo at hindi lang yun pakulo, congratulations ez P10k din yun.
10625  Local / Pamilihan / Re: Cryptocurrencies at Financial Planning on: October 11, 2019, 11:17:13 PM
.. . Magaling din karamihan magsalita sa kanila at may mga pinagmamalaking mga top advisor of the month, mga ganun pero kapag tinanong ko na ng mga simpleng bagay tungkol sa product nila, namimili din ng customer kahit na interesado naman.
Nakatyamba po siguro yan ng sales, baka interesado na talaga kumuha yung mga client nyan, na research na nila or kamaganak sila nung agent kaya kumuha. Better alam din po natin yung kukunin natin plan pero mas maganda maiiexplain sa atin ng maayos
Ang mahirap lang kasi sa mga nakausap ko, kapag nalaman nila na parang nagca-canvass palang ako hindi na sumasagot. Ayaw na nila mag-reply agad kaya nakakadismaya lang na imbis na gusto ko na din kumuha dati, parang nakakawalang gana. Pero meron din naman akong nakakausap na maayos din naman kaso nga lang hindi ako satisfied sa mga sinasagot nila. Meron bang insurance na isang buuan na yung bayad sa isang taon o di kaya one time payment? may ganun ba? yung mga nakausap ko kasi mga monthly payment yung inooffer para namang mabigat sa side ko kapag ganun kasi dami kong bills.
10626  Alternate cryptocurrencies / Altcoin Discussion / Re: Would you sell your entire crypto right now with 500 percent profit? on: October 11, 2019, 03:52:35 PM
Why there is a condition that you will never invest again? we are free to get out and get in to the market. 500% profit is just 5x and we can even earn more than that in the future through crypto. I wouldnt take that profit if the condition is like that but without conditions, I'll definitely take the profit.
10627  Local / Pilipinas / Re: [MALWARE] Crypto Stealing Malware Clipsa Targeted Computers in the Philippines on: October 11, 2019, 01:02:23 PM
Nakakatakot lang ito lalo na kapag public computer ang gamit mo for transactions.
Ang solusyon lang sa ganito, wag ka gagamit ng mga PC sa computer shop kapag magta-transact ka o di kaya wag kang kokonek sa mga public wifi kapag a-access ka sa mga wallet mo. Copy paste malware, dati pa yung mga ganyan at madami dami na din yung mga nabiktima ng ganyan.

Honestly, most of the time sa office desktop ako nagtratransact and natatakot ako kase baka yung mga files ng compant mahack dahil sa akin. Kaya dapat talaga doble ingat tayo, wag maging kampante kahit may anti virus kapa kase for sure if you clicked unfamiliar links, madadali ka talaga nito.
Wala ka naman dapat ikabahala kung maingat ka magsearch at magdownload. Kung safe naman yung mga website na bina-browse mo, wala ka dapat ipagalala, maliban nalang kung mahilig ka magdownload sa mga torrent sites na kadalasan doon galing mga malware.
10628  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 11, 2019, 11:50:53 AM
Naisip ko lang naman yun kasi maliit lang at sa M Lhuillier pwede ka maging franchise kaya yun lang din naisip ko sa maliit na branch ng mga LBC. Ang napansin ko lang na kaibahan M Lhuillier kasi parang lagi silang ready na may cash at may malaking vault sila sa branch nila pero nakakita na din ako ng maliit na branch ng M Lhuillier, swerte lang siguro talaga na hindi ko pa naranasan sa kanila yung naranasan ko sa LBC.


