Bitcoin Forum
June 21, 2024, 02:22:43 PM *
News: Voting for pizza day contest
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 [551] 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 596 597 598 599 600 601 ... 696 »
11001  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 17, 2019, 02:07:29 PM
Magkano ba fees ng coins.ph pag nag convert ka ng bitcoin to php at php to bitcoin? O ilang percent difference ng buy at sell ng coins?
Malaki ang agwat ng buy at sell pag nag convert ka sa coins, sayang din yung mababawas kaya kung gusto mong makatipid i try mo itong tips ni GreatArkansas.

Sekretong Malupit sa Pag Convert to PHP sa Coins.ph!
Maganda ang suggestion niya, pero hindi working sa iba dahil beta test lang yan at yung waiting list parang puno na siya now.
I tried to sign up, pero hindi ako successful, kaya tiis tiis nalang muna tayo sa coins.ph.

I tried to create an account also, kaso need pa nga mag join sa whitelist and parang maghihintay pa din para malist ka sa coins.pro nila dahil beta test pa nga lang at limited lang pwede gumamit. Ganda neto ah malaking discount din lalo na sa mga malalaki na amount kung mag convert kay coins.ph
Siguro isa ako sa maswerte na na-accept sa waiting list at na-approve kaya na-enjoy ko yung benefits ng higher rates kapag nagbenta.

Di ko alam kung closed-beta na ba yan o kailan nila i-release yung official.
11002  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: May 17, 2019, 01:08:54 PM
Malabo, pwedeng hindi mangyari o kaya mababa ang chance na mangyari. Sang ayon din ako na maliit ang chance na makita natin yung $30k per bitcoin pero hindi nangangahulugan na hindi yan mangyayari. Sa ngayon kasi malabo pa natin makita kasi ang baba pa ng price at medyo malayo pa tayo sa ganung expectation. Ang ibig naman sabihin ni ipwich, yung bull run na nag-trigger sa bitcoin na pumalo ng $20k ay ilang araw lang na pwedeng mangyari ulit.

Di ko xa matatawag na bull run dahil bumabalik at bumabagal ung pagtaas ng presyo. Unlike nung 2017 rapid talaga ung pag akyat nya bumaba man saglit lang then tatalon ulit yung presyo. Buti ako nag benta n ko nung pumalo ng 8k usd. Bibili ako ulit pag nag below 7k. Positive feeling ko na this year lagpas 20k usd yan.
Nag below $7k kanina kaya sana nakabili ka. Sabi ng iba bull run na ito at yung ganitong pag dump ay isa lang sa mga normal na galaw ng bitcoin kasi para balance. Halos ganito din naman yung galaw nung 2017, malayo pa tayo sa December at marami pang pwede mangyari kung susubaybayan mo yung market sa buong taon. Ako abang abang lang ako kung kailan pwede magbenta ng medyo malakihan para sa akin, sa iba maliit lang yung halaga na bebenta ko pero para sa akin malaki na ito.  Wink
11003  Local / Pilipinas / Re: Bitcoin price & movements [Discussion] on: May 17, 2019, 12:56:33 PM
Mukhang magiging masalimuot ang holdings ko ngayon ah, kung ano ang bilis ng taas ng presyo bumawi naman agad na biglang baba, kaninang umaga nasa around 8k pa ata ang presyo kung di ako nagkakamali pero ngayon pababa na naman sa 6900$.
Bumaba nga siya ng $6900 pero wag mong sabihin na masalimuot holdings mo. Ganyan talaga galawan ng market at hindi sigurado kailan at pagtaas at pagbaba, kung nagbenta ka kahapon o kaya kaninang umaga may kita ka sana kung bibili ka ngayon.

