Wow napaka informative. Ang akala ko walang interes ang karamihan sa mga kababayan natin sa ibang sports bukod sa boxing, volleyball at basketball. Madami din pala ang sumusubaybay sa soccer at yang charts na yan nakaka surprise kasi pangalawa yung match365 at sunod sa basketball. Meron bang stats kung ilang downloads ang galing mismo dito sa Pinas?
|
|
|
Gusto ko sana magbayad ng kuryente namin pero ayaw. Tiningnan ko ibang bills payment na options, sira pala ang Bayad Center ngayon ng coinsph. Matagal na ba o ngayong araw lang? Mahirap pala pag hindi ito maibalik kaagad. Nakakaubos ng araw pumila para lang magbayad ng maliliit na bills.
Currently under maintenance ang bayad center ng coins.ph ngayon from 8pm nov5 upto 3am nov6 More info here: https://status.coins.phKakabayad ko lang ng internet bill ko at nag proceed naman at nagbigay rin ng rebate. Ibig sabihin counted yung payment ko. Wag ka matakot na hindi mababalik agad agad yan basta ma-address mo lang agad sa support nila, mabibigay nila yan basta makita nila na sa end nila yung mali. Dapat pag magbabayad ka ng bill sa coins.ph dapat laging advance at hindi yung naghahabol ka ng oras na malapit na sa due date kasi yun ang talagang problema.
|
|
|
Tumpak! Kahit na custodial wallet ang coins.ph di parin matatawaran ang service na binibigay nila sa kanilang users. Kumbaga parang all-in-one na or simply wala ka nang hahanapin pang iba where from load to paying bills or game credits napakadali nalang which is really a big save up of your time and effort kaya sila tinatangkilik ng maraming pinoy crypto users dahil dito.Sa ngayon walang company ang makakatapat kung ano man ang inioofer ng coins.ph.
Safe tip lang kaibigan, much better kung sa electrum wallet mo nalang i save ang iyong btc holding rather than on blockchain wallet.
Yung sa service na ino-offer ni coins.ph wala talagang masasabi yung ibang exchange sa bansa natin. Kahit na may mga nauna pang exchange kesa sa coins.ph, mabilis siyang umangat dahil nga sa convenience na binibigay niya at sa dami ng mga partners nila. Kahit na walang private keys na binibigay, madaming nagtitiwala at para sa akin mas okay ang coins.ph kung madalas na PHP wallet lang ang lalagyan mo para sa mga service o di kaya magbebenta ka sa coins.pro. Tama ka, wag lang magstore o maghold ng bitcoin na medyo malaki sa kanila.
|
|
|
ganun talaga eh sasabihin nalang natin na ang pagsisisi ay nasa dulo pero ang totoo wala sana nagsisisi kung walang naghangad ng sobrang laki . but lets be contented kasi hanggang ngayon andito tayo at sadyang lumalawak ang pagkakilala sa kakayahan ng cryptocurrency at alamn na natin ang gagawin sakaling magkaron ng bullrun ulit. Kung naging kontento lang talaga pero kasi naging overconfident din kasi ang karamihan sa atin kaya hindi rin masyado nakapagbenta. Pero tulad nga ng sinabi ko, natuto na tayo sa nangyari at tingin ko mababa nalang ang porsyento na mangyari yun ulit. May ideya na tayo kung paano I-take ang situation kung sakaling tumaas ulit at hindi na dapat pairalin masyado yung pagiging greedy.
|
|
|
Sa tingin ko ang Bitcoin Halving ang pinaka most promising, Dahil nakita naman natin noong 2017 kung saan nag boom ang presyo ng Bitcoin dahil iyon ay epekto ng Bitcoin Halving, At ngayon na mauulit nanaman ang bitcoin halving sigurado ako na tataas nanaman ang presyo ng bitcoin. Sana ay domoble pa ito sa unang ath
Yan ang pinakahihintay ng lahat. Kahit na hindi lang naman yan ang magiging dahilan ng pagtaas ulit ng bitcoin pero isa yan sa pinaka exciting na magaganap. Yung mga pangyayari nung mga nakaraang taon pagkatapos ng halving, ito yung pinaka-ineexpect ng karamihan. Wag lang din masyado magmadali kasi baka hindi rin agad agad tumaas yung presyo pagkatapos mismo ng halving. Siguro pagkatapos ng mga ilang buwan saka ulit aangat.
