Bitcoin Forum
July 01, 2024, 11:56:07 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
  Home Help Search Login Register More  
  Show Posts
Pages: « 1 ... 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 [555] 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 596 597 598 599 600 601 602 603 604 605 ... 697 »
11081  Local / Pilipinas / Re: Crypto transactions in the Philippines reach $390 million in 2018 on: May 11, 2019, 09:41:24 AM
Malaking amount ang $390 million ibig sabihin maganda ang progress ng adoption dito satin.

Hindi halata pero mukhang marami na talaga ang crypto users sa pinas kahit puro negative ang nababalita sa news about crypto.

Hindi na ko magtataka kung ngayong taon tataas pa ang crypto transactions dito satin dahil gumaganda na din ang market.
Ang maganda rin kasi sa bansa natin open na open yung gobyerno natin kapag tungkol na sa cryptocurrency. Hindi mahigpit tulad ng ibang bansa na parang galit na galit sa crypto at ayaw nila ng adoption.

Isang example na pabor na pabor ang Philippine gov't sa crypto.
(http://manilastandard.net/lgu/luzon/266739/ceza-to-be-haven-for-blockchain-crypto-exchange-fintech-ventures.html)
11082  Local / Pamilihan / Re: Trading Platform na Gamit ng mga Pinoy on: May 11, 2019, 07:04:40 AM
Tutal gumagamit ka naman na siguro ng coins.ph

Bakit hindi mo subukan gumamit ng coins.pro.asia? coins.ph din ang may-ari niyan at dyan ako madalas nagte-trade. Medyo tumataas na yung volume nila. Iilan nga lang yung mga altcoin na pwede mo i-trade sa kanila.

- XRP
- BCH
- ETH
11083  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Harmony - Bukas na Kasunduan para sa 10 Bilyon on: May 11, 2019, 06:40:18 AM
Kung ito yung mas kumpletong thread para sa harmony, mas mabuti sana kung ipa-close mo nalang yung isa tapos ilagay na lahat ng details. Mas maganda kasi kung isang thread lang lahat ng details niyo tapos nandun na lahat lahat pati yung community channels niyo.
11084  Local / Pilipinas / Re: All green right now? on: May 11, 2019, 05:53:57 AM
Pag makita natin ang $7000, we can be more optimistic with the $10K.
At ito na nga ang hinihintay nating lahat, $6700 na siya at ilang daan nalang magiging $7k nalang. Tingin ko ito yung nakakaba na part na kapag lalagpas na siya sa current price level niya. Kasi iniisip ko dati na sa $3k-$4k palang hirap na hirap na makaalis pero ngayon ito na yung inaasam asam nating lahat. Yan din yung price na iniisip ko na kapag umabot man tayo ng $10k ito na rin siguro yung sign na talagang totoong totoo na nasa bull run na tayo.
11085  Local / Pilipinas / Re: PREDICTION PRICE OF BTC in Q2-[GAME PRIZE] on: May 11, 2019, 05:24:49 AM
snip-
Probably those who predicted price around 6k+ dollars have a high chance to be lucky winner but who knows kung ang bitcoin price ay bigla nalang mag pump up again and hit the price 7k dollars in the market. Well, that is a big wow. Ain't know what is the reason behind of this sudden pump but I guess we are facing now into bull run market.