Mabuti nga po malaki ang itinaas ni Bitcoin, kung nagkataon na nagstop ito ng $7000, baka maging support lang nito ay nasa $5500 to $6000, pero malakas ang support sa $6000 to $6300 kahit malaki ang galaw nito from $8000 down to $7000.
Ito yung positive na nasa isip ko, okay parin ang prices ngayon compare nung mga nakaraang buwan.
11004  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mungkahi para sa 2019 senatorial candidate on: May 17, 2019, 12:39:40 PM
Walang interesado na malaking personalidad sa crytocurrency sa bansa natin kahit nga si manny na nabalita na mag popondo ng isang cryptocurrency launch eh hindi naman naopen ang tungkol sa pagpapalawig sa cryptocurrency sa pinas.Hindi pa siguro ito ang tamang panahon para magamit ang cryptocurrency sa pinas
Sa ngayon wala pa kasi hindi pa matunog kung anong pwede makuha ng gobyerno sa cryptocurrency. Kapag nag-boom ulit ang market at matunugan yan lalo na ng mga senator tingin ko baka magpataw na sila ng tax at siguradong lahat tayo damay doon. Lahat ng mga kikitain natin ay subject to tax agad o di kaya automatically deducted na sa mga exchange na gagamitin natin pang convert into cash. Para sa akin ang pinaka madaling lapitan kapag mga ganitong issue ay si Senator Jv Ejercito, kaso yun nga lang nanganganib siya kasi pang 13 siya.
11005  Local / Pilipinas / Re: BTC challenge on: May 17, 2019, 11:12:28 AM
Ayos hindi niya talaga ginalaw yung kinikita niya. Sa atin kasi medyo mahirap mag ipon lalo na kung may mga obligasyon ka monthly at kung may anak ka din.
Indeed, kaya minsan kahit gusto mong wag muna galawin mapipilitan ka talaga lalo na kung para sa pamilya. Minsan nga napapaisip ako na kung single lang siguro ako ang dami ko ng pinera. Hehe

Kahapon lang kahit hindi ko gusto kinailangan ko mag cash-out dahil emergency although maganda ang timing kasi umabot ng $8300 yung bitcoin.
Sigurado ako halos lahat tayo ganyan yung nasa isip. Kahit gusto natin mag ipon kaso yun nga lang may nakalaan na budget na para doon. Kung single lang din ako panigurado nabili ko na din yung mga bagay na gusto ko. Kaso ganito ang pinili natin at kailangan na bumuhay na pamilya at kailangan din magbayad ng buwan buwan na mga bill natin kasama na yung kuryente, tubig at internet. Buti nga kahapon nakatiming ka kasi bumaba presyo kanina.
11006  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Harmony - Bukas na Kasunduan para sa 10 Bilyon on: May 17, 2019, 10:47:46 AM
Ang Binance ay naglabas na ng update tungkol sa gaganaping Harmony Token Sale mababasa po natin ang mga detalye dito:
https://binance.zendesk.com/hc/en-us/articles/360028476111-Introducing-the-Harmony-ONE-Token-Sale-on-Binance-Launchpad
Ang laki pala ng total supply ng token na yan 12 billion.

At yung ibebenta lang sa binance launchpad ay 12.5% ng total supply niya. May lottery pa palang magaganap, good luck sa mga eligible para sa lottery nila.
11007  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: [ANN] FreedomOptions.io Simpleng Taas/Baba na mga Prediksyon na Bayad ay BTC,ETH on: May 17, 2019, 10:24:09 AM
Kung sino man ang representative ng freedomoptions, sabi ko sayo burahin mo yung ibang bump thread mo kung magbu-bump ka ng thread mo dito.

Paano makukuha ang tokens sa pamamagitan ng pag sunod sa twitter? Magkano ang halaga ng token sa kasaluyan at kung maaring malaman kung saan matatagpuan ang paliwanag sa proseso sa pagsali?
Meron silang bounty program, puntahan mo lang yung thread nila (https://bitcointalk.org/index.php?topic=5139264.msg50891322#msg50891322)

Tinignan ko din yung twitter nila, naka-pin ito (https://twitter.com/FDMCrypto/status/1127076518247653377)
11008  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 17, 2019, 10:13:09 AM
Kahapon lang tumaas ang presyo ng bitcoin hanggang $8300 pero ngayon ang presyo nito ay bumababa ng mahigit $1000 at ngayon ito na lamang ay $7300 pero panalangin natin na hanggang dito na lang ang value nito at huwag nang bumababa ulit dahil magdudulot na naman ito ng napakalaking dump sa crypto market. Sa ngayon sa tingin ko bumababa ang chance natin na nasa bull run na tayo dahil sa nnangyari today.
Sakit sa dibdib nanaman pero positive ang outlook ko sa nangyari, kesa mag stay tayo ng sobrang tagal sa $3k - $5k okay na din yung nangyari na pumalo hanggang $8k at medyo nag correct sa $7.3k. Wala tayong magagawa kapag tumagal pa sa $7k ulit ang bitcoin pero tingin ko marami raming mga institution ang bumibili ngayon kasi parang may signal na patapos na ang bear market. Ito lang yung sa tingin ko nangyayari kaya uso parin ang pagpapakalat ng FUD.
11009  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 17, 2019, 09:49:31 AM
Magkano ba fees ng coins.ph pag nag convert ka ng bitcoin to php at php to bitcoin? O ilang percent difference ng buy at sell ng coins?
Walang fees yan pero kung nakikita mo yung "BUY" and "SELL" rate nila. Dyan magbabase kapag nagbenta at nag bumili ka.

