Bitcoin Forum
June 16, 2024, 03:14:02 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 [535] 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 ... 695 »
10681  Local / Pilipinas / Re: [Koro-Koro] mga magaganap sa taong 2019-2020 on: October 05, 2019, 10:21:23 AM
Looking forward ako sa halving. Ito lang talaga ang inaasahan ko sa ngayon pero hindi magiging agaran yung epekto nito sa pagtaas ng presyo ni bitcoin. Pero at least, napatunayan na maganda epekto pagkatapos mangyari ang halving.

Maganda ang mga susunod na events at dapat nating abangan except sa Bakkt medyo nakaka disappoint kasi mababa masyado ang traded volume. Ang mga futures contract may posibilidad na makahatak ng presyo sana bago man lang mag-end ang taon tumaas.
Tapos na kasi ang Bakkt at so far hindi naman ganon kabilis ang reaction. Pero tingin ko may reaction yan sa long term.
10682  Local / Pamilihan / Re: Mga bounty hunters ginagamit madalas ng mga scammer para makalikom ng pera on: October 05, 2019, 08:42:32 AM
Yung sa bounty na nagrerequire ng deposit muna, karamihan sa ganun scam. Kasi parang narinig ko yan nung 2017 pa na maraming nagrereklamo sa mga bounty na ganyan pero sige parin ang pagsali. At sa panahon ngayon, pahirapan na ang mga bounty hunting ngayon. Sobrang hirap na makahanap ng legit na bounty at alam na yan karamihan ng mga bounty. Research lang din muna bago sumali sa isang bounty kasi kung sa porsyento parang 95% scam at 5% lang ang legit.
10683  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 05, 2019, 04:14:19 AM
Eventually, na move namen lahat sa bank accounts and ATM.. Ang problema ngayon is sinasangla nila sa mga pawnshops o loan sharks, mga payday loans. Hindi na namen problema yun, pero bakit pa kasi ... anyway, buhay nila yan.
Medyo off topic na ito pero uso yung ganito. Kahit sa amin merong mga nagsasangla ng mga ATM nila parang cash advance din nila at nakasanayan na nila. Meron akong tito at tita sa ganitong kalakalan yumaman.

Sa pagkakaalam ko, sa coins.ph may limitation ang pwede mong i-withdraw na cash depende sa level ng account mo. Basically, the more you fill and provide your personal information (IDs, domicile address, etc.), mas malaki yung pwede mong ma-cash out na pera.

Isa pa, sa coins.ph madaming options na pwede mong piliin sa mag-cash out ng pera mo at pwede mo nga mismong i-transfer sa bank account yung funds mo directly. Although kung millions yung dedeposit mo, mas maganda kung mas madami kang platforms na gagamitin para hindi mag raise ng suspicion sayo mga bangko.
Level 3 lang okay na pero hindi pa yun yung sagad na limit pero super sulit na yung daily limit nun. Mas okay talaga yung suggestion na wag isang buo yung I-withdraw o biglaan na isang milyon o kalahating milyon o di kaya nga kahit 100k. Pa konti konti lang kung medyo may worry ka sa malaking halagang withdrawal.
10684  Local / Pilipinas / Re: Investing on cryptocurrency is too hard for others on: October 05, 2019, 03:10:59 AM
Isa sa mga dahilan kung bakit na didiscourage ang mga pilipino na mag invest sa financial market at sa cryptocurrency market ay dahil sa bulok na Education system. Hinde masyadong tinuturo ang about sa cryptocurrency at financial market at ito ay nag reresulta sa kawalan sa kaalaman ng mga pilipino.
Tingin ko walang kinalaman ang sistema ng edukasyon sa bansa natin kapag patungkol sa cryptocurrency. Pero may butas talaga ang sistema ng edukasyon natin kapag sa pagtuturo sa paraan ng pag-iinvest. Kasi hangga't maaari sa medyo mababang level palang dapat tinuturo na talaga ang pag-iinvest katulad sa ibang mga bansa, open sila sa pag-iinvest. At nasabi kong hindi konektado ang sistema ng edukasyon kasi bago bago palang ang cryptocurrency at medyo namulat sa mga scam ang karamihan sa mga kababayan natin. Kaya ang ending, hindi natin masisisi yung iba kung ayaw na nila sumubok pa.
10685  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 11:43:13 PM
@harizen chineck ko yung sa cashout method ni coins.ph pero wala akong makitang instapay na feature niya, sa website kasi nila ako madalas mag-browse at hindi sa mobile. Tinignan ko na din sa 'All Services' pero hindi ko makita yung update na yan.
Karamihan lang na naga-appear sa cashout method ay puro 'coinsxpress'. Sa mobile app palang siguro updated at wala pa sa website nila sana update din nila para sa aming mga browser users.