Sino kaya ang mananalo? malayo pa June 01, pero mas excited ako kung sino mananalo sa halalan 2019 ngayon May 13..haha. Cheesy
Baka nga talaga na nasa bull run na tayo, karamihan ng mga nababasa ko puro ganun sinasabi pero mahirap parin magsalita na bull run na nga hangga't hindi pa convinced ang karamihan. Basta yung mga nag-predict ng $6k+ yan yung mga may chance na manalo hehe. Medyo off topic na yung usapan sa election kaya hindi ko na dadagdagan yung discussion tungkol dyan hehe. Sayang di ako naka-abot nakapag-predict din sana ako.
11086  Local / Others (Pilipinas) / Re: Mag Ingat Sa Mga Facebook Scam on: May 11, 2019, 05:09:03 AM
Grabe naman, bakit kaya madaming tao na gusto ng easy money. Bakit kailangan mangloko para lang magkapera, mas masarap kaya sa feeling yung pinaghihirapan mo. Well anyways, kailangan lang tayo mag doble ingat ngayon bago mag invest o maniwala sa mga post mas ok talaga yung sa kakilala mo o subok na.
Ang mentality kasi ng karamihan sa mga kababayan natin, basta easy money ok na. Hindi nila tinitignan kung anong merong risk sa ganung uri ng kalakaran, ako natuto na ako na-scam na ako dati sa facebook nung di ko pa alam yung bitcoin kaya ngayon inaapply ko yung natutunan ko. Mas maganda parin talaga yung pinagpaguran at pinaghirapan mo yung tatanggapin mong pera. Ingat lang lagi sa mga invest invest dahil hindi sila tumitigil sa pagbabago ng scheme nila.
11087  Local / Pamilihan / Re: Binance na hack! on: May 10, 2019, 09:26:21 PM
I blame this hack for making bitcoin trading at $6K now, LOL.
The hack might be a stage one, CZ is very intelligent this suppose to result a dump but it did not happen, instead we have the opposite.
Maganda at maayos na take ng binance itong hacking incident na ito. Hindi tumaas yung ibang alts pero sulit na sulit naman yung galaw ng bitcoin. $6400 na halos presyo ng bitcoin at tingin ko susunod din naman mga ibamg alts. Marami paring mga traders ang nagtitiwala sa Binance sa kabila ng nangyari, hindi tulad ng ibang na hack yung exchange, dump agad.
11088  Local / Pamilihan / Re: Paano kaya pag ma-hacked si Coins.Ph? on: May 10, 2019, 08:44:16 PM
5 milyon na ang user ng coins.ph at sana lang talaga ay mas maging secure pa ito para hindi mahack gaya ng binance na noong nakaraang araw lamang ay natangan ng halos mahigit $40 million . Wala talaga sigurado sa online dahil lahat ay may posibilidad na mangyari ito kaya dapat maging handa. Ako bukod sa coins.ph may ibat ibang wallet akong ginagamit incase na may mangyari mayroon pa rin akong bitcoin.
Ganyan din strategy ng mga nabasa ko dati, scattered yung bitcoin holding niya sa ibat ibang wallet para in case na may mangyari daw sa isang wallet, meron siyang back up  fund sa ibang wallet naman. Dapat maging ganito yung strategy ng lahat o di kaya wag lang talaga ilagay sa isang exchange like coins.ph kasi hindi natin sigurado kung anong pwedeng mangyari.
11089  Local / Pilipinas / Re: All green right now? on: May 10, 2019, 12:17:20 PM
Magandang magbenta ngayon ng coins/token kung nakabili ka sa bear market. Wag nang maging greedy pa kasi sa ngayon, di natin alam kung bullrun na ba talaga o hindi, pabago bago kasi talaga ang market. At baka mamiss na natin ang uptrend.
Tama yan, wag masyadong greedy at benta kapag kumita na. Ako nakapagbenta ako kahapon kaya medyo okay okay na din ako pero syempre naghahangad parin ng medyo mataas kaya meron akong nakalaan na pondo para sa mas matagal na paghohold.

Sabi nga ni Warren Buffet, kapag maraming greedy matakot ka at kapag maraming takot, maging greedy ka.

Isa talaga ang pagiging Greedy sa kalaban natin dito sa mundo ng crypto, kaya hangga’t maaari kung kumita na, benta na agad pero wag natin i-all out  at buy back na lang para sa susunod na pagtaas para kikita ka ulit, baka sa kakahintay natin ng peak ay bigla na lang babagsak ang merkado at magsisi tayo sa huli
Benta at monitor lang, kapag medyo bumaba bili agad. Ganyan lang talaga dapat gawin ng mga traders pero kung hindi ka naman talaga umaasa sa day trading at long term holding ka, hindi mo na dapat isipin yan. Ang dapat mo lang isipin kapag nag benta ka, wag mo na panghinayanangan kasi nakapagbenta ka na.