I didn't even know na pwede palang mag franchise sa M Lhuillier, and it's confirmed pwede nga that's why mas madali silang dumami.
I saw this one in the internet and I make it a basis to confirm your statement.

https://www.pinoymoneytalk.com/how-to-franchise-ml-kwarta-padala-express/

Meron.  Smiley
Kaya lang medyo off topic na yung discussion tungkol sa mga franchises dahil thread to ni coins.ph. Mahilig kasi ako mag-search ng mga ganyan kaya nalaman ko at yung mga kababayan natin na gusto mag-business pwede niyo na kayo mag-inquire.
Balik na tayo sa topic. Sa mga nag-abang pala ng mga winners ng P10k, meron ng result. Nag-live lang kani-kanina si Pem sa facebook page nila, check niyo kung isa kayo sa maswerteng nanalo.
10629  Local / Pamilihan / Re: (Guide) Paano kumuha ng Gcash Master Card (Delivery thru LBC) on: October 11, 2019, 10:29:32 AM

Bali ang withdrawal fee pala niya kapag sa ibang bank ay 20 pesos? mas malaki pala to sa kaya savings ni BPI na 15 pesos kapag ibang bank at 5 pesos naman kapag mismong BPI ATM ka magwiwithdraw. May idea ba kayo na bakit libre lang siya kapag sa RCBC atm nagwi-withdraw? applicable din siguro ito sa RCBC savings bank dahil iisa lang naman may-ari niyan di ba? parang sa BPI merong BPI Family, Chinabank at Chinabank Savings, etc.


Yes, the default fee is Php20 pesos per transaction sa kahit anong bank.

However, from the whole time na nagwiwithdraw ako sa RCBC ATM machine, talagang walang bawas. Kagabi lang at napost ko sa coins.ph thread na even Php 1,000 wala ring bawas kasi baka sa amount ang basehan ng fees.

Sabi nila nung una, may certain amount daw na libre pero ang laki na rin ng nawithdraw dito and 6-digits na rin kung susumahin. Di ko alam anong reason pero sa mga rural banks nababawasan ako or iyong mga di kilalang banks for me. Na-suggest ko na rin sa iba iyong about sa RCBC pero nababawasan talaga iyong iba. Pati sa BPI, BDO,Metrobank wala rin ako bawas pero last withdraw ko dyan about 2 months ago na so ayoko na ulitin kasi subok na sa RCBC na walang fees.
Yun Salamat sa reply. Ang dami pala talagang advantage kapag mag Gcash, kumbinsido na ako na mas okay yung ganitong cash out method kay coins.ph at hindi lang siya para doon kasi mismong ito na magiging other bank account ko. Hindi kaya merong partnership si RCBC at Gcash kaya wala silang withdrawal? Nabasa ko sa website ni gcash na maximum withdrawal ay 50k pesos per day w/ condition. Mukhang mas maganda alternative to kung pati sa ganyang amount free lang ang withdrawal sa RCBC atm tapos ang fee lang sa withdrawal sa coins.ph ay 10 pesos through instapay.
10630  Local / Pamilihan / Re: (Guide) Paano kumuha ng Gcash Master Card (Delivery thru LBC) on: October 11, 2019, 09:24:32 AM
Add ko lang, everytime na ginagamit ko yun Gcash card ko sa RCBC na ATM walang syang kinakaltas na 20php para sa transaction fee, I hope makatulong to sainyo kase sakin malaking tulong to, dahil madalas ako mag withdraw gamit yun card ko Smiley
Feedback nalang kung sainyo din gumagawa pag sa RCBC ATM nag withdraw Smiley
Bali ang withdrawal fee pala niya kapag sa ibang bank ay 20 pesos? mas malaki pala to sa kaya savings ni BPI na 15 pesos kapag ibang bank at 5 pesos naman kapag mismong BPI ATM ka magwiwithdraw. May idea ba kayo na bakit libre lang siya kapag sa RCBC atm nagwi-withdraw? applicable din siguro ito sa RCBC savings bank dahil iisa lang naman may-ari niyan di ba? parang sa BPI merong BPI Family, Chinabank at Chinabank Savings, etc.

Yong 2% cash-out fee from coins.ph to Gcash ay wala na since sa instapay ay php10.00 nalang ang babayaran natin at kung gusto mong umiwas sa bente na withdrawal fee sa ATM, doon ka mag-withdraw sa RCBC dahil marami na ang nakasubok, pati ako na walang bayad ang withdrawal sa bangkong iyon.