Pati sa web updated bro. Madalas din ako sa web. Sila ang unang na-uupdate kaysa sa app.

CoinsXpress ang tawag sa coins.ph services na almost instant. All services tagged as CoinsXpress for cash-in and cash-out means may feature for instant like GCASH, LBC etc.

Click the BANK mismo then makikita mo iyong available for that bank.
Salamat sa mga info na yan. Hindi kasi ako nag-proceed I-click yung mga banks at sadly wala nga yung bank na gamit ko pero yung mga nabanggit mo meron nga. Andun lang pala, kaya pala tingin ko wala yung update sa website.
Mukhang napapaisip nanaman ako kung oras na ba para mag-open sa mga bank na available yung instapay, kasi ang mura lang ng fee nila. Sa halagang sampung piso, halos instant na din agad sa bank account.

@blockman, please check below link baka makatulong yan sa concern mo. Sa website ng coins.ph ko yan binukasan, updated naman siya.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5165643.msg52636013#msg52636013
Salamat! Nakita ko na, hindi ko kasi tinuloy clinick kanina yung mga available na banks. Sa bank ko lang kasi ako nakatingin na hindi kasali sa update.

I also noticed this one but unfortunately they don't have BPI in the list which is the only bank I opened an account with.
Parehas tayo pero malay natin baka tinatrabaho na din nila yan at sa susunod na update kasama na BPI. Smiley
10686  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 10:35:19 PM
@harizen chineck ko yung sa cashout method ni coins.ph pero wala akong makitang instapay na feature niya, sa website kasi nila ako madalas mag-browse at hindi sa mobile. Tinignan ko na din sa 'All Services' pero hindi ko makita yung update na yan.
Karamihan lang na naga-appear sa cashout method ay puro 'coinsxpress'. Sa mobile app palang siguro updated at wala pa sa website nila sana update din nila para sa aming mga browser users.
10687  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Marami pa ba sa inyo ang kumikita sa pag bobounty? on: October 04, 2019, 09:37:58 PM
Marami pa rin naman kumikita sa pag bounty kaso nga lang sobrang tagala lang talaga nila mag bayad. Kaya yung iba sumuko nalang sa pag bounty, Pero kung titiisan marami pa rin naman mga magaganadang bounty campaign if kung ma tyaga lang talaga tayo mag hanap. At mag ingat nalang rin din tayo sa mga scam na bounty baka di tayo mabayaran sa huli.
May kita pero chambahan nalang kung kumita ka ng malaki laki. Karamihan kasi sa bounty ngayon, super delay na nga magbayad kadalasan wala pang halaga yung token na ibabayad nila sayo. Ang dami ko ng nababasa na reklamo at yung mga full time na bounty hunter nawawalan na ng pag-asa kasi nga yung nakasanayan nila, naninibago na sila. Kahit minsan na matyaga ka maghanap, meron talagang pagkakataon na sobrang dalang lang ng mga mapipili mong bounty.

Eh kung di tayu maka tsamba brad, eh gutom aabutin ng ating pamilya lalo na pag wala nang matitinong bounty campaign sa ngayon. Masyado nang mailap ang mga taong naniniwala sa mga bagong proyekto, kaya kadalasan sa mga bounty ay di pa nagbibigay nga kanilang mga tokens kagaya ng last bounty na sinalihan ko ngayong taon.
Wag lang kasi aasa sa mga bounty. Alam naman natin na hindi lang yan ang pwedeng gawin, mag-aral ng ibang skills dahil malawak naman ang pwede pagkakitaan online. Hindi pang habambuhay ang mga bounty at hindi rin pang habambuhay na magta-trabaho. At saka dapat lagi kang open na mag-aral pa sa mga ibang bagay kasi parang may back up plan ka. Katulad ng nangyayari, dahil humina na, lipat ka na sa ibang bagay na pwede mo paglaanan ng oras kasi ngayon halos sayang lang oras sa bounty.
10688  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Marami pa ba sa inyo ang kumikita sa pag bobounty? on: October 04, 2019, 12:30:31 PM
Marami pa rin naman kumikita sa pag bounty kaso nga lang sobrang tagala lang talaga nila mag bayad. Kaya yung iba sumuko nalang sa pag bounty, Pero kung titiisan marami pa rin naman mga magaganadang bounty campaign if kung ma tyaga lang talaga tayo mag hanap. At mag ingat nalang rin din tayo sa mga scam na bounty baka di tayo mabayaran sa huli.
May kita pero chambahan nalang kung kumita ka ng malaki laki. Karamihan kasi sa bounty ngayon, super delay na nga magbayad kadalasan wala pang halaga yung token na ibabayad nila sayo. Ang dami ko ng nababasa na reklamo at yung mga full time na bounty hunter nawawalan na ng pag-asa kasi nga yung nakasanayan nila, naninibago na sila. Kahit minsan na matyaga ka maghanap, meron talagang pagkakataon na sobrang dalang lang ng mga mapipili mong bounty.
10689  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 09:22:10 AM
yang sa BPI ay kung hindi ako nagkakamali is transfer fee which is understandable naman pero yung sa BDO kasi OTC na weird talaga para sakin. meron pa bang ibang bangko na meron fee sa OTC transactions? ang alam ko kasi BDO lang meron ganun
Wala akong ibang account kaya di ko din masabi pero tingin ko meron din naman sigurong fees kapag outside Metro kapag mag OTC.