Maganda ang galaw na mabagal ngayon hindi katulad dati na mabilis nga umakyat lagi naman kasunod ang dump mas ok ngayon na slowly but surely
Mas okay nga yung ganitong galaw, medyo confident ako nakikita yung market kapag ganito.
11090  Local / Pamilihan / Re: BSP already approved 10 licensed crypto exchanges in total on: May 10, 2019, 11:45:32 AM
Good news to para sa ating lahat. Sa palagay ko eto na ang simula ng pag tanggap ng mga filipino sa crypto currency. Siguro naman ngayon hindi na sila matatakot dahil mismong bangko sentral ng pilinas ang nnag authorized sa mga platforms na to. Sana tuloy tuloy na para maglaroon na ng bagong currency ecosystem sa bansa natin. Mas dadali kasi ang buhay ng mga may business online kung totally ia-adoptnatin.
Basta okay sa gobyerno ang cryptocurrency, walang magiging problema. At mismong banko sentral pa ang nagsabi at aware sa mga cryptocurrencies kaya supported talaga ng Philippine gov't kung ano man ang development kapag tungkol sa cryptocurrency. Siyempre hindi kasama yung mga crypto related scam at iba pang mga scheme na ginagawa ng mga mapagsamantala na ginagamit ang kasikatan ng bitcoin para gumawa ng kalokohan at manloko ng kapwa.
11091  Local / Altcoin Announcements (Pilipinas) / Re: [ANN] FreedomOptions.io Simpleng Taas/Baba na mga Prediksyon na Bayad ay BTC,ETH on: May 10, 2019, 11:10:18 AM
Kung mag-bump ka ng thread mo, burahin mo yung unang bump mo as per forum rule.
11092  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 10, 2019, 10:39:14 AM
May dahilan kung bakit bumagsak ang Poloniex mula sa pagiging top exchange bago pa umarangkada ang Binance. Isa na dyan ang bumaba ng husto ang reputasyon nila.
Ang dahilan ata ng pagbagsak nila kasabay ni bittrex yung sa KYC. Dyan nagsimula mawalan ng gana halos karamihan ng mga traders kasi gusto nila yung hindi na kailangan ng KYC para lang makapagtrade. Sa ngayon naman ok ok parin naman ang poloniex at bittrex yun nga lang naungusan na sila ng Binance sa kasikatan. Meron pang isang exchange na maganda din base sa mga reviews niya, may gumagamit ba dito ng kucoin?
Sa tingin ko hindi ang KYC ang naging dahilan ng pagbagsak ng  Bittrex.  Kung matatandaan natin, nagdelist ang Bittrex ng mga security token.  Iyan marahil ang naging dahilan ng paghina ng Bittrex.  Bukod dito, ang Binance ay may limit sa mga non-verified member.  Hangang 2 BTC lang ang pwede nilang iwithdraw, kaya ang Binance ay nagpapanukala rin ng KYC sa mga users nila na malakas magtrade.
Pwedeng yang dalawang factor ang naging dahilan kung bakit bumaba ang mga trader sa bittrex. Hindi natin masabi na bumagsak kasi hanggang ngayon okay parin naman sila at operating parin.
Sa Binance, mataas parin yung limit nila na 2 btc kaya para sa mga small traders ok lang kahit hindi na i-verify kasi ok naman ang limit nila.
11093  Local / Pilipinas / Re: PREDICTION PRICE OF BTC in Q2-[GAME PRIZE] on: May 10, 2019, 10:07:49 AM
Sino kaya sa kanila ang swerti na mananalo?
Mukhang yung mga nagpredict ng $6k+ yung mas may chance Manalo.  Smiley