Napakalaki talagang advantage ang magkaroon ng Gcash card kung ikaw ay palaging nagka-cashout dahil 24/7 ang serbisyo nila.
Meron pa rin yung sa 2% fee ni gcash sa coins.ph kaso nga lang dahil may option na sa instapay, malamang mas maraming gagamit na nung option na yun.
10631  Local / Pamilihan / Re: Crypto-friendly Bank experiences on: October 11, 2019, 08:32:21 AM

Ganyan ginawa ko nung nag open ako ng bank account sa BPI, sigurado kasing itatanong nila saan ang source of fund mo. Hindi ko na sinabing crypto, pero ang sinabi ko nalang ay may kamag anak ako sa ibang bansa at padadalhan nila ako ng pera para sa pag aaral. Small account lang inopen ko yung walang maintaining balance, hanggang ngayon nagagamit ko parin.
Tinanong nila yan sakin at sinagot ko related sa crypto at trading pero wala naman masyadong alam. Tinanong ko pa nga yung staff nila kung aware siya sa ganun pero tahimik lang, kaya tingin ko may idea siya pero hindi niya akalain na legit parang ganun.
@greatarkansas, oo nga no masyadong underrated ang Unionbank pero sa totoo lang una sila na naging open sa cryptocurrencies. Pero saan ka magpapadala ng requirements nila kapag mag-oopen ka through app? sa mismong app lang din?
10632  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Makakatulong ito sa lahat ng Bounty Hunters on: October 11, 2019, 07:15:56 AM
@OP update mo na yung post mo. Wala na yung website.

This domain is registered at

This domain was recently registered at Namecheap. Please check back later!

Mukhang ilang buwan lang ata tinagal ng website na yan at parang trial and error lang ginawa ng developer niyan. Wala na din kasi ang bounty ngayon, dry na.
10633  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: ETH - 4TH QUARTER PRICE PREDICTION [GAME] on: October 11, 2019, 06:10:38 AM
Saan magbabase ng price? coinmarketcap ba? dagdagan mo ng rules samcrypto kung saan ka magbabase ng price pagdating ng date na sinet mo. Hindi din ako magaling sa technical analysis pero para sa akin ito gusto kong makitang price ng Ethereum sa pagtatapos ng taon.
$600
P.S. Ang ganda ng relo hehe.
10634  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 11, 2019, 05:21:34 AM
Wala naman yatang franchise ang mga malalaking remittance center like cebuana, ML, at LBC, yung LBC hindi lang talaga malaki ang pondo nila dahil hindi naman sila katulad ng ML na pwede kahit international remittance.

Pag ML, no problem talaga, I think mas marami pa silang funds compared sa cebuana based on my experience.
Naisip ko lang naman yun kasi maliit lang at sa M Lhuillier pwede ka maging franchise kaya yun lang din naisip ko sa maliit na branch ng mga LBC. Ang napansin ko lang na kaibahan M Lhuillier kasi parang lagi silang ready na may cash at may malaking vault sila sa branch nila pero nakakita na din ako ng maliit na branch ng M Lhuillier, swerte lang siguro talaga na hindi ko pa naranasan sa kanila yung naranasan ko sa LBC.

Ahh yun na nga, kapag yung pera mo nasa btc wallet wala silang kontrol dba. Kasi may nalala ako eh may friend ako sa fb na tinawagan ng coins dahil lumagpas na sya sa withdrawal limit panay cash in at cash out kasi sya in btc form, ayun tuloy na dale. Buti hindi ni lock yung account nya, binigyan lang sya ng custom limit pag lumagpas pa sya doon , ma ffreze na talaga account nya.
Oo wala silang control kapag pasok lang ng pasok yung pondo sa coins.ph account mo pero dyan na papasok yung limitations na per level ng bawat account. Nakapagtataka lang paano panay cash out yung kaibigan mo kung lumagpas na siya sa limit? siguro ang mali sa side na ito kay coins.ph.

10635  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 11, 2019, 12:10:23 AM

Gets ko tong sinabi mo, sa LBC ba ito? madalas din nangyayari sakin yan kapag LBC ang method ko. Karamihan sa kanila laging kulang yung cash na hawak nila, kasi yung ibang branch umaasa lang din sa padala ng mga client nila at yun yung papaikutin nilang pera. Pero, may branch akong alam na pupunta ka lang ng maaga tapos sabihin mo kung magkano(na malaki) yung claim mo para after ilang hours makukuha mo na. Ang kailangan mo lang magpa-reserve o magsabi sa branch staff.

