Bitcoin Forum
June 20, 2024, 08:59:34 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 [537] 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 ... 696 »
10721  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 01, 2019, 04:13:14 AM
Lately naeenjoy ko ung loading ng grab load using coins.ph very helpful talaga kasi no need na magdala ng cash or in any emergency na naubusan ng cash makakapag book ka pa rin ng masasakyan using dragon pay. With how Coins.ph handled the business every Filipino's enjoy each benefits not just a crypto wallets but also those services na pinoprovide ng system nila sana nga sa mga susunod na update mag integrate na rin sila ung tipong parang paymaya na pwede na natin magamit sa mga malls pambayad ng groceries natin.
Matagal ko na itong ginagawa magmula nung nag-browse at nag-explore ako sa app ni grab tapos nakita ko sa option ng cash-in andun yung coins.ph. Convenient nga talaga, hindi ko alam bakit hindi ito ina-announce ni coins.ph kasi dagdag exposure to sa kanila ganun na din sa mga grab users para ma-try nila yung convenient way ng paggamit ng coins.ph to grab balance. Kapag walang cash at gipit tapos nagmamadali ka pa, cash-in lang gamit app ni coins at instant yung pag-credit sa grab balance.
10722  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: totoo ba to tungkol kay BINANCE on: October 01, 2019, 03:33:19 AM
Kung ako sayo, wag ka masyado maniwala hanggat hindi galling sa isang legit source. Tignan mo yung description ng nagsasabi na magshutdown ang Binance. Ang sabi ng article, isa siyang BSV supporter at alam naman natin na maraming galit sa BSV at BCH. At hindi ba nakapagtataka kasi delisted ang BSV sa Binance? Maaring personal na atake yan.
(https://www.binance.com/en/support/articles/360026666152)
baka linilinalang nila mga tao dun sa article na ginawa nila para lang magkagulo ung mga traders sa Binance
Nangyayari talaga yan kasi nga media. Walang bago sa mga media, naglalabas sila ng mga article na pabor sa isang panig at pangit naman na imahe para sa kabilang panig. Kaya itong article pwedeng ginawa lang para direktang atake sa Binance. Kung iisipin natin, napakalaking kumpanya na ng Binance at hahayaan ba nilang magsara nalang sila ng ganung katagal? ang laki ng kinikita nila kada araw at lahat ng compliance gagawin nila para lang hindi ma stop ang operation nila.
10723  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: totoo ba to tungkol kay BINANCE on: October 01, 2019, 02:48:48 AM
Kung ako sayo, wag ka masyado maniwala hanggat hindi galling sa isang legit source. Tignan mo yung description ng nagsasabi na magshutdown ang Binance. Ang sabi ng article, isa siyang BSV supporter at alam naman natin na maraming galit sa BSV at BCH. At hindi ba nakapagtataka kasi delisted ang BSV sa Binance? Maaring personal na atake yan.
(https://www.binance.com/en/support/articles/360026666152)
10724  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: October 01, 2019, 01:23:31 AM
Ask ko lang sa mga gumagamit ng coinspro since nabanggit mo na din dito, may problema pa din ba sila sa pag exchange o transfer ng funds? kasi before may mga nagrereklamo na hindi daw kagad mawithraw yung funds para mapaikot lalo na kapag nagkakaroon ng pagbabago sa presyo.

Hindi instant ang pag transfer ng coins/pera mo from coinspro to your coins.ph account, 24 hours processing. Pero ang Coins.ph to coins.pro instant deposit naman.
Tama ka dyan, hindi talaga siya instant pero may mga pagkakataon na nangyari sakin na pagkatapos ko mag-trade sa coinspro at cashout agad merong mga less than 24 hours akong transaction. Yung pinaka mabilis kung pagkaka-alala ko ay mga 4 hours lang. Tingin ko kaya nila nilagyan ng delay yung transfer sa coinspro to coinsph para hindi ma-abused ng mga mahilig mag-arbitrage. Namiss ko tuloy yung dating coinspro na instant yung pagcashout. Kaya yung mga nagrereklamo siguro mga di na sanay sa instant withdrawal.