Parang ito na ang pinaka hihintay natin ang bull run na mangyari, ano sa tingin niyo?
Sana nga ito na yung bull run na hinihintay natin. Nakaka-excite Makita kung sino yung mananalo hehe.
11094  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 10, 2019, 09:36:54 AM
May dahilan kung bakit bumagsak ang Poloniex mula sa pagiging top exchange bago pa umarangkada ang Binance. Isa na dyan ang bumaba ng husto ang reputasyon nila.
Ang dahilan ata ng pagbagsak nila kasabay ni bittrex yung sa KYC. Dyan nagsimula mawalan ng gana halos karamihan ng mga traders kasi gusto nila yung hindi na kailangan ng KYC para lang makapagtrade. Sa ngayon naman ok ok parin naman ang poloniex at bittrex yun nga lang naungusan na sila ng Binance sa kasikatan. Meron pang isang exchange na maganda din base sa mga reviews niya, may gumagamit ba dito ng kucoin?

Tama sa tingin ko din KYC ang pumatay sa kasikatan ng bittrex at poloniex.Mostly ang hinahanap ng isang trader is KYC free exchange para walang hassle sa pag tetrade at safe ang identity.Pangit kasi talaga na hihingan ka ng identity para makuha sarili mong pera mali naman yon
Kaso ngayon halos lahat may mga condition na at na-wrong timing lang talaga din yung polo and bittrex. Kasabayan din nila yung cex.io pero hindi na yan masyadong nagamit kasi nagstick lang ako sa iilang exchange hanggang sa dumating na yung binance. Sa ngayon, coins.pro ako nagte-trade maganda din na additional exchange yan ni OP kasi atin yan, pinoy exchange yan na base siya sa coinbase pro.
11095  Local / Altcoins (Pilipinas) / Re: Altcoin Discussion [Pilipinas] on: May 10, 2019, 09:16:44 AM
Lintek na team na yan hahahaha. Pasensya na sa pagmumura, nakakainis lang talaga mga taong malakas makapanloko. Kung hindi anonymous team, fake team naman. Mabuti na lang at mabilis na nabisto.
Uso talaga yung ganyan sa mga ICO, yung tipong akala mo professional lahat ng mga nasa team nila, yun pala fake at grabbed photos lang sa internet. Madami ng nabiktima ng mga ganitong uri ng project kaya ingat lang sa pag-invest sa mga ICO ngayon. Kung mahilig kayo sa altcoin, payong kapatid ko lang doon na kayo sa established na, yung merong community na sumusuporta at kilala yung mga developers na nasa likod nito para mas may kasiguraduhan yung pera na i-invest mo doon.
Malalaman mo kung scam sila o hindi pero hindi ka nakakasigurado dito Yes maraming anonymous na team na scam ang project pero may iilan pa rin naman. Meron nga diyan nakapost na ang information pati mukha nakuha pang mangscam hindi na talaga sila naawa sa mga tao. Kaya ingat ingat sa pag iinvest sa mga project.
Tama ka dyan minsan wala din yan sa team kung anonymous sila o naka expose ang tunay na identity.

Kasi kung gusto nilang mang scam kahit nakaladlad pa sila itatakbo at itatakbo parin nila ang pera ng investors.