Sa percentage, hindi ko alam kasi nagbabago bago yan at walang permanente talagang porsyento.
11010  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: [TOKPIE] Gawing Totoo ang iyong Pangarap 💣💣💣[Bounty Stakes Trading]💣💣💣 on: May 17, 2019, 09:28:32 AM
Ah ganun ba, ayos. Tingin ko ito ang feature na magpapataas talaga ng volume sa Tokpie. Susundan ko ang development nito. Pagkakaintindi ko eh pwede din ibenta stakes na galing sa ibang campaign, tama ba?
Ang pagkakaalam ko meron lang silang mga partner na bounty na pwede nilang i-list. Kaya dapat kung may sasalihan kang bounty yun yung nakapartner at nakalist sa kanila.

Kaya kahit may stakes ka sa ibang campaign pero wala naman sa kanila, hindi mo mabebenta yun.
11011  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 17, 2019, 08:55:16 AM
Base lang talaga sa experience ko sa pag bobounty na kung meron na sa exchange yung token tapos yung presyo ay pwede na, para sa akin huwag na talaga mag dalawang isip dahil kung pababayaan mo pa yan may tendency talaga na magbebenta yung ibang kalahok sa bounty then maiiwan ka ng maliit na halaga lang yung mabebenta mo.
Yung mga nag-aantay kasi ng mas mataas pa na price nagiging greedy yung ganun. Lahat tayo may greedy mentality at sakin naman sa trading. Kaya kapag merong exchange kang nakita para sa mga bounty tokens niyo, benta na agad at wag na wag nang magdalawang isip. Mababa man para sayo pero ok na yun at least kumita ka na at hindi nasayang yung effort mo. Kasi ang bilis lang ng galaw ng market araw araw at hindi natin alam baka yung tokens na meron kayo sa exchange na yun baka wala ng value pagkatapos ng ilang araw.
11012  Local / Pilipinas / Re: LEARN TO TRADE ON CRYPTOCURRENCY WITH THIS GREAT PLATFORM! on: May 17, 2019, 08:34:07 AM
Una kong nalaman itong investagram sa isang co-OJT ko dati na isang business ad course graduating. Nung una di ko pinapansin yun kasi halos araw araw kapag duty namin lagi siyang nagbubukas, yun pala ang laking tulong pala niyang investagram.

Magandang praktisan ito kung gusto mo maging day trader, yun sa kanya naman phil stocks at sa atin naman pwedeng magamit ito sa crypto trading.
11013  Local / Pilipinas / Re: BTC challenge on: May 17, 2019, 07:11:19 AM
maganda nga yon na mag ipon na nga lang kesa bumili ng pangsarili lang o di kaya yung makikisabay ka lang sa uso kasi kung nag iisip ka talaga alam mo kung ano ang dapat , tulad na nga lang na kesa bumili ka ng mamahalin na di naman kailangan na meron naman na mura na ganun eh ipunin mo na lang , like kung ibubuhos  mo lang ang oras at panahon mo sa paggagastos wala kang mararating, mas maganda na may ilaan kang oras sa pagbibitcoin kasi habang nagbibitcoin ka wala kang ginagastos nanjan ka lang sa bahay niyo at jan ka na lang nag iikot kesa sa malls
Wag kang maki-ayon sa mga tao ngayon na kung may uso magsisipaggayahan. Walang mangyayari sayo kapag ganyan ang mindset mo, dapat isipin mo lang kung anong focus mo at anong gusto mo maabot bago tumaas ang presyo ng bitcoin.

Makapag save nga ng pang bili ng 1 Bitcoin. Baka sakali makaipon ako nun :p

Kahit wag ka ng bumili, nakaka earn ka naman ng btc, yung nalang is save mo.

Gayahin mo ang participants ng isang signature campaign sa forum, na yung weekly income nya ay di niyan ginalaw.

sa address na ito - https://www.blockchain.com/btc/address/1DcsQTccCzxdwPnCbmZops9n6sEZ5spCwR
Makikita natin na naka save na siya ng total 1.5862 BTC or $ 12,711.33 sa price ngayon.