Nakuha ko yung 6 digit worth na pera na dineposit ko sakanila. Pinapili ako if icloclose ko ang account ko or mag bibigay ako ng proof of transaction kung saan ang root nung pera which is sa trading. Una tinry ko isubmit ang coins.ph transactions ko kahit paonti onti ang lagay ko sa bdo para mabuo yung 6 digit na yun. The thing is di nila inaccept, sa tingin ko nag background check sila sa coins.ph at nakitang wallet lang ito kaya ang nangyari is humingi sila ng pinakaroot transaction which is galing nga sa trading, The thing is ang karamihan ng transactions ko sa history ay nabura na dahil nabura na ang iba sa history ng trading account ko and I use multiple trading sites, Alam naman natin ang ibang coins ay di available sa ibang exchange kaya nag mumultiple trading site ako.

Hangang sa di tumalab yung binigay kong proof sakanila, ayaw tangapin kasi iba ni rerequire nila eh kaya pina close ko nalang ang account and urgent din yung pera na yun. I hope na di na ganto ngayon ang BDO, Around 2017 nangyari ang case ko ehh.
Siguro nung mga panahon na yun di pa matunog pangalan ni coins.ph at hindi pa nila kino-consider yun kasi nga wallet ang tingin nila. Pero ngayon kung magpapasa ka siguro ng proof na galing sa kanila tingin ko wala ng magiging problema. Kasi approved at monitored na ng BSP si coins.ph kaya tingin ko aware na sila sa existence niya. Ang mahalaga ngayon, nakuha mo na pala yung pera mo doon at mas mabuti na iclose mo nalang para walang sakit ng ulo, dami din naman ibang choices dyan.
10690  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 03:41:01 AM
Personally ayoko din sa BDO, dami nila masyadong fees at iba ibang klase pa. Meron pa nga sila nung fee na kapag nag deposit ka from province papunta sa account ka in-open sa metro manila meron pa silang fee ulit na 100 pesos so prang WTF anong klase fee yan e online naman lahat ng process
Sa akin dati nung nag deposit ako sa bayaw ko 50 pesos naman ang fee pag outside Metro Manila. Well, dyan sila kumikita at lately lang naman din sa BPI kapag magse-send ka ng funds sa ibang account meron na ring fee. Kaya wag nalang magtaka kung halos lahat sila merong mga fee na chinacharge. Kung gusto makatipid sa fee, may mga ibang option sa pag withdraw kaso yun nga lang may mga aberya tulad ng sa EGC at medyo mababa lang din ang limit.

sa over the counter deposit yang fee na sinasabi ko bro, at sa tingin ko wala naman sa ibang bangko dyan at sa BDO lang meron ganyan kaya hindi ko sya nagustuhan masyadong garapal para sakin. ang tagal tagal mo na pipili para lang mag deposit sa kanila tapos may extra fee pa na sa tingin ko hindi naman kailangan. saka hindi masasabi na dyan sila kumikita kasi alam naman natin na ang bangko nagpapaikot din ng pera yan so sobra naman pati yung deposit meron pang fee
Oo alam ko din yan sa OTC kasi nagdeposit din ako mismo dyan dati. Yung sinasabi ko naman sa BPI eto yung update na yun, nakaraang July lang.