Danas ko ito kaya nakakadala mag invest sa mga ICO, kala mo promising yung project dahil parang totoo pero nasa likod pala mga scammer.
Nakakadala mag invest lalo na kapag nabiktima ka na ng maraming beses. Kapag scammer talaga sila, darating talaga yung araw na mang-iscam sila, lahat ng hype gagawin nila para sa coin na yun. Kapag nakakolekta sila ng malaking halaga may isa pa silang way ng pang-iscam nila, ipa-pump muna nila yung coin/token nila. At kapag marami ng naging interesado at masyado ng mataas, doon sila magsisimula mag dump, ganito halos nangyari sa lahat ng mga pump and dump na coin.
11096  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 10, 2019, 08:56:10 AM
May dahilan kung bakit bumagsak ang Poloniex mula sa pagiging top exchange bago pa umarangkada ang Binance. Isa na dyan ang bumaba ng husto ang reputasyon nila.
Ang dahilan ata ng pagbagsak nila kasabay ni bittrex yung sa KYC. Dyan nagsimula mawalan ng gana halos karamihan ng mga traders kasi gusto nila yung hindi na kailangan ng KYC para lang makapagtrade. Sa ngayon naman ok ok parin naman ang poloniex at bittrex yun nga lang naungusan na sila ng Binance sa kasikatan. Meron pang isang exchange na maganda din base sa mga reviews niya, may gumagamit ba dito ng kucoin?
11097  Local / Others (Pilipinas) / Re: Fake bitcointalk forum site. on: May 10, 2019, 08:35:29 AM
pagkakaalam ko bitcontalk.org din yan?madami din ata ang nabiktima nyan e, dahil kung titignan mo sa unang tingin masasabi mong bitcointalk.org para kasi sa mga sanay na di na nila titignan yung isa isang letra nyan, mahirap na kapag narisk yung accounts kaya check muna bago magclick ng magclick.
Basta iwas lang sa mga email kapag may mga link na binibigay kasi papunta yun sa link nila. Maging aware at vigilant sa pag click ng link at ang pinakamainam para hindi mabiktima ng phishing...

I-bookmark ang bitcointalk.org.
11098  Local / Pilipinas / Re: Sino dito ang naka experience ng last bull run (2017) on: May 10, 2019, 08:12:32 AM
Mukhang lahat ng mga advice dito ay magagamit natin dahil mukhang bull run na talaga.
Bitcoin ngayon at nasa $6300 na, nag 100% increase na tayo compared sa pinaka dip na price from $20K.
May nabasa ako nagsasabi na posible maabot yung $10k ng ilang buwan. Mukhang lahat nanaman tayo masaya ulit kasi ilang hakbang nalang $7k na tapos sunod sunod na, sana nga bull run na talaga at parang ganitong ganito yung nangyari nung 2017. Kapag nagpatuloy mga December ulit baka makakita nanaman tayo ng all time high na panibagong experience. Basta ang masasabi ko lang sa ngayon, sulit lahat ng pinagdaanan nating lahat nung 2018.
11099  Economy / Gambling / Re: [DOTA 2 - BETTING PREDICTION] [FREE] [W: 12] [L: 4] on: May 10, 2019, 07:57:51 AM
It isn't too late, we're now heading to the tier one teams matches, all match are Bo3.

PSG.LGD vs VP = this is a tough decision for me, both are great teams but I'll go with the Chinese team.
Team Liquid vs Vici Gaming = VG is a chinese team and they are underrated team but Liquid is still on another level.
OG vs Team Secret = I respect OG as TI8's champ but Secret for me on this series.
EG vs NiP = former captain of EG will be against his former team but still EG got this.
11100  Local / Pamilihan / Re: Ano ang dapat tignan bago sumali sa isang exchange on: May 10, 2019, 07:24:57 AM
Meron ding dapat I-consider bago ka mag-register sa isang exchange, yun ba ay kung active ang support nila. Para sa karamihan ito ang pinakamahalaga kung okay ba yung customer support response nila. Kasi di natin masabi na minsan kung delay o may problema tayo sa withdrawal at deposit, sila din mismo kasi ang lulutas nun dahil sila ang namamahala ng operation nila. Sana madagdag yan kasi isa yan talaga sa pinakamahalaga na dapat tignan ng mga soon to be trader.
Pages: « 1 ... 505 506 507 508 509 510 511 512 513 514 515 516 517 518 519 520 521 522 523 524 525 526 527 528 529 530 531 532 533 534 535 536 537 538 539 540 541 542 543 544 545 546 547 548 549 550 551 552 553 554 [555] 556 557 558 559 560 561 562 563 564 565 566 567 568 569 570 571 572 573 574 575 576 577 578 579 580 581 582 583 584 585 586 587 588 589 590 591 592 593 594 595 596 597 598 599 600 601 602 603 604 605 ... 697 »
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!