sino na po ang nakaranas na mag cash out sa bank account nila sa bank na bdo at pagdating mo sa bdo at tinanong ka kung ano ang source of income mo ay sinagot mo naman ay bitcoin tapos iclosure daw nila ang account mo dahil may bahif daw ng bitcoin dahil yan daw ang order ng bsp.. Totoo ba to ang nbabasa ko sa mga social media.. Kasi po kung totoo po dapat c coins.ph mag advise din po kung saan pede ilabas ang bitcoin natin pra maging cash.. Kasi kung walang action din c coins.ph posible malugi ang negosyo nila..
feeling ko po ay hoax lang ang balitang iyon, and kung totoo man, siguro mali din nila kasi sinabi nila na sa bitcoin galing ito. pero nag point din kasi nito ay kung totoo man, bakit naman mag bibigay ng lesensya ang BSP sa coins kung bawal pala ang transaction sa banko kung may kinalaman sa bitcoin?
Tama nga naman, wag kayong magpapaniwala sa mga balitang ganyan, basahin ninyo and memorandum and circular ng bsp
nag downloadable naman sa webiste nila, kung wala namang nilabag na batas, hindi maaring i close ang account natin ng kahit anong bangko.
yep ang daming fake news ngayon tungkol sa bitcoin. kaya wag basta basta magpaniwala.
sa banko ako nag ta-trabaho and wala silang kaalam alam sa bitcoin, ang tanging alam lang nila investment sya at bukod dun wala na. imposibleng iclose ng banko ang account mo porket ginagamit ang bitcoin sa investment scheme.
Yung nakita ko po post sa fb may proof po sya di po ba talaga totoo yun iniisip ko na din po kasi pullout yung funds ko sa bank di nman po sya bdo pero nung nkita ko po ung sa fb na madami na daw po account na naclose dahil sa bitcoin natakot po ako. Pero naisip ko din naman po kung madami talaga naclose na account sana sobrang matunog si btc lalo na sa tv
naayos na ata ang isyu na ito eh. may bagong post yung muntikang ma close ang account, tinawagan sya ng regional manager at humingi ng tawad sa kanya. at ipapa reopen daw account nya. kung ako sa kanya, lilipat nalang ako at hindi na mag reopen. sa abalang dinulot nila, talagang mawawalan ako ng gana pag ganyan.
anyway, ang dapat nalanag gawin dito ay huwag kang mag sabi na c bitcoin ang source of income mo or else mag uundergo ka ng investigation.
Nabahala din ako sa issue na ito, mas maigi din siguro na through remittances na lang para safe talaga. Maaari kasing totoo ito, dahil nung nag-open ako ng BDO account, sinabi ko na yung source of income ko ay through trading, at nung nalaman nila na galing cryptocurrency hindi ako pinagbigyan na kumuha ng account, dahil daw nakahigh risk sa kanila ang bitcoin. Pero, gayun pa man, ang nagkamali daw dito ay yung branch, hindi malinaw sa kanila ang rules ng BSP.