|
|
|
1. Magtungo sa google at itype ang grammarly
Sa dinami-dami ng mga naglipanang phishing sites ngayon, hindi best practice ang magtungo lang sa google at mag-type. Madalas nyan, ang unang magpapakita ay mga sponsored ads. Mas maganda din kung ilagay na lang sa OP (step 1) yung legit website ni Grammarly https://www.grammarly.com/ Pabor ako dito kapag google lang kasi madalas may mga phishing sites na unang lalabas tapos sponsored ads pa ni google. Mas maganda kung direkta na I-search ang URL nila kesa gumamit ng search engine. May mga monthly payment din ang Grammarly pero may mga feature na syempre wala sa free version nila, ito ay kung gusto mo lang din naman mag purchase at ituturing mo din siyang investment para mapakinabangan yung ibang features niya.
|
|
|
Update lang sakin, as of now smooth na ulit pag log in ko sa gcash app ko pero ewan ko ba kung bakit yung cash in ko to gcash ay hindi pa din pumapasok I guess kailangan ko na nga icontact ang easypay pra sa transaction ko
Don't you mean Instapay? yung bagong partnership ni coins ngayon para sa mabilis na transaction sa gcash? Best of luck sa pag contact kay coins dahil minsan kailangan kulitin pa ang customer support nila. Instapay nga ang tinutukoy niya dyan. Sa pag contact naman sa customer support ni coins.ph wala akong problema kasi okay naman sila para sa akin at laging nag rereply, hindi nga lang instant pero less than an hour nagrereply na sila sa akin kapag may concern ako. Minsan hindi lang isang support nila kundi dalawa kapag nagpalit ata sila ng staff na nakamonitor sa mga customers concern nila. Basta office hours lang sila lagi nagrereply kaya laging tignan yung oras kapag magsesend ng ticket sa support.
|
|
|
Who's currently having a problem logging in at GCASH?
Kanina pa to. Di ko alam kung sa internet ko pero mabilis naman.
Di ko tuloy macheck kung nag-reflect na funds ko from coins.ph kanina madaling araw since wala ring text.
Kakatry ko lang ngayong 5:36 ng hapon at okay naman walang problema. Baka sa connection mo na yan o di kaya may problema talaga si gcash nung sinusubukan mong mag log in. Try mo nalang ulit ngayon baka okay. I don't if some of you have observed this pero itatanong ko lang dito mga brad.
When i send some BTC to my coins.ph wallet address it almost took fours before the btc arrive while it's almost instant when i send some btc to my online bookies account. Pareho lang naman yong sinet ko na transaction fee, sa slowest para makamura.
Saan yong may problema ko na account? It's not a big deal pero curious lang ako.
Walang problema sa account mo. Talagang na tyempo lang medyo mabagal yung network habang nagse-send ka sa BTC coins.ph wallet mo.
|
|
|
Ano po masasabi nyo sa wallet na ito, hindi sya app pero nasa browser. nagkakaroon kasi minsasn ng problema sa Coins.PH tulad na pag lock nila ng wallet mo. https://www.rebit.ph/ ito yung sinabi sakin ng kaibigan ko. ano tingin nyo mga master? meron na ba gumagamit sa inyo nito? Hindi siya wallet kundi isang exchange. Matagal na yan at legit na company ang may hawak niyan ay SCI, Satoshi Citadel Industries. Ang co-owner niyan ay si Miguel Cuneta. Hindi ko pa siya nagamit pero kung sakaling magkaroon ng problema kay coins.ph isa na yan sa option ko. Guys hindi bago ang rebit, matagal na po yan. Tignan niyo website ng company nila pati na rin ibang exchange na mina-manage nila. ( https://sci.ph/) Bro, hindi sila yung may scam accusation. Kapag binasa mo yung article, nagbibigay sila ng warning na ginagamit yung company name nila ng mga scammer.
|
|
|
wala, mabilis na pinapasara ng yung mga nag stream ng NBA games. Sa NBA philippines LIVE kanalang manood kaso pili lang yung pinapalabas.
May mga nakikita pa rin akong nagli-live kasabay ng NBA Philippines katulad kahapon pero sa ibang game. Di ba kahapon laban ng Lakers at Spurs nung nag search lang ako meron agad mga lumabas na livestream naman ng laban na yun. Hindi ko lang alam kung gaano katagal yung tinagal kasi nga pag may nag-report agad agad tiyak na mawawala agad yung stream. Meron naman akong nakikita na mga live din sa youtube pero hindi video kundi play by play action at graphics lang.