(https://news.abs-cbn.com/business/05/31/19/from-free-to-a-fee-bpi-to-start-charging-online-and-mobile-app-transactions)
10691  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 02:51:47 AM
Personally ayoko din sa BDO, dami nila masyadong fees at iba ibang klase pa. Meron pa nga sila nung fee na kapag nag deposit ka from province papunta sa account ka in-open sa metro manila meron pa silang fee ulit na 100 pesos so prang WTF anong klase fee yan e online naman lahat ng process
Sa akin dati nung nag deposit ako sa bayaw ko 50 pesos naman ang fee pag outside Metro Manila. Well, dyan sila kumikita at lately lang naman din sa BPI kapag magse-send ka ng funds sa ibang account meron na ring fee. Kaya wag nalang magtaka kung halos lahat sila merong mga fee na chinacharge. Kung gusto makatipid sa fee, may mga ibang option sa pag withdraw kaso yun nga lang may mga aberya tulad ng sa EGC at medyo mababa lang din ang limit.
10692  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 04, 2019, 01:59:02 AM
atleast zero fee pa (except BDO)
Kakacheck ko lang mismo sa coins.ph sa option na BDO pero ang nakalagay ay libre lang. Hindi kasi ako BDO account pero mukhang libre na siya ngayon. Dalawang BDO yung nasa option at parehas din naman walang bayad.

Yups wanna na tee and BDO kasi yan ang gamit ng utol ko and ok naman din ang service though ayaw ko  talaga sa mga negosyo ni Henry Sy lol
Bakit naman ayaw mo sa mga negosyo ni Henry Sy? Sa mga feedback sa BDO karamihan dito nagwi-withdraw sa bangko na yun ay puro positive feedback naman.

Ok Lang sakin ung 5php per withdrawal kasi halos kapitbahay ko Lang ang BPI branch dito so less hassle ako everytime I need to cash out
Para lang yan sa BPI ATM ha, pero kung ibang bangko na ATM may patong na siguro mga sampung piso. May mga ibang bank na dinagdag si coins.ph pero hindi na ako familiar dun. Karamihan sa mga dinagdag mga international bank, siguro may mga client din sila na yun yung bank account na gamit.

Sorry for having this but I don’t recommend BDO for big transaction. Maybe on other banks is good enough to let us cash out big amounts. I’m sorry for not recommending BDO.
Bali ngayon hindi mo pa nakukuha yung 6 digit na dineposit mo sa kanila? marami din akong narinig na parang same case mo kapag malaking amount parang red flag agad ng system nila. Pero karamihan din naman sinasabi na maganda, siguro learn from your experience nalang at magtry nalang din sa iba.
10693  Local / Pamilihan / Re: Mga exchanges nag uumpisa ng umalis sa cryptoworld on: October 04, 2019, 01:15:51 AM
Mababawasan lang naman ng exchange pero tuloy tuloy parin naman at walang dapat ikabahala kasi mga international exchanges naman yan. Kabahan nalang tayo kung isa si coins.ph na magdeclare ng closure. Pero hangga't okay naman ang business nila walang dapat problemahin. Siguro ang pangit lang na magiging epekto yung sa mga media kasi pangit na imahe ang ibibigay nila at kung may aalis man, sigurado merong dadating mas maganda. Basta wag lang mawala yung mga malalaking exchange.
10694  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 04, 2019, 12:09:19 AM
Hindi naman ganon kalaki pero hanggang 10k lang pala in limit, ngayon ko lang ito nalaman ah. nang sa ganon kasi hindi tayo mabibigla kapag nagwithdraw lalo na kung ma hold pa yung funds. mukhang bank account nalang talaga ang pag-asa. sana nga hindi bigla bumaba ang preyo ng bitcoin para walang kaltas ang mga kita ko.
Mind you lang na karamihan sa mga bank accounts P20,000 lang ang limit na withdrawal kada araw. Pero ang Landbank ata parang P50,000 pesos kasi may nabasa ako na sila lang yung nag-update ng ganun katas na withdrawal limit. Sa akin kasi ang maximum lang daw na pwede I-withdraw ay P20,000 pero may mga narinig din ako sa ibang banks na P30,000 naman. Mukhang nagre-ready ka na at malaki laki yung iwi-withdraw mo ha.  Grin
Pwede ka din naman mag LBC, M Lhuillier at Palawan na maximum per day ay P50,000.