As I've posted here before, nakasali kami as Top 8 nung 1st event nila pero di pinalad. Magaling iyong nag-champion and mga pro player talaga at I think nanghiram lang ng coins.ph account para makasali lol (biro lang).
Bawal ba yung mga player na nasa pro-scene?
10725  Local / Pamilihan / Re: Small-time tech shops accept Bitcoin as payment on: September 30, 2019, 09:37:04 PM
Astig! may mga kaibigan ako dyan sa Mandaluyong masubukan ko nga i-share sa kanila mukhang first time to na merong sari-sari store na nag accept ng bitcoin. Tingin ko na walang problema naman dyan sa nagtitinda at well aware naman siya siguro talaga sa bitcoin. Mahina nga ang demand kasi kokonti palang talaga ang nakakaalam ng bitcoin pero nakakatuwang isipin na makakita ka ng ganyan. Simula palang naman yan at kapag nag boom ulit at umingay pangalan ng bitcoin, madami ulit macu-curious.
10726  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 28, 2019, 08:42:02 PM
Mas mabuti na wag mo nalang gawin kasi may mga experience na yung ibang kababayan natin dito kung ano yung nangyari sa mga account nila.

What do you mean by this na wag nalang gawin brad? I'm more into crypto gambling and so far hindi pa naman nagka-problema yong account ko dahil siguro maliit lang yong withdrawals ko.

Online casino account >>mobile wallet>>coins.ph account

^^ that's the process i follow, withdrawal and depositing. I think it's the ideal, delikado kasi pag galing sa online casino account directly to your coins.ph account. 


Siguro nga dahil din sa amount at volume ng transaction meron sa account mo. Akala ko ang gagawin mo itutuloy mo yung direkta galing sa casino, sige good luck sayo bisdak.  Smiley

Mas mabuti na wag mo nalang gawin kasi may mga experience na yung ibang kababayan natin dito kung ano yung nangyari sa mga account nila.

Di marurunong dumiskarte yang mga nagkaproblema sa mga account nila dahil sa gambling.

Kahit di sa gambling galing ang nareceive nilang funds, talagang kkwestyunin kung regular at medyo malaki iyong pumapasok sa account. Saka puwede naman di sila umamin na galing sa gambling pero iyong iba dyan umamin e. Pag labag sa terms wag na kontrahin at gumawa na lang sana ng ibang way.

Di masususpend ang account kahit sa gambling site ang pondo basta tamang chillax lang at wag puwersado.
Yan din ang nasa isip ko yung volume pero meron din talaga na pag nagkataon at nainterview ka ni coins at sumagot ka kung saan galing ang source mo at sinabi mong casino, yari ka kasi nga nasa ToS nila.
10727  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 27, 2019, 10:38:12 AM
magkakaissue ba pag sinabing galing gambling ung money?
Oo may issue yun dahil nasa TOS/user agreement yun ni coins.ph

Prohibited Uses include transaction or activities related to:

(c) Gambling: Online gambling, lotteries, casinos and informal gambling, gaming operations, sports betting, and other games of chance and forms of speculation;

Salamat nito @blockman, ngayon ko lang ito nakita na bawal pala ang pera na galing sa gambling activities na ipasok sa coins.ph.

I think it would be wise to heed @Dabs advise na ipasa muna sa ibang wallet at hindi directly ipasa sa coins.ph account pag galing sa online casino yong pera.
Mas mabuti na wag mo nalang gawin kasi may mga experience na yung ibang kababayan natin dito kung ano yung nangyari sa mga account nila.


Do you have a problem loading with Globe load guys? Kanina mga 3:30pm until now as of posting this.

Not updated sa Globe since Smart user ako pero if there's something wrong sa to-up load, lagi naman may notification as usual. Pero wala naman notification about error pero bumabalik lang iyong PHP amount sa akin. Nilolodan ko kasi iyong ka-officemate ko.

Nag-test ako sa Smart using my own number and ok naman natanggap ko naman agad. So sira ang Globe ngayon?
Kapag binabalik yung amount sa PHP wallet mo meaning na hindi talaga nag proceed yung transaction at ni-refund nila coins.
10728  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 26, 2019, 05:47:14 AM
magkakaissue ba pag sinabing galing gambling ung money?
Oo may issue yun dahil nasa TOS/user agreement yun ni coins.ph

Prohibited Uses include transaction or activities related to:

(c) Gambling: Online gambling, lotteries, casinos and informal gambling, gaming operations, sports betting, and other games of chance and forms of speculation;
10729  Local / Pilipinas / Re: [Digital asset act of 2019] umuusad na sa Senado on: September 24, 2019, 11:21:16 AM
Fasten your seat belt mga kababayan, baka ito na nga ang matagal na nating hinihintay na taxation of cryptocurrencies. It would be interesting to know where and how they will tax crypto-enthusiast like us, so abangan nalang natin ang kaganapan sa Senado pero mukhang busy sila, matalakay kaya ito. Ang ganitong mga bagay ay hindi sikat, hindi sila makikinabang dito (politics wise).
Dyan talaga papunta yang hearing na yan, kasi merong interest na sila at nakikita nila na maraming mga kababayan natin ang kumikita ng malaki pero hindi sakop ng batas ang taxation.
Positive parin sa side nating mga crypto people kasi nga meron na tayong matibay na sandigan at yun yung gobyerno natin.
10730  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 19, 2019, 11:17:19 PM
Salamat sa mga sumagot sakin tungkol sa pagbayad ng late due date bills, hindi ko na tinuloy kasi baka ma stuck lang din yung transaction ko at baka magkaproblema pa ako sa pagbawi ng pondo ko.

safe ba coins.ph to bank?
Safe ito.

Madaming beses ko ng nagamit yung feature na ito at walang problema naman sa parte ko. Kung magwiwithdraw ka nga lang dapat bago mag 10am para sigurado na bago mag 6pm ng parehas na araw na iyon ay nakadeposit na kasi kapag lagpas 10am ka magwithdraw sa bank account mo, expect mo na kinabukasan na yan o di kaya umabot pa ng ilang araw kapag tatamaan ang weekends.
10731  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 17, 2019, 09:34:22 PM
Ok na guys. medyo matagal lang bago dumating pero nakuha ko rin ngayong araw ang pera ko.
Maraming salamat sa tulong nyo. akala ko kasi ako lang nakakaranas ng ganun.
Hindi instant yung coins.pro to coins.ph.

Dati kasi instant sila pero nagbago na, ewan ko kung ano ang dahilan ng pagbagal kung pwede naman nilang pwede gawing instant. Sino pala dito nagbabayad ng bill sa coins.ph? hindi na ba tinatanggap kapag lagpas na sa due date?
10732  Economy / Gambling discussion / Re: [2019-09-12]-Sportsbet.io - BTC Symbol on Sleeve of EPL Club Watford FC on: September 13, 2019, 09:08:58 PM
You just made the community proud by not just putting up your logo/website on their t-shirt but you didn't forget to add the bitcoin symbol. It's all over the news now and this will reach other gamblers too who are still taking the conventional way of gambling online.

It might encourage them to start gambling with bitcoin now.
10733  Economy / Gambling / Re: Creating a Daily Fantasy Site on: September 13, 2019, 08:36:39 PM
As long as it relates to gambling, you have to but it's still best to ask a legal counsel that will work on it.
10734  Local / Pilipinas / Re: Baguhan - gusto matuto mag trade on: September 12, 2019, 10:40:29 AM
Mukhang hindi na din naman ata interesado si OP. Pagkatapos magtanong ng isang tanong kung paano magtrade at saan maganda magtrade, nung may mga sagot na hindi na din naman nagreply.

Yan ang kinagandahan ng Binance hindi need ng KYC kapag maliit lamang ang itartrade mo kumpara mo naman sa iba na hindi na nga sikat ang arte pa dahil need ng KYC kung hindi di mo mawiwithdraw yung pera mo mula sa site nila.  Kaya ako Binance pa rin talaga ako dahil alam ko na safe at napakaganda ng kanilang service na matutuwa kang magtrade sa kanila.
Pasok at recommended talaga ang Binance dahil dyan at yung fees nila hindi naman ganun kataasan.
10735  Local / Pilipinas / Re: Heads up: $5 Wrench Attack on: September 11, 2019, 11:41:13 PM
Akala ko more on technical pero tama ito para maiwasan yung mga ganitong pangyayari.

(https://www.theblockcrypto.com/linked/13422/bitcoin-trader-tortured-by-a-group-of-robbers/)
(https://thenextweb.com/hardfork/2019/07/15/police-rescued-bitcoin-traders/)
10736  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 11, 2019, 11:17:05 PM
Abang abang ka lang sa announcement ni coins.ph kaso mukhang malabo makakuha nun kapag galing sa kanila kasi kaka announce palang nila, dami na agad nakakakuha nun.
If sa social media accounts sila mag bibigay ubusan talaga with in minutes lang yan, pero minsan nag bibigay sila while you're browsing sa mismong app nila, which random yun, so every user may chance na makakuha basta may app lang ng coins.
Di pa kasi ako nakakachamba, laging ubos. Sana swertihin ako this time kapag may ibibigay sila habang nagbo-browse ako.