|
|
|
May 2 uri ng simcard ang isang Cellphone. yung ginagawa natin sa coins.PH is to send load to users (pre-paid). Yung tinatanong nya po ata ay yung sa reloader mismo. magkaiba po iyon. tulad ng mga sim card na hawak ng mga sari-sari store owner. Yun ay loader sim,
Well, dependi ata sa cellphone unit brod kasi itong cp ko 1 lang ang simcard hindi dalawa, Nokia 3310 kasi. Baka you mean na dual sim ito. Hindi ko pa rin lubos maintindihan brod bakit ba gagamit pa siya ng simcard reloader ehh yong Coins.ph mismo ay reloader na bakit pa compare natin sa sari-sari store number ehh same lang din naman na load darating sayo. Pag sa globe naman may auto unli gosurf na din. Hindi dual sim ang tinutukoy niya kundi yung retailer sim. Di ba dati walang coins.ph at nagpapaload tayo sa mga tindahan? at iilang tindahan lang dati ang pwede mag load. Yung sim na gamit nila, hindi yung ordinary sim na nabibili natin at ginagamit natin personal. Yun yung retailer sim na pwede mag load sa ibang sim. Sinabi naman niya na yung dahilan kung bakit natanong niya kasi minsan may mga pagkakataon na delay yung pag load ni coins.ph kaya yung customer niya, apektado kapag delay. Kumbaga, back up niya yan kung sakaling mabagal ang loading ni coins.ph. Baka itop yung mean mo, magkaiba ang load na darating sa coins.ph at yong sa retailer sim mo. Pariho lang yon brod.
Hindi bro, magkaiba ang load wallet at load na ginagawa ni coins.ph.
|
|
|
wala naman nang maitutulong ang pagsisisi at pang hihinayang instead gawin nalang nating aral to upang wag nang maulit sa mga susunod na panahon. sa cryptocurrency ang lahat ay nagsisimula palang dahil ito ay naka design para sa future at hindi lang sa pang kasalukuyan,kaya kung iniisip nating late na tayo or wala nang chance kumita?nope nagkakamali kayo dahil mag invest lang tayo pakonti konti pag dating ng panahon ay magugulat nalang tayo sa magiging value nito Totoo, tapos na din naman na ang nangyari at wala na tayong magagawa kundi magpatuloy nalang. Para sa mga nalagpasan ng pagkakataon nung 2017, marami pa namang chance at hanggan ngayon, tuloy tuloy lang. yun naman Talaga ang dapat na gawin kapag ang mga crypto user and investors dito ay kumita dapat talagang magtayo ng mga business dahil para mas mapabilis ang pagkita ng pera. Kung hindi man malaki ang kinikita atleast yung kinita niya ay nagamit sa pagapapatayo ng negosyo at kapag lumago ito ay para narin nakatulong ang bitcoin Dahil ito ginamit nito profit mula sa crypto as puhunan. Yun ang isa sa mga magandang nangyari kasi may remembrance ka nung kumita ka at habang may pagkakataon ka pa rin kumita sa crypto, may business kang nakikita na naipundar mo.
|
|
|
Ang lahat ay history nalang kung baga hanggang sa isip nalang ang mga nagdaang pangyayari na minsan iniisip natin kung ano ang pinakabest na gawin sa kinita natin para mamaintain natin ang paglago hanggang ngayon. Sa ngayon meron akong naipon at nakapagnegosyo hindi naman malakas ang kita pero mas ok na kahit papaano.
Ang mahalaga nakapag pundar ka sa mga kinita mo sa crypto at wala ka nang dapat pagsisihan at wag ng alalahanin pa yung panghihinayang na nangyari nung mga nakaraang taon. At kung naniniwala ka na pwedeng mangyari ulit yung nangyari sa history na hindi naman ganun katagalan dahil ilang taon palang ang nakalipas, tiwala lang at hold lang ng mga makabuluhang coins.
|
|
|
Oo pasalamat nalang tayu at may free, at bilang isang Lakers fan maswerte ako at ito yung napili nilang e live hahaha. Kaya nga kesa sa magreklamo, libre na nga magrereklamo pa ba hehe. Salamat nalang talaga kinonsider tayo ng NBA para magkaroon live coverage sa ibang games nila. Oo kaso di effective kung tira lang ng tira at di masyado mag exert ng effort sa depensa nakaka apekto sa mga kasama mo yun kagaya nalang kung minsan nalagpasan si Harden hindi niya hahabolin nakatayo nalang siya at hahayaan niya ng makapuntos ang kalaban. Sinabi na din ni Kobe na yung playstyle niya hindi para sa championship. Tsaka mahilig pa siya sa flops, effective cguro noon pero ngayon natuto na ang mga referee. Siguro naman dumaan sila sa isang coaching sequence at pinag usapan na yang bagay na yan. Mas effective siya sa shooting kaya pinapaubaya sa kanya yung position niya at yung iba naman walang magawa kasi nga parang alaga siya ng Rockets.
|
|
|
Pili nga lang talaga yung nili-livestream sa NBA Philippines. Live ngayon yung Lakers vs Spurs pero sa page nila wala. Pero malay natin baka sa mga susunod na buwan baka halos lahat na ng laban I-cover nila kaso nga lang baka humina sales nila sa league pass. Kung may gusto manood ng replay sa Rockets Vs. Heat nasa page nila.