Right, ang EastWest is Php50k daily limit sa ATM withdrawal, BDO is Php25k, BPI is Php25k pero sa akin 20k pa lang limit na, Metrobank is around Php30k,  Union BAnk is Php20k per day. That is according dun sa mga pinagbuksan kong account.  But then pwede mo namang irequest na lakihan ang allowable withdrawal per day.  Like for example, Union Bank pwede irequest P100k or more per day but the problem is kung mawala ang atm mo at nandun ang pin eh malamang ubos ang laman ng ATM.   Kung malaking pera ang ilalabas pwede ka naman magopen ng account sa iba't ibang bank para maaccomodate malaking withdrawal mo.
Sa BPI na confirm ko na P20,000 kasi nasubukan ko na mismo. Nagwithdraw ako P20,000 ng isang araw at hindi pa tapos ang 24 hours nagtry ulit ako at sabi nga ng error message na nareach ko na yung daily limit ng withdrawal. Mas mataas pa pala sa ibang banko yung limit kaya mas marami ng choice si yazher kung paano niya I-cacashout yung milyon milyon niya. Napakagandang problema nga sabi ni sir Dabs hehe.

magandang problema yan. Tulungan kita. hehehe.
Oh yazher meron nang alok na tulong galing pa kay sir Dabs haha.
10695  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [Facebook Libra] Beware mga kabayan! on: October 03, 2019, 02:46:20 PM
Nakaraang araw pinuntahan ko yung website nila talagang effort na effort ang scammer na parang isang legit na Libra site. I'm sure mayron silang nabibiktima lalo mga newbies sa crypto, dapat sinishare ito para naman aware ang mga crypto users.
Kawawa yung mga hindi aware tungkol sa kung ano ba talaga ang Libra. Syempre karamihan sa mga wala masyadong alam sa crypto, maha-hype sila kaya kapag may makita sila at mukhang legit naman talagang bebenta sa kanila. Hindi ko din akalain na may mga mabibiktima pero ganyan talaga mas prone ang mga newbie na mag invest sa mga scam lalo na kapag kulang sa knowledge. Hindi pa nga nilo-launch, meron agad? doon palang kataka taka na pero sana malaman din yan ng iba pang mga newbie sa crypto.
10696  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 03, 2019, 12:11:39 PM
~

Matagal ko ng gusto mag upgrade hanggang sa lvl 3 sa coins.ph alam ko naman kasi na tataas yung withdrawal limit kada araw. kaso lang hindi ako yung nagbabayad ng mga ilaw tsaka tubig. yung barangay clearance ba ay Ok na gamitin pang lvl 3? o may tendency na hindi tatanggapin? gusto ko lang ma maximize yung knowledge ko sa paraan ng pagwiwithdraw ng malaking halaga mahirap na kasi pag-nagka anumalya. alam nyo naman dito sa atin maraming biglaang nangyayari. at tsaka para na rin mabasa ng mga kababayan natin ang mga hakbang na dapat gawin.
Pwede yung mga gov't ID mo na may address ng bahay niyo. Katulad ng UMID, Driver's License kasi wala sa listahan nila yung barangay clearance (https://support.coins.ph/hc/en-us/articles/360000012161-Which-IDs-are-accepted-for-the-ID-verification-process-).
NBI / police clearance ang pwede, yun nalang kunin mo basta nakapangalan sayo at current address mo. Kasi yung P400k limit per day sa level 3 pasok na pasok na yun kung malaki talaga mga transaction mo at kung hindi pa rin sapat, go ka naman sa level 4 custom limit.
10697  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 03, 2019, 11:35:01 AM
Ganyan yung limit pra sa ATM withdrawal pero syempre pwede ka mag withdraw ng malaking amount kung mag over the counter ka kahit pa 100,000 pesos or pataas pa yan walang problema yan pero syempre kung mas malaki pa baka kailangan mo mag bigay ng advance notice kasi may mga bangko na walang malaking cash na available so parang irequest mo pa earlier sa kanila
Oo sa ATM withdrawal yan, hindi ko na nabanggit yung over the counter kasi madalas naman kaya tayo nag-oopen ng bank account kasi less withdrawal hassle at mas mahaba madalas ang pila kapag OTC ang method na gagawin mo.