Last 2017 marami nag-sshare sa mga crypto social media groups. Dahil na rin siguro maraming paldo that time. 2018 medyo dumalang saka napansin ko iyong ibang crypto social groups halos namatay na. And yes, wala pa 2-3 minutes na-claim na lahat. Kaya ngayon puwedeng abang na lang sa coins.ph or may ma-encounter pa sa mga groups.
Sa sobrang dami ng nagke-claim hindi talaga ako nakakuha at walang swerte pero sana naman sa mga pagkakataon ngayon, kapag may mag send ng link meron pang natitira.  Tongue
10737  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 10, 2019, 11:35:31 PM
hindi ko pa naranasan na makakuha ng pao sa coins. ph , paano ba ito makukuha , may mag eemail ba o kaya magpapadala ng txt message through verified number ng isang user ng coins. ph? Ito rin kasi ang gusto ko maranasan sa coins. ph yung makakuha ng pao kahit isang beses lang , at ano yung nasa loob ng pao na yun?
Chambahan lang makakuha niyan, tulad nga sabi ni harizen pwedeng galing sa kakilala mo. Pero nagbibigay din naman si coins.ph na galing sa kanila at never ako nakakuha nun. Minsan laman nun P50 di ko lang sigurado kung may mas higit pa.

Abang abang ka lang sa announcement ni coins.ph kaso mukhang malabo makakuha nun kapag galing sa kanila kasi kaka announce palang nila, dami na agad nakakakuha nun.
10738  Local / Pamilihan / Re: Bakkt Exchange Launching!!! on: September 07, 2019, 10:04:00 AM
Sobrang excited nako nito. Sana $100,000 per Bitcoin is real sa taong ito.

https://www.bakkt.com/index
Excited din ako kasi nung 2017 hindi lang x10 ang nangyari kay bitcoin pero hindi ko na muna inaasahan na magiging $100k yan sa taong ito. Kapag naging on na itong kay Bakkt, susunod na din mga mainstream exchanges at magiging hot topic na ang bitcoin sa kanila. Siguro tapos na yung accumulation time kasi halos lahat sila nakatingin at excited na eh. May halving pa next year kaya kapit lang mga kabayan habang maaga, mag ipon pa. Kahit may 1 bitcoin o two decimal bitcoin ka malaking bagay na yun.
10739  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: September 07, 2019, 09:11:15 AM
Naalala ko lang iyong Ang-Pao kasi di ba pag Ber months yata nagsisimula iyon.

Or maybe pag malapit na ang Christmas? Basta sure ako malapit na yan. Smiley
Hindi ko rin sigurado kung tuwing Christmas season ba ang Ang Pao nila, kasi ang pagkakaalam ko tuwing Chinese New year naman.

Yes, I remember, Christmas and Chinese New Year.

Parang di akma no if walang Ang-Pao kapag Chinese New Year since if I'm not mistaken sa kanila galing to lol.
Kaya nga sa mga Chinese galing ang Ang Pao kaya napapanahon talaga kapag new year nila kaya na adopt na rin natin kapag pasko.

Ber months, may magpapaulan ba ng Ang-Pao dyan? Smiley

Kelan release nyan? Magpapamigay ako. Unahan.
Actually meron na siya, sa php wallet send option, din may options dun na "Send an ang pao"

Ohh meron na pala, pwede na.

Yung nagsabi na papa ang pao siya, pwede na! haha
10740  Local / Pamilihan / Re: Traveloka App: Puwedeng pangbook ng hotels and flight thru coins.ph on: September 06, 2019, 09:48:47 AM
Hinahanap ko sa mismong website ni coins.ph yung mismong traveloka app pero mismo sa app pala manggagaling yung bill. Hindi ko pa nagagamit yang app na yan sa pagtravel ko pero salamat sa pag share at mas mapapadali ang bayad kapag dadaanan kay coins.ph

Na gets ko yung paliwanag ni greatarkansas, nasa mismong app yung biller at kailangan mo lang ilogin at iverify yung transaction kapag gagamitin na pambayad ang coins.ph.
Pages: « 1 ... 487 488 489 490 491 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 [537] 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!