Bitcoin Forum
June 20, 2024, 03:48:57 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 [542] 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 ... 696 »
10821  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin to $10,000 soon! on: June 04, 2019, 08:08:03 PM
Balik nanaman sa below $8K!

May nabasa ako na isang post sa reddit na may nagbenta daw ng 25K BTC sa coinbase tapos binili ulit lahat sa mas mababang halaga at may kasama pang 10M USDT.

Eto na kaya ang huling pagbaba bago ang nakatakdang pag-angat sa $10K?
Dami kong nabasa tungkol sa transfer na yun. At iyan yung sinisisi ng karamihan kung bakit bumaba yung presyo ngayon at maraming nagsasabi na manipulated talaga ang market ng mga whales.

Para sa atin, kung ikaw ay medyo natatakot sa market ngayon dapat hindi. Kasi dapat mas bumili ka pa ng bumili bago umakyat ulit, alam natin na nasa bull run na tayo at yung mga ganitong uri ng pagbagsak ay oras pa rin para mag-accumulate tayo.
10822  Local / Pamilihan / Re: Ang tatlong kinikilalang Major Bitcoin Platforms sa Pilipinas on: June 03, 2019, 11:36:34 PM
Napakagandang simula ang tatlong bitcoin platform na ito para sa ating bansa, napakabilis at convenient gamitin ang mga platform nayan, sana tuloy tuloy na ito. And hopefully soon marami pa ang bitcoin platform na lalabas. Ang cryptocurrency ay ang future hindi lang 1st world countries na  bansa pati na rin sa mga developing countries.
Pinaka convenient sa lahat ang coins.ph kasi all in one na siya. Hindi lang 3 ang total exchange sa bansa natin at sa totoo lang meron paring mga competitor ang kumukuha palang ng lisensya nila sa BSP. Medyo magiging mahirap na sa kanila ang competition kasi nga established na si coins.ph pero ganun pa man, meron parin naman na mga tao ang naghahanap ng mga bagong exchange para ma-try. Kapag may competition maganda yan para sa ating mga consumers.
10823  Local / Pilipinas / Re: May nakaka alam ba ng profitability ng antminer D3 miner ngayon? on: June 03, 2019, 11:15:27 PM
Nasubukan mo na ba itanong to sa Mining Speculation section(https://bitcointalk.org/index.php?board=81.0)?

Try mo ipost doon at sigurado mas may malinaw kang sagot na mababasa.
10824  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [TOKPIE] Gawing Totoo ang iyong Pangarap 💣💣💣[Bounty Stakes Trading]💣💣💣 on: June 03, 2019, 10:56:56 PM
Di ko makita sa https://coinmarketcap.com/ ang exchange nila, hindi pa siguro listed.

Tanong ko lang, may nakapag benta naba ng stakes sa exchange na ito? at kung mero, magkano ang nakuha niyo na price compared sa ICO price?
Wala sila sa coinmarketcap tulad ng ibang exchange, marami naman hindi nakalist sa cmc kasi nga baka ayaw na nila magbayad pa dyan. Pero nasa coingecko naman sila.

(https://www.coingecko.com/en/coins/tokpie)
(https://www.coingecko.com/en/coins/tokpie/trading_exchanges)
10825  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: June 03, 2019, 10:29:49 PM

Received the holiday notice via in-app or email?

The usual na mismong holiday magkakaroon ng changes sa cashout e napaaga ngayon and effective today Tuesday.

Iyong pang instant emergency ko na GCASH eh di available. Aalis pa naman kami sa mismong holiday sa Wednesday. No choice but to withdraw some extras sa LBC para di mahassle sa araw ng alis.
Yes nareceive ko na din yan at naka-ekis nga yung sa gcash. Akala ko by Wednesday pa yan, yun pala nakabago ang schedule. LBC ka nalang dahil no choice ka nga naman talaga para instant mo na makuha ngayong araw o kaya bukas.

Pero if may balak magcashout sa LBC, mas maganda ngayong araw na gawin lalo sa mga may lakad bukas. Maaga nagsasara ang mga LBC branches pag holiday except sa malls.
Oo tama pag holiday maaga sila magsara or else sarado talaga sa mga selected branches. Eid'l Fitr sa mga kabayan nating mga muslim.

