Masasabi ko na madami talaga syang alam tungkol sa cryptocurrency at sa aking pagbabasa sa iilan nyang mga post, meron syang alam na nakakapukaw ng interes ng nasa "bitcoin core group" which is commendable naman talaga at kulang ang merit para duon. Para sa akin hindi sya magandang ehemplo, siguro pwede syang bayani pero para maging ehemplo, nako, sabog utak natin. What I mean sa "Hindi magandang ehemplo" ay hindi sya natutularan ng normal na tao na hindi gaanong 1.matalino (isa na ako) 2.hindi alam ang lahat ng spesipikasyon ng bitcoin network 3.hindi nakakaintindi ng coding at iba pa tungkol sa blockchain. Pero ito lamang ay opinyon ko, kung gusto nyo syang tularan walang pumipigil pero kulang lang talaga ang merit para sa taong ito kung kaya't kalmahan lang natin, no pressure, dapat i enjoy lang itong forum, wag hahabol sa merit.
Siguro ang ibig mong sabihin ay hindi sya "normal" o katulad natin na average lamang ang alam sa cryptocurrency. Tama lamang na nakakakuha sya ng maraming merits dahil sa kanyang napakagandang kontribusyo sa forum na ito. Sigurado ako di natin matutularan ang kanyang galing ang matutularan laman natin ay yung patuloy na pag-share kung anoman ang alam natin sa mundo ng cryptocurrency at kahit di tayo perfect sa grammar ay tuloy lang ang laban hehe...imagine mo rin lang kung wala din tayong mga average lamang eh mukhang boring din naman ang forum kasi kung may magaling yung mga katulad natin na di masyado magaling tayo ang humahanga o audience sa mga taong katulad ni TheYoungMillionare...kumbaga tayo ang tagapalakpak nila...kaya palakpakan din natin ang ating mga sarili!!