This is not convenient, LBC has to address this problem, I think their main business is logistics and they just added the remittance features.
I also experience that, actually if i remember correctly, it's just php 20,000 and they can't cater my cash out and they forward me to the nearest branches and good thing I don't need to fall in line to the branches where they forward me, but if its really urgent, we cannot expect we will get our cash out right away. I suggest that they have to increase their funding and maybe increase their fee if necessary.
Tama si harizen, merong mga branch na maliliit lang. Hindi ko sure kung franchise siguro yung ganun. Meron nga, ₱5000 lang withdrawal ko pero naranasan ko na wala din daw cash. Hassle siya kahit maraming branch dito sa amin kasi maraming beses din halos lahat sila parehas lang sinasabi. Kahit i-address tong issue na to sa kanila, wala silang magagawa kung tutuusin nga maraming issue din sila sa mga shipping nila. Try mo nalang din yung ginagawa ko kapag malaki yung cashout mo, agahan mo nalang tapos pareserve ka sa staff tapos kapag sinabing balik ka nalang at pina fill up na sayo yung form, pasyal ka nalang muna. Kahit na medyo hassle at aabot ng mga ilang oras pero at least sigurado ka sa malaking halaga na macash out sa kanila. Tayo lang talaga din ang mag-adjust kahit na ayaw natin.

Sa may M Lhuillier naman, ang pinakamalaking nawithdraw ko ₱20,000 at kabutihang palad naman lahat ng withdrawal ko wala silang problema at laging may cash ready sila.
10636  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 10, 2019, 10:40:44 PM
Sana at sana na isa lng gusto ko magkaroon din naman ng COINS.PH branch na pwede tayo mag withdraw! hello alam nting hindi lang 400K ang withdrawal sa bull run gawin nyu naman na 1M tapos  wala pa budget ung mga partners nyo!
Maganda itong idea mo sa coins.ph branch o kaya kahit sa mismong office ka nila mag-withdraw, tipong over the counter coins.ph version. Napaka ganda nun kasi kapag need mo ng cash na medyo malaki hindi mo na hahati hatiin yung transaction mo, isang bagsakan lang makukuha mo na doon sa office nila.

tapos  wala pa budget ung mga partners nyo!
Gets ko tong sinabi mo, sa LBC ba ito? madalas din nangyayari sakin yan kapag LBC ang method ko. Karamihan sa kanila laging kulang yung cash na hawak nila, kasi yung ibang branch umaasa lang din sa padala ng mga client nila at yun yung papaikutin nilang pera. Pero, may branch akong alam na pupunta ka lang ng maaga tapos sabihin mo kung magkano(na malaki) yung claim mo para after ilang hours makukuha mo na. Ang kailangan mo lang magpa-reserve o magsabi sa branch staff.
10637  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: [ANN] OKEx - Ang Pinakapinagkakatiwalaang Digital Asset Exchange on: October 10, 2019, 04:57:18 PM
Masyadong malaki yung width ng image mo kaya ang lumalabas na error "invalid image" daw.

Edit ko lang width/height.

Mas ok na siguro yung ganito.


10638  Local / Pamilihan / Re: [TUT] How to withdraw your Bitcoins in 1 minute? NEW UPDATES via COINSPH on: October 10, 2019, 03:19:43 PM
Parang ganito din kasi gamit ni GCASH papunta sa bank account mo , less than 5mins , dadating na agad.
Katulad ng sinabi ko nung nakaraan di talaga ako nagg-gcash pero nung nakita ko itong thread at tinignan ko details sa website nila. Parehas na ginagamit ni coins.ph at gcash ang instapay, mas nauna lang si gcash. Ngayon para sa mga may banks account na supported ni instapay through coins.ph, hindi na talaga papadaanin pa sa gcash.