Wala akong natatatanggap na ganyang notice sa akin simula kahapon until today. Magcashout din ako using gcash tapos temporary available pala sayang naman. Maganda pa naman gumala bukas kasi holiday dapat bukas pa yung mga hindi available cashout nila.  Pero alam ko sa gcash laging pwede magcashout kahit dati kahit may mga event or holiday sa Pilipinas.
Pwede mo nalang voluntary na i-check dito lagi : https://status.coins.ph/
10826  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Harmony - Bukas na Kasunduan para sa 10 Bilyon on: June 03, 2019, 10:09:12 PM
Sobrang overwhelming nung opening niyo ha. Ang taas ng tinaas niyo sa unang araw palang at marami palang umaabang sa project niyo kaya masasabi ko na napakaganda ng opening niyo.
10827  Local / Pamilihan / Re: Philstocks.ph partnership with Coins.ph on: June 03, 2019, 07:43:46 PM
Mayroong magtuturo at sana magawan ni op ng paraan para magkaroon ng guide about sa philstocks.ph tungkol sa partnership nila para naman alam ng karamihan ito ay mungkahi ko lamang pero sana matupad para sa mga nagbabalak sa philstocks ay may guide sila at hindi na sila mahihirapan pang maghanap at magtanong kung kani-kanino.
Antay lang tayo ng reply ni OP kasi mukhang busy siya at sinabi niya din naman na gagawa siya ng update kung ano na nangyari sa kanya. Kasi ngayon bagsak din ata ang stock market kaya mas maraming bitcoiners ang magkakaroon ng interes na bumili din sa dip ng stocks. Kaya habang maganda bumili sana sa mga susunod na araw may makikita na tayong thread na nagtuturo yung mga how-to at iba pang tutorial. Gusto ko din sana makakita ng tutorial galing sa isang stock trader expert.
I'm now interested in definitely making an account with Philstocks and probably cashing in some of my BTC earnings to it. Ang alam ko Php 5000 yung minimum nila. I have met someone that has Philstocks account at nalaman ko kung bakit yun yung gusto niya na broker. Maganda daw kasi yung mobile interface niya at madali i-access kasi may application talaga for that, mapa iOS man or Android. Siguro masimulan ko yan soon.

To be continued soon.
Nakita ko na yung bagong thread mo tungkol sa philstocks.ph at paano mag cash in through coins.ph

Pwede mo na rin siguro i-lock itong thread at doon nalang tayo magpatuloy magdiscuss tungkol sa philstocks.
10828  Local / Pamilihan / Re: NBA Finals 2019 ( Warriors vs Raptors) Betting Discussion. on: June 03, 2019, 06:34:52 PM
I think we could clearly decide on what team to go for after the 3rd game.

Almost majority ng mga tao is nag titiwala na sana manalo ang raptors. Knowing that it could be GSW to take the Championship again. Maybe the people have just had enough of them. They are really strong too. Let's see what the Raptors will do when KD gets back.
Dito sa amin hindi, puro GSW ang pinapaboran ng karamihan dito. At yung mga friends ko naman sa facebook sobrang bandwagon, nakakainis. Nung nanalo yung Raptors nung game 1 todo post ng mga magaganda plays at predictions nila. Ngayon naman na natalo yung Raptors, nagpopost nanaman ng mga nakakainis na bagay kung paano matatalo yung Raptors. Kung anoman mag champ sa series na ito, GSW o Raptors deserve nila yun kaso meron pala talagang mga ganung tao na makasabay lang sa hype. Para sa kin, underdog talaga sa series na ito Raptors.
Marami talaga ang bandwagon hindi yan maiiwasan sa isang tao. Napakarami nila kahit sa mga kaibigan ko rin ganyan yung iba.
Para sa atin champion pa rin silang lahat dahil hindi madali ang ginagawa nila at talaga naman super ang gagaling nila sa larangan ng basketball. Kahit matalo ang GSW okay lang sa kin pero malakas ang chance ng team nito na maging champion.
Sa Thursday naman ang game 3 at sure ako marami nanaman ulit magpopost ng mga hinanakit nila tungkol sa dalawang team. Okay lang naman sa akin yung ganun kaso yung loyalty naman siguro hindi issue sa kanila. Kaso ang papangit kasi ng sinasabi nila for both teams kapag natatalo. Ok lang maging bandwagon o maging fan tuwing finals lang pero kapag natalo yung bet nila, halos sisihin na nila yung team na hindi naman akma. Nasabi ko lang kasi ganito talaga yung nangyayari.
10829  Local / Pamilihan / Re: Binance DEX, Decentralized nga ba? on: June 03, 2019, 06:04:02 PM
Sa tweet na yan ni CZ, confirmation yan na hindi talaga fully decentralized ang Binance DEX.
10830  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price & movements [Discussion] on: June 03, 2019, 05:34:26 PM
Pumalo ng $8k at bumaba din agad agad hanggang sa $8491 kani-kanina lang.