Expected na yan basta live stream bro. Kung e co.cover nila lahat ng games talagang mawawalan sila ng client sa NBA league pass, specifically dito sa bansa natin. Kaya kung sapat talaga ng oras para mapanood lahat ng games na gugustuhin mo, sulit naman yung $169 full season sa league pass medyo mahal nga lang haha. Minsan may ibang mga fb users naman na nag papa live stream ng ibang team, kaya lang kung hindi lag/blur ma puputol naman pagka lipas ng ilang minuto. Yun nga eh kaya tama lang pala yung diskarte nila sa mga selected games. Sulit talaga yung nba league pass kaso syempre alam naman natin na yung halaga yan pwede natin igastos sa ibang bagay dahil may libre din naman. Pasalamat nalang ako na may livestream sila sa mga selectes games.
|
|
|
Problema kasi si Harden sa rockets eh ayaw ibigay ang bola sa ibang kasama tapos hayahay kung mag depensa.
Yan kasi ang play style ni Harden at hindi naman yan problema kasi nga sa opensya siya nakatutok. Meron namang kanya kanyang role ang bawat player nila at dahil yan naman ang forte niya. Minsan maganda at minsan hindi naman ang nadudulot nung playstyle niya, ika nga eh balance lang.
|
|
|
Pili nga lang talaga yung nili-livestream sa NBA Philippines. Live ngayon yung Lakers vs Spurs pero sa page nila wala. Pero malay natin baka sa mga susunod na buwan baka halos lahat na ng laban I-cover nila kaso nga lang baka humina sales nila sa league pass. Kung may gusto manood ng replay sa Rockets Vs. Heat nasa page nila.
|
|
|
Kung ganyan din naman ang resolusyon ay trading na talaga ang kailangan nating pagtuunan ng pansin para mas malaki ang kitaan. Dahil baka kasi kahit anong gawin natin ang mining ay hindi talaga para sa atin dahil na rin na nasa Pilipinas tayo na isa sa pibakamahal na kuryente pero kung sa hinaharap ito ay mababawasan ay maganda na magmine na kahit ako bibili talaga ako ng mining machine kahit may tax pa yan. Trading ang alternative talaga natin at para sa mga hindi makabili o hindi komportable bumili ng miner kasi nga natatakot na malugi, ito ang solusyon natin dyan. Marami ring cost ang mining at hindi siya talaga para sa lahat. Kaya yung mga kababayan natin na nagmimina at nag invest ng malaki at nagpapatuloy, alam nila yung ginagawa nila. Pero nung mga nakaraang taon kasi nga all time high, madaming nakisabay lang sa pagmi-mine kasi nga malaki ang daily at yun lang ang tinitignan nila.
|
|
|
Ideya ng Facebook ang Libra at binubuo ang organisation ng ibat-bang kompanya. Sa opinion ko lang pwede paring magpatuloy ang Libra kahit kumalas man si Zuckerberg naka depende sa maiiwan na miyembro ng organisation. Tama ka dyan, kasi yun na din mismo ang sinabi ni Mark Zuckerberg at meron na ding mga investors kaya magpapatuloy yan kahit anong mangyari. Madami na ang kumalas sa kanila pero hindi sila natinag pati na rin yung threat sa kanila ng gobyerno ng US pero nagbigay na ng salita si Mark na siya na mismo magvo-volunteer exit kung sakaling pigilan pa rin para lang matuloy ang project na yan. Malapit na din kasi silang mag launch at mukhang malaki talaga yung na invest na mismo ng FB sa project na yan.
|
|
|
Ang pingatataka ko lang kung bakit di na part si Mark ng Libra, eh sya naman ang Founder ng Facebook, any source?
He's not part? Pero diba siya yung ginigisa ngayon ng congress? So if he's the person to face the congress with the problems of the coin, then technically, he's part of it. Part pa rin siya ng Libra meron nga siyang statement ang sabi niya, handa siyang umalis sa Libra kung saka sakaling pigilan ng gobyerno at merong mga implications - parang ganyan yung statement niya. May hiwa hiwalay na part yung hinaharap ni Mark Zuckerberg sa senate/congress, yung isa dahil sa maanomalyang data gathering ng facebook at yung isa para talaga sa libra. Cmiw
|
|
|
|