Never siyang nag withdraw, gawin nating inspirasyon yan.

Ganyan din sana plano ko kaso inaabot ako ng mga pagkakataon na kailangan ko ng extra money malaki kasi binabayaran monthly kaya hindi din masyado makapagtago pero kapag lumaki pa siguro value ni btc kahit papano may matira na Smiley
Ayos hindi niya talaga ginalaw yung kinikita niya. Sa atin kasi medyo mahirap mag ipon lalo na kung may mga obligasyon ka monthly at kung may anak ka din.
11014  Local / Others (Pilipinas) / Re: Paano ba gumawa ng animated avatar? on: May 17, 2019, 06:36:00 AM
Wala na din purpose kung gagawa ka di mo magagamit sa forum bawal na daw yung mga animated pero exempted yung naka wear dati ng animated before sa new rules. Na confused kasi ako diyan bakit yung iba naka wear naman kaya nag tanong ako sa Meta noong nakaraang araw.

https://bitcointalk.org/index.php?topic=5141465.msg50980656#msg50980656
Tama, yung mga may animated avatar tulad ko na nakapagsuot pa dati hindi na matatanggal yan unless tanggalin ko o di kaya i-force tanggalin ng forum mismo.

Kaya yung ibang nasa campaign din namin hindi na animated avatar kasi nung sinuot nila yung avatar, nagbago na yung rule nun at pinagbawal na.
11015  Local / Pamilihan / Re: Mga useful sites na pang reference ng newbies na nagtitrade ng bitcoin on: May 17, 2019, 03:42:18 AM
Pataas na si btc
Ngayon ngayon lang bumagsak yung price sa $7100.

Ang madalas na gamitin na website ng karamihan ay coinmarketcap pero meron ding ibang website na pwede rin gamitin as alternative sa cmc. Meron ding coingecko, minsan dyan ako nagchecheck ng price minsan nagkakaiba sila ng price sa CMC pero ok naman siya gamitin. Sa mga day traders, normal lang ang tradingview.
11016  Local / Pilipinas / Re: Mag update ng latest 3.3.5 Electrum on: May 17, 2019, 03:01:41 AM
May bago na naman release today:

https://twitter.com/ElectrumWallet/status/1129091608618643456

Mukhang busy and dev, kaka update lang natin heto na naman ang bagong release.
Halos karamihan ng update nung nakaraan sa 3.3.5 ngayon 3.3.6 agad agad.

Palagay ko merong bug yung update nila kaya nag realease kaagad ng bagong update O di kaya yung unang update ay part 1 palang yung ngayon part 2 na. either way mabuti ng mag update na tayo kaagad para hindi na tayo madali sa kung ano man meron sa old version nya.
Meron talagang mga issue na kailangan agad nilang ayusin.

(https://github.com/spesmilo/electrum/issues)

Edit: naunahan ako ng ilang minuto ni travelmug hehe
11017  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 17, 2019, 02:44:23 AM
Tingin ko baka milyon milyon yung wini-withdraw mo sa kanila kaya siguro naging aware sila at dinodouble check ka nila. Ganyan din yung tinanong sakin about sa source of funds, tingin ko karapatan naman nila yun kasi registered sila sa BSP at iniiwasan nila ang money laundering. At meron din naman silang rule tungkol sa mga source na hindi nila tatanggapin pero hindi nila madaling i-verify yun kung galing ba sa casino o sa source na hindi nila accepted.

Di ako against dyan baka namislead ka sa post ko ah hehe. Kailangan talaga yan kahit dati pa. Normal yan.

Ang ayoko lang is pumili sila ng random sa mga "recent" transactions. Sobrang panghihimasok na iyan sa privacy. BTC0.005,BTC0.01, BTC0.2 , tama ba isa isahin mga past transactions ko. Dami ko na nasabi sa kanila source of income with complete proofs pa pero pati mga mini transactions itatanong pa. Buti sana kung kulang kulang pinasa ko e.

Pero move on na ako dyan. Waiting na lang ulit ako next year hehe.
Medyo kakaiba na yung tanong na yun na pipili ng random transaction sa ganung halaga. Sakin hindi naman natanong yung ganyan, kung saang source lang at nasagot ko naman honestly yung tanong na yun at wala namang naging problema.