Nagtouch na pala sa $9000 yung bitcoin. Kaso parang naging saglit lang hindi kase ganun kakapal yung bar nya. Ang alam ko yun yung indicator din eh. Siguro na exhaust sya nung umangat sya nang ganun. Naglagay ba ng source si LFC_bitcoin. If reliable ang source nako next time ipag base-an natin.
Oo umabot siya ng $9k kaso sa sobrang bilis hindi ko rin na witness ng harap harapan.
10831  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: June 03, 2019, 04:32:26 PM
2017 year of crypto talaga to madami satin ang nakaranas ng mgandang bagay dahil sa pagkakataong yan di man tayo yung talagang kumita ng malaki ang nagkaroon ng mga bagay bagay ang maganda don e naranasan natin ito.
Halos lahat naman kumita nung end of year ng taong yan. Sobrang taas ng bitcoin at halos lahat ng nagsisipagbenta tiba tiba talaga kasi hindi mo na iniisip kung magkano ba talaga ang value ng bitcoin na binebenta mo kasi nga mataas siya masyado. Marami na rin nagsasabi na yung bull run na dadating ulit, mas higit pa sa nangyari sa taong 2017. Kaya kung ikaw ay nakapagtiis sa bear market ng 2018 at ngayon ay nag-aaccumulate ka lang, sulit yung pagtitiis mo.
10832  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Paano at Kailan kaya Mareregulate ang mga ICOs sa Pilipinas? on: June 03, 2019, 12:30:01 PM
Kailan ginawa ang pac coin? Meron akong nitong coin nato ang problema lang hindi ko akalain mabubuhay pa to hanggang ngayon kasi ang problema ko hindi ko rin ma withdraw yung pac coin ko galing sa yobit bakit kaya.?

Ang yobit hindi naman nag rereply kasi wiwithdraw ko sana yan nung tumaas presyo ng mga altcoin.
Wag ka na umasa sa yobit, rude ang support nila at talagang walang kwenta katulad ng mga feedback dito sa forum. Walang volume ang pac coin, kala ko dati tataas yang coin na yan kaya bumili ako. Tapos nung nagkaroon ng redemption parang na pump ata saglit yan tapos hindi na tumaas. Ngayon, wala na parang dead coin na yan kahit na merong masternode yan kaso parang wala naman na atang magandang market para sa coin na yan, give up nalang.
10833  Local / Pilipinas / Re: Paano mo ipapaliwanag? on: June 03, 2019, 10:26:09 AM
Kaya kung may mga tinuruan kayo ng pagbibitcoin make sure na sabihin niyo lahat ng mga risk na possible na mangyari sa pera nila at walang sisihan. Mayroon kasing instances na ikaw na nga nagmalasakit sisirain ka pa nila if hindi sila maging successful dito. Ituro din dapat ang mga dapat iavoid if magsimula sa pagbibitcoin para iwas scam din ng mga pera nila.

And I think that's the common problem with some people. Hindi sila open-minded. Papasok sa isang sitwasyon nang di alam ang risks. Yung napaliwanagan naman ng maayos but they still choose to be ignorant. Tapos pag may nangyari na di umaayon sa kanila, blame-game ang ending. "Si ganito kasi", "si ganyan kasi", "kasalanan to ni ano eh". Hay nako! Those who know enough like us here will do our job in explaining but they should also do their job of listening and taking responsibility of their actions. Kung may hindi maintindihan, "Huwag mahihiyang magtanong."

Katulad nalang nitong nangyari lang sakin ngayong umaga, merong nag chat sakin na 15k daw binili niyang bitcoin nung 2017. Sabi ko naman, nagtanong kayo sa akin kung anong bitcoin at wag kayo basta basta mag invest kundi pag aralan niyo muna. Parang pinapalabas pa na ako yung sinisisi dahil sa losses nila. Makailang ulit ko sinabi na pag-aralan kung maglalagay ng pera at kung maari nga sana kahit 100 pesos lang para afford na afford yung loss. At meron pang isa, nagtanong ulit sakin, anong investment daw ang hindi tulad ng bitcoin kasi hindi naman daw tumataas, like what? itong mga tao na ito nagtatanong ng advise pagkatapos mo advisan parang ikaw pa yung nagiging mali kaya hindi ko na sinasagot.
10834  Other / Off-topic / Re: Where can I sell handmade goods for cryptocurrency? on: June 03, 2019, 10:07:46 AM
There is no such place
Wrong, there is.

It is a pity (Maybe there is a platform for the sale of paintings?
You may want to check Goods(https://bitcointalk.org/index.php?board=51.0). There were same products being offered there before.

On the form most of the men, and I have a lot of products for girls.