Na try ko na rin kasi mag convert ng BTC sa coins, hindi rin sya unlimited pag nag convert ka, baka siguro Level 2 lang ako pagkaconvert mo ng lets say 50,000Php hindi kana maconvert ulit kailangan na maghintay ka kinabukasan bago ka makaconvert muli. sa mga naka lvl 3 naman jan? unlimited naba yung pag convert sa coins? o may limit parin naman.?
Mag-upgrade ka na kahit at least level 3 ka lang. Merong limit ang Level 3 kada araw, maximum of P400k ang pwede mo i-withdraw in total yan ha, combination ng lahat ng cash out method na gagawin mo. Sa custom limit(level 4) ata parang P5M ang maximum per day kasi "up to" nakalagay. Makikita mo yung limits sa website mismo. (https://app.coins.ph/limits)
10698  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 03, 2019, 10:22:06 AM
~snip
Mind you lang na karamihan sa mga bank accounts P20,000 lang ang limit na withdrawal kada araw. Pero ang Landbank ata parang P50,000 pesos kasi may nabasa ako na sila lang yung nag-update ng ganun katas na withdrawal limit. Sa akin kasi ang maximum lang daw na pwede I-withdraw ay P20,000 pero may mga narinig din ako sa ibang banks na P30,000 naman. Mukhang nagre-ready ka na at malaki laki yung iwi-withdraw mo ha.  Grin
Pwede ka din naman mag LBC, M Lhuillier at Palawan na maximum per daytransaction ay P50,000.
Teka lang, wala akong alam na mga ganyang limit sa mga bangko. Hindi kaya ATM withdrawal ang binabanggit mo?

Wala din akong narinig na ganyang limit kapag sa mga remittance centers gaya ng LBC. Parang meron na ako nabasa sa CoinsPh official thread na nakapag-withdraw ng lampas Php100K thru LBC.
Oo yung ATM limit yung tinutukoy ko dyan kasi nabanggit niya na din yung tungkol sa bank account pwede mo I-check sa website ng mga bangko or kung wala pwede mo sila itanong directly tungkol sa withdrawal limits nila per day. Sa LBC per transaction pala at hindi per day, P50k lang ang limit per transaction, try mo input P100k ang lalabas na message ay ganito.
Quote
50000 PHP is the maximum amount for this option. Please enter a lower amount.

2 or more transaction siguro ginawa nung nagwithdraw na lagpas P100k. I-correct ko lang pala. Mali yung nasabi ko na "per day" ang tama pala "per transaction".

Eto pa, sobra-sobra pa ang mga withdrawal limits sa CoinsPh
Withdrawal limit yan per account pero yung sa withdrawal method tulad ng LBC, Palawan at iba pang remittance meron silang limit per transaction.
10699  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 03, 2019, 09:12:20 AM
Hindi naman ganon kalaki pero hanggang 10k lang pala in limit, ngayon ko lang ito nalaman ah. nang sa ganon kasi hindi tayo mabibigla kapag nagwithdraw lalo na kung ma hold pa yung funds. mukhang bank account nalang talaga ang pag-asa. sana nga hindi bigla bumaba ang preyo ng bitcoin para walang kaltas ang mga kita ko.
Mind you lang na karamihan sa mga bank accounts P20,000 lang ang limit na withdrawal kada araw. Pero ang Landbank ata parang P50,000 pesos kasi may nabasa ako na sila lang yung nag-update ng ganun katas na withdrawal limit. Sa akin kasi ang maximum lang daw na pwede I-withdraw ay P20,000 pero may mga narinig din ako sa ibang banks na P30,000 naman. Mukhang nagre-ready ka na at malaki laki yung iwi-withdraw mo ha.  Grin
Pwede ka din naman mag LBC, M Lhuillier at Palawan na maximum per day ay P50,000.
10700  Local / Pilipinas / Re: Malaking pera, galing sa crypto on: October 03, 2019, 06:29:10 AM
Mga tol hindi na ba kaya ng Gcash pag malaking pera na ang e wiwithdraw mo?
may mga limitations din ba sila o mga nahold na funds?
Hindi ako gumagamit ng gcash pero baka mas makatulong to sayo: https://www.gcash.com/frequently-asked-questions/
Tapos punta ka sa Fund Management and then sa pinakababa makikita mo yung tanong at sagot sa limit nila. I-quote ko nalang para mas madali.

Does my GCash wallet have a maximum limit?
If you are not a fully- or partially-verified GCash user, your maximum wallet per month limit is P40,000. If you are a fully-verified user, your maximum wallet limit per month is P100,000.

Sa inyong mga experience ano2x ang dapat gawin kapag milionan na ang pera mo galing sa crypto.
need your answer mga kabayan.
Mukhang malaki laki kinita at naipon mo.  Shocked
Pages: « 1 ... 485 486 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 [535] 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 ... 695 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!