Mukhang nakagawian mo na yearly may panibagong verification sayo ha. Sakin inaantay ko wala naman silang pinipilit kaya tingin ko medyo ok ok pa ako, antay nalang din ako kung kulitin at pilitin nila ako pero sana wag muna.
11018  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: May 17, 2019, 02:15:15 AM


para sakin bro malabo yung 30k na yan ang pinaka malapit na pwedeng mangyare e yung 20k ATH e mareach ulit sana lang mangyare ulit yun this year at madaming opportunity na bumukas para maka earn ng bitcoin.

Hindi malabo ang 30K, the bull run started early, so malaking chance makukuha yan this year.

read this article   BTC took 45 days to hit $20,000 after it first tested $6,900. Will history repeat? , maybe it will change your mind.

Ibig sabihin siguro @bitkoyns eh maliit lang chance na mararating ang $30K which I agree. It's not about the number of days but what would be the underlying factors that would push the price this time? Last 2017, may nagsasabi na ang pag-legitimize ng Japan kaya bumulusok.
Malabo, pwedeng hindi mangyari o kaya mababa ang chance na mangyari. Sang ayon din ako na maliit ang chance na makita natin yung $30k per bitcoin pero hindi nangangahulugan na hindi yan mangyayari. Sa ngayon kasi malabo pa natin makita kasi ang baba pa ng price at medyo malayo pa tayo sa ganung expectation. Ang ibig naman sabihin ni ipwich, yung bull run na nag-trigger sa bitcoin na pumalo ng $20k ay ilang araw lang na pwedeng mangyari ulit.
11019  Local / Pamilihan / Re: Coins.ph Official Thread on: May 17, 2019, 01:51:26 AM
~snipped~
Grabe yung sayo harizen ang dami nun, sakin isa lang talaga simula last 2017 o mga January ng 2018. Nako siguro isa ka sa mga malalaking transactions at withdrawal sa kanila kaya need nila i-verify ka ng maraming beses.  Cheesy

Salamat at may ideya na ako kapag pala hindi ka nag-comply sa another interview na gusto nila, ganyan pala mangyayari. Hindi ko parin gets yung basehan nila kasi sa ngayon parang iba yung case mo sa karamihan na hindi nag-comply.


Makulit yan. Dec to January almost weekly ako may notifs. Di ko pinapansin kasi nga tapos na ako e tapos mang aabala na naman sila. Surely sa amount involved talaga yan. Kasi iyon iba kakilala ko wala ganyan e. Active ako nung 2017 and last year.

What I dislike is ung itatanong pa nila kung saan galing iyong isa sa mga transactions ko. Di pa ba sapat iyong nasagutan kong mahabang forms saka iyong live na sagot ko about source of funds. Pumili talaga sila habang nag-lilive interview. No choice e need maging mahinahon.
Tingin ko baka milyon milyon yung wini-withdraw mo sa kanila kaya siguro naging aware sila at dinodouble check ka nila. Ganyan din yung tinanong sakin about sa source of funds, tingin ko karapatan naman nila yun kasi registered sila sa BSP at iniiwasan nila ang money laundering. At meron din naman silang rule tungkol sa mga source na hindi nila tatanggapin pero hindi nila madaling i-verify yun kung galing ba sa casino o sa source na hindi nila accepted.
11020  Local / Pilipinas / Re: Patay na nga ba ang dominanteng bear? on: May 17, 2019, 01:32:14 AM
Medyo humihina na ang pag pigil bigla bigla nalang naging ganto yung price ng coin natin pero sa mga oras nato nag down nanaman siya ng 300$ i think correction then green candle uli (sana).Sana manalo na ang bull
Dumaan na sa bottom kaya kung meron mang mga correction, minimal nalang yun at kung iisipin natin basic at normal na galaw nalang yun ng market. Ang maganda sa nangyari yung opposite reaction sana ng mabilis na pagtaas ay mabilis na pagbulusok pero iba ang nangyari.

Kaya tingin ko dapat ang bawat isa na nandito maging thankful sa nangyayari at wag masyadong mag isip kung kailan ba talaga sobrang tataas presyo ng bitcoin. Kung iisipin natin ngayon, tumaas na siya pero marami parin nag-eexpect ng mas mataas pa.
Pages: « 1 ... 501 502 503 504 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 [551] 552 553 554 555 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 596 597 598 599 600 601 ... 696 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!