At the forum they buy little (

https://bitcointalk.org/index.php?topic=1820915.0
This is the platform that I'm talking about and it seems that you are aware of it. Try to join some forum or groups that has the same interest of what you're selling, you may find those interested people in there on social medias.

And if still doens't help, be open to study more about e-commerce.
10835  Local / Pamilihan / Re: Journey with Philstocks using Bitcoin on: June 03, 2019, 09:46:44 AM
Nice, ito yung inaantay ko. Bali ba yung form na isesend back mo sa kanila, may mga valid ID's na required nila?

Waiting sa mga update mo crwth at mukhang sabay sabay tayong magkakaroon ng panibagong investment na legit na pwede paglagakan ng kita natin sa bitcoin at yun ay itong stock market natin.
10836  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: PREDICTION GAME - ETH PRICE! on: June 03, 2019, 09:06:32 AM
Congratulations sa inyong lahat na nanalo, sayang sumobra lang ako ng predict ng $200. Meron pa bang susunod na round nito creeps?
10837  Local / Pamilihan / Re: NBA Finals 2019 ( Warriors vs Raptors) Betting Discussion. on: June 03, 2019, 08:49:27 AM
I think we could clearly decide on what team to go for after the 3rd game.

Almost majority ng mga tao is nag titiwala na sana manalo ang raptors. Knowing that it could be GSW to take the Championship again. Maybe the people have just had enough of them. They are really strong too. Let's see what the Raptors will do when KD gets back.
Dito sa amin hindi, puro GSW ang pinapaboran ng karamihan dito. At yung mga friends ko naman sa facebook sobrang bandwagon, nakakainis. Nung nanalo yung Raptors nung game 1 todo post ng mga magaganda plays at predictions nila. Ngayon naman na natalo yung Raptors, nagpopost nanaman ng mga nakakainis na bagay kung paano matatalo yung Raptors. Kung anoman mag champ sa series na ito, GSW o Raptors deserve nila yun kaso meron pala talagang mga ganung tao na makasabay lang sa hype. Para sa kin, underdog talaga sa series na ito Raptors.
10838  Local / Pilipinas / Re: PREDICTION PRICE OF BTC in Q2-[GAME PRIZE] on: June 03, 2019, 08:17:47 AM
Congrats sa winner! at doon din sa 2nd place.

Sana may part 2 pa itong prediction price game.
10839  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: June 03, 2019, 05:19:17 AM
Napakabagal ng response nyo coins.ph! Yung cash-in ko from coinspro, hindi pa din nagrereflect sa coins.ph account ko. Ilang araw na nakalipas pero ni-isa walang nagpifix ng issue ko. Alin pa ba pwede contakin bukod sa email at in-app service nyo. Nakaka-HIGH blood kayo!
Sa tingin ko may problema sila noong nakaraang araw. Hindi ko pa kasi ginagamit ang coinspro ko kaya hindi ko pa alam pero sana masolve na yang problema mo pwede pa update kami balak ko kasi gumamit ng coinspro baka magkaproblem din ako para direct na ko sa coins.ph magcoconvert nang bitcoin para waka akong maging problema . Please update mo kami ah.
Ok naman na yung sa support at kapag ganyang sobrang bagal, nagrereklamo din ako agad mismo sa support. Nakakakuha naman ako ng matinong reply at inaamin naman nila na problema sa end nila. Naranasan ko yan pero hindi katulad nitong araw na nag post si kabayan sa problema nya sa crediting ng coins.ph > coinspro wallet balance niya. At kung gagamit kayo ng coinspro i-check niyo nalang lagi itong status nila;
https://exchangestatus.coins.asia/
10840  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin to $10,000 soon! on: June 03, 2019, 05:04:45 AM
Nakakatuwa naman isipan yung $100K per btc this year  Grin Grin Grin
so within 6 months from 8K to 100K ayon sa time traveller. Makapag-imbak na nga, pero nonetheless let's accumulate. I think we all agree na inevitable ang pagtaas ni bitcoin.
Mukhang masaya nga kung aabot sa $100,000 ang bitcoin ngayong taon pero wag masyadong umasa hehe. Para kasi sa sitwasyon ngayon, unrealistic yung claim na yan wala pa nga tayo sa 10% ng claim na yan. Ako kahit wala yang time traveller na yan ipon ipon is life talaga. Kasi sobrang speculative at madaming nagsasabi na tataas, sa 2020 at 2021 doon ako umaasa na medyo tataas kasi nga halving ulit tayo next year at mukhang mas may magandang mangyayari.
Pages: « 1 ... 492 493 494 495 496 497 498 499 500 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 [542] 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!