Parang napansin ko, di lahat ng oras may lumalabas na option na CASHOUT via InstaPay, at di pa lahat ng bank pwede gamitan niyo.
Ito lang yung kinalulungkot ko, yung bank account ko hindi supported ni instapay pero antay antay lang baka pati yun I-update na sa susunod ni coins.
10639  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 10, 2019, 02:27:46 PM
-snip-

Nabalitaan ko nga na nangyaro iyan. Mahirap din kasi sumali sa mga HYIP o ponzi at gagamitin ang coins.ph na account at dito ittransfer ang ating pondo dahil masring ka talagang ma ban at hindi na makakagawa pa ng account. Dahil meron sinusunod na batas at para narin sa anti-money laundering.

Mas okay na sa pag ttrade galing ang ating pondo para may maipapakita tayo na portfolio o transaction history para iwas hold o ban ng account natin.
Ito yung mga panahon na kasagsagan ng mga nauuso na HYIP at ginagamit yung bitcoin sa pang-sscam nila ng mga kababayan natin. Nasa terms yan kasi ni coins kapag na-detect na galing sa mga ganyan yung pondo, may karapatan silang I-suspend yung account. Millions din yung pondo na yun kasi sinadya niya pa mismo sa office nila tapos may mga kaukulang document siyang dinala na katibayan na sa kanya yung account na ban. Parang nagpa-notaryo pa siya nun, mahaba yung post na yun kapag makita ko ulit, post ko yun ditto.

Naisip ko lang na baka pag yung pundo mo e tatransfer mo na funds sa coins.ph is naka btc form, parang wala atang limit restrictions? Di ako sure ha. Tsaka na siguro ma momonitor ng coins yung balance mo kapag na convert na into Php. Kasi in the first place, kung hindi pa eligible yung account mo to acquire and hold millions of pesos, bakit pumasok yung ganun kalaking pera sa account mo? Pero usually, pag active yung naka register na mobile number mo sa coins e tatawagan ka nila to comply necessary documents, hindi yan basta2 e hohold ang account mo na hindi ka na iinform.
Sa pag send sa coins.ph account, walang limitations yan. Ang merong limit lang yung sa cash out method. Kahit hindi verified yung account mo basta meron kang BTC wallet, pwede ka tumanggap ng kahit magkano, hindi yun kontrolado ni coins. Ang kontral lang nila kapag palabas na pera sa platform nila. Kaya nga merong by level at limit yung mga accounts di ba? kasi pwede niya I-withdraw yun ng malakihan.
10640  Local / Pamilihan / Re: Cryptocurrencies at Financial Planning on: October 10, 2019, 12:52:51 PM
... Ang hindi ko lang nagustuhan kasi parang dina-down na agad nila yung mga clients nila na kesyo magkakasakit at walang pang gastos o kaya biglang mamatay. Para sa akin, maganda ang may insurance pero hindi pa rin ako kukuha niyan, depende rin kasi sa agent na kausap mo, meron dyan yung gusto lang commission at kapag dating mo sa claim, wala na biglang lay low na. Yung sa financial education at pagpaparami ng source income maganda yun pero pagdating sa insurance, hindi muna talaga.
There are agents na masyadong pushy na nakakainis na minsan, I suggest if may kamag-anak tayo or kakilala na nag-a agent mas better sa kanila kumuha since having a Financial Advisor is a Lifetime commitment kaya mainam if makakasundo yung agent, just check lang the company credibility and plan na kukunin. Don't close your door to the idea of having one padin po someday since merong mga living benefits din po ang insurance.
Tama, lifetime commitment yan kaya habang nag iisip din ako kung kukuha ba talaga ako. May mga review akong nababasa na tungkol din sa pangit na serbisyo ng ibang agent. Mas maganda yung committed talaga as a financial advisor at mas kilala mo na din, hindi yung kung sino sino lang. Magaling din karamihan magsalita sa kanila at may mga pinagmamalaking mga top advisor of the month, mga ganun pero kapag tinanong ko na ng mga simpleng bagay tungkol sa product nila, namimili din ng customer kahit na interesado naman.
Pages: « 1 ... 482 483 484 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 [532] 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!